The Art Of Letting Go

By Vhionne

1.3K 188 285

COMPLETED Kelan and Chantal is bestfriend since first year highschool. Everything is in a good situation for... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Epilogue

Chapter 8

67 13 17
By Vhionne

'My heart loves you
But i rather hide it than to lose you.'

_________

CHANTAL

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, hinayaan ko itong tumutunog nang ilang minuto bago ito tinigil. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit ang totoo ay kagigising ko lang naman.

Tumayo ako at nagpunta sa banyo, i-on ko ang tubig at naghilamos ng mukha ko. Nakita ko ang repleksyon ko sa kaharap kong salamin namumugto ang mata ko at halatang nakatulog ako sa pag-iyak kagabi.

Napangiti ako nang bahagya sa salamin. Tigil na Chantal. Kalimutan mo na yan yang nararamdaman mo para sa kaniya.

Kaibigan ka lang.

Dahan-dahan tumulo ang luha sa mata ko nang isipin ang salitang iyon. Matagal ko nang tinanggap ngunit masakit parin na hanggang dun lang talaga ako.

Sana pala hindi na lang ako lumabas kagabi para kumain.

Sana pala hindi na lang ako nagpunta sa 7eleven kagabi.

Sana nakaramdam na lang ako nang takot umalis mag-isa.

Sana hindi ko na lang sila nakita.

Sana hindi ko na lang siya minahal higit pa sa pagiging magkaibigan namin.

Sana mawala na tong nararamdaman ko para sa kaniya. Sana matutunan ng puso kong mahalin siya bilang kaibigan lang.

Kaso wala na ata talaga akong kawala kay Kelan. Ilang beses ko nang pilit na kinalimutan ngunit tuwing makikita ko siya wala akong ibang mararamdaman kundi kakaibang saya at ang bilis nang tibok ng puso ko tuwing hahawakan niya ako.

Everytime i watch him performance on stage mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. I know he's happy singing in front of people that supports him. Wala akong ibang gagawin kundi ang suportahan siya at mahalin ng patago.

Hindi ko alam kung sinong inaalayan niya ng kantang kinanta niya nung contest but one thing for sure im just looking at him singing the song that hits me hard.

His voice is one of the reasons why i love him so much. Tuwing maririnig ko siyang kumanta i cant help it but to fall inlove with him again and again. Gustuhin ko man o hindi i will just found myself already falling for him.

Naala ko yung ginagawa namin nung isang araw. Tinulungan ko siyang gumawa ng cake, Im quite happy for his concern about me muntik ko nang isipin na sa wakas gusto narin niya ako but when i saw him kissing Wendy at the middle of the street all of my happy thoughts being us together suddenly broke.

Hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi kagabi basta ang alam ko lang patungo ako sa 7eleven nung gabing iyon para bumili ng ice cream nila when i suddenly saw the both of them kissing. Hindi ako pwedeng magkamali dahil tutok na tutok sa kanila ang street light. I clearly see how their lips met in an instant.

Tumakbo akong umiiyak pauwi saamin hanggang sa nakatulog ako dala nang pagod kaiiyak ko kaya namamaga ang mata at mukha ko. Muli kong binasa ang kamay ko at pinunas sa mukha ko bago nagpunas ng tuwalya ko at lumabas.

Tama na Chantal. Act like nothing happen. Dapat masaya ka lang kapag nagkita ulit kayo mamaya.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang maka-apak ako sa University. I act like i didn't saw anything, I act like i don't care at all, I act as if i am happy the whole time.

Lately I've been noticing their closeness, little did I know na may something na pala sila. Hindi ko pa malalaman kung hindi ko sila nakita kagabi. Hah! They look so happy together.

"Chantal are you alright? Parang ang lalim ng iniisip mo." Tanong saakin ni Wendy na nagpabalik sa huwisyo ko habang nakapalumbaba siya sa kamay niya at prenteng kumakain ng biscuit.

You look so happy.

"O-ofcourse, why not diba?" I try to act cool as much as possible. Nagkibit-balikat lang siya saakin at tumango bago harapin si Kelan na nasa tabi niya at nagbabasa ng libro.

"Bryant you should sometimes free yourself from academic. Huwag ka muna mag-aral." Nakangiting sabi niya kay Kelan na natigilan bago niya kunin ang libro sa kaniya at ibaba iyon sa sementong inuupuan namin sa silong ng mangga sa University dahil lunch time namin ngayon.

Wow. Iba na pala ang tawag mo sa kaniya, Bryant. Yung second name ni Kelan na ayaw niyang may tumatawag na kahit sino but for her? Nah? Okay lang sa kaniya. Edi magsama kayong dalawa.

Tumayo siya nang may makitang lalaki na naglalakad papalapit at nilapitan ito.

"Hi! Can i borrow your guitar?" Matamis na ngiti niya sa lalaking schoolmate namin na naglalakad at hinarangan niya. Nahihiyang tumango sa kaniya ang lalaki at ibinigay ang gitara kay Wendy.

"Thank you. Just a second." Kinindatan pa niya ang lalaki bago muling lumapit kay Kelan at ibigay ang gitara.

"Here sing a song for me." She gave her a sweet smile before sitting beside him. "Sure." Walang pag-aalinlangan na sagot ni Kelan sa kaniya.

Hah! For me talaga? Hindi pwedeng for us? Nahiya naman kami ni George na kasama lang din naman nila. Pinaalis niyo muna sana kami kung gusto niyo pala magkaroon ng harana momment.

"Can you sing Realize by Colbie Calliat?" She said in a sweet tone na hindi naman natangihan ni Kelan.

"Yeah." Sinimulan niyang tugtugin ang gitara niya habang nakatingin kay Wendy na halatang masayang-masaya sa nagaganap na kanta para sa kaniya.

"Take time to realize that your warmth is crashing down on me." Ang malamig at maganda niyang boses na sobra kong minahal ay ginagamit niya para alayan ng kanta ang ibang babae sa harapan ko pa mismo.

"Take time to realize
That I am on your side
Didn't I, didn't I tell you?" Nakangiting tumingin siya sa kay Wendy habang tumugtog ang gitara at umaawit siya.

"But I can't spell it out for you
No, it's never gonna be that simple
No, I can't spell it out for you." The way he sang this part gives me chill.

Ang ganda sa tenga ng boses niya at tugmang-tugma sa nararamdaman ko para sa kaniya. But sadly he's singing it not for me but for another girl.

Iniwas ko ang paningin ko hinayaan ang sarili kong pakinggan na lang ang kanta habang umiinom ng hot coffee na binili ko kanina sa Cafeteria nang matapos naming kumain.

"If you just realize what I just realized, then we'd be perfect for each other and we'd never find another."

If you only you know that i love you baka sakaling mahalin mo rin ako like i loved you. Kaso nakakatakot umamin sayo, takot ako sa maraming bagay na posibleng mangyari sa oras na malaman mo. Takot akong mawala ang pagkakaibigan natin na tanging pinaghahawakan ko, takot akong mawala ka saaakin.

"Just realize what I just realized
We'd never have to wonder if we missed out on each other, now."


Hinayaan ko ang sarili kong damahin ang liriko at malamig niyang boses sa pagkanta.

"Take time to realize
Oh, oh, I'm on your side
Didn't I, didn't I tell you?"

"Galing mo talaga dude." Natutuwang sabi ni George sa kaniya na nasa tabi ko.

"Take time to realize
This all could pass you by
Didn't I tell you?"

Napatingin ako kay Kelan ulit na sana hindi ko na lang ginawa.

"But I can't spell it out for you
No, it's never gonna be that simple
No, I can't spell it out for you."

Nakatingin lang siya kay Wendy na masayang dinadama ang kanta habang naka-sandal ang ulo nito sa balikat niya. They look like a happy couple.

"If you just realize what I just realized
Then we'd be perfect for each other—"

"Aray!" Mahinang tili ko nang mabitawan ko ang hawak kong mainit na kape na tumilapon sa mismong hita ko.

"Shit. Okay ka lang Chantal?" Agad na sabi ni George na bahgaya ring natapunan at agad akong pinatayo mula sa pagkakaupo ko.

"Lets go the clinic." Nag-aalalang sabi niya na tinanguan ko dahil ramdam ko ang hapdi sa hita ko.

"Can you walk?" Muli niyang tanong hindi pa lang ako nakakasagot nang buhatin niya ako na tila sako patungo sa Clinic room ng University.

Napalatingin saamin ang lahat ng estudyante na dumadaan, hinayaan ko na siya pagkat ramdam ko ang sakit sa hita ko dala ng mainit na kape.

"Nurse! Help." Agad na aniya nang makapasok sa loob ng Clinic at ibaba ako sa hospital bed sa loob.

"What happen?" Napatayo ang babae na medyo may katandaan saamin. "Napaso siya ng mainit na kape."

Agad kumuha ng ice ang nurse ay nilagay ito sa ice bag, dali-daling kinuha ito ni George at umupo sa tapat ko mas mababa saakin habang dinadampian ng cold compress sa hita ko.

Nasa ganon making posisyon nang pumasok sa loob ang nag-aalalang si Kelan kasunod si Wendy na parehong Natigilan sa nakita.

"You need to do that for 20 minutes para hindi magkaroon nang infection or other problem sa hita ng girlfriend mo." Napatingin ako sa Nurse nang sabihin niya iyon kay George.

Aangal pa sana ako nang magsalita siya. "I take care of it, thank you. " Napatango ang nurse sa kaniya bago ibaling ang atensyon sa dalawa na nasa tapat ng pinto.

"What can i help Maam Sir?" Narinig kong sabi niya ngunit ang atensyon ko ay nasa hita ko na dinadampian ni George ng cold compress.

"Uhm its okay, kasama nila kami." Boses ni Wendy ang sumagot sa Nurse.

"Okay po. Umupo na lang po kayo dito." Tukoy ng Nurse sa upuan sa tapat ng pintuan ng Clinic room.

"Does it hurt?" Tanong ni George habang ang atensyon ay nasa dahan-dahang pagdampi niya sa hita ko.

"Nawawala na yung paso pakunti-kunti. S-salamat." Naiilang na sagot ko sa kaniya.

Lumipas ang ioang minuto at nauna nang umalis sila Kelan sa loob ng Clinic room nang tumunog ang bell, naiwan kami ni George na ginagamot ang hita ko bago kami pumasok sa klase dala-dala ang ice bag. Pinaliwanag namin sa professor namin ang nangyari na pinapasok naman kami at naintindihan ito.

Lumipas ang oras at uwian na namin. Its should be an ordinary day kung hindi lang ako napaso, the whole time George is taking care of me. Simpleng pagtayo ko lang ay aalalayan na niya ako. He can he a good husband someday.

"You're alright?" Tanong ni Wendy saakin na tinaguan ko bago siya nilagpasan para makalabas ng classroom.

"Oh dude alalayan mo yang si Chantal ah, una na kami ni Wendy." Nakangiting sabi ni George kay Kelan na tumango bago sumakay sa tricycle ang dalawa nang makalayo ay tsaka niya ako hinarap.

"Okay ka lang?" Malamig na tanong niya saakin.

Yung hita ko okay lang pero yung puso ko hindi.

"Oo naman." Maikling sagot ko sa kaniya.

"Good. Ano ba kaseng ginawa mo?" Hinawakan niya ako at nilagay ang kamay ko sa balikat niya upang alalayan ako sa paglalakad.

"Wala naman kusa lang natapon yung kape." Maikling sagot ko sa kaniya na hindi na ako kinausap at inalalayan na lang ako.

Sumakay kami sa sumunod na tricycle at nagpababa na lang sa pagitan ng bahay namin bago bayaran ang driver. Nang makaalis ay hinarap niya ako ulit.

Sinenyasan niya akong pumasok na sa loob habang nakapoker face. Tumango ako at iniwan na siyang nakatayo sa labas.

"Oh? Anong nangyari sayo at ganiyan ka maglakad?" Nagtatakang salubong saakin ni Mama. Umupo muna sa sa sofa bago siya sagutin.

"Napaso po nung kape sa school." Nakita ko ang gulat sa mukha niya at akma na akong pagagalitan ng magsalita ulit ako.

"Pero okay na ako. Hindi na siya masakit, wala naman daw infection sabi ng Nurse."

"Aba dapat lang. Hindi ka nag-iingat." Umiiling na sabi ni Mama saakin bago kunin ang ice bag sa kamay ko at muling lagyan ito ng ice.

Nakakainis na pagmamahal to, napapahamak ako dahil sa nararamdaman ko para sa kaniya.





Continue Reading

You'll Also Like

42K 852 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...