The Boy Next Door (Completed)

By ScribblerMia

84.3M 1M 202K

Now a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © Scrib... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13 Part 1
Character Profile (Karl Jonathan)
Character Profile (Oleya Astrid)
Chapter 13 Part 2
Chapter 14 (Part 1)
Chapter 14 (Part 2)
Chapter 15
Chapter 16 (Part 1)
Chapter 16 (Part 2)
Chapter 17 (Part 1)
Chapter 17 (Part 2)
Chapter 18
Chapter 19 (Part 1)
Chapter 19 (Part 2)
Chapter 19 (Part 3)
Chapter 20
Chapter 21 (Part 1)
Chapter 21 (Part 2)
Chapter 22
Chapter 23 (Part 1)
Chapter 23 (Part 2)
Chapter 24
Chapter 25 (Part 1)
Chapter 25 (Part 2)
Chapter 26 (Part 1)
Chapter 26 (Part 2)
Chapter 27 (Part 1)
Chapter 27 (Part 2)
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30 (Part 1)
Chapter 30 (Part 2)
Chapter 30 (Part 3)
Chapter 31 (Part 1)
Chapter 31 (Part 2)
Chapter 32 (Part 1)
Chapter 32 (Part 2)
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Epilogue
ScribblerMia's Awesome Message to Awesome People
TBND Special Chapter 1: Si Kulit at si Pakipot
TBND Special Chapter 2: A Promise of Forever
TBND Soundtrack
TBND Special Chapter 3: The Dispute: Who's the Third Party?
TBND Special Chapter 4: A Series of Unfortunate and OA Events
TBND Special Chapter 5: A Happy Never-Ending Story

Chapter 49

757K 8.5K 1.3K
By ScribblerMia

Mia'a Message: Merry Christmas, guys! :) By the way, i-congratulate naman natin ang friend kong si Philip (oo, totoong tao ang Philip sa TBND; he's my friend). He passed the 2012 Civil Engineer Licensure Examination. He's from UP Diliman. :) Mabuhay ka, bakla! I love you, and I'm proud to be your best friend. Ikaw ang pinakamalanding bakla pero mahal na mahal kita. :*

 

--


"Nasaan na ba ang jowabelles mo, sister? Anong petsa na? Pakisabi mag-eend of the world na wala pa rin siya." Reklamo ni Philip.

Ready na kaming apat. Ako, si Philip, si Kaye, at Cess. Kotse ni Philip ang gagamitin namin. O 'di ba? Akala niyo lang hindi bigtime ang best friend ko, pero bigtime talaga siya. Marunong siyang mag-drive. Pero ang totoo, wala pa siyang car kasi 17 pa lang din siya, sa Kuya niya ang kotse na gagamitin namin. Hehe.

Kasalukuyan kaming nasa tapat ng Turbina, Calamba. Ito ang napag-usapan naming meeting place para one-way na.

I went to KJ's house kanina. Pero sabi ni Tita, umalis daw si KJ kaninang alas-sais ng umaga at hindi naman sinabi kung saan pupunta. Where on earth did he go? It's sembreak for Pete's sake. Saturday pa. Saan naman niya naisipang pumunta? Nakalimutan niya bang may lakad kami? Ang usapan alas-nuwebe dapat nasa meeting place na. Dapat nga hindi ako sasabay kina Philip sa kotse. I was supposed to be with KJ. Doon dapat ako sasakay. Ang problema nga, patay ang cellphone ni KJ. Kanina ko pa siya tinatawagan at tinetext. What's the matter with him? Naging patient naman ako. Pero dude, this time, he's getting into my nerves already!

One more call.

Where the hell are you, KJ?

One more text.

Fuck, KJ. Ano ba? Sumagot ka sa texts ko! Nakakainis ka na. Tsk. 

I guess I have to wait.

Five minutes.

Ten minutes.

Twenty minutes. Still, no reponse.

Damn you, Karl Jonathan Dominguez.

"Let's go." I said coldly.

Nagulat naman sina Philip. Marahil nahalata nilang wala ako sa mood at wala na akong balak magsalita pa.

Tahimik kaming sumakay sa kotse at nagtungo sa Enchanted Kingdom, minus Karl Jonathan.

Whatever happened to him, I don't know. And right at this moment, I don't care.

I'm fed up. This is too much to bear. This is too much to bear.

This is too much to bear that it hurts.

It hurts.

--

"Weeeee. Ang saya naman no'n. Akala ko talaga mahuhulog ako eh." Tuwang-tuwang sabi ni Cess.  Kakasakay lang kasi nila sa Space Shuttle.

"Te, sumabog na lang ang eardrum ko kakasigaw mo. Langya ka. This is a new shirt. You almost ripped my shirt off you bitch!" Reklamo ni Philip.

"Yeah. I saw your face. It was epic." Kaye said.

"I know. I'm not scared of falling from that Space Shuttle chuvaness. I was scared because I thought I'd go home shirtless because of that gaga!" Naiinis na sabi ni Philip.

"Yumyum. I want to see that body of yours, bakla." Natatawang sabi ni Kaye.

"Yeah. Take that off. Take that off." Cess said while clapping.

"Take that off? Of I'll take your head off?" Mataray na sabi ni Philip.

"Ooh. Fierce," said Cess.

"Rawr." Segunda ni Kaye.

At nagsimula na naman silang mag-asaran. Napagtripan na naman si Philip.

Ako? I didn't join them. Nakaupo lang ako sa bench at hinintay sila. Nakaka-eleven na sakay na yata sila sa rides, samantalang ako nakaupo lang palagi habang naghihintay. Wala ako sa mood eh. Nakatitig lang ako sa cellphone ko. Ang tanga ko talaga. Umaasa pa rin. Psh.

“Wait. Sisters, is that Nicholas?” Tanong ni Kaye.

Napaangat ako ng tingin. Sino raw?

We followed Kaye's gaze. Hindi ko masyadong mamukhaan dahil nakaupo ako. At isa pa, masyadong malayo si Kuya para mamukhaan ko.

Cess gasped. “You mean Nicholas of Alpha Delta Omicron?”

Si Nicholas ng Alpha Delta Omicron. He's the leader of that frat. He was my classmate last semester. I don't know much about him except for the fact that he's one of the biggest jerk in school. A conceited, impulsive, and insane frat man. Pero siya nga ba iyon? I don't know. Napailing na lang ako at binalik ang atensyon ko sa cellphone ko.

"OMG." Kinikilig na sabi ni Kaye.

“No way. Why would he be here? Eh pa-cool si Fafa Nicholas dibims?” Singit ni Philip.

“Oh well.” Kaye shrugged. 

“Hey. Tara ulit doon.” Sigaw ni Cess.

“Flying Fiesta? Are you kidding me?” Hindi makapaniwalang tanong ni Philip.

“Heck, I am not kidding you.”

Sabay-sabay silang tumakbo patungo sa kung saan mang rides.

Everything went blur afterwards.

I sighed.

You stood me up again, Karl.

 

Napayuko ako. Gusto kong labanan ang luhang nais kumawala. Pero kasi…

“Astrid?”

Napaangat ako mula sa pagkakayuko.

“Mike?”

“What are you doing here?”

“Uh. Naligaw lang. Chos lang.” I faked a laugh.

“Harhar. Why are you alone?” He smiled. Naupo siya sa tabi ko at sumandal sa bench.

Nakatingin lang kami parehas sa mga taong naglalakad. Maririnig ang mga sigawan at tawanan sa paligid. Busy ang mga bata sa pagbili ng cotton candy, sa paghabol kay Wizard Eldar, sa pagpila sa rides, habang ang iba naman ay umiiyak dahil natakot sa rides. 

I sighed. “Just not in the mood to...you know.”

“I don’t know.”

“Ah basta. Eh ikaw? Why are you here?”

“Naligaw din lang.”

“Harhar. Talk to the hand, dude.” Inirapan ko siya.

“Sungit.”

“Talaga. Pero ‘di nga, mag-isa ka lang?” I looked at him.

“Nope. I’m with my friends.”

“Huh? Talaga? Where are they?”

“Just roaming around.” He winked at me.

“Psh.”

“Problem?” Ginulo niya ang buhok ko.

“Hey.” Natatawa kong tinanggal ang kamay niya sa buhok ko. “Tae ka talaga.”

“Come on. Fire away. What is it?”

Napayuko ako. Will I tell him?

"Yow. Ano?" Untag niya.

I looked at him. “Uhm. I uh. Well.”

“Yeah?” Taas ang dalawang kilay na tanong niya. He looked at me intently while waiting for my response.

Ano nga bang sasabihin ko? Kahit ako hindi ko alam eh. Naguguluhan ako at nasasaktan. Bwisit.

"You can trust me, you know," he said.

I looked at him. He was wearing a smile, that please-tell-me-your-problem-because-I-am-your-friend-and-you-can-trust-me smile. Ang haba. Hehe.

I sighed. I guess I have to trust him. After all, he's right; he’s my friend.

“I have a friend kasi," I said shyly. 

“What about your friend?” He switched his gaze to the Anchor’s Away.

That’s my go signal to follow his gaze, simply because I couldn’t bring myself to look at him in his eyes. I didn’t want to look at him. I might you know. I might cry. Ewan ko ba. Mas comfortable ako sa ganito, mas napipigilan ko ang damdamin ko.

“Well. My friend Elena and her boyfriend Stefan were the best couple I’ve known.” I smiled. “Madalas silang mag-away at magtalo, pero hindi naman umaabot sa point na magkakatampuhan sila ng bonggang-bongga. Gets mo ba?” Saglit akong tumingin sa kanya.

He nodded. "Gets ko ng bonggang-bongga."

“Pero kasi si Stefan, lately, nagbago siya. Uhm. Hindi na kasi alam ni Elena kung saan siya nagpupunta at kung ano ang ginagawa niya. Bihira na niya makita at makausap ito. Pero kapag nalulungkot siya, iisipin niya lang ang mga sinabi ni K—I mean ni Stefan na mahal daw siya nito at hinding-hindi niya sasaktan ang friend ko. Tapos—“

“Wait. So si Elena at Stefan ang dahilan kaya ka sad? Ganoon ka ka-affected?” Natatawang sabi ni Mike. Kinurot niya pa ako sa pisngi.

I playfully punched his arm. “You dope. Affected ka diyan. Ano lang ako, ano uh concerned. Yeah. Tama. Concerned lang ako kasi nga friend ko si Elena noh.” Halos pasigaw na sabi ko.

He raised his hands. “Okay, okay. I got it. Chill.” Then, he laughed.

“You’re not taking this seriously, are you?”

“I am taking this seriously. Sorry na. Please carry on.”

Inirapan ko muna siya bago nagsimulang magsalita ulit. “So ayon nga. Hindi nagtetext or tumatawag si boy. Ang masakit pa sa aki—I mean sa friend ko, hindi na siya sumisipot sa mga lakad nila. And worse? Wala man lang explanation.” I said furiously.

“Whoa. Galit ka na niyan?”

Mother F. Oo nga pala. Okay, Astrid. Calm. Inhale, exhale.

Umiling ako. “Hindi ako galit noh! Inis lang. Nakakainis kasi si K—si Stefan.” I crossed my arms. Nakatingin pa rin ako sa Anchor’s Away. Seriously, hindi ba nahihilo ang mga taong ito? If I were them, malamang namatay na ako sa sakit ng ulo.

I heard him sigh. “Well, Astrid, baka naman may dahilan si Stefan.”

“Eh ano? Anong dahilan?” Naiiritang tanong ko.

Nagulat naman si Mike at napatikom ang bibig.

“Waa. Chos lang. I mean, ano kayang dahilan?” Mahinahon na sabi ko. Jeez. I need to control myself.

Nagkibit-balikat ito. “Beats me. But one thing is for sure, maybe he has his own reasons.”

I nodded absentmindedly. “But, do you think he’s cheating on me—my friend?” I asked worriedly.

“Well, that I can’t tell. He's a dick if he'd do that.” Iiling-iling pa na sabi nito, kunwa’y nagdadalamhati.

Natawa na lang ako. “You psycho. Nakakainis ka. Hmp.”

“What?” Natatawang sabi nito. “I was just—“

His words were cut when we heard my phone rang.

“Wait lungs.” I smiled at him, and immediately answered it. “Hello.”

“Astrid?!” Bakas ang pag-aalala sa boses nito.

Saglit akong nagulat. But I managed to compose myself. “What?” I asked coldly.

“Are you okay?” His voice was frantic.

“Am I okay? Well, of course, I am!” I said sarcastically.

“Where are you? Sino'ng mga kasama mo?”

You effin’ son of a gun! Pambihira! Seriously? Hindi niya alam na may lakad kami dapat ngayon? “Are you kidding me? Nasaan ako? Sino ang mga kasama ko? You freak!" 

“Astrid, look, I’m sorry. Please. Where are you? I need to know. Sino'ng kasama mo? Please—“

“Go to hell, moron!”

“Wait—“

I ended the call. Psh.

What's with him? Biglang tatawag out of the blue? Kung kailan alas-singko na? Kung kailan malapit na kaming umuwi? Tapos tatanungin pa kung nasaan ako at sino ang mga kasama ko? Na parang bang nag-aalala siya ng bongga? Na hindi ko malaman kung bakit at para saan ang palabas niyang iyon? I called and texted him several times, and now he called just to Goddamn ask me where I was? Bullshit!

I decided to turn off my cellphone.

I hate you, Karl Jonathan. I hate you.

Pero hindi ako iiyak. Matapang ako. Hindi ako iiyak. Masakit, pero hindi ako iiyak. Duh. 

Matapang ako. Matapang ako. Matapang ako. Hindi ako iiyak. Hindi. Hindi. Hindi. Paulit-ulit kong sasabihin ito.

Saglit muna kaming hindi nag-imikan ni Mike. Marahil binibigyan niya ako ng time para kalmahin ang sarili. Mike is a good friend. He knows when I'm sad, angry, anxious, and hurt.

After ten minutes, Mike stood and held my hand.

"Let's go, Elena." He smiled. "Forget all your worries and pains even for today. Forget Stefan even for today."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hey. Don't give me that look, Elena." He laughed.

'What are you--"

"Just so you know, I'm a fan of the Vampire Diaries. And just so you know again, I am not a fan of Elena and Stefan because I like Damon better." He winked.

Now that made me laugh hard.

--

“Hey, are you sure you’re okay now?” Mike asked me.

I nodded. “Yes. Thank you, Mike. Sorry sa abala.”

“Hay naku, sister. Maloloka na ako sa inyo ha. Pa-mystery effect kayo. Anong genre ba ito? Humor or Mystery? Mali yata ang takbo ng kwento niyong dalawa ng fafa Karl mo,” said Philip.

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa parking lot. Yes, papauwi na kami. Ni hindi man lang ako sumakay sa kahit anong rides, at kakaunti rin ang mga litrato ko sa activity namin today. Wala kasi talaga ako sa mood, idagdag pa na mainit ang ulo ko. Buti na lang sinamahan ako ni Mike. Nagkwentuhan na lang kami at kumain ng kung anu-ano. Food trip lang ang ginawa ko sa EK. Nag-aksaya pa ako ng P500.00 para lang maupo sa bench at tumunganga maghapon. Wasn’t that exciting?

“By the way, nasaan na ang mga friends mo, Mike?” Tanong ni Kaye.

“Well. Uh.” Mike smiled. “I don’t know. I will call them na lang.”

“Alright. See you then. Thanks for accompanying Astrid. She’s such a bore.” Philip said.

“You talk as if I am not here, sister.” I said sarcastically.

“Oops. Hehe.” Nag-peace sign pa ang bakla.

Lumapit si Cess kay Mike. “Nga pala, 18th birthday na ni Astrid next week. ‘Wag kang mawawala ha?”

“Wait. Really? Wow. Astrid didn’t tell me that.” Kunwa’y nagtatampong sabi ni Mike.

“Get a life, creep.” I snorted.

“Kidding. So, am I invited?” Tanong ni Mike.

“Ay hindi. Hindi ka invited. Kaya namin sinabi sa’yo para inggitin ka. Chos. Malamang invited ka, ‘di ba?” Singit ni Philip.

“Philip! Ang mean mo,” Kaye said sabay hampas sa braso ni Philip.

Nagtawanan na lang kaming lima. Maya-maya’y nagpaalam na rin si Mike.

“See you next week, guys. Ingat kayo.” Mike looked at me. “Text me pag nasa bahay ka na, panget.” He winked.

“Ay shet panshet. Anyare?” Nakasimangot na sabi ni Philip.

Siniko naman palihim ni Cess si Philip. “Seriously? Forever kang epal.” She whispered.

Mike laughed. “Bye.” Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo.

“Bye.” We said in chorus.

Nang makaalis si Mike, pumasok na kami sa kotse. Gusto ko nang umuwi. This had been a long and terrible day for me.

--

Busy sa pag-uusap sina Philip tungkol sa gaganapin na birthday ko next week, October 28, Sunday. Hindi naman extravagant. Napag-usapan na namin last time na simpleng kainan lang sa bahay. Ayoko na kasi mag-celebrate ng bongga. Kulang sa time dahil nga naging busy sa exams and all that academic stuff. Kaya naisip ko na magpapa-cater na lang ako ng food and mag-iinvite ng family and friends. Dinner na lang siguro.

Sinandal ko ang ulo ko sa headboard. I’m tired physically, mentally, and emotionally. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Sobra na yata siya. Alam niya kaya na malapit na ang birthday ko? Hindi kasi namin napapag-usapan. Nakalimutan ko rin banggitin dahil nga marami akong iniisip na bagay last time. We were both busy. Pero sana, sana maalala niya. Sana makapunta siya. Sana...

“We’re here.” Untag ni Philip.

Masyado yata akong nalunod sa pag-iisip na hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay ko.

“Thank you.” Nagbeso-beso muna kami bago ako bumaba.

“Sister, sa Friday ha. Batangas tayo,” said Cess.

“Yup. Noted.” I smiled wearily.

“Are you okay?” Kaye asked awkwardly.

I laughed, yes, a fake laugh. What else is new? “Yup. Ako pa.” I winked at her.

Nagtinginan muna silang tatlo bago sabay-sabay na tumango. “Bye, sister.”

“Bye.” I smiled.

Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse ni Philip bago ko napagpasiyahan na pumasok na sa bahay.

Pero bago iyon, saglit kong tiningnan ang bahay nina KJ.

I sighed. Wala yata siya sa bahay nila.

I smiled bitterly. I'm stupid. I was expecting he'd wait for me here.

I was expecting he'd be in front of our gate, waiting for me, saying how sorry he was for not coming, saying he loves me. But I guess, they're just fantasies. He's not here. He's nowhere in sight.

Walang KJ sa tapat ng gate namin. Walang KJ na naghihintay. Walang KJ na hihingi ng sorry at magpapaliwanag. 

Wala siya. Walang Karl Jonathan Dominguez na dumating.

Matapang ako. Matapang ako. Matapang ako. Hindi ako iiyak. Hindi. Hindi. Hindi.

For the nth time, I sighed.

Matapang ako. Matapang ako. Matapang ako. Hindi ako iiyak. Hindi. Hindi. Hindi.

Binuksan ko na ang gate.

Matapang ako. Matapang ako. Matapang ako. Hindi ako iiyak. Hindi. Hindi. Hindi.

At bago ako nakapasok, nalasahan ko ang maalat na mga patak ng tubig.

Continue Reading

You'll Also Like

14.9M 235K 75
PUBLISHED UNDER POP FICTION [Unlucky I'm In Love with My Best Friend sequel/book 2] BITTER CASANOVA. Kapag sinabing CASANOVA, babaero, mapaglaro sa p...
16.8M 209K 56
Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pagkamayabang pa. What will happen if one...
23.3M 463K 56
PUBLISHED UNDER POP FICTION BOOKS "I'm breaking up with you, Gab." Tapos na ang kontrata. Hindi na boyfriend ni Gab si Gatorade at ni Dominique...
13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...