One Shots

De grenadier0007

5.8K 209 228

A compilation of short stories as requested by readers. Mai multe

With A Smile
Minsan Lang Kitang Iibigin - 2
Minsan Lang Kitang Iibigin - 3
Happy Birthday

Minsan Lang Kitang Iibigin - 1

1.3K 47 47
De grenadier0007

Jema.

Finally, done all my night rituals. I'm so ready for my bed but not to sleep, but rather to read. It's Wattpad time.

This is one of my favorite apps in my phone. I love reading as it makes me relax and it really reduces my stress. Ikaw ba naman ang pagod na pagod sa buong araw na trabaho, kailangan mong mag destress bago matulog ah.

Reading about something you enjoy or losing yourself in a good book is an excellent way to relax. It eases tension in my muscles and my heart while letting my brain wander to new ideas aside from taking me to places I wanted to be. Lalo na yung mga lugar na nasa bucket list ko. Plus, I can live in someone else's shoes thru reading.

Kaya alam na this, if reading is good for me, lalo na siguro sa mga authors and writers. Sobrang andami nila na magagaling, different genre, you name it and you can find it in Wattpad. I usually read thrillers and mysteries but I don't know what happened, my interest suddenly took me into romance this time.

By the way, I'm Jema and I'm from Laguna. Nagtatrabaho ako sa isang kumpanya dito sa Manila under the Finance department.

Ako ay nangungupahan dito sa city para hindi ako nagko commute daily dahil may kalayuan din ang bahay namin. Bukod sa iwas sa trapiko at sa nakalalasong polusyon ay tipid pa ako sa pamasahe. Isama mo na rin ang advantage ng nakakapag pahinga ako ng maaga after work.

While searching sa trends, I found a story about lgbt. Mukhang maganda ito based sa number of reads and votes. First time ko na magbasa ng ganitong istorya. Sabagay, laging straight stories lang ang nakikita ko. Oh well, there is always a first time ika nga nila. Umayos muna ako sa pagkakahiga sa kama bago sinimulan ang pagbabasa.

Hindi ko na namalayan pa ang oras at nabasa ko sa isang upuan lang ang halos 30 chapters nito. Hindi nga ako nagkamali sobrang ganda ng flow ng story. Every chapter ay kapanapanabik kaso laging bitin.

Magaling ang author ah, she knows how to get her readers at the edge of their seats. Para tuloy isda ang mga readers niya, nakanganga at the end of every chapters, asking for more. The anticipation and suspense of what will happen next is killing her followers. Nakakatuwa magbasa ng mga reaction ng readers nya. May mga kanya kanya silang hakahaka sa kwento. Napa comment tuloy ako bigla ng "more please".

Naging routine ko na ang pagbabasa ng kwento nya tuwing gabi, bago matulog. Pag walang update, yung ibang stories ang binabasa ko.

After five days, while having my morning break at work, may nag notify sa Watty ko huh. That's weird, ang aga naman yata para mag update si author eh usually 9 pm sya nag a-update. Out of curiosity, nag open ako para icheck nga. I was disappointed tuloy kasi hindi naman sya update kundi reply lang sa comment ko.

"Yes, more update please author."

Eto ang nabasa ko.

Aba aba. Sino itong nag reply sa akin? Sa dinami dami ng taong nag comment, sa akin pa talaga sya nag reply. Si author lang naman ang nagre reply sa akin. First time na may reader na nag reply sa thread ko. I checked the person's account siempre, kahit naman sino siguro ay iyon ang gagawin hehe.

DW lang ang nakalagay tapos @theflash ang username nito. Hmmnn, nice name and nice dp too. Photo ito ng farm, taga probinsya yata. Nag assume na ako agad hahaha. Baka naman nature lover lang sya.

I was having second thoughts kung ano ang gagawin.  Shall I ignore it or make a thread? Baka naman nagmamadali yung tao kaya sa akin na sya nag reply.  Hay, bahala na nga, wala namang mawawala sa akin kung sakali. Napa type ako ng reply ng wala sa oras.

"Yeah, kelan po ba ang kasunod na update author? Abang na abang na kami."

At least safe ang reply ko, directed kay author. Kahit hindi na mag reply uli si DW ay okay lang. I put my phone down after that tapos nawala na ito sa isip ko.

"Hay, what a tiring day." sabi ko pagkadating sa apartment.

I rest muna ng ten minutes bago pumasok ng kuarto ko. I step out of my work clothes then dumiretso na sa banyo to have a shower. Nasa mood ako magluto ngayon kaya mabilis kong tinapos ang pagligo.

Hindi ko napansin na kanina pa pala may mga notifications na pumasok sa cp ko.

======================================================================

Deanna.

I'm Deanna, from Mindanao. I'm currently working in a freight company. Nasa sales department ako but I just work in the office, no fieldwork for me. Para lang sa mga Sales Executive ito.

How time flies, we are already in the middle of 2019 but I still haven't figured out what to do with my life. 

Andaming problema kaya eto nagmumukmok lang ako dito sa office namin instead na sumama sa mga officemates ko sa labas, lunch break kasi namin.

Scroll scroll lang sa phone, may mga messages pero wala akong gana makipag chat. Buti pa magbasa na lang ako ng story sa Watty. Tagal na rin akong hindi nakakapagbasa. I want something new to keep my mind away from all the things that bothers me. 

Nakita ko ang isang ongoing story about a popular volleyball player with her supposed to be partner. Trending ito ngayon so it means maganda ito. Naintriga ako kaya ito muna ang binasa ko. Nasa gitna na ako ng story when I checked the time, naku ang bilis ng oras ah. Malapit ng matapos ang break namin. Mas binilisan ko ang pagbabasa.

Buti naman at nakahabol ako sa last update ni author haha. I saw a lot of comments in the story kaya nagbasa basa muna ako. One name caught my eyes, from a certain JG. @ganda ang account name nya, huh.

Ganda ba talaga sya?

I immediately checked her account. I know it's a woman because the dp shows a bit of her face. 

Hmmm. Ganda nga haha. I can't stop myself checking everything on her profile. What stories are on her reading list and who she follows and who are her followers. Saktong curiosity lang ba lol.

You know, I'm still in the closet yata, hindi ako sure. My sexual orientation and gender identity is still in question, alam nyo yun. Hay, ang hirap. Basta.

I found out that this certain JG and I have a lot of similarities on what we read. She likes stories that I will probably read too. Itong particular story ang parehas naming binabasa sa ngayon.

She always make comments sa story. At mukhang kagaanan nya na ng loob ang author based on their convo threads. Hindi ko tuloy napigilan na sumagot sa comment nya.

"Yes, more update please author."

Let's see if @ganda will reply to me haha. Natatawa ako sa ginawa ko. First time ko kasing ginawa iyon, yung makisali sa usapan ng iba.

At natapos ang buong araw na iyon. Nasa bed na ako when I received a notification from Watty.

Napa ohhhh ako nung nakita ko na sumagot si @ganda pero not directly to me. Kay author sya nakipag usap at nagtanong.

"Yeah, kelan po ba ang kasunod na update author? Abang na abang na kami."

Bakit bigla akong natuwa dahil sumagot sya?

Wala ng patumpik tumpik, sumagot uli ako sa kanya. At yun na nga, after five minutes, she replied to me.

Yay, ang saya ko haha. Basta napapangiti na lang ako habang nagpapalitan kami ng kurokuro about the story. Hanggang sa siya na mismo ang nagputol nito.

"Ay sorry po author kung dito na kami nag usap ni @theflash hehe."

I didn't reply to her instead I reached out to her through dm. I want to continue talking to her. Ewan ko, I have a gut feeling that we will click. I followed her at ganun din sya.

At ito na ang simula ng aming pagkakaibigan. Nawili na ako sa Watty dahil sa story at dahil sa kanya. JG stands for Jema Galanza pala. Sinabi ko na rin sa kanya ang real name ko.

At first we only talk about the story and the real life couple na mga main characters nga sa kwento. Hindi kami nauubusan ng topic dahil dito. Hanggang sa napunta na ng konti ang usapan sa aming mga sarili and personal stuff. Palagay na kasi ang loob namin, like the trust is already established.

We talked everyday, round the clock. From the time when the sun shines up to wee hours, kami ang magkausap. Walang palya kaya kabisado na namin ang routine ng bawat isa.

Mahilig magtanong si Jema sa akin which I don't mind naman. Ang problema, kapag ako na ang nagtatanong sa kanya ay puro paiwas o kaya ay hindi nya talaga ako sinasagot. I don't know why. Ayoko naman syang pilitin and ask what might be her reasons. Gusto ko, kusa nya itong sabihin sa akin.

Jema is so sweet and caring. Always asking if I had eaten my food, if I'm sleeping properly. She checks how my day was, how's my work etc. If I'm in a bad mood or not feeling good she cheers me up nonstop. She knows how to handle my topak din kung minsan, haha.

After all the time that we were talking, walang nangahas na magtanong sa amin if we can talk outside Wattpad. Ako gustong gusto ko kaso hindi ako sure kay Jema.

"J, baka naman pwede na kitang makita." dm ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" she asked.

"Hmmm, yung makita kita kahit man lang sana sa picture, pwede mo ba akong padalhan? Or marinig ko man lang sana ang boses mo. Alam ko maganda ang boses mo. Singer ka di ba?" I said.

Matagal bago sya sumagot kaya nataranta ako.

"Please? But it's okay naman if you're not ready yet to talk to me outside Wattpad." sabi ko pa.

Baka kasi nagalit at hindi na ako kausapin, patay ako huhu. Pero halos matulala ako nung makita ang sagot nya. She gave me her email address and her cellphone number but with some conditions.

We will only use our emails if we want to send photos, videos or other media. Our phone numbers will only be used for emergency purposes. No checking or stalking in other social media like Facebook, Twitter or Instagram. In short, sa Wattpad pa rin kami mag uusap which is fine with me.

Mas gusto ko pa rin na dito nga kami mag usap dahil dito kami nagkakilala. After exchanging emails, doon na nagsimula ang palitan namin ng photos and videos. Nakita na namin ang isa't isa sa litrato and I like what I see. Maganda nga si Jema. Hanggang sa we regularly send not just ourselves but also the places that we visits or food that we eat.

May time din na tinawagan ko sya just to satisfy my curiosity kung ano ang tunog ng boses nya. Grabe ang pagka high ko after talking to her on the phone. I was in cloud nine yata.

She is real. Jema Galanza is real.

Days turns into months. Sobrang tagal na naming nag uusap ni Jema. Kung pwede nga lang e gumawa na ako ng friendsarry date namin haha. Yun na lang kasi ang kulang sa amin.

I like everything about her until one day, I just woke up and realized that it's more than that.

That "like" slowly turns into "love".

I LOVE Jema Galanza.

Hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sa kanya. Natakot ako. Does she feel the same? I don't know and I don't want to risk our friendship by confessing to her. She is too precious to lose.

I'd rather keep my feelings to myself than take a
chance so I just continued talking to her. Mas nilambingan ko nga lang para ma-feel nya na she's really special to me. Kuntento na ako sa ganitong set up namin.

Admiring and loving her from afar.

Hindi nagtagal, dumating na sa bansa ang best friend kong nurse from the UK, si Jia or short for Julia. Agad ko syang pinuntahan sa kanila dahil namiss ko na ang bestie ko. Baka sakaling makahingi ako ng advise sa kanya about my heart.

"Julia!!!! I miss you." sabi ko pagkakita sa kanya.

"Deans! Finally. I miss you too bestie." sagot nito habang nakayakap sa akin.

"O hindi na ako makahinga, wait lang naman." I said.

Totoo naman kase, I sometimes experience difficulty in breathing.

Kumalas sya sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Hahaha. I'm sorry, Deans. Namiss lang kita ng sobra. Hey, you look great, nagkalaman ng konti ang pisngi mo. Mas lalo kang gumanda. Blooming ah, may boyfriend ka na ba?" she asked.

"Blooming lang may boyfriend na agad? Kainis haha. Ikaw yata ang meron ng boyfriend. Look at you, sobrang ganda ng aura. Pang British na ang kutis mo bestie oh. Rosy cheeks pa. Are you sure you don't want aircon while in the Philippines?" sabi ko.

"Huh, ikaw talaga Deans puro biro. Lika maupo ka nga muna at kukunin ko ang mga pasalubong mo." sabi nya.

"Ayun, nabili mo ba lahat ng bilin ko?" I asked.

"Oo naman. Malakas ka sa akin bestie. Lam mo yan." she replied.

Halos dalawang kahon ang pasalubong nya sa akin. Grabe. Clothes, shoes, chocolates and British memorabilia. May mga vitamins and supplements pang kasama.

"Thank you so much. I'm gonna pay you bestie ha. Sobrang nakakahiya naman kung lahat ng ito ay free." sabi ko habang tinitignan ang mga football kits na pinabili ko.

"You're welcome but there's no way you're paying. Nope. Those are my gifts to you so I won't accept a single penny from you, okay? Kung ipipilit mo ay magtatampo ako sayo." sabi nya.

"Pero bestie, ang mamahal ng mga ito." sagot ko.

"Keep and save your money, mas mabuti kong ilaan mo ito sa mas importanteng bagay. Alam mo naman na medyo nakakaluwag tayo kaya tanggapin mo na yan." sabi pa nya.

Ang swerte ko talaga sa best friend ko hay. Niyakap ko na lang sya uli.

"May sasabihin pala ako sayo bestie." sabi ko.

"I knew it, sabi na nga ba e. May kakaiba nga sayo Deans. I hope it's not what I think it is." nag aalalang tugon nya.

"Ahhhmmm hindi, iba ito at medyo kumplikado bestie. It's about someone I met." kamot ulong sabi ko.

"Finally, umamin din hahaha. I'm all ears bestie." sagot nya.

At nagkwento na nga ako sa best friend ko. Walang labis, walang kulang. Matiyaga naman syang nakinig sa akin.

After that, she just gave me a hug and smiled at me.

"Jia, are you not even surprised? Like, what the hell? Ganyang mga reactions ang ini-expect ko galing sayo." sabi ko.

"Bakit naman ako magugulat?" tanong din nya.

"Kasi babae ako tapos sa babae din ako nagkakagusto. Ang weird lang di ba?" I replied habang nakayuko.

"Hey, no judgement here. You are my best friend and I will always be your friend kasehodang kanino ka pa magkagusto. I respect you or your choices.  Makikialam lang ako sayo kung sa tingin ko ay masisira na ang buhay mo. Okay?" she said.

"Thank you bestie, for understanding. Hindi lahat ng tao kase ay ganyan ka-open sa mga ganitong sitwasyon. Mostly are bigoted and closed minded. Ang masaklap pa ay itatakwil ka pa nila kahit mismong pamilya mo sila. It really meant a lot to me na tanggap mo ako." I sadly said.

"Bakit mo pa ako naging best friend kung ganun ako sus. I love you. Oh wag ng mag drama at bawal sayo ito." sabi nya.

"Salamat, the best ka talaga." I said.

"Ang gusto ko lang ay pag isipan mo ito ng mabuti. Baka kasi you are misinterpreting your feelings. Malay mo, your love for her is just for a friend. Nasobrahan lang ang attachment mo sa kanya dahil araw araw kayong nag uusap. Have you tried not talking to her for a day?" she asked.

"No. Since nagkakilala kami ay naging daily na ang pag uusap namin." I answered.

"Okay, may naisip ako bestie. May pupuntahan ako and I am inviting you to go with me. Siguradong makakapag isip ka doon dahil tahimik at walang sagabal." sabi nya.

"Ha? Where?" I asked.

"Saan pa ba kundi sa farmhouse namin. Since isang buwan lang ang bakasyon ko, I want to divide my time in the city and in the province. Two weeks ako sa farm at isasama kita doon ha. Please say yes. Magugustuhan mo doon promise." she replied.

"But I have work, baka hindi ako payagan." sabi ko.

"Just file a leave, I'm sure kayang kaya mong gawan ng paraan yan bestie. Kung gusto, madaming paraan." she said.

Napagtanto ko na tama nga si Jia. I needed this break, to think and to recharge na din. Mabilis akong nag file ng vacation leave sa work at swerte naman na inaprubahan ito. I didn't mention anything about it to Jema kahit labag sa loob ko. May gusto kasi akong patunayan at malaman kaya ko ito ginawa.

"Here we are!!" masayang sigaw ni Jia paghinto ng sasakyan namin.

I opened my eyes and stretched my arms before getting off the car.

"Amoy pa lang ng mga hayop at dayami ay parang na reinvigorate na ako bestie. Ito ang namiss ko habang nasa UK." she said.

May isang malaking bahay na nakatayo sa gitna ng farm nila Julia. Pumasok na kami bitbit ang aming mga gamit. Sinalubong naman kami ng katiwala nila.

Naglakad lakad kami sa maluwag na lupain nila nung bandang hapon na.

"You okay bestie? Sobrang tahimik mo." Jia asked.

"Okay lang haha. Nag iisip lang naman ako. Bawal ba?" tanong ko rin.

"No, you can freely think anything here. Or anyone haha. Si Jema ba ang iniisip mo?" tanong nya.

"Yesssss. Kanina pang umaga. I'm just curious kung may mga messages na ba sya sa akin. Kung hinahanap din nya ako, kung namimiss nya rin ba ako gaya ng pagkamiss ko sa kanya." sagot ko.

"I'm sorry but you have to do this. You will have time to think properly here. No WiFi and no signal so it means no cellphone, which also means that you cannot contact her. Dito mo malalaman kung hahanapin ka nga nya at kung mahalaga ka sa kanya.  Konting tiis lang ah, para sayo din ito believe me." sabi nya.

"You're right, ang galing mo talaga bestie. I'll just enjoy my stay here with you. Saka ko na isipin ang ibang tao." I said.

"That's my girl." she replied.

Sa unang araw at gabi namin sa farm ay medyo okay pa ako, parang kaya pa na walang contact kay Jema. I kept myself busy na lang para no time to think hehe. Wala kaming ginawa kundi gumala sa farm, kumain at magkwentuhan to the max until we fell asleep.

Kaso on the second night, hindi na talaga ako mapakali ng walang hawak na cellphone. Much more na wala man lang message from Jema. Ang hirap argh. However, nandito si best friend na walang tigil sa pagpapasaya sa akin.

Baliktad ang nangyari kase parang ako ang balikbayan. I should be the one doing it to her, ang aliwin sya and make sure na sulit ang bakasyon nya sa Pilipinas.

"Are you thinking of her again?" she asked.

"Ohhh, sorry." natutulala na naman pala ako habang nakatingala sa buwan.

We are currently at the balcony of their farmhouse. Katatapos lang ng dinner kaya nagpapababa ng kinain. Isang linggo na kami dito.

"No probs haha. Based on your reaction eh iniisip mo nga sya. You know what I think? Mukhang tinamaan ka na ng husto sa kanya bestie." she said.

"You think so?" I asked.

"Yes, ako mismo ang nakakita nito. In love ka nga sa kanya." sagot nya.

Napangiti ako sa aking best friend. Sa wakas, naniwala din sya sa akin. Malaking tulong ito sa mga tanong ko.

"I do. I love her. And I miss her so much. Sana lang ay hindi sya magalit sa akin pagbalik natin." I said.

"Sabihin mo ang totoo. Maiintindihan ka nya kung talagang mahalaga ka sa kanya." sabi ni Jia.

"Oo naman. Napaka understanding ni Jema. Kaya nga ako nahulog sa kanya." sabi ko.

"Ang tanong, parehas ba kayo ng nararamdaman?" she asked.

Natigilan ako sa tanong nya.

"I don't know because I haven't told her what I feel." I answered.

"Aba ang bagal naman pala ng bestie ko haha. As soon as you get the chance, tell her." she said.

======================================================================

Jema.

Hindi ako mapakali. Deanna has not responded yet to any of my messages. Sandamakmak na ang mga dms ko sa kanya pero sya, ni isa ay wala.

Ano na kaya ang nangyari doon? I hope walang nangyaring masama sa kanya. It's been what, five days?

My god, kinakabahan ako na ewan. Isang araw nga lang na hindi sya nag message sa akin ay tuliro na ako, yun pa kayang 5 days. It's not her style. Feeling ko may nangyari talaga sa kanya.

Hindi kaya nabagok ang ulo o naaksidente kaya nasa hospital sya? Tapos nagka amnesia, hindi nya na ako maalala. O kaya nawala ang cellphone nya so she can't contact me.

Hay, ang daming scenarios ang naglalaro sa isipan ko. Huhuhu. Sana naman ay okay sya, yun na lang ang tanging hiling ko.

Nagpatuloy pa rin ako sa pagsesend ng dms sa kanya kahit hindi sya sumasagot. Hindi ko rin naman alam kung nababasa nya ito. Para akong tanga na panay ang message. I still tell her my daily happenings and whereabouts.

"Aba isang linggo na ha. It's not funny anymore, Deanna Wong. If you get this, reply ASAP or else 😅.

Ito na ang sinend ko sa kanya but still no response from her.

Okay I'm slowly losing it. I was so down this past few days dahil nga sa wala ni isang message galing kay Deanna. I really missed her na, sobra.

Nag ooverthink na tuloy ako. May nasabi ba akong mali sa kanya? Na offend ko ba sya? It's really unusual na wala syang dm sa akin.

I even back read all our convos just to check baka may nasabi nga akong hindi maganda pero wala talaga e. We were talking fine then all of a sudden, boom, she just disappear and totally stopped our communication without any explanations.

Na-ghost yata ako, putang ina.

Although, I'm still hopeful that she will contact me again. Every time na tutunog ang cellphone ko, I always check it baka galing sa kanya pero nganga.

It left me feeling sad, hurt and confused. Hindi talaga ako mapakali. Hindi rin makakain masyado at yung tulog ko paputol putol dahil sa kakaisip sa kanya. I was even tempted to call her cellphone but I didn't dare baka magalit sya sa akin.

But to my outmost surprise, she messaged me again after two weeks.

Deanna explained to me that she was with her best friend from London. They had a vacation for two weeks in her friend's farmhouse. However, the farm was in a remote place so there was no signal or Internet hence she was not able to contact me.

Nakauwi na daw sila from their vacation kaya may signal na uli sya. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako.

"I'm very sorry. I hope you're not mad at me." she said after telling me what happened.

I can't explain how happy I am to hear from Deanna again but I won't tell her that, hmmmp. May tampo pa ako sa kanya. Bakit kasi hindi na lang sya nagpaalam ng maayos para hindi ako nag alala masyado. Kainis ha.

"Hey, are you there? I'm so sorry na talaga. Bati na tayo please." dagdag pa nya.

Hindi pa rin ako nag reply.

"Pretty please? Talk to me. I miss you." she said.

Napangiti ako ng todo at napakagat labi. Hay naku, kung di ka lang cute Deanna Wong, tablado ka na talaga charot.

"Ikaw talaga pinag alala mo pa ako ah, wag mo ng uulitin yun ha." sabi ko na lang.

"Yey, bati na kami. Hinding hindi na, promise. I can't live like that anymore, yung hindi tayo mag uusap ng matagal. Maloloka ako sa totoo lang." she said.

"Siguraduhin mo lang dahil maiinis na ako pag inulit mo pa." I replied.

Even without asking, she sent me pictures of her and Julia taken during that two weeks hiatus. Para siguro maniwala ako. They looked happy together kaya dapat masaya na din ako.

Pero bakit parang may selos akong naramdaman? I hate myself because I have no right to be jealous. Deanna is just a friend haist.

Dapat nga magpasalamat na lang ako at nag message pa sya sa akin. Dapat umayos ako ng naaayon kung anong meron kami. Kaya wala na akong nagawa kundi ang unawain sya.

As days went by, our blossoming friendship continues and our unlabeled relationship is getting deeper and deeper.

For me, what we have is this unspoken agreement that we are not lovers but we are more than friends, whatever it means.

======================================================================

Deanna.

March 7, 2020.

Since we are both addicted and fanatics of volleyball, we really anticipated the present game between ADMU and DLSU. Ateneo kasi ako at De La Salle si Jema.

Sabay kaming nanonood habang nag ddm sa isa't isa. We are sharing our inputs about the game. Feeling sports analyst lang ang peg namin haha.

Medyo nag aasaran kami pero wala pa namang napipikon. After the first set, which DLSU won, nag concentrate ako sa pakikipagusap sa kanya. Kinukulit kulit ko sya.

However, I wasn't prepared sa sumunod na tanong nya.

"Deans, maiba ako. Ano na nga yung sinasabi mo sa akin dati na na-fall ka sa isang tao pero mababaw kaya hindi ka nasalo?" tanong nya.

Muntik ko ng mabitawan ang aking cellphone sa pagkagulat. Naalala pa pala nya yung kwento ko sa kanya dati. She still have no clue that I was pertaining to her, tsk.

"Huh, bakit biglang napunta sa akin ang usapan? Concentrate tayo sa game ah." sagot ko para tumigil na sya.

"Nakupo, para nagtatanong lang e. Sungit mo naman." she said.

Natawa ako.

"Huwag na nating pag usapan at baka di nga ako saluhin nun." I replied.

"Luh, ang daya mo naman. Sige na, chika mo na sa akin. Is she from your place too? Same province kayo?" usisa pa nya.

"Hindi." tipid kong sagot.

"Eh saan nga? Dali na at tapos na ang commercial break, magsisimula na ang second set." sabi pa nya.

"Sure ka na di mo kilala?" I asked.

I want to test the water baka may ideya naman na sya kung sino ang tinutukoy ko. Kunwari lang na hindi nya alam.

"Alangan. I will not ask you if I know, duh. Saka ayaw mo bang magkwento? Malay mo I can give some advice." she answered.

Apakamanhid ng taong ito.

"Huwag na nga. Ayoko sabihin at hindi ko na rin siguro ipu-pursue. Baka tuluyan na akong mafall sa taong iyon tapos hindi rin naman nya ako sasaluhin." I sadly said.

"Ay wait, ang gulo ng statement mo. Himay himayin nga natin ito ng isa isa ha. So, nasabi mo na sa kanya ang feelings mo tapos hindi ka sinalo?" tanong nya.

"Hindi pa." I said.

"Why not?" she asked.

"Dahil takot ako na kapag sinabi ko na ito sa kanya ay magalit sya sa akin tapos lalayuan nya na ako." I replied.

"Deana Wong!!!! Anak ka ng ******** haha sorry naman. Pano mo nasabi na hindi ka nya sasaluhin eh wala ka pa palang pinagtatapat sa kanya. My gosh, parang hindi na ikaw ang kausap ko na matapang at prangka." mahabang litanya nya.

"Hmmmn, promise me first that you won't get mad if I tell you who it is. Mabuti na yung malinaw." I requested.

Lakasan lang ng loob ito. I can do it.

"Sure, why would I get mad? Sige na sabihin mo na ah. Pa suspense pa kasi." she said.

"Wala ka talagang idea kung sino o hindi mo lang napapansin?" I asked again.

"Hoy, wala nga, ang kulit mo sobra. Sasabihin mo ba o ibibitin pa?" reklamo nya.

Huminga muna ako ng malalim at nag crossed fingers bago nag type ng message sa kanya.

"Ikaw."

No reply.

"Sayo ako na-fall Jema. I'm very sorry. I hope you won't get mad and please don't leave me." mabilis na message ko bago pa magbago ang isip ko.

"What???!!! Sa akin? Why me?" mas mabilis ang reply nya.

"Eh sa iyo nahulog ang puso ko. Basta nagising na lang ako na ikaw ang itinitibok nito. Ano ang magagawa ko? How can I explain it ba?" I said.

"Omggggggg. Since when? I cannot." tanong nya.

"Honestly, last year pa ito when I started having a soft spot for you. I really, really like you noon pa. Nagsimula sa crush hanggang umabot na sa love." sagot ko.

No response from her.

"You are too kind, sweet, caring and so likable. Lagi kang nandyan para sa akin, handang makinig sa mga rants ko kahit na minsan ay OA na ako. I mean, sino ba ako para pagtuunan mo ng pansin. You gave me your time. Sobrang nakaka inlab ang mga ganyang qualities Jema. Basta mahirap syang ipaliwanag. Ang sabi lang ni heart sa akin ay mahal ka nya. Ayan, I finally confessed to you." I added.

There was a long gap in our dms. Ang tahimik nya. I mean, hindi na sya nag reply. Ang awkward tuloy. She didn't even acknowledge my confession. Was I wrong to finally come clean? 

Nahihiya naman akong mag message uli. Baka nag iisip pa sya ng isasagot sa akin. I just sat there and watched the game absentmindedly.

Andaming tumatakbo sa isip ko ng biglang tumunog uli ang cp ko. Napatalon ako ng bahagya dahil may dm si Jema. Kinakabahan at excited ko itong binasa.

"Deans, ang intense ng game noh. Pero sorry ka na lang ah mukhang matatalo ang Ateneo mo, hahaha." sabi nya.

Ohhhhh. Nag segway ang ate nyo. Yung laway na nalunok ko ay mas mapait pa sa ampalaya.

"Hindi yan. Mananalo sa second set ang Ateneo." sabi ko.

"I like your fighting spirit." sagot nya.

"Mas like kita."

Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na itinuloy baka mapahiya uli ako.

And totoo nga dahil nakuha ng ADMU ang second set 17-25. Same score sa first set na nakuha ng DLSU.

"Game on. Best of three na ngayon." dm ko sa kanya.

"Goodluck to both of us." reply nya.

We continued watching and talking about the game until it finished. Tambak ang ADMU sa fourth set, 25-15. Nanalo ang DLSU, 3 sets to 1.

"Congratulations sa team mo. Lakas talaga ni Jolina at Tin. Mamaw din ng mga rookies nyo. Sana naman makabawi ang team ko sa next round." I said.

"Yesssss. Ang galing galing ng team ko. Ang saya saya ko. Hahaha." reply nya.

Para kong nakikita ang mukha nya kung gaano sya kasaya. Kahit na malungkot ako dahil talo ang team ko ay parang okay na rin dahil happy naman si Love este si Jema.

Nag usap pa kami ng matagal hanggang sa umabot na ng bedtime namin. She hasn't mentioned anything about my "on the spot confession".

Hindi ako mapakali. Tinignan ko uli ang mga messages nya. Wala namang nabago sa pakikipagusap nya sa akin. Ganun pa rin naman sya.

"Are you mad at me?" I asked.

"What? No. Of course not." she answered.

"Baka kasi magbago ka na dahil sa sinabi ko sayo. Sana naman ay hindi, gaya ng pangako mo sa akin kanina." sabi ko.

Matagal uli bago sya nag reply. Akala ko nga tinulugan na ako.

"Deans, gaya ng sabi ko sayo it's okay with me. Nothing has changed, we are still friends." Jema said.

Ouch. Parang ang sakit naman. Na friend zone tayo. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Deans, I'm not mad or angry. Our friendship is way more important to me. You are too important to me. I kinda feel something also for you but I'm not sure yet. Baby steps please. Let us leave it like that." sabi pa nya.

Wahhhh sabay bawi.

Okay kinilig ako dahil importante naman pala ako sa kanya. Ayaw nyang masira ang friendship namin talaga. I agree. Masaya na ako na ganito kami. At least nasabi ko na sa kanya na mahal ko sya.

"Thanks J. Good night, sleep well and sweet dreams." sabi ko.

======================================================================

Another One Shot as requested by Pringles71

Ayan na, sana ay magustuhan mo. I know, it's bitin haha, kaya may part two pa yan.

Please vote, comment and follow me here in Watty and Twitter if you haven't done it yet.

Thank you 😊

Continuă lectura

O să-ți placă și

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
85.3K 56 41
R18