The Art Of Letting Go

By Vhionne

1.3K 188 285

COMPLETED Kelan and Chantal is bestfriend since first year highschool. Everything is in a good situation for... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Epilogue

Chapter 2

98 14 21
By Vhionne

'Looking at you feels like I saw the mesmerizing galaxy of the universe, telling me only one thing. Dub-dub-dub.'

_________

4 years ago...

KELAN

Nasaan na ba si Chantal? Nakakaloka. Malapit na mag-simula ang Prom Night pero hindi ko parin siya makita. Baklang yun, kaya nga siya ang gusto kong partner dahil ayokong mag-lakad mag-isa mamaya eh.

Masasabunutan ko ang babaeng iyon kapag talaga mag-isa akong naglakad mamaya. Nakakahiya. Nagpaganda pa man din ako ng bonggang-bongga tas magiging alone pala ako sa paglalakad.

Tumunog ang telepono ko at nang makita na si Chantal ito ay agad kong sinagot ang tawag. "Nasaan ka na babae? Bakit wala ka pa. Magsisimula na yung Prom." Kinakabahan aniko sa kanilang linya.

"Chill ka lang nga. Nandito na ako." Nagbunyi ako sa saya ng marinig iyon. "Saan?" Agad na tanong ko at luminga-linga sa paligid ko.

"Nasa likod mo." Lumingon ako nang marinig iyon. Mula sa likod ko ay nakita ko siyang nakatayo at hawak ang telepono sa tenga niya. Nakangiti siya saakin at ilang hakbang lamang ang layo namin.

Nakasuot siya ng mahabang gown na binili namin nung nakaraan sa Mall. She turn into a beautiful star. Hindi makapal ang make-up niya ngunit ibang-ibang ang tama niya saakin.

Wala akong ibang makita nung mga oras na iyon kundi ang buong siya. Imbis na sa gwapong lalaki ako nakatingin na nasa likod lang niya ay sa kaniya ako nakatingin.

"Tara na sa section natin." Nakangiting sabi ko sa kaniya at inalalayan siya maglakad nang makabalik ako sa huwisyo.

Ilang sandali pa ang lumipas at tinawag na ang mga estudyante para sa entrance kasama ang partner nila. Kinuha ko ang telepono ko at tinutok saamin. "Ngiti." Sabay kaming ngumiti sa camera ng telepono ko.

Nakatingin ako ngayon sa litratong nakadikit sa pader ng kwarto ko. Ito ang litrato namin sa telepono ko nung Prom Night. Napangiti ako nang bahagyang maalala iyon.

Mula nung gabing iyon ay marami na ang nagbago saakin, hindi ko lang alam kung pansin niya ba. Everything  change in just a seconds after that night.

And as expected she won as the Ms. Brightest Star 2011. Iyon ang titulo dahil starry night ang theme ng Prom namin. Tsk. Nakakainis lang dahil hindi ako ang nanalo bilang Mr. Brightest Star 2011, si Clyde. Yung nakakainis niyang ex. Aanga-anga kase ako nun at sa kaniya lang natuon ang buong atensyon ko.

Speaking of her ex boyfriend. Hindi ko alam ang rason kung bakit sila naghiwalay, all i know is she's running for my hugs as she cries because of him.  Magiging masaya na sana ako kung hindi ko lang nakita na umiyak at nasaktan si Chantal eh.

I know how much she loves him. Nakikita at naramdaman ko kung gaano niya kamahal ang lalaking iyon. Everytime she talks about him, I can see how her eyes will light up. How I wish that was me. Pero alam ko naman na hindi mangyayari iyon.

Isang pangarap na hindi matutupad ang mahalin niya ako pabalik. Dahil alam ko kung gaano niya ka-mahal si Clyde. They're together for almost three years, kahihiwalay lang nila nung nakaraang linggo. And here I am secretly loving her for four years now.

Nasa kalagayan ako nang pag-iisip ko nang sa kaniya when suddenly my phone make a notification sounds. Kinuha ko ito and unlock my phone bumungad saakin ang text message ni Wendy.

Wendy:

Congratulations again. Im really proud of you.

               Me:

Thank you. Its late now, you should take your sleep.

Wendy:

Yes. Goodnight.

Hindi ko na inabala pa na replyan siya. I-off ko ang cellphone ko at inilagay ito sa drawer tsaka humiga sa kama ko para matulog.

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Tumayo ako at tulad ng nakagawian ko ay naghilamos nang mukha bago bumaba sa kusina namin. As usual naabutan ko si Mama na naghahanda nang pagkain namin.

"Congratulations Anak!" Masayang bati niya saakin nang makita ako. Nakangiting umupo ako sa table namin.

"Dahil nanalo ka ito ang gift ko sayo." Nakangiting sabi niya tsaka binaba ang niluto niyang bulalo. Agad kumalam ang tiyan ko nang makita ang paborito kong ulam sa lamesa.

"Kailangan ko na atang pagawan ka nang malaking drawer para sa mga awards mo eh." Puri niya saakin habang kumakain kami.

Natapos kaming kumain ay nagtungo ako sa 7eleven para bumili nang maiinom. Ngumiti ako sa cashier pagpasok ko dahil madalas kaming dalawa dito at kilala na nila ako.

Habang kumukuha ako nang maiinom ay naririnig ko ang tawanan nang magkasintahan. Tila kinikiliti sa singit ang babae sa kilig niya.

Nagtungo ako sa kabilang section nang mga pagkain at mula doon ay nakikita ko ang usapan ng dalawang magkasintahan.

"You're so sweet talaga." Matinis na boses ng babae habang naka-akbay sa kaniya ang lalaki, may hawak itong bulaklak na sa tingin ko ay binigay sa kaniya.

"Ofcourse." Nagmamalaking sagot nung lalaki na pamilyar ang boses saakin.

Napakunot nang bahagya ang noo ko nang bahagyang lumingon ang lalaki ngunit hindi naman ako napansin dahil nakatago ako sa malaking cabinet ng pagkain na malapit sa kanila. I knew it. Si Clyde, ang nakakainis na ex ni Chantal.

Wala siyang karapatan na saktan ang babaeng pinapangarap ko.

"We're together for two months now. Nakikita ko talaga yung love mo para saakin." Kinikilig na sabi nito. Lust kamo.

How dare him cheat on my Bestfriend. Last week lang nung maghiwalay sila at may kalampungan na siya ngayon samantalang si Chantal ay nasasaktan parin ngayon.

Bago pa ako tuluyang mainis ay umalis na ako dun at nagtungo sa cashier para bayaran ang kinuha kong inumin tsaka lumabas ng 7eleven.

Habang naglalakad ay iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Chantal ang nakita ko kanina. It's the right thing to do so lalo na at kilala ko siya. Hindi yun mag-dadalawang isip na tanggapin ulit si Clyde dahil mahal niya iyon. Pero ayokong makita na nalulungkot at naiiyak siya ulit because of him.

Natigilan ako sa paglalakad nang nasa tapat na ako nang bahay nila Chantal. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad patungo saamin nang marinig ko ang boses niya mula sa taas ng bahay nila.

"Kelan sandali!" Mabilis siya tumalikod at batid kong patungo na siya dito.

Binuksan niya ang pintuan nila at habang palakad siya dito ay tumigil nanaman ang mundo ko. Yung ngiti niya saakin ay ang pagsayaw ng ilang hiblang nang buhok niya sa hangin ay nakakabilis nang tibok ng puso ko. Nahuhulog nanaman ako.

"O-oh bakit?" Nauutal na tanong ko nang makalapit siya saakin.

"Magkikita kami mamaya ni Clyde. Makikipag-ayos daw siya saakin dahil mahal pa naman daw niya ako." Masayang-masaya na aniya sabay yakap saakin. Natigilan ako sa narinig.

Parag gusto kong puntahan ngayon si Clyde at suntukin siya nang ilang beses hanggang sa mamanhid ang kamay ko. Ngunit nang makita ko ang saya sa mukha ni Chantal ay nawawala lahat nang tapang ko at napapalitan ng lungkot.

Bakit sobra kang magmahal? Ako na lang ang mahalin mo Chantal.

"T-talaga? Buti naman." Maikling sabi ko sa kaniya.

"Sabi ko na nga ba at hindi niya rin ako matitiis." Nakangiting aniya saakin. "Ang daya mo. Hindi mo ko binilhan nang mogu-mogu." Nakangusong sabi niya nang makita ang hawak kong inumin na kalahati ko na. Paborito kase namin ito pareho.

"Bakit mo siya minahal?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan nang paglalakad namin para bumili nang mogu-mogu na gusto niya.

Pinipigilan ko ang luha ko nang tanungin ko iyon. Nakita ko sa pheriperal vision ko ang pagkibit-balikat niya. "Hindi ko alam."

"Pero ibang-ibang kase siya eh. Tuwing kasama ko siya alam kong masaya ako." Nakangiting sabi niya sa hangin na tila iniisip ito. "Kung pwede nga lang na huwag na matapos ang mga sandali na kasama ko siya."

"Siya lang yung kasiyaan at kakalungkutan ko." Nakangiti paring dagdag niya bago ako lingunin, agad kong iniwas ang paningin ko. "Ayun! Dun na lang tayo bumili." Agad kong tinuro gamit ang nguso ko ang malapit na convenience store.

Hindi ba kita napapasaya?

I-on niya ang telepono nang tumunog iyon. "Nandoon na daw siya. Una na ako sayo." Paalam niya saakin habang naglalakad kami pauwi matapos makabili nang mogu-mogu niya.

Habang nakatingin ako sa pigura niya papalayo ay hindi ko napigilan ang pagtulo nang luha ko. Agad kong pinunasan iyon at kinuha ang telepono ko at tinawagan si George.

"Oh pare—" Hindi ko na siya pinatapos pa.

"Inuman tayo." Binaba ko agad ang telepono nang sabihin ko iyon sa kaniya.

Gustong mamanhid ang sakit na nararamdaman ko kahit sandali lang.











Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
159K 9.5K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
103K 3.1K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...