When Two Broken Souls Collide...

By 2KG4LOFBLOOD

2.7K 65 2

Where do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there... More

Prologue
WTBSC 1
WTBSC 2
WTBSC 3
WTBSC 4
WTBSC 5
WTBSC 6
WTBSC 7
WTBSC 8
WTBSC 9
WTBSC 10
WTBSC 11
WTBSC 12
WTBSC 13
WTBSC 14
WTBSC 15
WTBSC 16
WTBSC 17
WTBSC 18
WTBSC 19
WTBSC 20
WTBSC 21
WTBSC 22
WTBSC 24
WTBSC 25
WTBSC 26
WTBSC 27
WTBSC 28
WTBSC 29
WTBSC 30
WTBSC 31
WTBSC 32
WTBSC 33
WTBSC 34
WTBSC 35
WTBSC 36
WTBSC 37
WTBSC 38
WTBSC 39
WTBSC 40
WTBSC 41
WTBSC 42
WTBSC 43
WTBSC 44
WTBSC 45
WTBSC 46
WTBSC 47
WTBSC 48
WTBSC 49
WTBSC 50
WTBSC 51
WTBSC 52
WTBSC 53
WTBSC 54
WTBSC 55
WTBSC 56
WTBSC 57
WTBSC 58
WTBSC 59
WTBSC 60 | Finally Whole Again
Epilogue | Final Collision
Special Chapter

WTBSC 23

32 1 0
By 2KG4LOFBLOOD

Maria Bella

Sa haba ng sinabi ni Sir Ravanni ay hindi ko na halos maibuka pa ang bibig ko para masabi ang mga salitang nasa isip ko. Gusto kong maniwala sa mga salita nya sa sobrang bulaklak ng mga ginamit nyang salita pero hindi ko nalilimutan na dito rin ako nadala ng huling taong nanakit at patuloy na nananakit at nangugulo sa akin ngayon.

"Ayoko po na masamain nyo ang sasabihin ko Sir Ravanni pero, hindi ko po kayang suklian ang nararamdaman nyo para sa akin. Ayoko po na paasahin kayo sa bagay na walang kasiguraduhan at mas lalo po na ayokong samantalahin ang nararamdaman nyo sa akin dahil nangangaylangan ako ng tulong." Seryosong sabi ko sa kanya habang deretso akong nakakatig sa mga mata nya. Si Sir Ravanni ang lalaking kayang magustuhan ng lahat pero iba ako hindi dahil sa masyado syang sobra para sa akin pero dahil hindi talaga ako nababagay sa kanya.

"Why so honest Bella?" Maikling sabi nya saka sya umiwas ng tingin sa akin at naupo doon sa maliit na upuan sa may veranda at ipinatong ang kape nya sa lamesa.

"Gusto ko lang po na magpakatotoo dahil ayoko po na paasahin ko kayo. Hindi ko po kayo gust-"

"Stop right there! Huwag mo nang ituloy." Sabi nya sa akin kaya naputol ang sasabihin ko.

"Ayokong isipin na ikaw ang unang babae na nag-reject sa akin. And I don't rush things about us Bella. Just let me okay? And if I did my everything but still you don't love me in the end well, I think it's time for me to give up. But let's not just talk about that. Hindi naman kita titigilan hangga't hindi ka nahuhulog sa akin." Seryosong sabi nya sa akin saka sya biglang ngumiti sa akin. Gusto kong matawa sa itsura nya dahil pagkatapos kong sabihin lahat sa kanya nakukuha nya pang ngumiti at pasayahin ako. Mukhang sya ang tipo ng tao na hindi madaling pasukuin. Kapag gusto nya ay gusto nya at gagawan nya 'yon ng paraan. Gusto ko nang isipin na swerte ako dahil may katulad ni Sir Ravanni sa buhay ko kahit na alam ko kung hanggang saan lang ako. Sa lahat nang nangyari alam ko na kung saan at paano ilugar ang sarili ko. Salamat kay Cohen at sa pamilya nya.

"You're smiling. Kinikilig ka ba?" Panunukso sa akin ni Sir Ravanni pero mabilis lang ako na umiling sa kanya.

"You look so hot and gorgeous on my white t-shirt and now you are smiling because of my words so tell me. How can't I avoid myself not to fall in love with you?" Sabi nya sa akin kaya mas lalo akong natawa. Masyado talaga syang magaling mambola. Di na ako magtataka kung bakit madaming babae ang nahuhumaling sa kanya.

"Masyado po kayong bolero. Kaya po siguro napakadami nyong babae." Hindi ko na napigilan na sabihin 'yon pero sa imbes na maasar sya ay tinawanan pa nya ako.

"Bakit napunta sa akin ang usapan? But yes, I admit madami akong babae pero let me clear it to you again. Alam ko kung sino ang seseryosin at kapag nagseryoso ako seryoso talaga ako. Walang laro laro at walang bola bola. Fried chicken lang." Sabi nya kaya napatawa na talaga ako sa kanya.

"Friend chicken? Saan po 'yon galing?" Tumatawa parin na sabi ko sa kanya. Komedyante rin pala 'tong si Sir Ravanni eh.

"Nothing naalala ko lang sa bola bola namin sa probinsy-... Wait, di ba taga probinsya ka? Batangas right? Gusto mo bang umuwi muna sa inyo? Total isang linggo ka naman di papasok sa opisina?" Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi nya at agad 'kong naalala sina Nanay at ang mga kapatid ko. Sobrang miss na miss ko na sila. Pero, hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako kay Sir Ravanni na isang linggo ako di papasok sa opisina. Hindi ba at sobrang tagal naman yata noon?

"Why are you sad? Hindi mo ba gusto ang idea ko?"

"Pasensya na po kayo, namimiss ko lang po sina Nanay at ang mga kapatid ko."

"If that so, we can go there now? I will bring my own car." Napatingin ako sa kanya dahil doon seryoso ba sya? Pero hindi parin talaga ako makapag-bunyi dahil iniisip ko talaga si Sir Damon.

"What's wrong?"

"Hindi po ba talaga ako papasok ng isang linggo?" Tanong ko sa kanya at napabuntong hininga naman sya sa akin. Siguro ay nakukulitan na sya.

"Hindi ba at masama rin naman ang loob mo kay Damon? Pahupain mo muna ang sitwasyon at idistansya mo muna ang sarili mo. Isa pa ay,kapag naman nalaman ni Damon na may dahilan ka ay hindi ka nya basta tatanggalin sa trabaho. At subukan lang nya na paiyakin ka ulit sigaw sigawan sa ayaw at sa gusto mo aalisin na kita sa kompanya ni Damon." Seryosong sabi nya at sa tingin ko nga ay tama sya. Baka kung magpumilit lang ako ngayon ay hindi nanaman maging maganda ang kalabasan ng araw namin parehas ni Sir Damon at mag-iiwasan lang kami buong araw or worst, baka magkagulo nanaman kami. Isa pa ay nandito si Cohen sa Maynila gusto ko rin tumakas sa kanya.

"Magpapasa lang po muna ako ng leave of absence sa opisina at kakausapin ko si Addison bago po ako umuwi. At isa pa po ay hindi nyo naman po ako kaylangan samahan pa. Doon po muna ako ng buong linggo kaya po hindi kayo pwedeng sumama sa aki-"

"What? No! Sasama ako at ipagda-drive kita dahil gusto ko rin naman makarating sa probinsya nyo at isa pa, gusto ko rin makilala ang mga magulang mo lalo na ang mga kapatid mo."

"Pero magtatagal po ako doon. May trabaho po kayo at isa pa, w-wala po kayong m-maayos na tutuluyan sa bahay namin." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Bakit saan ba kayo natutulog? Hindi naman yata sa lupa di ba? Hindi naman ako maarte kahit sa maliit na banig okay lang sa akin." Napatingin ako sa kanya dahil doon at hindi ako makapaniwala. Sa yaman nyang 'to ay hindi sya maarte at okay lang sa kanya na mahiga sa banig?

"S-Seryoso po ba kayo?"

"Do I look like joking? Isa pa, huwag na huwag mong sasabihin kay Damon na uuwi ka sa probinsya nyo dahil sigurading hindi ka nya papayagan lalo at ganon ka katagal. Hayaan mo syang mag-isip sayo. Dapat lang 'yon sa kanya." Sabi nya kaya lalo akong nagdalawang isip. Mawaqala na lang ako bigla ganon ba? Hindi naman yata tama 'yon.

"Baka po wala na akong balikan na trabaho non?"

"Knowing Damon, hindi ka nya basta basta tatanggalin." Sabi nya sa akin saka nya inubos ang natitirang kape sa tasa nya at tumayo na sa kinauupuan nya.

"So ano? Let's go to Batangas? I-tour mo ako doon huh?" Sabi nya sa akin at hindi na nya hinintay na sumagot ako sa kanya at pumasok na sya sa loob. Napapabuntong hininga na lang ako na kinuha ang telepono ko sa sala at nagtipa ng text kay Addison para sabihin na mawawala ako ng ilang araw at uuwi ako sa amin at sya na lang ang bahala magdahilan kay Sir Damo. Pagkasend ko ng message ay dumeretso na ako sa kwarto kung saan ako natulog at naligo na saka nagbihis ng damit na suot ko kagabi. Malinis na 'yon at mukhang naipalaundry ng maaga ni Sir Ravanni. Hayyy, bakit ba napakabait nya? Lahat nang bagay hindi mo na kaylangan sabihin sa kanya dahil kusa na nya 'yong ginagawa. Napapaisip tuloy ako kung wala ba talagang girlfriend si Sir Ravanni.

Pagkalabas ko ng sala ay doon ko nakita si Sir Ravanni na hawak ang telepono ko. Kunot na kunot ang noo nya at mukhang kakagaling nya lang sa banyo. Basa pa ang buhok nya at nakatapis lang sya ng tuwalya. Mabilis akong napatalikod at tinakpan ang mukha ko. Hindi ko na nakuhang agawan sa kanya ang telepono ko.

"S-Sir Ravanni akina p-po ang t-telepono ko." Halos magkabuhol ang dila ko nang sinabi ko 'yon. Ito ang unang beses na nakita ko si Sir Ravanni sa ganitong sitwasyon at kahit hindi ko tingnan ang sarili ko sa salamin ay alam kong pulang pula na ako dahil sa kahihiyan.

"What are you doing? Come here, kunin mo sa akin." Seryosong sabi nya sa akin pero umiling lang ako habang nakatalikod parin sa kanya. Narinig ko lang naman ang pigil nyang tawa at halos kilabutan ang buong katawan ko nang maramdaman ko na naglalakad sya papalapit sa akin.

"Here's your phone." Sabi nya sa akin at nakita kong inilagay nya ito sa may balikat ko kaya kukunin ko na sana 'yon ng hilahin nya 'yon pabalik at hindi sinasadya nq napaharap ako sa kanya. Naamoy ko na ang maabangong shower gel na ginamit nya dahil sa ikli ng disgansya naming dalawa. Parang napapaso naman akong lumayo agad sa kanya at umiwas ng tingin saka ko inilahad ang kamay ko sa kanya.

"Yong cellphone ko po." Sabi ko sa kanya pero tinawanan nanaman nya ako.

"You're so cute don't you know that? Para akong germs sa paningin mo at hindi mo ako matitigan at para naman akong sakit kung makaiwas ka sa akin. Pangit ba ang katawan ko? Siguro ay kaylangan ko pang ma-effort ng pagwowowrk-out dahil hindi ka satisfy sa katawan ko."

"H-Hindi po! Macho po kayo!" Sabi ko sa kanya at napatakip naman ako sa bibig ko. Kahit kelan talaga ang bibig na 'to pahamak. Nakakahiya pero, totoo naman kasi ang dami nyang bukol sa tyan at ang lapad ng balikat nya at ang dibdib nya parang pader dahil kahit hindi mo hawakan mukhang sovrqng tigas na kapag nauntog ka sa kanya ay siguradong magkakabukol ka.

"You're so amazing! Here's your phone magbibihis lang ako." Sabi nya sa akin at iniabot na ang phone ko sa akin at saka sya tumatawang umalis at pumasok doon sa kqarto nya. Napakabaliw talaga ng bibig ko. Hindi naman ako kumakain ng floor wax pero palagi na lang akong nadudulas sa mga sinasabi ko. Minsan naiisigaw ko pati laman ng iniisip ko. Napaupo na lang ako sa sofa at dinampot ang isang unan doon saka ko ibinuhos doon lahat nang inis ko dahil sa nararamdaman kong kahihiyan kay Sir Ravanni. Pero napatigil lang ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Nag-text si Addison.



Ikaw talaga na babae ka pabig bigla ka. Hindi ko na mahulaan ang susunod na gagawin mo naloloka na ako sayo. Ano na lang sasabihin ko kapag pinatawag nanaman ako ni Sir Damon? Hay naku Bella,lagot ka talaga sa akin pag-balik mo. BTW, pasalubong ko huh? Balita ko sikat sa probinsya nyo ang kape at Kuyog na isda ipagdala mo ako para may peace offering ka sa akin. Bruha ka!   |




Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya o matatakot sa kanya dahil sa sinabi nya. Nagtype na lang akk ng reply sa kanya at saka ko isinandal ang ulo ko sa sofa. Hindi nagtext o tumawag man lang sa akin si Sir Damon siguro nga ay ayaw nya rin ako makita at tama lang na magpalamig din muna ako tulad ng sinabi ni Sir Ravanni. Siguro tinatanong nya lang ako kay Addison dahil empleyado nya ako. Katulad ng palagi nyang sinasabi, empleyado nya lang ako. Napabuntong ulit ako sa naisip kong 'yon. Parang may kung ano akong naramdaman sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Para saan 'yon?

Hindi ko na lang 'yon pinansin pa at tinanggal ko na sa isip ko si Sir Damon. Kaylangan masaya ako dahil uuwi ako kina Nanay. Makikita ko na ulit sila. Ilang buwan din at miss na miss ko na sila. Hindi na ako makapaghintay na makita ulit sila.





















xyvil_keys

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
5.3K 102 18
Ice Rodriguez..... isang babae...na nghahangad ng payapang buhay...sa highschool.. pero maguguho ang lahat ng iyon dahil lang sa isang mayabang na la...
196K 7.6K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.7K 51 12
Liberty Dimaano never had a boyfriend. For her, men are nothing but a distraction and heartbreak. Will Caesar Trinidad make her fall in love with him...