Seasons 3: The Fall of Autumn

By CFVicente

11.9K 428 38

Mula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Paki... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty (Final)

Chapter Nine

511 17 3
By CFVicente

"Who's that guy?" nguso ni Stan kay Gabby.

Hinayon ni Gabby ang inginuso ni Stan. Napangiwi siya nang makita si Sid na nakaupo ilang mesa sa kanila. Umiinom ito ng wine. Ni hindi nito ikinakaila na tinititigan sila nito. Nang pandilatan niya ito ay itinaas lang nito ang basong iniinuman nito na wari ay inaalok siya.

"My secretary," matabang na sagot niya sa tanong ni Stan.

"Bakit kasa-kasama mo pa?"

Sumimangot siya. Sinabi niya kay Sid na umuwi na matapos siyang ihatid sa restaurant. Pero ang damuho ang nagsabi na babantayan daw siya. Pakiramdam niya ay kasama niya ang tatay niya sa tindi ng mga tingin ni Sid sa direksyon niya.

Kanina pa siya naiinis dito. Simula nang halikan siya nito kanina ay nagkabuhol-buhol hindi lang ang utak kundi ang tiyan niya. May pakiramdam siya na permanente na ang paro-paro sa sikmura niya. All because her secretary was a damn good kisser. Not to add that oh-so-obvious bulk in front of his pants. Sa tuwing naaalala niya iyon ay nawiwindang siya.

OMG! I'm really, really doomed!

"Gabby?"

Naituon niya ulit ang atensyon kay Stan na mukhang nagtataka na sa biglang pananahimik niya.

"Wala akong driver pauwi. I asked him to accompany me instead," wika niya sa kaswal na boses para matapos lang ang usapan.

Nagkibit-balikat si Stan. Bumalik ang ngiti sa mga labi nito.

"Salamat nga pala sa pag-invite mo sa'kin. Frankly, I was surprised when you called me last night. Alam naman ng lahat na hindi ka basta-basta nakikipagkita kahit kanino," saad nito.

Nginitian niya rin ang lalaki. "I was already planning to call you. Kaya lang, sobrang busy sa opisina. But since we're already here, let's try—"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa gilid ng mata niya ay may nakita siyang babaeng lumapit sa mesa ni Sid. Napakapit siya ng matindi sa lamesa para lang pigilan ang sariling lingunin ito.

"—to make the b-best out of it," nautal pa niyang ipinagpatuloy ang pagsasalita. Grr!

Mukhang hindi naman nahalata ni Stan ang pagkadistract niya dahil magana nitong ipinagpatuloy ang pagkain ng gambas.

"To tell you the truth, I was interested in you. Paminsan-minsan ay nakikita kita sa parties pero tuwina ay may mga kausap kang kliyente. Kapag naman tapos ka nang makipagusap ay nawawala ka na lang bigla."

Gusto man niyang intindihin ang sinasabi nito ay hindi gumagana ang brain cells niya. Iyon ay dahil narinig niya ang pagtawa ni Sid. Hindi naman malakas ang tawa nito kaya nagtataka siya kung bakit umaabot iyon sa tenga niya.

Ang nakakainis pa, sa gilid ng mata niya ay nakita niyang mas malaswa pa ang suot ng babae sa kanya. Kita na ang kaluluwa nito sa plunging neckline ng damit na suot nito. Pero si Sid ay mukhang nag-eenjoy pa sa view. Samantalang nung siya ang nagsuot ng medyo sexy na damit, kung makapagreact ito ay parang siya na ang pinaka-chipipay na babaeng nakita nito. And to make his point, the brute even kissed her.

Nanlaki ang mata niya nang hawakan ng babae ang kamay ni Sid.

That's it! That's the final straw!

"Ahm... Stan. I'm sorry, may pupuntahan lang ako saglit."

Hindi na niya pinatapos na magsalita ito. Dumiretso na siya kaagad sa mesa ni Sid. Ipinagkrus niya ang mga kamay sa dibdib niya.

"I'm glad you're enjoying yourself," nakangiting sabi niya. Pero sa loob loob niya ay gusto niyang damputin ang vase sa gitna ng lamesa at ipukpok iyon sa ulo ni Sid.

Matapos siya nitong halikan basta-basta ay ibang babae na ang inaatupag nito? Ang kapal!

Hindi nabura ang ngiti sa mukha ni Sid. "Steph, meet Gabby—err my boss. Boss, si Steph. Kababata ko sa Tayabas."

Hindi nakaligtas kay Gabby ang malambing na pagbanggit ni Sid ng pangalan ng babae. Si Steph ay agad na inabot sa kanya ang kamay.

"Hello, Gabby. Nakilala na rin kita finally," nang magtaasan ang mga kilay niya ay dinugtungan nito ang sinabi. "Naiikwento ka ni Sid sa'kin noon tuwing nagbabakasyon siya sa Tayabas."

"Because of the scholarship," mabilis na agap ni Sid. Makahulugan ang naging tinginan nito at ni Steph. Pakiramdam pa niya ay may mas malalim na relasyon ang dalawa.

Pakialam ko ba?! Hiyaw ng isip niyang nagpuputok ang butse sa nakikita.

"Well, dahil nandito ka na, you might as well join us," labas sa ilong na anyaya niya.

Tumingin si Sid sa kanya at nagtagal ang mata nito sa mga labi niya. Sa hitsura nito ay parang gusto siya nitong haklitin at halikan ulit. Sa naisip ay wala sa loob na napaatras siya kay Sid. Gusto naman niyang sipain ang sarili dahil nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng mga labi nito.

"Huwag na. Maaabala pa ang date mo, Boss. Baka sesantihin mo pa ako," nakalolokong sabi nito.

The mocking way he had said 'boss' made her want to scratch his face. Pakiramdam niya ay tinutudyo siya nito matapos ang mangyari sa kanila. Pagkatapos ay may gana pa itong makipagkita sa kung sino lang na babae? Manigas ka!

Kailan ka pa naging possessive sa sekretarya mo, Gabrielle? Tudyo ng isip niya.

Hindi niya pinansin ang mumunting tinig na iyon. Nasisiraan na siya ng ulo para pagaksayahan ng panahon ang sekretarya niya ng gabing iyon. At isipin na ni hindi nga niya ito gustong makita sa paligid niya! Pero dahil lang sa halik nito ay nawala lahat ng mga matitinong kaisipang mayroon siya.

For the nth time that night, she wanted to curse Sid.

Binalingan niya ang babae.

"Okay lang 'yon. The more, the merrier, hindi ba?" mananalo na siyang best actress sa ngiting iginawad niya kay Steph.

"Let's join them, Sid. Please?" nakalabi pang sabi ng babae kay Sid. Hinawakan nito ang kamay ni Sid.

"Well, okay. If that's what you want," talima naman ni Sid.

Hindi lang Best Actress pala mapapanalunan niya, best in restraining thyself din. Inipon niya ang lahat ng self-control huwag lang manabunot ng mga oras na iyon. Ini-recite niya ang Golden rule sa utak niya. Do not do unto others.. do not do unto others..

"Good evening, Mr. Ongpauco," pormal na bati ni Sid nang makabalik sila sa lamesa niya.

Bantulot na tumango si Stan. Si Steph kaagad ang binalingan nito. "Good evening."

Ngumiti lang si Steph. Ilang sandali pa ay siya na lang ang nagpapaandar ng usapan. Si Sid ay tahimik lang na nakamasid. Napansin niya na gasino na lang itong pansinin ni Stan. Halatang iniisnab nito si Sid, lalo pa at si Steph lang ang kinakausap nito sa dalawa. Siguro ay dahil tingin nito ay hindi ito kalevel ang sekretarya niya. Uminit ang ulo niya.

Hindi niya alam kung bakit natagpuan niya ang sarili na binubura niya sa isip ang pangalan ni Stan sa groom-to-be list.

***

"How was Stan?" tanong ni Sid sa kanya sa gitna ng pagmamaneho.

Sapakin kaya niya ito? Hindi ba nito alam na wala kay Stan ang atensyon niya kundi nandito?

Itinirik niya ang mga mata at humalukipkip. "Pakialam mo?"

"Nagtatanong lang ako. Kung makatingin siya kasi kanina kay Steph ay parang kinalimutan na niyang nandoon ka."

Umismid siya. Sa pandinig niya ay nagseselos ito dahil si Stan ay wala nang ginawa kundi makipaglandian kay Steph. Pero alam niyang sa boobs lang naman ni Steph nakatingin si Stan.

"So? Pakialam mo kung kanino niya gustong makipaglandian? Now, just drive. Huwag mo na akong tatanungin ulit."

"Stan is a jerk. He doesn't deserve you," mariing sabi nito.

Argh! Naiinis na bumaling siya dito.

"Right. Nobody deserves me, anyway."

"Yeah," mahinang sambit ni Sid. "Nobody."

Napatingin siya kaagad kay Sid dahil sa lungkot na narinig niya sa boses nito. Hindi niya alam kung bakit ng mga oras na iyon, ibibigay niya lahat ng stocks niya ng libre mabasa lang kung anong naglalaro sa isip nito.

"Sid..."

"Hmm..."

"Wala."

Natawa ito. "Ano nga 'yon?"

"Bakit wala ka pang girlfriend?" Ay, fail, Gabby!

Tama nga siya. Dahil isang ngisi ang lumabas sa labi ni Sid.

"Fishing for information this time, Gabby? Baka gusto mo na ring isulat sa papel lahat ng gusto mong itanong tungkol sa lovelife ko, para isang tanungan na lang," nangingiting sabi nito.

"The hell I care about your love life," asar na sabi niya dito. She wanted to wipe that adorable smirk on his face. "Tinatanong kita dahil ayaw kong bigla-bigla kang mawawala kesyo kailangan ka ng girlfriend mo. Late ka na sa usapan niyo ng girlfriend mo. O kaya ay ayaw mong umuwi kapag pinapauwi ka na dahil magkikita pala kayo ng babae mo sa restaurant."

Sandaling hindi ito umimik. Pero nakita na niya maliit na ngiting sumilay sa labi nito. Itinutok nito ang atensyon sa pagmamaneho.

"If you're talking about Steph, nagkagulatan din kami kanina. May kinatagpo lang siya at paalis na dapat siya nang magkita kami. And about my women.." Bahagyang nalukot ang mukha nito. "Kung ano man ang mayroon sa kanila ay sisiguraduhin kong hindi makakaabala iyon sa trabaho ko. Lagi kang una sa'kin, Boss."

Alam niyang kumpanya ang tinutukoy nito pero pumitlag ang puso niya. Sa inis niya sa sariling reaksyon kay Sid ay ibinaba niya ang recliner.

"Gisingin mo ako kapag nasa bahay na tayo," utos na lang niya dito bago pumikit.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...