When Two Broken Souls Collide...

By 2KG4LOFBLOOD

2.1K 64 2

Where do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there... More

Prologue
WTBSC 1
WTBSC 2
WTBSC 3
WTBSC 4
WTBSC 5
WTBSC 6
WTBSC 7
WTBSC 8
WTBSC 9
WTBSC 10
WTBSC 11
WTBSC 12
WTBSC 13
WTBSC 14
WTBSC 15
WTBSC 16
WTBSC 17
WTBSC 18
WTBSC 19
WTBSC 20
WTBSC 21
WTBSC 22
WTBSC 23
WTBSC 24
WTBSC 25
WTBSC 26
WTBSC 27
WTBSC 28
WTBSC 29
WTBSC 30
WTBSC 32
WTBSC 33
WTBSC 34
WTBSC 35
WTBSC 36
WTBSC 37
WTBSC 38
WTBSC 39
WTBSC 40
WTBSC 41
WTBSC 42
WTBSC 43
WTBSC 44
WTBSC 45
WTBSC 46
WTBSC 47
WTBSC 48
WTBSC 49
WTBSC 50
WTBSC 51
WTBSC 52
WTBSC 53
WTBSC 54
WTBSC 55
WTBSC 56
WTBSC 57
WTBSC 58
WTBSC 59
WTBSC 60 | Finally Whole Again
Epilogue | Final Collision
Special Chapter

WTBSC 31

25 1 0
By 2KG4LOFBLOOD

Maria Bella

"Project? Are you kidding me Damon? At ano namang project ang gagawin mo dito? Project about how can you steal someone's girl?" Sarkastikong pagpaparinig ni Ravanni kaya nakita ko agad ang pag-iiba ng ekspresyon ni Sir Damon.

"Someone's girl? Who's girl? Sayo ba? Wala pang sayo Ravanni." Sarkastikong sabi din ni Sir Damon kay Ravanni. Heto nanaman sila at magsisimula nanaman sila.

"I don't have any time to fool around here Damon. It's way too good if you're just go back to Manila. Nandoon ang business mo at wala dito sa probinsya."

"You're wrong. My business is here and it's Bella. She is my business here so I will stay sa ayaw at sa gusto mo."

"Really? Bella is your business. And you want to be here. But the question is, does Bella wants you to be here around with her?"

"Teka sandali sandali, english kayo ng english dyan hindi na namin kayo naiintindihan. Nag-aaway na ba kayong dalawa?" Napabuntong hininga silang parehas nang biglang magsalita si Nanay.

"Nay hindi po sila nag-aaway nagkukwentuhan lang po sila." Sabi ko na lang kay Nanay dahil kunot na kunot na ang noo nya.

"Oo nga po Nay, tingnan nyo po nakangisi pa po sila sa isa't isa." Sagot naman ni Delaney kaya napa-tango na lang si Nanay. Hayyy ang sakit nila sa ulo.

"Kung magtatagal ka dito hijo ay saan ka tutuloy kung ganon?"

"Mayb-"

"Pwede po syang magcheck in sa mga beach hotels Nay. Madami naman po dyang resort na nagpaparent." Sagot ko agad at putol ko sasabihin ni Sir Damon.

"Ganon ba hijo? Sigurado ka bang magiging okay lang sayo doon? Hindi ka taga-rito kaya mas mabuti sigurong-"

"Okay lang po sya doon Nay.  Safe po doon ang mga turista."

"Pero hindi ba at mas makakabuti kung nandito sya? Para naman mas makilala ko ang boss mo. Isa pa ay pwede sya doon sa isang kwarto kasama si Ravanni at Aki-"

"Nakakahiya naman po Nay hindi po sanay si Sir Damon sa matigas na higaan."

"Okay lang po sa akin kahit saan." Sagot naman ni Sir Damon kaya napangiti si Nanay.

"Okay lang naman pala kahit saan Bella kaya hayaan mo na sya mag-check in." Saba't naman sa amin ni Ravanni at tumango ako sa kanya.

"Sir Damon dito na po kayo. Malayo pa po dito sa bayan ang mga resorts. Saka makakatipid po kayo kung dito kayo sa bahay." Sabi naman ni Kenzo kaya napakunot agad ang noo ko sa kanya.

"Hindi kailangan magtipid ni Sir Damon,Kenzo. Madami syang pambayad sa-"

"Gusto mo bang dito na muna ako sa inyo tumuloy?" Nakangiting tanong ni Sir Damon kay Kenzo na mabilis naman itong tumango.

"Okay lang ba talaga sayo hijo? Kung ganon ay tabi na lang kayo ni Ravanni sa kama. Sa amin nang kwarto matutulog si Bella at kayo na lang nina Aki sa kabilang kwarto. Mahirap na rin naman nga at turista ka. Karamihan dito mapagsamantala sa mga taga-Maynila." Mahabang sabi ni Nanay at sinubuan pa si Blaine sa tabi nya.

"No! I m-mean pwede ko po samahan si Damon sa resort para po di na po kami parehas makaabala sa inyo dito." Mabilis na sagot ni Ravanni kaya napatingin ako sa kanya.

"Naku hindi na hijo. At huwag mong iisipin na abala kayo dito sa amin. Masaya kami dahil nandito kayo at lalo na itong boss ng Bella namin. Sobra akong nagpapasalamat sa iyo hijo Damon." Masayang sabi ni Nanay sabay tingin kay Damon. Magalang naman itong tumango tango kay Nanay. Pinagmasdan ko naman si Ravanni at mukhang hindi sya natutuwa sa kinalabasan ng usapan namin dito sa lamesa. Mukhang parehas na silang dito mananatili sa bahay namin at ang malala pa ay isang linggo. Si Sir Damon ang dahilan kung bakit ako nagbalik ulit dito pero heto sya at nasundan ako hanggang dito. Hindi na rin ako magugulat kung maya maya lang ay mahanap na rin ako ni Cohen. Hindi 'yon malabo dahil madami silang tao dito sa bayan namin. Madaling makakarating sa kanya ang balita kung sakaling may makakita sa akin na kakilala.

"Sige na Sir Damon pumunta na po kayo sa sala ako na po ang bahala dito." Sabi ko kay Sir Damon pagkatapos namin kumain at nililinis ko na ang mga pinagkainan namin.

"She's right kami na ang bahala dito." Sabi naman sa tabi ko ni Sir Ravanni. Kung makapag-sabi ito akala mo naman ay magaling na talaga sya maghugas ng pinggan. Napailing na lang ako sa naisip ko.

"What do you mean?"

"Natulungan ko na si Bella sa ganitong bagay kaya alam ko na ang gagawin. Kaya ikaw, doon ka na lang sa labas at magpahangin." Sarkastikong sabi ni Ravanni saka ito nagpunta sa may lababo at kinuha ang timba doon saka nagderetso sa may bomba. Halos mapanganga ako dahil sa ginawa nyang 'yon.

"Sige na Sir Damon hintayin nyo na lang po ako doon. Maglilinis lang po kami dito."

"With him? Really?"

"Sige na po Sir Damon."

"Don't call me Sir again Bella." Seryosong sabi nya sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako sa kanya.

"Ok Damon. S-Sige na pumunta ka na doon." Sabi ko na lang sa kanya at sinundan ko na si Ravanni. Gusto kong matawa sa kanya nang makita ko kung paano sya magbomba. Halatang nahihirapan sya dahil hindi sya ganon karunong. Medyo maganit pa naman ang bomba namin.

"Ako na baka matangkab ka pa nyan eh." Sabi ko sa kanya at ako na ang nagbomba. Hinayaan naman nya ako at pinagmasdan na lang ang timba namin. Wala pa 'yon sa kalahati.

"Pipilitin kong mag-check in kami ni Damon sa resort kung ayaw mong nandito sya malapit sayo." Biglang sabi nya sa akin kaya napatigil ako.

"Huwag mo nang isipin 'yon. Hayaan na lang natin dahil baka kung ano pa ang mangyari doon sa inyo. Malayo pa 'yon dito at mas mapapaisip lang lalo ako sa inyo. Lalo pa at pananagutan ko kayo dahil nandito kayo kasama ko." Sabi ko na lang dahil wala na rin naman akong magagawa. Nagpasya na si Nanay at kapag sinabi nya ay 'yon ang masusunod.

"Are you sure? I don't want you to be bothere the whole week of your vacation Bella."

"Okay lang talaga. Huwag ka nang mag-alala." Sabi ko sa kanya at saka ko ipinagpatuloy ang pagpuno doon sa timba. Pagkatapos noon ay sya na ang nagbuhat at nagligpit na kami. Pagkatapos doon ay dumeretso na kami sa may terrace namin. Nadaanan pa namin si Delaney at Blaine na nagalalaro sa sala habang nanonood ng TV si Nanay. Si Kenzo naman ay naabutan naming kausap si Sir Damon.

"Ano pong itsura ng Maynila boss Damon?"

"Madaming buildings at magulo. Masyadong madaming tao at hindi masaya." Seryosong sabi nito kay Kenzo.

"Pero di ba at nasa Maynila po lahat? Madami doong pwedeng puntahan at madami doong opportunity sabi ni Nanay at ni Ate. Kaya bakit malungkot parin?"

"Hindi lang naman tungkol doon ang pagiging masaya. Magulo doon at madaming isipin. Kung pwede nga lang na dito na ako sa probinsya nyo ay dito na lang ako......Kasama ang ate Bella mo."

"Po? Gusto nyo p-"

"Kenzo doon ka na kila Nanay. Alagaan mo si Blaine at pagod na si Nanay." Putol ko na sasabihin ni Kenzo dahil ayokong may isipin pa sya tungkol sa amin ni Sir Damon.

"Ok po Ate. Boss Damon maiwan ko po muna kayo." Sabi naman nito kay Sir Damon at nagsaludo pa ito napatawa na lang naman sa kanya si Sir Damon.

"Mga strategy mo talaga Callego."

"What are you saying?"

"Tsk!"

"Mag-aaway nanaman ba kayo?"

"Ito kasing BOSS mo noong hindi ka maligawan idinadaan sa kapatid mo." Sarkastikong sabi ni Ravanni at naupo ito sa tabi ko saka nya ako inakbayan. Tinaggal ko naman agad 'yon dahil baka makita ni Nanay at kung ano pang isipin. Haysss.

"And how about you? Bakit ka ba nandito at ginugulo mo si Bella?"

"Me? Well I just help her to escape from you but unluckily, nasundan mo parin kami hanggang dito."

"Escape from me? Why? Dapat sayo sya lumalayo."

"Don't act like a good man Damon. I know so many things about you. Akala mo ba hindi ko alam?"

"What?!" Naiinis nang sabi ni Sir Damon kaya bago pa sila maglapit sa isa't  isa ay namagitan na agad ako sa kanila.

"Pakiusap po huwag na kayong nag-away. Kung gusto nyo po para mawala ang inis nyo sa isa't isa bakit hindi na lang kayo mag-bonding?"

"Bonding?!" Sabay na sagot nila sa akin. Nginitian ko lang naman sila dahil may naisip ako bigla. Palagi na lang silang nag-aaway kaya siguro kaylangan na nilang ayusin ang personalan nilang problema sa isa't isa.

"Bonding with my mortal enemy. That's great!" Sarkastikong sabi ni Ravanni sa akin saka sya naupo doon sa may kawayang upuan namin at prenteng isinandal ang likod nya.

"Yeah! I think this will going to be so fun."

"Magiging masaya po talaga ito. At sigurado ako magkakaayos kayo bago tayo bumalik sa Maynila." Sabi ko sa kanila pero nakita ko lang ang parehas nilang masamang tingin sa isa't isa.

"Where are you going Bella?" Napatigil ako sa paglalakad ko nang bigla akong tawagin ni Ravanni.

"May kukunin lang ako dito muna kayo."

"Samahan na kita." Sabi naman agad ni Sir Damon.

"Anong samahan? Ako ang sasama sa kanya. Dito ka na lang." Sabi naman ni Ravanni at pababa na sana ito ng terrace namin.

"Huwag na dito na kayong dalawa. Babalik rin ako agad." Sabi ko sa kanila at hindi ko na hinintay ang sagot nila at naglakad na ako palabas ng kanto namin. Dumeretso naman agad ako kila Aling Isay.

"Oh Bella? Anong bibilhin mo neng?" Tanong agad sa akin ni Aling Isay pagtapat ko sa tindahan nya.

"Hindi po ako bibili Aling Isay may itatanong lang po ako."

"Ano 'yon? Naku Bella may nakita nanaman akong baging dating. Bisita mo rin ba?"

"Ah oo po dito po daw muna magbabakasyon ng isang linggo. Sya po ang boss ko sa Maynila. Ah Aling Isay may kontak pa po ba kayo sa beach na palagi pong pinupuntahan namin nina Alice?"

"Aba ay oo naman bakit mo natanong?"

"Balak ko po sanang ipasyal doon ang bisita ko. Nagpapapasok pa po ba sila doon?"

"Oo naman kaso ang alam ko ay may Php 50.00 entrace fee na doon dahil narenovate na at may mga kuryente na doon." Napatango naman ako sa kanya. Napaisip naman ako bigla kung magkano ang magagastos ko kung sakaling isama ko lahat sila Nanay at sina Sir Damon. Hindi na rin masama dahil may konting ipon naman ako at siguro ay magkakasya naman 'yon. Total ay ngayon lang din naman ako naka-uwi ulit gusto kong makabonding din ang mga kapatid ko.

"Ganon po ba? Pwede ko po ba makuha ang number ng magbabalsa doon? O kaya 'yong bangkero na kakilala nyo doon?"

"Abay oo naman. Heto mo. Ikaw na lang ang tumingin at medyo malabo na ang mata ko." Natatawang sabi nito sa akin at iniabot naman nya ang cellphone nya saka ko kinuha ang number doon.

"Salamat po Aling Isay."

"Walang ano man." Sabi nito sa akin at pagkatapos naman doon ay tinawagan ko agad ang magbabalsa kung libre ba ito para mamaya. Mabuti na lamang at pumayag ito. Natawaran ko pa nga ang bayad sa kanya. At ang maganda pa ay hindi pa 'yon masyadong bukas sa publiko kaya konti pa lang tao at wala masyadong bumibisita kahit na narenovate na pala 'yon. Ang lugar na 'yon ang isa sa pinaka paborito kong lugar dito sa probinsya namin. Doon ako palaging napunta kapag malungkot o kahit masaya ako. 'Yon ang naging lugar kung saan napakarami kong alala.

Napangiti na lang ako ng mapait dahil sa naalala ko. Doon din ang madalas na tagpuan namin ni Cohen noong mga panahon na lihim pa ang kung anong meron sa amin. Pero wala na 'yon sa akin. Kahit na ganon, ang lugar paring 'yon, ang puting bahangin at ang maingay na alon ng dagat doon ang palagi kong babalik balikan.


















xyvil_keys

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
20K 5.4K 45
[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantal...
21.5M 313K 54
It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today.
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...