I'm Inlove With My Maid's Dau...

By Zhaeya_

226K 5K 173

He is contented for all the things that he have now, until the daughter of his maid came. More

Im Inlove With My Maid's Daughter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue part 1
Epilogue part 2
Author's Note

Chapter 17

4.5K 100 0
By Zhaeya_

-

Nasa sasakyan na kami ni Zackelthon at pauwi na. Bigla kasi syang nawalan ng gana matapos nilang magkasagutan ni Angelina. Hindi sya nagsasalita habang ako'y nag-eenjoy sa paglalaro ng kung ano-ano. Napansin ko iyon kaya inaya ko nalang sya na umuwi.

Panira talaga si Angelina. Nagsasaya pa kaming dalawa, e, bigla nalang naninira. Masyadong kill joy ang isang iyon. Pero hindi parin talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni Angelina kanina.

Alam mong hindi magtatagal ang relasyon nyong dalawa. Yes, I can't stop you but I can stop her. Sa akin parin ang bagsak mo, Zackelthon.

Parang echo ang mga salita na iyon na pabalik-balik sa aking tenga. Anong ibig sabihin non? Wala talaga akong naiintindihan. Nilingon ko si Zackelthon pero diretso lang ang tingin nya sa daan. Sobrang tahimik nya naman ata.

Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin nalang din sa bintana. Maya't maya lang nasa palasyo na nila kami. Gusto kong ngumiti dahil tuwing sinasabi kong palasyo ang tinitirhan nya, tinatama nya ako. Para naman talaga kasing palasyo eh.

Ngumuso nalang ako dahil baka magalit pa si Zackelthon. Hinatid nya ako sa tapat ng kwarto namin ni Mama.

"I'm sorry, hindi ka nag enjoy." sabi nya.

"Nag-enjoy naman ako." I said, sincerely.

Totong nag-enjoy ako. Hindi naman kami nagtagal don pero nag enjoy naman akong kasama sya. He cleched his jaw and kissed my forehead.

"You should rest. Sabay ka nalang sa amin mag dinner, okay?"

Tumango lang ako sa kanya at pumasok na sa loob. Naligo at nagbihis agad ako. I checked my phone if there is text from him pero wala.

Naglalakad ako sa hallway papuntang kusina pero may narinig akong nag-uusap na mga kasambahay. Hindi naman ako mahilig makinig sa usapan ng iba pero dahil narinig ko ang pangalan ni Zackelthon at Angelina nagtago agad ako.

"Parang galit nga si Sir kay Ma'am Angelina, e."

"Gusto kasi ni Chairman na d'on matulog si Ma'am Angelina sa kwarto ni Sir." Sabi nong isa.

"E, ayaw nga ni Sir, diba?"

"Malamang sa dami ba naman ng guestroom sa mansyon na ito." Biglang singit ni Eva.

Bakit? Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit parang gusto ni Chairman na magsama si Angelina at Zackelthon? Patuloy ako sa pagkikinig sa kanila, nang biglang may tumikhim sa likod ko. Gulat akong tumungin kay Mama na naka cross ang braso.

"What are you doing?" Malditang tanong ni Mama sa akin.

Napansin ko na nong nakaraang linggo ay palaging umaalis si Mama. Hindi ko alam pero parang may nagbago ata sa kilos nya o ako lang talaga ang nag-iisip ng gan'on?

"S-sorry po, Ma." Nakayukong paumanhin ko.

"Masamang makinig sa usapan ng iba, Ysha."

Tumango lang ako sa kanya, nakayuko parin. I heard her sigh and pat my head. Hinawakan nya ang pulsohan ko at ginaya papasok sa kusina.

They're preparing for our dinner. Tumulong nalang din ako dahil wala naman akong ginagawa. Pumasok na si Eva at ibang kasambahay na nag-uusap sa dulong hallway kanina. Siguro katatapos lang din nila na mag-usap.

Naalala ko din na gusto nga pala ni Zackelthon na sabay kaming kumain. Pero basi sa narinig ko kanina, wala ata akong lakas na loob sumabay sa kanya. Lalo nang nandito si Chairman at Angelina.

"Bakit parang ayaw ni Sir kay Ma'am Angelina?" Tanong ng isang kasambahay.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Sinulyapan ko ang banda ni Mama na nakatingin na din pala sa akin pero kalmado nya din itong binawi at nagpatuloy sa pagkain.

"Baka may iba ng gusto si Sir?" Tanong ni Ella.

I sigh. Walang ibang tao sa bahay na'to ang may alam sa relasyon namin ni Zackelthon. Kahit si Mr. At Mrs. delFaszo walang alam.

Tumikhim si Mama dahilan upang matigilan sila sa pagsasalita. Tumahimik na ulit ang hapag at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos naming kumain. Umupo agad ako sa kama dito sa kwarto namin ni Mama. Iniisip ko kung ano kaya ang ibig sabihin ng nga kasambahay kanina at 'yong sinabi ni Angelina sa amusement park. Wala akong naiintindihan pero sa mukha na pinakita ni Zackelthon kanina parang galit s'ya. Ano naman ang ikinagalit nya?

I texted Zackelthon a goodnight and waited to his reply but it didn't came. Is he busy? I sigh and then doze to sleep.

Dumating ang umaga nag text sa akin si Krisha na sabay nalang daw kami papuntang school. Hindi na ako tumanggi dahil parang hindi pa naman gising si Zackelthon. Nakakapanibago naman ata. Nong palabas na ako sa gate nakita ko pa si Angelina na nakatunghay sa akin. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Kumusta naman iyong date nyo?" Tanong ni Krisha sa akin pagkapasok ko sa sasakyan nila.

"Okay naman, syempre nag enjoy din ako."

"E, si Zackelthon?"

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kahapon sa amusement park. Pero hindi ko na sinali ang sinabi ni Angelina. Wala naman siguro akong ipag-alala tungkol sa sinabi nya. Pero bakit tuwing na-aalala ko ito kinakabahan ako?

When we arrived at school, all eyes are on me. I didn't mind it, I think I'm already used to their stares. Kahit deleted na ang picture na kumalat, nakatatak na sa lahat ng estudyante dito ang letrato. Some are took a screenshots on it.

Nasa classroom na kami pero pati kaklase ko nakatingin na din. They are all curious about me. Hindi na ako magugulat na isang araw malaman nila ang tungkol sa estado ko sa buhay. Ano naman ngayon kung malaman nila? Hindi naman masisira ang pagkatao ko dahil don hindi ba?

I looked at Krisha. She is busy writing on our class lesson. Yup class already started. I am swollen by my thoughts. I wonder Krisha knows a thing? Or did she? That day when we are talking alone. May sinasabi syang hindi ko din maintindihan.

She knows everything about me. Pero bakit parang may iba pang kahulugan sa likod ng sinabi nya?

Bumuntong hininga nalang ako at nakinig sa klase. After the class whole morning. Sabay kaming bumaba ni Krisha. Pababa kami ng hagdanan na naramdaman kong nag vibrate ang phone sa bulsa ko. I thought it was Zackelthon but it's Steven text.

Steven:

Mind if I join you two for lunch?

Ako:

Sige!

Nasa cafeteria kami ngayon. Matapos naming mag-order. Naghanap ako ng bakanteng upuan. While I roam my eyes around, I saw Steven waving his hand. Kumaway na din ako at hinila si Krisha palapit doon. Naupu agad ako sa tapat ni Steven while Krisha's eyes are curious. Sinenyasan ko syang umupo. Pina-ikot nya lang ang mata nya at padabog na umupo.

"Uupo na nga lang mag-miminaldita pa." Sabi ni Steven.

"Did you say something?" malditang tanong ni Krisha.

"May sinabi ba ako?" balik na tanong naman ni Steven.

"You're annoying."

Steven just making a face at nagsimula ng kumain. Krisha is very irritated while staring at Steven. Parang gusto nyang isaksak ang tinidor nya kay Steven. Palihim nalang akong umuling. Pag magkasama talaga iyang dalawa parang aso't pusa.

"Anyways, Lein. I saw you're mother talking to old lady Schwarz yesterday."

Narinig kong nabilaukan si Krisha kaya napalingon kaming dalawa sa kanya. Uminom agad sya ng tubig. Binalik ko ang tingin kay Steven.

"Old lady Schwarz?" Takang tanong ko.

"Yeah. Magkamukha nga sila ng Mama mo."

"Sino?" Tanong ko ulit. I can't understand a thing.

"Old lady Schwarz. Yan ang tinatawag ng marami sa kanya. She is the CEO of the supermarket chain in German. But I heard that her only daughter is the CEO." Sabay kibit-balikat.

Napakunot ang noo ko. Bakit naman nakipag-usap si Mama sa ganong klaseng tao? C.E.O. of the supermarket chain?

"Napansin ko nga na palaging umaalis si Mama pero hindi ko naman 'yan alam."

"Hindi ba sinabi ng Mama mo kung saan sya pumupunta?"

Umiling lang ako bilang sagot. I saw Krisha staring at me. Parang may iba sa mga tingin nya but I'm not sure. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Sino kaya 'yong old lady Schwarz na tinutukoy ni Steven?" Tanong ko sa sarili.

"You know what, masyado kang nag-iisip. Just don't mind what he said." Sagot naman ni Krisha.

Nasa classroom na kami ngayon. Wala pa ang prof namin kaya nag-usap mo na kami. Kanina sa cafeteria habang kumakain wala akong masyadong sinasabi dahil iniisip ko kung sino ang tinutukoy ni Steven.

I looked at Krisha who's staring at me. There is something on her eyes. Parang may gusto syang sabihin pero pinipigilan nya lang.

"May sasabihin ka?" hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya nagtanong na ako.

Nagkibit balikat lang sya at tinalikuran ako. Krisha is very weird today, bakit halos lahat na malapit sa akin ang weird? Si Mama at si Zackelthon. Anong problema? Ako lang ata ang walang alam. Pati sa sarili ko na weweirdohan na rin.

The whole class I noticed Krisha is very silent. She's very attentive in class and sometimes I caught her leering at me. Like she's checking on me.

Matapos ang klase sabay kaming bumaba dalawa pero hindi parin nagbago. Hanggang sa parking lot panay buntong hininga lang ang ginawa nya.

I checked my phone if Zackelthon will fetch me. There is none. Iyong text ko lang kagabi at hindi nya ito nireplyan. Anong problema nya?

Maya't maya nakarating na ang sundo ni Krisha. Pinauna nya akong umupo at sumunod naman sya. I looked at the review mirror and caught their driver staring at me. Binawi naman nya iyon kaagad. Sobrang tahimik ng biyahe, nakakapanibago. Krisha keeps on sighing kaya nilingon ko sya.

"May problema kaba Krisha?" Tanong ko.

"Alam mo kating kati na akong sabihin sa'yo pero hindi pa puwede. Baka magalit sa akin si Auntie Eursilya."

Napakunot ang noo ko. Si Mama ba ang tinutukoy nya?

"Si Mama?" naninigurong tanong ko.

She just shrugged and silent again. Hininto nila ang sasakyan sa harap ng gate nila Zaclelthon. I press the bell and it automatically open. Sobrang tahimik ng palagid. Tanging agos ng tubig lang ang naririnig ko.

I saw an unfamiliar car near front door. Kilang Angelina ba iyan? Tumingala ako para makita ang terrace, sinikop ko ang buhok ko dahil dinadala ito ng hangin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at huminto sa tapat ng kwarto namin ni Mama.

"Ahh Ysha, wala pa si Ate Silya. Umalis na naman ulit e." Biglang pagsalita ni Eva sa likod ko.

"Saan?"

"Hindi sinabi, e. May kikitain daw sya, hindi naman sinabi kung sino. Pero babalik daw sya mga alas sies."

Sino naman kikitain nya? Iyon bang tinutukoy ni Steven?

Umalis na si Eva sa harap ko, kaya pumasok na din ako sa loob ng kwarto namin. I sat on the bed and checked my phone again and texted my mother.

Ako:

Saan ka Ma?

I waited to her reply but it didn't came. So I texted Zackelthon instead.

Ako:

Zackelthon? Bakit hindi ka nagrereply? Busy ka ba?

Pinatong ko ang cellphone ko sa table at pumasok na sa banyo para maligo at magbihis. Pagkalabas ko biglang may kumatok kaya dali-dali ko itong binuksan baka si Mama na ito pero hindi. I smiled and hugged him. He hugged me back.

"Saan ka? Bakit hindi ka nagrereply sa message ko?" Tanong ko agad kay Zackelthon.

"I'm sorry. I didn't sleep here. Naki check-in ako sa hotel. I'm so annoyed last night kaya naiwan ang phone ko sa kwarto."

"Ano ba ang nangyari kagabi?"

"Just don't mind it. I'm sorry."

"Okay lang."

"Mind if you'll join me for dinner?"

"Sige ba."

"Okay get dressed."

Taka ko syang tinitigan. Bakit ayaw nya dito?

"Saan ba tayo?"

"Let's dinner outside."

Nagbihis agad ako ng pants. Okay naman siguro na mag jeans lang ako. Okay lang din naman ang suot kong damit. Lumabas na agad ako sa kwarto.

"Tara na?" Aya ko.

He smiled and held my hand. He lead me into his car, he even hold my head and kissed my forehead.

Habang nasa biyahe kami panay ang lingon ko sa kanya. Napansin nya siguro iyon dahil nilingon nya ako.

"Bakit ka pala hindi natulog sa bahay mo?" tanong ko sa kanya.

"Chairman wants me and Angelina to share a bedroom." He sighed.

Bakit naman gusto ni Chairman? Sinabi kaya ni Angelina kay Chairman ang tungkol sa aming dalawa ni Zackelthon?

Tahimik ang biyahe naming dalawa hanggang sa makarating kami sa restaurant na tinutukoy nya. He didn't let go my hand saka nya nalang ito binitawan nang inalalayan nya akong maupo. Sinerve agad ang pagkain naming dalawa.

This cuisine makes me uncomfortable, hindi parin ako sanay. I started eating silently while Zackelthon is watching me.

"May gusto kang sabihin?" tanong ko.

He made a deep sigh and smiled at me.

"Can you promise me something?"

"Ano yon?"

"Don't you ever let go of me. Even in difficult situation." emosyonal na sabi nya.

Hindi ko naman naintindihan ang sinabi nya kaya ngumiti lang ako sa kanya 'tsaka sinenyasan na kumain na. Habang kumakain, tinanong at kinamusta nya ako sa nangyari sa eskwelahan kanina.

"Kilala mo ba si Old lady Schwarz?" Napaangat ang tingin nya sa akin. He even tilted his head.

"Their family is very private." He said.

"Pero kilala mo?"

"Well, I can't say that I know them. As far as I know the person you're talking about is the CEO of the supermarket chain in German."

"Talaga?" manghang tanong ko.

Bakit naman kaya nag-usap si Mama at iyong Old lady Schwarz?

"Well I heard that her only daughter is now the CEO."

"Sino ba iyong anak nya?"

"Like what I've said. Their family is very private. My dad invest on their company because it's big and well successful. I only met her twice when there is special occasion."

"Hindi mo nakita kung sino ang anak nya?" bakit parang interesado na ata ako?

"Everyone is curious who's the heiress of their big chain. I heard that her daughter had a family so there is a chance that he or she will be the heiress."

"So ang anak ni Old lady Schwarz ay may anak na rin?"

"Sort of."

"Ano pa?"

"That's all I know." He shrugged.

Matapos naming kumain, umuwi na kami. Hinatid nya rin ako sa tapat ng kwarto namin ni Mama.

"Ihahatid kita bukas, understand?"

Ngumiti ako at tumango sa kanya. He kissed my forehead before he turn his back. Pumasok naman ako sa kwarto at nag bihis. It's already nine pero hindi pa pumapasok si Mama sa kwarto.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta narinig ko nalang si Mama na may kausap sa kanyang telepono.

"Mom, I told you. I don't want to go back there."

Mom? Kausap nya si Lola? Ano kayang itsura ng lola ko sa side ni Mama? Hindi ko pa s'ya nakilala o naka-usap man lang. Ang lolo at lola ko naman sa side ni Papa ay namatay bata pa ako, kaya hindi ko na matandaan ang itsura nila.

"Mom. You can still manage the company. I don't have any interest to lead it."

Tumahimik saglit si Mama.

"No, I don't want my daughter to know anything about you."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Anong ibig nyang sabihin.

"Mom, please. You can take care of the company and I don't want my daughter to be the heiress. It will give her head ache. She don't know a thing."

Ano bang ibig nyang sabihin? May tinatago ba sa akin si Mama? Ano bang heiress and sinasabi nya?

"Mom, don't be so stubborn. I don't want to give my daughter a burden." sa boses palang ni Mama alam kung galit na sya. I heard her deep sighed.

"I don't want my daughter to know her real identity. Bye."

Iyon lang ang sinabi nya at pinatay ang tawag. Nakita kong lumabas si Mama sa kwarto kaya naupo mo na ako sa kama.

Ano ba ang tunay na pagkatao ko?...

Continue Reading

You'll Also Like

49.5K 558 25
She look work then suddenly she became a Mrs. Ysbel Sartori. Believe in yourself. Embrace challenges as opportunities. Stay focused, work hard, and...
70K 212 22
fetish ဖြစ်တာတွေ ချက်ဖြစ်ခဲ့တဲ့ roleplay တွေ တကယ်ဖြစ်ဖူးခဲ့တာလေးတွေ တချို့က ကိ စိတ်ကူးယဉ်တာဖြစ်သလို တချို့က ကိ တကယ်လုပ်ချင်တာ တချို့က ကိဖြစ်ခဲ့တာလ...
82.5K 1.9K 49
Alissa Iris De León the daughter of both the Spanish and Italian Mafia. A week after she was born she was sent away from her 2 brothers to live with...
2.3K 71 24
ALL RIGHT RESERVED 2023 Alexander Montecillo and Abigail Oliveros START: 11-05-23 END: - MOST IMPRESSIVE RANKING: RANK #2- HURTS