Chained to the Alpha

By imsinaaa

1.2M 10.6K 763

Chained to the Alpha (Wattpad) former title: My Stalker is a Wolf Anael Kreiss Perez thought that she has the... More

Chained to the Alpha
Prologue
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
ANNOUNCEMENT

KABANATA 5

26.2K 895 42
By imsinaaa

Anael Kreiss Perez

"H-huwag niyo na po itong ipaalam sa nanay ko." Sabi ni Anael sa kanilang Dean pagkalabas na pagkalabas ng mag-asawang Monrique. Hindi niya pinatuunan ng pansin ang nananakit na pisngi, mas inaalala niya ang kaniyang ina at kapatid.

Ayaw niyang malaman ng kaniyang ina ang nangyari, ayaw niyang mag-alala ito kaya hindi nito pwedeng malaman ang nangyari ngayon. Umayos ng tayo si Anael, aalalayan pa nga sana siya ni Santos ngunit tinanggihan niya iyon. Kaya niyang tumayo mag-isa. Inayos ni Anael ang nalukot na uniporme pati na ang sarili. The Dean and the Police officers can't help but to pity her, magulo ang buhok nito, ang uniporme, at namumula ang pisngi nito. They're too shocked when Mrs. Monrique suddenly attacked Anael, napakabilis kasi ng nangyari.

"Is it... is it really my fault?" Mariin niyang kinagat ang labi para pigilan ang pagpatak ng luha sa kaniyang mata. She needs to be strong, wala siyang ginawang masama.

"Simon, he's a good friend of mine. Isa siya sa mga mahahalagang tao sa buhay ko, he... he didn't deserve to die." Naiyukom ni Anael ang kaniyang kamay. "Kasalanan ko po ba talaga?" dagdag na tanong ni Anael.

Nagkatinginan sina Santos at ang Dean ng unibersidad bago sagutin ang tanong ni Anael.

"It's not your fault, ija. Sa ngayon, we need to investigate his death." Sagot ni Santos.

Tinapik ng Dean ang balikat ni Anael atsaka ito nginitian para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Anael.

"Umuwi ka na muna, ija. You're excused for today's class and don't worry, hindi muna namin ito ipapaalam sa magulang mo." Aniya Dean.

Tumango si Anael bilang sagot. Masyadong naging malalim ang inisiip ni Anael kaya hindi na niya narinig pa ang ibang sinabi ng mga tao na nasa Dean's Office. Natagpuan niya na lang ang sarili na inaalalayan papunta sa personal exit ng Dean, diretso na ito sa parking lot kaya hindi makikita ng mga estudyante si Anael, sa ganitong paraan maiiwasan nila na pag-usapan ng lahat si Anael.

Sinamahan siya ng mga pulis hanggang sa labas ng unibersidad. Bago tuluyang umalis si Anael ay nagpasalamat muna siya sa mga ito bago matamlay na naglakad papunta sa sakayan ng jeep.

Sa kabilang dako, nakasunod ang kaniyang tingin sa bulto ni Anael. Matamlay ito at tila ba pagod na pagod. He knows that something happened, lalo na nang makita niya ang babae na inaalalayan ng mga pulis. Ngumisi siya, looks like Simon's family is making a move, looks like Monrique's touched his beloved. Ang kulay itim nitong mata ay naging kulay dugo.

Itinaas niya ang kamay at sa isang iglap lang ay sumulpo bigla ang kaniyang mga tauhan. Nakatayo ito sa likod niya at nakayuko. The mysterious man pointed the Police officers who's also watching Anael.

"We will visit their department and their old man." Tukoy niya sa Chief of Police at sa department na kinabibilangan ng mga pulis na umalalay kay Anael. "But first, we will visit the Monrique's." Ngumisi ito.

He'll make sure that no one will harm his Beloved, his Anael.

...

"Anak, isang linggo lang ako doon. Kayo na muna ng kuya mo ang bahala sa bahay." Muling paalam ng kaniyang ina nang makababa siya sa living room.

Pagkauwi niya ay nakatulog na agad siya, pinaghalong sakit ng ulo at katawan ang naramdaman niya kanina kaya bumagsak kaagad siya sa kaniyang kama. Nang magising at makalabas siya sa kanyang silid, natagpuan niya na lang ang kaniyang ina na nakapang-alis at may bitbit na malaking bag.

"Gusto mo bang sumama sa sentro?" Tanong nito sa anak. Pupunta ito sa sentro ng probinsya at may kalayuan iyon sa lugar nila. Dalawa't kalahating oras ang byahe nito mula sa kanila.

Napatigil naman si Anael. Sa totoo lang, gusto niyang sumama sa kanyang ina pero hindi pwede, kinakailangang bumawi ni Anael sa klase. Ayaw niya ring lumiban sa klase dahil baka marami siyang ma-miss na lessons, napilitan nga lang siyang lumiban ngayon dahil kailangan niya ng peace of mind.

"Ang tamlay mo ata, anak?" Nilapitan siya ng kanyang ina atsaka inilapat ang likod ng palad nito sa noo ni Anael. "Wala ka namang lagnat." nagtataka ngunit nababahiran ng pag-aalala ang boses nito.

Nakangiting hinawakan ni Anael ang kamay ng ina. sobrang taming ng ngiti niya rito at iyona ng ginamit niya para mawala ang pag-aaalala ng kaniyang ina. Alam ni Anael na sa oras na sabihin niyang hindi sa okay at hindi itago ang pagkatamlay ay hindi ito tutuloy na umalis o hindi kaya'y pipilitin siya nito na sumama sa sentro.

"Nay, okay lang ako at wala po akong lagnat." Aniya sa ina para mapanatag ito.

Napabuntong hininga na lang ito. "Sigurado ka ba na ayaw mong sumama sa sentro at bisitahin ang iyong lolo't lola?" Paniniguradong tanong nito kay Anael. Umaasa kasi siya na baka magbago ang isip ng anak.

"Nay, ang hassle po kung galing pa po ako sa sentro papunta sa unibersidad." Aniya. Baka mas lalo lang siyang mapagod at hindi mahanap ang peace of mind na inaasam niya.

Gusto niyang sumama kaso alam niyang hindi niya kakayanig pagsabayin ang pagod sa byahe at stress dahil sa mga nangyari. Hindi na siya kinulit pa ng ina at tuluyan na itong umalis. Ngunit bago ito umalis ay hinalikan siya nito sa noo at pinayuhan na bantayan ang bahay att mag-ingat.

Ngayon, mag-isa na lang si Anael sa kanilang bahay. Nasa trabaho pa kasi ang nakakatandang kapatid. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Anael bago sumandal sa kanilang sofa. Ipinatong niya rin ang paa sa kanilang center table at pinakatitigan ang kisame. Ilan minuto rin na ganun ang posisyon niya bago niya mapagdesisyunan na buksan ang telebisyon.

She kept on changing the channel but she cant find an interesting show that will help her calm her mind. She tried to entertain her self but ended up staring at the random tv show. She's bored, stress, and worried. She was about to stand up when her phone rang, thinking that it's her older brother who's calling. Tiningnan niya ang screen ng kanilang phone at doon nakita ang pangalan ni Lanie. Sinagot niya kaagad ang tawag.

"Hello?"

[Girl, chika ko lang sa 'yo na may bonfire partysa university bukas ng gabi.]

Kumunot ang noo ni Anael.

"Bonfire party? para saan?"

[Hindi ba nga may bisita ang unibersidad, sabi kanina sa amin parang welcome party sa kanila. Wala rin palang klase bukas, just letting you know kasi baka iniisip mo kung paano ang klase.] Paliwanag nito. Nahulaan naman ng kaibigan kung ano ang itatanong niya dapat.

Akmang magsasalita sana si Anael nang unahan siya ng kaibigan at kaklase.

[Punta ka na lang sa school bukas ng ala sais ng gabi. Dont forget your ID at magandang dress!] Aniya bago ibaba ang tawag.

Camping. Bakit naman biglaan ang camping na 'yan? ganun ba kahalaga ang bisita ng unibersidad nila para gawan ng welcome party? Napabuntong hininga na lang si Anael. Siguro okay na rin na may camping sila, baka iyon ang ang mag-alis sa alalahanin niya.

Agad na tumayo si Anael at nagtungo sa silid niya. Aayusin niya na ang susuotin para bukas ay wala na siyang aalahanin pa. Napangiti si Anael, hindi niya maitatago na na-excite siya mangyayari bukas. She organized her stuffs with a smile on her lips. Masyadong naituon ni Anael ang attensyon sa ginagawa kaya hindi niya namalayan na may nagmamasid sa kaniya nang mga oras na iyon at nakamasid sa magandang labi na nakaukit sa labi ng dalaga.


Continue Reading

You'll Also Like

852K 18.1K 55
[Werewolf Series #1] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's i...
181K 5.2K 60
SYNOPSIS: Eros De Guzman was born to find her queen. The new luna of their clan. The clan of Lotharion Canids. He was not persistent at first for he...
Mate By Luna

Werewolf

32.6K 1K 26
Ang El Mes pack ang kinikilala sa buong bansa bilang pinakamakapangyarihang grupo ng mga taong-lobo. Nagmula ang pack na ito sa sinaunang taong-lobo...
71.3K 2.1K 25
Alpha Linus is living peacefully in his pack. Everything is perfect. His pack is the strongest in Selenia, the world of werewolves. He has a very car...