When Two Broken Souls Collide...

By 2KG4LOFBLOOD

2.1K 64 2

Where do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there... More

Prologue
WTBSC 1
WTBSC 2
WTBSC 3
WTBSC 4
WTBSC 5
WTBSC 6
WTBSC 7
WTBSC 8
WTBSC 9
WTBSC 10
WTBSC 11
WTBSC 12
WTBSC 13
WTBSC 14
WTBSC 15
WTBSC 16
WTBSC 17
WTBSC 18
WTBSC 19
WTBSC 20
WTBSC 21
WTBSC 22
WTBSC 23
WTBSC 24
WTBSC 25
WTBSC 27
WTBSC 28
WTBSC 29
WTBSC 30
WTBSC 31
WTBSC 32
WTBSC 33
WTBSC 34
WTBSC 35
WTBSC 36
WTBSC 37
WTBSC 38
WTBSC 39
WTBSC 40
WTBSC 41
WTBSC 42
WTBSC 43
WTBSC 44
WTBSC 45
WTBSC 46
WTBSC 47
WTBSC 48
WTBSC 49
WTBSC 50
WTBSC 51
WTBSC 52
WTBSC 53
WTBSC 54
WTBSC 55
WTBSC 56
WTBSC 57
WTBSC 58
WTBSC 59
WTBSC 60 | Finally Whole Again
Epilogue | Final Collision
Special Chapter

WTBSC 26

19 1 0
By 2KG4LOFBLOOD

Maria Bella

"You don't have to say thank you Bella. Looking at your siblings makes me so overwhelmed. Don't you know that I'm an only child? You're so lucky that you them." Simpleng sagot sa akin ni Sir Ravanni habang nakatingin din sa mga kapatid ko.

"Wala po kayong kapatid?" Pag-uulit ko sa kanya at tumango lang naman sya sa akin.

"And my Mom was died the day I was born." Sagot nya sa akin kaya napatingin na ako sa kanya. Kaya ba ganito sya kabait agad sa mga kapatid ko at kay Nanay?

"Sorry po kung ipinaalala ko pa sa inyo."

"No. It's okay it's been a years na naman at tanggap ko na. Isa pa ay nandyan naman si Dad." Nakangiti nyang sabi sa akin pero alam ko naman na pilit 'yon. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko sya icocomfort.

"What's this? Is this for me?" Tanong nya sa akin para mawala ang awkwardness sa pagitan namin. Agad ko naman syang ikunaha ng Tinapik ay iniabot 'yon sa kanya.

"Tikman nyo po. Luto po 'to ni Nanay sana magustuhan nyo." Sabi ko sa kanya at nakita ko naman na tinikman nya 'yon at napangiti ako dahil mukhang nagustuhan nya.

"What do you call this food? It taste good." Sabi nya at tumikim pa ulit doon.

"Ang tawag po dyan Sir ay Tinapik."

"Tinapik?"

"Yes po. Gawa po yan sa kamote at asukal tapos nilagyan po ng margarine. Masarap po ba? Mukhang hindi nyo po nagustuhan ah?" Medyo pang-aasar ko sa kanya pero ngayon mukhang ayaw na nya bitawan ang platito nya. Inuubos na nya 'yong nilagay ko doon.

"It's just three ingredients but it taste really good. Bakit wala nito sa Manila?" Sabi nya kaya napatawa na ako sa kanya.

"Mukhang may bisita tayo ah?" Halos mapapitlag naman ako nang marinig ko si Aki sa gilid ko at humalik sa pisngi ko. Nakatalikod kasi ako sa harapan namin kaya hindi ko na napansin ang pagdating nya.

"Ah Sir Ravanni si Achilles kapatid ko." Pagpapakilala ko sa kanya at iniabot naman ni Sir Ravanni ang kamay nya kay Aki at tinanggap naman nya agad ito.

"Nice to meet you Achilles. I'm Ravanni,your Ate's friend."

"Aki na lang." Seryosong sabi nito at mukhang masama ang tingin kay Sir Ravanni saka ito tumingin sa akin na nakataas pa ang kilay. Mukhang wala sya sa mood at sa itsura nyang 'to mukhang naiinis sya sa akin. Bakit naman kaya?

"Aki ano ba?" Saway ko sa kanya dahil hindi nya parin binibitawan ang kamay ni Sir Ravanni at masama parin ang tingin nya dito. Bumitaw naman na sya nang akmang lalapitan ko na sya at walang sabing dumeretso papasok.

"Pasensya ka na kapatid kong 'yon Sir talagang ganon lang sya pero mabait naman po 'yon." Sabi ko agad kay Sir Ravanni at tumango lang sya sa akin.

"Gusto nyo pa po ba? Ikukuha ko pa po kayo sa loob-"

"No thank you, I'm fine. Nabusog na ako." Sagot nya lang sa akin at may sasabihin pa sana ako sa kanya nang tumunog ang phone nya. Sinabi naman nya na sasagutin nya lang ang tawag kaya tumango na lang ako sa kanya at medyo lumayo sya sa akin.

"Where's the stuffs Arcel? Nandito na kami sa Batangas...Yeah. Just tell to Dad that I'm busy... of course babalik ako pero mga ilang araw pa...okay that's good. Isunod nyo na agad 'yan dito okay?...Yes. yes. Bye."

"I'm sorry it's just my assistant." Sabi nya sa akin kaya nahihiya akong tumungo sa kanya. Mukhang andami nyang trabaho na iniwan sa Manila kaya may tumatawag sa kanya na assisgqnt nya.

"Mukhang busy po kayo sa trabaho nyo pero sinamahan nyo parin po ako dito. Huwag po kaya mag-alala kung gusto nyo po pwede na po kayong umuwi bukas. Okay lang naman po sa akin. Magbabyahe na lang po ako pabalik sa Mayni-"

"What are you talking about? Sabay tayo pumunta dito kaya sabay din tayong babalik sa Manila okay?" Putol nya sa sinasabi ko kaya lalo akong nahiya sa kanya.

Pagkatapos noon ay madami pa kaming napag-usapan ni Sir Ravanni dahil napakadami nyang tinanong tungkol sa pamya ko lalo na sa mga kapatid ko. Nalaman ko rin na ito ang unang beses nya na pumunta sa isang probinsya dahil palagi syang nasa city o kaya ay sa ibang bansa nagbabakasyon. Pagdating naman ng hapunan ay sabay sabay kaming kumain nina Sir Ravanni. Nagluto si Nanay para sa aming lahat. At mukhang dito na magkakatanungan dahil kanina ko pa nahahalata si Nanay na madami syang gustong itanong kay Sir Ravanni.

"Kumain na tayo." Sabi ni Nanay pagkatapos namin magdasal.

"Kuya Ravanni tikaman nyo po 'tong Pinakbet ni Nanay masarap po yan dahil may Alamang. Special po 'yan." Sabi ni Delaney at ipinaglagay pa sa plato si Sir Ravanni.

"Sige na Delaney kumain ka na." Sabi ko sa kanya dahil mukhang mas nahihiya sa kanila si Sir Ravanni. Ipaglalagay ko na sana ng kanin si Sir Ravanni sa plato nya ng pigilan nya ako.

"Ako na. Sige na kumain ka na." Nahihiyang sabi nya sa akin kaya naupo na lang ako ng ayos at nagsimula na rin na kumain.

"Ano ngang pangalan mo iho?" Tanong ni Nanay kay Sir Ravanni. Mukhang nag-uumpisa na sya. Pero sana naman huwag na nya ikwento pa ang mga kabataan ko dahil sa tuwi na lang may mapapaunta dito ay ikinukwento nya ang kabataan ko na medyo nakakahiya talaga.

"Ravanni Onido po." Magalang na sagot ni Sir Ravanni.

"Onido? Parang naririnig ko ang apelyido na 'yan hindi ko lang matandaan kung saan."

"Nay, hayaan nyo na po kumain na po muna tayo." Sabi ko na lang sa kanila pero tinaasan lang ako ng kilay ni Nanay. Ibig sabihin nyan nakabwelo na sya. Kinakabahan tuloy ako sa susunod nyang itatanong.

"Nobyo ka ba ng panganay ko huh iho?" Halos masamid kami parehas ni Sir Ravanni sa tanong ni Nanay. Sinasabi ko na nga ba.

"H-Hindi po."

"Kung ganon ay may balak ka bang ligawan sya?" Seryosong tanong ni Nanay.

"Malamang Nay, mukha namang may gusto sha kay Ate. Kita ko ang ngiti ng lalaking yan kanina kay Ate." Sabat naman agad ni Aki kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Kung papayagan nyo po ako ay liligawan ko po si Bella." Deretsong sabi ni Sir Ravanni kaya nagtataka akong tumingin sa kanya. Ano bang pinagsasabi nya. Nakita ko naman na medyo nag-iba ang mukha ni Nanay sa sinabi ni Sir Ravanni at naiintindihan ko sya.

"Talaga po ba Kuya Ravanni? Bagay na bagay po kayo ni Ate."

"Oo nga po Kuya. Saka po mukha po kayong mas mabaig kesa kay Kuya Cohen. Pinaiyak nya lang si Ate namin.' Sunod naman ni Delaney kaya sinamaan ko rin naman sya ng tingin kaya tumigil sya at bumalik na lang ulit sa pagkain.

"Pinayagan ka na ba ng anak ko?"

"Hindi pa p-"

"Kung ganon ay hindi rin ako papayag." Mabilis na sagot ni Nanay kaya napapahiya na lang na tumango si Sir Ravanni sa kanya.

"Nagbibiro lang po sya Nay. Kumain na lang po tayo." Sabi ko na lang sa kanila dahil mukhang sumeryoso na si Nanay.

"Pipili ka nanaman Ate ng mayaman tapos iiwan ka rin naman sa huli. Tsk!" Sabi ni Aki at tumayo na ito sa lamesa. Siguro iniisip nila na magiging boyfriend ko si Sir Ravanni at iniisip nila na mauulit nanaman ang nangati sa amin ni Cohen noon.

"Aki ano ba?" Medyo naiinis na rin na sabi ko sa kanya dahil nagiging bastos na sya. Nandito pa man din si Sir Ravanni

"Achilles bumalik ka dito. May bisita tayo huwag kang bastos." Mahinahon na sabi ni Nanay kaya napatigil si Aki sa paglalakad.

"Bumalik ka dito sa kinauupuan mo at tapusin mo ang hapunan." Mahinahon parin na sabi ni Nanay pero alam kong nagpipigil lang sya ng inis dahil sa inasta ni Aki. Bumalik naman si Aki sa kinauupuan nya at nakabusangot na itinuloy ang pagkain nya. Mabuti na nga lamang at takot kaming lahat kay Nanay dahil kung hindi matagal nang naging pasaway ang mga kapatid ko o maging ako.

"Pasensya ka na talaga Sir Ravanni." Bulong ko kay Sir Ravanni pero nginitian nya lang naman ako.

"Pasensya ka na sa inasta ng anak ko iho. Ganyan lang talaga sya kaya sana ay huwag mo na lang intindihin. Sige na kumain na tayo." Sabi ni Nanay sa amin kaya hanggang sa matapos ang hapunan ang sina Delaney at Kenzo lang ang nagkukwento habang kumakain kami. Kinakausap nila ng kinakausap si Sir Ravanni at mukha namang enjoy na enjoy ito sa mga kapatid ko.

"Ako na ang maghuhugas." Napatingin ako kay Sir Ravanni dahil sa sinabi nyang 'yon. Sa condo nga nya ay hindi sya naghuhugas ng plato at nagpapahousekeeping pa sya para maglinis ng condo nya tapos maghuhugas sya ng plato dito ngayon?

"Hindi na Sir. Ako na po. Magpahinga na lang po kayo sa terrace o kaya po manood po kayo ng TV sa sala."

"No. I'll do the dishes." Sabi nya sa akin pero pinigilan ko sya dahil alam ko namang hindi sya marunong maghugas ng plato.

"Sige na po Sir ako na po."

"Okay let me just help you instead." Sabi nya sa akin at dinala sa may lababo namin ang lahat nang maduduming plato.

"Dito na lang Sir Ravanni pwede na po kayong pumunta sa sala."

"Saan ka kukuha ng panghugas dyan? Walang gripo an-"

"Mag-iigib po ako dyan sa poso. May poso po kami dyan sa may likod ng bahay kaya po pumunta na po kayo doon at ako na po ang bahala dito."

"Poso? What's poso?"

"Basta Sir mahirap po eexplain eh. Basta po kuhanan po sya ng tubig."

"Then, iigib ako sa poso para may ipanghugas ka. Alin ba ang ginagamit nyo dito?" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sobrang kulit nya talaga. Mukhang ayaw nya talaga paawat. Iniabot ko na lang sa kanya ang timba at sinamahan sya papunta sa may likod ng bahay namin. Malapit lang naman 'yon at may bubong lang din na nakakabit sa bahay namin. Mukha lang itong silong.

"Ilagay nyo lang po 'yan dyan." Sabi ko sa kanya at isinahod naman nya ang timba at ako na ang nagbomba.

"Whoa! Amazing ngayon lang ako nakakita nito. Dito talaga kayo umiigib? Can I try this?" Tanong nya sa akin at hindi ko alam kung mapapatawa ba ako sa kanya o ano dahil sa kawierduhan nya. Hinayaan ko na lang sya at itinuro sa kanya kung paano magbomba. Mukha naman syang bata na tuwang tuwa doon. Palibhasa walang ganito sa condo nya ay mukhang dito ko sya nasano. Napatawa tuloy ako doon sa naisip ko. At pagkatapos nga ng igiban na 'yon at paghuhugas ng plato ay dumeretso na kami sa kwarto. Meron kaming dalawang kwarto at sa kabila ay doon sina Nanay si Blaine at si Delaney tapos kasama ko naman si Kenzo at si Aki. Pero dahil nandito si Sir Ravanni ay kay Nanay muna matutulog si Kenzo dahil mas malaki ang kama doon at mas maluwang ang kwarto.

"Dito na po kayo mahiga Sir Ravanni." Turo ko doon sa papagnamin na nilagyan namin ng kutson at kumot bilang panglatag at pinalitan ko na rin ang mga punda para sa kanya.

"Where are you going to sleep?"

"Dito na lang kami tabi ni Aki may panglatag naman po kami. Sige na po magpahinga na po kayo."

"No. Dito ka na sa kama ako na lang dyan sa sahig."

"Naku hindi na po Sir Ravanni. Sanay naman po ako dito mananakit po ang likod nyo dit-"

"Just let me Bella. Hindi rin naman ako makakatulog dito knowing na dyan ka sa sahig natutulog." Sabi nya sa akin at doon sya pumwesto sa may nilatag ko sa sahig. Makakatabi nya si Aki.

"Dito ka nga sa tabi ko. Anong akala mo matatabihan mo si Ate?" Napatingin naman kami bigla sa pagpasok ni Aki. Dumeretso na rin sya doon sa higaan.

"Aki tutulog na nga lang mainit parin ang ulo mo." Sabi ko sa kanya pero binalewala na nya ako at nagbalot na sya ng kumot nya. Wala na rin naman akong nagawa kundi mahiga doon sa kama dahil nahiga na doon sa magiging pwesto ko sana si Sir Ravanni.

"Good night Bella." Bulong nya habang nakatingin sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Good night po Sir Ravanni." Sabi ko na pang bago  ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko at nakatulog.













xyvil_keys

Continue Reading

You'll Also Like

8.2K 332 51
A story of a typical teenagers who happens to walk in the same journey but with different challenges. Sabi nila ang pinakamasayang yugto daw ng buhay...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
33.5K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
3.6M 57.5K 16
TITLE: UNTIL I'M FORGIVEN (SPG) TEASER: Hindi mawari ni Amber ang nararamdaman habang nakatingin sa kanyang dating asawa. She did all the p...