𝑴𝑨𝑵𝑰𝑳𝑨 𝑩𝑶𝒀 𝑴𝑬𝑬𝑻...

By alleiaryll02

54.6K 2K 37

Paano kung magtagpo ang isang city bad boy at ang isang probinsyana? More

(PROLOGUE)
(CHAPTER 1)
(CHAPTER 2)
(CHAPTER 3)
(CHAPTER 4)
(CHAPTER 5)
(CHAPTER 6)
(CHAPTER 7)
(CHAPTER 8)
(CHAPTER 9)
(CHAPTER 10)
(CHAPTER 11)
(CHAPTER 12)
(CHAPTER 13)
(CHAPTER 14)
(CHAPTER 15)
(CHAPTER 16)
(CHAPTER 17)
(CHAPTER 18)
(CHAPTER 19)
(CHAPTER 20)
(CHAPTER 21)
(CHAPTER 22)
(CHAPTER 23)
(CHAPTER 24)
(CHAPTER 25)
(CHAPTER 26)
(CHAPTER 27)
(CHAPTER 28)
(CHAPTER 29)
(CHAPTER 30)
(CHAPTER 31)
(CHAPTER 32)
(CHAPTER 33)
(CHAPTER 34)
(CHAPTER 35)
(CHAPTER 36)
(CHAPTER 38)
(CHAPTER 39)
(LAST CHAPTER)

(CHAPTER 37)

1.1K 40 2
By alleiaryll02

— CHAPTER 37 —

» KIAN'S POV «

Katatapos lang ng laro namin and guess what, kung sino ang nanalo? hahaha.

Syempre walang iba kung hindi kami haha.

Puro congrats ang mga naririnig ko sa mga tao pero hindi ko man lang sila magawang pansinin dahil kanina pa ako hindi mapakali.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din bumabalik si Czarina.

“Hailey.. Venice.. hindi pa din ba dumadating si Czarina?” nag aalalang tanong ko naman sa kanila.

“Hindi pa nga eh.. kanina ko pa din siya hinahanap pero hanggang ngayon ay hind pa din siya bumabalik.” sagot naman ni Venice

“Kanina kasi ay narinig ko siyang nagpa alam sa amin na iihi lang daw siya, kaya naman pinabayaan ko na lang siyang umalis.” saad naman ni Hailey.

“Sige, salamat. Pupuntahan ko na lamang siya.” saad ko naman at mabilis na tinahak ang daan patungong cr.

Pagkadating ko naman ay pinasok ko na ang loob dahil mukhang wala naman tao.

“H-HEEEAAAAARRTTTTTTT... NANDYAN KA BA?” Tawag ko naman sa pangalan niya, ngunit walang sumasagot.

Napadako naman ang tingin ko sa gilid at laking gulat ko ng may dugo na tumatagas sa sahig.

Nag simula ng bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga nakita ko, sigurado akong may nangyaring hindi maganda sa kanya.





— KENDRICK'S HOUSE —



Kanina pa kami nandito sa loob ng bahay nila Kendrick at tinawagan na din namin ang cellphone ni Czarina ngunit nakapatay  ito.

Sinubukan na din namin tawagan ang Manager niya pero kahit ito ay hindi rin alam kung na saan si Czarina, dahil hindi pa daw ito umuuwi sa condo unit niya.

“Anong ba kasing nangyari?” tanong naman ni Caden.

“Juskooo! Nasaan na kaya ang pinsan ko? Pagkatapos ng nangyari sa Gala night, ay meron na naman pa eksena ganito huhu. Czarina asan ka na ba kasi bruha ka, malalagot ako nito kala Tita at Mama eh huhuhu.” Umiiyak na saad naman ni Venice.

“Wala naman sana mangyari sa kanyang masama.” nag aalalang saad naman ni Hailey.

“Pagpunta ko ng banyo kanina may mga dugo akong nakita sa sahig at sa tingin ko ay... m-may h-hindi magandang nangyari kay Heart.” saad ko naman.

Kanina pa kami hindi mapakali at nag iisip kung saan pwedeng pumunta si Czarina.. maya maya lang ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Agad na sinagot ko naman ito at lumapit naman sa akin sina Caden.

“Hello Love? Bwhahahaha! Kumusta ka na? Hinahanap mo ba ang babaeng pinaka mamahal mo?” Alam ko na agad kung kanino boses ‘yon at alam kong si Eunice ang nasa kabilang linya.

Biglang naman nag init ang mga tenga ko sa narinig ko mula sa kanya.

“HAY*P KA EUNICE.. SAAN MO DINALA SI CZARINA, HA?” Galit na sambit ko dito.

“OHH BWHAHAHAHAHA! Chill ka lang Love dahil buhay pa naman siya.” tumatawang sagot naman nito sa kabilang linya.

“Wag mo na akong matawag tawag nyan at diretsohin mo na lamang ako. Ano bang kailangan mo, ha? Pakawalan mo na siya, dahil wala naman ginawang masama sa’yo si Czarina.” asik ko pa dito.

“Simple lang naman ang kailangan ko eh.. at alam mo na yun hahaha. l need money.” sagot nito.

“Magkano ang kailangan mo?” direstong tanong ko sa kanya.

“Fifty million cash.. at kapag hindi niyo na ibigay agad ang gusto ko.. BOOMMMMM! Magpaalam na kayo sa pinaka mamahal ninyong Probinsyana BWAHAHAHAHAHAHAHAHA.” dagdag pa niya.

“Pero masyadong malaki ang hinihingi mo, hindi ako agad makakalabas ng pera sa bangko lalo na kung ganyan kalaki.” saad ko naman.

“Sige. Madali naman ako kausap ehh.. kaya simulan niyo na magpa alam sa babaeng ito.” At ipinarinig naman niya sa akin ang boses ni Czarina.

“ARGGGGGHHHHHHHHH! HAY*P KA EUNICE NAPAKA SAMA MO, DAPAT KANG MAPUNTA SA IMPYERNO.. HAY*P KA!” sigaw naman ni Czarina sa kabilang linya.

“Oh ano Kian, mamili ka.. buhay ng pinaka mamahal mo o ang pera na hinihingi ko?” diretsahan tanong niya sa akin.

“Sige ibibigay ko ang hinihingi mo basta huwag mo lang sasaktan si Czarina.” seryoso sabi ko.

“Hahahaha madali ka naman pala kausap eh, kung sabagay nandyan naman nga pala sila Kendrick at Caden na handang tumulong para sa Probinsyanang ito hahahaha.” Nang aasar na sabi pa niya na lalong ikina-init ng ulo ko.

“Manahimik ka! Eto ang tatandaan mo, sa oras na saktan mo si Czarina pag sisisihan mong nabuhay ka pa dito sa mundo.” galit na sagot ko sa kanya.

“Okay, sige.. basta ibigay mo ng buo ang kailangan ko para hindi masaktan ang pinaka mamahal mo hahaha. Magkita na lang tayo mamayang 8:00pm sa *********.” dagdag pa niya.

At agad na pinatayan naman niya ako ng tawag.

Pagkababa ko ng cellphone ay agad na inusisa naman nila ako.

“Anong sabi ng dem*nyetang Eunice na yan?” galit na tanong ni Hailey sa akin.

“Anong gagawin natin? huhuhu.” umiiyak pa din na sambit ni Venice.

“Fifty million cash ang hinihingi niya sa akin at hindi ako makaka labas agad ng ganon kalaking pera sa bangko.” saad ko naman.

“Tutulong ako.” presenta naman ni Caden.

“Ako din.” saad naman ni Kendrick.

“And also me.” naka ngiti sambit ni Hailey.

“Halaaa! Paano ako makaka tulong? Wala akong pera ganyan eh.” malungkot na saad naman ni Venice.

“Don’t worry Venice.. dahil kami ng bahala sa lahat.” pag papagaan naman ng loob ni Kendrick sa kanya.

“Salamat sa inyo.” saad ko naman.

“You’re welcome! Basta tulong tulong tayong lahat para mailigtas natin ng buhay si Czarina sa dem*nyetang Eunice na yun. Hmmp!” ani Hailey.

“Bwisit talaga ang babaeng yun eh. Kahit kailan mukhang pera talaga.” galit na saad naman ni Kendrick.

“Tama ka dyan, Dude. Mukhang pera talaga si Eunice dahil isa din ako sa mga na biktima niya dati.” pag amin naman ni Caden.

“Manloloko at manggagamit din ang impaktang babaeng yun.” gatol pa ni Hailey.

“Pero paano tayo makaka labas ng ganon kalaking pera?” tanong ko naman sa kanila.

“Ako ang bahala.” saad naman ni Caden.

Buti na lamang ay nandyan sila para tulungan akong mabawi si Czarina.


» CADEN'S POV «

— LUMANG BODEGA —

Pinag planuhan na namin ang lahat bago pa kami pumunta sa lugar na sinasabi ni Eunice.

Napagka sunduan namin na si Kian na muna ang magpakita sa kanila at kausapin si Eunice.

Nakatago lamang kaming apat sa isang madilim na sulok habang pinakikinggan ang mga pinag uusapan nila.

“Nasaan si Czarina?” seryosong tanong naman ni Kian sa kanila dahil kasama pala ni Eunice ang lalaki niya pati na din ang mga tauhan nito.

“Hahahaha.. chill ka lang pre at makikita mo din ang pinaka mamahal mong babae.” sagot naman ng isang lalaki ni Eunice sabay akbay dito. (Gerald)

“Nasaan ang pera?” tanong agad ni Eunice kay Kian.

‘Tsk! Kahit kelan talaga mukhang pera ang babaeng ito.’ naiinis na sabi ko sa aking isipan.

“Nandito sa bag na dala ko. Now, where is she?” tanong ulit ni Kian sa kanila.

Dalawang malaking bag ang dala dala ni Kian dahil sa laki ng pera na hinihingi ni Eunice.

Pero hindi talaga fifty million ang pera na nasa loob nun, kung hindi twenty million lamang dahil alam namin na mas tuso ang babaeng yan.

Inilabas naman ng mga tauhan ni Eunice si Czarina na puro pasa.

Agad na binitawan naman ni Kian ang hawak niyang bag at agad na tumakbo sa kinaroroonan ni Czarina.

Mabilis na kinuha naman ni Eunice ang bag na hawak ni Kian kanina.

“H-Heart, okay ka lang ba?” nag aalalang tanong naman ni Kian kay Czarina.

Alam kong sa puntong ito ay hirap na hirap gumalaw si Czarina dahil sa dami ng pasa at sugat nito sa katawan.

“O-Okay l-lang a-ako.” Kahit nahihirapan ay nagawa pa din makapag salita ni Czarina.

“HAY*P KA EUNICE! HINDI BA SINABI KO NA SA IYONG WAG MONG SASAKTAN SI CZARINA, PERO ANO GINAWA MO SA KANYA? PINAHIRAPAN NIYO SIYA. HAY*P KA TALAGA PAG SISISIHAN MO ANG GINAWA MONG ITO!” At akmang susugod na si Kian ay bigla naman siyang tinutukan ng baril ng mga tauhan ni Eunice.

“Bwahahahahahaha! Anong akala mo sa akin tanga? Eh hindi naman fifty million ang pera na nasa loob ng bag na dala mo at inaasahan ko na din na mangyayari ito, kaya wag ako ang gawin ninyong tanga dahil mas tuso ako sa inyong lahat.” Saad naman ni Eunice at tumingin sa direksyon namin.

“Ano pang tinatago tago niyo dyan mga hangal? Hahahaha. Akala niyo ba ay hindi ko kayo makikita?” Dagdag pa ni Eunice.

Lumabas naman kaming apat sa pinag tataguan namin at tinutukan naman kami ng mga tauhan niya ng baril.

"OHH MY GOD! Ayoko pa mamatay huhuhuhu.” sambit naman ni Hailey.

“Tsk! Manahimik ka nga muna dyan Hailey.” suway naman sa kanya ni Venice.

“ISA TALAGA KAYONG MALAKING HANGAL HAHAHAHAHAHAHAHA MGA BOBO AT TANGA.” tumatawang sigaw ni Eunice sa amin.

“Hindi kami bobo at tanga na katulad mo Eunice hahahaha.” saad naman ni Venice at agad na lumabas naman ang mga pulis na kanina pa nakatago sa mga gilid at yung iba naman ay nasa itaas nakatago.

Bago pa kami pumunta dito ay tumawag na kami ng pulis at after twenty mintues ay pinasunod na namin sila, kaya naman naka set up na ang lahat.

Agad na pinag babaril naman ng mga pulis ang tauhan ni Eunice dahil mga lumaban pa ang mga ito at nakipag barilan, hanggang sa matira na lamang ay sina Eunice at ang kasama nitong lalaki niya.

“Anong gagawin na natin ngayon, Babe?” saad naman ni Eunice sa kasama niyang lalaki. (Gerald)

“Edi sumuko na lang, ayoko pa mamatay.” sagot naman ng kasamahan niya.

“NO! Hindi ako papayag na mabuhay silang dalawa na masaya dahil papatayin ko sila.” bigla naman nagbago ang itsura ni Eunice at kinuha ang baril na hawak ng lalaki niya at itinutok kala Czarina at Kian.

“HAHAHAHAHAHAHAHA TINGIN NIYO BA PAPAYAG AKO NA MAGING MASAYA KAYONG DALAWA? HAHAHAHAHAHA HINDI SYEMPRE DAHIL PAPATAYIN KO KAYONG DALAWA, KAYA MAG PAALAM NA KAYO SA ISA’T ISA. MGA HANGAL! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Huling saad naman ni Eunice at....

“WAAAAAAGGGGGGGGGGGG!” sigaw naman naming lahat at sa isang iglap lamang ay...









*BANGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!*










*BOOOOOGGGGGGSSSSSSHHHHHHHHH!*






Isang malakas na putok ng baril na nag mula sa hawak ni Eunice...


At ilang bala naman ng baril ang tumama sa katawan ni Eunice dahil pinag babaril din siya ng mga pulis, hanggang sa tumumba na lamang sa sahig ang katawan niyang mawala ng buhay.


Yes! They killed her.



» CZARINA'S POV «

Kasalukuyang nakasakay ako sa wheel chair ngayon dahil hindi pa ako masyadong makakilos at maka lakad ng maayos kaya naman isinakay muna nila ako dito dahil gusto kong makita si Kian.

Habang pinag mamasdan ko ang mukha ni Kian ay hindi ko mapigilan hindi umiyak.

Yes! Tinamaan siya ng baril na hawak ni Eunice dahil sinalo niya ang bala na dapat ay para sa akin.

Sobrang swerte ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon, at sobrang nagpapa salamat din ako sa Diyos dahil ipinakilala siya sa akin.

Isang araw na siyang tulog at hindi pa din gumigising at sobrang namimiss ko na siya.

Sabi ng doctor ay nasa mabuting kondisyon na siya at hindi naman masyadong malalim ang tama ng bala sa katawan niya kaya naman medyo okay na siya, tamang pahinga na lamang ang dapat niyang gawin.

Maya maya lang ay bigla naman gumalaw ang kamay niya na hawak ko.

“K-Kiannnnn...” umiiyak na sambit ko sa pangalan niya.

“H-Heart.. a-are you okay?” Kahit na nahihirapan siya ay nagawa pa din niya akong tanungin.

“Huhuhu.. ikaw talaga, kahit kailan ako pa din inaalala mo, kahit ikaw naman talaga itong hindi pa okay. Ako dapat mag tanong sa’yo nyan dahil masyado mo akong pinag alala, akala ko iiwan mo na ako ehh.” umiiyak na sabi ko naman.

"Wag ka mag alala my Heart, hindi naman kita iiwan eh.. saka gagawa pa nga tayo ng anak hahahahaha.” pabirong sabi naman niya.

“Tse! Ewan ko sa’yo, nakukuha mo pa din mag biro kahit hindi ka pa masyadong okay, magpagaling ka muna.” naka pout na sagot ko naman.

“Edi kapag gumaling na ako, gagawa na tayo ng anak?” naka ngising saad naman ni Kian.

“Tse! Kutusan kita dyan eh.” saad ko naman.

“Hahahaha biro lang my Heart.” tumatawang sagot pa niya.

“My heart ka dyan.. hindi pa nga kita sinasagot eh.” Sabi ko naman.

“Sagutin mo na kasi si Kian, Beshy. Si Kian Grey Montenegro na yan ohh. Aayaw ka pa ba?” At bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto ni Kian dito sa hospital at pumasok sila Venice.

“Oo nga naman Coz.. wag ka ng pa choosy dyan.” gatol pa ni Venice kay Hailey.

“T-Teka nga.. kanina pa ba kayo dyan sa labas?” nahihiyang tanong ko naman.

“Uhmmm.. yeahhh!” sagot naman ni Kendrick.

“Yep.” ani Caden.

“Oo.” sagot din ni Venice.

“Yes at dinig na dinig namin ang mga pinag uusapan niyo.” pambubuking naman ni Hailey.

Bigla naman akong napayuko dahil sa kahihiyan ko sa apat na bagong dating.

“So, ano na Coz? Sasagutin mo na ba si Kian?” tila excited na tanong naman ni Venice sa akin.

“Oo nga Beshyyy.” kinikilig na gatol pa ni Hailey.

“Sagutin mo na Czarina.. mabait naman yang pinsan kong yan eh. Okay na ako kahit hindi ako ang minahal mo basta sa pinsan ko ikaw babagsak hahaha.” gatol din ni Kendrick.

“Me too.” ani Caden pero kay Kendrick natuon ang pansin ko.

“Hmmmmm..” tingnan ko naman ng diretso si Kendrick dahil tila ba may kahulugan ang sinasabi niya.

“M-May m-mahal na kasi akong iba hehe.” nagkakamot kamot sa batok na sagot niya.

“Dapat lang dahil tatalian kita sa leeg. Tss!” Mataray na sabi naman ni Venice na tila ba may kahulugan din ang sinasabi niya ngunit hindi na lamang namin pinsansin ito dahil mas nakatuon ang buong atensyon nila sa amin ni Kian.

“SASAGUTIN NA YAN HAHAHAHAHAHAHA.. SASAGUTIN NA YAN.” pang aasar pa ng apat sa amin.

At ang lokong Kian tuwang tuwa pa na inaasar kaming dalawa ng apat.

“So, ano na my heart? Sasagutin mo na ba ako? Okay lang naman kung ayaw mo pa, maghihintay naman ako.” naka ngiti tanong naman ni Kian sa akin.

“U-Uhmmmm.. Y-Yes.” Nakayukong sambit ko naman.

“Ano? Hindi ko marinig.. ulitin mo nga my Heart.” sambit naman ni Kian.

“SABI KO.. OO, TAYO NA KIAN GREY MONTENEGRO DAHIL SINASAGOT NA KITA.” Malakas na sigaw ko naman para marinig nila.

“YES! WOAAAAHHH! THANK YOU VERY MUCH MY HEART. PINAPANGAKO KO SA’YO NA HINDING HINDI NA KITA SASAKTAN ULIT, HINDI MO ALAM KUNG GAANO AKO KASAYA NGAYON.” Masayang saad naman ni Kian at napansin kong may tumulong luha galing sa mga mata niya.

“YOWNNNNNNNNN!” Malakas na sigaw ni Caden.

“NAKSSSSSS HAHAHAHAHAHAHAHA!” saad naman ni Kendrick.

“Congrats Coz.” ani Venice

“Aww so cute huhuhu kinikilig ako hahahaha. Congrats beshy ko.” Masayang sabi naman ni Hailey.

“Wag ka mag alala ikaw naman ang pa kikiligin ko sa susunod.” biglang banat naman ni Caden kay Hailey.

“Enebe hahahahaha weg ke nge genyen.. ngayon pa nga lang kinikilig na agad ako sa’yo.” hindi naman masidlan ang saya ni Hailey dahil sa sinabi ni Caden dito.

“Ay wow naman.. mapapa sana all na lang ako.” tila ba nagpaparinig na sabi ng pinsan kong bruha.

“Don’t worry.. walang ng ligaw ligaw dahil aanakan na agad kita.” Banat naman ni Kendrick kay Venice na ikina-tawa naming lahat.

“Aba ay siraulo ka din pala.. porke’t crush kita ginaganyan mo na ako, pere weg ke meg elele seye leng eke.. aalog, kakabog, gigiling, at aalindog.” Palaban na sabi naman ng pinsan kong baliw.

Napatawa na lamang ako sa mga pinag uusapan nila at ganon din si Kian.

At ayon na nga, sa wakas ay nagka bukingan na dahil noong mga nakaraan ko pa napapansin na may kakaiba talaga sa pinsan ko at kay Kendrick pati na din kina Hailey at Caden dahil madalas silang nag uusap na dalawa lamang at dahil siguro doon ay na buo ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Lumipas pa ang ilang araw at naka labas na sa hospital si Kian at balik na sa normal ang lahat.

Inilibing na din si Eunice at kahit sobrang dami ng ginawa niyang kasalanan sa amin ay nakipag libing pa din kami sa kanya, pakikiramay na lamang namin sa pamilya niya.

Ipinag patuloy ko pa din ang pag a-artista at ganon din si Caden at minsan ay patago kaming nagkikita ni Kian at ganon din sina Caden at Hailey.

Nag da-date na ang dalawa habang sina Kendrick at Venice naman ay nasa ligawan stage na din dahil gusto ng pinsan kong bruha na ligawan muna daw siya ni Kendrick hahaha ewan ko ba dun sumusunod ata sa yapak ko.

Kapag nagkikita naman kami ni Kian ay pa tago dahil maraming paparazzi sa labas ang kumakalat at mas kailangan namin mag ingat lalo sa mga bashers namin ni Caden.

Katatapos lang namin gawin ang isang movie nila Caden at back to school na kami ulit kaya naman todo kulitan at asaran kaming lahat kapag nasa loob kami ng classroom.

— END OF CHAPTER 37 —

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 132 38
Avianna Bell Martenez. The grand daughter of mafia king. para sa negosyo siya ay ipinagkasundo sakanyang dating boyfriend na dahilan ng kanyang pagdu...
6.7K 620 42
Na-crush at first sight si Justine Mae sa isang lalaki sa magiging school niya pero ang hindi niya alam ay teacher niya pala iyon. *** Ang kanyang gu...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...