Pathway to Success (Chasing S...

By Archiplates

19.2K 1.9K 1.5K

COMPLETED "Love is unforeseen. How can I reach the success when I'm no longer without you? I hope the said pa... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Author's Note

Epilogue

588 14 25
By Archiplates

"Hoy, bro, ang tagal mo ng gusto 'yong babae na 'yon. Months na ba? baka maunahan ka ng iba tapos magmumukmok ka diyan. Ang torpe mo naman kasi!" biro ni Sean.

"Kung ako sa'yo sa sobrang bagal mo baka maunahan na kita" he laughed sarcastically.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. How can he joke like that?! "Mind your own business, tch!" umirap ako sabay inom sa baso na may laman na alak. 

Nakaupo kami sa couch habang pinagmamasdan ko ang babaeng mukhang lasing na lasing na. Nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa habang katai niya ang kaniyang mga kaibigan. 

"Silly her... did she passed out?" nag aalala kong tanong sa aking isip. 

"Oy, ano, hulog na hulog na ba?" Sean tapped my shoulder, laughing. 

"I'll kill you asshole, isa pa!" Kasi naman! This is my first time being stuck in a girl. In my whole life hindi ako nagkaganito sa mga past flings or mga babaeng nakikita ko. Ang ganda niya! Shit. 

I want to see her nearly so I decided to walk infront of her. Is she okay? Agad naman siyang tumayo kaya huli na ang lahat, we bumped into each other! Ano ba 'yan, wrong move! Hindi naman niya siguro ako kita she can't open her eyes nga sa sobrang kalasingan.

Ang ganda niya. 

Muntik na siyang mahulog sa sahig buti na lang nasalo ko siya. Our eyes met, hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Ang tagal ko na rin siyang gusto, kaso mukhang maarte at maingay. Ayaw ko pa naman ng gano'n. 

Gago, baka may boyfriend na 'to, sayang. But I will still find out.

"Uhm sorry I didn't mean it" ako na ang unang nag-sorry dahil mukhang walang balak ang babaeng 'to na tanggalin ang titig sa akin. Sumeryoso ako ng mukha dahil baka mahalata niya kung ano man ang iniisip ko.

"I'm sorry too about what happened" she smiled. That's smile! Umiwas ako ng tingin at sinuklian na lang din ng ngiti. 

I have the cue to ask her what's her name kaya nag salita na ako kaagad. "That's nothing by the way what's your name?" kinakabahan kong tanong.

"I'm Ash" napakatipid naman nitong mag salita. She's from Ust, I guess, napatitig ako sa kaniya ng seryoso nakita ko siyang umiwas ng tingin kaya nagpaalam na kaagad ako. 

"Nice name, see you around" ngiti ko at agad na bumalik sa couch kung nasaan si Sean. 

"Bro, anong sabi?" loko 'to, tinanong kaagad ako. 

"Wala" I coldly said.

"Ang kill joy naman nito! Anong name?" tanong niya ulit.

"Huwag na baka agawin mo pa." umirap ako at uminom ulit ng alak na nasa aking baso. 

"Luh, oy!" 

"Ash" 

"Anong Ash? 'yon lang? baka naman Ashley 'yung pangalan" pilit niyang sagot. 

"She didn't give her information, baka Ashley nga." Shit! Ang ganda ng pangalan. 

"Tanungin mo na lang kaya si Sam 'di ba kaibigan niya 'yon?" 

"Yeah, don't be too noisy, nakakarindi" 

Umuwi ako sa condo ko pagkatapos naming uminom nila Sean. Ang sakit ng ulo ko fuck! 

Naisipan 'kong i-message si Sam. Napangiti ako ng ibinigay niya ang username ni Ashley sa instagram dahil daw palagin online siya dito. Dali-dali kong sinearch ang pangalan niya and followed her immediately. 

@callixrmrz: hi

I direct messaged her, waiting her to reply. 

@ashalvarez: hello? 

Agad akong napangiti ng nag-reply siya. I wanna ask her if she is doing good... she's the girl I like the most parang hindi naman ako nagkakaganito noon kay Amelia, ah?! 

@callixrmrz: how you doin? lol. 

Ano ba 'yan, wala akong maisip. Bahala na!

@ashalvarez: why you asking me?

Grabe ang sungit naman pala ng babaeng 'to, mukhang snob pa at mayaman. Ako kahit mayaman ang pamilya namin hindi naman ako tulad ng babaeng ito. Mukhang mahihirapan ako dito. 

@ashalvarez: wala ka ng pakialam doon we are not even close at saka paano mo nalaman pati apelyido ko, huh?!

What the heck? I replied to her for the last time and I turned off my phone right away. What was that, Callix?

I went to sleep after that because I can't act right anymore. Medyo nahihilo na rin ako dahil napadami ata ang inom ko. Lumipas ang mga araw na hindi ko nakikita si Ashley sa bar kahit kapag may free time ako ay lagi akong dumadaretso sa bar para lamang makita siya.

Sayang naman 'yung pagkakataon kahit papaano gusto ko siya makita kahit gano'n pala 'yong ugali. I will enjoy more, is she hard to get? "Malamang, Callix, she doesn't have feelings for you. Ikaw lang 'yung umaasa dito" I said in my mind.

"Bro, Callix!" Kian called me.

I arched a brow habang papasok ako sa loob ng kotse ko para umuwi na dahil marami pa akong gagawin. "Bakit, Kian?" 

Agad namang sumulpot sa gilid niya si Lewis isa sa mga kaibigan at blockmates ko din sa engineering. 

"Tara sa coffee shop doon na tayo mag-aral. Para alam mo 'yon nakaka-pressure para agad tayong matapos 'di ba?" sabi naman ni Lewis. 

"Kayo na lang..." walang gana kong sagot.

"Dali na Callix ito naman minsan lang. Kapag sa bar game agad pag mag-aaral ayaw" biro ni Lewis habang sumasang ayon si Kian. 

"What's the matter? There is no difference in studying in my condo or in the coffee shop" nawawalang pasensya 'kong sabi. 

"Minsan lang naman" Kian said.

"Oonga!" Lewis agreed. 

"Fine!" I rolled my eyes. Sumakay ako sa kotse at sumakay din sila sa kanilang sasakyan. Si Kian ang nag decide ng coffee shop dito na pupuntahan namin sa Manila since maganda at bago daw doon. 

Nang marating namin ay pumasok kami sa loob nag. We ordered and started studying later on the coffee was served. Halos masamid ako sa iniinom kong kape ng may dumaang pamilyar na babae sa aking harapan. 

Shit... Ashley? 

Halos hindi ako makapaniwala. She didn't noticed me at samantalang dumaretso sa isang table wala siyang kasama at pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Hours passed and I looked at her trying to figure out if she will notice me that I am also here. 

I saw her almost choke. Our eyes met at dali-dali niyang inimis ang kaniyang mga gamit at lumakad sa aming harapan papunta sa labasan. 

"See you when I see you mga bro" sabi ni Kian.

"Good luck sa atin!" Lewis added. 

I heard Ashley whispered. "Ay nga naman pag ika'y minamalas" 

I almost smiled because of that. Is she annoyed because of me or bothered in my presence?

I think I'll be enjoying annoying her so I followed her outside dahil uuwi na rin naman ako. Sakto namang umambon. We waited there minutes... I sighed because of her face. Finally maya-maya ay tumila na rin pumunta ako sa parking lot and guess what? She is also here. 

"Pst... Mr. Yaman" She laughed. 

What the? What was that? 

"Baka ikaw!" I tried to annoy her more.

I guess she was annoyed. Dahil kung anu-ano na ang lumabas sa bibig niya at inamin na niya nga na naiinis siya sa'kin. 

"Alam mo naiinis ako sa'yo, we're not even close for you to act like that. I saw you lang naman sa bar... lasing na ako noon. Tapos may nalalaman ka pang pakuha kuha ng information ko galing kay Sam. Akala mo may gusto ako sayo!" She rant. 

"Anyway, I like you" sabi ko sa baritonong boses. Sumeryoso ako ng tingin at pinagmasdan siya. Halatang nagulat sa aking sinabi tumawa ako pagkatapos dahil mukhang hindi siya makagalaw sa kaniyang pwesto. 

Iniwan ko na siya doon pagkatapos at sumakay na sa loob ng aking kotse. 'Yung mga salitang binitawan niya sa'kin kanina kahit hindi ko man aminin ay nasaktan ako doon. 

Wala siyang gusto sa akin at ako lang ang umaasa dito, nag hihintay sa wala. Lumipas ang dalawang araw hindi ko na siya muling nakita kahit nasa bar kami ngayon nila Sean.

"Callix, are you okay? 'wag ka masyadong mag lasing. Ano ba kasing nangyari?!" pilit na tanong sa'kin ni Sean.

"I confessed..." halos manlumo ako sa aking sinabi. Hindi ko alam pero ramdam ko ang kirot sa aking puso sa mga susunod na salitang aking sasabihin. 

"Then?" 

"She don't have feelings for me. Ako lang 'yung umaasa dito" I answered sarcastically. 

Hindi nag salita si Sean at sinamahan niya lang akong uminom. He's been my best friend for years and he is always there. Later on he spoke. "Try to messaged her and have dinner? Alam mo 'yon?" he tried to cheer me up.

"Bahala na..." Mapait akong napangiti. 

One day after class I decided to do that thing and she said yes. Halos gabi na rin ng marating ko ang condo niya malapit din dito sa Ust. 

Kinakabahan ako pero kailangan kong panatilihin ang seryoso kong mukha. I knocked at her door. I waited a couple of minutes at bumungad siya. 

Napaiwas ako ng tingin ng baka mahalata niya ang mga titig ko sa kaniya. "You wanna date me?" I laughed a little.

"Baka ikaw!" she rolled her eyes. 

Oo, Ashley. Sana nga totoo 'to, I'll wait for the right time comes. I opened the door for her at ako naman ay umikot sa driver's seat. My jaw clenched nang maalala ang sakit na nararamdaman ko ng palihim. 

"Saang university ka?" she suddenly asked.

"La salle, ikaw?" I asked back.

"Ust" 

"Course mo?" halos sabay naming sabi. Napangiti na lang ako dahil doon. 

"Sabay pa nga" I laughed. Bakit ganito siya? Hindi ko na alam kung makakaahon pa ba ako sa kaniya. I think I'm fallen in love deeply. 

She's an architecture student. I think It will be more interesting...

One morning I called her before I went to La salle. We talked minutes not until she asked me. "Friends na ba tayo?" 

Ang sakit. Bakit ba siya ganyan mag salita? Napaka harsh. Oo, friends na. Friends lang. 

"Y-yeah sure" I sighed.

Napapadalas na ang pagkikita namin sa mga sumunod pang mga araw at linggo. I asked her if she want to go with me on a 'date' maybe hindi naman niya aakalain na date nga talaga. Maybe a friendly date. Kung ano mang isipin niya. 

"Ano ba 'yan, Callix!" inis na sabi ko sa sarili ko.

We went on a mall and for the second time I asked her. "Do you like me?" 

Halos magulat na naman siya sa aking tanong. "What? no way!" seryoso niyang sagot. 

Halos makaramdam ako ng kirot muli sa aking puso. Sadyang ganyan na talaga siya. Masakit mag salita, she's so arrogant. Hindi man lang inaalam kung ano ang nararamdaman ng iba. Kung ano ang nasa isip at puso niya ay 'yon ang lumalabas.

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya. Para siyang anghel sa akin kaso ang ugali ibang iba sa gusto ko. Sinamahan ko siya bumili ng alcohol markers pagkatapos namin kumain. She almost start a quarrel between us at nakipagtalo pa talaga kung sino ang mag babayad. 

Kailan kaya kami magkakasundo nito?! 

"Maybe maging partner tayo soon sa isang project" I smiled. 

"Ito naman si Engr. Ramirez masyadong advance" she smirked. 

Oo, masyadong advance, Ashley. Pati future natin naka plano na ikaw na lang ang kulang.

"Okay ka lang? lalim naman ata ng iniisip mo, ah?" she laughed a little. 

Mapait akong napangiti sa kaniya. Madami akong iniisip kung alam mo lang. Hindi ko na alam sa sarili ko kung bakit ako nag kakaganito sa'yo. Sayo ako sumasaya pero masakit din pala. 

Kahit sa'yo normal mo lang sabihin ang mga salitang 'yon, pero para sa'kin masakit at malaki ang epekto. 

When we are on our ride she asked me. "So anong type mo?" 

"Type saan?" I asked innocently. 

"Malamang sa tao shunga" Ashley laughed.  

"Just someone who is always there for me until we grew older, someone who is nice, who is caring..." 

"Yun lang?" parang hindi makapaniwala niyang tanong.

"Ako na nga ang sasagot mukhang hirap na hirap ka" she laughed.

"Architect student, maganda, mapagmahal at Ashley Natasha Kim Alvarez ang pangalan, gano'n dapat" she proudly said.

I smiled. What a beautiful name she have. Ashley Natasha Kim... napangiti ako akala ko puro kasungitan, snob at maldita 'tong babaeng ito. She also have her soft side. 

I'm starting to love her more and more everyday. Even when her name is too long I don't care it is like a lullaby into my ears. Ikaw lang ang pipiliin ko sa araw araw. 

She's my Love. 

"Everyday I'm falling to you, can't help over it" I confessed one night.

A month passed and I succeed. She fall into me and I fall into her harder. 

Kahit sa mga simpleng bagay ay nagseselos ako. Because she's only mine. I smiled after knowing that she is also her in Laiya, ilang months na lang 1st anniversary na namin. 

How it so be easy? Time flies so fast. I was walking near the seashore when I saw Ashley talking to his guy friend. Hindi niya namalayan na tumabi ako sa kaniya kaya naputol ang usapan nila.

Nagpaalam si Dwyane sa kaniya at tinapik ang kaniyang braso. Tumitig ako sa kaniya ng seryoso. "I didn't know na close pala kayo?" I arched a brow.

"What if we are close?" I almost choke. Kanina pa siya nagkakaganyan, ah? Is she jealous in Alyana? Kailan ko ba sasabihin sa kaniya ng paulit-ulit na siya lang ang babaeng mahal ko. 

"Does he like you?" I asked.

"Dati"

What the heck. Hindi, sinasabi ko na nga ba! Malakas ang kutob ko sa kaibigan niyang 'yon. I have trust issues after all. Kahit noong nagpaalam siya sa akin na pupunta sila kasama 'yung pamilya noong Dwyane na 'yon, parang ayaw ko siya pasamahin. 

Pero hindi naman dapat gano'n. I will let her kung saan siya masaya. Wala akong ginawa kung hindi mag-aral habang siya ay nasa Palawan. Umaasang makausap siya noon pero hindi man lang siya nag-atubili.

Nag bago ang expresyon ko ng mapagtantuang nag se-selos pala siya. 

Silly her... 

"I told you I love you many times is that not enough?" 

 We spend our year together in her birthday, Christmas, new year and vacation but in a sudden moment we chase our path alone. 

Hindi na naging okay ang lahat simula noong birthday niya. Everything got worse. Pumunta kami sa kanilang mansion para ipakilala ako sa kaniyang tatay. 

Pero hindi ko inakala lahat na ganito pala ang mangyayari. 

"Ashley?! What's the meaning of this?!?" his dad shouted. 

Halos manlumo ako hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Akala ko magiging okay na ang lahat, kami, dahil naka plano na ang lahat ng ito hanggang sa pag tanda namin pero mukhang masisira pa ata. 

His dad shouted once again. Tinitigan ako ni Ashley pero tumingin lang ako sa kaniya ng walang expresyon ayaw 'kong malaman niya na lubos akong nasasaktan ngayon. 

"Callix!" she called me but I left her alone. 

Lumipas ang mga araw na hindi kami nagkikita. I want to give her some time to process what's happening. 

We met again and I saw her sad face. I caressed her hair. "Don't be upset, ayos lang ako..." mapait akong napangiti. 

Kahit hindi, kahit masakit na, pipilitin kong maging matatag dahil alam kong nahihirapan na din siya. Naramdaman ko ang takot at pangamba sa kaniya at ipinaramdam ko sa kaniya ang pagmamahal.

I will always be here for you. Kahit anong mangyari sabay natin 'tong haharapin, pangako. 

We will deal with it together and it's part of chasing dream. Sasamahan kita kahit gaano pa kahirap ang buhay. Mahal kita.

Masakit para sa'kin dahil ramdam ko din na ayaw sa akin ng tatay niya. Ramdam ko 'yon dahil hindi ako manhid ayaw ko na lang sabihin kay Ashley dahil alam 'kong mas malulungkot siya.

Weeks passed and I tried to messaged her madalas siyang late mag-reply o di kaya naman cold. Is she okay? I'm worried.

Kaya naisipan kong pumunta sa Ust kahit may kalayuan siguro naman ay awas na siya dahil hapon na. I drove there and tried to find her. Halos manlumo ako ng makita ko na magkasama si Ashley at Dwyane na masayang nag-uusap sa di kalayuan.

Madilim akong tumitig sa kanila. Gago, ang sakit. 'Wag mong sabihin na ayaw mo na sa'kin at siya na ang gusto mo? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari 'yon.

 He pushed Dwyane when she saw me far away. She left there at ang Dwyane na 'yon na lang ang naiwan. My jaw clenched at dali-daling lumapit sa kaniya habang taka pa rin sa mga nangyayari. 

Isang suntok naman ang dumaloy sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil sa lubusang sakit at pait sa kaibuturan na nararamdaman. 

"Get away from my girl!" sabi ko sa baritonong boses. Nakakuha ako ng suntok mula sa kaniya at masama kaming tumitig sa isa't isa.

"I'm breaking up with you" she said in a cold monotone voice. 

Halos nabingi ako sa kaniyang sinabi, no, hindi 'to totoo it's just a nightmare. 

"No" matigas kong sabi. 

Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo, Ashley. Wala namang masama kung sabay nating haharapin ang ating mga pagsubok 'di ba? Bakit kailangan mo pang gawin 'to?

Ang sakit... you are so arrogant, Ashley. 

My jaw clenched in so much frustration. "No I'm serious. From now on you will never see me again" halos sumigaw siya at ramdam ko ang galit sa kaniyang boses. 

That words ended me. Para akong bumalik sa dating gawi na puro inom na lang ang inaatupag, para makalimot sa sakit na naidulot niya sa'kin. 1st anniversary pero ito pala 'yung araw na ipaparanas niya sa akin na masaktan ako. 

I love her so much but she doesn't want me anymore. She loves someone else. 

I know things can't meant to be for us. But I hope someday it will work again. Life is so yet powerful full of problems and hindrances, but don't give up, Ashley. I'm still fighting for our love and I hope you are. Be safe as always, I am always here watching you silently

Gusto kong magalit at maging makasarili at tanging sarili ko lamang ang para sa kaniya ngunit hindi ko kayang pagkaitan siya ng kasiyahan na matagal na niyang hinahangad. 

Akala ko magtatagal kami pero hindi pala. Sapat na ang isang taon na pagsasama dahil nag wagi ka, nasaktan mo ako. Pinilit naman kitang intindihin, Ashley... pero ako kahit kailan hindi mo ako tinanong kung ayos lang ba ako. 

Masakit dahil alam kong tuluyan na akong nawalan ng pag-asa dahil sa mismong harapan ko pa niya hinalikan ang lalaking isa sa mga ayaw ko. 

Tama nga, magiging masaya na lang ako para sa kanila. Maybe she found out that she didn't love me after all. Baka na-realize niya na ayaw niya pala sa'kin at nagkunwari lang siya.

Sobra mo na akong sinaktan at sapat na 'yon para sa akin. Umalis na ako pagkatapos noon, oo, nag makaawa ako sa kaniya sa huling pagkakataon pero ang makita siyang may kasamang iba... hindi ko kaya.

Isa pa, ayokong makita siya na may kasamang, hindi ako...

Masaya na siya sa piling ni Dwyane. Ayun naman ang hiling ko maging masaya siya kahit hindi na ako. After everything that happened to her, she deserves to be happy. Even if that happiness no longer includes me, ayos lang.

Pwede ko naman siyang pagmasdan ng palihim. Tinuon ko ang sarili ko sa pag iinom ng alak. Nagulat ako ng malaman kong pumunta siya dito sa condo ko isang araw.

Kahit ayaw ko siyang saktan nagawa ko siguro masyado lang ako nasaktan dahil sa mga ginawa niya sa'kin. Naupo ako sa sahig habang nag kalat ang bote ng mga alak.

Nainis na naman ako ng may kumatok sa pintuan ng condo ko. Nagulat ako ng bumungad sa akin si Dad at nakatanggap ng suntok sa kaniya.

"Asshole! Ano na namang ginagawa mo at ganyan ka?!" galit niyang tanong.

"Dad, don't mind me I'm hurt" My voiced almost cracked. 

"Ano na naman?"

"Ashley broke up with me" tumulo ang luha ko mula sa aking mga mata. 

"Tama nga 'yan sa'yo dahil hindi mo inaayos ang pag-aaral mo! Sabi ko sa'yo mag med ka pero pinagpatuloy mo pa rin ang engineering na 'yan." 

After all the heartbreaks I've been through. Hindi ko na alam ang nangyari sa akin. Lalo na 'yung sinabi niya na aalis na siya at pupunta na siyang Spain. Hindi ko na siya makikitang muli.

For years, I busied myself into studying at sa mga nag daang taong 'yon hindi ko na siya nakita. I miss her. 

And I hope now she's proud of me that I am an engineer. Kahit kaunti lang sana masaya siya sa akin na... na naabot ko na ang pangarap ko. 

I am now an engineer. Sa wakas napatunayan ko na din an sarili ko sa tatay ko at ngayon hahanapin kita, papatunayan ko sa'yo ang lahat pero sana nga ay makita pa kita.

"Engineer, balita ko ikaw daw ang magha-handle ng project sa Alvarez, ah?" 

Tiningnan ko ng masama si Kian mukhang nang-aasar lang. I rolled my eyes at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko, hindi nag sasalita. 

Kakakgaling ko lang sa company nila at unang araw pa lang ay hindi ko inaasahan na makikita ko ang babaeng mahal ko. Ang kaisa-isang babaeng minahal ko. 

Naging mas matured na siya ngayon at mas lalong gumanda. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko dahil nakita ko ang necklace na binigay ko years ago o baka ay kaparehas lang?

Damn, I miss her!

"Ano nakita mo na ba ang mahal mo?" Malakas siyang tumawa kaya kinuha ko ang blue print at hinampas sa ulo niya.

"Ay, sorry, nakita mo ba?" ngumisi muli si Kian kaya hinampas ko siya ulit ng blue print. 

"Aray ko ha!" angal niya.

"Huwag mo na kasing asarin," umiling si Engineer Rodriguez at tumawa. 

"Isa ka pa, Lewis!" iritado kong sambit.

"Asarin sa ex niyang sobrang mahal niya pa rin" 

"Kayong dalawa ipupukpok ko sainyo 'tong bakal kapag 'di pa kayo tumigil diyan" nilagay ko lahat ang gamit ko sa bag.

"Ano nagkita na ba kayo?" 

"Hindi. Nasa Spain 'yon, malabo 'yung umuwi dito at isa pa napaka chismoso niyo!" umirap ako at sinamaan sila ng tingin.

"Ah, malabo nga naman silang magkita 'no Lewis?" siko ni Kian kay Lewis. "Kasi hindi architect 'yung ex niya kaya malabo talaga sila magkita" 

"Kayong dalawa umayos kayo, baka kinabukasan o ngayon pa lamang ay wala na kayong trabaho!" masama ko silang tinignan.

"Ito na a-ayos na" sabi nila. 

Ayaw ko sabihin sa kanila na nagkita na kami dahil patuloy lang ang dalawang 'to sa pang-aasar. Baka kakagaling niya lang Spain at umuwi na dito sa Pilipinas. Sa mga nakalipas na taon na wala siya inabala ko ang sarili ko sa trabaho. Tanggap ng projects hanggang sa ako na ang naging head. Ang saya ko noon pero parang may kulang pa rin.

"We are chasing our dreams together, my love" I said sarcastically in my mind. 

"Loko, wala ka nga noong mga panahong kailangan kita because you chose to leave me than facing it together" 

Lumipas ang mga araw at unang araw pa lang na magkasama kami ay hindi na naman kami magkasundo. Hindi ko maitanggi sa aking sarili na mas gumanda nga siya. Siguro ay nalimutan na niya ako at parang walang pakialam sa akin. She's not bothered.

Nothing changed at all siya pa rin pala ang Ashley na nakilala ko noon, arogante. 

Ano naman kung may tumatawag sa akin? May pakialam ba siya, huh? 

"Still the harshful Ashley" I pushed her a little. Hindi ko man gustong gawin sa'yo 'to, pero parang sariwa pa rin sa akin ang lahat ng hinanakit.

Lagi kaming nagkakagalitan sa loob ng office room. Walk out doon, walk out rito. At isa pa mas lalo siyang naging mataray. I still love her despite all her insecurities. 

Gusto ko man lagi siyang kamustahin pero lagi akong nadu-duwag. Takot ako, pagkatapos lahat ng nangyari.

Kahit ayaw 'kong tanggapin ang project na 'to ginawa ko dahil nagbabaka-sakali ako na makita ko muli siya at tama nga ako, nakita ko siya. I miss her face and everything about her. 

Kaso sa bawat araw na lumilipas I almost regret this project dahil sa tuwing pumupunta si Architect Dwyane dito sa office o di kaya naman ay nakikita ko silang dalawang magkasama ay parang ayaw ko na. Sa tuwing nakikita ko sila ay parang ipinapaalala lang sa'kin ang mapait na nakaraan.

Alam kong nakatuon na ang buong atensyon niya doon sa lalaking 'yon, takot akong baka tuluyan na nga siyang maagaw sa akin. Oonga pala, hindi na siya sa akin, hindi ko na siya pagmamayari. 

I pretend that I have a family and a child. Naniwala naman siya when I brought my sister here. Halata na naiinis siya sa presensya niya kaya hindi ko napigilan na ngumiti. On a little matter, that still gives me hope... na baka mahal niya pa ako.

Isang araw she didn't went to work so I asked her dad. Sinabi niya 'yung address nila sa Laguna kaya sinundan ko si Ashley doon. Nag suot lamang ako ng isang black hoodie para hindi niya ako mapansin. Kahit nakakapagod mag drive ay sinundan ko siya.

Nakita ko siya sa kanilang ikalawang palapag ng bahay, she looks like happy, you deserved that. Kinabahan akong mag tago sa likod ng puno ng tumingin siya sa gawi ko. Sana naman hindi niya ako nakita!

We kept on chasing each other many times until now. Kailan ba 'to matatapos? Hindi ko na alam ang mararamdaman ko na sa ikalawang pagkakaton ay pupunta na naman siya sa Spain kasama si Dwyane, mukhang nangliligaw. 

Tangina! Hindi pwede.

Wala naman akong magawa iniwan na naman niya ako kasama 'yung lalaking 'yon, ang sakit. Kahit hindi niya intensyon na saktan ako nasasaktan ako ng palihim. Lumipas ang ilang araw ay bumalik sila kaagad... akala ko ba linggo sila doon?

Hindi ko siya kinausap lagi siyang nagagalit sa akin habang ako ay seryoso lang lagi ang mukha. Muli akong nasaktan when I went off to work I saw her right in front of my door. I saw her sad face. "I beg, please balikan mo ako. I want to fix us." halos pumiyok na ang kaniyang boses sa sobrang pagmamakaawa. 

Gusto man kitang balikan Ashley pero sa tingin ko hindi na ito makakabuti para sa atin. It's toxic, alam kong hindi mo na ako mahal. Alam mo lang na nandito ako kaya ganyan ka. 

"Nothing feels the same without you around" umamin siya. Fuck, baby... ganyan din ako. Mahal na mahal kita pero mukhang ayaw sa atin ng tadhana. Miss na miss na kita. Halos mapalunok ako ng makita siyang lumuhod sa aking harapan. 

No, don't do that...

Naging arogante ako sa kaniya sinaktan ko siya ng paulit ulit pero sa kabila ng lahat ng sakit kami pa rin, sa akin pa rin siya uuwi. Dahil hindi kumpleto ang tagumpay kung wala siya sa buhay ko. 

Naging maayos ang lahat ng mga bagay sa amin. Humingi ang bawat isa sa amin ng tawad at masayang ipinagpatuloy ang buhay. Akala namin masaya na kami pero nagkamali kami. Sa hindi inaasahang pangyayari nakaramdam muli siya ng lungkot. 

Dinamayan ko siya hangga't kaya ko. Malapit na kaming ikasal pero ganito siya at iyak ng iyak alam 'kong mahirap mawalan ng mahal sa buhay lalo na kapag ang taong 'yon ay importante sa'yo.

"I love you baby," I whispered.

"Ang sakit Callix" ramdam na ramdam ko sa kaniya ang sakit. Tumulo ang maliliit na luha niya sa braso ko habang yakap ko siya. 

"Akala ko ayos na ang lahat..." she closed her eyes. 

Akala ko din. 

Sa lahat ng nagawa namin noon sa isa't isa, kailangan kong bumawi sa kaniya. Masakit siyang mahalin, nakakasuko, nakakapagod. Pero alam kong mas nasaktan ko siya. Andito na ako hindi na kita iiwan dahil sa oras na mangyari muli 'yon hindi ko na alam ang rason ko sa mundong ito.

Nanginginig ang mga kamay niya kaya hinawakan ko 'yon ng mahigpit. "Thanks for being with me through this journey, mahal kita" she said while tears flowing down in her eyes.

Para akong nakaramdam ng saya simpleng salita lang pero malaki na ang epekto sa akin. "Always for my Ashley..." I said and hugged her tight.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa mga nagbabadya na luha din sa mga mata ko. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak ng ganyan, if she feels like losing herself then I feel like I'm losing myself too.

At dumating na ang pinakahinihintay namin... ang araw ng kasal. "I, Callix Akien Ramirez, take you, Ashley Natasha Kim Alvarez, to be my lawfully wedded wife. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, for sickness and in health, to love and to cherish, 'til death do us part..."

Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan siya sa harap ng lahat. Nugumiti siya sa akin at niyakap ako. "I will always be proud of you..." I whispered.

"Mahal kita at mamahalin kita sa araw araw," sabi kong muli.

All of our dreams, tutuparin namin nang magkasama. Mula sa unang araw hanggang sa huli mananatili ako para sa kaniya. Hindi ko siya iiwanan, hindi ko ipaparanas sa kaniya ang lungkot... because without her I can't live. 

Kahit gaano kahirap man ang buhay at pagkakaton sa amin siya pa rin ang pipiliin ko. Hindi ko nakikita ang sarili ko na hindi siya kasama.

Lumipas ang siyam na buwan hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pinaghalong tuwa at kaba. Agad naming sinugod sa ospital si Ashley it's his due date. Hindi ko malaman sa sarili dinala siya sa kung saan siya manganganak. 

Wala akong idea dito because this is my first time. Sa mga nagdaang buwan ay mahirap din dahil hindi ko malaman sa kaniya minsan may gusto siyang pagkain tapos ayaw naman pala. Her mood changes so fast.

Nag hintay ako hangang sa madala na siya sa isang room. Hindi ko maipaliwanag ang aking saya ng makita ko ang aking anak, my son.

Tinanong si Ashley kung anong pangalan ang ibibigay namin. She looked at me, mukhang humihingi ng tulong. "Levin Dalton Ramirez..." bulong ko at napangiti na lamang.

Kita ko ang hirap at pagod niya sa panganganak kaya lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo. "I love you," 

"I love you too, Callix" she said in a sweet voice. 

"Levin..." ulit niya habang nakatingin sa aming anak na katabi niya sa higaan.

After all I've been through, I finally reached the success. I'm glad that I accomplished everything above all. With here I chased the love of my life

With her I have the success. Siya ang tagumpay ko.

END

Continue Reading

You'll Also Like

832K 21.3K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
16.5K 547 16
When Will Byers vanishes within the small town of Hawkins, Indiana, Mike Wheeler and his adopted sister work with their friends, Lucas Sinclair and D...
5.5K 575 51
Yazielle Xeinnah Veralla is a tattoo artist and a professional photographer who keeps on looking for true love. She had her own reasons but everyone...
37.7M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...