My Brokenhearted Heart

By mlkhiel14

5.9K 943 319

What if you fall in love with a wrong guy ?. Na minahal ka lang dahil sa pustahan. What will you do? Meet a... More

Prologue
Chapter 1 ♥ first encounter
Chapter 2 ♥ my prince
Chapter 3 ♥ Frustration
Chapter 4 ♥ his side
Chapter 5 ♥ Heart
Chapter 6 ♥ look at him
Chapter 7 ♥ Meet her
Chapter 8 ♥ kiss
Chapter 9 ♥ Friend??
Chapter 10 ♥ Date
Chapter 11 ♥ Trap
Chapter 12 ♥ War
Chapter 13 ♥ heart beat
Chapter 14 ♥ Feeling
Chapter 15 ♥ Superman
Chapter 16 ♥ Smile
Chapter 17 ♥ Megaphone
Chapter 18 ♥ Fans
Chapter 19 ♥ Project
Chapter 20 ♥ Partners
Chapter 21 ♥ Jerk
Chapter 22 ♥ Undefined
Chapter 23 ♥ Care
Chapter 24 ♥ House
Chapter 25.1 ♥ Presentation
Chapter 25.2 ♥ Presentation
Chapter 26 ♥ Jealous
Chapter 27 ♥ Jelous part II
Chapter 28 ♥ Scandal
Chapter 29.1 ♥ Ice cream
Chapter 29.2 ♥ Ice cream
Chapter 30 ♥ Dinner
Chapter 31.2♥ Cold eyes
Chapter 32.1♥ Good bye
Chapter 32. 2 ♥ New friend
Chapter 33.1 ♥ Mr.& Ms. Fine arts
Chapter 33.2 ♥ Competition

Chapter 31.1 ♥ Savior

45 2 0
By mlkhiel14

Anise Pov

Natapos din ang dinner akala ko nandun ang parents nya pero wala naman pala. Mabuti na nga yun wala kasi nakakahiya naman sa kanya na ditto pa ako natulog sa bahay nila. Oo nga pala kailangan ko na rin umuwi  baka hinahanap na din ako ni mom. Kung bakit ba naman kasi ditto nya ako dinala at hindi lang sa  bahay naming tsk. Minsan talaga di ko rin sya maintindihan. Napailing nalang ako nandito ako ngayon sa sofa nakaupo magbibihis lang daw sya kasi ihahatid nya ako. Biro mo yun tinawagan nya nap ala si mom at pinagpaalam ako.

At ang nanay ko naman basta nalang pumayag. Bwesit na lalaki yun ang tagal naman magbihis daig pa ang isang babae.  Mapuntahan ko nga baka nadaganan ng Brief este- damit. Ano ba ito nagiging manyak ako nang dahil sa kanya tinakpan ko nang palad ko ang mukha para itago ang pamumula nito. Tumayo ako at humingang malalim bago naglakad papunta sa kwarto nya.

Kumatok ako pero wala namang sumasagot . nasan na kayo yun di ko naman napansin na lumabas nang kwarto. Pinihit ko ang doorknob di naman pala lock kaya pumasok na ako. Ang ganda talaga sa mata ng kwarto nya di ko maiwasan igala ang mata ko sa buong paligid.

Nakuha ang pansin ko nang isang painting nang isang na natatakpan nag isang tila sa tabi ng study table. Sure ako painting yan pero bakit natakip out of curiosity hinawi ko ang tela na nakatakip ditto. Napangiti ako nang tumambad saakin ang painting ng isang  babaing nakatalikod mayroon itong mahabang buhok na hanggang baywang ata. Kung titingnan kahit natalikod kitang kita ang magandang hubog nang katawan nito. Paningurado ang ganda din ng mukha nang modelong ito.

Isasara ko sana ang takip nito nang may biglang nagsalita. Napatalon pa ako sa gulat papatayin nya ba ako sa nerbyos. “What are you doing here?” Matigas nitong saad. Kumabog ulit ang puso ko kailan ba ito titigil.

Nagulat ako kaya bigla akong napatalon. Aatakin ata ako sa puso nang dahil sa lalaking ito bakit ba naman kasi basta basta nalang nanggugulat. Naiinis na hinaharap ko. Napanganga pa ako ng humarap sa kaya. Naginit ang pisngi sino ba naman  ang hindi mamumula ang mukha nakatpoless sya waa ang abs nya kitang kita ko.

“Oh my. My  Virgin eyes waaa!” Sigaw ko sabay takip nang mata ko. Narinig ko naman ito tumawa nang mahina. “Bakit ka nandito kung ganun. Diba ito ang gusto mo?” Iritang sabi nito. Inalis ko ang kamay ko sa maya ko tumambad saakin ang Abs nya waa. Napalunok ako “A-ah kasi ano.. ano kasi..” Lagot wala na akong ibang masabi kasi nabalanko na ang utak ko nang dahil sa  ABS nya.

Umiling ito “Sino ba ang nagsabi sayong tingnan mo yan” Madiin nitong sabi saka ibinababa ang tingin sa may kamay ko. Bigla ko naman tiningnan. Hala lagot nakita nya ako. Ano ba kasi meron sa painting na ito ata ayaw nyang ipakita kahit kanino. Sino ba ang babaing ito.

“I said, Bakit hawak mo yan?” Madilim ang mata nito na nakatitig saakin bakit naman kaya. “Ang sungit mo naman. Para tiningnan lang ito ihh” Nakanguso kong saad mabuti nalang may lumabas na boses sa bibig ko. Di ko sya matingnan ng deretso destracted ako sa abs nya. Kahit mukha syang galit saakin ang gwapo parin nyang tingnan.

Tse tumigil kana nga wag kang magpacute dyan” Sumbat nang isip ko.

Tumingin ako sa kanya nang nakairap “Oo kasi uuwi na ako anong oras mo ba ako ihahatid” Pagtataray ko ditto. Di man lang ito natinag at tinaas pa ang kilay. Napapokerface ako ano ba talaga sya baka naman bakla dinaig pa ang babae kung makaasta.

“Im not a gay” Matigas ulit nitong saad nakakunot-noo. What nabasa nya ba ang nasa isip ko. Ngumiti ako na hindi ata abot sa mata ang plastic kasi. “Bakit sinabi ko bang bakla ka?” nakataas ang kilay kung saad ditto. Umirap naman ito saka humalukipkip.

Naiisip kong pikon talaga sya kaya mas lalo kung aasarin hahaha makanganti man lamang. Natawa ako sa naiisip kaya tiningnan nya ulit ako nang masama. “What the hell bakit ka nakangiti” Sigaw nito. Pero di ko naman mapigilan ang pagngiti. “Bakit affected ka kung hindi totoo?” Tudyo ko.

Tumigas ang panga nya. Hahaha kita ko na napipikon sya namumula na din ang tainga nya. “Hindi ako bakla!”

Natatawa ako sa kanya pero pinipigilan ko baka kung ano naman ang maisipan nyang gawin. “Okay sabi mo ihh” Nakangisi kong turan. Matagal bago ito nagsalita saka lumapit saakin. Napaatras ako. “Gusto mo patunayan ko?” sabi nya sa malanding tinig. Ngayon din napansin na masyado na syang malapit saakin. Halos mabaliktaran na ang mga katawan naming. Pero yun jowk lang.

Napalunok ako tumitig saakin ang ang mapang akit nyang mata na. bumaba ang tingin ko sa labi napalunok  ulit ako. Bakit naging maiinit sa kwarto nya hindi ba nakabukas ang aircon?. Di ko alam wala akong lakas na itulak sya. Umawang ang labi nya, Shiz ang lakas ng epekto nya saakin.

 "Sige na naniwala na akong hindi ka bakla" Kinakabahang sagot ko dito. Ah bakit di parin sya umaalis dito. Ano pa ang kailangan nya. Bahagya ko syang itinulak hindi ako makahinga nagpapalpate ang tibok ng puso ko. “Talaga diba gust mo rin ito kaya nga inaasar mo ako” Bulong nya and then he smirked. 

Ano ba ang gingawa nya saakin.  Wait anong sinabi nya ako NAGPAPANSIN  what the. Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi kaya malakas ko syang itinulak. Bahagya pa syang naguluhan saka bumalik din ang dating expression sa mukha nakabakas dun ang galit. Ano bang problema nya. Tinalikuran ko sya.

“Wag mong isipin na porket naghahalikan tayo, May karapatan kanang pakialaman ang nasa loob nang kwarto ko” Malamig nitong turan na nagpahinto sa lakad ko. Nanlamig ako sa sinabi nya. Hindi ko alam pero may isang bahagi saakin ang nasaktan. Naginit ang mga mata ko bakit ganito rin ang epekto nang bawat bigkas nya parang karayom na bumabaon saakin.

 “Sa susunod wag kang makikialam sa mga gamit ditto” Madiin nyang wika saka padarag na binuksan ang pinto nang banyo. Shit galit sya dahil lang sa nakialam ako. Kung ganun ito ang tunay nyang ugali. Uminit ang ulo ko saka lumabas nang kwartong yun. Nang dahil saisang painting sinaktan nya ang puso at anong sinabi nya?.

Argh naiinis ako di lang sa kanya kundi pati na rin sa sarili ko kung bakit ba kasi lately nagiging assuming na ako. Na hindi naman pwedi kasi diba pinagdiinan nya na pa na wala akong karapatan. Argh  eh di ano ang tawag nya sa paghahalikan naming past time nya. Napasabunot ako sa buhok. Sumulyap ako sa paligid andito pa pala ako sa loob nang kwarto nya baka lumabas nay un nang Cr baka isipin nya baliw na baliw ako sa kanya.

Pumikit ako saka naglakad patungo sa pinto. At saka lumabas pagbaba ko. Naiisip ko na din na umuwi na kaya ko pa naman na umuwing mag-isa. Tumingin ako sa malaking relo na nakasabit sa ding ding. Napangiwi ako  past 11 na pala may sasakyan pa kaya nang ganitong oras. Bahala na nga basta aalis na ako sa bahay na ito ayoko na ditto.

Lalo lang ako nasasaktan shit bakit ko ba yun naiisip. Tumingin ulit ako mula sa taas. Wag ka na ngang tumingin dunsaka tumakbo ako palabas nang bahay nila wala naman akong nakitang katulong kaya din a ako nakapag-paalam.

Pero mabuti nalang na ganito baka mamaya pigilan pa ako nila gusto ko na talagang umuwi at magkulong sa kwarto. Lakad takbo ang ginawa ko medyo malayo din ang gate sa bahay nila bakit ba kasi ginawang complicated ang gate na ito pwedi naman sa malapit lang diba tsk. Mas complicated pa ata ito sa buhay ko.

 Pinagpawisan ako nung makarating ako sa labas nang gate halos 5 minuto yun. Tumakbo kasi ako ayokong abutan pa ako ditto nang midnight. Kailangan ko pang magsinungaling kay manong guard ayaw akong palabasin. Haist ang higpit na amndito sa kanila . lumayo ako sa may gate na kaunti wala bang dumadaan na sasakyan ditto.

Shit subdivision pala kaya malamng walang daraan na sasakyan na dadaan. Shit malagkit naman oh. Panay parin ang mura ko habang naglalakad palabas ng sub divison na ito. Ewan ko ba hindi naman ako ganito dati pero simula nung nakilala ko sya. Argh pinilig ko ang ulo ayoko muna syang isipin.

Asan na ako pago na pagod na ako sa kakalakad. Ang sakit nang paa ko. Napaupo ako sa semento dahil sa sobrang pagod wala na akong pakialam kung madumi man dito basta gusto ko nang maupo. Naihilamos ko nalang ang kamay ko sa mukha ko sa frustration. Naiinis ako na ewan. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa wala naman silbi kung iiyak pa ako wala namang magagawa yun di naman ako makakauwi dahil dun. Bahala na nga. Tumayo na ako para maglakad na sana nang bigla akong natapilok. "Ouch" Daing ko nang subukan kong itayo ito. Napilayan pa ata shit naman oh.

Napaupo ulit sa semento. Ang sakit na nga paa ko. Sinabayam pa nitong pilay ang lamig lamig pa dito. Haist ano ba namang buhay ito. Nakakainis kung hindi dahil sa kanya wala ako dito lalo lang ako nafrustrate. Pumikit ako pati ang ulo ko sumasakit. Kinapa ko ang paa kong napilay ata talaga kaunting galaw ko lang masakit. 

Tininggal ko ang sapatos ko napangiwi pa ako nang makitang pati ang sapatos ko nasira na din. Argh maglalakad ba talaga akong nakapaa. Bakit ba ang laki ng subdivision na ito.

Pinilit kong makatayo. Kasi kong uupo lang ako dito for sure di ako makakauwi. Gusto ko nang makauwi my gosh. Tinanggal ko  rin ang isa pang pares saka itinapon sa kung saan saka nagsimulang maglakad. Tiniis ko ang hapdi galing sa pilay ko kanina. Mabagal akong naglakad pati ang ilalim ng paa ko nararamdaman ko na din ang hapdi.

Pumukit ako at pinilit ko ulit maglakad kahit namamaga na ata ang paa ko. Gaano ba yun kalayo million kilometer ba? Tanong ko. Napailing ako saka tumingin sa mga paa kong walang sapin. Madumi na din ito pero wala na akong pakialam. Pagkalabas ko naman dito bibili ako ng sapatos hindi ako pweding umuwi na nakayapak lang.

Napangiwi pa ako ako nang maramdaman ko ulit ang hapdi. For sure di ako nito makakalad. Tsk ni hindi nya man lang sinundan sa isipin na yun kumirot ang puso ko. Ito pala ang parte na sumakit kanina. Aasa paba ako sinabi nya diba. Napabuntunghininga ako saka kinusot ang mata ko para pigilan ang luha ko. Shit ang sakit talaga. Naalala ko na naman yung sinabi nya kanina. Napapikit ako at tuluyan nang dumaloy ang luha ko.

Marahas ko itong pinunasan bakit ba ako umasa sa kanya. Nakayuko akong naglakad parang namanhid yung paa ko. Pero ang puso ko naman ang nasasaktan.

"Hi miss nag iisa ka ata" Saka nagtawanan ang mga kasama nya. Kinilabutan ako sa klase ng pagtawa nila. Nag angat ako nang tingin. Napalunok ako nang pasadahan nila ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit nakayapak ka miss baka masugutan ang makinis mong paa" Sabi nito saka ngumisi pa napaatras ako. Diba subsivision ito paano sila nakapasok dito. "Wag kang lumayo miss, Ayaw mo ba kaming kausap?"Tanong ng isa pero di ako mapalagay natatakot ako. Kinakabahan ako sa klase ng tingin nya saakin.

"Oo nga miss paliligayahin ka namin" Sabay tawa pa nito. Ang lakas ng kabog ng dib dib kailangan kong tumakbo pero tatlo sila at mabibilis sigurado ako maabutin din nila ako.

Tumalikod ako at aakmang tumakbo. Nararamdaman ko yung sakit sa paa ko pero di ko ininda gusto kong makalayo dito natatakot sa kanila. "Miss saan kaba pupunta?!" Sigaw nito na nagpatindig sa balahibo ko my gosh maabutan na ako nila. Tulong please" bulong ko masyado nang masakit ang paa ko. Pero gusto kong makatakas dito.

Marahas nilang hinablot anf braso ko napadaing ako sa sobrang saki nang pagkakahawak ng isa. "Bitiwan nyo ako" Bulong sa takot ko di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ngumiti ang isa "Wag kang mag alala pasasayahin ka namin!" Sabi nung isa na tuluyan nagbigay saakin ng kilabot. Umiling ako "Gusto ko nang umuwi" nanghihina kong saad. Pagod na ang paa ko tapos ganito pa ang nangyari.

Humalakhak lang yung isa. "Wag kang magmadali maaga pa naman" sabay haplos sa balikat ko. Kinilabutan ako. Anong gagawin ko.

Nang hindi ako tumigil sa kakaiyak galit nila akong tiningnan. "Di kaba tatahimik gusto mong patayin ka namin!"Sigaw nang isa ang lakas ng kalabog ng puso ko. Hinila ako nang "Ang mauuna"Saka sumilay sa kanya ang malademonyong ngiti. Nanlaki ang mata ko saka pilit na kinukuha ang ang kamay mula sa pagkakahawak nya pero hindi ko makuha. Paano ito anong gagawin nila saakin.

Wala na atang darating na tao dito. Nang subukan kong manlaban isang kamao ang tumama  sa tiyan ko. Di ako makagalaw sa sobrang sakit."Tsk ang arte mo kasi" Sabi nito saka hinalikan ako sa leeg wala na akong nagawa kundi ang umiyak. Halos di ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit. Nawawalan na ako ng pagasa.

Nagulat pa ako nang may bumusena sa amin na sasakyan na di ko alam kung sino ang nasa loob dahil sa liwanag na nagmumula sa head lights. 


"Please tulunngan mo ako" Bulong ko ng humento ang sasakyan nito at lumabas sya. Di ko na sya nagawang tingnan dahil hinang hina na  ako. I smilled bitterly may taong dumating na magliligtas saakin. My saviour. Then everything went black.

Sino ang dumating ? Abangan :)

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...