Idols (Suzy x Rosè)

By minminpenguinn

22.3K 601 544

"Would you dare to fall inlove with me?" More

Authors Note
i
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
Everything I do, I do it for you.
Everything I do, I do it for you.
Gone
Dead and Gone
I can feel the pain, can you?
commercial break
Roses and I

ii

1.1K 26 33
By minminpenguinn

Rosè POV



"Sasama ka o sasama ka?" yaya sakin ng kaibigan ko. Hay nako. "Eh wala ngang bantay kay Lisa, mamaya tumakas na naman to" sabi ko sakanya at natawa naman siya sakabilang linya.


"Hayaan mo siya makipag date okay? Isa pa, si Irene naman ang ka date niya. So wag ka na kumontra pa. Nasa safe hands na siya" sabi nito at nagulat naman ako. "P-pano m-mo nalaman yan?" tanong ko sakanya. "Hay nako, may mata ako. Pero tahimik lang ako" sabi niya sakin. "Tara naa! Pag di ka sumama diyan sasayangin mo lang lahat ng chance na binigay ni Lord today" sabi nito at wala na kong ibang ginawa kundi magbihis.


Hays. Si Hyeri talaga, walang ibang ginawa kundi mangulit sakin. Ganyan siya kapag wala siyang schedule ng shooting at hindi ako busy.


"Nandito na ko sa baba ng dorm niyo. Dalian mo"


Napahinga naman ako ng malalim dahil sa text niya. Hay nako. Talaga nga nandito na siya. Pagkatapos ko mag jacket ay nagpaalam na ko kay Lisa na busy sa phone niya. "Wag kang tatakas ha? Mamaya abutin ka na naman ng umaga" sabi ko sakanya at tumayo naman siya. Lumapit siya sakin at umakbay. "Ayaw mo ba talaga kay Yeri? Pwede naman yun eh. Bet ka pa naman nun." Bulong nito at hinampas ko nga siya. Hay nako!


Tatawa tawa siyang umalis at bumalik sa upuan. "Magingat ka dun okay?" Sabi nito at tumango naman ako. Pagkababa ko ay nakita ko agad yung kaibigan ko na parang tangang nakangiti sakin habang naghihintay sa labas ng sasakyan niya.


"Hay nako! Mabuti naman lumabas ka na!" Sabi nito na nagrereklamo pa. "Bat ba madaling madali ka?" Inis na tanong ko sakanya at tumawa lang siya. Maya maya ay nakrating na kami sa Resto at nag order na agad.


"Grabeee gutom na gutom lang?" natatawang asar niya sakin at kiber ko sakanya. Narinig ko na may kausap siya sa phone at di ko pa rin siya pinapansin. Pagkababa niya ay nakita ko yung ngiti niyang kakaiba. Kilala ko tong bestfriend kong to eh. Its either binenta na naman ako saiba, or may binabalak na naman na kalokohan.


"Ano na naman yan?!" tanong ko sakanya at di niya ko pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Dati kasi, naalala ko sinabi niya ba naman kay Jisoo na crush ko si Jisoo kahit hindi naman. Kinuwento ko kasi sakanya yung nangyari nung overnight namin noon na nailang ako. Tas inasar niya na ko na di daw ako straight. Tinawag pa kong tiborsiya.


Ilang minuto pa yung lumipas at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Ang sarap kasi ng hotpot nila dito. "Uyyyyy Baeeee!" rinig kong sigaw niya at excited na kumakaway pa. Grabeeee! ang heaven talaga ng hotpot nila. masayang sabi ko sa sarili ko. Narinig ko na may kausap siya sa likod ko at heto ako, wala pa rin pake. Sobrang sarap kasi talaga ih. Huhu!


Habang busy ako sa pagkain ay nagulat ako ng biglang umubo si Hyeri. "Ehem! Chaeng!" tawag nito sakin at napalingon naman ako sakanila. May nakita akong babae na balot na balot. Natawa ako sa isip ko. Nandito na siya sa loob nakatakip pa rin yung mukha niya. May tinataguan ba to? Haha! Pinilit ko pinakalma yung sarili ko at sumagot kay Hyeri.


"Yes?" at tumingin lang ako ng diretso dito sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko. Natawa naman si Hyeri sa sinagot ko at kinurot niya ko sa pisngi. Sa inis ko ay tumayo sana ako para batukan siya. Pero natawa ako nung nakita ko yung reaction nung babaeng kasama niya ngayon sakin. Gulat? Bakit? Maganda ba talaga ko? Joke! natatawang sabi ko sa isip ko. Grabe ang lala na ng pagkausap ko sa sarili ko today.


"Hello Unnie. I'm Chaeng nga pala, pero Rosè talaga name ko. Pero ikaw na bahala kung ano gusto mo itawag sakin" pagpapakilala ko sakanya at nilahad ko yung kamay ko para makipag shakehands sakanya. Medyo matagal bago siya nakipag shakehands sakin. Grabe ayaw niya ba sakin? Si Rose kaya to ng Blackpink.



"Hello. I'm Suzy, pero wag mo na ko tawagin Unnie. Kahit Suzy na lang" sabi niya sakin at tumango naman ako. Sinong Suzy? Ah baka non celeb. sabi ko sa isip ko at umupo na dahil ang sarap sarap ng kinakain kong hotpot, nabibitin lang dito kay Hyeri at sa kaibigan niya. Hays



Pagkaupo ay bumalik ako sa pagkain ko at busy sila magbulungan at magtawanan. Umorder naman ako ng panibagong set dahil ubos na agad samin ni Hyeri yung inorder namin kanina. Nakita ko na nag start na siya damputin yung chopstick niya at natawa ako, siguro dahil sa sobrang busy nila magusap ay di niya napansin na naka facemask at beanie cap pa rin siya.


"Unnie, pano ka kakain kung naka facemask at cap ka pa" sabi ko sakanya ng natatawa at sinamaan naman ako ng tingin ni Hyeri. Napansin ko naman na late niya na narealize na naka ganun pa rin siya at tinanggal niya na yung face mask niya. Pero nang tanggalin niya yun ay nagulat ako at halos mabitawan ko yung chopstick ko.....


"S-suzy? Suzy Bae? Bae Suzy?" sabi ko sa sarili ko. Grabeeee ang ganda niya sa malapitan :( Lord, last day ko na ba ngayon? Bat ang daming masarap na pagkain sa harap ko... este masarap na food at may anghel pang kasama. Nakita ko naman na natawa siya at grabeeee! panalo yung tibok ng puso ko ngayon. Narinig niya ba ko? OMG!


"Yes po. Bae Suzy, at your service." sabi niya ng natatawa at tumayo pa talaga siya at nag bow para sabihin yun. Nakita ko naman yung kaibigan ko na tatawa tawa! sabi na nga ba! trap na naman to!! sabi ko kasi sakanya crush ko si Suzy dahil ang gaganda ng mga drama niya. Hay nako!! Bugaw!!



"Pasensya ka na diyan ha? Crush ka kasi niyan eh" biglang sabi nito dahilan para batuhin ko siya. Nakita ko naman na tumatawa lang samin si Suzy habang nagaway kami ni Hyeri. Hays! May isa pa siyang sinabi pero hindi ko na nagets. Haha! Masyado kasi akong natulala sa ganda niya. Grabeee iba talaga ang feels kapag personal mo nakita no? Ganito rin siguro feels ng mga fans ko sakin pag nakikita nila ko.


Mabuti na lang talaga at dumating na yung pangalawang order namin at nagsimula na silang kumain na dalawa. Ako heto, pinipilit kumalma. Nahihiya kasi ako. Ngayon lang kami kakain ng may ibang kasabay, tas sikat na artista pa. Napaka swerte nila Lee Min Ho at Lee Dong Wook talaga. Minsan pinangarap ko na maging isang Lee na lang din. Kaso naalala ko, si RoseAnne Park nga pala ako.



"Okay naman ako Hyeri. Sanay na ko. Pareparehas lang naman sila" rinig kong sagot niya dahilan para mapatitig naman ako sakanya. Kita mo yung lungkot sa mga mata niya ngayon. Bakit? Hindi ba siya masaya? sabi ko sa isip ko at napansin ko na napatingin rin siya sakin pero hindi naman tumagal dahil umiwas rin siya. Kaya bumalik na lang ako ulit sa pagkain ko.



"Ikaw Chaeng? Kamusta naman ang blackpink?" bigla niyang tanong sakin. Dahil dun ay nalunok ko naman tuloy yung hipon ng buo. Hays! Napaka random naman pala ng babaeng to! Pag eto naging girlfriend ko sasabihin ko, wag niya ko kakausapin pag busy ako kumain. Char!


"Okay naman Unnie"



"Suzy"


nagulat ako ng sabihin niya yun. talagang ayaw niya patawag ng Unnie ha?


"Okay naman Suzy. Maayos naman, nakakapagod lang nga." sabi ko sakanya at nag nod naman siya. Nakita ko naman na nakangiti lang si Hyeri na nanonood samin. Mamaya talaga paguwi malalagot sakin tong babaeng to. Nagpatuloy lang kami sa pagkain hanggang sa pagkatapos ay nagaaway pa sila kung sino ang magbabayad dahil parehas nila gusto magbayad. Sa inis ko ay tumayo na lang ako at dumiretso sa cashier para ako na ang magbabayad.



Nakita ko naman na ngumiti ng kakaiba yung bestfriend ko. Habang si Suzy ay wala lang, hindi pa rin siya tumitingin sakin ng matagal. Pagkatapos kong magbayad ay nagpaalam na kami at nagpunta na sa sasakyan.


"Alam mo ikaw, gago ka talaga eh no?" inis na sabi ko sa kaibigan ko at tumawa lang siya. "Hindi ko naman sadya, saka naalala ko lang siya bigla. Feeling ko kailangan niya ng kausap talaga ngayon" sabi nito sakin at nagtaka naman ako. Bakit naman kailangan niya? Pero pakiramdam ko nga ay malungkot siya dahil halata yun sa mga mata niya.


"Shoot! Bat ngayon pa to na flat huhu!!" sabi ng kaibigan ko. Nako umuulan pa naman. Chineck ko phone ko anong oras na. For sure walang kasama yung Lisa na yun! Mamaya tumakas na naman yun!! Hays! "Diyan ka lang, palitan ko na lang ng gulong" sabi ko sakanya at na sstress pa rin siya. Maya maya ay nakita ko dumating si Suzy at lumapit kay Hyeri. Naguusap na naman sila pero di ko naririnig.


Maya maya ay nagulat ako ng lumapit to sakin. "Gusto niyo ba sa unit na lang matulog? May gagawin ba kayo tomorrow? Malapit lang yun dito ipakuha niyo na lang yan bukas" sabi nito at napatingin naman ako kay Hyeri at tumingin sakanya. NAKO WAG KA PAPAYAG. LAGOT KA SAKIN PAG NAG YES KA. Tinignan ko siya ng masama at ngumiti naman siya ng nakakaloko.


Nagulat ako ng tanungin niya si Suzy kung okay lang ba. Mag p-protesa pa sana ako pero nagulat ako ng bigla na lang yumakap sa braso ko si Suzy at nagsalita. "Wag ka na kumontra. Kung may rehearsal kayo bukas ay umalis ka na lang ng maaga okay?" bulong niya sa tenga ko. At SHOOT! Utang na loob! Grabe! Pakiramdam ko ay nangangamatis ako sa mula ngayon!! Hay nako!! Penge hangin kahit umuulan!!


Nakita ko naman yung tawa ng kaibigan ko at inirapan ko naman siya. Wala na kong nagawa kundi magpahatak dito sa babaeng may hawak sakin. Pagkadating namin sa sasakyan niya ay inunahan ko si Hyeri maupo sa likod para siya ang katabi si Suzy. Nako, di ko na kakayanin pang tumabi sakanya..


Mabuti naman at buong byahe namin ay naging tahimik, pero napansin ko na sunod sunod ang notification sa phone ni Suzy. Nung nainis siya ay pinatay niya rin yun. Pagkadating namin sa unit ay nagpahiram siya samin ng extra pjs niya at sinabi niya na sa sala na lang muna siya matutulog, pero may extra kwarto pa daw siya. Pagkatapos ko magpalit ay tumawag muna ako kay Lisa. Chineck ko lang siya baka kasi kung san na naman siya pumunta.


After nun ay tumabi na ko kay Hyeri na ngayon ay humihilik na. Pagod siguro tong gagang to. Habang ako heto. Hindi makatulog. Lahat na ata ng ikot sa kama nagawa ko na. Wala pa rin. Higit isang oras na ko ganito ng mapagpasyahan kong tumayo na lang at lumabas. Siguro naman ay tulog na siya. Pero nagulat na lang ako ng makita ko siya sa may veranda at tahimik na nakaupo dun.


Babalik na sana ako sa kwarto ko ng bigla niya akong tawagin. "Di ka rin makatulog? Tara muna dito. Nakaka relax yung view dito" sabi niya sakin. Kinuha ko naman yung kape na ginawa ko at tinuro niya yung upuan sa tabi niya, pinaupo niya ako dun at tumabi ako sakanya.



Ang ganda ng view dito sa unit niya. Makikita mo yung kalangitan, pati yung mga sasakyan na dumadaan sa baba. Sobrang peaceful. Nakaka relax. Tinignan ko siya, hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko na mamangha sa ganda niya. Iba talaga ang gandang Suzy Bae ano? Maya maya ay napansin ko na tumingin rin siya sakin dahilan para mapaiwas naman ako ng tingin sakanya.


Saglit na tumahimik ulit. Ang awkward na naman. Hays.


"Rose?" tawag niya sakin dahilan para mapatingin naman ako sakanya.


"HMM?"


"Anong first impression mo sakin. Yung honest ah?"


Sabi niya sakin at nagulat naman ako. Kahit kailan talaga ang random ng babaeng to.


"Hm, Goddess. Ganyan ba talaga pag mga Bae ang surname? Si Jennie at Jisoo hindi naman Bae, pero ka level niyo sila ni Irene." sagot ko sakanya at tumawa naman siya.


"Sira ka. Bukod sa maganda, ano pang impression mo sakin?" tanong niya. Bat niya kaya to tinatanong?


"Makulit. Annoying minsan, random ng mga tanong mo eh" sagot ko sakanya pero naka peace sign naman at natawa siya.


"Hindi ka ba nagbabasa ng news? Hindi mo ba alam tawag nila sakin?"


"Ah, yung Taylor Swift ng Korea? Mukha namang hindi. Isa pa, kasalanan mo ba na maganda ka at nagkakandarapa sayo yung mga Oppa?" seryosong sagot ko sakanya at natawa naman siya.


"Alam mo, ang something mo eh no?" natatawang sagot niya habang humihigop siya ng kape niya.


"Kaya ba nabobother ka dahil sa news kanina? Nako, okay lang yan. Parte ng pag grow up yung break up. Hayaan mo lang sila. Saka wag ka ng malungkot, madami pa naman diyan eh. Mag focus ka muna sa sarili mo. tas kapag okay ka na, saka ka ulit mag love life. Oh ha" natatawang sabi ko sakanya at tumawa naman siya.


Ayan, nasabi ko ba sainyo na ang ganda ganda ganda ni Suzy kapag nakangiti?


"Alam mo, ewan ko sayo. Haha! Kala mo nagka lovelife na eh, makapagsalita" natatawang sabi nito sakin. Kanina ang awkward ng atmosphere, ngayon ang saya na bigla.


"Wala man akong lovelife, atleast alam ko gagawin ko. Saka nag reready ako, kasi gusto ko special yung magiging first ko. Kasi first and last nga diba?" seryosong sagot ko sakanya at natawa naman siya.


"Saka wag ka na malungkot. E ano naman kung madami ka na naging bf? Ang mahalaga, sa bawat experiences. natututo ka. Kaya i save mo yang sarili mo, malay mo yung next is yun na yung forever mo" sabi ko sakanya at tumawa na siya. Ayan, sunod sunod na yung pagtawa niya.


"Wala lang, feeling ko kasi trophy girlfriend lang nila ako. Hindi nila ako vinavalue as a person. Hindi nga nila naiintindihan yung schedules ko. Hindi rin nila naiintindihan yung nararamdaman ko. Bat kaya ganyan yung mga boys no?" tanong niya sakin at natawa naman ako sakanya. Ang dami naman palang rants ng Ate niyo.


"Nako, huwag mo sakin itanong dahil di pa ko nagkaka boyfriend at never ako na attract sa lalaki" natatawang sagot ko sakanya at natawa naman siya.


"Basta ha? Huwag ka ng malungkot. Hayaan mo sila. Sabihin lang nila ang gusto nilang sabihin tungkol sayo. Hanggat kilala mo yung sarili mo, at alam mong hindi ka ganun klase ng tao. Huwag ka magpapa apekto ha?" seryosong sabi ko sakanya habang ginugulo yung buhok niya. Ngumiti naman siya sakin at saglit na napatitig sakin.


"Thank you, Rosè." masayang sabi niya at ngumiti na siya the whole night. Naramdaman ko naman na pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko at hinayaan ko na lang..


Pero heto na... may kakaibang tibok sa puso ko na nagdadala ng kakaibang tensyon sa buong pagkatao ko...





Hays bat naman nila ginaganyan yung isang Suzy Bae? Ang bait niya kayaaaa.











-


So, how's your day guys? :))

Update ulit sa thursday! Please voteeee ~

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
7.8K 264 22
A Kingdom full of lies, and a kingdom full of lights, Be brave and survive, Talk to me and give me a high five! Call my name, but not by my nickname...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
2.3K 153 19
[PAPERINK MIDNIGHT SCREAM SERIES - COLLABORATION] BLURB Taong 2000, isang malawakang pagpatay ang naganap noon sa isang lugar na kung tawagin ay Bary...