Let's Fall In Love ✔️

By roosseeey

2.9K 279 11

xxx. roosseeey. More

Let's Fall In Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanta 10
Wakas

Kabanata 5

119 22 0
By roosseeey

Kabanata 5

Maaga akong nagising kinabukasan dahil na rin siguro sa maganda ang tulog ko, linggo kasi at siguradong maraming tao at tama nga ako.

Naligo muna ako at bago ako pumunta sa lomihan ay binisita ko muna si tatay sa kwarto niya.

Nakahiga lang si tatay at nakapikit, parang walang masakit kay tatay dahil sa itsura niyang 'yon. Tahimik lang siyang natutulog.

Aalis na dapat ako pero natigilan ako ng tawagin ako ni tatay, kakagising lang ba niya o kanina pa siya gising? Nag lakad ako papalapit kay tatay.

“Po?” Tanong ko. Nagulat ako ng hawakan ni 'tay ang kamay ko.

“Pasenya ka na anak,”  Maluha luhang sabi ni tatay kaya naguluhan ako.

“Po? Bakit 'tay?” Naguguluhang tanong ko.

Tiningnan lang naman ako ni tatay, itatanong ko dapat kung bakit pero tinawag ako ni nanay.

"Rowella! Tumulong ka muna dito!"

Nginitian ko lang si tatay at sinabi kong tawagin na lang ang isa sa amin kapag may problema.

Lumabas na ako sa kwarto niya at pumunta na sa lomihan nandon na si nanay at ate, maayos na naman si nanay at nakakatulong na sa amin kaya lang kapansin pansin ang pagiging matamplayin niya.

Dumating rin si Renalyn para tumulong dahil sabado alam niya na maraming tao at sabi niya pa baka raw ngayon bumalik si JM.

Loh sige asa ka bhie.

“Level up ah, pumasyal na naman daw ulit kayo kahapon?” Pang aasar sa akin ni Renalyn habang nag liligpit kami.

Ngumiti naman ako.

“Hahaha, oo pinasyal niya ako sa bahay nila.” Ang laki ng bahay nila at halatang mayaman may tatlong kotse din sila tapos nalaman ko rin na may sariling negosyo ang pamilya niya. Natuwa ako ng nalaman ko 'yon dahil kahit isang beses hindi ko nakita si Cyrus na naging maarte sa kahit anong bagay.

“Naks, ngiting ngiti ah,” Natawa ako dahil sa pang aasar niya.

“Niyaya niya rin akong mag simba, alam mo bang plano ko 'yon magisa kasi hindi pa ulit tayo nag kikita non at hindi ko alam kung nasaan ka tapos kahapon nung pinasyal niya ako bigla niya akong niyaya.” Nakangiting sabi ko, hindi na mawala ang ngiti sa labi ko at parang mapupunit na ang mukha ko.

“Talaga? Naks sana all, gusto ko rin sanang mag simba yayayain dapat kita kaya lang may nag yaya na pala sa'yo kakahiya namang sumama sa inyo baka maging third wheel lang ako.” Hinampas ko siya ng mahina.

“Nu ka ba, third wheel third wheel, sumama ka sa amin mamaya.”

"Sisimba tayo, hindi lalandi." Pinandilatan ko siya.

Tapos na rin ang mga costumer kumain ng matapos kaming mag ligpit kaya bumalik muna si nanay sa bahay at kaming tatlo na lamg nila ate ang naiwan dito.

“teh, mag sisimba pala kami mamaya ni Renalyn kasama si Cyrus, gusto mo sumama?” Sabi ko kay ate, nakaupo lang kami ngayon.

“Talaga? Titingnan ko,”

“Wait sandali, kayo ba ni Cyrus?” Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni ate.

“Medyo ate,”  Gatong ni Renalyn kaya inirapan ko siya.

“Hindi ah.” Pero lately napapansin ko na parang ang saya maging boyfriend ni Cyrus--omg Rowella ang harot harot.

“May mga costumer, tumayo kayo r'yan at tulungan niyo ako.”  Sabi ni ate at tumayo siya.

Tumayo rin naman kami ni Renalyn, tumingin ako sa gilid ng lomihan kung saan kitang kita ang view at nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino sila.

Si Cyrus at ang mga kaibigan niya, ngumiti lang ako ng lumingon sa akin si Cyrus at kinawayan ako.

Ito na naman ang puso ko, sobrang lakas ng kabog. Nag katinginan rin kami ni ate Renalyn at parehong napangiti. Nandito ang JM niya.

Apat sila at lahat sila ay naka bihis pang biker.

OMG.

Pumunta na kami ni Renalyn sa kusina at tumulong kay ate.

“Hala sbakzjamak tinotoo nga niya 'yung sinabi niya na pupunta siya.” Sabi ni Renalyn at parang kinakabahan.

“Eh? Kayo ba?” Ang alam ko may girlfriend raw si JM?

“Hindi.” Mabilis niyang sagot.

“Oh?”

“Ilang linggo niya ako hindi kinausap nung nalaman ko na nag break sila nung girlfriend niya naintindihan ko naman 'yon kaya hindi ko siya kinulit at ayoko rin mang himasok pero kahapon nag chat siya at sinabing pupunta raw siya dito,” Mahinang paliwanag niya.

Kumunot naman ang noo ko.

“Eh bat ka kinakabahan?” Mahina lang ang pag uusap namin dahil nandito si ate at rinig na rinig ein sa labas kung lalakasan namin.

“Ewan nga eh pero feel ko dahil sa'kin kaya sila nag break nung girlfriend niya.” Binatukan ko nga.

“Assumera ka, hindi 'yan kung ganon bakit naman niya ikaw hindi kakausapin diba? Hays, mag usap kayo ng personal.” Sabi ko at napanguso nama siya.

“Palibhasa close mo na si Cyrus eh,” habil niya pa pero hindi ko na pinansin.

Lumabas na kami at inilagay ang lomi sa lamesa nila.

“Sa bahay muna ako tawag ako ni nanay Wella, ikaw muna bahala dito ha.” Tinanguan ko lang si ate.

Nandito na kami ngayon ni Renalyn nakaupo malayo sa kamila nandom ulit kasi sila sa palagi nilang pwesto. Nagulat ako at mabilis na napatayo ng tawagin ako ni Cyrus.

“Rowella.” Nakangiti niyang tawag sa'kin.

Nag lakad naman ako papalapit sa kanila, baka mag o-order pa ulit o baka may kailangan.

“Cyrus.. bakit?” Tanong ko.

Nagulat ako ng tumayo siya at tumabi sa akin, ngayon paregas na kaming nakatayo sa harap ng mga kaibigan niya.

“Ipapakilala kita sa kanila,”  Bulong niya sa akin dahilan para hindi ako makapag salita.

“JM si Rowella, Wella si JM. Owe si Rowella, Wella si Owe. Mark si Rowella, Wella si Mark.” Isa isa akong binati nung mga kaibigan niya at binati ko rin naman sila.

Kumakabig ng malakas ang dibdib ko pero ang saya.

“Mag sisimba kami mamaya gusto niyong sumama?” Napatingin ako sa kaniya, hapon pa kami mag sisimba at sigurado akong aabutin kami ng gabi.

“Sa bahay kasi sila matutulog.” Napatango ako.

“Sama ako.” Si JM ang unang sumagot na sinundan nung dalawa.

Tumingin ako kay Renalyn na ngayon ay nakatingin sa gawi namin. Nginitian niya ako at nag thumbs-up siya.

Halatang naiilang siya kay JM. Ano kaya talagang nangyari sa dalawang 'to.

Hapon na at umuwi na rin si Renalyn nung nalaman niya na sasama si JM sabi niya hindi na daw siya sasama pero hindi naman ako pumayag kaya pinilit ko siya at sinabi ko na magagalit ako sa kaniya kapag hindi siya sumama kaya wala siyang nagawa.

Dahil sa baba naman ang simbahan, dadaanan namin si Renalyn kaya wala siya talagang magagawa. Mag lalakad lang rin naman kami dahil malapitang naman ang simbahan.

Pinag paalam rin pala ako ni Cyrus kay tatay at nanay pati kay ate na mag sisimba kami kasama ang mga kaibigan niya, hindi nga ako makapaniwala ng malaman ko 'yon.

Ngayon ay nandito na ako sa lomihan, kanina pa ako nakapag ayos sa totoo lang hindi naman sa excited ako pero mas mabuting ako ang mag hihintay kaysa sila. Dress at flat sandals lang ang suot ko.

Umubob ako sa lamesa pero agad ding napatunghay ng may tumawag sa'kin.

“Nag hintay ka ba ng matagal? Sorry sorry, ang bagal kasi kumilos ni Owe.” Nakita ko si Cyrus na nakatayo sa harap ko kasama ang mga kaibigan niya.

“I can't find my shoes.”  Masungit na sabi ni Owe.

Lahat sila ay naka-polo mag kakaiba lang ang style tapos naka pants na black. ANG GWAPO NILANG LAHAT! Pero lalo na si Cyrus, bumagay ang pure white lang na polo na suot niya sa kaniya. Maputi kasi siya.

“Rowella?” Nanalaki ang mata ko at agad napaiwas ng tingin, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya.

“A-ah hindi naman.” Biglang lumabas sa bibig ko kahit wala maman yata silang tinatanong o sinasabi.

Nag paalam lang ulit kami kani kanila Inay tapos lumakad na kami. Tahimik kaming nag lalakad at walang nag sasalita, nahihiya kasi ako. Alam ko na may pag ka madldal ako pero nawala lahat 'yon.

Naunang mag lakad ang tatlo niyang kaibigan at nasa hulihan naman kami ni Cyrus.

“Ayos ka lang ba?” Rinig kong tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

“Oo naman.”

Dumaan kami sa bayay ni Renalyn at tinawag na namin siya. Katulad ko naka dress at flat sandals lang din siya.

“Dahil 'to sa'yo. Patay ka sa'kin mamaya.” Sabi niya ng makalapit siya sa'kin. Tinawanan ko lang siya.

Medyo marami ang tao ng makarating kami sa simbahan pero malawak pa naman ang pwesto sa loob kaya pumasok kami.

Mahaba naman ang upuan kaya tabi tabi kami, ako-Renalyn-JM-Owe-Mark. Gusto pang makipag palit sa'kin ni Renalyn pero hindi ako pumayag.

Huh? Pero wait, nasaan si Cyrus?

“Mag si-tahimik ang lahat ilang sandali na lang ay mag sisimula na ang misa.” Sabi ni father na nakatayo sa unahan.

Lahat ay nag bigay ng katahimikan at ilang sandali nga lang nag simula na ang misa.  Lahat kami ay tumayo ng sabihin ni father, nag sign of the cross kami at pumikit para mag dasal.

Lord, ikaw na po ang bahala kay tatay naniniwala akong hindi mo po kami pababayaan.

At sa pag mulat ng mata ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakita ko si Cyrus na nakatingin sa akin habang nakangiti. Para bang sinasabi niya na magiging maayos din ang lahat.

Sana nga..

Continue Reading

You'll Also Like

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
608K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
355K 24.1K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
20.8K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...