The Wicked Liar 2: The Lying...

By kathipuneraaa

2.8M 44.8K 4K

[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and... More

Prologue
Chapter 1: Not Real
Chapter 2: The One
Chapter 3: Together
Chapter 4: Without You
Chapter 5: Small World
Chapter 6: Kiss
Chapter 7: Tattoo
Chapter 8: Ring
Chapter 9: Unfair
Chapter 10: Bad News
Chapter 11: Later
Chapter 12: 182 ❤
Chapter 13: Reason
Chapter 15: Sanction
Chapter 16: Almost Perfect
Chapter 17: Adjust
Chapter 18: Favor
Chapter 19: Distract
Chapter 20: No One
Chapter 21: Crazy Inlove
Chapter 22: Future
Chapter 23: Cheater
Chapter 24: Heir
Chapter 25: His Light
Chapter 26: Proud
Chapter 27: Until The End
Chapter 28: Marry Me
Chapter 29: No Buts
Chapter 30: Like You Do
Chapter 31: Lied
Chapter 32: Please
Chapter 33: Cool Off
Chapter 34: Gap
Chapter 35: You Again
Chapter 36: Just Like That
Chapter 37: Awkwardness
Chapter 38: Beating Heart
Chapter 39: Shotgun Wedding
Chapter 40: Six Feet Below
Chapter 41: Be Brave
Chapter 42: Life And Lies
Chapter 43: Always
Chapter 44: The Queen
Chapter 45: Miss Education
Chapter 46: Special Girl
Chapter 47: Provoked
Chapter 48: Just Go
Chapter 49: Two Lines
Chapter 50: Wake Up
Chapter 51: Nothing Left
BOOK THREE!
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
HEARTLESS: THE WICKED LIAR TRILOGY
Pop Fiction Version
Publish Book by Pop Fiction
MIBF 2023

Chapter 14: Compensation

55.7K 830 58
By kathipuneraaa

Ever since nagkita kami kanina nila Penelope at Nico, hindi na ako hiniwalayan ni Penny kahit ngayon na pababa kami ng hagdanan at papunta sa department nila Derick dahil susunduin namin siya

"How is he on bed?" Penelope asked incredulously na narinig ata ni Nico na nauuna samin maglakad dahil nilingon niya kami na nakangisi. He looked at me from head to toe as if expecting to see something different from me.

"Wag ka maingay dyan, Penny! Baka kung ano pang isipin niyan ni Nico" I whispered to her sa matigas na boses para malaman niyang seryoso ako. Kahit hindi ko makita ang sarili ko sa salamin alam kong grabe ang pagiging mapula ng mukha ko. Hindi ko na nga siguro kailangan pang maglagay ng blush on para sa klase namin kay Ma'am Reyes mamaya - yung professor na nagsermon sakin nun dahil hindi daw ako marunong mag ayos.

"Para namang hindi tayo magkaibigan niyan.." Penny said then pouted his lips na para bang nalulungkot siya

"Eh kasi naman yang mga pinagsasasabi mo eh"

"Eh bakit ba kasi hindi mo na lang aminin sakin na may nangyari talaga sa inyo ni DA? I wont judge you guys naman eh. Syempre mahal niyo naman ang isa't isa at natural lang yun" alam ko naman na seryoso siya sa sinabi niyang hindi niya kami huhusgahan pero hindi pa din talaga ako komportable sabihin sa kanya ang bagay na yun. Tinawanan ko na lang siya and catch up with Nico na medyo nakakalayo na samin.

Pumunta kami kung nasaan ang elevator nung makarating na kami sa Business Administration department dahil nasa fifth floor pa ang klase ni Derick. Pinagtitinginan si Nico ng mga estudyante na nadadaanan namin. Paano ba naman kasi, naka uniform pa siya ng Erudite University na rival ng school namin pero parang wala lang sa kanya.

"Para naman akong kakainin ng mga tao dito" Nico said nung makapasok na kami sa elevator despite na may tatlong iba pa kaming kasama na weird kung tumingin sa kanya

"Well mister, kung hindi mo gets, kung bakit ba naman kasi hindi ka man lang magbihis bago pumunta dito ano? Or wear something like jacket" sagot ko pabirong paraan that made Penelope nodded in agreement. Kahit hindi siya dito nag aaral alam niyang may animosity talaga between Erudite and St. Ignatius.

Actually hindi lang naman ang pagiging country's top university ang pinaglalabanan ng school namin at school nila Nico. Magkalaban sa lahat ng bagay ang Erudite at St. Ignatius. Nandyan yung sa pagproduce ng mga matatalinong students, excellent school infrastractures, sports at kung ano ano pang competition na kung saan kasali ang mga schools namin.

"Bakit murderers ba mga estudyante dito? Pwede ba wag na tayo makisali sa ka immature an ng mga eskwelahan natin? We dont pay them shit to teach us shit" sa sinabing yun ni Nico bahagya pang nagulat yung mga kasama namin pero hindi naman nagtagal yun dahil bumukas na yung elevator door dito sa third floor at lumabas na sila.

Hindi naman tinuturo ng mga professors na i hate namin ang mga taga Erudite pero parang ganun din ang gusto nila iparating kapag nagkukwento sila ng mga bagay about Erudite. Nung first day nga ng school they welcomed us by saying "Thankyou for choosing St. Ignatius University over Erudite University"

Sa lahat ng departments dito sa school, karamihan ng magaganda't gwapo nandito sa College of Business Administration kaya minsan hindi ko din masisi si Ma'am Reyes kung bakit gustong gusto niya na nag aayos ang mga taga Educ dahil karamihan naman talaga samin conservative at mukhang manang. Sa sobrang daming pinapagawa ni hindi na makuhang makapag ayos ng mga estudyante. Nakaka stress naman kasi maging teacher!

"Saan tong room 547?" Nico asked habang nakatingin sa phone niya. Maybe magkatext sila ni Derick.

"Ugh sa kabila yan ikot tayo" we turned to a left at binagtas ang mahabang lobby na maraming estudyante

As expected pinagtitinginan na naman si Nico. But this time mga babae naman and seems flirting at him in a way. Yung mga maiiksi nilang palda mas lalo pa nilang pinaiksi. Hindi naman pwede na hindi mapansin si Pennny. Aside from her blonde hair na mas tumingkad pa dahil sa liwanag, there's no mistaking that she's real pretty. Napaka flawless niya at confident maglakad kahit na four inches ang high heels niya.

While me, a potato.

Penelope tsked and shook her head "Oh Erica, hindi ka ba kinakabahan na baka masulot si Derick sayo? Tignan mo nga tong mga schoolmates mo oh. Baka mamaya nilalandi siya ng mga yan. You know boys these days. They prefer legs than brains" nagulat pa ako nung tarayan niya yung babaeng nag hi kay Nico.

Tss ako pa ba? Hindi naman ako kinakabahan kung masusulot siya sakin dahil nasa kanya naman ang choice kung magpapaagaw siya. At alam ko naman na hindi niya gagawin yun. He's so grumpy with other girls at sa dami ng nga babaeng dumaan sa kanya before me, katulad na lang nung pokpok na Ashley na yun I wonder kung magkaka interes pa ba siya sa ganyan

Atlast nakarating na din kami sa tapat ng classroom ni Derick. Magkakaparehas lang naman ng itsura lahat ng classrooms dito sa SIU na may front door at back door. Sakto lang ang dating namin dahil may mga naglalabasan na.

"Oo nga pala, bakit hindi man lang kayo nagsabi na pupunta kayo?" tanong ko kay Penny

"We just want to surprise you and Derick.." pagkasabi niya nyan may naalala akong bigla. DA ang tawag niya kay Derick pero bakit hindi na ngayon?

"Uhm Pen, di ba DA ang tawag mo kay Derick?" tanong ko na nalilito dahil maging nung magkita kami sa mall nun Derick na ang tawag niya. Tinignan naman niya ako na parang nagulat sa tanong ko

Ngumiti siya ng matamlay at nagkibit balikat "Well believe it or not, Im doing this for you. It's just I dont want you to feel insecure or what"

"Hala bakit naman ako mai insecure?" mas lalong nadagdagan ang pagkalito ko dahil anong relevance nun? Kung ganda niya sana ang tinutukoy niya malamang oo.

"Minsan kasi isyu ng mga girlfriend sa boyfriend nila ang pagkakaroon ng babaeng kaibigan. I dont want him to call him in that name dahil ayokong may maramdaman ka pa na kung ano na baka mag trigger pa ng pwede niyong pag awayan"

Hindi ko mapigilan mapangiti sa sinabi niya. Pero ang ngiting ito ay hindi naman nangangahulugan na sumang ayon ako sa kanya. Natutuwa lang ako sa kung paano siya mag isip

"Mas nauna mong nakilala sakin si Derick. Ugh no, I mean mas nauna niya akong nakilala pero mas lamang ang pinagsamahan niyo. Basically you two grew up together. At sino naman ako para pagbawalan ka sa kung anong gusto mo itawag sa kanya di ba?"

It's her tuen to smile "You know what, kapag ikaw talaga sinaktan ng lalaking yun, I swear to the god of war Ares and the goddess of war Bellona na malilintikan talaga siya sakin"

Nagtawanan na lang kami hanggang sa mapansin ko na hindi pa din lumalabas si Derick. Sakto naman na lumapit samin si Nico na galing ata sa loob ng classroom nila.

"May babae na tinuturuan si Derick nung seatwork nila. Hindi pa sila tapos" he informed us in undertone then looked away. Nagkatinginan kami ni Penelope sabay naglakad ako papasok ng classroom nila Derick pero hinarangan ako ni Nico

"Lalabas na din daw siya, hintayin na lang natin" I just looked at him weirdly at umusod ng kaunti para pumasok doon sa space pero hinarang niya pa din yung katawan niya. He even outstretched both his arms horizantally so he's totally blocking the entrance

"Ano bang ginagawa mo? I want to see him" sabi ko sa boses na medyo naiirita. Hindi ko lang kasi gusto yung ganitong asta ni Nico na parang may itinatago siya. Kasasabi niya lang kanina na nagse seatwork si Derick at walang prof so siguro naman pwede ko siyang masilip man lang doon sa square na bintana

"Wag mo na siya tignan baka ma distract pa eh" pagkakatwiran niya na lame naman ang pagkakasabi

"Move the hell out of there, Nic" saway sa kanya ni Penelope. Surprisingly, sinunod naman niya to. He looked at me with sympathy and from the looks of it mukhang may hindi dapat ako makita sa loob dahil hindi ko yun ikatutuwa

"Ayaw lang kitang masaktan" sabi pa niya at dahan dahan na tumabi. Sumilip na ako doon sa glass at may ilan pa ngang estudyante sa loob.

Nakita ko si Derick na nasa teacher's desk. Mayroon siyang babaeng kausap na naka kapit sa braso niya. Hindi ko naman marinig ang pinag uusapan nila but it seems to me na may dinidiscuss sa kanya si Derick dahil tumatango lang yung babae pero halatang lihim na nilalandi na ang boyfriend ko.

Nag isip muna ako kung papasok ba ako o hindi dahil natatakot ako na baka maulit yung nangyari kahapon. Baka magawan ko pa ng masama tong babaeng to sa sobrang selos na nararamdaman ko ngayon.

"You're the girlfriend, Erica. Smack that bitch on the face kung kinakailangan para naman magising sa katotohanan" Penelope encouraged habang nakasilip din doon sa glass window

"Nag boyfriend ka ng gwapo kaya habaan mo ang pasensya mo, Erica. Also hindi naman papatusin ni Derick yan" Nico consoled at tinapik pa ako sa balikat

Tinignan ko ulit sila sa loob. Mukhang mainit na ang ulo ni Derick dahil bakas ko sa mukha niya na pagod na siya sa pagsasalita. Yung babae naman nakakapit pa din sa kanya while pointing something doon sa papel na nasa desk.

Hindi ko na talaga kaya kontrolin. Alam ko naman na kailangan kong tanggapin na gwapo si Derick at hindi talaga maiiwasan na may mga lumandi sa kanya pero hindi naman ibig sabihin nun na panonoorin ko na lang. So before I even realize what I am doing, napihit ko na yung doorknob at pumasok sa loob.

Yung iba pa niyang classmates napatingin sakin then si Derick. Napatalon pa siya sa gulat at parang noon niya lang na realize na may nakakapit pala sa kanya cause he shrugged her off sa pasimpleng paraan

"Hi baby. Di pa tapos?" I asked him smiling. Sinadya ko talaga na "baby" ang itawag ko sa kanya para ma distract siya. He just wanted to be called "babe" at kapag tinawag ko siya sa ibang endearment nag aalburuto na siya dahil akala niya may lalaki ako.

Mukhang gumana naman dahil nakita kong nag igting ang panga niya at parang na bad trip. Nilipat ko naman yung tingin doon sa babaeng nakahawak sa kanya kanina at tinaasan siya ng kilay

"Tara na, Derick" yun lang at tumalikod na ako at lumabas. Nakakabwisit talaga. Kahapon yung haliparot na Ashley na yun tapos eto meron na naman.

"O anong nangyari?" tanong sakin ni Penelope pagkalapit ko sa kanya

"Nakakainis. May babae kasing nakahawak sa kanya"

"See, kaya ayaw ko sana na makita mo" singit ni Nico pero hindi na lang ako sumagot

Maya maya lumabas na si Derick kipkip yung bag niya at isang libro. Tinignan ko lang siya tapos humawak na ako kay Penelope para maglakad na kami paalis. Nauuna kaming dalawang babae habang silang mga lalaki nakasunod lang sakin.

"Nakakaamoy ako ng LQ.." pang aasar ni Nico pero hindi ko sila nililingon. Aware naman ako na nasa likuran ko lang si Derick. Nakakainis siya ha. Hindi man lang ako in approach. Hindi man lang nagpaliwang kung anong ginagawa nila nung babaeng yun. Oo, alam ko naman na pero gusto ko lang ng confirmation galing sa kanya.

"Saan nga pala tayo pupunta? Sana malapit lang dahil medyo marami ng oras na nasasayang eh one hour lang ang break ko" sabi ko kay Penelope. Pero naisip ko na wala nga pala si Ma'am Veluz kaya two hours ang break ko!

"Ay ganun ba? Gusto ko sana itry yung ice cream na may cotton candy sa ibabaw eh. Pero sige next time na lang"

"Di sige okay lang pala. Haha bigla kong naalala na absent din yung prof ko sa next subject kaya halos three hours ang break ko"

"Whoa, that's nice!"

Nag elevator ulit kami pababa papunta sa parking lot. Hindi pa din ako kinikibo ni Derick. Eh kung ganito pala na patigasan ang gusto niya, e di bahala siya sa buhay niya kung ganun

"Sa inyo ako sasabay-" bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse ni Nico pero hinatak ako ni Derick

"Nope, you're with me" he said sternly na medyo kinatakot ko pa. Alam ko naman na wala din magagawa sila Nico kaya nagparaya na lang ako.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siya din ang nagkabit ng seatbelt ko like the usual na ginagawa niya. Nung makasakay na din siya hindi pa din kami nagpapansinan.

"Bakit halos tatlong oras ang break mo?" tanong niya and started the engine

"Wala ka na dun" I answered bratly and crossed my arms. Tumingin ako sa bintana para hindi siya makita

"Dont talk to me like that, babe. Ano bang kinakagalit mo dyan?"

With that tinignan ko na siya and shouted "Gago ka pala eh. Hindi ka marunong makiramdam! Who's that bitch, anyway? Hindi ka naman baguhan na sa pakikipaglandian kaya sure naman akong aware ka na nilalandi ka na!" gulat na gulat siya. Hahawakan niya sana ako pero umiwas ako

"Babe wag ka naman ganyan. Wag kang paranoid-"

"Paranoid? Ako paranoid?" sabi ko sa nanliliit na mata. Paunti unti I can feel my strings of patience slowly pulling away

"Pwede magpaliwanag? My prof assigned-"

"Shut up! Shut up! Please, ayoko na muna marinig ang sasabihin mo" ang gulo ko din. Parang kanina lang gustong gusto kong magpaliwanag siya pero ngayon mas prefer kong manahimik na lang siya.

Nung makarating na kami sa Ice cream parlor na sinasabi ni Penelope, pagka park ni Derick ng sasakyan walang sabi sabi na bumaba na ako agad. Nakita ko naman agad sila Penny kaya siya agad ang nilapitan ko.

"Magkaaway pa din kayo? Grabe naman"

"Hayaan mo na. Ginusto niya eh"

Medyo maraming tao na pagdating namin sa loob. I can see few students from Erudite and St. Ignatius na sa tantya ko mga higher years. My eyes darted up agad doon sa menu and I almost pass out. P175 pa lang ang nakikita kong pinaka mura pero ang cute cute nung ice cream na nakita kong dala nung crew na ise serve. Nakalagay sa clear na glass yung ice cream while there's a fluffy ball of cotton candy sa ibabaw.

And I am thinking na kung ikaw yung taong gusto magka diabetes, this is the ideal place

"Come and let's find seats. Magyoyosi daw muna si Derick sa labas" nilingon ko si Derick na nasa labas pa nga at nagyoyosi. Kinakausap siya ni Nico at siguro ako ang pinag uusapan nila. Anopaman yan, ugh basta ayoko muna siya pansinin.

Pumwesto kami sa bandang dulo. Pinaubaya ko kay Penelope ang pag order since she's the one here with keen interest na subukan ang ice cream dito. Habang ako naman pilit tinatanaw yung dalawa sa labas. May nakaharang na matangkad na lalaki kaya ulo niya lang ang nakikita ko. Sunod sunod ang paghithit buga niya.

"Erica, ayoko naman na mangailam sa inyo pero sana bigyan mo naman ng pagkakataon makapag explain si Derick. I suppose we both know him right?" Penny said in a very serious tone na well, napakabilis man pero parang natauhan ako.

Tumango lang. I clasped my hands together at pinatong sa mesa. Dapat ba akong magsorry?

'Oo, kailangan! Sinabihan mo siya ng gago masakit yun sa pagkalalaki niya!' napailing na lang ako at buntong hininga. Bwisit nakokonsensya ako sa pagmumura ko sa kanya. Naalala ko pa yung sinabi sakin ni Annabeth na hindi daw maganda na nagagawa mong murahin ang mahal mo. Hindi daw healthy sa relasyon ang ganun.

Hindi naman sila nagtagal sa labas. Saktong sinerve na samin yung mga in order ni Penelope nang dumating sila. Nico sat beside her habang nasa tabi ko naman si Derick. Gustong gusto ko siyang hatakin at magsorry na sa kanya pero hindi alam kung bakit parang nanigas lang ako.

Hindi ko tuloy ma enjoy tong ice cream. Pakiramdam ko yelo lang at bulak ang kinakain ko. Penelope is doing everything mapagaan lang ang atmosphere. Nagpapatawa siya habang sinasakyan naman ni Nico. Maya maya naramdaman kong inabot ni Derick yung kamay ko mula sa ilalim ng mesa. I curled our fingers together at mahigpit siyang hinawakan kahit na hindi ko pa din siya tinitignan.

"Together?" he whispered

"I love you. Together.."

"Hey Erica, ano nga pala yung sinabi sakin ni Derick na pinag iinitan ka daw nung isa mong professor?" ito namang si Nico bigla na lang akong kakausapin! Muntik ko pa mabitawan yung kutsara

"Ah medyo" alanganing sagot ko sabay ngiti ng kaunti. Oh please sana naman wag namin pag usapan si Ma'am Veluz. I have enough of her today. Kanina lang sa classroom siya ang pinag usapan namin ni Alice. May crossover pa ng Harry Potter

"Kungsabagay, maganda ka naman kasi baka na insecure lang sayo" nilapit pa ni Nico yung mukha niya sakin pero tinulak siya palayo ni Derick

"Dont flirt with my girl, you trott" Derick scowled at inakbayan ako. Tumawa naman yung dalawa

"Yehey, so that means bati na kayo?" tanong ni Penelope and looked at us

Bago ko pa man maisip kung ano ang isasagot, Derick pulled me for a light kiss. "I love you so much" sabi niya pa pagkatapos while looking at me straight to the eyes "At gaya nang sinabi ko sayo nun, not even a million fights could make me leave you"

Medyo naging relax naman na ako. Nae enjoy ko na yung kinakain ko. Ine expect ko na sobrang tamis dahil magkasama ang ice cream at cotton candy but surprisingly tama lang yung lasa. Binasa ko din yung menu pwede naman pala ipa adjust yung sweetness.

"Uhm Erica, Im having a party sa saturday. Pumunta ka ah. Casual lang naman" sa sinabing yun ni Penny nag isip na agad ako kung ano ang susuotin ko. Mabuti na lang pala at casual lang

"Sige sure sure" hindi naman ako pwedeng tumanggi dahil expectant yung mukha niya. Isa pa, I really consider her naman as a friend

Nakaalis na yung dalawa. Kami na lang ni Derick at nasa loob lang kami ng sasakyan niya. May thirty minutes pa naman bago ang next class ko.

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Gusto ko na sabihin sa kanya that I am really sorry sa ginawa kong pagmumura at sa inasta ko but I cannot find the right words to say.

"Galit ka pa ba?" he asked out of the blue. Tinignan ko siya at kinuha yung kamay niya.

"Sorry kanina.. Sorry nung minura kita. Hindi ko naman sinasadya eh" sabi ko sa mahinang boses that I am thankful na nasabi ko

"Apology accepted. Of course, you're jealous. Naiintindihan ko naman yun"

Umiling ako and I can actually feel myself on the verge of crying "No. Hindi ko dapat ginawa yun. Lalaki ka babe. Masakit yun sa part mo"

Ngumiti lang siya at hinalikan yung likod ng palad ko "Hindi mo naman gagawin yun kung walang dahilan eh. Anyway, can we just drop it? Ang mahalaga, we are able to fix it agad. But then.. Kailangan ng compensation, baby"

I rolled my eyes "Ano naman yun?" tinuro niya yung labi niya. Umusod ako ng kaunti at nilapit ang mukha sa kanya. I closed my eyes until I feel his lips on mine.

And as I think of it, no matter how perfect we are para sa isa't isa, it still doesnt ensure na magiging perpekto din ang relasyon namin.

***
Author's Note:
Di ko po sure kung may update this weekends dahil may mga lakad po ako. But of course, susubukan ko pa din :) pagsawaan niyo na muna ang ka sweetan nila ha? Haha dont worry hindi naman sa lahat ng chapters ganyan. Sadyang pinapakita ko lang kung paano maging boyfriend ang isang Derick at maging girlfriend ang isang Erica.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 41.8K 52
[Book 3 of 3] She thought it's the happily ever after. She thought everything she believed was true until life happened to her. After her mom's death...
4.6K 340 13
The God's Mission Series #2: Apollo She played lyre as a hobby, but she lost the will to play when her grandmother died. Then out of nowhere, this gu...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
7K 86 20
Kaya mo bang iwan ang taong mahal mo para sa ikabubuti niya? Jenna Levanier has long-time feelings for Yves Roize. They were classmates since grad...