The Dork Knight (Published by...

By isay_pasaway

19.7K 551 318

He's the hero she deserves, but not the one she (thinks she) needs... Parang sa bagyo, dumating sa boring na... More

Chapter One - The Snowhite - Dork Collision
Chapter Two - The Stuttering-Inducing Solution
Chapter Three - The Hunk-In-Dork's-Clothing Effect
Chapter Four - The Graymail Tactic
Chapter Five - The Friendship Sublimation
Chapter Six - The Victoria Avellana Complexity
Chapter Eight - The Heart Fragmentation Potential
Chapter 9 - The Selfless Love Paradigm
Chapter 10 - The Dorkest Hour

Chapter Seven - The Third Party Occurrence

984 38 11
By isay_pasaway

Bandang alas ocho, may kumatok sa cottage nila. Nagmamadaling nilapitan iyon ni Tori at napamaang na lang si Kiel sa sumunod na nangyari.

"Hi, Tori!" bati ng napagbuksan ng pinto.

"Troy!" tili ng dalaga saka mahigpit na niyakap ang bagong dating.

"O, panghimagas," abot nito ng isang plastic ng naka-box na kakanin.

"Uy, thanks." Pinatong ng dalaga ang kahon sa kama. "Upo ka muna."

Dahil iisa lang naman ang silya sa maliit na kuwartong iyon, iyon na ang in-occupy ng bisita. Si Tori ay sa kama nakaupo, paharap dito. Binuksan nito agad ang dala ng lalaki at nilantakan.

Siya naman ay napabangon mula sa kinalulugaran sa nakalatag na beddings sa sahig.

"Si Kiel nga pala, kaibigan ko," pakilala ni Tori sa kanya.

Agad siyang tumango sa lalaki at ngumiti rito.

Tumaas naman ang kilay ng bisita. "Friend? 'Kala ko pinsan mo siya? S'abi ni Richard, cousins kayo."

"Shh," pigil dito ni Tori, "magpinsan ang pakilala namin dito para pumayag na magkasama kami sa iisang kuwarto."

"Hmm..." ulit ng lalaki, halatang nanunukso. "Alam na ba ito ni Tito Vic?"

Hinampas ito ni Tori. "'Wag kang magulo, Troy. Sasakalin kita kapag nalaman ito ni Popsie. Ikaw lang ang paghihinalaan ko."

"Parang may naaamoy akong matinding kompetensya."

"Sira!" tawa ng dalaga bago lumingon sa kanya. "Joke lang iyon, 'wag kang maniwala. Friend ko 'tong si Troy, Kiel. Taga-rito siya, malapit sa bahay ng lola ko. Siya nagturo sa aking mag-surf."

"Ahh," sabi lang niya. Hindi niya alam kung ano ang kahulugan ng lahat ng ginagawi ng dalawa.

"Actually, 'friendzoned' ang mas tamang salita. Na-friendzone niya ako." Nahampas ito muli ng babae. "Totoo namang binasted mo ako, ah. Mga five times, to be exact."

"Troy, para kang ewan!" Hinampas na ito nang hinampas ng dalaga sa braso.

Awkward na ang pakiramdam ni Kiel sa totoo lang. Parang gusto na niyang mag-excuse at lumabas na lang uli ng cottage para makapagsolo ang dalawa. Kaya lang, naisip niya, baka naman mapahamak si Tori kung gagawin niya iyon.

"Napano pala 'yan?" tanong ng dalaga na inginuso ang bandage na sumisilip mula sa maluwag na leegan ng suot nitong t-shirt. Palagay niya nasa palibot iyon ng balikat nito.

"Gunshot lang. Minor." Medyo namilog ang mga mata niya at siguro napansin iyon ng lalaki. "Galing akong Maguindanao, medyo napasabak kaya pinagpahinga muna."

"Sundalo siya, Kiel." Si Tori.

"Oh," nasabi lang niya habang sinasalubong ang tingin ng lalaking mataman ding nakatingin sa kanya.

"Wait, kumain ka na ba?" usisa ng babae.

"Oo, kakain ko lang. Kumusta na nga pala si Tito Vic?" pagbabago nito ng paksa na ikinahinga niya nang maluwag.

*****

"O, pa'no see you on Monday na lang?"

Nakangiti si Tori sa kanya at parang hindi apektado ng paghihiwalay nila, samantalang siya ay pigil na pigil ang sariling manikluhod na sabayan na siya nitong umuwi gaya ng plano nila noong una.

Matapos nitong makausap ang kaibigang si Troy sa telepono at makipagkita pagkatapos, at magkuwentuhan na hanggang mag-umaga na parang wala siya sa kaparehong silid, iyon na ang naging desisyon ng babae.

Pesteng Troy 'yun.

Nalaman ni Kiel, nakilala ito ni Tori rito rin sa resort three years ago at naging magkaibigan. Palagi raw silang magkasama kapag nagbabakasyon ang dalaga at tiyempong nandoon ang lalaki. Kaso sundalo na ang binata kaya bihirang mauwi roon. Ngayon nga lang sila natiyempong nagkita; naka-leave ang binata dahil sa injury nito. Nasalubong umano ng lalaki si Richard at nabanggit ng huli kay Troy na naroon nga sa resort si Tori. Iyon, nagtawagan, nagkuwentuhan at hayun. Ang ending, uuwi si Kiel nang mag-isa. Sasabay na lang daw ang babae sa kaibigan na paluwas din mamayang gabi.

Pesteng tsismosong Richard na iyon. Pesteng mukhang papaya na 'yun.

"Sigurado kang kaya mo nang umuwi, Pare? Ayaw mo talagang ipahatid kita sa terminal?" tanong pa ng hinayupak.

To be fair, mukha naman itong sincere. Nakakainis lang kasi gusto niya na talagang ma-insecure. Mas guwapo siya rito, sigurado siya roon. Baka mas mataas din ang IQ niya. Pero mas heroic ito, mas may sense of humor, at may sort of history sila ni Tori.

Tumango si Kiel. "Kaya ko na. Salamat. Sige, eto na 'yung tricycle."

Bago pa makakibo ang dalawa, sumakay na siya sa maghahatid sa kanya hanggang sa sakayan ng bus. Tahimik siya habang nagbibiyahe pero sa loob ay nagngingitngit siya.

Troy Caballero. Pucha, pangalan pa lang niyon knight-in-shining-armor material na. Idagdag pa na sundalo ito at isang tunay, real-life hero.

Eh, siya, hanggang dork knight lang. Ano ang panama ng (bukod-tanging) pinagmamalaki niyang 145 IQ? Wala.

Para na rin siyang nakipag-compete sa isang Man of Steel na di takot sa kryptonite.

Gusto kaya ni Tori si Troy? Limang beses daw itong binasted ng dalaga, pero hindi sigurado si Kiel kung joke lang iyon o katotohanang ayaw lang ipahalukay pa ng babae.

Ang sigurado siya, nawala ang lahat ng lungkot nito kahapon dahil lang sa tawag ni Troy. Masaya ito magdamag habang nakikipagkuwentuhan sa kaibigan. At naisip ni Kiel, iyon pala ang kailangan nito, hindi ang kanyang mga bisig.

At ang katotohanang iyon ay parang pinaghalu-halong alcohol at kalamansi at magaspang na rock salt na ikinaskas sa sugatan niyang puso.

Masakit na nga, ambaduy pa ng tunog niya.

Gusto niyang kausapin si Tori at itanong kung ano talaga ang score sa pagitan nito at ni Troy, pero natotorpe siya. Baka sagutin siya nang pabalang ng dalaga at sabihing wala siyang pakialam doon. Natatakot din siya na baka hindi niya magustuhan ang anumang isasagot nito.

Pesteng pag-ibig 'yan, oo.

*****

"Uy, andito si Tori o!" bulong ni Paul sa kanya.

Hindi kumibo si Kiel at nagpatuloy lang sa ginagawa sa computer na parang walang nadinig.

Naroon sila nang hapong iyon sa isang computer shop at gumagawa ng assignment. Mayroon naman siyang lumang laptop, pero walang Internet at printer sa bahay nila kaya lumalabas siya kapag may kailangang i-research.

"Uy, Kiel, papalapit dito!" ulit ni Kulit.

"Pabayaan mo siyang lumapit," ngitngit na aniya. "Matapos niya kong isantabi nang isang linggo dahil sa Troy na 'yun, lalapit siya ngayon,? Hah! Galit-galit muna."

"So nagseselos ka kay Troy, gan'un?"

Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Napalingon siya at nakita ang nakapamaywang na si Tori na katabi na pala niya. Nakauniporme pa ito kaya alam niyang galing ito sa school.

"Ano ba, Victoria! Ba't ka ba nanggugulat!" aniya, kipkip ang dibdib.

Nanatiling matalim ang tingin nito kaya lumingon siya para humanap ng kakampi. Pero ang mga walanghiya niyang so-called 'kaibigan' at self-appointed wingmen ay wala na roon. Ang bilis pumuga!

"Ano na?" sambit ni Tori kaya napalingon siya uli rito.

"Hintayin mo 'ko sa labas, magse-save lang ako't magpapa-print."

Matapos gawin ang mga iyon at magbayad, lumabas na nga siya ng computer shop at naabutan ang dalaga na may kausap sa telepono.

"Ooops, andito na si Kiel, sige na! Kitakits na lang. 'Bye, Troy!" nakangiting anito kaya muling nagsalubong ang mga kilay niya.

"'Asan ang sundo mo?" tanong niya, nang walang makitang sasakyan sa paligid nito.

"Pinauwi ko na. S'abi ko kay Kuya Kim, ikaw ang maghahatid sa akin," tukoy nito sa personal assistant ng tatay nito na minsan ay nagiging tagahatid din ng dalaga.

Kinuha ni Kiel ang bitbit nitong bag at isinukbit sa balikat. "Bakit hindi ka kay Troy mo nagpahatid?" mahinang sumbat niya.

"Kasi bumalik na siya ng Aurora at next month pa babalik para sa check up niya," anito. "Saka hindi ko siya Troy."

Tumiim ang bagang ni Kiel. Hindi pa, pero hindi malayo sa katotohanan kung ganoong close na close ang mga ito. Hindi siya magugulat kung pati tatay ni Tori ay hindi kokontra sa lalaking iyon. Gusto niyang sakalin ang sarili, pero hindi niya mapigilang isipin ang mga ganoong espekulasyon. Oo na, assumptionero na siya; wala na siyang ginawa kundi bumuo ng assumptions sa utak niya.

"Ipapara na lang kita ng tricycle," aniya.

"Sasabay ako sa 'yo."

"Nagtitipid ako kaya maglalakad lang ako," pananakot niya na nagsimula nang maglakad.

Hinabol siya nito at sinabayan. "Okay lang, maglalakad na rin ako. Malapit lang naman."

Ilang minuto niya itong tinikis hanggang sa hindi na niya kayanin. He sighed. "Tori, ano ba 'to?"

"Teka nga!" Hinablot nito ang braso niya para patigilin siyang lumakad. Effective naman. "Bakit ikaw pa ang galit? Ire-remind ko lang, isang linggo mo 'kong di pinuntahan sa bahay! Ako dapat ang nagtatampo sa 'yo."

"P'ano 'ko pupunta, eh, wala namang akong aabutan d'un dahil nakipag-date sa iba 'yung tutee ko," dere-derechong aniya; nakaiwas ang tingin.

"Isang beses lang 'yun, okay! Sinamahan ko lang si Troy na magpa-check up sa doctor at bilhan ng regalo 'yung kapatid niyang nag-birthday."

"Wala ka rin n'ung Martes."

"Eh, sinama niya 'ko sa birthday ng sister niya. Friend ko rin si Eliza kaya di na ako tumanggi."

Nagkibit siya ng balikat.

"Pero umuwi ako kaagad. Na-late lang ako nang thirty minutes sa oras natin. Kaso hindi na kita naabutan. Tinatawagan kita, di ka naman sumasagot," paliwanag ni Tori.

"May topak na 'yung cellphone ko. Basta-basta na lang namamatay nang walang dahilan."

"Gusto na kasi niyang mamahinga. Bumili ka na kasi ng bago. Gusto mo papautangin kita ng pambili."

Bumuntong-hininga si Kiel at nagpatuloy ng paglalakad. "May pera akong pambili, ayoko lang bumili ng bago dahil pwede pang gamitin 'yung luma."

"Uy, 'wag ka nang magalit. Kiel, please," tawag nito habang hingal na sumasabay sa malalaki niyang hakbang. "Hinintay kita n'ung Wednesday, Thursday, hanggang kahapon pero hindi ka nagpunta."

May ilang segundo bago siya sumagot. "Simula pa lang, mali naman na talaga itong ginagawa natin. Kakausapin ko ang daddy mo. Sasabihin ko sa kanyang ikuha ka na ng ibang tutor—"

"'Wag, please!" Bigla siya nitong hinila nang malakas na muntik na pareho silang tumumba sa bangketa.

Awtomatikong yumakap sa dalaga ang braso niya para i-steady ang tayo nito. Their eyes met, and again for the nth time, parang nag-party ang mga paru-paro sa tiyan niya complete with fireworks display and confetti.

"'Wag mong sasabihin kay Pops, please. I'm begging you, Kiel." Halos nanunubig na ang mga mata ng kaharap.

"'Wag kang umiyak," bulong niya. Parang binuhusan ng isang timbang liquid sosa ang tampo niya kanina at dagling natunaw. "Sasabihin ko lang sa kanya na babayaran ko na lang 'yung utang ko sa phone mo. Di ko naman babanggitin 'yung tungkol sa mga napag-usapan natin. Secret natin 'yun. Saka pabalik na rin naman 'yung si Ma'am De Guzman, di ba?"

Kumurap si Tori at kiming ngumiti. "Thank you."

I missed you, gustong sabihin ni Kiel pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang sumugal sa mga larong alam niyang wala siyang panalo.

"Sakay na lang tayo," banggit niya na agad binitiwan ang dalaga.

"No. Lakad tayo," malambing na anito na hinawakan pa ang kamay niya. "Gusto kong mag-usap tayo. Na-miss na kita, eh."

Kumabog ang dibdib niya. Pero alam niyang ibang klaseng 'miss' iyon; hindi kagaya ng sa kanya. Iyong nararamdaman niya kasi ay iyong klase ng 'miss' na okupado ni Tori ang kanyang utak sa lahat ng oras hanggang sa panaginip; iyong halos hindi siya makatulog; iyong natutulala na lang siya minsan; iyong masakit na parang may pumipiga sa puso niya lalo na kapag naiisip niyang hindi sila pareho ng nararamdaman.

He longed for something he could never have. Something he could hold, but felt like twenty thousand kilometers away from him. He longed for her that it actually hurt to think about her with somebody else.

Lekat, saan ba niya natutunan iyong ganito?

"Sa next Sunday na nga pala 'yung concert namin ng mga bata sa STK. 'Wag kang mawawala, ah. Magtatampo kami kapag wala ka d'un. Bago 'yun, kung hindi ka busy, dalawin mo 'yung dress rehearsal namin sa Saturday. Para makita mo rin kung may kulang pa or something. Please, I really need your opinion."

Parang kinurot ang puso ni Kiel. He wanted so much to be an important part of whatever endeavors she had, pero hindi niya alam kung paano iyon gagawin habang pinipigilan ang sariling damdamin.

"Isa pa, nami-miss ka na nila, eh, palagi ka ngang bukambibig. Tinatanong ka nila sa akin. Si Erica nga, infatuated pa yata sa 'yo," tawa ng dalaga. Na-miss niya ang tunog niyon nang sobra kaya parang timang na napangiti rin siya.

He realized he wanted her to be happy. Hindi selfish ang pag-ibig niya kaya magpaparaya siya sa kung sinumang magpapasaya rito—kung si Troy man iyon, si Richard, o sino pa. Ang mahalaga, magiging masaya ang dalagang mahal niya.

"Daan muna tayong McDo, lilibre kitang ice cream saka fries para may nginangata tayo habang naglalakad. Bawal tumanggi."

Tumango lang si Kiel, pero sa loob niya, tila may munting giyera sa pagitan ng kanyang puso at isip. Pero noon din ay nakabuo siya ng desisyon.

Lalayo siya, kakalimutan ito—soon.

Pero sa ngayon, sasamantalahin na lang muna niya siguro ang mga tsansa na nakakasama pa niya ang dalaga.

Continue Reading

You'll Also Like

102K 3.3K 40
There are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na bi...
971K 31K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
33.2K 689 5
They never believed in the saying 'LOVE IS BLIND' but not until they met each other. "Walang magmamahal sa gaya ko. Masasaktan lang ako sa huli dahi...
7.8M 231K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...