Kabanata 1

50 3 0
                                    

KABANATA I

It was a good a day in Dalton Academy. marami ang excited sa nalalapit na ika-24th foundation day ng eskwelahan. Nakangisi si Daliah habang tumatango sa mga kaklase niya na nagiisip ng mga pwedeng ideya sa mangyayaring foundation day. Marami ang nagsuggest ng kung ano anong booth. Lumipas ang halos kalahating oras na hindi nakapagdesisyon ang mga kaklase niya dahil sa dami ng ideya. Dumaan na ang ilang subject pati narin ang break nila.

"Hi Daliah!" bati ni Nica. isa sa mga kaibigan ni Daliah

"Oh Nica, bakit nandito ka? Hindi mo kasama yung boyfriend mo?" tanong nito sa kanya.

Umiling siya at bahagyang naluha. may problema siguro sila ng boyfriend niya. tumingin si Daliah sa kaibigan at niyakap ito ng mahigpit. Naaawa siya sa mga ginagawa ng boyfriend nito, ilang beses narin kasing nahuhuli ni Nica ang boyfriend na may kasamang ibang babae, pero hindi ito umaamin. Hindi niya pinapakailaman dahil buhay ito ng kaibigan niya, pero iba na ngayon. 

Tinignan niya ito. "Bakit hindi mo nalang kasi iwan yang boyfriend mo?"suhestiyon niya.

Tumingin siya bago yumuko. Hindi niya sinagot ang suhestiyon, sa halip ay umiyak na siya ng tutluyan .Napailing nalang si Daliah at niyakap siyang muli. Inaya niya nalang itong pumunta sa classroom ngunit bago pa sila makapasok ay may humarang sa kanilang daraanan. Malaking bulto ang nakaharang kaya kailangan pang tingalain ni Daliah.

"Umalis ka nga dyan Darwin! Nagpapansin ka na naman eh" Sabi niya at mabilis na hinawa ang mga brasong nakaharang sa kanila.

"Woah! Siguro meron ka ngayon kasi napakasungit mo" pang-aasar ni Darwin at humalakhak ng malakas.

Tinikom nalang ni Daliah ang bibig upang hindi na masagot ang walang kwentang sinasabi ni Darwin. sa hindi malaman na dahilan, sobrang inis na inis si Daliah sa binata. Simula palang kasi ng dumating ito sa school, wala na itong ginawa kundi ang lokohin siya pagtripan. Nang makaupo siya, hindi parin siya tinigilan ni Darwin. Nilipat niya na lamang ang atensyon sa harapan.

nandoon na ang tatlo sa kasapi ng kanilang class officers.

"Nakaisip na kami ng magiging booth natin sa darating na foundation day" ani ng presidente.

"Ano? tanong ng katabi ko.

"Snacks booth" halos magkasabay na sabi ng president at vice.

Palihim na napangiwi si Daliah sa naisip ng mga kaklase niya. magmumukha silang patay gutom sa naisip nilang booth. kung tutuusin kasi mas gusto niya ang Marriage booth dahil matagal niya nang pinapangarap na maipakasal sa gustong gusto niyang lalaki na si Greg. Ngunit naunahan na sila ng mga tiga ibang klase. Wala na siyang nagawa kundi ang sumangayon sa gusto ng mga kaklase.

Mabilis na lumipas ang mga oras at uwian na nila. magkakasama ngayon ang magkakaibigan na sila Daliah, Ellana, Nica, at si Samantha. Ellana is the supposed to be leader of the group, Samantha is the chismosa, NIca is the party goer and Daliah is the almost good girl.

"alam niyo ba yung chismis?" napatingin silang tatlo kay Samantha.

"Ano naman yun?" pinagtaasan ng kilay ni Ellana si Samantha.

The Kissing BoothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon