Thysia [The Sacrifice for the...

By FinnLoveVenn

107K 5.3K 507

They say that if they drink my blood their life will be prolonged. If they eat my body- they will never get o... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1

CHAPTER 56

810 42 2
By FinnLoveVenn


❦❦❦

Nakaupo si Dahlia at Clow sa lilim ng mga puno habang nagpapahinga at pinapanood ang pakikipaglaban nila Ulmer sa mga tribo ng uwak, nag-eensayo ang mga lobo upang malaman ang tamang galawan sa pagpuksa sa mga bampira.

Magandang ensayo ang binibigay ng mga uwak sa kanila dahil katulad ng mga uwak ay nakakalipad din ang mga bampira na kailangan pagtuunan iyon ng mga lobo kung sakalaing makaharap na nila ang mga kawal ni Lazarus.

Sa lumipas na mga buwan ay malaki na agad ang pinagbago ni Ulmer at ng iba pang mga katribo nitong lobo, 'yung mga bata noon ay may katawang binata na kaagad at lalong lumiliksi ang mga paggalaw nila, halata rin na nag-ensayo sila at nag-aaral makipaglaban upang maprotektahan nila ang tribo nila at hindi na maulit pa ang nangyari sa kanila noon, kung saan wala silang laban sa mga magnanakaw at maraming na matay na katribo nila kasama na doon ang sariling ama ni Ulmer.

Hindi pa rin makapaniwala si Dahlia na tutulungan sila ng tribo ng mga lobo, isang malaking oportunidad ito upang mas mapalakas pa nila ang kanilang hukbo at magkaroon ng laban kay Lazarus.

"Nakakapagod din ang araw-araw na pag-eensayo sumasakit ang likod ko," sabi ni Clow habang sabay silang nagpapahinga ni Dahlia, agad naman humingi ng patawad si Dahlia kay Clow dahil iniisip niya na kasalanan njya ang lahat ng ito, kung hindi siya nakagat ni Lazarus ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.

"Pasensya na, dahil sa'kin kailangan niyo pa makipaglaban." sabi niya habang nakayuko at hawak ang isang basong tubig, kitang kita niya ang repleksyon niya rito at hindi maiwasang mapasimangot. Umiling naman si Clow sabay sabing, "Hindi mo kasalanan Dahlia, sadyang may mga loki lang talaga na hindi kuntento sa kung anong mayroon sila, isa pa kung hindi namin ito gagawin ay pati kami ay mapapahamak." Napatingin si Dahlia sa kaniya at ngumiti lang ito bilang tugon.

"Nung sinusundan ko kayo sa paglalakbay ay nakita ko kung anong klaseng Thysia ka at kung anong ugali ng Demon King, na laman ko doon na matulungin kang reyna at handa kang makipaglaban para ipagtanggol ang iba," sabi niya sabay tingin sa mga lobo na patuloy na nag-eensayo, tinuroniya si Ulmer at tumingin din si Dahlia doon sabay kaway ng batang lobo sa kaniya at agad naman siyang napangiti rito.

"Ihalimbawa na lang natin ang tribo ng mga lobong iyan, hindi naman sila andito kung wala ka di ba? Gusto nila tumulong kasi tinulungan mo sila," pagbibigay niya ng lakas ng loob kay Dahlia at sabay nila nakita ang hari na papalapit kay Ulmer at nakikipag-asaran dito habang tinuturuan siyang humawak ng espada.

"Tignan mo rin ang hari, tingin mo ba kung hindi ka niya nakilala ay magiging ganito siya kasaya? Para sa'kin ay sobrang laki ng pinagbago ng hari ng Demon King, isang patapobre ang hari na iyan at mananakop ng ibang kaharian ngunit tignan mo siya ngayon, masayang nakikipag-usap sa isang uri ng loki na mababa sa kaniya," sabi ni Ulmer kay Dahlia sabay tapik nito sa balikat ng dalaga.

"Wag mong isipin na pabigat ka o dahil napilitan lang kami sumali sa gera na ito, andito kami kasi binigyan mo kami ng dahilan para lumaban," dagdag pa ni Clow at pilit na pinipigilan ni Dahlia ang mga luha niya.

"Salamat Clow, salamat dahil binabantayan mo rin pala kami sa paglalakbay," sagot niya at umiling lang ang binata sa kaniya, "Trabaho ko kumuha ng inpormasyon at bantayan ang mga sunod na Thysia." nagtaka naman si Dahlia nang marinig iyon.

"Bantayan ang mga Thysia? Bakit?" tanong niya at ngumiti lang si Clow at nagsimula magkwento kay Dahlia na hindi makapaag-intay sa ikukwento nito. Malaking katanungan pa rin kasi kay Dahlia kung pano ito nakakapagpalit ng anyo at bakit tila pakiramdam niya ay mortal si Clow.

Lumapit nang kaunti si Clow ng kaniyang pagkakaupo sa tabi ni Dahlia sabay bulong sa tenga nito, "Sirekto lang natin ang mga maririnig mong kwento mula sa'kin ah, pangako?" tanong niya at tumango si Dahlia rito at hindi makapag-intay malaman kung anong sikreto ito,

"Anak ako ng isang Thysia at ng na unang Demon King," bulong niya rito at halos malaglag ang panga ni Dahlia sa pagkagulat, walang salitang lumalabas sa bibig niya at iniintay niyang sabihin ni Clow na biro lang ang lahat ngunit nakangiti lang ito at iniintay ang sasabihin niya.

"Hindi ka naniniwala?" tanong niya kay Dahlia na patuloy lang na nakatulala sa harap niya, umiling lang ito at parang mababasa mo na ang tumatakbo sa isip niya dahil sa ekspresyon na ginagawa ng kaniyang mukha.

Hindi tuloy mapigilan tumawa ni Clow sa ginagawang reaksyon ni Dahlia ngayon, iniisip niya na hindi siguro sumagi sa isip ni Dahlia na pwede magkaroon ng anak ang Thysia at isang loki kaya napangiti na lang siya sa harap ng dalaga at ginulo ang buhok nito saka muling nagkwento, "Matagal na kong nabubuhay sa underworld, siguro mga tatlong daang taon na ang nakakalipas, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako namamatay at naging trabaho ko na ang bantayan ang mga Thysia na katulad ng aking ina, kaya ko maging mortal at kaya ko rin maging loki hahaha kaya kung nagtatanong ka bakit mortal ang itsura ko nung nakita mo ko sa bayan ng mga lobo ay dahil sa kalahating mortal talaga ako," paliwang nito kay Dahlia at hindi mawala ang pagkamangha sa mukha niya.

"Pwede pala talaga mabuhay ang isang Thysia na katulad ko at magkaroon ng pamilya?" tanong niya kay Clow at tumango lang ito sa kaniya bilang sagot.

"Oo naman, maiiwan mo nga lang kami ng mas maaga kasi maikli lang ang buhay niyong mga mortal," sagot niya rito ngunit hindi mawala ang ngiti ni Dahlia sa labi dahil sa mga narinig.

"Kahit mamatay kami nang mas maaga ay sigurado naman ako na ang buhay na nilaan ng iyong ina rito sa mundo ay ang pinakamasaya niya nang buhay, kahit maikli ito sigurado ako na masaya siyang nakaraoon siya ng anak na katulad mo at asawa na katulad ng iyong ama, ako kaya magagawa ko kaya iyon? tingin mo Clow?" masayang tanong ni Dahlia kay Clow at agad itong tumango at ngumiti, "syempre naman kaya mo rin iyon at hindi namin hahayaan na hindi mangyari iyon." pareho silang ngumiti at muling bumalik sa kwentuhan ng mga bagay na nais pa nilang pag-uapan, hindi maubusan ng tanong si Dahlia tungkolsa ina ni Clow at masaya niya naman kinukwento ang buhay nila sa dalaga.

Ngunit hindi nila napapansin ang mainit at nagbabagang tingin ni Troian mula sa malayo na halos kulang na laang ay baliin na ang espada na hawak niya dahil sa selos at masayang pag-uusap nila Dahlia at Clow, kaya mabilis siyang naglakad sa pwesto ng dalawa at umupo sa gitna ng kinauupuan nila, ngult si Dahlia pero agad din naman na halata ni Clow ang pagseselos ng hari kaya agad itong lumayo.

"Napaka-seloso naman pala ng hari niyo," sabi ni Clow kay Dahlia at kumunot agad ang noo nito sabay tingin kay Troian.

"Anong problema mo? Nag-uusap kaming dalawa oh!" inis niyang reklamo kay Troian at lalong sumama ang timpla ng mukha nito.

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa at mukhang ang saya-saya mo ha?" nakabusangot nitong tanong at napairap na lang sa inis si Dahlia saka sinagot ang hari, "Pinag-uusapan namin kung bakit katawan mo lang ang tumatanda at 'yung utak mo isip bata pa rin!" bulyaw ni Dahlia n nkatawag ng atensyon ng iba kaya marami na ang nakikinig sa bangayan nila.

"Hindi pa rin sila nagbago?" tanong naman ni Sunny sa kapatid na parehong nakikinig sa bangayan ng hari at reyna.

"Malamang, pareho kayang isip bata ang dalawang iyan," sagot naman ni Ulmer sa kaniyang ate at bumalik na sa pag-ensayo habang ang dalawa ay patuloy pa ring nag-aaway doon.

Marahan na umalis si Clow sa tabi nilang dalawa at hindi naman ito na pansin nila Dahlia at Troian na patuloy pa rin na nagbabangayan, tuwing nag-aaway ang dalawang ito ay hindi na nila na papansin ang kanilang paligid at panay lang ang asaran sa bawat isa.

"Alam mo! Ikaw nga malaki ka na pero hindi pa rin lumalaki dibdib mo!" sagot ng hari at halos mamula ang mukha ni Dahliadahil sa hiya at galit kaya agad niyang hinila ang tenga nito.

"Ay talaga ba! Tandaan mo mas matangkad pa rin ako sayo bansot!" sigaw ni Dahlia at biglang tumayo si Troian sa kinauupuan nila dahilan para malula si Dahlia na nakaupo pa rin sa damuhan at mapatingala sa hari.

"Ako maliit? hoy pwedeng-pwede na kita maisayaw ngayon nang hindi nila tayo pagkakamalan na magkapatid dahil mas malaki na ko sayo!" sabi naman ng hari at tumayo na rin si Dahlia sa kinauupuan niya at doon niya na pansin na tama ang hari, mas matangkad na ito sa kaniya na kinagulat niya, ngumisi lang ang haring Troian matapos makita ang reaksyon sa mukha ni Dahlia.

"Talo ka na mortal," sabi nito nang mapang-asar at inis na tumingin sa kaniya si Dahlia kaya na tawa na lang siya rito at hinila ang kamay nito, muntikan na mawalan ng balanse ang dalaga ngunit agad ito na salo ng hari na lalong kinamula ng mukha ni Dahlia.

"Huy anong ginagawa mo maraming nakakakita sa'tin," bulong ni Dahlia sa hari habang nakatingin lang ito sa mga mata niya at sinabing, "Ano naman pakialam nila, para namang hindi nila alam na mahal natin ang isa't isa." sa mga katagang iyon ay napaiwas na lang ng tingin si Dahlia at hindi na nakaimik pa nang mabilis siyang halikan ng hari sa kaniyang labi.

"Sa susunod wag ka kasing tatawa sa harap ng ibang lalaki maliban sa'kin, ano na lang gagawin ko kung magkaroon na naman ako ng kaagaw sayo, ping-aagawan na nga ang dugo at laman mo pati ba naman ang puso mo may kaagaw pa ko?" tanong ng hari at hindi na mapigilan ni Dahlia ang kilig sa katawan niya kaya agad siyang lumayo sa hari at matulin na naglakad palayo rito.

"Ewan ko sayo bansot!" sigaw nito sa hari habang pulang-pula ang mga pisnge na kinatawa ng hari at nang ibang pang nakakita sa kanilang dalawa.

Matapos nilang mag-ensayo at magpahinga, lahat ay naghanda sa isa na namang mahaba na gabi dahil palubog na naman ang araw at hindi nila alam kung anong hatid nitong kapahamakan lalo nang alam nila na alam na ni Lazarus ang pinagtataguan ng Thysia.

Ang mga lobo ang pumalit na bantay sa malayong poste na magbibigay agad ng pahiwatig sa kanila kung mayroon mang bagong kalaban na darating, mas matakas ang mga pang-amoy at pandinig ng mga lobo kesa sa mga uwak kaya atintibo rin sila kung may papalapit na kalaban.

Habang ang iba naman ay naghahanda na sa kampo at nag-iintay na lang ng hudyat kung may susugod ba sa kanila ngayon, iniintay din nila ang pagdating ng haring Basil ngayong gabi at ang mga lobo ang magbibigay ng hudyat kung nasa malapit na ang hari.

Dalawang alulong kung kalaban at isa naman kung ang haring Basil, lhat sila ay nag-iintay at nkikinig sa buong paligid hanggang sa makarinigsila ng isang mahabang alulong mula sa kanluran ng kagubatan.

"Paparating na si kuya Basil, salamat naman at andito na siya," sabi ni Larah t gad siyang kinantyawan ni dahlia, "Hehe bati na kyo?" tanon niyaat agad itong na mula at umiling, "Hindi no! Pag nakita ko siya ay agad ko siyang babatukan dahil ang tagal niyang dumating!" sagot ni Larah at tumawa na lang si Dahlia dahil alam niya naman na masaya si Larah sa pagdating ng kapatid niya.

Sa malayo ay nakakita sila nang liwanag mula sa mga nag-aapoy na sulo, papalapit ito nang papalapit at galing rin ito sa direksyon ng kanluran kaya inaasahan na nilang ang hari ito at nang makalagpas sa makapal na kakahuyan ang hari ay agad nilang nakita ang mga kawal ng Ophidian kingdom at masayang sinalubong ang hari.

Agad na bumaba si Troian at heneral Cerberus upang salubungin ang hari ng mga ahas at ganoon din si Larah upang magbigay ng pagbati sa kaniyang kapatid.

Bababa na sana si Dahlia upang salubungin din ang hari ngunit may lumabas na kwago sa kung saan at dumapo ito sa balikat niya, agad siyang na alerto rito at mabilis na nakita ni Keegan ang isang sulat na nakatali sa paanan nito.

Agad din lumipad 'yung kwago matapos nilang makuha ang sulat na puno ng dugo at halos manginig ang kmay ni Keegan nang maamoy kung kaninong dugo galing iyon.

"Dito ka lang mahal na reyna," utos niya kay Dahlia at sinenyasan si Clow upang bantayan si Dahlia saka mabilis na tumalon sa napakataas na puno si Keegan at walang kahirap-hirap na bumagsak nang nakatayo sa harap ng dalawang hari at heneral.

"Mensahe galing kay Anubis mahal na hari," sabi niya kay Troian at agad na inabot ang liham na puno ng dugo ni Anubis na kanang kamay ng hari.

Nang buklatin niya ang papel at mabasa ang laman ng liham ay agad na nagliyab ang papel sa itim na apoy na lumalabas sa kamay ng haring Troian.

"Tawagin niyo si Clow at pupunta tayong lahat sa Demon Kingdom,"


TO BE CONTINUED 


Continue Reading

You'll Also Like

72.3K 1.8K 87
Ang pinakaayaw ng pamilya ni Alyana ay yung magkaroon ng nakabinbing na utang. Kaya naman ng malugmok sila sa kahirapan ay sya ang naisipang ipambaya...
178K 8.6K 62
A personality that hides in her angelic face and a dangerous capability that hides in her sexy body. What is the biggest secret behind her innocent f...
55.3K 3K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...