She Owns My Lips || (Complete...

Galing kay shaitamad

10.9K 294 4

University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad... Higit pa

She Own My Lips
Simula
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
CHARACTERS
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Epilogue

Episode 15

158 7 0
Galing kay shaitamad

Episode 15:



CHARLOTTE




Alas-sais pa lang ay andito na kami ni Flair sa campus. Inasikaso ko rin ang mga gagamitin katulong sina Grae at Jam. Sila ang napili ko na sasama sa akin sa Aristotle. Si Shea naman kinakausap ang ibang president ng club while Flair kasama niya ’yong mga kaibigan niya. Tumingin ako sa aking cellphone.


"Good morning, andito na ba ang lahat?" Tanong naman ng council teacher namin. "Once I call your club name say present, okay?"



"Yes, Ma'am." Sagot ng mga nakakarami.


"Archery Club?"


"Present." Sagot ni Shea.


"Art Club?"


"Present." Saad ni Flair.


"Non-human Photography club?"


"I'm here, ma'am." Makwelang saad noong kaibigan ni Flair, bakla ata ’yon.


"Music and Dance Club?"


"Present, Ma'am." Sagod ng President nila.


"Theater Club?" Tumaas ang kamay ni Cruz.


"I'm here."



Marami pang tinawag hanggang sa makompleto kami at bumyahe na patungo sa Aristotle. Mahigit kumulang isang oras at kalahati ang binyahe naming lahat. Nang makarating naman kami ay agad na pumasok kami sa campus. Hindi ito ang unang beses na makakapasok ako rito. Maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin.



"Mga dahon ’yong estudyante rito." Napatingin ako kay Shea.


"Kaya nga. Ang tingkad ng kulay." Sulsul ni Grae.


"Mukhang malinis naman tingnan ang kulay berde a." Singit ni Jam. Tumingin lang naman ako kina Flair at Hailey.



Hindi niya ako iniimikan. Simula pa kanina kahit kasabay ko siya sa pagpunta sa campus. Kasalanan ko rin naman kasi ’yon. Kung hindi ko ba naman siya hinalikan ng bigla e ’di hindi sana aabot sa ganito. Tahimik lang akong hanggang sa makarating kami sa conference room. Pumasok na rin ang iba pang mga council ng Aristotle kabilan na ang mga Santillan at Alcantara.




"Hello." Bati niya sa akin. "Hanggang ngayon ikaw pa rin ang council president ng PU. Hindi ka nga talaga nila binibitawan." Tipid akong ngumiti.



"By the way this is McKenna Santillan, my cousin." Graduating na nga pala siya ng College. Inilahad niya ang palad sa akin.



"I'm Charlotte Reyes, campus president of Pierce University."


"Ikinagagalak kitang makilala." Ngiting saad naman niya.


Nagpakilala sa amin ang ibang council ng Aristotle. Ini-tour nila kami sa iba’t ibang club at masasabi ko naman na maayos sila. May masusungit lang pero hindi naman na bago sa akin ’yon.  Andito ako ngayon sa café hinahanap ko si Flair pero wala naman siya.



"Si Flair hinahanap mo?" Napatingin ako kay Cruz.



"May kikitain daw siya." Tumango naman ako. Sino ba ang kikitain niya? Si Kian Santillan na naman ba? Napatiim bagang naman ako’t tumayo.



"Oh?" Napatingin ako kina Shea, Grae at Jam na pare-parehong natigilan.



"Saan ka President?"



"May hahanapin lang ako." Nakita ko kung paano gumuhit sa labi ni Shea ang mapang-asar na ngumiti kaya naman inirapan ko siya’t naglakad na rin palabas ng café.


"Sh-t!" She hiss. Nabangga niya kasi ako at natapon ang hawak niyang drinks sa suot niyang uniform. Tumingin siya sa akin kaya naman tumingin din ako sa kanya. "What is your problem?" Asik niya pa sa akin.


"Are you numb? Stupid." Nainis naman ako dahil sa sinabi ng isa sa mga kasama niya.

"It’s not my fault. Ang laki naman kasi ng daan hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." Mahinahong saad ko.


"Hindi ka taga-rito kaya ’wag umasta na para bang dito ka rin nag aaral. Baka nakakalimutan mo, dayo ka lang dito." Tumingin ako sa kanya at bahagyang itinaas ang kilay.



"Hindi mo ba naiisip na masisira mo ang image ng school na ’to? Nasa rules na bawal ang attitude." Napalingun naman ako. She tilted her head. "She's in our campus. Oo, galing siya sa ibang school pero hindi lang siya basta estudyante. Council President din siya." Aniya pa.


"Dami mo namang sinasabi." She hissed.


"I'm just reminding you." Aniya pa.


"Whatever." Umirap siya't umalis na lang.


"You okay?" I nod.


"Let's go?" Napatingin ako sa kasama niya. She's McKenna, right? Iba ang aura niya—




"May lakad ka ba, Kenzie?" Napakunot noo naman ako. "Ah, nga pala ako nga pala si Zacy Ferrer. Volleyball member and this is Kenzie."



"Kenzie? Hindi ba McKenna?"She chuckled.



"McKenna is Kenzie’s twin sister." Tumango naman ako. Kaya pala wala man lang siyang pakialam. "Nga pala nawawala ka ba?" Umiling naman ako.



"May hinahanap ako."



"Ah, friend?" Tumango naman ako. "Baka siya ’yong nakita ko kanina kausap siya nang isa sa mga art member banda ro’n sa may grandstand, siguro doon mo na lang siya puntahan." Hinawakan naman niya ’yong braso ng kanyang kasama. "Halika ka na, love. Bye." Aniya’t hinila na ang kasama paalis.



May kinakausap na isa sa mga member ng art club? Sino? Si Kian Santillan ba ’yon?



"Argh! Bakit ko ba siya hinahanap?"



Naglakad na lang ako patungo sa grandstand. Iniikot ko ang buong paningin sa lugar hanggang sa may makita ako. Nakayakap si Flair sa isang babae. May Reddish hair din siya katulad nang kanyang buhok noon. Pagkatapos nitong yakapin Flair ay hinalikan pa nito ang pisngi niya bago umalis.





Naiinis ako. Sino naman ’yon? Bakit kung sino-sino na lang ang kinakausap niya?



"Charlotte?" Wika niya sa pangalan ko. Tumingin ako sa kanya at nilapitan siya. "A-ano ang ginagawa mo rito?"



"Hinahanap ka."



"Ha? Bakit naman? Babalik din naman ako sa café may kinausap lang naman ako—"


"I don't care." Napaawang naman ang labi niya.


"Are you mad?" Natigilan ako’t itinaas ang kilay.


"Why should I?" Nagkibit balikat siya. "This past few days napapansin ko na palagi mo akong iniiwasan." Napakagat labi naman siya kaya umiwas ako ng tingin. Bakit kailangan niyang gawin ’yon?



"K-kailangan ko bang palagi kang kinakausap?"


"Why not?"


"I don't wanna disturb you."



"May sinasabi ba ako na istorbo ka?" Umiling naman siya. "Hindi naman pala e. So, bakit umiiwas ka?" Hindi siya nagsalita kaya may lalo akong humakbang palapit sa kanya. "Bakit iniiwasan mo ako?"


"May reason ba dapat?"



"Yes." Bumuntong hininga naman siya.



"Hindi naman ako umiiwas. We're not friends." Natigilan naman ako. "Hindi naman tayo gano’n ka-close para palagi akong lumapit sa iyo." Hinawakan ko ang pulsuhan niya’t hinila patungo sa likuran ng grandstand at isinandal sa pader bago inilagay ang palad sa may ulunan niya.



"Dahil ba sa halik ’yon?" Hindi siya makatingin sa akin. "Tell me, dahil ba sa halik—"


"Yes." Tumayo naman ako ng tuwid. "K-kasi ako ang nahihiya."


"Bakit ka mahihiya? Ako naman ang humalik sa iyo."



"Yun na nga. Ikaw ang humalik sa akin pero ako ang nahihiya. P-parang wala lang naman sa’yo—" Hinawakan ko ang likod ng ulo niya’t kinabig palapit sa akin dahilan upang muling magtama ang labi naming dalawa.




Ipinikit ko ang mata ko bago hinawakan ang bewang niya and pull her closer to mine.

_________________________________

:)

forda kiss.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

443K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
854K 40.7K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
6.5K 113 21
ito naman, SPG ng malala, Marian Rosal was sold to a lipstick lesbian woman Gail Veron na bilyonarya who doesnt have anyone in her life, walang anak...