She Owns My Lips || (Complete...

By shaitamad

10.9K 294 4

University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad... More

She Own My Lips
Simula
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
CHARACTERS
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Epilogue

Episode 8

158 6 0
By shaitamad

Episode 8:



FLAIR





Nakahalumbaba lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Tatlong araw na ang nakakaraan. Wala pa rin ang presidente ng campus. Patapos na rin ang festival ngayon. Hindi naman ako makapunta sa Paris kahit gusto ko. Napalunok ako at sumandal bago mariing pumikit.



"Hmm?" Bigla naman akong napamulat. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Wilbert. "Drink this." Ipinatong niya ang Milktea sa desk ko.



Tumingin ako sa Milktea bago muling tumingin kay Wilbert. Inanyayahan ko siyang umupo sa tapat ko kaya naman naupo siya.



"Salamat." He just smile and nod. Kinuha ko ang Milktea at binuksan saka sinimulang inumin.



"Nagconfess na ako sa kanya at nag-start na rin kaming mag-date pero naudlot kasi sinamahan niya si Peach sa Paris." Tumango naman ako.



Nagd-date na sila.




"Gano’n ba? E 'di mabuti kasi hindi ka dinaga." Natawa naman siya.


"Pinalakas mo kasi ang loob ko. Isa pa hindi man masuklian ni Charlotte itong nararamdaman ko at least nasabi’t naiparamdam ko sa kanya." Natawa naman ako.
"Kinulayan mo ang buhok mo, bagay sa iyo ang itim na buhok."


"Oo, may nagsabi kasi sa akin na kulayan ko raw ang buhok ko."


"Siguro, mahalaga sa iyo ang taong ’yon." Natigilan ako. "Kasi hindi mo naman siya susundin kung ayaw mo talaga."


"Siguro nga."





Sabay na rin kaming bumaba at pumunta sa art club. Walang tao kaya naman nanatili pa kaming dalawa sa lugar na ’yon. Tahimik lang siya at wala ni isang nagtangkang magsalita.



"May nagustuhan ka na ba?" Basag niya sa katahimikan nilingon ko siya’t ibinaba ang paintbrush.



"Oo naman." Tipid akong ngumiti. "Pero hindi ko sasabihin sa kanya na gusto ko siya."



"Ha? Bakit naman?"



"Cause I hate rejection. Ayaw ko rin sa commitment. Maayos na ’yong nakikita ko siya’t nakakausap."Iniikot niya ang tingin sa buong art room.



"Hindi ka ba naboboring?"



"Kung pag ibig ang solusyong para maibsan ang pagkabagot pipiliin ko na lang mabagot kesa naman masaktan ako ’no? Bata pa naman ako. Saka na ang love na ’yan."


"Halatang ayaw mo talaga." Tumango ako habang natatawa.




After naming matapos sa art room ay inaya ko na siya sa café, nagchat kasi si Franz sa akin na pumunta raw kami do’n. As usual kinukulit na naman ni Franz si Wil para ikuwento kung paano niya napapayag si Charlotte sa date.



"Willy!" Napalingon naman kami sa tumawag kay Wilbert. Kumaway siya sa gawi namin kaya naman napatayo si Wilbert.



"Jazzfer..." Ngiting sabi niya. Bigla niyang niyakap si Jazzfer. Napakunot noo naman ako. Jazzfer? Sounds familliar.



"Nothing change, she's pretty. Owimji!" Mahinang tili naman ni Marky.



"Guys, kilala niyo naman siya ’di ba?" Inakbayan siya ni Wilbert.


"Oo naman." Tipid na ngumiti si Hailey.


"Vice President." Tumayo si Franz at umikot bago niyakap si Jazzfer.


"Fel..." Napapikit pa ang kanang mata niya. Nang makalayo naman si Felix biglang naging malikot ang mga mata niya.



"Oy, kumusta ka na?" Tanong ni Marky.



"Nakakalakad na ulit." Malawak siyang ngumiti kay Hailey.



Napatingin siya sa akin bigla at napakunot noo. Hindi niya ako mamukhaan? Ay oo nga pala.




"New?" Tanong niya at umupo sa tabi ni Wil.



"Nope. Ka-batch din na’tin siya. Ang kaibahan lang nasa second section siya noon." Tiningnan ko si Franz. Kahit kailan talaga napakadaldal niya.




"I see, pero hindi ko siya mamukhaan."



"Ay tungig! Sinapak kasi siya ng puberty sa subrang lakas pati makakapal na kilay, brace at salamin niya lumipad. Isa pa reddish hair ang buhok niya dati, e hindi ko nga alam kung bakit niya kinulayan ng itim ngayon." Natatawang sabi naman ni Marky.




"Bagay naman sa kanya." Tumango-tango naman siya.



Siya ’yong dating Vice president ng council na pinalitan ni Grae Lacson. Ang bali-balita naaksidente siya at na-coma. Inoperahan din siya at hindi ko lang alam kung saan. Sabi pa ni Wilbert ito ang nag-iisang pinsan niya sa side ng kanyang Daddy. Si Jazzfer Gregorio. Sikat siya at saksi rin ako kung paano mag-alala ang fans niya sa kanya noong mga panahon na ’yon.



"Hindi ko nakikita si Charlotte. Absent ba siya? Himala at lumiban siya ngayon."




"She’s not here." Umupo naman ang sumagot na ’yon sa tabi ni Jazzfer na katapat na ngayon ni Hailey. "Nasa Paris siya." Kalamadong sabi niya bago tumingin dito sa katabi ko.



"Bakit? May nangyari ba sa kanya?" Takang tanong ni Jazzfer kay Shea.


"Sa kanya wala, pero kay Peach Rouge meron." Napakunot noo naman si Jazzfer.


"Bumalik na siya rito?" Tumingin siya kay Shea. "Para kanino? Para sa ’yo?" Sinundot sundot niya ang tagiliran ni Shea.


"Jowa ata ’yon ni President..." Singit ni Franz.



Bigla naman siyang tumawa at umiling iling. Naguluhan naman akong bigla. May hindi pa ako nalalaman. Bago ba ako dumating may nauna na? Pero hindi. Kilala ko na si Jazzfer Gregorio.


"Kaya pala hindi niya nire-replayan ang mga message ko sa kanya. Nag-aano ba sila do’n ni Pea?" Tanong niya kay Shea.



"I heard her grandmother's died." Natigilan si Jazzfer. Tumingin siyang bigla sa akin. Ako kasi ang sumagot sa tanong niya.



"Oh, Kailan ang balik niya?"



"After 5 days daw o baka naman pagkatapos ng libing."


"I see." Ngumiti siya sa akin. "What is your name again?"



"Flair Keyne Ross." Tumango tango siya.



"Nice meeting you again."


"Nice meeting you too." Ngumiti siya.



"Alam mo ba ang latest chika ngayon? Ay sa bagay tago naman talaga ’yon." Sabi pa ni Marky bago tumawa.


"Ha?"


"Your cousin and President are dating." Natahimik si Jazzfer at tumingin kay Wil.


"Nanliligaw ka kay Charlotte?" Mukhang ang intense ng mangyayari ngayon.


"Nagdate kami."



"Kailan pa?"



"Apat na araw ang nakakalipas."



"Alam mo naman na gusto ko si Charlotte." Natigilan kaming lahat. "Joke lang. Gagi, bakit hindi ko nabalitaan?" Alam ko na iba ’yong ipinapahiwatig niya.



Tumingin siya sa akin.



"Hindi ba’t ikaw ’yon." Natigilan naman ako.



"Ha?"



"What do you mean, Jazzfer?" Tanong ni Hailey.



"Ah, baka mali lang ako. Siguro namalik mata lang ako. ’Di bale na lang, ang mahalaga bumalik na ako. Hindi na kayo maaapi." Ngumiti siya sa amin.




Nakaramdam naman ako ng masama dahil sa sinabi niya. Naiinis ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Feeling ko may alam siya na hindi dapat alam ng nakararami.


"This coming election, lalaban ka ba ulit?"



She chuckled.



"College na tayo sa susunod. Siguro si Grae na ang susunod na President."




Hindi na rin ako nagtagal pa sa café. Bumalik na rin ako sa classroom ko, iniwan ko rin sina Marky, Franz at Hailey doon. Nang mag-vibrate ang cellphone ko ay agad na tiningnan ko ’yon.



Ate:

Hindi ka ba pupunta rito ngayon? Dito ka na magpalipas ng gabi, dead anniversary ni Mommy bukas. Dito ka na magdinner. May ipapakilala ako sa iyo.




Hindi ako nag-reply. Wala naman kasi akong load. Bakit ba naisipan niya pa akong i-text? May Instagram at messenger naman.




"Buntungan kita." Napatingin ako sa dalawa kong kaklase.

"Sige sige." Pinanood ko lang sila.


"Dito ko itinanim, d’yan tumubo."


"Saan?" Hinampas siya ng notebook sa ulo kaya naman natawa ako. Napatingin sila sa akin.


"Tingnan mo, natawa tuloy siya sa iyo! Ang bobo mo kasi." Napailing na lang ako.



"Saan kasi tumubo?"


"Ewan ko!"


May umupo naman sa tapat ko. Isa siya sa mga member ng art club. Si Yui Ramirez. Boyish siya kung kumilos pero sabi naman niya straight siya. Hindi lang daw kasi siya ’yong tipo ng tao na pabebe o pala-ayos. Mas komportable raw siya sa gano’ng kilos.



"Hindi ko alam na mas bagay pala talaga sa iyo ’yong black hair." Napakawak ako sa buhok ko. Kahit ako naninibago. "Mas gumanda ka."  Napakamot naman ako.



"H-hindi naman." Tumikhim ako.



Nakaramdam ako ng kahihiyan. Hindi kasi ako sanay na may kino-compliment ako lalo pa’g galing din sa babae. Iba kasi ’yong kilig.

_________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

40.8K 1.3K 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
49.4K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...
1.1M 16K 55
Isang kilalang Bachelor si Cyrus Yves Laurent, Lalaking ayaw matali or makasal. Puro fling, puro business ang nasa isip. Paano kung isang araw ay bum...
75.5K 177 15
SPG