Out of Sight, Out of Mind (Em...

By whatyasey

180K 4.7K 1.3K

EMPIRE SERIES #1 (COMPLETED) Carmela Raleigh was orphaned after her grandma died. But she was able to get thr... More

Out of Sight, Out of Mind
Story Guide:
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue (Part 1)
Epilogue (Part 2)
Empire Series Self Publish

Chapter 30

3.4K 91 34
By whatyasey

"ARE YOU coming back na?"

"I told you, soon. You just asked me that yesterday!" I told Dhalia.

She pouted at me. 'Di ko maiwasang mapairap habang nakatapat sa mukha ko 'yong phone ko. Though I was just acting.

Dahlia called me again today for another Facetime. Halos araw-araw niya akong tinatawagan para lang itanong kung kailan ako uuwi.

"You've been telling me that for the past five months kaya! Hindi mo ba ako nami-miss, Ate? Kahit 'wag na si Kuya kasi lagi naman akong sinusungitan n'on," Sabi niya na parang nagtatampo.

Ang bilis ng panahon. Limang buwan na pala ang lumipas simula nang puntahan niya ako sa partment ko. Kung alam lang nila kung gaano ko na sila ka-miss.

"Hindi ka ba busy sa schoolwork mo?" pag-iiba ko ng topic.

I walked my way to the kitchen and grabbed a bottle of water. Today was Sunday kaya day off ko. Mamaya pa rin pupunta 'yong kambal.

"Not really. Katatapos lang naming mag-final exam, kaya I have free time."

"How bout Cato? Why don't you bug him instead?"

"We're not talking anymore..." halos pabulong na sabi niya.

Hindi na ako nagtanong pa. Mukhang LQ na naman 'yong dalawa.

Nagkukuwentuhan lang kaming dalawa nang biglang may pumasok sa kuwarto niya, 'tapos naputol 'yong Facetime namin.

Naglinis lang ako ng bahay, 'tapos nag-prepare nang mga kailangan ko para sa ibe-bake kong caramel cake with nuts mamaya. Ito talaga routine ko tuwing Sunday. Although today was my last Sunday here in Batanes.

I'm going to miss living here. Bigtime.

Hindi alam nina Gael at ni Dhalia na naka-book na ako pauwi sa susunod na Sunday. I just wanted to surprise them.

Hindi rin alam nina Parsley at Herb ang tungkol sa pag-alis ko. I was going to miss them. So much. My psychiatrist was the only person who knew that I was coming back to Manila. Siya mismo ang nagsabi na I have improved so much since the first day I had a session with her.

Sila na 'yong naging pamilya ko rito sa Batanes. Hindi nila ako pinabayaan at ang dami kong natutunan sa kanila, lalo na sa kambal. Itinuring nila akong tunay na pamilya nila kaya nalulungkot ako na aalis na ako. Mami-miss ko 'yong kaingayan nina Parsley at Herb pati na rin 'yong mga bunso nilang kapatid na sina Rosemary, Pepper at Graham.

Nakakainggit kasi ang laki ng pamilya nila, 'tapos kapag nandoon ako sa bahay nila ay parang walang oras na hindi maingay sa loob ng bahay. I was really grateful for them. And I was so lucky to be part of their family.

Buong araw lang akong nag-empake ng mga gamit ko. Damit lang ang bitbit ko pabalik sa Maynila. Iiwan ko na lang sa landlord ko 'yong mga ibang gamit at appliances na binili ko sa bahay dahil imposible na madala ko pa 'yon.

I was almost done baking when the twins came. I saw the looks on their faces when they got inside my apartment.

"Cara, ano 'to?" sigaw ni Parsley nang makita niya 'yong dalawang malalaking maleta sa gilid. Naempake ko na 'yong mga damit ko at nagtira lang ako ng ibang damit na susuotin ko hanggang Sunday.

"Aalis ka na? Iiwan mo na kami..." malungkot na sabi naman ni Herb.

I could feel the lump in my throat. I hate good-byes. Lalo na sa mga taong malapit sa 'kin. Mas doble 'yong lungkot ko kapag nakikita ko silang malungkot dahil aalis ako.

I nodded at them. Nakatingin sila pareho sa 'kin. They both look edso sad. Nagsimulang magtubig 'yong mata ko.

Parsley ran towards me and immediately hugged me. "Please don't leave... just stay here with us," sabi niya. Nakasubsob 'yong mukha niya sa leeg ko habang patuloy na umiiyak.

I brushed her hair. I looked at Herb, but he turned his back towards me. He was crying too.

Kahit na wala pang isang taon ko silang kilala ay para ko na silang kapatid kung ituring.

"Kailangan ko nang bumalik, Pars," sabi ko. Walang tigil 'yong mga luha ko.

"Are... are you ready to see him again?" tanong ni Parsley nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

I gave her a slow nod "Yes. I'm excited to see him again. I believe it is time for me to return home." I told her.

She cracked a small smile at me.

###

The twins helped me to pack some more. Ibinigay ko na lang sa kanila 'yong ibang gamit ko sa apartment na magagamit nila. Alam kong gipit din silang pamilya at 'yong karinderya at bakery lang ang source of income nila.

"May trabaho ka na bang nahanap sa Manila?" Herb asked.

Kumakain kami ng caramel cake na binake ko kanina.

Tumango ako sa kanya."I'm going to work at Little Birds. It's a coffee and cake shop. I sent my resumé two weeks ago, and I did an online interview. And fortunately, they hired me!" sagot ko.

May naitabi na akong pera para sa 'kin pagdating ko sa Manila. May nahanap na rin akong apartment na malapit lang sa pagtatrabahuhan ko pagbalik ko.

"Puwede bang sumama na lang ako sa 'yo, Cara?" sabi ni Parsley, 'tapos tumingin siya sa kakambal niya. "Tingin mo papayagan ako ni Mama na pumunta sa Maynila?" tanong niya.

Mabilis na umiling si Herb sa kanya at sumimangot naman agad si Parsley.

"Why not?! Gusto ko ring magtrabaho sa cakeshop sa Manila!"

"Sige paalam ka kay Mama, tingnan ko lang kung di ka mabungangaan na naman. Alam mo namang allergic si Mama sa Manila."

"Ang daya naman! Bakit ikaw pinayagang sumama kay Cara noon ba't pagdating sa 'kin ayaw nila?! Kakainis ka talaga!" Parsley shouted at her brother.

Herb just shrugged at her while enjoying his slice of cake.

Napailing na lang ako while looking at them bickering nonstop... again.

I didn't expect to enjoy living here in Batanes kasi lumaki ako sa city. Traffic, city lights, busy streets and lots of people. Parsley and Herb indeed helped a lot to make me adjust here easily.

I'm going to miss these two, for sure, so much. But it's time for me to come back home.

###

Mabilis lumipas ang araw. Hindi na ako pinagtrabaho ng kambal sa bakery para daw mas masulit ko pa ang ilang araw ko dito sa Batanes. Pero halos araw-araw din nila akong sinusundo at dinadala sa bahay nila. Kulang na lang, doon na ako tumira ng ilang araw. Lalo na si Parsley sobrang clingy niya halos ayaw niya na nawawala ako sa paningin niya.

Today was Saturday at bukas na ang flight ko. Nandito nga ako uli ngayon sa bahay ng kambal dahil naghanda sila ng pa-despedida para sa 'kin. Nagkainan lang kami at kuwentuhan.

Dala ko na ang mga bagahe ko sa bahay nila dahil sina Herb at Parsley ang maghahatid sa 'kin sa airport bukas. Nakapagpaalam na rin ako sa landlord ko kaya maayos na lahat.

"Ate, saan ka pupunta?" inosenteng tanong ni Pepper sa 'kin naupo sa binti ko. May hawak siyang pritong manok.

Hinalikan ko siya sa ulo, saka niyakap. "Sa malayo pero bibisitahin ko kayo rito promise," sagot ko.

Si Pepper ang pinaka-sweet sa mga bunsong kapatid nila. Five years old pa lang siya pero minsan kung kausapin ako parang matanda na.

"Promise, Ate?"

Tumango ako. "Promise." 'Tapos niyakap niya ako.

Kumain lang kami hanggang madaling araw. Hindi naman maaga ang alis ko bukas kaya sinulit ko na talaga ang huling gabi ko dito kasama sila. Sa sala kami tabi-tabi lahat natulog dahil doon naglatag ng sapin ang kambal.

Wait for me, Arlo... I'm coming home, I said to myself before closing my eyes to sleep. I've never felt this calm and peace by myself.

Totoo nga ang sinabi ng psychiatrist ko. Nothing could bring you peace but yourself.

###

"Huwag mo akong kakalimutan, ah! Pupuntahan talaga kita sa Manila 'pag kinalimutan 'ko!"

I nodded at Parsley and gave her one last good-bye hug. She'd been crying on our way here to the airport. Hindi na sumama sina Tita and Tito sa paghatid sa 'kin pati na rin 'yong tatlong chikiting dahil magbubukas pa sila ng bakery at karinderya.

Napatingin ako kay Herb. Kahapon ko pa napapansin na tahimik lang siya. I walked towards him at mabilis na niyakap siya. "Ma-mimiss kita Herb. I hope you find the right girl for you. Thank you for always being there for me whenever I needed someone to lean on. Sobrang suwerte ng taong mamahalin mo," sabi ko.

Mayamaya lang, naramdaman ko 'yong pagtaas-baba ng balikat niya.

"Thank you, Cara. I wish that you find your happiness again. Alam kong naghihintay rin siya sa pagbalik mo," Herb said, then he planted a kiss on my forehead.

"Bye, you two! I'll see you, guys, again. I promise!" sigaw ko habang kumakaway sa kanila.

Naglakad na ako papasok sa airport. I checked in my luggage bags and was just waiting for the time to come for me to board the plane.

Ilang oras lang at nasa Manila na uli ako.

Pagkalapag ng sinasakyan kong eroplano sa Manila, dumeretso agad ako sa apartment. Fully furnished na 'yong nakuha kong apartment kaya hindi ko na kailangan pang bumili ng ibang appliances at gamit. Agad kong inayos 'yong mga gamit ko pagkatapos kong makausap 'yong owner. Mas malaki 'to kumpara sa apartment ko sa Batanes at malapit lang din sa Little Birds kung saan ako magtatrabaho simula next week.

Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong mag-grocery para na rin makapag-stock ng pagkain. Natuto na rin akong magluto dahil tinuruan ako ni Herb.

I just wore my denim shorts and a sweatshirt. Walking distance lang naman 'yong grocery dito sabi sa Google. 'Buti na lang at nasa third floor lang 'yong unit ko dahil wala silang elevator dito. Pawis na agad ako pagbaba ko sa ground floor.

I walked my way to the grocery when I saw the Empire building just a few blocks away from my apartment. Hindi agad pumasok sa isip ko na na malapit lang dito 'yong Empire dahil ang goal ko lang was maghanap ng apartment na malapit sa Little Birds para hindi na ako gagastos para sa pamasahe dahil puwede namang lakarin lang papasok.

Dapat pala nagsuot ako ng cap baka may makakita pa sa 'kin dito! Halos lahat pa naman sila sa Empire nakatira!

Binilisan ko na lang ang paglalakad. Mabuti na lang, nakarating ako sa grocery store nang walang nakakakita sa 'kin. Bukas ko pa tatawagan sina Dhalia at Gael para sabihin na nakabalik na ako sa Manila.

Nakuha ko na lahat ng kailangan ko kaya itinulak ko na 'yong pushcart ko papunta sa cashier area. Pero nagulat ako nang may mabunggo ako pagliko ko sa aisle.

"H-hala, sorry!" agad na sabi ko sa lalaking nakatalikod.

Agad ko siyang nilapitan para sana tulungan pulutin 'yong mga pagkain na nahulog sa basket na hawak niya, pero agad akong napahinto nang humarap siya sa 'kin.

"A-Arlo..." halos pabulong na sabi ko. Napatakip agad ako sa bibig at gulat na gulat na nakatingin sa kanya.

His eyes widened in shock na para bang hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ako ngayon. Walang nagsasalita kahit isa sa amin. Nakatingin lang kami sa isa't isa.

Wala pang isang taon simula nang umalis ako at lalo lang siyang gumuwapo! His hair was longer now, but it suited him better. He became more mature and manlier.

Cutie Arlo was gone now. The Arlo who was looking at me right now was the hotter and manlier one.

Parang ang laki nang pinagbago niya simula nang umalis ako...

"M-mag isa ka lang?" nag-aalangang tanong ko. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Nakatingin lang siya sa 'kin nang deretso. Hindi ko alam kung masaya ba siya na bumalik ako o hindi.

"Nope," sagot ni Arlo.

Nakatitig pa rin siya sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi naman ganito ang gusto kong mangyari kapag nagkita kami.

"Kasama mo ba si Dhalia?" tanong ko. Dahil wala naman siyang puwedeng kasama kung hindi ang kapatid niya.

Eksaktong magsasalita pa siya nang may biglang lumapit na babae sa amin at agad na hinawakan siya sa braso.

"Sino siya?" tanong ng babae habang nakatingin kay Arlo at nakangiti.

Nakatingin lang ako kay Arlo. Hinihintay ang sasabihin niya pero hindi siya nagsalita at nakatingin lang din siya sa 'kin.

May girlfriend na siya? Bakit ang bilis naman... gano'n lang ba ako kabilis kalimutan? Gano'n lang ba ako kabilis palitan?

Pero ano nga ba ang magagawa ko, ako 'yong umalis. Ako 'yong basta na lang nang-iwan.

Bakit ba nag-expect pa ako na may babalikan pa ako rito?

Mabilis na nagtubig 'yong mga mata ko habang nakatingin sa babae. Ang ganda-ganda niya. Lalo na kapag ngumingiti pa siya habang nakatingin kay Arlo. Sobrang bagay nilang dalawa.

"Hi, I'm Sera. And you are?" She offered her hand to me.

Pati pangalan niya ang ganda.

Kahit gusto ko na lang umalis at iwan sila ay inabot ko pa rin 'yong kamay niya. "I-I'm Cara..." sabi ko nang abutin ko 'yong kamay niya. Sobrang lambot ng kamay niya.

"Oh, my gosh! Is she—" agad na tanong niya kay Arlo na parang kilala niya kung sino ako at mabilis na tumango naman si Arlo.

Hindi ko na mapigilan pa 'yong luha ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

I needed to leave... Sinasaktan ko lang 'yong sarili ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"M-mauna na ako, sige bye!" mabilis na paalam ko sa kanila.

Narinig kong tinawag ako ni Sera. At dahil din sa pagmamadali ko ay naiwan ko na 'yong pushcart ko roon. Dumeretso na ako pabalik sa apartment.

Ang tanga ko lang para umasa na may babalikan pa ako rito.

W H A T Y A S E Y

Continue Reading

You'll Also Like

33K 1.7K 43
LOVE YOURSELF: THE SERIES 1 A college student, Magi Serrano, wants to seek justice for her grandmother's death. But her world go awry when Dylan, the...
941K 24.6K 42
The past made him regret everything he did to her. And now, he's ready to choose her over everything. | BOOK #2 OF WHEN TRILOGY
5.4M 89K 70
One wrong send that leads to one great love story. This is Blue Bear and Ms. Loner's story :) (started writing this story when I was in 3rd year high...
1.1M 32.7K 42
Samantha Greyshel Enriquez, a supermodel who gets cheated on by his long term boyfriend, Xander Abueva. He left her for her best friend. Their relati...