When Two Broken Souls Collide...

By 2KG4LOFBLOOD

2.1K 64 2

Where do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there... More

Prologue
WTBSC 1
WTBSC 2
WTBSC 3
WTBSC 4
WTBSC 5
WTBSC 6
WTBSC 7
WTBSC 8
WTBSC 9
WTBSC 10
WTBSC 11
WTBSC 12
WTBSC 13
WTBSC 14
WTBSC 15
WTBSC 16
WTBSC 17
WTBSC 18
WTBSC 19
WTBSC 20
WTBSC 21
WTBSC 22
WTBSC 23
WTBSC 24
WTBSC 25
WTBSC 26
WTBSC 27
WTBSC 28
WTBSC 30
WTBSC 31
WTBSC 32
WTBSC 33
WTBSC 34
WTBSC 35
WTBSC 36
WTBSC 37
WTBSC 38
WTBSC 39
WTBSC 40
WTBSC 41
WTBSC 42
WTBSC 43
WTBSC 44
WTBSC 45
WTBSC 46
WTBSC 47
WTBSC 48
WTBSC 49
WTBSC 50
WTBSC 51
WTBSC 52
WTBSC 53
WTBSC 54
WTBSC 55
WTBSC 56
WTBSC 57
WTBSC 58
WTBSC 59
WTBSC 60 | Finally Whole Again
Epilogue | Final Collision
Special Chapter

WTBSC 29

24 1 0
By 2KG4LOFBLOOD

Maria Bella

"Bella halika dito." Salubong agad sa akin ni Nanay pagdating ko sa bahay alam kong tatanungin nya ako dahil siguradong nakita nya si Sir Damon.

"Sino 'yong isang lalaking dumating huh? Hinahanap ka nya kanina at mukhang taga Maynila."

"S-Sya po ang boss ko Nay." Seryosong sabi ko sa kanya at pilit na itinatago ang nararamdaman ko nang dahil sa nangyari kanina.

"Eh kung ganon, nasaan na sya? Sinundan ka nya sa bukid at hindi ko na sya napigilan. Nagkausap ba kayong dalawa? Si Ravanni nasaan sya?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Nanay.

"Paalis na rin po sya Nay at hindi sya magtatagal may dinala lang po sya na trabaho sa akin dahil isang linggo ako dito. At si Sir Ravanni po nandoon parin po sya sa bukid."

"Bakit mo sila iniwan doon? Hindi ko man lang napasalamatan ang boss mo pati na rin si Ravanni. Tingnan mo, andami nyang pinadalang groceries at kung ano ano pa dito sa bahay. Bigla na lang may dhmating kanina na mga lalaki at pinabibigay daw ito nong binatang kasama mo." Sabi sa akin ni Nanay kaya napasilip din ako sa kusina namin. Punong puno 'yon ng mga kung ano ano. Napapikit na lang ako dahil sa ginagawa ni Sir Ravanni. Ano bang iniisip nya? Siguradong baka kung ano na ang isipin sa akin ng mga kapit bahay namin.

"Naynay andito po si Uya Rani." Napatingin naman kami parehas ni Nanay kay Blaine at nakita namin na kasunod na nya si Sir Ravanni.

"Magandang tanghali po. Ah Bella, yong boss mo nasa labas pa." Seryosong sabi ni Sir Ravanni at deretso lang itong nakatingin sa akin. Halatang ayaw nya rin na nandito si Sir Damon. Kahit naman ako dahil palagi na lang silang nag-aaway.

"Nandyan pa pala sya Bella akala ko ba ay paalis na sya? Halika at papanhikin mo ang boss mo." Sabi sa akin ni Nanay at nauna pa sya sa akin na lumabas ng sala at pinuntahan si Sir Damon.

"Magandang tanghali iho, ikaw pala ang boss ni Bella. Halika tuloy ka pasensya ka na sa bahay namin." Sabi ni Nanay at kita namin na pinagbuksan pa nya si Sir Damon ng tarangkahan namin hanggang sa nagtama ang mga mata namin.

"Bella kumuha ka muna ng maiinom ng boss mo. At iho dito ka na rin magtanghalian at magluluto ako para sa inyo nitong si Ravanni."

"Pero Nay hindi na po sya magtataga-"

"Sige po marami pong salamat." Sabi ni Sir Damon at mabilis na umuo kay Nanay. Tumayo na lang ako para kumuha ng maiinom nya. Huwag nyang sabihin na hindi pa sya uuwi? Hindi naman sa ayaw ko na nandito sya pero ewan parang ganon na nga. Boss ko sya at dapat nasa opisina sya. Aaminin kong hindi na ako ganon kakomportable sa kanya simula nong nangyari noong gabing 'yon at lalo na dahil sa nangyari kanina.

"Bella matatapunan ka na." Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko si Sir Ravanni at nakita kong papuno na nga ang hawak kong maliit na babasaging pitsel.

"It looks like you're thinking so deep to the point na hindi mo namamalayan na mapupuno na 'yan." Sabi nya saka sya lumapit sa akin. Kinuha ko lang naman na ang juice at yelo sa ref saka ko 'yon tinimpla doon sa pitsel.

"I knew it. Hindi ka komportable na nandito sa Damon hindi ba?" Napabunting hininga ako sa kanya dahil mukhang nababasa nya ang iniisip ko. Ganon nya ba ako kakilala o baka halata lang talaga sa itsura ko ngayon kung anong iniisip at nararamdaman ko?

"Wala naman po akong magagawa dahil nandito na sya."

"Stop saying po and Sir at me Bella. Hindi mo naman ako boss hindi ba?" Sabi nya sa akin at umuo na lang ako sa kanya dahil ayoko nang makipagtalo pa.

"Ravanni."

"Better. Like what I said, huwag kang papaepekto kay Damon. Alam kong may sinabi sya sayo kanina na nakapagpagulo sayo pero sana huwag kang magpapadala sa kanya." Sabi nya sa akin at hindi ko alam kung ako lang ba 'yon o may himig talaga ang boses nya ng pakikiusap.

"Hindi mo na ako kaylangan pang sabihan." Mahinahon na sabi ko na lang sa kanya at saka ako dumeretso pabalik sa sala kung nasaan sina Sir Damon. Ipinatong ko naman sa maliit na center table ang dala kong juice at ipinaglagay si Sir Damon sa isang baso at iniabot 'yon sa kanya. Mabilis naman nya 'yong kinuha kaya binitawan ko agad ang baso dahil kinakabahan ako tuwing maglalapat ang balat namin. Umupo na lang ako doon sa upuang katabi ni Ravanni.

"Gusto kong magpasalamat sayo dahil tinanggap mo sa trabaho itong si Bella. Kamusta naman sya sa trabaho? Hindi ka ba binibigyan ng sakit sa ulo? Ang sabi nya sa akin ay sekretarya mo sya." Nakangiting sabi ni Nanay kay Sir Damon. Pinaglalaruan ko lang ang mga daliri ko dahil ayokong makisali pa sa pinag-uusapan nila.

"Malaki ang tulong na naibibigay ni Bella sa kompanya ko. Sa totoo nga po ay pinapagaan nya lahat nang trabaho ko. Ako po ang dapat magpasalamat dahil naging empleyado ko po si Bella." Magalang na sagot naman ni Sir Damon pero hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kung ano nang marinig ko ang huling sinabi nya. Napabuntong hininga ako doo dahil sa iniisip ko.

"Mabuti naman kung ganon. Sya nga pala, ilang taon ka na ba iho? Bakit parang kasing edad mo lang itong si Bella?"

"Nay hindi nyo na dapat itanong 'yan." Bulong ko kay Nanay.

"31 years old na po ako." Seryosong sabi ni Sir Damon na mukhang nahihiya pa sa edad nya. Naalala ko noong unang araw na sinamahan nya ako sa mall, tinawag ko sya doong kuya dahil anim na taon ang tanda nya sa akin.

"What are you smiling at?" Napatingin ako kay Sir Ravanni nang bigla nya akong tapikin sa braso ko.

"A-Ako? N-Ngumingiti? Bakit?" Naguguluhan na sabi ko sa kanya pero iiling iling lang sya sa akin.

"Kung ganon iho ay may asawa ka na sigurado? May mga anak ka na ba? Siguradong napakaganda ng pamilya mo." Sabi naman ni Nanay kaya parang ako ang nahihiya sa mga tinatanong nya kay Sir Damon.

"Wala pa po akong asawa." Simpleng sagot lang ni Sir Damon saka ito tumingin sa akin. Mabilis naman akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Seryoso ka ba iho? Sa edad mo na yan at sa kisig mong 'yan ay wala kang nobya? Siguro ay masyado kang pihikan sa babae ano?" Natatawang sabi ni Nanay. Ako naman ngayon ang iiling iling dahil sa mga pinagsasasabi ni Nanay.

"Pero may nagugustuhan na po ako." Sagot naman ni Sir Damon at kahit hindi ako tumingin ay ramdam ko na nakatingin sya sa akin ngayon.

"Naku iho huwag kang mag-alala dahil siguradong sasagutin ka ng babaeng napupusuan mo dahil mukha ka namang mabait at gwapo pa."

"Sana nga po pagbigyan nya ako. Kahit isang beses lang." Seryosong sabi ni Sir Damon at hindi ko na napigilan na tingnan sya. Hindi ako nagkamali dahil ang titig nya ang unang sumalubong sa akin. Sobrang lalim ng titig nya at pakiramdam ko ay nakikita na nya ang lahat sa akin at natatakot ako na baka mabasa nya ang iniisip ko. Nakakalunod ang mga titig nya.

"Sinaktan nya na po kasi kaya nag-aalala sya na hindi sya pagbigyan."  Napalipat ang atensyon ko kay Ravanni nang marinig ko ang sinabi nya.

"Magkakilala ba kayo iho?" Tanong ni Nanay at ngumiti lang sila parehas. Halatanf napipilitan lang sila na ngitian ang isa't isa pero sa isip isip nila ay siguradong nagsusuntukan na sila.

"Opo magkakilala po kami. Matagal na." Seryosong sabi ni Ravanni kaya napangisi na lang si Sir Damon. Nagpaparinigan ba sila? Mukhang oo dahil sa tono ng pananalita ni Ravanni.

"Aba nga naman. Sus maryusep at magkakilala pala kayo nitong kaibigan ni Bella na si Ravanni. Iho bakit hindi mo sinabi na magkakilala pala kayo?" Tanong ni Nanay kay Ravanni.

"Magkaibigan po sila? Talaga ba Ravanni?" Sarkastikong sabi ni Sir Damon at kitang kita ko paano nya bigyan ng mapag-asar na ngiti si Ravanni.

"Oo magkaibigan lang sila ni Ravanni. Hindi ba Bella?" Baling naman sa akin ni Nanay na may kasama pa ng panlalaki ng mata.

"O-Opo Nay." Sabi ko na lang dahil wala naman akong dapat na sabihin pa dahil 'yon ang totoo.

"Oh sya paano? Iwan ko muna kayo dito at magluluto ako ng tanghalian. Iho Ravanni pwede mo ba akong tulungan sa kusina?" Sabi ni Nanay at tumayo na sa kinauupuan nya. Nagtataka naman akong tumingin kay Nanay pero pinanlakihan nya lang ako ng mata.

"Oo naman po." Magalang na sabi ni Ravanni at tumayo na rin sa kinauupuan nya.

"Ako rin po Nay tutulungan ko rin po kayo." Sabi ko at tumayo na rin ako sa kinauupuan ko.

"Hindi na kaya na namin ito ni Ravanni. Intindihin mo na lang ang boss mo at huwag mo syang iiwan dito. Asikasuhin mo sya dahil bisita natin sya."

"Pero Nay bisita rin natin si Ravanni kaya bakit nyo sya paglulutui-"

"Gusto kong makabonding itong si Ravanni kaya gusto kong tulungan nya ako sa kusina. Hindi ba iho?" Sabi ni Nanay sa akin sabay tingin kay Ravanni na napipilitan namang ngumiti at tumango.

"Oh kita mo? Sya sige at maiwan ko muna kayo. Iho sabihin mo lang kay Bella kung may kailangan ka huh?"

"Opo maraming salamat po." Sagot naman ni Sir Damon at iniwan na nga kami nina Nanay dito sa sala.

"Dito ka pala nakatira. Nakita ko din kanina ang mga kapatid mo mukhang mababait silang bata." Sabi nya pero hindi ko na lang sya pinapansin. Kinuha ko na lang ang remote ng TV at binuksan 'yon para mawala ang akwardness sa pagitan namin.

"Sobrang aga kong pumasok sa opisina kanina dahil akala ko papasok ka na but you're not. Hinitay ko si Addison at napilit ko rin sya na sabihin kung nasaan ka. I was so worried dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at mukhang binlock mo ang number ko." Sabi nya sa akin kaya binuksan ko ang telepono ko. Wala doong kahit na anong tawag o text mula sa kanya. Puro 'yon kay Addison na nagrereklamo dahil pinipilit nga daw sya ni Sir Damon. Napabuntong hininga ako dahil sa kanya. Hindi ko naman sya binlock kaya sinong gagawa nito? Naalala ko naman noong araw na nakita kong hawak ni Sir Ravanni ang telepono ko. Hindi kaya sya ang-

"And the moment I heard the answer from Addison pinuntahan agad kita dito. I am so worried and scared at the same time Bella. I don't why but all I want is just to see you. And I want to say sorry because of what happened that night and e-earlier." Napabuntong hininga nanaman ako sa kanya at saka ko sya hinarap. Kaya pala sya nakapang-opisina ngayon ay galing sya ng opisina at may meeting pa pala sya dapat. Napakalaking deal ang pinakawalan nya para lang makapunta dito at sabihin lahat sa akin lahat nang salita na pwedeng makapag pagulo sa sistema ko.

"Kung anuman po ang nangyari Sir Damon wala na po sa akin 'yon at gusto ko na lang po 'yon na kalimutan. Ayoko pong isipin nyo na ginagawa kong bid deal ang h-halik na 'yon." Nahihiyang sabi ko sa kanya at halos hindi kk masabi kang salitang huli kong sinabi sa kanya.

"Don't forget it Bella because I can't and I will never forget that night Bella. I know I've crossed the line but I didn't regret for anything. I r-really mean that k-kiss."

"Huwag ngo po sabihin 'yan Sir Damon pakiusap."

"Sir Damon. You call me that way again pero si Ravanni, you can just call him in his first name. Stop being formal with me Bella." Sabi nya sa akin at halatang pinipigil nya lang ang inis nya sa akin.

"Boss ko po kayo at k-kaibigan ko si Ravanni. Mahkaiba po 'yon."

"Kaibigan? Pero alam mong may nararamdaman sya sayo." Seryosong sabi nya sa akin pero hindi ko na lang sya sinagot at pilit na inilagay ang atensyon ko sa TV kahit na hindi ko naman naiintindihan na ang pinapanood ko sa dami ng iniisip ko ngayon.















xyvil_keys

Continue Reading

You'll Also Like

65.9K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
141K 2.8K 43
Are you willing to take the risk? Are you willing to love the one who always break the rules? Or will it rule your heart or break it? Nasa sayo na a...
168K 7.7K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...