Idols (Suzy x Rosè)

minminpenguinn

22.3K 601 544

"Would you dare to fall inlove with me?" Еще

Authors Note
i
ii
iii
iv
v
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
Everything I do, I do it for you.
Everything I do, I do it for you.
Gone
Dead and Gone
I can feel the pain, can you?
commercial break
Roses and I

vi

835 29 20
minminpenguinn

Rosé POV



"Bumaba ka dito Cheng pagtapos mo magbihis ha? Kailangan natin magusap" rinig kong sabi ni Lisa sakin habang paakyat ako papunta sa kwarto ko. Aish! Panigurado kukulitin ako neto tungkol kay Suzy. Pagkadating ko sa kwarto ay humiga ako agad at saglit na nagpahinga. Heto na naman ako. Sa tuwing maiisip ko siya, ay hindi na nagiging normal yung tibok ng puso ko.


Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko para i check kung nagtext na si Mommy sakin. Nagulat na lang ako ng makita ko yung naka register sa phone ko na name.


Honey Bae


Tf! Honey Bae? Kailan pa naging Honey pangalan ni Suzy? Argh! Sinave ko na lang yun ay nagtext ako sakanya.


"Hi! Rosè here. Sana nakauwi ka ng maayos :) Btw, dorm na pala kami. Goodnight :)"


At bumaba na ko para puntahan sila Lisa sa sala. Pagka baba ko ay narinig ko sila na naguusap ni Jisoo. Pinaguusapan na naman nila yung redvelvet.


"Kinakamusta ka pala ni Joy" sabi ni Jisoo unnie pagkaupo ko sakanya. At napangiti naman ako. "Talaga Unnie?" masayang tanong ko at natawa si Lisa sa gilid ko. Lumapit siya sakin at umakbay.


"So sino ba talaga? Si Suzy o si Joy?" pangaasar niya sakin dahilan para batukan ko siya at tumawa lang siya ng malakas.


"Sakit. Huhu lagot ka kay Joohyun" naiiyak na sabi niya at natawa naman ako. "Leche kahit magsumbong ka pa" natatawang sabi ko at maya maya ay biglang nag ring yung phone ko. Sabay sabay kami napatingin dun at nakita ko naman yung tumatawag sakin.

"Honey Bae pala ah" sabi ni Jisoo at hindi ko siya pinansin. Kinuha ko na yung phone ko at umupo sa carpet.


"Hello?" nahihiyang sabi ko sakanya at nakita ko naman yung ngiti niyang nakakahawa.


"Hi" sabi niya sakin ng nakangiti. Bat ba kami nagkakahiyaan parehas. Saglit na nagkatitigan pa kami at ngumiti parehas.


"Hi Unnie!" ngiting bati ni Lisa. Nakita ko rin si Jisoo na binati siya. Nakangiti naman siya sa dalawa habang ako tinititigan sila ng masama.


"Grabe Unnie, napaka selosa naman ng baby mo" natatawang sabi ni Lisa.


"Aww, wag ka na magselos baby. Ikaw lang Love ko" nakangiti niyang sabi. Heto na naman si Ate mong breezy.


"Hoy! Anong baby ka diyan. Lumayas nga kayo dito" inis na sabi ko sakanila at tumawa naman sila. "Sige na Unnie, alis na muna kami ha? Selosa ng baby eh" natatawa niyang sabi ni Lisa at umalis na ng tuluyan.


"Going back Ms. Bae, ang lakas rin ng trip mo no?" natatawang sabi ko sakanya at nakita ko na naman yung ngiti niyang matamis.


"Do you have schedules tomorrow?" diretso niyang tanong sakin. Sa pagkakatanda ko, sila Lisa lang ang meron schedule bukas.. Hmm


"Wait, ask ko sila Lisa" sabi ko sakanya at tumayo na papunta sa kusina. Nakita ko na kumakain sila ng kimchi fried rice. natakam naman tuloy ako.


"Guys, alam niyo ba kung may sched ako bukas?" pagtatanong ko sakanila. "Wala, off mo ng 3days diba? Bat mo natanong?" tanong sakin ni Jisoo unnie. "Pinapatanong kasi ni Suzy kung meron" sabi ko at natawa naman si Lisa.


"Well, Bae is Bae. Nasa dugo na ata talaga nila yan" natatawa niyang sabi at di ko naman siya nagets sa sinabi niyang yun. Hindi ko na lang sila pinansin at bumalik na ko sa phone ko.


"3days akong free" sabi ko sakanya. "Hindi ka pa nakakauwi?" tanong ko sakanya at ngumiti naman siya sakin. "I'm here, sa baba niyo. Roadtrip tayo gusto mo? Can't sleep eh" sabi niya at nabuga ko naman tuloy yung kinakain ko dahil sa sinabi niyang yun.



"Uy! kanina ka pa ba diyan? Sana sinabi mo agad! Nako! Umakyat ka na nga muna dito please" nagaalalang sabi ko sakanya at ngumiti lang siya sakin.


"All right, hintayin mo na lang ako sa labas ng unit niyo. Ano palang number?" tanong niya at sinabi ko naman sakanya. Binaba ko na yung call dahil tumawag ako sa guard na papasukin siya dito sa taas. Nagmadali naman akong umakyat sa taas at nagpalit ng maayos na damit. Naka pj's na kasi ako. Nakita ko naman si Lisa at si Jisoo na sinisilip ako mula sa hagdan.


Nagmamadali akong bumaba at tumingin sa salamin. "San ka? Gabi na ah?" tanong sakin ni Lisa at napatingin kaming lahat sa pinto ng bumukas yun. Si Jennie...


"Oh bat parang nakakita ka ng multo Chaeng?" natatawa niyang sabi sakin. "Ewan ko diyan ang weird" sabi ni Lisa ng natatawa. "Nga pala, may bisita ka" sabi sakin ni Jennie at napatingin naman si lisa sa may pinto. Si Jisoo na sumusubo ng pagkain ay napa nganga na lang. Habang si Lisa naman ay nakangiti lang. Si Jennie naman ay palipat lipat ng tingin sakin at kay Suzy.


"Goodevening. Sorry sa pang gugulo ha?" sabi niya ng nahihiya. Napangiti naman tuloy ako. "Uyy Unnie, ano ka ba di ka nang gugulo" nakangiti naman na sabi ni Jennie sakanya. At pumasok naman silang dalawa. Lumapit ako sakanya para kunin yung jacket niya at tumakbo ako papunta sa kusina para kuhaan siya ng tubig.


"Thanks" nakangiti niyang sabi sakin. Naka upo na siya ngayon at nakaluhod naman ako sa harapan niya. Pag lingon ko sa likod ko ay nakatingin lang samin yung tatlo. Si Jisoo na nasa kusina na kumakain at si Lisa na nakangiti habang si Jennie ay nagtataka pa rin samin dalawa.


"Uhhh? Lets go?" Nakangiting sabi ko sakanya. At nagulat naman ako sa sunod na ginawa niya. 


"May rice pa kasi. Tara?" tanong niya sakin ng nakangiti. Ako heto, tulala pa rin. Grabe yung kabog ng puso ko ngayon. Bat ba nagiging abnormal to kapag nasa malapit lang siya? Hays.


"A-ah, s-sige tara na" sabi ko at tumayo na. Nakita ko naman na nakatingin samin dalawa yung tatlo at tila ba naghihintay ng sasabihin ko. 


"Girls, alis muna kami ha? Di daw makatulog eh" natatawa kong sabi dahilan para hampasin niya ko sa balikat. 


"Ang sweet niyo!" natatawang sabi ni Lisa dahilan para samaan ko siya ng tingin. Leche talaga tong Manoban na to eh!


"Bye Unnie, kwentuhan tayo next time ha? Balik ka dito" sabi ni Jen at yumakap pa to kay Suzy bago umalis. Habang si Jisoo naman ay nakangiting lumapit samin at yumakap rin kay Suzy. "Ingat kayo" sabi nito ng para bang nangaasar pa. 


After nun ay lumabas na kami parehas, nauuna siyang naglalakad sakin papunta sa elevator. Pagkadating namin sa elev ay tahimik lang siya, ang awkward man ay hindi na lang din ako nagsalita. Hanggang ngayon kasi ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. 


Pagkabukas ng elevator ay agad kong kinuha yung kamay niya at hinawakan. Nakita ko na tumingin siya sakin, pero hindi ko na lang yun pinansin at nagpatuloy maglakad sa parking lot. Kung tatanungin niyo ko bat ko to ginawa, hindi ko rin alam yung sagot. Basta ang alam ko lang, pag magkadikit kami, nakukuha niyang pakalmahin yung puso kong grabe magwala.


"Asan ka keys mo? Ako na lang mag da drive" sabi ko sakanya at binigay niya naman yun agad. Pinagbuksan ko siya ng pinto at sunod na ko pumunta sa drivers seat para mag start mag drive.


"San mo gusto pumunta?" tanong ko sakanya at tumitig siya sakin bago sumagot. 


"Kahit san, basta kasama ka" nakangiti niyang sagot. Dahilan para naman maramdaman ko yung pag init ng pisngi ko. Hindi na lang ako sumagot at agad ko na inistart yung sasakyan. Dadalhin ko na lang siya dun sa madalas na pinupuntahan ko kapag malungkot ako. 


I'll be glad 'cause


I was blessed to get


To have you in my life


When I look back


On these days


I'll look and see your face


You're right there for me


Napatingin naman ako sakanya habang kumakanta siya. Wow! Kumakanta rin pala siya ng foreign songs. Ang ganda ng boses niya. Napansin ko naman na tumingin din siya sakin at nakangiti. 


In my dreams


I'll always see you soar


Above the sky


In my heart


There will always be a place


For you for all my life


I'll keep a part


Of you with me


And everywhere I am


There you'll be


And everywhere I am


There you'll be....


Sakto ay nag red yung traffic light.


"Naks! ang ganda naman ng boses!" nakangiting sabi ko sakanya at natawa naman siya sakin.


"Mas maganda ka pa rin" sabi niya at nagkatitigan na naman kami. Maya maya ay nakita ko na nag green na yung traffic light kaya binalik ko na yung tingin ko sa daan. Napansin ko naman na tumahimik na siya at nakikinig na lang ng kanta. Ang ganda nga nung kanta, parang siya lang din :)


After ng ilang minuto ay nakarating na rin kami. 



"Dami mo na siguro dinala dito no?" tanong niya sakin ng nakangiti pero nakataas yung kilay. Ang weird niya wew. Para siyang si Jennie kapag nagagalit kay Lisa.


"Huy! Wala pa napaka judger mo. Saka dito ako pumupunta kapag malungkot ako." sabi ko sakanya at tumitig na naman siya sakin. Nagiging thing na namin magtitigan everyday jusko.


"So malungkot ka ngayon?" tanong niya sakin akmang aalis na.


"Uyyy syempre hindi!" sabi ko sakanya at nakita ko naman na  huminto siya. Naka yuko naman yung ulo ko at di makatingin sakanya. "M-masaya ko. M-masaya kasi nandito ka, kasama ko" sabi ko sakanya ng nahihiya at nagulat naman ako ng bigla siyang yumakap sakin.


Para bang tumigil bigla yung mundo ko, ewan ko kung rinig niya pero ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Sa higpit ng yakap niya, ay paunti unti ko na rin nararamdaman yung mabilis na pagtibok ng puso niya. unti unti naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sakin at tumingin.


"Masaya rin ako kapag kasama ka" sabi niya sakin ng nakangiti, at napangiti na lang din ako. Ayoko na lang tanungin kung ano man ang meron ngayon, pero sa totoo lang ay masaya ako. 


Niyaya ko siyang maupo sa upuan habang nanonood ng mga dumadaan na sasakyan sa baba.


"Wala ka bang shooting bukas?" tanong ko sakanya at nakita ko naman na bigla siyang sumimangot. Tamo to, kanina nakangiti ngayon nakasimangot. Aish! Ganito ba talaga pag matanda na? Ang moody eh.


"Grabe, kakaupo lang natin parang gusto mo na ko agad pauwiin" sabi niya ng nakasimangot.


"Hala! Tinatanong ko lang naman" sabi ko sakanya. Ang ganda ng ulap ngayon, naalala ko na naman tuloy nung huling nagusap kami sa veranda ng condo unit niya.


"Wala, pinag leave ako ni JYP. Request ko rin, gusto ko lang ng break muna. Lalo na ngayon, masyado pang mainit yung issue. Tho, tinanggap naman agad ng mga fans. Atleast diba? Wala ng fangirl na magagalit sakin na bat ako pinatulan ni DongWook. Sakanila na Idol nilang walang dugo" dire direto netong sabi at natawa naman tuloy ako. 


Napansin niya na tawa ako ng tawa kaya pinaghahampas niya tuloy ako ulit sa balikat.


"Kanina ka pa ah! Hahalikan kita diyan!" natatawa kong sabi sakanya at nagulat ako ng bigla siyang tumigil sa paghampas. Wow! Effective pala talaga. Ginaya ko lang si Lisa, kapag hinahampas siya ni Jennie. Hmmm


"Tsk!" rinig kong sabi niya habang nakasimangot na naman. Hay, parang hindi matanda kung umasta eh. 


"Okay lang yan ano ka ba, sabi ko nga sayo diba? Take it easy. Darating din yan" sabi ko sakanya ng nakangiti. Bigla naman siyang lumapit sakin at pinatong yung ulo niya sa balikat ko. Nasabi ko na ba? Napaka comforting talaga ng pakiramdam sa tuwing ginagawa niya yon.


"Isa pa, nandito naman ako. Hindi kita iiwan. Sabihin mo lang sakin yung schedules mo, para alam ko pano ko ipapasok yung sarili ko dun." nakangiting sabi ko sakanya. Hindi man kami magkaharap ngayon, ay pakiramdam ko na nakangiti siya ngayon. 


Syempre, bilang as a friend niya nandito lang ako para sakanya. Lalo na kung kailangan niya talaga ng kausap. 


"Thank you, kasi palagi kang nandiyan" masaya niyang sabi sakin. at nagkatinginan na naman kami.


"Kahit ilang araw pa lang tayo nagkakilala?" natatawa kong sabi sakanya at pinaghahampas niya na naman tuloy ako ulit.


"Joke lang. to naman! Basta ikaw, kahit ano pa yan" sabi ko sakanya ng nakangiti at bumalik na kami sa kanina namin posisyon habang masayang tinitignan yung ulap at mga bituin sa langit.


Ano man tong nararamdaman ko, bahala na si Jisoos! -,-


-


Sorry for late update, actually last week pa to naka draft. Sorry sa delay, medyo pagod lang sa buhay. char! hmm expect one more late UD :( sobrang wala pa kong maisip now. I'm still exhausted sa work. 


Stay safe! And please support ROSÉ mini solo Album! :)

Продолжить чтение

Вам также понравится

84.2K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
252K 7.3K 81
What will be the scenario of our complicated love relationship? Date Started: 3/31/18 Date Ended: 4/22/18
182K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
Shh | seulrene closed nasa aff

Короткий рассказ

25.1K 644 12
❝I told you not to be noisy.❞ Irene x Seulgi. /©Baechuism. { C o m p l e t e d }