Probinsyana Series: BOOK 2...

By MERAALLEN

45.1K 1.8K 552

Lumipas ang pitong taon ng paninirahan ko sa ibang bansa ay babalik ako sa aking lupang sinilangan para bawii... More

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
Kabanata XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
Kabanata XXVI
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
CHAPTER 36
Chapter 37
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
Untitled Part 44
Untitled Part 45

KABANATA IV

1.4K 59 17
By MERAALLEN

Lahat kami sa labas ng Emergency Room ay nanlulumo sa nangyayari. We don't expect na mangyayari ito kay Lucio after ma-revive si Lucio ay inayos na agad ni. Fernando ang paglilipatan niya.

Nakatingin kaming lahat sa pinto ng Emergency Room kung kailan ito magbubukas.

Lumipas ang kalahating minuto ay lumabas ang isang Doctor mula sa loob halatang naligo siya sa pawis dahil basa ang kanyang damit at punas siya ng punas ng kanyang noo.

Agad akong lumapit sa kanya at tinanong siya.

"Doc? Kamusta po?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"We almost lost Lucio pero maswerte pa din siya at umistable na ang kanyang breathing. Mino-monitor pa siya ng Nurses namin if ever may mangyaring masama sa kanya. If he recovers today you can transfer him in a room,"

"Thank you Doc!"

Ngumiti ako kila Manang Pasing habang nakalapat ang kamay ko sa dibdib ko. Sobrang kagalakan ang nararamdaman ko ngayon.

Tumingin ako sa orasan ko at nakita ko na ala una na pala ng madaling araw.

"Manang? Hindi pa po ba kayo uuwi? Kami na po ang magbabantay kay Lucio dito," sambit ko kay Manang.

"Naku anak, Dito lang muna ako kay Lucio hanggang sa magkamalay siya,"

"Hindi po ba kayo nahihirapan? Ok na po kami nalang po ang magbabantay kay Lucio,"

"Sige na nga, kapag kailangan ng magbabantay sabihan nyo lang ako huh? Alam niyo naman parang anak ko na kayong lahat kaya nag aalala ako sayo kapag nag kakaproblema kayo,"

Hinawakan ko ang kamay ni Manang Pasing at inilagay ito sa mukha ko.

"Salamat po,"

"Alam mo ganyan din si Gianna. Kapag natutuwa siya nilalagay niya ang kamay ko sa mukha niya."

Tumingin ako sa itaas at nagpasalamat ako.

"Thank you Lord! And thank you Gianna sa gabay mo kay Lucio." sambit ko nalang bigla.

Inalalayan ni Franco si Manang palabas at sinamahan pauwi.

Naiwan kami nila Angelo at Fernando dito sa labas ng Emergency Room.

Habang lumilipas ang oras ay nakakaramdam na din ako ng antok kaya hindi napigilan ng mga mata ko na pumikit.

Habang natutulog ako ay may nagbabantay kay Lucio.

(Switching Scenes)
CELINE'S POV

Nakaupo ako sa isang maliit na kwarto habang nakaposas ang mga kamay ko.
Iritable akong nakatingin sa mga tao dito! Mga dugyot!

Nakatunganga lang ako at walang ginagawa habang hinihintay ang abogado ko.

Ilang sandali pa'y dumating na si Atty. Gutierrez.

"What the hell? Ano ilang oras niyo pa ako papauwiin sa maduming upuan na 'to? Let me get out!" Inis kong sigaw sa kanila.

Nakasalungkikip lang ang pulis na nakatingin sa akin.

"You!" Panduduro ko sa kanya. , "Get this off from me! Stupid!"

"Calm down Ms. Celine mas lalo kang hindi makakalabas ng kulungan kapag ganyan ka sa kanila," sambit ni Atty.

"Dalian mo at gusto ko ng lumabas dito!" Sigaw ko sa kanya.

Pinipilit kong ikalas ang pagkakaposas sa akin ngunit hindi ko kaya. Nasasaktan lang ako sa bawat galaw ng kamay ko dito.

"Ouch! It really hurts! Can you please get this off from me?"

"Nasa protocol po namin na posasan ang suspect of the crime. Mr. Lucio Javier Iglesias almost lost his life awhile ago at dahil yun sa tumamang bala sa kanya mula sa baril na pag mamay-ari mo. Sa tingin niyo ba ma'am makakalaya pa kayo kapag napatay niyo si Sir Lucio?"

"I have a lots of connections! You don't know me yet? Ako lang naman ang nag mamay-ari ng mga kilalang istablisyimento dito sa lugar niyo. Kung gusto mo ng trabaho mo kalagan mo ako!"

Tinalikuran ako ng police officer at lumabas sa loob ng silid.

Inis na inis ako sa ginawa niya! Nag sisisigaw ako sa galit dahil piling ko nabastos ako sa ginawa niya.

"Marami akong connections! Yare ka sa akin kapag nakaalis ako dito!" Galit na sambit ko.

"Sino ba mga connections mo? Gusto mo ba lav tagpi-tagpiin na natin ang mga nangyayari?" Pang aasar niya sa akin.

"Is he talking about 7 years ago? About Gianna?" tanong ko sa sarili ko.

"Bakit? Bakit ko naman sasabihin sayo kung sino ang mga connections ko. Tanga kaba? Or nagtatanga-tangahan ka lang?" Galit na sambit ko sa kanya.

"Ganito pala ang ugali ng mga brat noh? Hindi purkit mayaman ka ay dapat ganyan na ang asta mo sa mga mahihirap matuto kang umapak sa lupa dahil ang buhay ay parang gulong minsan nasa taas at minsan ay nasa baba,"

"Wala akong pake sa sinasabi mo! I don't shoot Lucio siya ang may gawa nun kahit itanong mo pa sa katulong niya," Iritableng sambit ko. , "Ano ba? Hindi pa ba ako lalabas dito? Sobrang oras na ang ginugol ko dito! Let me out of here!" Sigaw ko.

Nagwawala na ako dahil sa galit! I shouldn't be here!

Habang nagwawala ako ay biglang may isang pulis na dumating.

"Kalagan mo na daw yan sabi ni Chief,"

"Bakit?"

"See? Kalagan mo na daw ako!"

"Ito na ba ang tinatawag mong connections? Ok! Fine,"

Kinalagan ako ng pulis na 'to at sa pagtanggal niya ng posas ko ay agad akong lumabas ng presinto.

Sumakay ako agad sa kotse ko para pumunta sa hospital.

Mabilis ang patakbo ko sa kotse ko. Kinakabahan ako na parang hindi ko alam. Basta I need to see Lucio if he's ok! I don't want him to die! Please!

Hindi ko na tinitingnan ang dinadaanan ko at patuloy sa mabilis na patakbo ng sasakyan ko ng may biglang sumalpok sa sasakyan ko.

Napasubsob ako sa manubela ko at natukod ko ang kanang kamay ko sa harap.

Unti-unting umagos ang dugo sa ulo ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay ang naalala ko lang ay may sumalpok sa sasakyan ko at nasubsob ako hanggang sa nawalan ako ng malay.

Gumising ako sa isang maliwanag na silid sa pag gising ko ay wala akong nakitang tao ni isa ay wala akong nakita.

"Hoooyyy! Hello! Anybody here me?" Sigaw ko mula sa kwarto ko.

Agad na bumukas ang pinto at patakbong lumapit sa akin ang abogado ko.

"What happened?" tanong ko sa kanya.

"Naaksidente po kayo sa daan habang papunta po kayo dito Ma'am Celine,"

"I know. I'm asking anong nangyari? Bakit nandito ako?"

"Nakabangga po kayo ng dalawang bata at isang buntis papatawid po sa pedestrian lane Ma'am,"

"Huh? What? Why?" paulit-ulit na tanong ko sa kanya.

"They all dead Ma'am."

Nanghina ako bigla sa narinig ko. Ganto na ba ako ka-demonyo at nakapatay ako ng apat na tao?

"Shit! Hindi ba sila tumitingin sa dinadaanan nila?!" Galit kong sambit.

"Ayon po sa CCTV footage Ma'am. Naka stop po ang stoplight ngunit patuloy pa rin kayo sa pagpapatakbo ng sasakyan niyo. Over speeding din po kayo Ma'am,"

"You know what to do. Block the media and pay the family of the deceased person,"

"Ok po."

Umalis agad si Atty Gutierrez para asikasuhin ang aksidenteng nangyari.

May benta ako sa noo ko at naka cast ang kanang kamay ko.

Habang nakasara ang pinto ng kwarto ko ay nakakaramdam ako ng sobrang kalungkutan.

Walang tao, walang ingay, walang kausap walang nag mamahal sa akin. Sino nga naman ang tatakbo at mag aalala sa akin eeh simula noong bata ako. Ako na ang nabuhay sa sarili ko ako na ang kumilos sa sarili ko. Ako lang ang nag mamahal sa sarili ko.

Wala akong kakampi lahat sila kaaway ko! Wala akong matatakbuhan sa panahon na kailangan ko ng kausap walang masasandalan kapag nalulungkot ako.

Continue Reading

You'll Also Like

114K 5.5K 57
Ivory known as Alvara is a abandoned child, one day she woke up in different world and realized that she reincarnated in the novel that she last read...
6K 244 19
Mature content | R -🔞 | SPG "REINCARNATION SERIES 1" Ang kwentong ito ay tungkol kay Sage Axis Ferrer Arseo, isang mabangis na killer machine na na...
64.6K 1.7K 36
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
35.8K 1.1K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...