When Two Broken Souls Collide...

By 2KG4LOFBLOOD

2.1K 64 2

Where do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there... More

Prologue
WTBSC 1
WTBSC 2
WTBSC 3
WTBSC 4
WTBSC 5
WTBSC 6
WTBSC 7
WTBSC 8
WTBSC 9
WTBSC 10
WTBSC 11
WTBSC 12
WTBSC 13
WTBSC 14
WTBSC 15
WTBSC 16
WTBSC 17
WTBSC 18
WTBSC 19
WTBSC 20
WTBSC 21
WTBSC 22
WTBSC 23
WTBSC 24
WTBSC 25
WTBSC 26
WTBSC 27
WTBSC 28
WTBSC 29
WTBSC 30
WTBSC 31
WTBSC 33
WTBSC 34
WTBSC 35
WTBSC 36
WTBSC 37
WTBSC 38
WTBSC 39
WTBSC 40
WTBSC 41
WTBSC 42
WTBSC 43
WTBSC 44
WTBSC 45
WTBSC 46
WTBSC 47
WTBSC 48
WTBSC 49
WTBSC 50
WTBSC 51
WTBSC 52
WTBSC 53
WTBSC 54
WTBSC 55
WTBSC 56
WTBSC 57
WTBSC 58
WTBSC 59
WTBSC 60 | Finally Whole Again
Epilogue | Final Collision
Special Chapter

WTBSC 32

22 0 0
By 2KG4LOFBLOOD

Maria Bella

"Oh Bella? Saan ka naman galing? Bakit ang dami mong dala? Kanina ka pa naming hinahanap ng mga binatang ito." Salubong agad sa akin ni Nanay nang makita ako. Mukha ngang kanina pa nila ako hinahanap. Ipinakita ko naman sa kanila ang mga pinamili kong karne at isda.

"Para po ito sa inyo. Pupunta po tayo sa pinupuntahan namin palagi ni Alice. At saka gusto ko po na makapag relax din kayo Nay. Masyado nyong pinapagod ang sarili nyo sa gapakan. "

"Naku tigilan mo nga ako Bella. Kayo na lang ng mga kapatid mo at ipasyal mo na rin ang mga bisita mo. Hindi ako makakasama sa inyo dahil ngayon ang dating ng trucking ng tubo." Sabi nya sa akin kaya napanguso agad ako sa kanya. Ang wrong timing naman.

"Sigurado kayo Nay? Hindi ba kayo pwedeng sumunod doon?"

"Kayo na lang. Saka hindi naman ako turista para masabik pa sa dagat." Natatawang sabi ni Nanay sa akin kaya inakbayan ko na lang sya papasok sa bahay at nakita namin sina Ravanni at Sir Damon na nagtititigan nanaman sa isa't isa. Hayyy pag ganito sila hindi na ako magtataka kung magkakagustuhan sila.

"Bella."

"Where did you go?" Halos sabay na tanong nila sa akin.

"Mag-ayos po kayo at ipapasyal ko kayo dito sa probinsya namin."

"Really?" Sabi agad sa akin ni Ravanni at lumapit pa ito sa akin. Kapag talaga pasyal una una 'tong lalaking 'to. Natawa tuloy ako sa kanya. Pagdating nga pala namin dito at tinatanong nya na agad ako sa mga pagpasyal na ganito.

"With him?" Turo agad ni Sir Damon kay Ravanni.

"With me and so what? If you want you can just stay here. It's better if you won't go with us."

"And who told you that I won't join? I'm going."

"Tsk."

"Huwag na kayo mag-away dahil kasama kayo pareho pati na rin sina Kenzo."

"Narinig ko yata ang pangalan ko dyan Ate?" Nagulat naman ako nang bigla na lang sumulpot si Kenzo galing sa kusina.

"Tawagin mo ang Kuya Aki mo pupunta tayo sa palagi naming pinupuntahan ni Alice."

"Talaga po? Ngayon na po ba?"

"Oo ngayon na." Natatawang sabi ko sa kanya dahil halatang excited sya. Tiningnan ko naman ang dalawang nakatayo lang sa harap ko at masama na naman ang tingin sa isa't isa. Sana naman pagkatapos nito maging maayos na silang dalawa. Ang hirap nila kasama pareho.

"Sir Damo-"

"It's Damon, Bella."

"Close kayo?" Singit naman agad ni Ravanni kaya napa-iling na lang ako sa kanila.

"Sige na po ah D-Damon, Ravanni? Tara na mag-ayos na po tayo." Sabi ko na lang sa kanila kaya naghiwalay sila parehas. Pinaghiwalay ko na sila ng kwarto para magbihis nang may ma-alala ako.

"Ahh Ravanni pwede bang makahiram sayo ng isang t-shirt at shorts?" Nagtataka naman syang tumingin sa akin.

"Why? Gagawin mo bang remembrance? May gamit ako ditong brief."

"H-Hindi noh! K-Kasi si Sir Damon nga pala wala syang damit dito dahil biglaan ang punta ny-"

"Edi maghubad sya."

"Ravanni?"

"Fine." Sabi nya lang kaya napangiti ako. Iniabot nya sa akin ang hinihingi ko sa kanya saka ako ngumiti sa kanya at tinapik tapik pa ang braso nya.

"Salamat. Puntahan ko lang si Sir Damon sa kabila huh?"

"Bilisan mo baka mamaya kung anong gawin noon sayo." Sabi nya sa akin saka nya tinanggal ang t-shirt nya kaya mabilis na akong lumabas ng kwarto at di na sya sinagot pa. Nakakainis sya di ba nya alam na babae ako at napapatingin ako sa bato bato sa tyan nya? Dumeretso na lang ako sa kabilang kwarto at pag-bukas ko ng pinto nakita ko doon sina Delaney at Kenzo, nagbibihis na rin sila.

"Wow Boss Damon pang-action star po ang katawan nyo. Alam nyo po bang pangarap ko magkaganyan?"

"You will have this if you have discipline and patience."

"Pwede ko po ba hawakan 'yan Kuya Damon?"

"Hoy Delaney bawal ka sa ganyan!" Saway ni Kenzo kay Delaney nang hahawakan nito ang abs ni Sir Damon. Nagpeke ako ng ubo para mapansin nila ako. Hindi ako makatingin kay Sir Damon dahil bukas ang na ang botones ng polo nya.

"Oh Ate andyan ka pala. Tingnan mo ang abs ni Boss Damon ang galing saka ang tigas tigas." Sabi ni Kenzo at hinawakan pa nya ang tyan ni Sir Damon. Ako tuloy ang nahiya sa ginawa nya.

"Uyyy namumula si Ate. Crush mo si Kuya Damon noh?"

"H-Hoy Delaney ang bata bata mo pa alam m-mo na ang crush crush na 'yan. Ibibigay ko lang 'to sa Kuya Damon nyo." Sabi ko saka ko iniabot ang pares ng damit kay Sir Damon.

"Thanks."

"Sige alis na ako. Kenzo, Delaney bilisan nyo para makapagbihis si Kuya Damon okay?" Sabi ko na lang saka ako lumabas ng kwartong 'yon.

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka? Anong nangyari?" Salubong sa akin ni Ravanni na nakakrus pa ang braso at deretsong nakatingin sa akin. Naka suot na sya ng isang plain white shirt at grey na shorts na hanggang tuhod nya. Gusto kong mag-sana all dahil halos pinkish na ang tuhod nya.

"Answer me."

"W-Wala. Nagulat lang ako dahil close na agad sila ng mga kapatid ko."

"Mas magiging close ako sa kanila kaya maghintay ka lang." Sabi lang nito sa akin saka sya lumabas papunta sa terrace. Iiling iling na lang akong pumasok ng kwarto at nagbihis na rin. Sinuot ko na lang 'yong sleeveless kong crop top at high waist na maong shorts. Hindi naman masyadong kita ang tyan ko doon at hindi rin masyadong kita ang legs ko total hindi rin naman ako maliligo sa dagat.

"What do you think you're wearing Bella?" Nagugulat naman akong napatingin kay Sir Damon dahil sya ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto.

"P-Po?"

"Anong po? Ang sabi ko bakit ganyan ang suot mo? Ang ikli ng shorts mo."

"H-Hindi naman po ah."

"Anong hindi? Wala ka na bang ibang damit dyan?"

"Let her Damon. If she's comfortable with that clothes let her hindi 'yong masyado mo syang pinapakealaman. Girls don't want to be ruled when it comes to clothes." Sabay kaming napatingin kay Ravanni. Hindi naman kasi ganon kaikli ang ang suot kong shorts. Sa tingin ko nga ay mga isang dangkal pa ang layo noon sa tuhod ko. At ang suot kong pang-taas, hindi naman makikita ang cleavage ko dito dahil fitted at round neck pa 'to.

"I am just concern."

"Concern your ass Damon. Let's go Bella kotse ko na ang gamitin natin."

"No, kotse ko ang gagamitin."

"Edi gamitin mo basta sa akin sila sasabay."

"Tumigil na kayo pwede ba? Pwede naman tayo sa isang sasakyan lang."

"And it's my car." Singit agad ni Damon pero mukhang hindi papatalo si Ravanni.

"Okay, para maayos na ito mag bato bato pick kayo."

"Bato bato pick?" Nagtatakang tanong sa akin ni Sir Damon.

"Oh ano? Huwag mo sabihing di mo rin 'yon alam? Halika dito tatalunin kita." Mayabang na sabi ni Ravanni at pumwesto pa ito sa harap ni Sir Damon na kunot na kunot ang noo. Ipinaliwanag ko na lang sa kanya kung paano ang gagawin dahil halatang hindi nya talaga alam. Para silang mga bata na ayaw magpatalo sa isa't isa.

"I guess it's the beginners luck?" Natatawang sabi ni Sir Damon kaya si Ravanni naman ang naka kunot ang noo. Nauna na rin itong lumabas sa amin at tinawag nya ang mga kapatid ko. Nandoon na rin sila Kenzo sa labas. Tiningnan ko naman si Sir Damon at nagkibit balikat lang ito sa akin habang ngiting tagumpay. Hindi ko kaylanman naisip na ganito sila. Para silang mga bata.

Sabay sabay na lang kaming sumakay sa kotse ni Sir Damon at pinagbuksan ako nito sa may passenger seat. Sasakay na sana ako nang si Ravanni ang sumakay.

"What are you doing? Doon ka sa likod dyan si Bella. She will told me where to go so leave that place."

"Bakit? Hindi ba nya maiituro kung nasa may likod natin sya? Oh come on Damon." Sabi lang nito at mukhang wala talaga syang balak na umalis doon kaya pinagbuksan na lang ako ni Sir Damon sa may likuran ng kotse rinig ko pa ang pagpaparinig nila bago kami makaalis.

"Deretso lang D-Damon kapag may nakita kang malaking arko na nakasulat ang Tanagan sabihin nyo po sa akin." Sabi ko na lang sa kanya at tumango na lang ito sa akin. Hanggang sa makarating kami ay puro pa sila parinigan sa isa't isa at talagang nakakarindi sila. Hindi naman na kami naligaw pa dahil deretso lang ang pupuntahan namin.

"Damon dyan mo na lang itigil ang sasakyan mo." Sabi ko sa kanya nang makapasok kami sa may isang maliit na daan. Kaylangan na naming maglakad mula dito dahil hindi naman kakasya ang sasakyan doon. At hindi ko maiwasan na mailang sa kanya dahil hindi pa ako sanay na Damon lang ang itinatawag ko sa kanya.

"Are you sure? Dito na ba ang punta natin?"

"Dito na tayo. Maglalakad lang tayo ng konti."

"Ano bang pupuntahan natin? Hiking or-"

"Camp site." Sabi ko na lang kay Damon at ako na ang unang bumaba at sumunod naman na sila sa akin. Dinala naman nina Ravanni ang ilang gamit  at kami naman nina Aki ang nagdala ng mga pagkain na dala namin. Mag-aalas dos na ng hapon at siguro bago mag-ala sais na ang uwi namin. Hindi naman kami pwedeng magpagabi dito.

Pagtapat namin doon sa may entrance ay kaylangan lang naming magbayad ng entrance fee at deretso na kami. Sayang lang at gagawin na pala itong public beach at camp site. Dati kasi wala pa ditong halos napunta dahil virgin island pa ito. Walang kuryente at peaceful talaga ang buong paligid kaya ito ang pinaka-paborito kong lugar.

"Welcome to Burot Sir. Bella long time no see, nakauwi ka na pala." Bati sa amin ni Mang Kiko. Sya na pala ang nagbabantay dito ngayon.

"Kakauwi ko lang po noong isang araw. Syanga po pala, si Ravanni po kaibigan ko at si Sir Damon po boss ko po sa Maynila."

"Ay ganon ba? Abay mabuti naman at naisipan mong bumisita ulit dito sa Burot ano? Miss ka na ng tagpuan nyo ng anak ni Mayor." Biro nito sa akin habang natatawa pero ngumiti na lang ako sa kanya at binalewala ko na lang ang sinabi nya.

"Saan po kami magbabayad ng entrance fee Mang Kiko?" Tanong ko na lang agad sa kanya dahil sa tingin ko ay naiinis na sila Sir Damon sa narinig nila.

"Naku libre na kayo hija. Hali kayo at sasamahan ko na rin kayo papasok sa loob. Rey, ikaw muna ang bahala dito." Sabi sa akin ni Mang Kiko at sumama na sa amin. Nagpasalamat na lang ako sa kanya dahil hindi nya kami kinuhanan ng bayad.

"Sya nga pala hija, huwag mong mamasamain ang tanong ko huh? Ano bang nangyari sa inyo ni Cohen? Bigla na lang namin nabalitaan na ikakasal na pala sya sa anak ng Bise ng ating bayan kaso ay wala namang nangyaring kasalan tapos bigla ka namang nawala."

"Bella, we should walk faster." Sabi lang ni Ravanni at tumabi na sa gilid ko. Nahahalata nya yata na hindi ako natutuwa sa mga tanong ni Mang Kiko.

"Wala na po akong balita sa kanya." Maikling sagot ko na lang dahil ayokong ungkatin pa ang nangyari.

"Ang alam ko ay wala ang buong pamilya nya dito mga nasa magdadalawang buwan narin at nasa Maynila silang lahat." Sabi nito sa akin kaya bigla akong napaisip. Hindi lang si Cohen ang nasa Maynila? Bakit nman sila pumunta lahat sa Maynila? At dalawang buwan? Napakatagal naman yata noon?

"B-Bakit daw po sila nasa Maynila?"

"Ang alam ko ay may sakit s-"

"Mang Kiko huwag nyo nang ikwento ang pamilya Alcasedo kay Ate. Hindi magandang pagchismisan pa ang buhay nina Mayor." Seryosong singit agad sa amin ni Aki. Mukha namang napahiya sa kanya si Mang Kiko. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sitwasyon.

"Oh sya nandito na tayo. Hanggang dito na lang ako at sana ay mag-enjoy ang mga bisita mo Bella. Kung may kaylangan kayo sabihin nyo lang sa akin huh?" Sabi sa amin ni Mang Kiko at umalis na ito. Dinama ko naman ang malakas na simoy ng hangin at ang sumasalubong na maingay na alon ng dagat. Sobrang nakakamiss ang lugar na ito.

"Beach?" Napatingin ako kay Damon dahil parang may mali sa tono nya.

"H-Hindi nyo po ba nagustuha-"

"Sana sinabi mong dito lang pala ang punta natin." Seryosong sabi nito sa akin at walang emosyon ang kanyang mukha. Malayo lang ang tingin nya sa dagat at kita ko kung paano kumuyom ang kamay nya.

May mali ba akong nagaw?








xyvil_keys

Continue Reading

You'll Also Like

110K 5.2K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
518K 10.8K 84
My Teacher Is My Husband Hindi lamang ako makapaniwala na sa isang iglap lamang ay mangyayari ito sa buhay ko, hindi naman ito kasama sa mga plano ko...
10.4M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."