Giovanni Clark: Gone Crazy (G...

By frosenn

116K 4.9K 11.8K

Giovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He def... More

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (1 of 2)

Chapter 10

2K 111 643
By frosenn

Chapter 10

Smile

  

Tobie and I first met in a social function four years ago, making me just a twelve-year-old then.

Unang taon ko noon sa Junior High School at unang pagkakataon ding nakadaupang-palad ang mabubuting employer ni Papa. Ang mga Fabian.

"Huwag kayong lalayo. Baka makaabala lang kayo sa mga bisita kaya dito lang kayo sa akin!" mahigpit na bilin ni Mama habang naglalakad kaming pamilya patungo sa entrance ng engrandeng establisyimento.

Tumawa si Papa. Tumingala ako para matignan siya habang nakakapit sa kanyang braso.

Nagre-reflect sa kanyang salamin ang liwanag na nagmumula sa outdoor lights noong gabing iyon. Pero bakas pa rin ang kasiyahan sa mukha ni Papa. Hindi tulad nitong mga nakaraan.

"'Wag mo masyadong takutin ang mga bata sa mayayaman, Olivia. Hindi lahat ng mayayaman, matapobre at magaspang ang pag-uugali."

Marahan at banayad ang boses ni Papa noon pa man. Sa kanilang dalawa ni Mama, hindi hamak na daig siya nito tuwing may argumento. O siguro, nagpapaubaya lang talaga si Papa.

"Hindi bale nang nabalaan, Ricardo. Kaysa lumaking walang alam sa buhay ang mga anak ko. Lalo na ngayon, puro mayayaman ang dadalo riyan. Mapahiya pa ang Papa ninyo sa mga employer kaysa ma-endorse kayo sa pinapangarap niyong scholarship."

Masunurin kaming tumango ni Kuya dahil nakuha namin agad ang paalalang iyon.

Ang tinutukoy kasi ni Mama ay iyong programang ilulunsad pa lamang ngayong araw ng mga Fabian. The party was mainly to celebrate Mrs. Fabian's birthday, but the Madam wanted it done with benefaction.

Nag-anunsiyo ito na nais nilang makatulong mag-asawa sa kanilang masisigasig na empleyado. Isa na roon si Papa. And we believed he earned it.

For years of working under the Fabian Holdings, he worked like a Trojan just to support our needs. Halos magpaalila na nga ito para lamang masimulan na ang aming bahay. Idagdag pa ang kagustuhan kong makapag-aral sa pinapangarap kong school. Ang Rouxton Academy.

Elementary pa lang, pinapangarap ko na ang eskuwelahang ito at hindi iyon lingid sa kaalaman nina Papa. Kaya naman noong bakasyon nang sabihin niya sa aking hindi pa nila kayang tustusan ang matrikula ko para makapasok sa paaralan, labis ang kalungkutang nadama ko.

Bakit ganoon? Hindi ba nangako siya sa akin na kapag Grade 7 na ako, may ipon na siya at mapapag-aral na niya ako sa Rouxton? Nangako siya sa akin!

Ang tagal kong hinintay maka-graduate para lang makatungtong sa eskuwelahang iyon. Ang tagal kong nag-asam at umasa sa pangako ni Papa! I even studied very intensely just to top my batch. Para naman makita nilang deserve ko iyon at hindi masasayang na pinagbigyan nila ang kahilingan ko. Tapos ganito? Para na rin siyang nagsinungaling sa akin! Binali niya ang pangako niya at pinaasa lang ako!

"Anak, patawarin mo si Papa. Kinailangan lang namin ng Mama mo ng... ng malaking halaga kaya kahit mahirap man para sa akin, nagamit namin ang perang naipon ko para sa pag-aaral mo. Naiintindihan mo ba iyon?" nagsusumamo niyang paliwanag sa akin.

Hindi ako nakapagsalita, nanatili lamang ang mga kamay sa mukha habang lumuluha sa sobrang sama ng loob.

I expected too much. Now, I'm too disappointed and mad!

"Elia, anak... Tahan na..." haplos niya sa aking buhok na agad kong tinabig.

"Niloko mo lang ako, e! Sinungaling ka, Papa!"

Saglit itong natahimik hanggang sa narinig ko ang kanyang buntong-hininga.

"Hindi kita kailanman niloko, anak. Mahal na mahal kayo ni Papa kaya hindi ako magbibitaw ng pangakong walang intensiyong tumupad sa usapan... Elia, sorry na, anak... Nagamit ko lang ang ipon... dahil kinailangan."

Dahil kailangan? Saan? Totoo ba naman iyon?

Hindi ulit ako nakasagot, tila may bumabara na sa lalamunan. Tanging hikbi lamang ang nagawa ko. Mayamaya, nadama ko ang paglubog na gilid ko senyales na tumabi na sa akin si Papa.

"Hayaan mo, anak. Babawi si Papa, okay? Kakayod ako nang mas mabuti para makapag-ipon ulit. Gustong-gusto rin namin ng Mama niyo na mapag-aral kayo sa magandang institusyon, anak. Pero sa ngayon, masakit mang sabihin pero sana... pagtyagaan muna natin ang public shool, pwede ba iyon? Basta pangako ni Papa na sa Grade 8 mo, makakapasok ka na sa gusto mong eskuwelahan... Pangako iyon."

Against my will, a sob broke forth from my lungs as I rubbed my eyes to face him.

"A-Ayan ka na naman, e. Nagsisi... Nagsisinungaling ka lang... para magtahan ako, e!" I struggled between my heart-wrenching sobs.

Umiling si Papa at lumambot ang kanyang ekspresyon nang haplusin ang buhok ko.

"Tutuparin na ni Papa sa pagkakataong ito, anak... Hindi ko kayang nagagalit sa akin ang prinsesa ko," he smiled.

Papa... smiled.

But there was a combination of emotions in his smile that's foreign to me. A combination of pain, sorrow, and weariness—something that I failed to recognize before.

And it's too late when I finally did.

Muli akong kumapit sa pangako ni Papa. Kaya kahit sa isang pampublikong paaralan lamang ako nag-Grade 7, pinagbubutihan ko pa rin nang husto ang pag-aaral para mapaghandaan ang naghihintay na regalo next year.

At sa kabutihang palad, dahil sa maiiging pagtatrabaho ni Papa, tila ba bumabawi ang tadhana sa amin at nagkaroon ng ganitong oportunidad mula sa mga Fabian.

They must've recognized Papa's loyalty and hard work to their company! Kaya isa sa mga napiling empleyado na gagantimpalaan ng tulong!

"Hahanapin ko muna ang Department Head para makabati. Gusto niyo bang sumama?" ani Papa pagkahanap namin ng lamesa.

Kanina pa ako nalilibang sa paligid. Ang daming tao. Tama nga si Mama. Puro mayayaman at elegante ang mga bisita rito. Ibang-iba sa mga birthday-an ng kamag-anak o kabarangay namin.

Nakakalula! Parang natatakot akong makasanggi o makasalubong sa daan ng kahit sino man lang sa kanila.

Maybe it's enough soap operas for me. Pakiramdam ko kasi, mangangatal ako agad. But Mama said no to me and yes to her husband. Dahil sunod ko na lang na nalaman, palipat-lipat na kami ng table para lamang makabati sa mga kakilala ni Papa!

"Maligayang kaarawan, Ma'am. Isang karangalang maimbitahan sa kasiyahang ito," bati ni Papa sa ginang na kasama lagi ang kanyang asawa sa kahit saan.

Sa katunayan, kanina ko pa sila pinagmamasdan habang nakikipag-usap sina Papa sa ibang bisita kanina. They caught my attention because both of them were so good-looking.

Were they really in their forties? I couldn't see it! Parang mga artista na pamilyar pa ang hitsura sa akin! Mga artista nga kaya?

Muntik na akong mapaaray nang malakas dahil sa hindi inaasahang kurot ni Mama sa akin.

"Anong tinutunga-tungaga mo riyan? Bumati ka. Sila ang boss ng ama mo!" mahinang usal sa akin ni Mama.

My eyed rounded. Pagkasabi pa lang noon ni Mama, lalong kuminang sa paningin ko ang mga kaharap na personalidad. Wow. Sila ang susi para makapasok ako sa Rouxton!

"Thank you, Mr. Mallari. I'm glad that you made it here," mapagkumbabang ngiti ng ginang.

Samantalang ang asawa nito ay nakipagkamay rin kay Papa. Sa tagal ng titig ko sa mag-asawa, hindi ko namalayang nakatulala na pala ako kung hindi lang ako sinundot ni Kuya sa pisngi.

How could it be possible? The middle-aged man was able to make my eyes twinkle!

"Hindi po namin palalagpasin ang gabing ito, Madam."

"Kung ganoon, ito na ba ang pamilya mo?"

Pagkalingon nila sa amin, yumuko kami nang sabay ni Kuya tulad ng inensayo.

"Ah! Yes. This is my wife, Olivia. Ang dalawang ito naman po ang anak namin. Madalas kong naikukwento," bahagyang tawa ni Papa bago tapikin ang balikat ni Kuya. "This is Orpheus Rizieri, ang panganay ko. Ang bunso ko naman po, Ophelia 'Princess' Rizette. Sinasabi ko ho sa inyo. Parehong mababait at matatalinong bata ang mga iyan kaya napakasuwerte namin ng asawa ko."

Gumuhit ang galak sa mukha ng mag-asawa. Base pa sa pagtapik ng ginoo kay Papa, mukha ngang malapit si Papa sa kanila.

"Oh, Mr. Mallari. I'm elated to finally meet these adorable children!"

"And it's our honor to have this chance meeting our Father's benevolent employers po. Happy birthday, Madam," Kuya greeted politely with a smile.

Ginaya ko ang ngiting iyon pero dinaig ang enerhiya ng kapatid.

"Happy birthday po, Ma'am! We are beyond grateful po to be invited to your party!"

She chuckled. Sa sobrang tuwa ay napasandal pa sa asawa para lamang titigan kami ni Kuya. I smiled proudly to myself for a successful result.

"What a bunch of sweethearts. You have no idea how proud your Father is telling stories about how lovely you both are. Too bad. Our sons aren't here with us. For sure you'll get along knowing those two."

"We might've the chance to introduce them later. They're currently diligent to accomodate their friends," sabay baling sa kabilang direksiyon ng ginoong Fabian.

Sinundan namin iyon ng tingin. Kaso lang, ibang grupo ata ang una kong napansin. Halos kaedaran lang namin sila ni Kuya.

Standing not so far away from us were three girls looking this way near a boy sitting alone at a table. Abala sa pag-uusap ang tatlo habang nakadirekta sa aming direksiyon ang mga mata nang napansin nila ang pagtingin ko.

Shock and irritation dawned on their faces as soon as they snarled and looked away. Kumunot ang noo ko.

Anong problema nila? Ako ba iyong pinagchichismisan nila? Wagas kung makaiwas ng tingin!

I scanned myself to check if there's something wrong with me. Was it because of my outfit? Bukod sa simpleng cap sleeve dress na suot ko, bagay na masyado ngang plain kumpara sa suot ng ibang bisita, wala na akong ibang naisip na mali kaya nakumbinsi ko ang sariling iyon ang isyu nila sa akin.

Hindi ko na inabala pa roon ang sarili hangga't hindi naman karapat-dapat pag-aksayahan ng panahon. Ang mahalaga ngayong gabi, mapasama kami ni Kuya sa scholarship program ng mga Fabian!

The party progressed. Nasa stage na si Mrs. Fabian para magpasalamat sa lahat ng dumalo at bumati. Naka-serve na rin ang mga pagkain kaya hinintay lang namin ang hudyat para magsimula roon.

Kahit ang totoo, para pa rin akong nalugi dahil hindi ko nakuha iyong gusto kong dessert kanina. Halos ika-high blood pa ni Mama ang hiling ko dahil para lang daw 'yon sa VIP guests. Edi huwag!

"Mama, punta lang po ako sa CR," I excused myself after eating.

Mula kay Papa, problemado nitong nilipat sa akin ang tingin at napabuntong-hininga.

"Bilisan mo lang. Baka mamaya hanapin na tayo ng mga Fabian. Dali na!"

"Opo! Thank you!" I responded merrily, excited na makalibot sa bulwagan kahit sandali lang.

Kunwari pa akong naghahanap-hanap kung nasaan ang restroom. Kahit ang totoo, pinapatagal ko lamang ang kalayaang mapasyal ang lugar.

Malawak ang bulwagan. Nakapuwesto sa bawat gilid ang mga bilog na lamesang natatakpan ng espesyal na tela. Sa gitna ay ang malawak na platform, hinuha ko'y dance floor at event area para sa iba pang aktibidad mayamaya. O pwede rin doon sa entabladong nasa harap. Lalo tuloy akong na-excite. Ia-announce na rin kaya ang mga detalye tungkol sa benefaction?

Patungo na ako sa restroom nang nahagip ng mga mata ang halos mga kaedarang nagkakasiyahan malapit sa bar area.

They're composed of more or less ten people. Ang iba, halatang menor de edad pa lamang gaya ko. Pero mayroon din namang ilang matured na.

Namataan ko rin sa grupong iyon ang tatlong babaeng masama ang tingin sa akin kanina. Kaya bago pa man ako mapansin ng kahit sino sa kanila, nagmadali na lang ako patungo sa restroom.

All the way back to our table, I couldn't believe I just had an uncalled-for adventure just excusing myself for a toilet break.

Kasama na itong special dessert na natanggap ko mula sa waiter bigla. Totoo. Iyong halos paglawayan ko kanina!

Pinapaabot daw, hindi umano, ng isa sa mga anak ng host. Ibig bang sabihin, iyong dalawang lalaki na anak ng mag-asawang Fabian?

Bukod pa roon, nakita ko pa ulit iyong tatlong babaeng masama ang tingin sa akin kanina. May nadatnan pa akong isang weird na lalaki sa may terrace.

Na-realize ko tuloy, kumpara sa aming mga ordinaryo, hindi hamak na mas mabilis at mas maraming ganap sa isang gabi ng mayayaman.

"Orpheus and Ophelia, as promised, meet our sons. Ulrik Vinceton and Tobiah Jones Fabian," sa wakas ay pakilala sa amin ni Mrs. Fabian sa kanilang anak.

Starstrucked, it took me a moment before acknowledging the guys before us. Naglahad ng kamay kay Kuya ang panganay na anak. Samantalang ang nakababatang lalaki, napansin kong nagtagal ang tingin sa akin, tila pinag-aaralan ang aking hitsura. My cheeks burned.

"Ulrik is just three years older than Orpheus, I think? And Tobiah is two years older than-"

"Mom, is that even necessary?" mapaglarong putol sa kanya ng bunso.

Mr. Fabian grinned at his son. Pagkatapos ng munting usapan nila Kuya at panganay na Fabian, humarap naman sa akin ang huli.

"How are-"

Akmang maglalahad na siya ng kamay nang sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla siyang hinarangan ng kapatid para pumagitna sa aming dalawa.

"Help!" hagilap nito sa aking palapulsuhan.

"H-Huh?" I was caught off guard.

Mabilis niyang inangat ang aking kamay sa braso niya at halos malaglag ang panga ko nang kumapit pa siya sa akin.

"I need you to grab my arm, so I can tell my friends I've been touched by an angel..." he said smoothly.

Lumundag ang puso ko sa gulat. Kulang na lang ay humiwalay ito sa aking katawan na pinatindi pa lalo ng halakhakan nina Papa at ng mga Fabian.

W-What the? I felt a steam pouring out of my ears in embarrassment and surprise combined.

"God. You're embarrassing our family, bro," ani Ulrik, kunwari'y napapatakip pa ng mukha.

Ilang na ilang akong ngumiti. At siguro pulang-pula na rin! Hindi ko alam kung anong irereak ko pagkatapos noon. I didn't see that coming, alright!

Tobiah chuckled. Umayos na siya ng tayo at muling hinabol ang aking kamay nang nakitang unti-unti ko iyong binabawi.

"Look, I'm just kidding. But jokes are half meant..." pahabol niya sa huling parte bago makipagkamay nang solo sa akin.

"Uh... o-okay."

"Did I scare you?" His smile was worried now. "Hah. I'm sorry about that... I was thinking of a witty line to throw, but your name suddenly popped in my head. So I thought of help. Ophelia means help, right?" He cocked his head on the side.

Mangha akong napatitig sa kanya.

He knew that, too? Hindi madalas ang ganitong tagpo. Na ibang tao mismo ang pumupuna ng bahaging iyon sa akin. Not to mention that kind of face was settled right before me.

Tuluyan ko nang nakalimutan kung paano magsalita kaya napangiti siya lalo sa akin.

"Guess we both need an Ophelia... I mean help."

Hindi pa man nito natatapos ang sasabihin, nahambalos na niya sa dibdib ang kapatid na nagtatangka pa lang sanang tumawa.

I didn't know exactly how it became possible. But that's how everything started.

Since the very beginning, he's silly and capable of sending laughter to everyone naturally. Tobie was a people person, I've come to realize that as time went by. He's the warmest and most positive person I've ever known.

And most importantly... he has the truest, brightest, and most captivating smile I've ever seen.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Halos mapabalik ako sa hagdan nang isang araw, nadatnan ko si Tobie sa sala.

Tumayo ito at tila lumiwanag ang mukha nang sa wakas ay nakita ako.

"Good morning, Angelia," he mocked.

Hindi ko maayos ang hitsura ko. Gusto kong sumimangot pero talagang gulat pa rin ako na nandito siya! Mabuti na lang ay nakapagtanggal ako ng amos kanina sa mukha bago bumaba!

"G-Good morning din. Angelia ka dyan," I murmured.

Tumawa siya at lumapit na nga sa akin kahit patungo na naman ako sa kanya. After that party, this is the second time we met. 'Yung una, nang imbitahan kami ng dinner ng mag-asawang Fabian.

Sa pag-aakalang simpleng meet-up lang iyon para i-discuss ang mga detalye para sa scholarship na natanggap namin ni Kuya, laking gulat ko nang nalamang family dinner pala iyon.

"This is unexpected on our part, too. Tobie was hell-bent to come after hearing that we're going to meet your family over dinner." Iyon ang nasabing dahilan ni Tita Jean.

Iyon din ang araw na naimbento niya ang palayaw niya sa akin. Narinig niya kasi ang tawag sa akin ni Papa. Iyon tuloy, maging sa text ay bukambibig niya iyon! Nakakainis.

"Ano ngang ginagawa mo rito? At saka..." tanong ko ulit habang pasilip na nagtungo sa kusina. "Nasaan sina Papa?"

He tailed me. "There was a sudden change in our schedule. Naalala ko ang oras ng pasok mo kasi one hour difference sa bagong sched ko."

"Tapos?" Nagsandok ako ng kanin para sa aming dalawa.

Nakita niya iyon pero imbes na tumanggi at mahiya, mukhang napangiti pa siya. Ngumuso ako.

"I decided to give you a free ride since we're taking the same way..."

"Pero imbes na dire-diretso ka na, napalayo ka pa dahil kailangan mong mag-u turn para makapunta rito."

"So? What's the problem?" He chuckled.

Pansamantala akong tumalikod para kumuha ng mga kubyertos bago humarap ulit sa kanya.

He's in his 10th grade in Rouxton Academy. Tobie is a diligent and brilliant student. Hindi na nakakapagtaka dahil unang pagkikita pa lang namin ay marami na akong natutunan sa kanya sa mga kuwento niya pa lang.

Naalala ko, he even mentioned how he wanted to take over their business in the future. Nakuwento kasi sa kanila ng kanilang magulang kung paanong muntik nang bumagsak ang kanilang kompanya dati. Maraming pinagdaanan bago muling naiahon ang negosyo. Kaya nais niyang palaguin lalo ang mga ari-arian.

Pero base sa nakikita ko sa kanya, sadyang natural lang sa kanya ang kagustuhang mamuno. He was a born leader. Nalaman kong presidente ito ng Supreme Student Government sa kanilang eskuwelahan. At hindi lang basta-bastang eskuwelahan. Sa Rouxton! My dream school!

Patagal nang patagal, pataas nang pataas ang respeto ko kay Tobie.

He was a responsible student. An ideal guy. Kaya naman ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit...

I sighed.

"Why are you doing this, Tobie?"

His smile was changed into a fading one. Napailing ako bago umupo at makakain na.

"Come on. Isn't obvious?" Dinaan niya na naman ako sa ngiti.

Napaiwas ako ng tingin. Imbes na patagalin doon ang usapan, muli kong hinanap sina Papa sa kanya.

Maaga pa kasi. Mauuna nga siya sa aming pumasok sa trabaho pero hindi ganitong kaaga. Isa pa, umuwi ba siya kagabi? Nakatulog na lang ako, hindi ko na siya nadatnan pa.

Umaktong nag-iisip ang kausap.

"I'm not sure, babe. Si mother-in-law lang naabutan ko kanina pagkarating ko. Mukhang nagmamadali kaya hindi na kami—hey!"

I choked on my food! Tobie immediately stood to pour me water. Inabot ko naman iyon at halos iubo ko na ang laman-loob pagkatapos.

"Are you better now?"

He was genuinely worried, it was written all over his face, but I couldn't help but get stuck in his words a while back!

"A-Anong... Anong babe ka dyan! At mother-in-law? Muntik na akong atakihin sa puso!"

He blinked. Pagkalipas ng ilang segundo, namula siya at napaiwas ng tingin. Tuluyan nang naglaho ang usapan tungkol sa mga magulang hanggang sa bumaba na rin si Kuya. Bagong ligo at sumabay na sa pagkain.

Lumipas ang linggong iyon na puro si Tobie lang ang laman ng utak ko. Hindi pa nakatulong na araw-araw niya nga akong sinasabay sa pagpasok. Mas lalo ko siyang nakilala kasabay ng lalo kong pagkalunod.

"Goal ko, Valedictorian. Who wouldn't, right? Kaya dapat ikaw rin para goals tayo. Biruin mo? Rouxton Academy, binasic lang namin ng babe ko."

Napailing ako kahit nangingiti rin naman. Never nawala sa usapan ang mga inspiring outlook niya sa buhay. Hindi ko mapigilang hindi mahawa. Kahit siguro sanay na ako sa mga adhikain niya, hinding-hindi ako magsasawang hangaan ang pagkatao niya.

"And then pagkatapos? After Junior High? Kuwentuhan mo ako."

Dahil tuloy sa suhestiyon kong iyon, napaayos siya ng upo, mukhang napasabak lalo sa usapan. Natawa ako.

Aniya, hindi raw matatawaran ang tuwa sa puso tuwing may nakikinig sa mga pananaw at pangarap niya. He felt accepted and truly appreciated that way.

Na-realize ko, kahit pa gaano karami ang kaibigan ng isang tao, hindi iyon ang kukumpleto sayo. Dahil sapat na ang ilang tao lang... para iparamdam na kompleto ka at buo.

Tobie went passionately serious as he talked further about his plans while heedlessly caressing my fingers.

"I know my efforts will bring me to my dream college. That's why I'm telling you, as soon as I enter senior high, I will put my name down for Mackenzie, Elia... That's your boy's dream school," he spoke with conviction.

Hindi ko na namalayan ang ngiti habang nakatitig sa kanya. Wala akong partikular na ideya kung para saan. O siguro alam ko naman, pero ayaw pang aminin sa sarili.

"Kuya, sila Papa?" Napapadalas na ang tanong kong iyon.

Nakakapanibago dahil halos limot ko na kung kailan ang huling pag-uusap namin ni Papa nang matino. Kung noon, hindi lumilipas ang mga araw na nilikha ng Diyos nang hindi kami nagkukuwentuhan. Ngayon, hindi lumilipas ang araw na hinahanap ko siya.

Tulad ngayong hapon. Kakauwi ko lang galing eskuwelahan. Sabi ni Kuya, maaga raw uuwi si Papa ngayon pero base sa hitsura niya, mukhang alam ko na ang sagot.

"Gagabihin daw... sabi Mama," tila hirap niyang sagot.

Kung noon, pinapalusot ko lamang ito at iniintindi, hindi na ako nakatiis ngayon.

"Gagabihin, Kuya? Tapos bukas ng umaga, sasabihin niyo maaga namang umalis?"

Dahil napakaimposible na. Si Papa? Matitiis na hindi man lang magpakita sa akin? Imposible! Kahit si Mama, hindi na nagbubukas ng panedirya dahil parang nagmamadaling umalis palagi!

Kuya sighed and turned to me stressfully. Maging siya, parang ang bigat-bigat ng dinadala. It took me a long while to figure out these little details.

Lumambot ang ekspresyon ni Kuya pero mayamaya, pansin ko ang pamumula ng mga mata habang tila tinatantiya ang disposiyon ko.

"This is not the right time to tell you, Rizette. Pero... si Papa-"

He was interrupted by a call from his phone. Tumalikod si Kuya upang tignan iyon. Tinanaw ko lamang siya at nang nakita kung sino ang tumawag, mabilis niya iyong sinagot na halos nagmamadali pa.

"Ma," I heard him say.

Napahakbang ako palapit sa kanya. Sa bawat hakbang ko patungo roon, ramdam ko ang kakaibang pagkabog ng dibdib.

"Paanong..." Hindi na nagawang matapos ni Kuya ang sasabihin, tuluyan nang natulala at hindi nakakibo kalaunan.

"Kuya, anong... anong sabi ni Mama? May problema ba? Kuya..."

Muntik niya nang mabitawan ang cellphone pero mukhang hindi iyon ang mahalaga sa kanya ngayon. Nang lingunin ako, mabilis niyang kinuha ang pitaka at susi ng bahay.

"S-Saan tayo pupunta? Anong nangyayari, Kuya? Bakit ka-"

Marahas niyang naihilamos ang kamay sa mukha at doon ako natigilan nang nakita ang luha sa mga mata ni Kuya. Suminghap ako. Akmang lalapitan ko na siya subalit iniwas niya agad ang mukha bago napakuyom ng kamao.

"K-Kinakabahan na ako sa inaakto mo, Kuya! Ano ba talagang nangyayari? Ano 'yung sinabi ni Mama? Bakit ka nagkakaganyan? At saka, saan ba tayo pupunta, Kuya?"

Baon ang lumbay sa mga mata, hinarap ako ni Kuya bago niya ako yakapin na tila nanghihina.

"Kuya..." My throat quivered, especially when his hug tightened up to me.

"I'm sorry. I'm sorry..."

"Para saan? K-Kuya, ano bang sinasabi-"

"Wala na si Papa."

Sa mga oras na iyon, dinaig ko pa ang binawian ng malay. Parang gumuho ang mundo ko.

May parte sa aking ayaw paniwalaan ang sinabi ni Kuya dahil parang hindi iyon matanggap ng sistema ko. Pero lumamang ang takot at sakit na naramdaman kaya pagkarating sa ospital na ilang araw na palang pinaglalagian ni Papa, bumuhos na nang parang gripo ang mga luha ko nang nadatnan ang malamig na bangkay ng pinakamamahal kong lalaki sa mundo.

"Papa... h-hindi pwede."

Napailing ako habang dahan-dahang lumalapit sa kinahihimlayan ng ama. Nasa likod ko lang si Kuya pero wala na akong ibang inintindi bukod sa mahimbing na pasyente. Nanginig ang buong kalamnan ko. Nakapikit ito at tila mahimbing lang na natutulog pero bakit parang dinudurog ang puso ko?

"Pa? Gumising ka na. Please, parang awa mo na... hindi pwede... Hindi mo ako iiwan. Hindi pa ngayon, pero bakit naman ganto, o? Papa!"

Halos alugin ko na ang mga balikat nito kung hindi lang ako pinipigilan ni Kuya. Napahandusay na lang ako sa kama ni Papa sa panghihina ng katawan habang pinipilit siyang gumising.

I sobbed in front of him. And it wasn't like any other cries that I had done in front of him because, at that time, I was willing to trade everything I begged him to give me just so I could bring him back. Because none of it would ever matter anymore without him. Without my father. Without my partner, my protector...

Ngunit ilang sandali, isang marahas na sunggab sa braso ko ang halos magpatilapon sa akin. Hindi pa man ako tuluyang nakakaharap, isang malakas na sampal agad ang lumapat sa aking pisngi.

"Ma!" naalarmang pigil ni Kuya.

I wasn't able to move my face after being dragged on the side because of that forceful impact. Nahigit na lang ulit ni Mama ang aking braso, hindi ko pa rin nababalik ang nawala kong lakas.

"Walang hiya kang bata ka! Ang lakas din ng loob mong umiyak-iyak gayong sarili mo lang naman ang iniisip mo! Tigilan mo ako, Rizette! Sawang-sawa na ako sa mga drama mo!"

My vision blurred by the way my tears gathered up to cloud my eyes. Tuluyan na akong hindi nakakibo, ni hindi na mabuksan ang bibig para magsalita.

"Ma, respeto naman kay Papa."

"Bakit? Totoo ang sinasabi ko, Rizieri." Sa sulok ng mga mata, kita kong hinarap ulit ako ni Mama, alam kong nag-aalab lalo ang tingin sa akin.

Napadaing ako nang diniinan ang pagkakahawak sa aking braso.

"Dahil sayo... D-Dahil sayo namatay ang asawa ko!" Her eyes swamped with tears as her frame weakened. "Ultimong pera na ginamit muna para sa pagpapagamot ng Papa niyo, minasama mo? P-Pinagkait mo? Sabihin mo nga sa akin, tutal matalino ka naman, 'di ba? Anong klase kang anak, Rizette!"

Namilog ang mga mata ko at sindak na napaahon doon. Kung ganoon... hindi nagsisinungaling si Papa? Totoong meron siyang inipon para sa akin? Nawala lang dahil kinailangan?

Panandalian akong nawala sa sarili nang samu't saring posibilidad ang naisip ko.

Ibig niya bang sabihin... dito? Matagal na siyang may sakit pero hindi man lang nila sinabi sa akin?

"H-Hindi ko alam, Mama... Hindi ko-"

"Hindi mo alam dahil puro sarili mo lang ang inaatupag mo! Dahil sayong lintik ka... D-Dahil sayo... lumala ang sakit ng Papa niyo! Kaya wala kang karapatang magluksa dahil kagagawan mo ito!"

Puno ng galit at hinanakit sa akin ang puso ni Mama. Hanggang sa napagod na rin siguro, sa pagmamahal man o sa kahit anong posibleng emosyon na maaaring madama ng isang ina sa anak.

Nang nawala si Papa, unti-unti na ring nawala sa akin si Mama.

Pero hindi ito magawang masisi. Paano pa kung ang sarili ko mismo, hindi ko mapatawad sa lahat ng nagawa ko kay Papa?

I had been so selfish. I had been so insensitive. Tama ang lahat ng sinabi ni Mama. Walang ibang pwedeng sisihin kundi ako! Napakawala kong kwentang anak.

Bakit hindi ko man lang napansin? Bakit hindi man lang ako nakaramdam? Ngayong huli na ang lahat, saka ko lamang natanto ang lahat ng mga senyales at detalyeng ipinagsawalang-kibo noon.

Ang unti-unting pagbabago sa ngiti ni Papa. Ang paghihirap at panghihina sa mga mata niya. Lahat ng iyon, nabigo kong intindihin!

Nabigo namin si Papa. Nabigo ko si Papa...

Para lang maipundar ang bahay at panedirya, kinailangan niyang puwersahin ang sarili kahit sinusukuan na siya ng sariling katawan. At dahil sa kagustuhan kong makapag-aral sa pinapangarap at mamahaling paaralan, dahil sa pagmamatigas kong tuparin niya ang pangakong iyon, mas lalong lumala ang kondisyon niya...

"Napakatanga ko. Ang manhid ko... wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid ko." Muling humapdi ang gilid ng mga mata. "Hindi man lang ako... Hindi man lang ako nakapagpaalam nang maayos kay Papa, Tobie..."

Inangat ko ang mga mata sa kanya baon ang nagbabadyang mga luha.

He smiled at me warmly before pulling me closer to him. He pat my shoulder as a way of comfort.

"It's not your fault. It's Tito Ricardo's choice, Elia..."

"Pero kung hindi dahil sa akin-"

"I'm so sure he wouldn't like that tone," he cut me off, making me shut my mouth.

Bahagya siyang bumuntong-hininga bago ako iayos sa kanyang harapan. Pinagmasdan niya ako. Lumipat ang tingin niya sa luhang lumadas sa aking pisngi at marahang pinalis iyon.

"I've been thinking... Aren't you tired of punishing yourself? Aren't you tired of feeding yourself with negativity? Because to tell you the truth, I'm tired of seeing you this way, Elia."

Napatikhim ako. "A-Anong ibig mong sabihin?"

Tobie smiled again, never leaving my eyes. "This is not the best way to honor you father's sacrifices, isn't it? You should make him more proud. You should show him that his efforts will pay off..."

Napakurap-kurap ako. Dahil doon, parang nakahanap ako ng pinabagong ruta na maaari pang tahakin bukod dito. Bukod sa pagluluksa at walang katapusang pagsisisi.

Tobie chuckled softly as he tucked some of my hair behind my ear.

"Losing the people you love doesn't always mean they're gone. And I'm still here with you, right? I'll be here beside you while you're chasing your dreams, Elia. I promise I will put that smile back on your face again. A smile that will remain forever..."

My heart skipped a bit. Tobie never failed to appease my misery. Bukod kay Kuya, siya na lang ang tanging naiwan sa akin. Siya na lang ang naniniwala sa akin.

Kaya naman sinunod ko ang payo niya. Kahit mahirap, nagpursige ako at lalong nagsumikap sa pag-aaral. Hanggang sa dumating ang araw na naaprubahan na ang application ko sa Rouxton Academy. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Lalo pa't tumawag sa akin si Tobie isang araw para ibalitang nakapasa rin siya sa Mackenzie! He even topped their admission test!

To celebrate that achievement, his parents threw a simple party in their mansion. Imbitado kami ngunit tulad ng inaasahan, hindi na nag-abala pa si Mama kaya kaming dalawa lang ni Kuya ang nakarating.

"Mukhang busy pa sila Tita sa mga bisita. Alam mo na kung nasaan si Tobie?" si Kuya.

Umiling ako habang nakahawak sa phone, naghihintay pa rin sa text ni Tobie.

Gabi ginanap ang party. Patuloy pa rin sa pagdami ang mga bisita. Nakahanap na kami ng table ni Kuya pero tahimik lang sa aming banda dahil wala naman kaming kakilala rito.

"Wala pa, Kuya. Baka busy rin," lapag ko ng phone sa lamesa.

After all, it's his party. He has a lot of friends so he might be busy with them, too.

Tumango na lang si Kuya at nilahad sa akin ang appetizer na kinuha niya kanina. Hindi ko naman iyon tinanggihan para libangin ang sarili.

"Tinik din talaga, e, 'no? Akala ko nagbago na."

Isang grupo ng mga lalaki ang padaan sa aming puwesto. Maiingay ang mga iyon dahil sa tawanan kaya kapuwa kami napalingon ni Kuya.

"Kailan ba nagbago 'yon? Parang every party naman may bagong babae si Tobiah."

"Sinolo na nga sa garden, e. That's what you call speed!"

Tobiah? That's Tobie, right?

Ako agad ang hinanap ng mga mata ni Kuya. Sandali akong natulala sa kawalan. Na kahit nakalagpas na ang mga lalaking iyon sa amin, hindi na nilubayan ng mga narinig ang utak ko.

"There must be a misunderstanding," ani Kuya.

Tumayo agad ako at nilandas ang daan patungo sa garden tulad ng narinig ko. I pushed the lump in my throat.

Kung mabait si Kuya, tanggap ko nang hindi kasing buti ng puso niya ang mayroon ako kung ganoon. Dahil para akong sasabog sa galit pagkarating ko sa garden, namataan ko ang lalaking kanina pa hinahanap, halik ang kasamang babae sa madilim na parte ng lugar.

Nanlabo ang paningin ko sa mga luha. Sa saglit na pagkakataong iyon, sunod-sunod kung rumagasa sa alaala ko ang lahat ng pinagsamahan namin. Simula noong unang pagkikita namin. Totoo ba ang sinabi ng mga lalaking iyon? Iba't ibang babae ang nilalapitan... kasama ako?

How could he do that? How could he lie to me?!

Ni hindi ko na inabala pang balikan si Kuya para ayaing umuwi. Ang alam ko na lang, puno ng poot kong tinalikuran ang tanawing iyon at nilayasan ang buong pagtitipon. Kahit dalawang araw na ang lumipas, tuwing naiisip ko iyon, hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa niya akong lokohin.

The idea that he only played with my feelings and the mental picture of his genuine smiles couldn't fit in my head. It felt illegal in all aspects... and I felt like crap. Niloko niya ako, pinaglaruan, tinryador, at binasura...

Now that I think about it, bakit nga ba hindi ko naisip ang agwat naming dalawa? Sino nga ba ako para paniwalaang mahalaga ako sa kanya? Isang hamak na mahirap, kayang-kaya nilang tapakan.

Isa pa, did he even tell you he loves you, Riz? Like? Mapakla akong natawa sa sarili.

Wow. What a stupid dumb fool are you, Riz?! Napahilamos ako ng mukha nang na-realize kung gaano ako katanga. Kung gaano ako kabulag sa paligid. Na kapag pinagpatuloy ko pa ito at hinayaang lumalim ang kung anong meron kaming dalawa, baka kalaunan, ang sarili ko naman ang mawala.

Habang naglalakad pauwi ng bahay galing sa school, kusang nabato ang mga paa ko nang namataan kung sino ang nakatayo malapit sa bungad ng kantong paliko sa bahay. Walang katao-tao roon kaya hindi naging mahirap ang pag-angat ng presensiya niya sa paligid.

"Elia..." Tobie's voice was yearning while his eyes were intent.

Nahugot ko ang aking hininga nang umusbong ang pamilyar na ngitngit sa sistema ko. Walang kahirap-hirap.

I didn't pay attention or look at him the second time. Muli kong hinakbang ang mga paa para lagpasan siya nang hindi tinitignan. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo, tumakbo na siya patungo sa akin at hinila ako sa yakap. Nanigas ako sa kinatatayuan.

"What's the problem? Why are you avoiding my calls?" His tone was laced with pain. Bahagyang humigpit ang hawak niya sa akin. Kasabay ng pagsikip ng dibdib ko. "A-And are you intentionally leaving your house early... so you can't run into me?"

"Anong ginagawa mo rito? Bitawan mo ako," malamig kong asik bago kumawala sa kanya.

Akmang aalis na ulit ako nang hinawakan niya ang aking palapulsuhan.

"You even left the party last time. Where were you? Buong gabi ko kayong hinanap-"

"Talaga? Buong gabi?" Diniin ko ang huling dalawang salita bago siya harapin.

Halos matawa ako nang tumambad sa akin ang kanyang hitsura, para bang kinakawawa ko at maiiyak na.

Damn. You can't fool me anymore, Fabian. I finally discovered how tenacious you are. I already caught you red-handed!

"What does that mean?" sa nanginginig niyang boses, lalong lumandas ang takot at hirap sa mga mata. Wala na ang nakagisnang ngiti at liwanag doon pero tapos na akong maniwala.

"Tigilan mo na ako, Tobie. Nahuli na kita. Nakita ko na kung gaano ka kasahol. Niloko mo lang ako dahil sinungaling ka!"

His forehead creased wearing sorrowful eyes. "What are you talking about? I can't understand where you're coming from. Have I done anything-"

Tinangka niyang hawakan pati ang kabilang braso ko ngunit tinulak ko siya at sinamaan ng tingin.

"Leave me alone! Doon ko na sa iba mong babae dahil marami naman kami, 'di ba?! So why waste your time on someone pathetic? You're just fooling around me so stop acting like I truly matter to you!" I pushed him more angrily.

Umiling siya at tila gulong-gulo na ang ekspresyon.

"Because you truly matter to me, Elia. W-What is this? At anong babae? I don't have any other girls because I love you!"

Sarkastiko akong ngumisi at napapikit sa pagod.

For a split second, I was very close to falling for it. Dahil sa wakas, narinig ko na ang mga salitang iyon direkta mismo sa kanya. Pero 'yung halik, 'yung babae, 'yung mga balitang narinig tungkol sa kanya...

That three-word lie was beyond compare to those evidences.

"You are too bright for me you made me blind, Tobie."

Binuksan ko ang mga mata tangan ang likidong kinimkim nang matagal. Tinanaw ko ang kanya na may mas mabigat na saloobin.

Ramdam ko ang pakirot ng puso nang nasaksihan ang pagkinang ng mga mata iyon, hindi dahil lumiwanag ito tulad ng nakagisnan, kundi dahil sa nagbabadyang luha roon.

But to my surprise, he smiled weakly as if telling me everything's fine despite his own struggles... like he always does.

He... smiled.

And compared to his usual smiles, this time, it tore my heart into pieces.

"Shh," he hushed me, fighting the urge to fill our gap before smiling more. "Tell me anything you want me to do, Elia... Don't worry about me, it's okay..."

I nodded as a bitter smile crept into my lips, suppressing my true feelings from exposing my sufferings.

"I'm afraid I'd lose myself if we continue this..." My throat quivered but I proceeded. "Natatakot ako... na umabot sa puntong sayo na umikot ang mundo ko. Na kapag nawala ka sa akin, mawala ko rin ang sarili ko..."

Umiling siya, pilit pa ring pinipigilan ang mga luha at tinatabunan ng ngiti ang kung anong nararamdaman.

My eyes lingered at his smile because I caught something foreign in it.

"Do you want me to leave?"

"Yes. T-Tigilan na muna natin ito... para makapag-isip-isip tayo."

"How could you fucking say that easily?"

My body shivered. I was about to say something when he stepped back. Kabadong bumagsak doon ang aking tingin ngunit bumalik din sa kanya agad nang tuldukan niya ang gustong sabihin.

"I already found myself lost in you... in the way I am found. But sure, I will give you some time for yourself even at the expense of losing myself. But I can't promise not to come back so please... please promise me, Elia...

"Promise me you won't ever shed tears while I'm gone, because I'm not there to turn your tears and frown into smiles. Because I'm not there to soothe your sorrows. P-Promise me... you won't show your weaknesses to just everybody for they might use them against you... because today, I just did show mine. And the pain is hardly bearable. So promise me, Elia..."

My lips parted at his unstable remarks. Sandali siyang pumikit upang pakiramdaman ang sarili. At kalauna'y dinilat ang mga mata baon ang lungkot sa ngiti...

Ang parehong ngiti na buong buhay kong pagsisisihang hindi ko binigyang pansin, sa ikalawang pagkakataon, sa isa pang lalaking pinakamamahal ko...

"Always remember that you are the one and only help I need in this lifetime. That you are my one and only Ophelia..." He gave out a forced chuckle. "Because I love you. And I will always find my way back to you, Elia... to get myself back, too..."

Those were his last words when he turned his back and walked away from me that day, clueless that the time he'd lend me will take up forever.

Dahil gaya ni Papa, suot ang ganoong klase ng ngiti, iniwan niya rin ako...

"Pagpasensiyahan niyo na. It's the time of the year again," makahulugang wika ni Apollo kina Palmer, Kenna, at Diego.

I sighed. Pansin ko ang naiintrigang titig sa akin ng tatlo simula pa lang nang makita nila ako. But I couldn't blame them. I was short of sleep and energy.

"Huh? Nalipat ba sa August ang Araw ng mga Patay?"

It was a harmless joke from Kenna, but it was able to tug my heart secretly. Napayuko ako para ituon na lang ang pansin sa singsing.

"Nabago na?" si Diego.

Kaya naman bago pa man makahirit si Kenna, kita kong inunahan na siya ni Apollo sa pamamagitan ng pagtili with restriction.

"Ang Adonis ko, bakla!" hampas niya kay Kenna.

Bukod sa aming lima, halos lahat ng nakatambay sa pasilyo ay napasulyap sa kinaroroonan ng mga rumurondang Student Council.

Agad pinagkaguluhan sina Mr. Giovanni nang lumiko sila sa aming palapag. Kasama na roon ang mga kasama kong halos mapatalon sa kakakaway para lamang maagaw ang pansin ng grupo.

"Good morning, Gio!"

"Hello po! Sarap naman ng umaga namin!"

"Hi, Yves!"

"Kuya Gio!"

Humugot ako ng malalim na hininga.

Ang totoo nyan, dumating na lang ang panibagong linggo pagkatapos ng pagbisita ko muli sa kanya.

Lunes na ngayon. Pero hanggang sa mga sandaling ito, parang may punyal pa rin sa dibdib ko.

"Si Ophelia, o!" I heard Wesley's voice.

Nagligalig sina Palmer nang biglang tumigil ang grupo nila sa banda namin. Habang sina Yves, Mr. Giovanni, at isa pang student model din noon, hindi pa man nakakahinto ay napalibutan na agad ng mga Senior High na gustong magpa-picture.

"Hey! Pinapaalala rin pala ni Izza ang tungkol sa meeting mamaya. Um-attend ka dapat, Vice President," Luigi's way of greeting me.

Binalandra ko ang ngiting kabisadong-kabisado ko bago tumango.

"Hi! Sure. Pakisabing pupunta ako."

"Great!"

"Hoy, Yves! Si Ophelia dinidiskartehan na ni Lui! Ang kupad mong bata ka!"

"Gago, hindi!" Luigi scoffed.

Nakatanggap naman ako ng panunukso mula sa mga kasama dahil bigla ba namang hinaba ni Yves ang kanyang leeg na tila ba kinukumpirma pa iyon.

I caught myself gripping on Apollo's shirt. As soon as he noticed it, he immediately acted upon it as if he had it memorized. He excused us to Luigi, Wesley, and other students to make our way inside the classroom.

"Umalis tuloy, Wes. Nahiya dahil sayo!" si Luigi.

Tanging iling na lamang ang naisukli ko roon. While the truth is, wala pa rin ako sa tamang kondisyon para piliting maayos na ang lahat. Kahit ngayon lang, hinayaan ko muna ang sariling magpakatotoo.

"Ophelia, wait!" Yves struggled as he took himself out of the crowd.

Wala naman kaming nagawa ni Apollo kundi tumigil pansamantala. Kahit anong lisensiya pa ang meron ako, wala naman sa intensiyon ko ang makabastos ng ibang tao.

"Pasok ka na?" Yves asked when he neared us, pertaining to our room.

I strained a chuckle and then nodded. "Yes... uh... good morning!"

"Yeah, good morning! Mamaya, ha?"

Muli akong tumango at kumaway na lang sa kanya bilang paalam. Ngunit hindi kalayuan sa amin, bigla na lang nahagip ng mga mata ko si Mr. Giovanni habang nakatanaw rin dito sa kasagsagan ng mga estudyante.

Our eyes locked for a moment. I noticed how his gaze suddenly softened from being expectant, as if he's on the edge of his seat a while ago until I saw him.

Kung sa ordinaryong pagkakataon, I would probably raise my hand for a wave... or lift both sides of my lips for a greeting. But no, I already learned my lessons, especially the last time we bumped into each other. Sa mall at sa meeting, hindi ba?

What's the use of greeting someone if that someone keeps giving you the cold-shoulder?

Mr. Giovanni's lips slightly parted for some reason. But when the people around me suddenly went all agog, I immediately took my gaze off him to get away from the crowd.

 

 

February 5, 2021
#GCSeries1

Continue Reading

You'll Also Like

25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
4.7M 143K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...