[MARTINA]
"Arayyyyy!" Daing ni Roy ng bigla ko syang sapukin ng malakas.
Hayup na 'to! Banggain daw ba ako sa hagdan kanina at biglang takbuhan ng hindi tinutulungan! Hayup! Sakit ng tuhod ko!
"Tanga ka, kasi! Napaka hayup mo!" Sigaw ko. Kumamot sya sa ulo.
"Hehehe, kasi naman e, magpapa-lunch daw kasi si Ma'am Esqueta.. kaya nung nalaman ko, ayun tumakbo ako. Baka maubusan e HAHAHA-ARAY NAMAN!" sinapok ko kasi uli sya.
"Patay gutom buset!" Inis na aniko at iniwan sya ron.
Pumasok ako sa room at pabagsak na naupo sa upuan ko.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Fighter na nagtatakang nakatingin sa'kin.
"Wala," mahinang usal ko at nag-iwas ng tingin. Ang sakit ng tuhod ko! Lintek na Roy yon! Napaka-patay gutom hayup!
"Huh? Ano nga?" Usisa nya. Umiling ako.
"Wala ng-"
"Isa! Ano nga!" Seryosong aniya. Umerap ako.
"Masakit lang ang tuhod ko." Aniko.
"Bakit?"
"Nadapa ako jan sa hagdan." Aniko.
"Bakit?"
"Gawa ni Roy."
"Bak-"
"Kapag hindi ka tumigil kaka-bakit mo! Susuntukin ko muka mo!" Inis na banta ko.
Ngumuso sya, "sweet mo talaga! Bakit nga?"
"Lintek! Sinabi ng masakit ang tuhod ko ano ba! Eto oh! Tignan mo namumula!" Inis na sigaw ko!
Kainis kasi e! Ayoko sa lahat yung kapag may masakit na parte ng katawan ko e yung salita ng salita! Yung tanong ng tanong! At yun ang ginagawa ni Fighter ngayon.
"E, bakit naninigaw ka? Pwede mo namang sabihin ng maayos ah! Hindi yong sisigawan mo 'ko!" Singhal nya. Abah!
"E, bakit 'ba kasi tanong ng tanong ka ha?!" Inis na asik ko.
"E, sa concern ako e! Malamang nagtatanong ako!" Sigaw nya pabalik, kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong tumayo para pantayin sya.
"Wag mo akong sigawan!" Sigaw ko.
"Wag mo rin akong sigawan!ako na yung concern sayo pero heto ka, para ka nanamang lion!" Singhal nya.
"Hoy tumigil na nga kayong dalawa! Nakakahiya pinagtitinginan kayo!" Sita ni Josh na inis na nakatingin samin ni Fighter.
Tinignan ko si Fighter na, nakatingin sa'kin. Inerapan ko sya at naglakad papunta sa pinto. Maging ang nakatayo ron ay binangga ko na. Bwisit ako e!
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang favorite spot ko ng school. Medyo ika-ika pa akong maglakad kasi nakirot ang tuhod ko.
Bwisit kasi ako kagabi pa! Paano pilit ni lola'ng binabanggit yung tungkol kay mommy! E, ayoko ngang pinaguusapan ang tungkol sa babaeng yon! At naiinis naman ako ngayon sa sarili ko dahil idinamay ko 'pa si Fighter sa init nf ulo ko! Kainis!
"Hoy lods!" Napalingon ako sa likuran ko ng may magsalita.
Inerapan ko sya, sino pa 'ba? As-use-wal! Ang nagiisang social life updated! Si Kenneth!
"Anong ginagawa mo di-"
"Anong nangyayari sayo?" Putol nya at naupo sa tabi ko.
"Na-bu-bwisit kasi ako e!"
"Kay P'fight?"
Umiling ako, "sa sarili ko." Tipid na sagot ko at nanggilid ang luha. Kainis kasi! Ngayon nalang uli ako naging bwitre! Kainis! At worst! Kay fighter pa! Kay fighter pa na concern lang naman sa'kin!
"Bakit naman?" Usisa nya.
"Kasi sinabi ko ang lahat ng yon kay fighter. I didn't mean to say that to him. I'm just annoyed kasi!" Inis na aniko. "I know na hurt ko sya sa pagsigaw sigaw ko kanina!"
"Bakit ka 'ba kasi annoyed? Tsa'ka akala ko 'ba, dahil lang sa tuhod mo? Bakit umalis ka 'pa sa room?" Aniya.
"Gusto kong magpalamig ng ulo. Mamaya-maya na ako babalik ron to apologize, sa ngayon di'to muna ako." Aniko.
"Ah, edi sasamahan kita." Aniya.
"What for?"
"Wala lang, mag-iisip isip."
"Ng?"
"Bagay bagay." Hindi na ako sumagot pa at nanahimik nalang ng bigla syang magsalita muli. Bigla syang tumayo. "Sure ka, ayaw mo pang bumalik sa room?" Tanong nya, tumango ako.
"Mmm."
"Sige ikaw bahala, pero balik ka agad ha? Una na 'ko sinilip lang talaga kita." Aniya. Nginitian ko sya.
Umalis na sya kaya naiwan na ako di'to magisa.
Pumikit ako at sumandal sa puno. Sumasakit ulo ko! Kainis kasi!
Martina, Apo, paano kung.. may dahilan pala ang mommy mo kaya nya kayo iniwan. Anong gagawin mo? - lola
"I don't know. But one thing for sure, I can't forgive her! She's a liar!" -me
"Apo... paano-"
"Why are you asking la? Ayoko po syang pag-usapan! Naiirita ako sakanya!"
"Pero sakabila ng lahat, sya parin ang nanay mo na, nagsilang say-"
"Na, ng iwan rin sa'kin sa huli. She left our family! Iniwan nya ako! Si kuya! Si daddy! Iniwan nya kami dahil dun sa kabit nya! So, what's the reason para patawarin sya?"
"Per-"
"Lola!... I don't want to talk about her! Matutulog na po ako."
Napamulat ako ng mata. Reason? Para san? Napakawalang kwenta nyang ina!
Tumagal lang ako ng Ilan pang minuto ron bago napagpasyahang bumalik sa room.
Naglalakad ako sa tabi ng banyo ng may biglang magsalita sa likod ko.
"What a cold hearted woman!" Aniya. Umerap ako at akmang dederetso ng paglalakad ng harangin nya ako.
"Ano ba Ella!" Inis na aniko.
"Bakit ganan ka?"
"Bakit? Inggit ka?"
Pagak syang tumawa. "Ako? Ang unang minahal? Maiingit sayo?"
"Well." Nagmamalaking aniko.
Inerapan nya ako, lumapit s'ya sakin. "baka nakakalimutan mo.. first love never dies." Aniya.
"Maybe," tamad na sagot ko.
"What?"
"Maaring first love ka nga.. maaring first love never dies nga... Pero, 'diba, talo ng true love and first love lang?..."
"At anong ibig mong sabihin, ha?!"
"Hindi lahat ng nauuna.. patuloy na pipiliin. Kasi minsan kung suno pa yung nauuna, sila pa yung binabaliwala, yung.. hindi pinipili. Tulad mo, hindi pa kami nung bumalik ka, pero bumalik ba sya sayo? Pinili ka 'ba nya?... hinde... So that only means, na you're just nothing at wala talaga s'yang balak balikan ka!... Laos ka 'na!....." Nang-aasar na aniko, lumapit ako sakanya at pinantayan ang muka nya, "Tandaan mo, daig ng branded.. ang brand X!" Aniko at nilagpasan sya, maging ang balikat nya, binangga ko.
"Argh!!!" Narinig kong sigaw nya, napangisi ako. I think I won again!
Nag-dire-diretso lang ako hanggang sa makarating sa room. Pinagtitinginan ako ng mga classmates ko ng pumasok ako. Syempre sino ba namang hindi magiging center of attention sa ginawa ko kanina?
Nahihiyang lumapit ako sa upuan namin, kung saan nandun si Fighter at naglalaro sa cellphone nya.
Mabilis akong lumapit ron, ramdam ko ang tingin sa'kin nila Marielle pero binalewala ko muna yon. All I care now is Fighter! I need to apologise!
Tumapat ako sa upuan nya,
"Fighter-" hindi na ako natapos ng pagsasalita ng bigla syang tumayo at niyakap ako. Sobrang higpit ng yakap nya, na para bang ayaw nya akong pakawalan. "F-fighter..." Usal ko.
"Sorry!.. sorry hindi kita inintindi! Sorry love! So-*sob*" natigilan ako.
Please guys! Don't... Don't tell me he's crying?
What the fuck?!
"Fighter umiiyak ka 'ba?" Tanong ko, lalu nyang hinigpitan ang yakap sa'kin at isiniksik ang ulo nya sa leeg ko. "Fighter." Usal ko.
Kumalas sya sa yakap at confirm nga! Umiiyak nga sya!
Pfft!- seriously?
Pinunsan nya yon ng parang bata. Pano, gamit ang pulso! Pukris na 'to! Bakla!
"Bakit ka umiiyak?" Natatawang tanong ko.
Mabilis syang umiling. "wala to, galit kapa 'ba sa'kin?" Tanong nya. Napatawa ako at umiling. Hinaplos ko ang pisnge nya at nginitian sya.
"Hindi ako galit. And besides I don't have the right to be angry, ikaw? Are you mad at me?" Tanong ko.
Mabilis syang umiling. "Hindi no! Medyo nairita lang ako kanina."
Ngumiti ako at yumakap sakanya, "good." Aniko at yumakap ng mahigpit sa'kanya, sya naman ay gumanti at hinalikan ako sa ulo.
"I love you love." Bulong nya.
"Love you too love." Bulong ko at hinigpitan ang yakap na agad rin nyang binawian.
"AAAAYYYYYYYYYIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEE!" Napatawa ako dahil sa inasta ng mga classmates namin.
"Lika," aniya at dinala ako sa upuan namin.
"Anong gagawin mo?" Takang tanong ko ng ipatong nya ang binti ko sa hita n'ya.
"Mama-sagges ko binti mo." Aniya.
"Wag na!" Aniko at pilit binabawi ang binti ko pero hindi nya binitiwan yon.
"Hayaan mo na ko!"
"Wag na nga sa-"
"Pag-aawayan nanaman ba natin 'to?" Aniya, natigilan ako at bumuntong hininga.
"Fine!" I said that makes him smile.
*****
(A/N: yeyyy! For another chappie readers! Keep safe always iloveyouall mwah 😘)
:,-)