The Art Of Letting Go

By Vhionne

1.3K 188 285

COMPLETED Kelan and Chantal is bestfriend since first year highschool. Everything is in a good situation for... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Epilogue

Chapter 1

141 17 33
By Vhionne

'Being your bestfriend is a gift. But loving you secretly is a burden.'

___________

"Hindi masabi ang nararamdaman."

Sinimulan niya ang pagkanta na puso ng emosyon ang puso niya. Mga emosyong ilang beses na niyang kinubli at itinago sa lahat. Lalo na sa kaniya.

"Hindi makalapit sadyang nanginginig na lang."

Maraming tao ang nanonood sa kaniya ngunit nakapako ang paningin niya sa nag-iisang babae na nakaupo sa isang sulok at pinanonood siya.

"Mga kamay na sabik sa piling mo, ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo."

Pinagpatuloy niya ang pag-galaw sa gitara niya na iniregalo pa sa kaniya ng babaeng pinagmamasdan niya ngayon.

"Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo."

Naisipan niya ang kantang iyon dahil bawat liriko nito ay sinasabi ang nararamdaman niya. Napapagod na siyang makita na umiiyak ang babae sa lalaking hindi naman siya mabigyan ng halaga. Paulit-ulit nakakasawa. Gustong-gusto niyang sabihin dito na sana siya na lang.

"Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang. Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin."

Paulit-ulit niyang hinihiling na kung hindi man siya yung taong makakapagpasaya ng lubusan sa Bestfriend niya. Sana makahanap ito ng taong magmamahal sa kaniya ng totoo, yung mahihigitan ang pagmamahal na kaya niyang ibigay para rito.

"Hindi mapakali
Hanggang tingin nalang."

Bilang kaibigan ay lagi siyang nasa tabi nito. Pinapasaya at minamahal niya ang babae ng palihim. Ilang beses na rin niyang sinubukan na sabihin ang nararamdaman dito pero natatakot siya. Takot siya sa maaring kalabasan nito.

Bumubulong sa'yong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko."

Matagal na niya itong mahal. Simula nung gabing iyon. Hindi na mawala sa isip niya ang kakaibang imahe ng babae. Hanggang sa kunti-kunting nagbago ang pagtingin niya rito. Nagising na lang siya isang araw na mahal na niya ang babae, ang Bestfriend niya.

"Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo."

Nginitian siya ng babae na nagpalakas ng kabog ng dibdib niya. Sa simpleng kilos nito ay iba ang dating sa kaniya. Nakakakaba nakakahulog.

"Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang. Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin."


Ang malamig niyang boses ang tiningala ng ilang manonood ngunit ang buong atensyon niya ay nakatutok lamang sa iisang babae na inaalayan niya nang bawat liriko nang napiling kanta.

"Ohhh woahhhh..."

Napansin niya ang naluluhang mata ng babae habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam kung anong dahilan ngunit patuloy parin niyang tinititigan ang babae.

"Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo."

Paulit-ulit man siyang umasa sa pagmamahal ng kaibigan ay ayos lang. Hahayaan na lamang niya ang puso niyang kusang sumuko at mapagod.

"Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang. Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin."

Hindi na naalis ang mga mata niya sa babae buong kanta. Ito ang pinakamagandang bituin na nakita at nasilayan niya. Paulit-ulit pumapasok sa isipan niya ang pangalan ng babae ng inaalayan niya ng kanta.

"Ng mga bituin."

Chantal Tabitha Gonzales

"Ng mga bituin."

Chantal Tabitha Gonzales

"Ng mga bituin."

Chantal Tabitha Gonzales

KELAN

Palakpakan ng mga tao ang una kong narinig matapos kong kumanta. Nakangiting tinignan ko sila bago ipukol ang paningin ko sa kaniya.

Nakangiti siya at nag-thumbs up saakin. Bahagya akong napangiti bago bumaba sa stage at dumiretso sa back stage ng lugar.

"Galing mo pare!" Bati saakin ng ilang mga mag-peperform din at kakilala ko na. "Salamat." Maikling tugon ko bago inilapag ang gitara ko sa isang upuan at uminom ng tubig para sa mga contestant.

"Para kanino yung kanta mo pare ah?" Nang-aasar na tanong saakin ni George matapos kong uminom ng tubig. Isa sa mga kaklase namin na kaibigan ko. Isinama ko siya sa backstage at hinihintay ako.

"Wala." Natatawang tugon ko sa kaniya bago umupo sa tabi niya. "Sus. Kunwari ka pa. Aminin mo, para kay Chantal no?" Siguradong-sigurado na aniya saakin.

"Hindi no." Depensa ko na inilingan niya. "Kunwari ka pa. Sinabi mo kaya saakin na gusto mo siya." Bahagya ko siyang pinalo sa dibdib.

"Tumahimik ka baka may makarinig sayong kakilala natin." Suway ko.

"Umamin ka na kase sa kaniya. Malay mo gusto ka rin pala."

Hiling ko lang.

"Tsk. Iniyakan nga lang ako last week dahil sa mokong niyang ex eh. Bwisit na yun." Bahagya nanaman akong nainis ng maalala ang pag-iyak niya saakin.

"Pero ang galing mo kanina. Bilib ako sayo. Inilabas mo yung emosyon mo sa bawat liriko nung kanta. Ano nga ba iyon?"

"Bulong, December Avenue." Maikling sagot ko bago tumayo at inilagay na sa lalagyan ang gitara ko.

"Yun! Bagay na bagay sa nararamdaman mo yung kanta.".

"Kaya nga yun ang pinili ko eh." Natatawang sagot ko sa kaniya.

Ilang sandali ang lumipas at natapos na ang lahat ng contestant. Hinihintay na kang yung resulta ng judging para sa awarding.

"Candidates, Embrace yourself for this is the result of the judging!" Kinakabahan ako sa boses ng Emcee.

Marami pa siyang tinawag na pangalan para sa award nila ngunit hindi pa nababanggit ang pangalan ko.

"And for the winner of this Contest is..." Hindi ako mapakali sa back stage.

"Pumirmi ka nga. Hindi ako mapaka—" Naputol ang sasabihin ni George nang magsalita na ang Emcee.

"Kelan Bryant Federino!" Umalingawngaw ang pangalan ko sa buong stage. Malaking ngiti ang umukit sa mukha mo ng marinig ang pangalan ko.

Umakyat ako muli sa stage para kunin ang Award ko. Isang glass trophy ito at nakikita ang repleksyon ko. Kakaiba ang ganitong trophy kaya gustong-gusto ko na manalo rito.

Mas lumakas ang palakpakan ng mga tao ng makuha ko na ang Award ko. Sinisigaw nila ang pangalan ko. Ang iba kase sa kanila ay taga-school lang din at kilalang-kilala na ako kaya ganon na lamang karami ang supporters ko.

"Mag-lilibre na yan!" Sigawan ng mga kaklase at ka-schoolmate ko nang makalabas kami mula sa backstage matapos ang Contest.

"Bestfriend ko to!" Proud na proud na sabi ni Chantal sabay akbay saakin habang ginugulo ang buhok ko.

Binigyan ako ng nanunusok tingin ni George na hinayaan ko na lang.

Bestfriend. Walang hiyang yan. Hanggang doon lang ako.

"Libre ka na Kelan! Maaga pa naman eh. Tsaka todo sigaw kaya kami kaya dagdag audience impact." Pagtataas nila sa sarili na tinawanan ko.

"Wala akong narinig." Pabirong aniko.

"Aba syempre. Sa isa lang naman diyan nakatutok ang paningin mo buong kanta eh." Pang-aasar nila.

"Ayieeee." Hiyawan nila.

"Mga loko kayo. Tara na sa malapit na samyupseoul!" Naghiyawan naman sila sa narinig bago kami naglakad patungo roon.

"Aba marami-rami kayo ngayon ah." Masayang bati saamin ng tindera ng makapasok kami sa loob. Madalas kase kami ni Chantal dito na kami lang dalawa.

"Mag-lilibre po tong kaibigan namin. Nanalo po sa Contest sa kabilang barrangay." Madaldal na sabi ni George sabay taas ng trophy na hawak-hawak ko.

"Congratulations ijo." Masaya akong tinanggap iyon at nagpasalamat bago kami umupo sa upuan at hinintay ang order namin. Sa tabi ko ay si Chantal sa gilid naman ay si George, sa madaling sabi ay pinag-gigitnaan nila ako sa mahabang lamesa na kinauupuan namin ngayon.

"Grabe! Hanep ng boses mo Kelan! Napakalamig." Muling papuri nila saakin.

"Syempre nasa-isip ang inspirasyon eh." Pinandilatan ko nang mata si George. "Si Jaiden! Crush na crush mo yan eh." Pag-iiba niya ng tinutukoy. Isa sa mga kaklase namin.

"Kelan, seryosong usapan ah. Sigurado kana bang bakla ka?" Tanong saakin ni Wendy. Babaeng kaklase namin.

"Oo naman." Agad na tanong ko. Nakita ko nanaman ang nang-aasar na tingin ni George saakin.

"Sayang ka talaga eh no. Nasayo na ang lahat eh. Gwapo, matalino, mabait dagdag points na lang yung maganda ang boses mo kaso baklita ka." Umiiling na aniya saakin.

"Edi patinuin mo." Pang-aasar ng mga kaklase ko sakaniya.

"Gustong-gusto ko no. Kung pwede kay C-chantal." Humina ang boses niya ng sabihin ang pangalan nito sabay tinging rito. Natahimik nang ilang sandali habang naghihintay nang sagot niya. Akward.

"O-oo naman no. Wala naman akong kinalaman dun. Bestfriend ko lang yan." Nakangiting aniya na kinahiyaw nanaman nila.

Sampal nanaman sa mukha ko iyon. Pangalawa na yan.

"Edi support kami sa team Wendel." Ani ng ilan.

"Anong Wendel?" Nagtatakang tanong ni George. "Edi Wen for WENdy and El for KELan."

"Bagay." Panunudyo ng iba.

"Tapos kapag sila ang nagkatuluyan edi Wendel na lang ang pangalan ng anak nila."

"Pwede ring KenDy, para sweet." Tumatangong suhestiyon ng iba pa.

"Mas bagay ang LanDy. As in ma-lanDy." Tawanan kami ng sabihin iyon ng isa sa mga kaklase namin.

Nagkwentuhan pa kami saglit bago dumating ang pagkain. Napuno nang kwentuhan at asaran habang kumakain kami. Medyo gabi na nang matapos kami at nagkaniya-kaniyang uwi na sila.

"Grabe. Ang galing-galing mo kanina." Simula niya sa usapan habang naglalakad kami sa loob ng Subdivision kung saan kami nakatira.

Syempre ikaw ang inspirasyon ko.

"Todo practice kase tayo." Natatawang tugon ko sa kaniya. Madalas siya sa bahay namin para pakinggan ang pag-awit ko.

"Sigurado akong proud na proud sayo si Tita. Ilang beses ka na kayang nanalo sa mga contest na sinasalihan mo."

"Hmm." Tumango ako. "Sayang at hindi ko nakilala ang tatay ko. Sabi kase ni Mama sa kaniya daw ako nagmana eh." Masayang sabi ko.

"Iniwan niya kayo ni Tita diba? Bakit gusto mo parin siyang makita?" Tanong niya. Nag-kibikit balikat ako.

"Hindi ko rin alam eh. Pagbalik-baliktarin ko man ang mundo tatay ko parin siya. Nang-galing ako sa kaniya at nang-galing siya saakin. Handa naman akong pakinggan ang dahilan niya."

"Paano kung hindi sapat ang dahilan niya?" Muli niyang tanong.

"Ewan ko. Hindi ko alam eh."

"Oh sige na. Ito na yung bahay namin. Ingat ka." Nakangiting aniya bago kami tumigil sa tapat ng gate.

"Maka-ingat ka naman. Akala mo ang layo-layo ng bahay namin. Magkatapat lang kaya tayo." Natatawang sabi ko sa kaniya na bahagya niya ring kinatawa bago pumasok sa gate nila.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit pangbahay bago humiga sa malambot kong kama at hinayaan na lamunin ako ng antok.

Kaibigan. Isang salita na pwedeng masayang pakinggan pero maari ka ring saktan. Mga salitang tumutukoy sa anong relasyon meron kami.

Sawang-sawa na akong harapin ang realidad na iyon pero ano bang magagawa ko? Yun naman talaga kami eh. Nasasaktan ako tuwing binabanggit niya na hanggang dun lang kami, dahil ako? Gusto kong higit pa dun.

Binago niya ako ng sobra. Ang akala kong babakla-baklang Kelan ay binago ng Nakakabighaning Chantal sa isang saglit lang.

Napapikit akong alalahanin kung paano nagsimula ang lahat. Kung paano binago nang gabing iyon ang katauhan ko. Kung paano niya ako napa-ibig sa isang saglit. Tsk. Nakakainis siya.

Continue Reading

You'll Also Like

998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
123K 5.9K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]