Seasons 3: The Fall of Autumn

By CFVicente

11.7K 427 38

Mula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Paki... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty (Final)

Chapter Seven

479 18 0
By CFVicente

Kunot-noong nakatingin si Gabby sa nakabukas na pinto ng opisina niya. Si Sid ay nakatayo sa labas at may kausap na empleyada ng kumpanya. Nakikipagtawanan ang damuho at halatang nag--enjoy ito. Hanggang sa puwesto niya ay naririnig pa niya ang tawa nito. Nainis siya.

Kanina ay kadaldalan niya si Atasha tungkol kay Sid. Tinawagan niya kasi ang kaibigan para sabihin na samahan siya mamaya kapag tiningnan ang site ng itatayong bar. Napakuwento na rin tuloy siya ng inis niya na maging sekretarya si Sid. Halos isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nakaka-get-over sa mga nangyari. As usual, tinawanan lang siya ni Atasha. Mukhang walang nakikisimpatya sa kanya. Kahit si Andy ay kampi kay Sid. Paano ba naman ay binabalitaan ito lagi ni Sid ng mga updates tungkol kay Apollo.

"Mr. Albañez," tawag niya dito.

Naudlot ang pakikipagtawanan ni Sid at lumingon sa kaniya. Gabby crooked a finger and motioned for him to come closer. Nagpaalam na si Sid sa babae na mukhang hinayang na hinayang na aalis na si Sid. Pero nang matingnan siya nito ay nanigas ang likod nito.

Hah! Matakot ka!

"Bakit, Boss?" tanong ni Sid nang makapasok.

Ni hindi siya nag-angat ng paningin mula sa mga papeles na hawak niya. Pero sa isip-isip ay naghahalungkat siya ng dahilan kung bakit tinawag niya ito.

"Aalis ako after lunch. Pupuntahan namin ni Atasha ang itinatayong Bar and Restaurant. Kasama ko si Mr. Sandejas. Kung kailangan kita ay tatawagan kita," kaswal na sabi niya.

"Susunduin kita, Boss," sabi naman kaagad ni Sid.

"Girlfriend mo ba 'yon?"

"Sino?"

Inginuso niya ang babaeng lumabas sa opisina.

"'Yun."

"Hindi. Patingin nga niyan." Lumapit ito sa kanya at tiningnan ang mga papeles sa mesa. "Ano 'to?"

"Bakit hindi mo girlfriend? Bagay kayo," kaswal pa ring sabi niya.

Noon ngumiti si Sid sa kanya. "Hindi ko siya girlfriend, Boss. Kaya hindi mo na ako kailangang sabunutan. Ano nga 'to?"

Nanlisik ang mga mata niya. "Bakit kita sasabunutan? Are you insinuating something?"

Umarko ang kilay ni Sid. Hindi pa rin nawawala ang ngisi nito.

"Wala akong karapatang mag-insinuate ng kahit ano dahil boss kita. Although a little part of my mind says that you're jealous."

Nanlaki ang mata niya. Tumaas na rin ang tinig niya.

"Excuse me! Gusto ko lang na strictly professional ang magiging pag-uusap ng mga tauhan ko."

Tuluyan nang natawa si Sid. Itinuro nito ang mga papeles.

"Ano 'to? Bakit pinag-aaralan mo ang profile ng anak ni Mr. Ongpauco?"

"Ah..." Sumandal si Gabby sa swivel chair at pinagsalikop ang mga daliri. "I asked to meet him tonight."

Kumunot ang noo ni Sid. "Para saan? Bakit hindi ako nasabihan na may meeting pala?"

"I asked to meet him for a date."

"Oo nga. Bakit hindi ako nasa—What? Date? What for?" sunod-sunod na tanong ni Sid. Pataas na rin nang pataas ang nota ng boses nito.

Lihim siyang nangiti sa inakto nito. May sapantaha si Gabby na alam ni Sid ang lahat ng nangyayari sa buhay nila. Parang lahat ng bagay ay alam nito lalo na patungkol sa kumpanya. Kaya kapag may ginagawa siyang bagay na hindi ikinokonsulta dito ay natutuwa siya kapag nagugulat ito.

"Tingnan mo 'to." Itinuro niya kay Sid ang bank assets ng pamilya Ongpauco. "Kapag naging parte ng kumpanya natin ang beverage company nila, makakapag-expand tayo sa iba pang business line. Tingnan mo ang educational background. He's a Harvard graduate."

Lalong naningkit ang mga mata ni Sid. "Hindi ka lang makikipagdate sa kanya. Gusto mo din siyang gawing groom."

"Tumpak."

"Do you even like the guy?"

"Of course. Kaya nga ako makikipagdate sa kanya, eh. He's not bad-looking, either."

"Yeah. Kahit na mukhang hindi naarawan ang isang 'yan. Kahit harina, mahihiyang tumabi diyan, eh," napapalatak na sabi nito.

Nagtaasan na naman ang kilay. Mukhang permanente na ang pagkakataas niyon hangga't si Sid ay makakasama niya sa araw-araw.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Mr. Albañez. Ipinapakita ko sa'yo ito dahil gusto kong makita mo ang maii-ambag nito sa kumpanya natin. Consider this like any other deal that I want to close."

Kung tumingin si Sid sa kanya ay parang gusto siya nitong itaktak. Pero hindi ito umimik. Pagkatapos ay pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.

"What was that for?" asar na baling niya dito.

Umiling-iling si Sid.

"Okay. Tawagin mo na lang ako kapag kailangan mo ako. Sa labas lang muna ako."

Tumango siya. Muli ay tiningnan niya ang profile ni Stan Ongpauco. Sana naman ngayon, maayos-ayos na lalaki na ang mapili niya.

***

Inis na inis si Sid habang nagmamaneho nang hapong iyon. Kagagaling lang niya sa meeting kasama ang mga board of directors ng kumpanya. Lingid sa kaalaman ni Gabby, kino-konsulta pa rin siya ni Alfredo tungkol sa mga kliyente ng mga Montecillo. Ang kaso, hindi naman niya naisaayos ang trabaho niya. Naalala niya ang bagong prospect ni Gabby.

"Ang tigas talaga ng ulo. Hindi na nadala," gigil na sabi niya.

Kakatawag lang ni Gabby sa kanya. Sunduin daw niya ito sa site ng Seasons Bar and Restaurant dahil kailangan pa daw nitong mag-shopping ng damit. Nakikinita na niya ang itinerary ni Gabby dahil maraming beses na niyang dinaanan iyon. Magsha-shopping ito, pagkatapos ay dadaan sa parlor. Sisiguraduhin nito na masusungkit nito kung sino man ang gusto nitong masungkit.

"And if that guy turns out to be another no-good bastard, sino ba sa tingin niya ang mahihirapan sa huli?" asar pa niyang sabi.

Pinindot ni Sid ang stereo ng sasakyan. Nang pumainlalang ang isang rock music ay sinabayan niya iyon nang malakas na pagkanta. Sa pamamagitan no'n ay nawawala ang stress niya. Kapag kasi nasa opisina ay kailangan niyang magpanggap na laging sensible. But outside the office, he just wanted to wring Gabby's pretty neck. Baka sa pamamagitan noon ay magising ito sa reyalidad na may puso ito at pwede nitong gamitin iyon paminsan-minsan.

Nang dumating siya sa site ng Seasons Bar and Restaurant ay nakita niya si Gabby na nagpapaalam sa dalawang kausap nito. Nakilala ni Sid ang dalawang kasama ni Gabby – Atasha del Valle and Miles Sandejas. Kilala niya si Miles dahil minsan na silang nakipag-negosasyon sa namapayang ama ni Miles. Si Miles mismo ay isang kilala at inirerespetong businessman.

Nang huminto siya ilang metro sa tapat ng mga ito ay dumukwang siya para buksan ang passenger seat. Narinig pa niya si Gabby na sumigaw.

"I'll keep in touch with you, Miles. Hang-out na lang tayo sa ibang araw, Atasha. Bye!"

Hindi man lang nag-aksaya si Gabby ng oras para sumakay sa kotse.

"Tara na," excited na sabi nito.

Kahit naiinis si Sid sa dahilan ng excitement ni Gabby ay pinilit niyang hindi magkomento tungkol doon. Inilihis niya ang usapan.

"Magkakilala si Atasha at si Miles?" kaswal na tanong niya dito.

Kumunot ang noo ni Gabby. "Ipinakilala ko kanina."

"There's something about them, don't you think?" takang tanong niya.

"Oo. Business."

"Hindi iyon. Something..."

"Ha? Ano na namang pinagsasasabi mo diyan? Hindi ba at si Mac ang kay Atasha?" takang tanong nito.

Hindi niya rin alam kung bakit niya nasabi iyon. Siguro ay dahil nakita niya kung paano lingunin ni Miles si Atasha. Kung nakikita niya ang sarili niya sampung taon na ang nakalipas ay sigurado siyang nililingon din niya si Gabby sa ganoong paraan.

Naipilig niya ang ulo. Move on, Sid.

"Sid naman. Wala na bang ibibilis itong kotse mo? Male-late ako sa appointment, eh," reklamo nito.

Lihim siyang umismid. Binabagalan nga niyang talaga para ma-late ito sa usapan nito.

"Bawal ang speeding dito, Boss," pang-aasar pa niya.

"Speeding, eh, sisenta lang ang bilis nitong sasakyan," asar na asar na sabi nito. "Akala ko ba, reliable kang sekretarya? Sesantihin kaya kita sa pwesto mo ngayon?"

"You can't fire me. I was hired by your father. Siya lang ang pwedeng magpatalsik sa'kin," nang-aasar na sabi niya.

Umusok ang ilong ng prinsesang hindi marunong ngumiti. "Ihinto mo diyan sa tabi. Bababa ako."

"Huwag ka ngang padalos-dalos. Atat ka naman masyadong makipagkita. Hayaan mong langawin yung Intsik na 'yon paghihintay sa'yo," angil niya.

"At bakit ko paghihintayin ang isang lalake? Paano kung mapurnada pa ang lahat, aber?"

"You deserve someone who will wait for you, Gabby," mahinang sambit niya na hindi ito nililingon.

Hindi ito nakapagsalita. Nang silipin niya ito ay nakakunot ang noo ni Gabby. Sinasabi na nga ba. Kahit kailan ay hindi naisip nito na deserving ito para hintayin ng kahit na sino. Masyado kasi itong istrikto sa sarili nitong oras. Gusto niya tuloy sabihin dito na kahit sino pa ay hihintayin ito kahit hindi nito sabihin.

Okay na sana ang lahat kung hindi lang ito humirit pa.

"Bilisan mo pa rin. Ayaw kong ma-late," matigas na sabi nito.

Naitirik na lang ni Sid ang mata.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...