South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.3M 743K 403K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!

Chapter 53

166K 9.5K 2.9K
By JFstories

"HUGO..."


"I mean, you're friends now, right?" Nagsalin ulit siya ng wine at tumungga.


Nakakailan na siya. Mauubos niya na ang isang bote 'tapos hindi niya pa nagagalaw iyong pagkain. Pinipitik-pitik niya lang iyong tinidor.


Nagsalin siya ulit at ginawang beer ang wine nang laklakin. Namumula na ang leeg at ang matangos niyang ilong. Lalo siyang naging tisoy dahil sa lights dito sa resto. Ang pula-pula pa ng mamasa-masa niyang mga labi.


Hindi na ako nakatiis. Tumayo ako at inagaw ko na sa kanya ang wineglass na hawak. "Magda-drive ka pa."


Itinaas niya ang kamay sa ere na parang sumusuko.


"Sorry, sorry," sabi niya hindi naman muka at tunog sincere.


Pinagmasdan ko siya. Pormal na ulit siya. Seryoso. Humalukipkip siya at kalmanteng sumandal sa upuan. Nakipagtagisan ng tingin sa akin.


Naupo ulit ako sa upuan at iniwasan ang mga mata niya. Hindi ko gusto kapag ganito siya at alam niya naman iyon. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya pa rin.


"Ubusin mo 'yang pagkain mo at mag-tubig ka lang muna," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.



Pasimple kong inilabas ang phone ko mula sa dalang shoulder bag para i-check kung may message si Arkanghel, pero wala siyang message o kahit missed call. Gabi na pero mukhang busy pa rin siya sa work. Inaalala ko kung nakapag-dinner na ba siya o puro work pa rin ang kanyang inaasikaso.


Nang mag-angat ako ng mukha ay nakatitig pa rin sa akin si Hugo. Napabuntong-hininga ako.


Noong mga nakaraang araw ay malabo kami ni Arkanghel, pero ngayong may unawaan na kami, dapat na siguro iyong malaman ni Hugo since best friend ko siya.


About time na rin na lagyan ko nang limitasyon ang friendhip naming dalawa. Alam kong mahihirapan ako dahil ilang beses ko na siyang nasaway noon, pero napasok lang sa kabila niyang tainga at labas sa kabila ang mga sinasabi ko. Wala ring talab sa kanya ang heart-to-heart talk.


Nag-iisip ako nang bigla akong makarinig ng mahina pero mariing boses mula sa katabing table namin ni Hugo.


"Babe, who the hell are you looking at?!"


Napalingon ako roon. Ang natagpuan ng mga mata ko ay ang magka-pareha na tila nagtatalo. Iyong lalaki ay ini-interrogate ang ka-date na babae. Nang ma-realized kung bakit ay naiiling na ibinalik ko ang paningin ko kay Hugo.


Kanina pag pasok namin dito ay napapatingin na sa kanya ang mga babae na naririto. Kahit may mga kasamang ka-date ay hindi sila makapagpigil na hindi siya lingunin. Maging ang ilang waitress ay pasimple siyang sinusulyapan.


See? Hindi na bago ito. Kahit saan dalhin ang lalaking ito ay pinuputakte talaga siya ng mga babae. Ganoon siya kalakas. Siguro kailangan talaga naming magkaroon ng space para makahanap na siya ng babaeng seseryosohin niya. Ako na lang kasi palagi ang binubulabog niya.


Right. Bahala na. Pumayag man siya o hindi, kailangan ko nang ayusin ang set up namin.


Umayos ako sa pagkakaupo at hinuli ang mailap niyang mga mata. "Hugo, may sasabi—"


"Tara na," he cut me off.


"Wait—"


Tumingin siya sa suot na wrist watch. "Mali-late ka na."


Hindi niya na hinintay ang bill. Hindi rin siya gumamit ng card. Naglapag siya ng lilibuhin sa mesa na parang sobra pa sa inorder namin. Nauna na siyang tumayo. "Let's go."


Tumayo na rin ako at siguro sa kotse ko na lang siya kakausapin para solo namin.


"Faster, Susana!" Nilingon niya ako nang bahagya.


Ang bibilis ng mga hakbang niya, 'tapos ang tangkad niya kaya ang hirap sumabay. Ano bang problema niya at ayaw niyang maghintay? Hiningal tuloy ako sa paghabol.


Sa elevator naman ay tahimik lang siya habang nakapamulsa. May mga kasabay kami sa loob kaya napahiwalay ako sa kanya. Pagdating sa ibabang floor ay nauna siyang lumabas ng elevator. Kandahabol na naman ako.


Nang makarating sa parking lot ay naabutan ko siya. Hinampas ko siya sa likod.


"Ano ba? Magkaka-appendicitis ako sa paghabol sa 'yo!" may paghingal na sumbat ko sa kanya. "Alam mo namang kakakain ko lang!"


Tinaasan niya lang ako ng kilay.


Inirapan ko naman siya. Ako naman ang nanguna maglakad papunta sa kinapaparadahan ng kotse niya nang biglang may tumawag sa pangalan ko.


"Susana!"


Napalingon ako sa exit. Papalapit sa amin ni Hugo ang isang magkapareha. Ang lalaki ay agad kong nakilala. Naka-white button-down long-sleeve polo siya at itim na jeans. It was Artemi.


"Sa wakas, nasilayan ko rin si Susana." Ang lawak ng pagkakangiti niya sa akin. "How are you, Ate?"


Napatigil kami ni Hugo sa paglalakad.


Ang kasama ni Art na babae ay sa akin din nakatingin kaya hindi ko naiwasang masdan ang kanyang kabuuhan. Mukhang siyang foreigner. The woman was wearing a short maroon spaghetti strap bodycon dress. Nakalugay ang alon-along buhok at magandang-maganda kahit walang make up ang mukha. Ngunit higit na nakakuha sa pansin ko ay ang kanyang kulay berdeng mga mata.


"She's Arkanghel's fiancée," narinig kong sabi ni Hugo sa tabi ko. "She's famous in socmed."


Biglang nanlamig ang mga palad ko habang nakatingin sa babaeng berde ang mga mata. Nakaramdam ako ng matinding kaba at takot.


Nang makalapit sila ay magaang niyakap ako ni Art. "Parang ang bilog ng pisngi mo ngayon, Ate Sussie, ah?"


"She's Sussie?"


I was surprised she knew my name. Siguro nai-kwento ni Art sa kanya, hindi ko lang alam kung anong klaseng kwento. Lumapit siya sa akin, nakangiti.


"I'm Fury," she introduced herself. Nang ibeso niya ako ay naramdaman ko kung gaano kakinis ang balat niya at nalanghap ko ang mamahalin niyang perfume na fruity scent.


Habang nakatingin ako sa kanya ay ilang na ilang ako. Mukha naman siyang mabait. Sobrang ganda at sosyal niya lalo sa personal. Nakakapanliit. Para siyang manika. Kung may babaeng perpekto, parang siya na iyon.


"Naku-kwento ka sa akin ni Art."


Nakakapag-Tagalog din pala siya.


Friendly siyang nakangiti sa akin. "Kaibigan ka niya and you're also friends with his brother, Arkanghel, right?"


"Ha?"


Fury mentioned Arkanghel's name na parang natural na sa kanya na banggitin iyon, na parang hindi siya naiilang man lang. In fact, may ningning pa sa mga mata niya habang nagsasalita kanina.


Alam ko na sa mga mata ng tao ay engaged sila ni Arkanghel, pero bukod doon, gaano ba sila ka-close na dalawa? Hindi ba niya alam na ex ako noon ni Arkanghel at kami na ulit ngayon—


"It's nice to finally meet you, Sussie."


"T-thank you... Nice to meet you, too..." Sinikap kong ngumiti sa kanya kahit hirap na hirap ako.


"Who's he?" tanong ni Fury nang mapatingin kay Hugo. "Is he your boyfriend? He's guwapo."


Umismid lang naman si Hugo sa tabi ko.


Magsasalita pa sana si Fury nang mag-beep ang phone niyang hawak. Pasimple niya iyong i-chineck. Nakangiti pa rin siya. Parang hindi maubos-ubos ang ngiti sa maganda niyang mga labi.


"Who's that?" usisa ni Art na biglang naging seryoso.


Halata ang kilig sa boses ni Fury nang sumagot. "Your brother, Arkanghel."


Nanuyo ang lalamunan ko sa mga narinig na sinabi ni Fury. Nanikip din ang aking dibdib at parang biglang ang hirap huminga. Nang tingalain ko si Hugo ay nakataas ang isang kilay niya sa akin.


Tumingin si Fury kay Art. "Art, hatid mo muna ako sa QC. Arkanghel is waiting for me. Puntahan ko muna siya sa condo."


Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Hugo. "We gotta go, guys. Nice meeting you, by the way." Inalalayan niya na ako papunta sa kotse dahil parang nawalan ako ng lakas.


Nang nasa kotse na kami ay hindi muna ini-start ni Hugo ang makina. Hinayaan niya akong ilang minutong tahimik sa kinauupuan.


Mayamaya ay inagaw niya ang bag ko at kinuha sa loob ang aking phone.


"Hugo!" Napaangat ang mukha ko sa kanya. Nagtataka at nabibigla ako kaya hindi agad nakapag-react. Ini-off niya ang phone ko at ibinulsa.


Dumukwang siya para ikabit ang seat bealt sa akin. "Absent ka muna," sabi niya na hindi naghihintay ng pagpayag o pagtanggi.


Napanganga ako nang paandarin niya na ang kotse.


"Bukas na kita iuuwi. Road trip tayo 'tapos walwal."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

179K 776 4
Also available in Dreame. Former Ways To Break a Bad Boy's Heart Quency Ezrai Santos is not a bad bitch. She just fell in love with the wrong man who...
7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
13.4M 127K 90
This is the jeje version and I don't wanna touch this one.
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...