The Kissing Booth

By grammyless

225 10 4

Would you like to taste the Kiss of your Death? More

Prologue
Kabanata 2

Kabanata 1

50 3 0
By grammyless

KABANATA I

It was a good a day in Dalton Academy. marami ang excited sa nalalapit na ika-24th foundation day ng eskwelahan. Nakangisi si Daliah habang tumatango sa mga kaklase niya na nagiisip ng mga pwedeng ideya sa mangyayaring foundation day. Marami ang nagsuggest ng kung ano anong booth. Lumipas ang halos kalahating oras na hindi nakapagdesisyon ang mga kaklase niya dahil sa dami ng ideya. Dumaan na ang ilang subject pati narin ang break nila.

"Hi Daliah!" bati ni Nica. isa sa mga kaibigan ni Daliah

"Oh Nica, bakit nandito ka? Hindi mo kasama yung boyfriend mo?" tanong nito sa kanya.

Umiling siya at bahagyang naluha. may problema siguro sila ng boyfriend niya. tumingin si Daliah sa kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Naaawa siya sa mga ginagawa ng boyfriend nito, ilang beses narin kasing nahuhuli ni Nica ang boyfriend na may kasamang ibang babae, pero hindi ito umaamin. Hindi niya pinapakailaman dahil buhay ito ng kaibigan niya, pero iba na ngayon. 

Tinignan niya ito. "Bakit hindi mo nalang kasi iwan yang boyfriend mo?"suhestiyon niya.

Tumingin siya bago yumuko. Hindi niya sinagot ang suhestiyon, sa halip ay umiyak na siya ng tutluyan .Napailing nalang si Daliah at niyakap siyang muli. Inaya niya nalang itong pumunta sa classroom ngunit bago pa sila makapasok ay may humarang sa kanilang daraanan. Malaking bulto ang nakaharang kaya kailangan pang tingalain ni Daliah.

"Umalis ka nga dyan Darwin! Nagpapansin ka na naman eh" Sabi niya at mabilis na hinawa ang mga brasong nakaharang sa kanila.

"Woah! Siguro meron ka ngayon kasi napakasungit mo" pang-aasar ni Darwin at humalakhak ng malakas.

Tinikom nalang ni Daliah ang bibig upang hindi na masagot ang walang kwentang sinasabi ni Darwin. sa hindi malaman na dahilan, sobrang inis na inis si Daliah sa binata. Simula palang kasi ng dumating ito sa school, wala na itong ginawa kundi ang lokohin siya pagtripan. Nang makaupo siya, hindi parin siya tinigilan ni Darwin. Nilipat niya na lamang ang atensyon sa harapan.

nandoon na ang tatlo sa kasapi ng kanilang class officers.

"Nakaisip na kami ng magiging booth natin sa darating na foundation day" ani ng presidente.

"Ano? tanong ng katabi ko.

"Snacks booth" halos magkasabay na sabi ng president at vice.

Palihim na napangiwi si Daliah sa naisip ng mga kaklase niya. magmumukha silang patay gutom sa naisip nilang booth. kung tutuusin kasi mas gusto niya ang Marriage booth dahil matagal niya nang pinapangarap na maipakasal sa gustong gusto niyang lalaki na si Greg. Ngunit naunahan na sila ng mga tiga ibang klase. Wala na siyang nagawa kundi ang sumangayon sa gusto ng mga kaklase.

Mabilis na lumipas ang mga oras at uwian na nila. magkakasama ngayon ang magkakaibigan na sila Daliah, Ellana, Nica, at si Samantha. Ellana is the supposed to be leader of the group, Samantha is the chismosa, NIca is the party goer and Daliah is the almost good girl.

"alam niyo ba yung chismis?" napatingin silang tatlo kay Samantha.

"Ano naman yun?" pinagtaasan ng kilay ni Ellana si Samantha.

"Michael is a killer"

walang reaksyon si Ellana sa narinig niya. matagal na rin kasing may gusto ito sa binata, simula grade 7 palang ay may paghanga na siya dito. Sa kanilang apat si nica ang hindi makapaniwala.

"paano siya naging killer?" nanlalaki ang mga mata ni Nica.

"Ang balita daw ay siya ang pumatay sa ex-girlfriend niyang mas matanda sa kanya" paliwanag ni Samantha sa mga kabigan.

"I don't care Samantha, He's still as hot as ever" iyon lang ang sinabi ni Ellana sa mga kaibigan at naunang maglakad palayo.

Nang makalabas sila ng eskuwelahan. naghiwahiwalay na sila, sila Nica at Ellana kasi ang mga anak mayaman kaya may sundo sila. si Samantha naman ay may daraanan pa raw. kaya't magisa si Daliah sa paglalakad pauwi. Di niya alintana ang madilim na dadaanan dahil sanay narin siya dito. nasa eskinita na siya malapit sa bahay nila nang maramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya. lumingon siya sa paligid pero wala naman tao, sa halip ay isang sasakyan ang nasa kabilang dulo ng eskinita. ngayon lang siya nakaramdam ng takot sa tagal niya nang dumadaan sa madilim na eskinita.

napaigtad siya nang marinig ang cellphone niya na tumutunog. Unknown number.

"Hello?" wala siya narinig na sagot mula sa kabilang linya. ang tanging naririnig niya lang isa hininga ka. bigla siyang tinubuan ng kaba sa dibdib.

"H-hello..." sagot niya ulit sa tawag. "Sino to?" tanong niya. ngunit wala paring sumasagot.

ibaba na sana niya ang tawag nang may marinig siya sa kabilang linya.

"You look the same as her..." kinilabutan siya sa boses ng nagsalita.

Dali dali siyang naglakad paalis sa eskinitang iyon. Kinakabahan parin siya hanggang sa makarating sa bahay. Sumilip siya sa labas ng pintuan, nanigas siya nang makita ang isang pamilyar na sasakyan. pareho iyon ng nasa dulo ng eskinita kanina. dali dali siyang umakyat sa taas.

tinawagan niya si Nica.

"Hello Nica" aniya nang sagutin ng dalaga ang cellphone. nakarinig siya ng ingay mula sa background nito. marahil ay nasa bar na naman ito.

"Hello Daliah!" sigaw nito mula sa kabilang linya.

"M- may sumusunod sa akin, Nica" halos pabulong na saad ni Daliah. pero parang walang naririnig si Nica dahil humahagikhik ito sa kabila.

"Di Kita marinig, bukas mo nalang sabihin.. Oh my gosh! Ren nakikiliti ako!" napairap na lamang siya sa hangin. paano siya hindi lolokohin ng boyfriend niya eh siya naman itong nangunguna. ngayon hindi na siya nag-aalala para sa kaibigan niya.

Nakatulog na siya pagkatapos ng walang katuturan na paguusap nila ni Nica. naalimpungatan si Daliah nang tumunog muli ang cellphone niya, iyon na naman yung number kanina. Ibinababa niya ang tawag ngunit tumunog ulit ito. Message na ang sumunod at hindi tawag.

From: Unknown Number

 

You look the same as her

bigla na naman siyang kinabahan. paano kung baliw na stalker pala ito, at gusto siyang patayin. Napailing na lamang siya at pinilit ibaling ang isip sa ibang bagay. nakatulog na siya ng mahimbing. kinabukasan maaga siyang nagising, tinawagan niya muna ang mga kaibigan kung papasok ba ang mga ito. lahat naman sila ay sumagot ng Oo. mabili siyang nagayos at pumasok.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan pagkatapak niya palang sa loob. parang may hindi magandang mangyayari ngayon linggo.

---

Author's note: So here it goes. medyo maigsi siya, sorry. Next na yung mga brutal- de joke lng! hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

691K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...