Giovanni Clark: Gone Crazy (G...

By frosenn

121K 5K 12K

Giovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He def... More

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (1 of 2)

Chapter 9

2K 120 540
By frosenn

Chapter 9

Cry

Pagkatapos bayaran ni Guillen ang tipong damit, agad na niyang tinawagan si Mr. Giovanni para tanungin kung nasaan ito.

"What floor, Kuya?" I heard her ask.

I took a glimpse at her when she moved her head as if searching for something around. Nang namataan ang escalator, napaturo siya roon bago tumango-tango na animo'y nakikita ng kausap.

"Oh. You're famished."

Napataas ako ng kilay. What's up with them and their habitual highfalutin terms?

I took my phone out and searched for that word in clandestine. Pagkalabas ng resulta, halos malaglag ang panga ko sa nakita. Inulit ko pa talaga ang pagtipa ng salita sa pag-aakalang tinotopak na naman ang phone pero walang pinagbago.

Extremely hungry?! Are they kidding me? Tomguts lang sa amin 'yon, e!

An imagination suddenly popped into my head. Mr. Giovanni in all his sophistication, blurting out the phrase saying tomguts na siya.

Napatakip ako ng bibig sa naiisip. What the hell is wrong with me? Am I bored?!

"Kuya's in the 3rd floor, Ophelia," she spoke to me after dropping the call and peeking at the screen. "It's already past 3 in the afternoon. Kain na muna tayo. For sure you're hungry, too, because we are."

Dinapuan ako bigla ng hiya. "Hindi pa naman gaano."

Guillen was mistrustful of it as she pulled me towards the escalator.

"Come on! I told you I'll make it up to you!" she chuckled.

Hilaw akong napangisi pero wala na ring nagawa kundi magpatianod. Pagkarating sa ikatlong palapag, bumungad sa amin ang hilera ng mga restaurant at kainan.

Palinga-linga si Guillen hanggang sa nakita ang hinahanap. Pero kumpara sa tagumpay niyang ekspresyon, animo'y pinagsakluban naman ako ng langit at lupa nang pumasok kami sa isang upscale restaurant.

"Good afternoon, ladies. How may I help you?" lapit ng isang waiter.

"Hi, good afternoon. Uh. We're looking for Clark Smith's table. He's with our party."

Mabilis naman iyong nakuha ng empleyado at minuwestra sa amin ang daan hanggang sa marating namin ang malayong dulong bahagi ng lugar.

Nahanap agad ng aking paningin ang nakatalikod na lalaki, nakakrus ang mga binti habang nakatunghay sa tanawing kaharap. The overlooking view was impressive for the mall was located in a wide land area, especially from this perspective.

While peacefully looking at the calm scenery, Mr. Giovanni was holding the stem of his wine glass when the waiter announced our arrival.

Lumingon ito at tinapunan kami ng tingin sa kanyang gilid. Umayos ako ng tayo.

"We can take it from here. Thanks for your assistance," si Guillen sa waiter.

Yumuko ang huli kalaunan at binigyan kami ng espasyo.

Guillen gestured me a seat. Pinauna ko naman siya bago pinili ang natirang upuan. Puno ng pag-iingat akong umupo at iwas na iwas pa sa lalaking kaharap.

"Have you already ordered, Kuya?"

Sa sulok ng aking mga mata, kita kong nilapag na nito ang baso.

"Just a starter while waiting."

"Hmm. You mean the wine?"

Matagal bago ito nakasagot kaya hindi ko na napigilang tumingin. Wala na ang suot nitong shades at sumbrero.

"It can't be helped. I needed to... blow off some steam."

"Ah! Right..." awkward na sagot ni Guillen sa Kuya bago ako lingunin. "Please feel free to order whatever you like, Ophelia."

Napahaplos ako sa aking braso at nahihiyang ngumiti. "Hindi pa naman ako gutom kaya... uh... konti lang siguro."

It was partly a lie. Gaya sa welcome party noon, hinanap ko ang pinakamurang dish sa menu at halos lumuwa ang mga mata ko nang natantong hindi hamak na mas mahal ang mga pagkain dito. Even the cheapest sandwich costs 550 pesos! What the?

Mukhang hanggang starter lang ako. Tinanggap ko na ang katotohanang iyon. Sa pagkakaalam ko naman, nag-deposit ng kaonting allowance ang mga Fabian sa account ko kahapon, kasama sa scholarship, kaya... ayos lang siguro ito?

I sighed.

In the end, I only ordered their soup of the day for 460 pesos. Takang bumaling sa akin si Guillen. Hindi matatawaran ang kahihiyang nadama ko sa mga sandaling iyon.

"Are you sure this is enough for you?" Mukhang naninigurado pa siya. "I mean, you can try their steak or pasta. It's the best!"

Hindi na nakakapagtaka. Kaya the best din siguro ang halaga. Umiling ako at dinaan na lang sa tawa ang hiya.

"Ito lang talaga, Guillen. Ayos na ito sa akin."

It took her a while to nod as she glanced at her brother. Hindi ko napansing nakatingin pala ito sa amin kaya halos umusok na ang mga tenga ko sa hiya.

Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang tindi ng kahihiyang naipon ko sa mga oras na iyon. Because of my order, I felt like they were forced to order small amount of dishes to accommodate mine.

Guillen ordered pasta and cheese plate while Mr. Giovannie settled for a vegetable sandwich I wasn't familiar with.

Tahimik lamang kaming kumain nang dumating ang mga iyon. Para mabawasan ang hiya, kinumbinsi ko na lang ang sarili na ayos lang ito. Hapon pa lang naman at hindi dinner. Pang... uh... merienda lang.

Sinadya kong bagalan ang paghigop sa malinamnam na sabaw kahit halos maiyak na ako sa loob-loob ko.

Mr. Giovanni excused himself for a call. Kasalukuyang umo-order naman ng pastry si Guillen nang palihim kong sinilip ang aking wallet. Napabuntong-hininga na lang ako.

I took out the exact bill for my order and faced Guillen.

"Is there a problem? Gusto mo rin ng sweets?"

Bago pa man niya tawagin pabalik ang waiter, maagap akong umiling at inabot sa kanya ang pera.

"I-Ito 'yung bayad sa order ko, Guillen."

"Huh? But it's-"

"Please?" I bit my lower lip and insisted the money one more time.

Natigilan siya at hirap na umiling. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong tumanggi at ngumiti na lang nang wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang pera.

"Mas mapapanatag ang loob ko kapag tinanggap mo iyan. Sorry if I'm a little pushy but..." Bigo akong umiling at bumuga ng hangin. "This is just the way it is..."

Totoo iyon. Noon pa man, hindi ko na ugaling tumanggap ng ganito sa mga taong hindi pa ako tuluyang malapit at komportable. Hindi sa hindi pa kaibigan ang tingin ko kay Guillen. O isang istranghero pa sa akin ang kanyang kapatid. Maybe it's the deep-rooted fear implanted in my being for a long time.

Being able to trust, being complacent, and easily assured... I long proved that these are the signs you're opening up yourself again to welcome new people in your life. And being with Guillen, I felt something intimate... something warm and irresistible.

Something I am most afraid to sign up for... after being abandoned several times from the past years. That's why as much as possible, I was distant from people before.

I know I promised myself that I will change for the better in this new journey. Even Apollo witnessed that. But for some reason, I just couldn't let myself get easily attached to the Smiths more than to others.

Because something in them felt overwhelming...

Marahang tumawa si Guillen pagkalipas ng sandaling katahimikan, animo'y may natanto bago unti-unting sumeryoso.

"There's no doubt you are siblings." She whispered something to herself that I didn't hear.

Pagkarating ng kanyang dessert, she also asked for the bill and paid for it using her brother's card.

Hinintay na lang namin si Mr. Giovanni. Nang nag-message ito kay Guillen mayamaya, lumabas na rin kami at nakita agad itong may kausap na grupo. Mukhang mga kakilala at huminto para bumati sa kanya.

"Ha? They're from your school. Kilala mo sila?" tanong ni Guillen sa akin.

Pagkasabi niya pa lang noon, napaatras na agad ako. Bumuhos sa akin ang kaba sa kaisipang makilala nila at malamang kasama nito.

Naunawaan naman iyon ni Guillen at tumabi rin muna sa akin. We both watched his brother shares laughter when it seemed like a girl from their group was teased for having a crush on him.

Medyo pamilyar nga ang mga ito sa akin. Maging ang tanawing tulad nito. I think they're Grade 12 STEM students. Mukhang pati sa ibang department at strand sa anumang year level ay kilala ito.

Later on, Mr. Giovanni nodded and smiled at them when they finally bid their goodbyes. Sinundan ko ang mga ito ng tingin. May kaonting tulakan at tuksuhan pang naganap habang naglalakad ang mga ito palayo.

I scoffed. I guess he has that effect on everyone, huh?

Nagsimula nang maglakad si Guillen para lapitan ang kapatid. Humakbang na rin ako at tinuon ang pansin sa lalaking nakatalikod pa rin sa aming banda. I saw him slid his hand in his pocket as he ran his left hand through his hair.

But before he could even face our direction, the side profile of his face came into view, providing me a clear sight of his facial expression in a split second.

"Kuya! Schoolmates?"

I stopped dead in my track as I processed what I saw just now, something that I didn't expect from him, especially after that animated interaction with some people he exchanged laughter with. My heart pounded in my throat.

I wasn't sure if my vision was defected. But with those surly eyes... did he just sigh and curl his lip after that?

"Yeah. They just stopped by to greet," he finally turned around to face our way sporting a smile very different from what I just saw. "Is everything settled?"

He veered his head on the side as he drifted his eyes on me.

Halos mapabalikwas ako. Panigurado akong bakas ang gulat sa aking hitsura dahil sa pagkunot pa lang ng kanyang noo.

"Ophelia, are you okay? What's the matter?"

Kung hindi pa ako tatawagin ni Guillen ay baka pa natuod na ako sa kinatatayuan. It's too late when I realized I was meters away from them. Oh, my goodness!

Hiya akong lumapit sa kanila at sinantabi na lamang muna ang bumabagabag sa isipan. But heck, what was that a while back?

I fixed my gaze at Mr. Giovanni. Guillen handed him his card as they talked. Samantalang ako, wala pa rin halos sa sarili.

Did I just misinterpret it? Or he really was scorning?

Mr. Giovanni shifted on his feet.

"Pardon?"

"I couldn't do something about it, Kuya. She insisted because she's not comfortable with the idea..."

Kapuwa sila lumingon sa akin. Napatikhim ako at nagulantang sa paraan ng titig ni Mr. Giovanni, seryoso at animo'y pinag-aaralan ako.

"You paid?" Umayos siya ng tayo at lalong sumeryoso. "I am supposed to pay for our bills."

Nakuha ko agad kung tungkol saan ito. Taranta akong napasinghap at winagwag ang mga kamay sa kanya.

"A-Ayos na iyon! Hindi naman kailangan kung kaya kong magbayad. At saka, nakaka-"

"You're doing it again." But instead, he cut me off.

My lips parted, confused at his accusation.

"Everybody knows if I offered it's my treat, it's on me. Is it difficult to understand that it also applies to you?"

"A-Alam ko. Nakikita ko sa-"

"Then of all the people, why is it that you are the only one declining my treat?"

His voice and disposition were calm, but I don't know. I could feel a qualm of frustration in his words.

Bumuntong-hininga siya bago kalaunang inabot ang susi at dalang paperbag kay Guillen.

"Bakit, Kuya? Aalis ka?" litong untag nito.

"Mauna na kayo sa sasakyan," iyon na lamang ang kanyang sinabi bago kami tinalikuran.

Guillen felt sorry for his brother's behavior. She said he's not usually like that but some part of her understands why.

"Bakit?" kuryoso kong tanong pagkapasok sa kanilang SUV, iba ba sa kotseng ginagamit ni Mr. Giovanni sa Mackenzie.

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sumama rito, ngunit minabuti na lang naming sumunod sa utos ng kanyang kapatid bago pa man tuluyang mapuno sa akin at makita itong magalit nang totoo sa unang pagkakataon.

Guillen chuckled awkwardly in the front seat. "I'm not sure. But maybe because you're different."

"Different?" Halos matawa ako.

"Yeah. The way I see it, Kuya's probably disturbed by how easily you part yourself from others. Take, for example, he's used to seeing people enthusiastic whenever he treats them. Pero ikaw, inulit mo raw ulit. Does it mean this is not the first time you rejected a treat from him?"

Kumunot ang aking noo. "Sa welcome party last time, hindi ko sinasadyang bayaran ang kinain ko dahil... hindi ko alam na pati iyon, siya na ang bahala."

To my surprise, Guillen let out an amused laughter.

"Now I get it! He's probably frustrated because this is the first time someone ignores his generosity!"

Dumbfounded, I fell into a trance. Could it be the real reason why he acted like that? Because I kept on resisting his offers?

As if meant to answer my questions, after a while, I almost jumped in surprise when the door opened on my side without notice.

Pagkalingon, laking gulat ko nang bumungad sa akin si Mr. Giovanni, walang imik habang dala ang isang paperbag na agad din niyang nilapag sa aking kandungan, hindi man lang ako tinapunan ng tingin, bago muling sinarado ang pinto.

Everything happened so fast that I couldn't register it instantly. Pagkapasok nito sa driver's seat, minaneobra na agad ang manibela kasabay ang pagsilip sa akin ng katabi mula sa harapan.

"You bought something for her, Kuya?" Tila mangha pa ito.

I blinked, lowering my gaze to inspect the paper bag on my lap. Na-realize kong mula ito sa department store na pinuntahan namin dahil sa tatak. May puting kahon pa sa loob. Malapad iyon at manipis ang materyal.

I heard Mr. Giovanni scoff from the driver's seat then.

"If she can't accept courtesy, at least show some respect by not returning gifts."

Taliwas sa pagkamangha ni Guillen ang pagkabahalang nanalatay sa akin. She even adjusted in her seat to turn to me and asked what's inside the paperbag.

Tahimik ko iyong tinignan. Hindi ko nilabas ang kabuuan ng box pero dahan-dahan kong tinanggal ang ilang tape doon.

"What is it?" Guillen probed excitedly.

Inside the box was a familiar type of fabric.

My heart skittered as I pulled the product out. And I almost freaked out when I realized it was the champagne silk halter dress I was eyeing at the store earlier!

What?

Hindi ko makapaniwalang dinungaw ang nagmamaneho sa harapan. How did he know about this? But to top it all... why does this feel familiar?

I was petrified on my seat when a memory flashed through my mind. Tuluyan akong natulala.

This also happened last time. The takeout box he bought for me. I was then convinced that Mr. Giovanni simply gave the food to compensate for the welcome party. Bumawi lamang dahil sadyang mabuti ito. But now that this happened again, reality struck me.

Diverting my eyes, I pondered.

He didn't do it because he's being thoughtful. He did it because it's his ego talking.

"Why..." sadyang lumabas iyon sa aking bibig.

A set of cold sinister eyes met mine through the rearview mirror. Nagsitindigan ang aking mga balahibo lalo na nang sagutin niya iyon.

"I know this is what you want."

Want what? This dress? My forehead puckered.

Yes, I wanted this. But the way he uttered those words... Why does it feel like he's insinuating something deeper?

"Everyone has ulterior motives. Let's cut to the chase now."

"Kuya?" Guillen gasped beside him.

"Drop the act as if you're not here for a reason..." He tore his eyes off me and focused on the road instead. "As if you're not like any of them."

He spoke as if he's disappointed but not surprised anymore. At that moment, his words cut my heart deeper than knife. He's looking down at me... and that particular incident finally proved it.

I held on to the dress tightly and swallowed hard.

I wasn't wrong then. Since the very beginning, he despised me.

Guillen Cassidy Smith: I'm really, really sorry for how Kuya treated you today. I feel bad for putting you in that situation. I shouldn't have bring him with us in the first place. Sana makabawi ako...

Pang-ilang ulit ko na atang binasa ang chat ni Guillen. She messaged me last Saturday after they dropped me off at home. Hindi na sana ako nagpahatid. May pamasahe pa naman ako.

"Stressed ka rin, ano?" puna ni Apollo sa kalagitnaan ng pagka-cram.

Hindi ako nakasagot. Habang nakahalumbaba, binaba ko na lang ulit ang phone at pinag-isipan kung re-reply-an ko ba ang chat.

Naisip ko, baka mas mabuti kung umiwas muna ako. But then, I haven't mastered the art of avoiding someone yet. Ako lamang ang nababagabag at talo sa huli.

"Gosh. You look like you'd spike someone's guns. What a distraction to my study," maarteng bulalas pa ng kaibigan.

Naparolyo ako ng mga mata. "Tapos na ako sa papers. May iniisip lang ako."

"About what? Ni hindi ka pa umaamin kung bakit mo ako ginawang alibi sa Orpheus ko kahapon. User friendly!"

"User friend," pagtatama ko.

Tumigil siya sa pagsusulat at agad akong hinarap.

"So you're admitting that you're a user?" eksaherada niyang drama.

Pagod ko siyang tinignan. Dinampot ko na lang ang phone at bag bago tumayo.

"Sa office muna ako. Wala naman ang next prof kaya baka tumagal din ako sa meeting."

"Sure, whatever." He shrugged before going back to his papers.

Natawa na lamang ako at hinampas siya ng bag bago tuluyang nagpaalam sa kanya at mga kaklase.

Ophelia Rizette Mallari: On my way :)

Luisa Aragon: Great! Naka-set na kami rito. Hinihintay ka na lang.

May meeting kasi ngayon sa JBA para sa planning at preparation tungkol sa magaganap na Festival Week next month.

May isang oras pa, actually, bago ang meeting proper. Ngunit bilang isa sa mga inaasahang mamuno sa org, nakiusap si Luisa na agahan namin sa office. Siguro para makapag-briefing kami kahit papano sa meeting agenda. Mas mabuti ngang ganoon. Para tuloy-tuloy na lang kami mamaya.

Pagkarating sa office, binati ako ng ilang members na nakitambay muna sa loob habang break time. Iyong iba, nagde-decorate ng office. Pinuri ko iyon.

"Nasa conference room sina Pres," sagot ng isa dahil hinanap ko si Luisa.

Nagpasalamat ako at pumanhik na sa frosted glass wall. Pagkabukas ng pinto, nasa loob nga si Luisa. Kasama rin nito ang secretary na si Genesis at si Seka, ang appointed Grade 11 Representative namin.

"Riz!" Nanguna si Seka sa paglapit.

"Hi!" Ngumiti ako at tinanggap ang pagyakap nito.

Lumapit din si Luisa kaya naglakad na ako para tuluyang makapasok. Si Genesis, abala sa kung ano sa projector. Doon ko lamang tuluyang napansin ang set-up ng silid.

Chairs were kept by the walls. Nakalatag ang magkakadugtong na apat at naglalakihang puzzle mat sa sahig habang napupuno ng pagkain at chichirya ang gilid nito.

Samantala, ang maliwanag na ilaw mula sa projector lamang ang nagsisilbing tanglaw ng buong kuwarto, nakatapat iyon sa pull down screen na kasalukuyan pang ina-adjust ni Genesis.

Kumunot ang noo ko. Is this what Luisa is talking about when she said they're all set?

"Pwede na?" excited na usisa ni Seka roon.

"Paki-play nga ng movie kung okay na ang sounds?"

Kay Luisa ako bumaling nang hinigit ako nito patungo sa gitna kung saan nakalatag ang mats.

"Anong ibig sabihin nito?" Kuryoso na natatawa pa ako.

Luisa smirked as she forced me to lay down on the mats.

"I mean, we deserve to relax and have fun before a demanding schedule, right?!"

Tuluyan na akong natawa. "Saka pa 'yan sinasabi pagkatapos mapagod, hindi ba?"

"Party pooper alert!" sigaw ni Seka mula sa may projector.

I couldn't help but laugh at their persistence. Masigasig nilang inayos ang lahat pati ang pelikulang balak panuorin. Gumawa pa ng karatula si Luisa na may nakasulat na "Meeting in Progress. Please do not disturb" at sinabit iyon sa labas ng pinto.

"How can you be all so prepared for this?" naiiling kong ngisi.

"Basta sa chill, laging handa si Luisa," si Genesis.

Seka hugged my arm as we settled on the mats. May dala pa siyang kumot at binalot iyon sa amin. Can you believe that?

Binigyan kami isa-isa ni Luisa ng snacks bago sinimulan ni Genesis ang movie.

According to them, it was a blockbuster romantic film last February. Pamilyar sa akin ang title at poster. Ngunit gaya nila Seka at Genesis, hindi ko rin ito napanuod. Hindi din kasi ako mahilig magsine. Bukod sa walang pera, si Apollo lang naman ang kaibigan at hindi rin ito madalas magsine.

"Ayan na. Simula na! You better evaluate your life choices from now on dahil pagsisisihan niyong hindi niyo ito pinanuod! This is a major tearjerker!" eksaheradang pangungumbinsi ni Luisa.

"Baka kasi iyakin ka, Izza," panunukso ni Seka.

"Fine, laugh all you want now! But I guarantee you'll cry a river later!"

"Shhh. Ingay naman," si Genesis na ngayon.

Tinawanan lang namin ang aming Presidente kaya halos gumapang na ito sa aming gitna para lang may patunayan.

Truth be told, it was indeed an emotional movie. Wala pa man sa kalagitnaan ng kwento, nagbabadya na ang mga luha ni Seka habang salitan sila ni Gene ng theories tungkol sa ending.

I was mostly silent the whole time. Sinubaybayan ko ang pelikula na may kasamang pagkain at pakikinig lamang sa mga kasama. Kahit ang totoo, parang namemersonal na ang pelikula. Kung pwede lang tumakas, baka kanina pa ako wala rito sa sandaling natanto ko ang kuwento.

"Shocks! Is that a premonition? May something sa pagpapaalam ni Guy!" harap ni Seka kay Luisa.

Mabilis na nagpahid ng luha ang huli. "Bahala kayo riyan!"

"Kinakabahan ako," si Genesis habang dinadaan na lang sa pagkain ang emosyonal na scene.

Lumunok ako kaya nadama ko ang panunuyo ng lalamunan. Dahil hindi pinapansin ni Luisa, sumandal na lang si Seka sa aking balikat at bakas sa kanyang yakap ang pagkadala sa pinapanuod.

Napakagat ako ng labi. What am I doing here?

Truth be told, even Genesis couldn't suppress her tears anymore. Parang direktang nadadama ni Seka ang sakit na naramdaman ng bidang babae nang nalaman nitong wala na ang lalaki.

Tama siya sa hinala. The parting scene was indeed a premonition that something tragic will happen. Idagdag pang tila may kontribusyon ang babae sa pagkamatay ng lalaki. If it wasn't for her breaking up with him, it wouldn't have happened. Kaya ganoon na lang ang pagiging emosyonal ng mga kasama. Na kahit pang-ilang beses na itong napanuod ni Luisa, parang gripo pa rin ang buhos ng mga luha nito.

I cleared my throat and averted my gaze. Even though deep inside, some part me was in grave pain, too.

Sa dinami-rami ng pelikula, bakit ito pa? Dumapo ang mga mata ko sa aking singsing. Nang naramdaman ang panlalamig doon, hinaplos ko ito at tinitigan.

Am I being haunted? Is he reminding me not to forget about him through this? But heck, how could I forget him? Especially now that it's almost around the corner... of course not.

Don't worry. We will meet again, okay? Hang in there...

Sandali akong pumikit at bahagyang tumingala. Ngunit bago ko pa man mabuksan ang mga mata, rinig namin ang biglang pagbukas ng pinto at pagkabuhay ng mga ilaw.

"Hoy!"

"Oh, my god! Sinong pumasok!"

Dumilat ako at nasaksihan ang tarantang pagpupunas ng tatlo sa kanilang mukha. Mabilis silang umayos ng puwesto at nagpaypay ng mukha kahit halata namang galing sa matinding pag-iyak.

Pagkalingon namin sa mga nangahas na pumasok, para kaming binuhusan ng malamig na tubig nang nakita ang ibang officer. But behind them was the big surprise.

Nakatayo sa may hamba ng pintuan ang mga SCBA, nagtataka ang mga hitsura habang nililibot ang tingin sa buong lugar.

Napamulagat ako. What's the meaning of this? Kailan pa sila kasama sa meeting?

"Ha? Akala ko meeting, Izza?" si Luigi ang unang naglakas-loob magsalita.

"M-Meeting nga! Nag-meet kami para mag-movie bago mag-meeti—ugh! Nakakagulat kayo!"

Tumayo na ito kaya nagmadali na rin kaming maglinis ng paligid. Hindi namin namalayan ang oras. Lagpas isang oras ang movie kaya hindi nga malabong maabutan nila kami rito!

"Mukha kayong kamatis!" tukso ng ilang officers.

"Nakakaiyak nga 'yong movie. Hindi ba 'yan iyong hit last Feb? Ang daya niyo sana sinabihan niyo kami!"

"Ang papangit niyo." Tinawanan ni Luigi ang kapatid habang nag-aayos kami.

Nakaupo na ang mga college sa tabi habang naghihintay na ma-settle ang lahat. Ilan sa mga kilala ko ay sina Yves, Wesley, Luigi, Russel, Imran, Katy, at...

Ni hindi ako makatingin sa bandang iyon kahit halos lahat ng nasa silid ay magkumpulan na sa kanila.

Inabala ko na lang ang sarili sa paglilinis.

"Kayo ang presider, Kuya Gio?"

"Magjo-joint effort ba talaga ang SC at JBA sa Festival?"

Naestatwa ako sa narinig.

"Yes, it has always been like this. Imran will discuss the proposal at the meeting."

I heard them cheer in excitement. Pero naalala ko lamang ang nangyari noong Sabado kaya bumuntong-hininga na lang ako at tinignan kung pwede na ang ayos ng silid.

Nagpatuloy ang usapan sa bandang iyon kaya halos mabingi ako sa sunod na narinig.

"Looks like you were having fun earlier," Mr. Giovanni pointed out as if he's interested.

Ewan ko, pero hindi ako komportableng pinuna niya pa iyon. Ineksamin ko ang sarili at naghanap ng rason para i-excuse ang sarili pansamantala.

"Ah, opo! Pero napaiyak kaming lahat. Grabe!" Si Seka ang sumagot.

Kaya naman, laking gulat ko nang bigla akong tinuro ni Gene habang nasa sound system kasama ang ibang officer.

"But not her," she smirked.

Ramdam ko ang pamumutla ng mukha.

"Si Riz? Hindi ka naiyak doon, Riz? Patingin!"

Napapikit ako nang mariin mula sa aking pwesto. Nanatili akong nakatalikod sa kanilang banda nang naramdaman ko ang paglapit ni Seka. Oh, please!

I heaved a deep breath. But before she could even make it worse for me, ako na mismo ang humarap baon ang inensayong ngiti. Pagak akong tumawa at kunwari'y nagpapagpag pa ng mga kamay.

"Nakakaiyak 'yung movie," tanging nasabi ko na lang.

Duda roon si Seka. Pati ang iba ay napatingin na rin sa akin kaya lalong kumalampag ang aking dibdib.

Seka laughed. "Isa na ata iyon sa pinakanakakaiyak na movie na napanuod ko. Kahit si Gene, umiyak! But you didn't even cry a drop? Wow!"

Humawak na lang ako sa kanya para isabay siya sa paglalakad ko. Hinayaan ko siyang dumaldal. Ayos lang tutal gagamitin ko naman siyang panangga para makadaan sa bandang 'yon palabas ng silid. I think I need to go to the restroom first.

"Bummer. Maybe Ophelia's just not an emotional person. Siya pa naman ang hinintay kong umiyak," si Luisa.

Handa na sana akong tumutol doon sa kalagitnaan ng pagdaan sa kanilang grupo. Pero biglang nagsalita si Mr. Giovanni.

"I was familiar with the movie."

Manghang napabaling sa kanya ang mga naroon. Maging ang panangga kong si Seka, napahinto sa paglalakad kaya napaungot ako.

"Talaga? Have you watched it, too, po?"

"Sa sinehan ba, Gio? With friends or?"

He smiled at them. "It was a topic of broad interest at home before. The movie made my family tear up, even the youngest one."

Ano naman kung ganoon?

I tapped my foot on the ground and sighed impatiently. You know what? I can handle myself from here, Seka. I don't wanna hear more of this sh-

"But to Ms. Mallari... she must have been a tough one," he added that I stiffened upon hearing my name. "Or she simply doesn't feel any emotional connection with the story."

I didn't feel any emotional conne—wait. Who is he to say that?

Gulat akong napaharap sa kanila. Madaling sumang-ayon ang lahat sa kanya ngunit bumuhos sa akin ang iritasyon.

Anong gusto niyang palabasin? Bakit pati iyon kailangang pansinin niya?

Kinalma ko ang sarili pero hindi ko talaga kayang tiisin ang pagtataka. Mandatory bang umiyak kapag pinanuod ang pelikulang iyon? I can't understand him!

"Interesting. I didn't peg Ophelia as someone as cool as that," biglang ngisi ni Yves sabay kaway sa akin.

Napakurap-kurap ako. Hindi ko inaasahan 'yon kaya bahagyang nalihis ang iritasyon ko. Binati na rin ako ng iba nilang kasama kaya pinilit ko na lamang ngumiti at tumango.

"Uh. Hi! Nice to meet you po."

"Lagi kang pinagmamayabang sa amin ni Yves, Ophelia," may halong malisya na saad ni Wesley.

Namilog ang mga mata ko at napabaling kay Yves.

"What the fuck? Shut up, Wes!"

"So you're that girl! Nice to finally meet you! I'm Amyra."

The girl beside Katy held out her hand so I accepted it. Ganoon din ang ginawa noong huli kaya hindi ko naiwasang mapatingin sa katabi nito.

"I'm sure you know Gio, right?"

I panicked.

Kasalukuyan kinakausap ng mga members si Mr. Giovanni kaya nang narinig ang kanyang pangalan, lumingon ito kay Katy kaya nagtama ang aming paningin.

Binalik ko agad ang mga mata sa kausap.

"Y-Yes," I answered Katy hesitantly before eyeing him again. "Good morning, Mr.-"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin, tipid lamang siyang ngumiti at sumenyas na sa mga kasama. Nagsitayo ang mga ito.

"Let's begin? Excuse me," aniya sabay tabi sa upuang nakahara sa daan at nilagpasan ako.

Naitikom ko ang bibig. Akmang hihilahin na rin ako ni Seka patungo roon pero umiling ako at hirap na ngumiti.

"Susunod ako. CR lang."

Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin at tumakbo na paalis sa lugar na iyon.

I asked myself then. Am I overreacting? Am I just being sensitive? Hindi ko na alam kung may katwiran pa ba itong nararamdaman ko dahil gulong-gulo na ako.

Bakit ganoon? Everyone's doing fine around him. But why can't I? Sa kung anong rason, hindi ko magawang mapalagay at matahimik miski sa bawat galaw at kibot nito. I couldn't help but feel like he's looking down at me. Like he's bad eyeing me because I particularly got under his skin. And what did I freaking do to deserve that?

Not only did he rub me the wrong way, but he also treated me with contempt that I couldn't get why people admire him.

Kahit nawalan na ng gana para sa araw na iyon, pinuwersa ko ang sariling isantabi muna ang mga personal na isyu para gampanan ang responsibilidad. Naging epektibo naman iyon, kahit papano, dahil napuno ng gawain ang utak ko para sa Festival Week.

But came weekend.

The loud banging on the door that woke me resounds in my ears. As if someone who just mounted from a fatal drowning, I gasped for breath as I rose from the bed, running out of oxygen.

"Rizette! Ayos ka lang ba? Magsalita ka!" rinig kong hiyaw ni Kuya mula sa likod ng pinto, puno ng pag-aalala ang tinig.

Dinama ko ang dibdib at ilang segundo ang lumipas para mahimasmasan nang kaonti.

"A-Ayos lang, Kuya." My voice croaked. "Sorry! Sorry..."

"Riz..."

"Lalabas ako. Labas ako mayamaya, Kuya... M-Mamaya."

He called my name one more time and it took me long to convince him I'm fine. Hinilamos ko ang mga kamay sa mukha at natulala sa kawalan, inalala ang bangungot na bumisita sa akin ngayong madaling araw.

Very unlike the other dreams, it was dark, chaotic, and lethal. But somehow, I kind of expected that kind of nightmare today more than any typical day.

Dahil bukod sa hirap akong nakatulog kagabi kakaisip, malaki ang parte at epekto... ng araw na ito sa buhay ko. Today is not just any other day.

Today is his 3rd death anniversary...

I was unusually slow and lethargic while doing my morning routines. Magtatanghali na pala. Nakumpirma ko iyon nang naabutan sina Mama at Kuya na kumakain na sa hapag. Tumayo si Kuya at minuwestra ang nakahandang pagkain para sa akin.

"Sumabay ka na," marahan niyang sambit.

Tumango ako nang tipid at dahan-dahang lumapit doon. Umismid si Mama.

"Huwag ka nang pabagal-bagal. Pagkatapos nito, maligo ka na at magbihis nang hindi tayo mahuli sa-"

"Ma," pigil ni Kuya rito.

Napaangat ng tingin si Mama sa amin. Tinuon ko na lang ang pansin sa lamesa.

"Ano, Rizieri? Magmamatigas kayo? Ngayon na nga lang tayo inimbitahan ng mga Fabian sa seremonyas at ganyan pa ang iaasal ninyo?"

"Ma, hindi ba napag-usapan na natin ito kagabi? Akala ko ba hahayaan natin si Riz?" Kuya sighed. "Taon-taon na niya itong ginaga-"

"Iyon na nga, e. Taon-taon niya na namang ginawa kaya bakit hindi muna ipagpaliban ngayong taon at pagbigyan ang imbitasyon ng mga Fabian? Wala ba kayong utang na loob?"

Napasinghap ako nang malakas na binagsak ni Mama ang mga kubyertos. Dumiin ang pagkakahawak ko sa kutsara't tinidor, kinokontrol ang sariling huwag sumagot.

Si Kuya ang naiipit sa sitwasyon.

"I'm sure they will understand Riz. Ako na po ang bahalang magsabi sa kanila," pagod na saad ni Kuya. "Na susunod na lang si Rizette."

Mama went postal when she walked out. Hiyang-hiya akong himingi ng tawad kay Kuya ngunit nagawa niya pa rin akong suklian ng ngiti at tapik sa balikat.

"Ako na ang bahala. Do as you planned but promise me you'll be fine, okay?"

I smiled painfully and nodded.

Iyon ang nangyari. Nasa loob lamang ako ng silid nang nauna nang umalis sina Kuya. Hindi ko na hinayaan pang makita ako ni Mama dahil baka lalo lamang uminit ang kanyang ulo.

Naiintindihan ko kung bakit galit si Mama. After all these years, this is the first time the Fabians allowed more people to join the remembrance ceremony.

Before, they preferred to make it private and intimate with the family only. Ngayong taon lamang tuluyang nagbukas ng pinto sa malalapit ding tao upang makiramay sa seremonyas.

Ngunit iba ako. Hindi tulad nila, nanatili ako sa nakagawian. Kalauna'y umalis na rin upang puntahan ang mga lugar na kabisado na halos ng mga paa ko.

Yes, I've been like this for the past two years. And I didn't plan on changing it even. Inabot na ako ng hapon sa byahe para lamang makapunta sa espesyal na lugar para sa akin.

Para sa amin...

Kuya Orpheus:

Kamusta ang byahe mo? Nandito na kami. Medyo marami ngang tao. Even their family friends are here. Puro mayayaman. Mararangya. Marami ring halos kaedaran natin.

Ilang sandali pagkabasa ko sa text ni Kuya, sumulpot naman ang notification para sa isang chat. 

Ulrik Vinceton Fabian: Hey. Orpheus told us about you and we'd like you to know that we understand. Feel free to spend the day at your own pace, Riz. Just take care :)

Pareho akong nag-reply at nagpasalamat sa kanila bago tuluyang i-off ang aking phone.

"Fifty pesos in exchange of one ticket! And one ticket for a chance of winning an awesome prize!"

Awkward akong ngumiti at umiling sa game master ng isang carnival booth.

I wore the purple baller band on my wrist as I sashayed my way towards the broad, nostalgic scenery of the seaside.

It took me a fortune just to get a pass to visit it. Bago kasi makarating sa magandang spot ng dagat, kailangan mong makapasok sa malaking amusement park na ito.

Kung para sa ibang parokyano, ang seaside ang nagsisilbing karagdagang amenity sa malaking parke.

But for me, the entrance fee was for the privilege to enjoy the beautiful view of the sea. Nagbayad ako para sa espesyal na tanawing ito. At karagdagang biyaya na lamang ang saya na hatid ng parke.

O siguro, ganoon lamang ang pananaw ko... dahil dito nagsimula ang pagbuo ko ng alaala kasama siya. Kasama ang pangalawang lalaking minahal ko nang buong puso kasunod ni Papa.

Umakyat ako sa konkreto na nagsisilbing hara sa mabatong parte ng dalampasigan at umupo roon, dinadama ang malakas na ihip ng hangin, na siya namang sumasangga sa aking balat mula sa init na dulot ng panahon. Pero hindi sa kirot na nilalaman ng puso.

Ang sakit palang isipin, ano? Na kailanman, hindi na mapupunan ang malaking puwang na naiwan sa puso ng isang tao.

Mapait akong ngumiti habang hinahayaan ang paningin na maligaw sa lawak tanawin.

"Napakadaya mo..." I almost whispered, hoping that the wind would deliver my words to him. "Iniwan mo ako kahit alam mong ang hirap... hirap mong kalimutan..."

Tinawa ko ang bigat na nararamdaman, halos mawala na sa sarili.

Dinampot ko ang munting bato sa tabi ko. Hinagis ko iyon sa malayo at hinintay na bumulwak ito sa tubig.

"Tell me, how can I heal when I'm constantly grieving? B-Bakit mo ako pinaparusahan nang ganito, ha! Akala ko ba tuturuan mo ako kung paano ngumiti habambuhay? Pero nasaan ka? Heto at pinapaiyak ako!"

Wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao. Basta ang alam ko na lang, desperado akong iparinig sa kanya kung gaano ako nagluluksa ngayon!

"Iniwan mo rin ako! I-Iniwan mo rin ako..." pahina nang pahina kong tangis at hirap na umiling.

"Hinang-hina na ako, Tobie..."

Maggagabi na nang lumabas ako sa simbahan, malapit sa amusement park, para sa isang oras na pagpapahinga at pagdarasal. Saka ko lamang napagpasyahan na bumyahe papunta sa huling destinasyon.

Ang totoo nyan, sa kaparehong private cemetery na dinaluhan nina Kuya din ang tungo ko ngayon. Kung bakit mas pinili kong magpahuli, bukod sa nakagawian ko na ang pagdalaw sa gabi pagkatapos magpunta sa mga nakasanayang lugar, mayroon pang isang rason kung bakit...

Tulad sa dalawang taong nagdaan, bakas sa kanyang himlayan na maraming nagmamahal at nakakaalala sa kanya. Puno ng mga bulaklak, alay, litrato at iba pa ang kanyang puntod.

Ngunit kumpara sa mga nakaraang taon, hindi hamak na mas dumami nga ang dumalo sa remembrance ceremony na hinanda ng mga Fabian sa kanya ngayon.

Matamlay akong napangiti. Nilapag ko ang biniling bulaklak at sinindihan ang dalang kandila bago maupo sa kanyang harap.

"H-Hi..." Para akong tangang kinakabahan sa harapan niya.

Ilang taon na ang nakalipas, pero heto pa rin ako. Parang kahapon lang nangyari ang pagkawala niya.

Collecting an ample amount of courage, I heaved a deep breath before lifting my hand to feel the coldness of his tombstone.

Tobiah Jones S. Fabian.

The second son of Tita Jean and Tito Vince. The brother of Ulrik. My first love...

My eyes burned as I tried to keep my tears at bay.

"I wouldn't get tired calling you by your beautiful name... again and again, Tobie..." My mouth quivered.

The silence was deafening, making the slightest brushes of the leaves through the night wind more pronounced.

Halos magsitindigan ang mga balahibo ko nang haplusin ang kanyang lapida.

"It's been three years already... b-but everything is still clear to me." Humugot ako ng malalim na hininga upang labanan ang panginginig ng lalamunan. "The day we first met, your natural sweet voice... and your contagious smiles..."

Napatingala ako at tuluyan nang napasalampak sa damuhan, hinarap ang puntod na animo'y siya mismo ang kausap ko.

"Pasensiya ka na. Galing ako sa pasyalan natin kaya... kaya ginabi ako ng dating. Masaya ka ba kanina? Balita ko, b-binisita ka ng mga nagmamahal sayo. Ng mga taong alam kong mahal mo. Lahat sila sa iisang lugar. Pero kilala kita, hindi ko na kailangang magtanong dahil alam kong... a-alam kong masaya ka... Masayang-masaya."

Unti-unti nang nabura ang peke kong ngiti kahit gaano ko pilitin.

I groaned to myself and buried my hands in my face. Pakiramdam ko, niloloko ko na lang ang sarili ko.

Lalong humapdi ang mga mata kaya pinalaya ko ang mukha, hinayaang ang hangin ang magpatahan sa akin pero duda ako roon.

Binagsak ko na lamang ang mga mata sa singsing na suot ko sa loob na ng tatlong taon ngayon. Sa singsing na dapat ay personal niyang ibibigay sa akin... ngunit tila siya pang nagdala ng trahedya sa kanya.

Imbes na siya ang mag-abot sa akin ng bagay na ito, ang mismong singsing na lamang ang naabutan ko... dahil kinuha na siya ng langit sa amin.

"N-Narinig mo ba ang sinabi ko kanina?" ngiti ko sa kanya. Kahit ang totoo, nagbabadya na ang mga luha. "Kahit ngayong gabi lang, Tobie. H-Hayaan mo akong magpakatotoo sa sarili ko..."

I twiddled my ring and nibbled on my lower lip tightly.

"Kasi... Kasi miss na miss na kita. Miss na... miss ko na ang mga panahong nasa tabi pa kita. Miss ko nang mahulog sa mga ngiti mo. Remember those dinner night outs with our family? I... I fucking miss that. I fucking miss you so much..."

Halos bumigay na ang katawan sa pinaghalo-halong pagod, panginginig, at paghihinagpis.

"Ayoko nang lokohin ang sarili ko. P-Pagod na akong magtapang-tapangan. Hindi ko na kayang tuparin ang pangako kong ngitian lang ang lahat ng problema lagi. Kahit ngayon lang... hayaan mo akong maging mahina... I'm sorry. B-But I just can't hold it anymore."

Sa sandaling umihip muli ang malakas na hangin, tuluyan nang pumatak ang mga luhang tiniis ko sa loob ng halos isang taon. Dahil nandito na naman ako... sa kanya lang kayang ilabas ang totoong ako.

"Tobie..." I sobbed as I finally let my guards down. "Pagod na pagod na ako... p-pero mahal na mahal pa rin kita..."

Naisip ko, ano bang mas mahirap? Ang mapagod sa pagmamahal? O ang mapamahal sa pagod? Dahil sanay ka na... pero hindi ka pa handang magpalaya.

That night, I cried my heart out without worrying he'd get mad at me for being weak, or for breaking my promise of wearing a smile forever because he told me, that's the best thing I could ever wear. But tonight, I got his permission.

The sole reason why I don't want to be with anyone else tonight. And even from the past years of being in here.

Because I'm afraid... they'd see me cry. They'd see me weak. They'd see something only Tobie could see.

January 30, 2021
#GCSeries1

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
165K 5.2K 98
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...
25.2M 729K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...