Kung Ika'y Mawawala [complete...

By walangmagawa1210

1.3M 28.2K 1.5K

Life has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 ye... More

Kung Ika'y mawawala [Altamerano brothers series book 1]
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38 (FINAL)

Chapter 29

24.6K 556 44
By walangmagawa1210

Date uploaded : 2-10-15

Chapter 29

Ysabelle

"OH MY GOSH!!!!! SHAUN!!!!! Sigurado ka ba dito?" Nasa isang bridge kami ni Shaun kasama ang mga lalake na pinakilala nyang crew daw nya. Kasalukuyang tinatali nila mga paa ko at sinusuotan nila ang ng kung ano-ano. Inaayos ni Shaun ang helmet ko at hinihigpitan nya ang tali nito. Sya din ay nakasuot din ng mga gear. Para daw hindi ako masyadong matakot ay sasabayan daw nya akong mag-bungee jumping!

Tumingin ako sa ilalim ng bridge at gusto ko nang himatahin sa sobrang takot! Nangangatog ang tuhod ko at pakiramdam ko ay naghy-hyper ventilate na ako.

"Ayoko na! Ayoko na talaga! I think this is absurd. How can you make my memory come back by doing this thing?"

"I'm just testing my theories. May mga nabasa ako na kapag naalog-alog ng konti ang utak mo, may possibility na bumalik ang memorya mo. It also says that if the person whose experiencing memory lose, experienced extreme emotions like anguish, fright or even anger, it may trigger their memory. In this case, we can hit two birds in one stone. Makakaramdam ka ng takot at the same time, maaalog ang utak mo ng hindi naman kailangang iuntog ang ulo mo. Good idea right?"

Anong good idea? Good idea ba ang papatayin ako sa sindak? Mabuti ng wag ko na lang maalala ang nakaraan kung ganito lang ang paraan para maibalik ito.

"NO! NO! NO! NO! Anong good idea ang pinagsasasabi mo? Papatayin mo ako sa sobrang takot! "

Inaayos na rin ni Shaun ang mga gear nya at nag-p-prepare na din sya sa pagtalon.

"You're just gonna jump. Hindi ka naman namin papatayin. It's perfectly safe. Right guys?" Nag-agree naman ang mga hinayupak na yon! At syempre mag-aagree sila, boss nila itong sira-ulong ito e!

"AYOKO NA! UWI NA AKO!"

"Ang duwag mo talaga kahit kailan. Don't worry, I got you."

Hindi pa din ako convinced. Gusto ko na talagang mag-walk out, kahit na nag-import pa sya ng mga tao nya para ma-set-up ang mga ito.

Maglalakad sana ako papalayo sa kalokohang ito pero nakalimutan ko na nakatali ang mga paa ko. Dire-diretso sana ako sa simento, mabuti na lang at mabilis ang mga reflexes ni Shaun at nasalo ako nya ako kaagd bago pa ako tumama sa sahig.

"Ang likot mo! Alam kong excited ka na. Stay put ka lang dyan at matatapos na ako dito."

"Anong excited? Anong stay put? Inaatake na ako sa puso! Dalhin mo na ako said ospital!"

Matawa-tawa ang crew ni Shaun, pero pinipigilan nila ito.

"Kahiya-hiya ka. Alam mo ba na lahat ng babaeng sinama ko dito, hindi kasing duwag at hindi kasing ingay mo. Manahimik ka na nga lang dyan."

"At may baliw palang sumasama sa 'yong mag-bungee jumping?"

"Oo naman. Because they find it romantic."

"Romantic! Anong romantic dito? "

"You'll see." Nginisian nya ako na para bang ginu-good time nya ako.

Itinali na rin ang paa ni Shaun at pinaakyat na nila kami sa isang ledge. Tumingin ulit ako sa baba at parang umikot ang paningin ko sa sobrang pagkalula.

"Oh my gosh!!!! Ibaba nyo na ako. I can't do this! Mamamatay talaga ako!" Mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang takot at halos magmakaawa na ako kay Shuan. "Shaun naman e... Ayoko na! Ayoko na talaga!"

"It'll be fun. Ready?"

Umiling ako ng mabilis. " i can't, i cant i cant!" Pero hindi makuha sa pakiusap si Shaun. The more na nag-hy-hysterical ako, parang the more na mas gusto nya akong patalunin sa bridge.

Niyakap ako ni Shaun at isinubsob ko ang ulo ko sa dibdib nya. Bakit hindi man lang lumalakas ang tibok ng puso nitong taong ito? Bato pa sya?

"This is it Sab!"

Yumakap din ako kay Shaun. Hindi ko nga alam kung nakakahinga pa sya sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya.

"Here we go!!!!!!"

Parang hinigop ang lahat ng hininga ko at pakiramdam ko ay nauwan ang mga bituka ko sa ere! We are free falling!!!!!!!!!!!!!

"Ooooooooommmmmmyyyyy GGGGGGOOOOHHHHH!!!!!AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

***

Lovely

"Hey little boy."

Gusto ko sanang tirisin ang kutong lupa na ito, pero pinipilit ko na lang ngumiti kahit na sasabog na ang dibdib ko. Gusto ko lang namang makita ng malapitan ang bata. At gusto ko talagang makatiyak kung sino talaga ang ina nitong batang ito. Baka naman anak sya ni Kirsten, ang nakababatang kapatid ni Sab, dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa report sa akin ng mga Private investigators. Hindi ko alam na nagdadalang tao pala noon si Sab.

Tumingin lang sa akin yung bata pero hindi nagsalita. Yung yaya nya ang kumausap sa akin.

"May kailangan po kayo?"

"Classmate ko kasi yung dating may-ari ng bahay na yan. Ang balita ko kasi ay hindi pala totoo yung balitang patay na si Sab."

"My mom's not dead!" Nanlalaki ang mga mata ng bata at para bang gulat na gulat sa sinabi ko. At ako naman ay parang nakaramdam ng patalim na tumusok sa dibdib ko. Tama ang report. Anak nga ni Sab ang batang ito!

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ulit ako nagsalita. Sinigurado kong walanganomang bahid ng nararamdaman ko ang maririnig sa boses ko.

"Yeah, iyan nga yung nabalitaan namin. Akala kasi nila, namatay na yung mommy mo." Nanlaki yung mga mata ng bata. Wala akong pakialam kung umiyak pa itong batang ito sa sinabi ko.

"Buhay na buhay po si ate. Umalis lang po sya kasama ni Sir Shaun."

Sa sinabi yang iyon ay medyo napangiti ako. Alam kong nabasa na ni Spencer and pekeng resulta ng DNA test. Naireport na sa akin iyon ng sekretarya nya. Ever since noon ay hindi pa daw nagpapakita si Spencer sa office. Pumapasyal din ako sa bahay nya pero ilang araw na daw hindi umuuwi. The odds are turning to my favor. Mas maganda nga sana kung makausap ko si Spencer para magatungan ko pa ang tungkol dito sa batang ito. Kailngan kong malason pa ang utak ni Spencer at paniwalain ko sya na nagkaanak sa ibang lalake ang pinakamamahal nyang babae.

"Ma'am may ibibilin po ba kayo?"

"Wala. Wag nyo na din sabihin na nagpunta ako dito. Gusto kasi naming sorpresahin si Sab. Magpapaparty kaming magkakaklase para sa kanya. " tumingin ako sa bata. " what's your name?"

"Clyde."

"Don't tell your mom, ok? It's gonna be a surprise."

"Ok."

Tumingin na ulit ako sa yaya ng bata.

"May pupuntahan ba kayo? Gusto nyong ihatid na namin kayo?"

"Ay 'wag na po. Hahanapin lang naman po namin yung park nitong village. May park daw po dito, at nag-aaya itong bata."

"A 'yung park? Alam ko yon. Gusto nyo, ihatid na namin kayo doon?"

Napangiti yung yaya.

"Sige po!"

"Yaya, I don't think that's a good idea."

Muntik ko nang masinghalan yung bata, pero mabilis na nabawi ko at ngumiti na lang ako.

"Ano ka ba, mabuti nga at ituturo na sa atin yung park, hindi na tayo magpapakahirap magtanong tanong. De kotse pa tayo!"

"oo nga naman Clyde, saka wag kang mag-alala, close kami ng mommy mo."

"Aaa... Ok." Medyo hesitant pa din yung bata. Mukhang matalino ito at naturuan ng husto. Mabuti na lang at boba ang katulong.

"Let's go."

Wala naman akong balak na masama sa kanila..... Sa ngayon.

***

Ysabelle

"Nothing? Wala pa ring epekto? Kahit katiting wala?" Naniningkit ang mga mata ni Shaun at hindi ko maintindihan kung bakit sya napipikon. Nag-isip-isip ulit ako baka naman meron din naman akong naalala, hindi pa lang nag-re-register. Kaso kahit ata pagbali-baligtarin ko ang utak ko, wala akong na-recover na memorya kahit na isa.

Nasa camper kami ni Shaun kung saan ako nagpapahinga pagkatapos ng killer jump namin. 

"E sa wala e! Anong magagawa ko!!!!!!"

Paulit-ulit akong tinatanong ni Shaun tungkol sa nakaraan ko pero lahat ng tinatanong nya ay hindi ko masagot. Nasayang lang ang effort nya. 

"Saan bang theory mo napulot iyang pinaggagagawa mo? Palpak!"

Kinatok-katok nya ang ulo ko. 

"ANO BA!" 

"Your skull is too thick. Mukhang kailangan natin ng mas matindi-tinding experiment." 

Tumingin sya sa relo nya. 

"Pwede pa." Kinuha nya yung kamay ko at kinaladkad nya ako palabas ng camper. 

"Saan naman tayo pupunta?" 

"Secret ..." 

Hindi ko gusto ang iniisip nitong wirdong ito. Nasaan na ba ang telepono ko? Isusumbong ko kay Aldrin itong retarded na 'to!

***

"OHHHHHHHHHMMMMYYYYYYYYYYGGGGGOOOOOOSSSSSSHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!" 

Umiiyak na ako sa sobrang takot. Walang sinabi dito ang bungee jumping na ginawa namin kanina. 

"Shaun... Mag-bungee jump na lang tayo. Kahit maka-isang daan pa tayo, ok lang sa akin. Ayoko dito. Ibaba nyo na lang ako!"

Inaayos ni Shaun ang goggles ko. inaayos din ng crew nya ang iba ko pang gear. 

"Hindi.. kaya mo yan. Kasama mo naman ulit ako e.  Kasama din natin sila. Diba guys?" Nagtanguan silang lahat at parang nagbibiruan pa! Mamamatay na kaming lahat at nakukuha pa nilang maglokohan? Anong klaseng mga nilalang ito?

"Ang daming babaeng gusto akong makasamang mag-Sky-Diving, Ikaw ang pinaka-maswerte sa lahat, tapos aayaw-ayaw ka dyan?" Inaasar na naman ako nitong retarded na to!

"TALAGANG AYAW KO!!!! IBABA NYO NA AKO DITO!"

""Wag kang mag-alala, baba na din tayo maya-maya. Relax ka muna." 

"RELAX? PAANO AKO MARE-RELAX KUNG ILANG MINUTO NA LANG KATAPUSAN NA NG BUHAY KO!!! MAAWA KA SA ANAK KO!" 

"'Wag mo nang alalahanin si Clyde, ako na ang bahala sa kanya." Ng manlaki ang mga mata ko ay mas lalo pang natuwa ang damuho! Nagtatatawa pa!  Sinuntok suntok ko ang braso nya. NAKAKAINIS!!!! 

Nakaupo na kaming lahat at iniintay na lang ang signal ng pagtalon. Mas pinapataas pa ata ang eroplano! Magkahawak ng mahigpit ang dalawang kamay ko. Nanlalamig ang buong katawan ko sa sobrang takot. Nag-co-concentrate ako, baka naman ma-trigger na ang memorya ko para hindi ko na kailanganing tumalon pa. 

MY GOSH! Bakit ba ako nagpapauto sa lalakeng ito?! Baka naman pwede pa akong makiusap. 

"Shaun. Mag-bestfriend tayo diba? "

HIndi sya kumibo. 

" Hindi makakabuti sa akin ito. Kaya, kayo na lang ang tumalon. Iwan nyo na lang ako dito sa plane. PLEASE. PLEASE. PLEASE. PLEASE. PLEASE. PLEASE.! Shaun.... bestfriend..... sige na!!!!! " 

Nginisian nya ako.

"Oo, bestriend mo talaga ako. Nagmamalasakit ako sa 'yo. Kaya nga ginagawa ko ito. This is for your own good. Kung wala akong paki-alam sa 'yo, hahayaan na lang kita. Bahala ka sa buhay mo. But I'm not that kind of friend. I'm not gonna say or do anything just to make you feel good. I'm the kind of friend na kahit masaktan ka, basta para sa ikabubuti mo, gagawin ko.  Kahit na ikagalit mo pa ito at hindi mo na ako pansinin sa buong buhay mo. Basta gagawin ko ang lahat para lang maiayos ang buhay mo." 

Napatigil ako sa sinabi nya. I guess he's really that kind of friend. Hindi plastic. Tama din yung sinabi nya, that he will do what he think is right, para sa kapakanan ko, kahit masaktan pa ako. And true friends are like that.

Kinuha ko ang kamay nya at pinisil ko ito. 

"Shaun..... thanks." Kahit na takot na takot ako ay pinilit kong ngitian sya. "For everything." 

"My pleasure." 

Lumapit sa amin yung isa sa mga crew nya.

"Sir, it's time!" 

Mas lalo akong natakot sa sinabi nya.

THIS IS IT!

"Ready Sab?" 

Itinayo nya ako at hinawaka ang balikat ko. Nanginginig na ang buong katawan ko. "Ang tagal kitang pinipilit dati na isama sa mga ganito. Ang duwag mo kasi e." 

"Oo, duwag na kung duwag. " Yumakap ako sa kanya dahil sa sobrang takot, magpapa-awa epek muna ako baka sakaling tamaan na ito ng awa. "Shaun.... wag na lang.... ayoko talaga." Nangingilid na naman ang luha ko. 

"Di rin.... nandito na tayo. Just enjoy the scenery and the adrenaline rush. You'll love it!" 

"LOVE IT? HELLO! MAMAMATAY NA TAYO.. MAY LOVE IT KA PANG NALALAMAN DYAN!" 

Halod kaladkarin nya ako nang bumukas ang pinto ng plane. OH MY GOSH!!!!! ITO NA TALAGA!!!!!!

Nagsumula nang tumalon ang mga kasamahan namin hanggang sa kaming dalawa na lang ang natitira. 

"MY GOSH!!! SHAUN! AYOKO NA TALAGA! HINDI KO KAYA! " Humakbang akong paatras pero hindi pa ako nakakalayo ay niyakap ako ni Shaun at walang sabi-sabi ay tumalon sya kasama ako!

'AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!! OHHHHHHHHHHHHHHHHMMMMMMMMMMMMMMYYYYYYYYYYYYYYYGGGGGGGGOOOOOOOOSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! SHAUN! I SWEAR I'M GONNA KILL YOU!"

***

Shaun

"Anong nangyari?" Bungad ni Kirsten nang buksan ko ang pintuan ng bahay nila na karga-karga ang kapatid nya. 

"I'm fine Kirsten, no need to fuss. Nahihilo lang ako." 

"No need to fuss? Anong ginawa sa 'yo ng hinayupak na yan?" 

"Wala... ok lang ako. Umiikot lang ang paningin ko. Kailangan ko lang ipahinga ito." Sabi ni Sab na hanggang ngayon ay nakapikit pa din. Simula noong nag-touchdown kami sa lupa ay hilong-hilo na si Sab hanggang ngayon. 

I've successfully hightened her emotions and frightened her. Naiyug-yog ko na rin ang ulo pati na rin ang katawan nya, pero.....WALA PA DIN! Ganon pa din ang state ng memory nya. Ok, so I guess, my theories are incorrect. I have to find another way. 

"HOY! IDEDEMANDA KITA! Sabi ni Maria, kaninang umaga mo pa kasama ang ate ko. Anong petsa na ngayon? HIndi lang yon. Anong ginawa mo sa kanya at parang lantang kangkong na itong ate ko. HA? HOY SUMAGOT KA? BRATATATTATATATATTATATATATATATTATA..."

Arrrg! Ang sakit sa tenga ng boses nyang parang pinipilipit na yero! Hindi ko na lang pinapansin si Kirsten at dire-diretso na ako paakyat ng 2nd floor. 

Naiirita lang ako na may talak ng talak na parang manok na hindi matae na susunod-sunod sa amin. Ang sarap pasakan ng apple ang bibig ng matigil!

Inilapag ko na sa kama si Sab. 

"Kumuha ka ng tubig." Sabi ko kay Kirsten. 

"Anong karapatan mo para utusan ako?" 

Nilingon ko ang babaeng megaphone. " Oo, inuutusan kita, dahil kung hindi makainom si Sab ng gamot, hindi sya makakatulog. Kung hindi sya makakatulog, patuloy syang mahihilo, at kung patuloy syang mahihilo, magsususuka sya. At kung magsusuka sya, ikaw ang maglilinis ng kwarto nya! "

Napahinto sya sa pagsasalita.

"Hindi mo pa din ba naiintindihan? O baka gusto mong isa-isahin ko pa ulit sa 'yo. Ang bagal naman ng processor ng utak mo." 

"Hmmmmmp!" tumalikod na sya at padabog na umalis ng kwarto. " 'yang kapatid mo a, pagsabihan mo." 

Kinuha ko yung upuan sa vanity table at inilapit ko sa kama. 

"Mabait yan. Sa 'yo lang ganyan yan." 

Ipinikit ko sandali ang mata ko. Nararamdaman ko na ang pagod sa buong maghapon. Idagdag pa ang pagkakarga ko kay Sab. This has been a very exhausting day. Pero ang nakakalungkot, walang naging magandang resulta. I thought I was going to celebrate the regaining of her memory this evening. Hindi pala. 

"Shaun... Thanks.... " 

"Wala ngang nangyari e." 

"It's ok. Nagpapasalamat ako sa effort mo. And thank you so much.. for being my friend. You really mean a lot to me. I hope you know that." 

Kahit na frustrated ako, napagaan ang loob ko sa sinabi nya. 

Pumasok na si Kirsten na may dalang isang boteng tubig.

"Bote talaga? Pwede namang ilagay sa baso diba?" 

"Ayos na yan. Para hindi matapon." 

Umiling na lang ako. Wala na akong magagawa, ayan na e. Alangan namang ako pa ang bumaba para lang kumuha ng baso. Tinulungan naming dalawa si Sab na bumangon para makainom ng gamot. Pagkainom nya ng gamot ay humiga na sya at kinumutan naman sya ni Kirsten. 

"Sleep tight. I'll drop by tomorrow morning." 

Hindi na nya nakuha pang sumagot. Mukhang wala na talaga syang lakas. Tahimik na lumabas kami ng kwarto ni Kirsten. Diretso na sana ako sa pagbaba nang pigilan ako ni Kirsten. Hinanda ko na ang tenga ko sa pagbulyaw nya, pero sa halip na rumatrat ang bibig ay puno ng concern ang mukha nya. 

"Dyan ka lang, may ibibigay lang ako sa 'yo." 

Tumakbo sya sa kwarto nya at pagbalik nya ay may bitbit syang isang brown envelop. 

"I've decided to let you see this." 

Binuksan ko ang envelop at doon ay may mga impormasyon tungkol sa kinikilalang asawa ni Sab. 

"How in the hell did you get this information? I've hired the best investigators pero walang ganitong impormasyon na nakarating sa akin." 

"Well, it just means to say na mas magaling ako sa 'yo." She looks at me smugly. 

Yabang nito a. 

"Saan mo nakuha ito?"

"Secret."  Pinanliitan ko sya ng mata. "May boyfriend akong pulis. Pinakiusapan kong imbestigahan yang Brandon na yan."

"Boyfriend? Ikaw? May boyfriend?" 

Sinipa ba naman ako sa tuhod!

SHHHHHHHHOOOOTTTT!!! Naku! kung hindi lang babae ito! Hindi na lang ako nag-react, pero pigil na pigil talaga ako. Ulitin nyang gawin sa 'kin 'yon at hahalikan ko talaga sya!

"Lumalayo ang usapan natin. Basta ngayon, alam na natin kung saan galing 'yang lalakeng iyan." 

She's right. Medyo nagkakalinaw na. Hindi ko man na-accomplish na maibalik ang ala-ala ni Sab, at least ngayon, may lead na kami.

"Now we have to dig in deeper. " 

Continue Reading

You'll Also Like

707K 14.9K 42
Si Minam Go ay miyembro ng sikat na Boy Group na A.N.Jell. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi siya lalaki katulad nang inaakala ng mga kasama s...
174K 5.5K 24
Si Kathleen Espinosa ay naniniwalang isa siyang Dyosa ng Kagandahan. Maganda raw kasi talaga siya... sabi ng nanay niya. Ngunit bakit kaya wala pa ri...
28.3K 705 21
It's another bestfriends turns lovers story with a super heartache twist!