Married To My Bestfriend's Bo...

By elleinecrz

3.1M 68.3K 18.1K

Shalian Formentera was forced to marry her best friend's boyfriend, Alejandro Adrian Villafuente. Hindi siya... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue
Special Chapter

39

39.3K 967 188
By elleinecrz

Wala sa sarili akong lumabas ng clinic. Masaya akong magkakaanak kami pero bakit nakakaramdam na naman ako ng takot? Na baka hindi niya tanggapin? 


Sobrang naapektuhan ako sa nangyari noon. Takot ako noon na sabihin na may anak ako sa ibang tao dahil mismong ama ng anak ko ay tinanggihan siya, paano pa kaya ang iba? Alam kong nagbago na si Ian pero natatakot pa rin ako. 


Bumili ako ng vitamins na pinapabili ng doktora bago ako nagtungo sa bahay. Nagtaka ako nang madatnang nakabukas ang pintuan ng bahay kaya pumasok ako kaagad para tignan kung sino ang nasa loob. 


"Bakit ang tagal mo?" Salubong sa 'kin ni Ian. Kasalukuyan na niyang tinatanggal ang pagkakabutones ng damit niya. Kaagad kong tinago sa likuran ko ang mga vitamins na binili ko at nginitian siya. 


"Y-You're early" I stuttered! Nakakaramdam ako ng kaba.


Tell him Shalian!  pakikipagtalo ko sa sarili ko. 


"I want to check you. Umayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa 'kin at lumapit kaya mas lalong humigpit ang hawak ko sa mga vitamins.


"Bumili ka na ng gamot? Let me see" mas lalo akong kinabahan nang sinubukan niyang kunin ang mga vitamins mula sa mga kamay ko.


"Uminom na 'ko. Bumili ako ng tubig nung pauwi ako at nainom ko na yung isa" Pagpapalusot ko at iniwas ang mga vitamins para hindi niya makuha. "Aakyat muna ako" pagpapaalam ko bago nagmadaling umakyat.


Dali dali kong tinahak ang lalagyan ko ng mga damit at doon linagay ang mga vitamins. May plano naman akong sabihin sakaniya, hindi lang ako handa ngayon.


"Is there something wrong?" Pumasok siya sa closet kaya sumandal ako sa drawer.


"Inuubo lang ako" I said and acted coughing.


"Pumunta na tayo sa hospital" Pag-aya niya sa 'kin.


"No! I'm fine!" Mabilis na sagot ko kaya mas lalo siyang naguluhan.


"Anong problema?" Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Pinisil pisil niya ang mga kamay ko habang nakatingin nang diretso sa 'kin.


I didn't bother to answer him and just encircled my arms on him. Yinakap ko siya ng mahigpit at pinahinga ang pisngi ko sa dibdib niya.


"What's the problem?" he urged me to talk. Hinahaplos niya ang buhok ko kaya kumakalma ako.


"I-I'm... I'm-" I deeply sighed.


"You are what?" Kalmadong tanong niya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa buhok ko.


"I'm scared" I said that made him stop from caressing my hair.


"My wife is scared of what?"  Tanong niya.


"Of your reaction" Pagsagot ko. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko para magtama ang mga mata namin.


"Why are you scared of my reaction?" he asked and leaned towards me to give me a quick kiss.


"I'm... I'm pregnant" Umiwas ako ng tingin. Hindi siya nagsalita kaya binalik ko ulit ang tingin ko sakaniya. Gulat ang mukha niya at mukhang prinoproseso ang sinabi ko.


"Y-You're p-pregnant?" he was stuttering. Mukhang ayaw niya kaya natakot ako lalo. Naiyak na 'ko sa takot kaya bumalik siya sa katinuan.


"Why are you crying?" He asked softly.  Pinigilan niya ang kamay ko sa pagpupunas ng luha ko at siya ang nagpunas non.


"Look at your reaction! Hindi ko alam kung gusto mo ba o hindi!"  Inis na sabi ko at hinampas ang dibdib niya.


"What? You don't know how happy I am wife. Magkakaanak na ulit tayo and this time, I will never leave you. I'll stay by your side through the process. I love you" He leaned closer to my faced and smacked my lips with his.


"Why are you scared of my reaction?" Tanong niya pagkatapos naming humiwalay sa halik.


"I d-don't know. Baka kasi ayaw mo" Yumuko ako dahil satingin ko ay galit siya.


"Silly girl. Gustong gusto ko" He said and cupped my lips once again.


"Do you want to eat something or anything my pregnant wife?" he looks happy with what's happening.


"Grapes!" I said cheerfully. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi niya at ginulo ang buhok ko.


"Okay, got it. Susunduin ko muna si Lia, hintayin mo 'ko dito. Move less okay?"  he asked for assurance. Tumango ako kaagad.


Hinalikan niya muna ang noo ko bago siya umalis para sunduin si Lia. Wala pang isang oras nung umalis si Ian ay nakarinig ako ng mga hakbang mula sa labas ng kwarto.


"Ate Shalian!"


"Shalian my dear!"


Naguguluhan kong tinignan sina mommy Alisa at si Alexi na humahangos ngayon, mukhang tumakbo papunta rito.


"I told you to slow down" Napatingin ako kay Daddy Erick na kakapasok palang ng kwarto. Si Xendric naman ay nasa likuran ni Daddy Erick na kasalukuyang nakasandal sa door frame at nakahalukipkip. Nakikita ko ang kuya niya sakaniya.


"Uh.. ano pong meron?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naguguluhan ako kung bakit sila nandito.

"Ian told us" Sabi ni mommy Alisa at lumapit sa kama tsaka siya umupo sa tabi ko. Hindi mawala ang malawak na ngiti sakaniyang mga labi.


"We should throw a party don't you think?" My eyes widened when Mommy suggested that. Hindi naman kailangan ng party.


"Iuna muna natin ang mga kailangan. We should hire a private nurse and a doctor first" Alexi interrupted. What?! Kaya kopa naman ang sarili ko!


"And then we will shop!" Pagtutuloy ni Mommy Alisa.


"Then we will go to other country to--"


"Stop stressing her" Sumabat si Ian sa usapan. Buhat buhat niya si Lia at si Lia naman ay may hawak na mga pagkain.


"Okay we won't" Alexi rolled her eyes. "But ate do you prefer Asteria? Hein? Velerie? Yu--" Naputol na naman ang mga sinasabi ni Alexi dahil sumabat na naman si Ian.


"Get out, she needs to rest" Ian said in a serious tone.


"But--" Mommy was about to say something but Ian interrupted her.


"No buts mom. It's bad for my wife and my baby's health" Ian explained. Napilitang lumabas silang lumabas dahil sa sinabi ni Ian. Tinangay na kaagad ni Alexi si Lia, sana lang ay huwag silang lumabas dahil baka bumili na naman ng kung ano ano.


"Gusto mo lang masolo" Xendric chuckled.


"Jealous?" Ian asked sarcastically. Naghahamon na. Parang bata talaga siya pati nakababatang kapatid pinapatulan.


"A little bit" Xendric replied and playfully winked at me before closing the door.


"I'm sorry about that. Masyado lang silang excited nung malaman nilang magkakaanak tayo ulit" Pagpapaliwanag ni Ian habang hinahaplos ang tiyan ko.


"Telll them not to worry about me. I still do my laundry back then even if I was 6 months pregnant" Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.


"What? Pinahirapan ka ba ng matandang 'yon?" may bahid na ng inis ang tono ng boses niya.


"Hindi naman, nagkukusa lang ako" I smiled at him.


"I'm sorry" he suddenly uttered. Tinignan ko siya nang diretso sa mata at may bahid ng lungkot ang mga 'yon.


"For what?"


"For leaving you back then.  I should've been there for you. I should've been there for Lia" ramdam ko ang pagsisisi sa boses niya. Nalungkot din tuloy ako.


Inaamin kong sobrang hirap ng mga dinaanan ko lalo na nung panahong pinagbubuntis ko si Lia pero ang importante ay nandito na siya ngayon.


"Hey,," hinawakan ko ang kamay niya at pinisil pisil iyon "Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari noon. Napalaki naman natin ng maayos si Lia. You're smart enough to learn from your mistakes. Alam kong hindi mo na kami iiwan" I smiled sweetly when our eyes met. I automatically closed my eyes when he leaned to give me a soft kiss.



Naitulak ko siya nang bahagya nang may kumatok dahilan ng paghiwalay ng labi niya sa labi ko.



"Come in!" Sigaw ni Ian, may bahid ng irita sa boses niya.



"Sorry daddy, are you mad?" Tanong ni Lia pagkapasok niya sa kwarto. Kaagad naman nagbago ang reaksyon ni Ian at mukhang nagsisi sa ginawa.


"No baby I'm not mad. Akala ko si tita Exi ang kumatok" Ian explained. Linapitan niya si Lia at kinarga siya.


"Why? Galit ka kay tita Exi?" Inosenteng tanong ni Lia. She looks so cute when she's asking innocently.


"No baby, tita Exi is just.. sometimes she's irritating" Ian enlightened her.

"Mommy is it true that I'm having a sibling?" Biglang napalitan ang reaksyon ni Lia at mukhang tuwang tuwa sa nabalitaan.


"Yes sweetie" malawak ang ngiti ko. Alam komg gustong gusto na ni Lia ang magkaroon ng kapatid kaya sobrang saya ko ngayon dahil siguradong masaya rin si Lia.


"I'm still your baby right?" Lia asked. She looks worried. Malungkot na ang mga mata niya ngayon.

"Of course you're still our baby Lia. Madadagdagan lang ang baby and you're going to be an ate but you're still our princess" Ian said to her. Napaka lambing ng boses niya pagdating kay Lia huh?

Kinabukasan, umagang umaga nandito na kaagad sina mommy at Alexi. Kagabi nga pinag isipan pa nilang dito matulog pero pinigilan sila ni Ian.

"Ate I bought you a bouncy ball! Sabi nila it's good for pregnants"  Masayang saad ni Alexi at pinakita sa 'kin ang malaking bola.


"I bought you a comfortable pajamas! Napaka ganda ng quality ng fabric. Hindi mahihirapan ang bata--"


"Stop it mom. Unahin muna natin ang mga kailangan pwede?" Ian stopped them and encircled his hand on my waist.


"Kailangan naman ang mga 'to ah?" Pakikipagtalo ni Alexi.


"Huwag na kayong magtalo. Kumain nalang tayo baka lumamig pa yung niluto ko"  Pag aaya ni mommy.


Walang pasok si Lia ngayon kaya naisipan kong puntahan sina lola mamaya para ibalita sakanila, siguradong matutuwa sila.


Sasama raw si Ian pero hindi siya magtatagal dahil marami siyang kailangang asikasuhin sa opisina.


"What are these?" tanong ko nang may makitang mga gamit sa kotse.

"Seatbelt for pregnants and some pillows" He said.

"Anong gagawin ko diyan? hindi pa naman malaki ang tiyan ko" Saad ko. Humarap siya sa 'kin at ang mga mata niya ay dumako sa tiyan ko.


"It's for your safety" Sagot niya.

"Unahin muna natin ang mga kailangan pwede?"  I mocked what he said earlier. Akala ko pa naman pinipigilan niya sina Alexi na gumastos, nauna pa pala siyang bumili ng kung ano ano kesa sakanila.


Pagkapasok ko sa kotse, siya ang nag ayos ng seatbelt ko. May belt din sa bandang hita ko para naman akong kikidnappin nito. Naglagay pa ng unan sa tiyan ko.


"Lia, seatbelt" Ian said to Lia before driving.  Inayos ni Lia ang seatbelt niya at binigyan ng thumbs up ang daddy niya.


"Buntis ka?!" Gulat na bigkas ni lola nang sabihin ko sakaniyang buntia ako.


"Opo la, hindi ba kayo masaya?" Tanong ko.


"Masayang masaya apo" She walked towards me and hugged me tightly.


"Ginalingan mo ba?" Tanong ni lolo.


"Syempre naman po" Sagot ni Ian at gumuhit ang ngisi sa mga labi niya. Tumawa si lolo kasabay ng pagkunot ng noo ko. Kung ano ano ang pinag-uusapan nila!



Ian excused himself when his phone started to ring.



"Yes I'll be there" sagot niya sa kausap.


"Sorry hon, I have to go" pagpapaalam niya sa 'kin. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at hinalikan din sa noo. Hinalikan niya rin si Lia sa noo bago umalis.



Kinuwentuhan ako ni lola tungkol sa pagbubuntis niya noon. Tuwang tuwa siya nang maalala niya.



Nagluto si lola para sa 'min. Namiss ko ang luto niya. Mas lalo niya pang dinamihan dahil ang kinakain ko raw ay para sa' ming dalawa ng baby ko.


"Kumain na ba yung asawa mo?" Tanong sa 'kin ni lola. Breakfast lang ang kinain namin kanina at ang dami ng niluto ni mommy Alisa kaya siguradong busog pa naman si Ian.


"Dadalhan ko nalang po siya ng pagkain mamaya" Sagot ko.


"Sigurado ka bang kaya mo? Kasama mo pa si Lia" Paninigurado ni lola.



"Hindi naman po makulit si Lia kaya hindi ako mahihirapang pumunta kay Ian tsaka hindi pa naman malaki ang tiyan ko" sagot ko. Sumang-ayon naman sila sa 'kin.


Nagpahinga muna kami ng ilang minuto pagkatapos naming kumain. Nanonood si Lia ng TV habang ako ay nakaupo sa sofa, hinahaplos ang tiyan ko.



"Alis na po kami" Pagpapaalam ko. Baka wala na kaming masakyan dahil lunch time.


"Sige, mag ingat kayo" Hinalikan ako ni lola sa pisngi, ganon din si Lia.



Nang makarating kami sa building, kaagad akong sinalubong ni Dash.



"Shalian!" Gulat na banggit niya sa pangalan ko.


"Bakit parang gulat ka?" Tanong ko sakaniya kaya umayos ang mukha niya.


"Alam ba ni Ian na pupunta ka?" Tanong niya.


"Bakit may tinatago ba siya?" Pagbalik ko ng tanong sakaniya. Kaagad siyang umiling


"Wala!" Mabilis na sagot niya "Kase ano... ano.. nag uusap sila ni Denice doon. Nanggugulo kasi si Denice" Napakamot siya sa ulo niya. Hindi ko pa man alam ang nangyayari ay parang may lalabas ng usok sa ilong ko.


"Bantayan mo muna si Lia" Sabi ko sakaniya. "Lia, sama ka muna kay tito Dash" I told Lia before walking towards the elevator.



Nang makarating ako sa harapan ng pintuan ng office ni Ian, hindi ko muna binuksan ang pinto. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig ko ang pag uusap nila.



"Get out Denice! This is all your fault! Pwede bang tigilan mo na kami?!" Rinig kong sigaw ni Ian sa loob.



"Ian please, take me back" I heard Denice inside. Parang kumulo ang dugo ko.


"Find your husband, it's not my fault he left you! I love my wife can't you understand that?!" Sigaw ni Ian.


"I want you" Denice said to him. That's it! Papasok na talaga ako!


I opened the door and my heart shattered when I saw Denice kissing my husband.


Ian pushed her. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak napaupo sa sahig si Denice.


"What the fuck is wrong with--" Ian stopped when he noticed my presence. Humarap siya sa 'kin at bakas ang gulat sakaniyang mga mata.


"Wife.." hindi niya alam ang sasabihin niya. That's the only word he uttered.



"What's happening here?" I asked. My voice is shaking. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga nangyayari.


Napapikit ako at sinubukang pigilan ang galit ko. Minulat ko lang ang mga mata ko nang may maramdamang humawak sa 'kin. Nagpapaliwanag na ang mga mata ni Ian nang tignan niya ako.


That b!tch kissed my husband! This is war!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...