Hold You Accountable (Publish...

By alluringli

13.4M 634K 745K

seniors series #1 A Senior Highschool series. (Published under Bliss Books AND Flutter Fic) complete [unedite... More

Hold You Accountable
seniors series
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
All My Love, Li
Z&S: how they celebrated Sath's birthday
PUBLISHED BOOK

Z&S: how they celebrated the valentine's.

318K 13.6K 8.6K
By alluringli

I added a link of an original song composition by Kyle Antang for Hold You Accountable. Thank you, Kyle!

not an official special chapter
Z&S: how they celebrated the valentine's.

happy valentine's !

"Zaf, stop reading. Baka lumabo mata mo." saway ni Sath habang nagmamaneho.

I pursed my lips, sinara ko ang binabasa kong reviewer para sa finals sana namin. Inihilig ko ang aking ulo sa headrest bago nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Baka makalimutan ko e."

"Inaral mo naman 'di ba? You probably won't forget it, may tulog ka na ba? You want me to park up, para magkaroon ka muna ng idlip?" tanong niya, eyes still on the road.

Ngumiti naman ako. It's been years, huh? Nagtagal siya sa akin? Kahit para bang wala pa sa kalahati ang kaya kong ibigay sa kanya?

"Zafi?"

"Ayoko na mag-aral." I replied.

Kolehiyo lang pala ang makakapagpatigil sa kasipagan ko, pinatagal niya pa edi sana hindi na ako napagod no'ng senior highschool at junior highschool. Nakipag-chinese garter na lang sana ako sa labas ng school no'ng elementary. At di na ako nangolekta ng stars sa kamay no'ng kinder.

"Kulang ka na nga sa tulog," Sath chuckled and gradually shook his head.

"Kiss mo na lang ako para magising ako," pangaasar ko sa kanya. Agad naman na namula ang kanyang tenga. Cute.

"Kaya inaasar ako ni Iscalade kung bakit daw tinted ang kotse ko," he grinned. "Ayoko naman puyatin ka sa gano'ng paraan. Magpahinga ka muna."

"Gusto ko lang naman yumaman. Bakit kailangan pang mag-aral?"

"Ikaw ba talaga 'yung girlfriend ko?" he chuckled.

"Totoo naman e. Gusto ko lang naman maging mayaman." I laughed, heartily. "Magkano ba magiging sweldo mo? Aasawahin na lang kita, di na ako maga-aral."

Sath pursed his lips and grinned. Lumingon siya sa akin, his brown eyes met mine and it felt like the first time. Kung paano ako halos matulala sa kan'ya noon, gano'n pa rin naman hanggang ngayon.

"Paano kung ganito na lang? Maga-aral ka, pero aasawahin mo ako. Pwede naman 'yata 'yon?" malambing niyang saad.

"Hindi na rin masama," sakay ko sa kanyang sinabi. Pinikit ko na ang aking mga mata, pinadaloy ang antok sa aking sistema.

Sarathiel never failed to make me feel at ease, to not pressure myself and always remind me to take a rest. Sa kan'ya ako nahihimbing at sa kan'ya ko lang kaya magpahinga nang ganito.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang haplos ni Sath dahil sa inaalis niya ang mga buhok na naging sagabal sa aking mukha.

"Hi..." I yawned. "Anong oras na?"

"Isang oras ka lang nakatulog. Okay na ba 'yon? Or do you want to sleep more?" tanong niya.

"I'm okay..." napatingin ako sa nangangamoy na kape. "Bumili ka ng kape?"

"May malapit na coffee shop kaya naisipan ko na bilhan ka muna. Although, hinay hinay ka lang sa kape..."

"Thanks," I smiled at him and took a quick sip on the coffee. Napatingin ako sa cellphone niya dahil bigla itong umilaw. His lockscreen is a picture of us. Napangiti ako pero agad na nanglaki ang mga mata nang makita ang date.

February 13 na pala ngayon? Edi bukas ay Valentine's Day?

"Valentine's Day bukas, Sath?" I asked, almost choking on my coffee. I didn't know! I lost track of the days actually. Sa sobrang babad ko sa pagaaral ay limot ko na nga kung anong petsa na ngayon!

"Yeah..."

"Wala tayong plano?" I bit my lip. Shit, nawala sa isip ko! I feel bad for not planning anything.

"May gusto ka bang puntahan? O ano? Pwede naman ako bukas..." Sath probed.

Wala akong maisip. Hindi ako makasagot sa kan'ya. Ilang minuto 'yata ako nakipagtitigan kay Sath bago siya tumawa at ginulo ang aking buhok.

"Okay lang naman sa akin kung wala o ano. Wala nga tayong monthsary, e. Don't think about it too much..."

"Pero..." my shoulders slumped.

Naiinis ako dahil ako rin naman ang dahilan bakit wala kaming monthsary, I didn't want that. No'ng tinanong nga ni Sath 'yon sa akin, sabi ko baka pwedeng tuwing thirty one na lang para anim na beses lang kami magc-celebrate. Tinawanan niya lang ako. So, we decided not to celebrate it. Hindi ko rin kasi talaga gusto.

Pero iba ang Valentine's! Isang beses lang ito sa isang taon, at kahit papaano naman dito ako nakababawi sa kanya. Pero ngayong taon ay nakalimutan ko. It's probably because of my hectic schedule but it isn't an excuse to neglect Sath.

Tahimik lang ako habang pinagpatuloy ni Sath ang pagpapaandar sa sasakyan.

I have to think of something, somehow.

Pero halos isang araw na lang ang meron ako. Maybe, I can buy him something? Pero hindi naman materialistic si Sath, at medyo hindi na rin siya nagsusuot ng jacket. Mas na-stress pa 'yata ako rito kumpara sa mga magiging exams namin.

"Girl, sabi ko naman kasi sa'yo. Bawal mag-syota kapag college. Tingnan mo, stress na stress ka na riyan." puna ni Melay sa akin.

"Hindi naman dahil sa kan'ya e. Wala kasi akong ibibigay sa Valentine's ngayon..."

"Bigay mo na lang sarili mo. Kayo talagang may mga syota, nanghahampas ng privilege sa mukha e." Umirap si Melay.

I laughed at her.

"Alam mo, masarap kaya magkaroon ng syota. Lalo na kapag nasa tamang tao ka na. You flourish, you grow, and he nurtures you with so much love, it's overflowing..."

"Oo na sis, ikaw na may dilig." Ngumiwi si Melay. "Leche ka rin e, nagawa mo pang mang-inggit."

Uminit ang aking mga pisngi. I didn't mean that! Iba ang tinutukoy ko. Agad akong umangal sa sinabi niya.

Natigilan ako nang may maalala. I remember greeting Melay before. Blueberry cheesecake. Biglang may bumbilya na umilaw sa aking isip.

That's right! Blueberry cheesecake! I'll bake one for him. Bukod sa itlog at mga simpling lutuin, I learned how to bake a simple blueberry cheesecake since Sath likes it.

I decided to bake one after my school hours, hindi inalintana ang pagod dahil ilang oras na lang ang meron ako. Mabuti na lamang na pwedeng i-fridge na lang ito nang ilang oras at okay na.

Sath:

Zaf, susunduin na ba kita?

Zafirah:

Wait lang!

Hintayin mo na lang ako sa baba.

Inalis ko na sa fridge 'yung blueberry cheesecake na ginawa ko. At inilagay sa isang box. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan para salubungin si Sath. We'll be having dinner at his favorite steakhouse.

"Hi!" I beamed at him, agad naman niya ito sinuklian ng ngiti.

"Ano 'yan?" tanong niya sa hawak ko na box.

"Para sa 'yo," I kissed him on his cheeks. "Happy Valentine's, Sath!"

•.─── ❪✎❫ ───.•

"Are you sure? Walang okasyon ngayon?" pumanhik ang isa kong kilay dahil parang may graduation ceremony sa loob ng steakhouse.

The lights were too blinding, may pa-red carpet pa at ang tugtog na ginagamit madalas sa mga graduation ang siyang nag-aalis ng katahimikan sa paligid. Madalas kami rito dahil sa simoy ng hangin at matatayog na puno na pinapalibutan ng mga nakasabit na ilaw. Pero ngayong gabi, parang may iba.

Valentine's day ngayon pero bakit parang may graduation sa loob? Martsang pandangal talaga?

"Wala nga," Sath chuckled and held my hand as he turned off the engine.

Pagkalabas pa lang namin ay natatawa na ako. Bakit kasi gano'n ang tugtugan? Ano? Graduate sa pagiging single? Masarap naman ang pagkain dito pero bakit ganito ang trip nila?

Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

"Wala ba siyang remix diyan?" biro ko nang makahanap na kami ng upuan.

My eyes widened when there's a small stage in the center of the venue. Pakiramdam ko talaga may graduation dito. I decided to point towards it.

"Sath, look! Baka may event nga! Sa iba na lang kaya tayo?"

"Hmm?" patay malisyang lumingon sa akin si Sath.

Biglang may spotlight na tumutok sa amin. Agad na umawang ang mga labi ko.

"Zafirah Sidney Sanchez, Summa Cum Laude in Sarathiel's heart."

My eyes widened as I guffawed. Ang daming alam ni Sath! Ano'ng pakulo ito? Siya ang may gawa? Sobrang out of nowhere pero parang nilalagyan ng asin ang mga bulate sa aking tiyan dahil sa sobrang kilig ko. Parang ewan kasi, hindi ko inakala!

"Pupunta ako roon?" I was still laughing, pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata dahil sa katatawa.

"Congrats," ngisi ni Sath at nagawa pang pumalakpak. Daming alam talaga!

Sumama naman ako at nakayuko habang pinipigilan ang tawa. Bakit kasi ganiyan ang tugtog? Parang kulang na lang ay toga at mukha talagang martsa na. Nang nasa maliit na stage na ako, nagulat ako dahil sumunod pala si Sath. He was looking at me lovingly.

"May I have the honor to present your awards?"

"Seryoso ba ito?" I laughed. "You may."

"I present this award to Zafirah Sidney Sanchez, for being best in stealing my heart." Sarathiel gave me a certificate. Binasa ko ito at may pangalan ko pa talaga! The date, name of the merit and he even signed it!

"Best in loving me," malambing niya sabi at inabot ang isa pang certificate.

"Best in always trying to do her best, best in not giving up, most beautiful, most understanding, most lovable, most —" ang dami niyang binibigay na certificate! Sobrang namumula na aking pisngi dahil halos nakalagay ito sa lalagyan ng isang bundle ng bondpaper.

"Sath, that's enough!" I chortled and immediately stopped him. "I love you more than 3000, thank you for this."

Natigilan siya at ngumuso. He pointed using his lips at a certain direction. Napalingon ako rito at nakita na may mga medals pa pala!

My heart swelled in happiness. Halos kuminang ang mga mata ko nang makita ang mga medalya. He did all of this? For me?

"That's..." I was rendered speechless. "For me?"

"I know I've always told you that you are my greatest merit..." Sarathiel kissed me on my cheek. "But you deserve this much too. You deserve appreciation for being there to love me. I will always appreciate the time you lend for me..."

"Kahit parang kulang?" lumamlam ang mga mata ko.

"You're a busy woman, Zafi. Kahit isang oras lang sa buong araw mo, masaya na ako. And you're giving me more than that..." he kissed me on my temples. Agad na gumuhit ang isang ngiti sa aking labi.

Kumuha siya ng isang medalya at sinuot sa akin.

"Thank you for always reminding yourself that you have me, that you are never alone, and I'll always love you for choosing to stay with me despite how hard it is..." he kissed on my lips, and he decided to deepened the kiss making me tiptoe so that I could reach him.

"I love you 3000..." bulong ko, almost breathless.

"Remember when you created something for me? You wrote qoutes and bible verses. I decided to do the same. I wrote a whole box of I love yous. Para hindi mo makalimutan na mahal kita."

He cupped my face, tinanggal niya muna ang ilang hibla na sumayad sa aking mukha. His touch was full of affection.

"Let me guess? 3000 I love yous?" asar ko sa kanya. Agad siyang umiling, unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi.

"It's 3001, because I love you more than 3000."

❛ ━━━━━━・❪✎❫ ・━━━━━━ ❜

bye, balik na ako sa pof. <3 might delete this later. All love. Li.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
13.1K 784 44
Senior High Series #2 HUMSS After being a victim of bullying Mira, a HUMSS student became the worst enemy of bullies in Faina University. Chasing peo...
113K 8.6K 76
And so? An epistolary.
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...