She Owns My Lips || (Complete...

By shaitamad

10.6K 293 4

University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad... More

She Own My Lips
Simula
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
CHARACTERS
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Epilogue

Episode 9

146 8 1
By shaitamad

Episode 9:



FLAIR



Matapos ang afternoon class e nauna na rin ako sa tatlo. May gagawin pa kasi sila sa theater e. Nag-presinta pa nga si Hailey pero tumanggi ako. Isa pa dadaan lang ako rito para kumuha ng damit. Pagbaba ko ng taxi, natigilan ako nang makita ko ang isang bulto ng tao. Nakatalikod siya sa akin at alam ko kung sino siya.



He found me.



Nang humarap siya sa akin, mahigpit na napahawak ako sa aking bag habang sinasalubong ang kanyang mga tingin. Napakurap ako ng ngumiti siya bago ako nilapitan saka mahigpit na niyakap.


"Papa..." Sambit ko naman.


Nang lumayo siya sa akin agad na pinagmasdan niya ang aking mukha. Bakas sa kanyang mukha ang saya na hindi ko maipaliwanag.


"Thank god, you're safe." Napakagat labi.


"How?"

"Kumusta ka na?" Baliwalang tanong niya.

"Paano niyo po ako nahanap?" Lumayo siya sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa.

"Matapos mong tumakas hindi na kami tumigil sa paghahanap sa iyo." Tumawa siya. "Halika. Mag kape muna tayo, anak." Bumuntong hininga naman ako.


Pumunta kaming dalawa sa isang maliit na café sa tapat ng apartment namin. May galit pa rin akong nararamdaman para kay Papa dahil sa ginawa niyang desisyon noon.


"Spill it, Papa."


"Bumalik ka na." Natigilan ako dahil sa sinabi niya, "Nakikiusap ako. Kailangan ka ng papa mo."


"Paano ako?" Natigilan siya. "Kailangan rin kita noon para ipagamot si Mom. Hindi mo kami tinulungan dahil sa galit mo sa akin."

"I don't want to lose you again." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Paano si Ate?" Napayuko naman siya. "You lost me. 5 years ago."


"Si Peach. " Natigilan ako. "Nang tumakas ka, ikinulong siya ng kanyang lolo." Napakurap ako. "Natakot sila na baka tumulad siya sa iyo na tumakas. They took her freedom. He inprison her. Ipinatigil nila ang paghahanap sa iyo at ngayon... malapit na naman siyang ikasal."

"Again? She's still minor, Pa. Hindi na ba kayo naawa sa kaibigan ko? Bakit niyo ginagawa ’yon sa kanya?"


"Para ’yon sa kaligtasan niya."

"Hindi niyo naman kailangang gawin ’yon para maprotektahan siya. You can help them naman po hindi ba? Nang walang kahit na anumang kapalit."

"Anak—"


"Ginagawa niyo ’yon para sa mga sarili niyo hindi para sa kaligtasan niya!" Tumayo ako. "Huwag mo na po ulit akong hahanapin." Iniwan ko siya sa café.

Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Nagagalit ako kay Papa at sa sarili ko. Kung hindi ako umalis sa lugar na ’yon maaaring nakalaya na siya.





"Flair?" Nilapitan niya ako. "What happened?" Nilakihan niya ang awang ng pintuan. "Dapat nagsabi ka na papunta ka na rito para nasundo sana kita."


"Nahanap na ako ni Papa." Natigilan siya. "He wants me back." Tiningnan ko siya. Ngumiti siya at hinawakan ako sa kamay.

"Mabuti ’yon. Mas magiging maayos ang buhay mo kapag nasa poder ka niya—"

"Anak ka rin naman niya pero, bakit ako lang ang kinukuha niya?"

"Dahil ikaw ang nakababata kong kapatid. Mas kailangan mo siya." Umiling ako.

"Tinanggihan ko siya."

"Flair—"

"Ate, kung tinulungan niya tayo noon sana buhay pa si Mommy."





Kinabukasan pagkatapos namin pumunta sa puntod ni Mommy bumalik na rin ako sa apartment. Hindi rin ako pumasok dahil na rin nagkaroon ako ng sinat. Matutulog na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.



Nang binuksan ko ang pintuan ay nakita ko si Hailey. She's wearing her uniform. Napatingin ako sa pambisig na relo at pasado ala-dyes na ng umaga.



"Ano’ng nangyari sa iyo?" Sinipat niya ako. Nag-chat kasi ako sa kanya.



"May sinat ako. Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Nagcutting ka?" Sumandal siya.



"Hindi na rin ako papasok. Minsan lang naman. Isa pa wala naman tayong ginagawa halos sa school." Natawa naman ako.



"Tinatamad ka lang, eh." Bumusangot naman siya at umalis sa pagkakasandal sa pintuan bago ako nilapitan.




"Ano ba kasi ang nangyari sa ’yo? Magdamag ka bang umiyak? At bakit? Na-broken ka ba?" Napakagat labi naman ako.




"Hindi."


"Eh, bakit?"



"Si Papa."


"Bakit?"



"Nakausap ko siya kahapon."




"Oh, tapos?"




"Sinabi niya ang nangyari at gusto niyang bumalik ako sa poder niya." Hinawakan naman niya ako sa balikat.




"Ayos ka na ba ngayon?"




"Hindi ko naman alam na gano’n ang mangyayari sa kanya." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.




"Nang malaman kong anak mayaman ka agad na ini-search ko ang buo mong pangalan at kung saang angkan ka nabibilang. Doon nalaman na ikaw pala ang nawawalang heirlom ng mga Ross."




"Pero hindi mo sinabi sa kanila kung nasaan ako."




"Hindi naman ako mukhang pera, pero nakakapagsisi pa rin na hindi ko sinabi." Pabiro niyang sabi kaya naman hinampas ko siya sa braso. "Kaibigan kita at hindi ko gagawin ang bagay na ’yon para sa pera lang. Mas mahalaga pa rin sa akin ang friendship." Napangiti ako bago siya niyakap. "Layo!" Itinulak ko naman siya.




"Arte mo!" Natawa naman siya. "Ah, may nabalitaan ako sa group chat kanina na nag-away daw kayo kahapon ni Ms. San Diego." Umismid naman siya.



"Palagi namang mainit ang ulo no’n sa akin."


"Inaasar mo kasi palagi." Umasim ang mukha ni Hailey.


"Nakakatuwa kasi siya." Umiling na lang ako.



Nanatili siya sa apartment ko hanggang hapon. Tumaas din ang lagnat ko kaya naman nagpaalam siya na kukuha lang siya ng gamit sa condo niya at pagkatapos ibibili niya na rin ako ng gamot.



Napabangon naman ako dahil bigla akong inubo. Hindi naman ako nagpaulan at hindi rin ako naambunan. Nakakainis. Tumayo ako at dahan dahang naglakad para kumuha ng tubig nang may kumatok. Napalingon naman ako.




Nakabalik na ba si Hailey? Sa halip na pumunta ako sa kitchen tinungo ko na ang pintuan. At nang buksan ko nakita ko si Papa kaya naman umakto na ayos lang ako.



"Anak..."



"Leave!" Mahinang saad ko.



"Nakikiusap naman ako." Pagsusumamo niya kaya naman umiling ako. "Huwag ka nang magalit sa akin." Umiling ako.




"Paano ko magagawang magalit kung sakit itong nararamdaman ko? How can I get mad at you kung galit ako sa sarili ko?" Nanghihinang sigaw ko sa kanya at muling dumaloy ang mga luha sa aking pisngi. "Hindi niya deserve ’yon. Hindi niya dapat naranasan ’yon kung hindi ako naging pabaya."



"Keyn..."



"Dad, nakikiusap po ako. Maayos na ako. Hindi lang po ako ang anak mo. And’yan po si Ate." Bumuntong hininga naman siya. Hinawakan niya ako sa balikat.



"Pasensya ka. Huwag kang mag-alala, hindi ko na ulit gagawin ang bagay na ’to."



Nang mawala siya sa paningin ko, mariin akong napapikit at napasandal sa pintuan dahil sa tindi ng aking pagkahilo. Napayuko rin ako dahil hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak.





"F-flair?"



Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nang makita ko ang malungkot niyang mga mata mas lalo akong naiyak at napaluhod sa harapan niya.




"Flair..."




"I'm sorry, dahil sa ginawa ko ng gabing ’yon. Kasalanan ko kung bakit nangyari ’yon sa ’yo. Patawad dahil tumakas ako." Garalgal at nanghihinang saad ko.



May mga bisig na biglang yumakap sa akin kaya naman mas lalo akong napaiyak.



"Peach, hindi mo dapat naranasan ang bagay na ’yon."



"It's not your fault, Flair. Ginawa mo lang ang tama."




"Patawarin mo ako."



"Hindi ako galit sa iyo. Hindi ko kayang magalit sa isang taong nagturo sa akin kung paano maging matatag."

_________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 144 35
Ano ang gagawin ni Clarrise, na namamalayan niya nagkagusto na siya sa Ate niya. Itutuloy pa ba niya nararamdaman o ititigil niya? Start: Feb 12, 202...
115K 3K 28
GXG
10.4K 230 3
DJ is the consistent batch valedictorian since elementary, she never questioned her abilities and skills. Not until KJ Villamor came. Ever since he c...
66.9K 132 49
Enjoy