Learn To Love Again (Boyxboy)

By jwayland

332K 9.1K 903

After bumalik sa Canada two years ago ni Dustin ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kahit labag sa kal... More

After Two Years
The Wedding
Can't Wait to Go Back
Home Sweet Home
Responsibilidad
Rebelde
I Lost My Virginity.....
Failed to Be a Goodboy
A Complication
What The F?!
Fly Like A Bird
Revenge is Sometime Salty
Pag-amin
Missing Him
Siya Ulit!
New Home
Meeting Alexander Villanueva
Game Over
New Guy
Hindi Pa Tamang Panahon
Time to Find My True Love
My Abductor
Stranded
Restraint
This Is The End
You Get What You Want
The Right Choice
Living With Andrei Montevista
Three Days
Unexpected Meeting
Walk A Tight Rope
The Escaped
The Brawl
A Promise Of Forever
Special Chapter

Are You In Drugs?!

8K 245 22
By jwayland

Magandang madaling araw guys I'm really sorry kung sobrang tagal nang nagiging update ko sa story na to sa kadahilanan na kinakain ang oras ko nang trabaho kaya pagpasensyahan niyo na po pipilitin ko na lang dalasan ang pagdadraft ko.

Picture of Andrei Montevista

Song is Paranoia by Green Day

===============================================================================

CHAPTER TWENTY TWO

Dustin's POV

I been feeling it for days now and I'm not sure kung nagiging paranoid lang ba ako or what, pero malakas ang pakiramdam ko na sa nakalipas na ilang taon ay may taong nagmamasid sa akin.

Mag-iisang linggo na din nang lumipat ako sa condo unit na inuupahan ko at naging maayos na din naman ang pagstay ko sa naturang lugar pero hindi ko maalis alis ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin at kahit ilang beses akong nagpapalinga ay wala naman akong nakikitang kahina hinala ngunit kahit ganon ay malakas pa din ang kutob ko na may nagmamasid sa akin.

"Snap out of it Dustin, huwag ka ngang paranoid." kastigo ko sa sarili ko nang nakasakay ako sa elevator nang building, naisipan ko kasing bumili nang almusal sa Starbucks na katapat lang ng building kung saan ako tumutuloy nang umagang iyon, at muli ay nararamdaman ko na naman na may nagmamasid sa akin.

Dali dali akong tumawid nang kalsada at ramdam kong may nakasunod sa akin sa bandang likuran ko ngunit nang lumingon ako ay wala naman akong nakitang kahina-hinala.

Mas binilisan ko ang ginawa kong paglalakad sa sobrang pagmamadali ko nga ay hindi ko na napansin ang makakasalubong ko at kung hindi dahil sa maagap na pagsalo nang malalakas na mga bisig nang taong iyon ay malamang bumagsak na ako sa lupa ngunit imbes na maging greatful ay mas lalo akong natakot.

"Get off me!' hintatakot kong sinabi dito na pilit kumakawala sa mga malalakas na brasong iyon.

"Hey relax kiddo, I will not hurt you." narinig kong sinabi nito ngunit nagulat ako nang mabosesan ko kung kanino galing iyon at hindi ako makapaniwala nang makita ko ang nakangising mukha nang damuhong ito.

"Ikaw?!" inis na inis kong sinabi dito at agad na dumiretso sa pagkakatayo, patuloy pa din ako sa pagtingin nang masam dito dahil ito naman pala ang kanina pang nagmamasid sa akin.

"Ako nga." proud pa nitong sinabi na hindi parang creepy ang ginagawa nito.

"Are you stalking me?!" inis ko pa ding sinabi dito at kita ko naman ang pagkawala nang ngiti sa mga labi ni Andrei sa narinig.

"I don't know what you mean, nakita lang kitang patawid kaya naisipan kong salubungin ka." paliwanag naman nito, sandali kong inarok ang mga mata nito at nakita ko namang na nagsasabi ito nang totoo kaya kahit paano ay nawala na ang asar ko dito.

Sabay na kami nitong dumiretso sa Starbucks at sabay na din kaming kumain nang almusal doon, hindi pa din mawala sa akin ang kaba sa kung sino man ang nagmamasid sa akin kaya naman hindi ko maiwasang hindi iikot ang mga mata ko sa paligid.

"Nakatira ka ba Dustin?" nagulat na lang ako nang bigla kong marinig ang bagay na iyon kay Andrei kaya naman isang matalim na tingin ang binigay ko dito anong akala nito sa akin adik.

"Woah woah calm down Dustin, natanong ko lang naman dahil masyado kang paranoid, I mean loosen up a bit will yah." natatawa naman nitong sinabi kaya kahit paano ay nabawasan ang pagkairita ko dito.

"You don't understand Andrei pero malakas ang pakiramdam ko sa ganitong bagay, way back in Canada may isang babaeng naging patay na patay sa akin at ganitong-ganito ang pakiramdam ko mismo." naiiling kong sinabi dito.

"I think I have a solution for your problem." nagulat naman ako sa sinabi nito, hindi ako makapaniwala na magkakaroon na nang kasagutan ang dilemna na kinahaharap ko, dahil sa totoo lang natatakot na talaga ako.

"Really anong solusyon ang naisip mo, come one tell me." I said while grabbing his arm really tight.

"Kalma lang." ang natatawa nitong sinabi. "Ang solusyon na sinasabi ko ay......." at talagang pinutol pa nito ang pagsasalita eh kung putulin ko kaya ang......

"Ang solusyon na naisip ko ay........ ang tumira ka sa bahay ko at mag live in tayo." seryosong seryoso nitong sinabi.

Isang malakas na batok ang ginawa ko dito dahil sa sobrang inis ko dito akala ko pa naman talaga seryosong solusyon ang sasabihin nito iyon naman pala ay kalokohan na naman pala ang lalabas sa bibig nito.

Tatayo na sana ako at iiwanan na ang walang kuwentang tao nito kung hindi lang sa maagap na paghawak nito sa kamay ko.

"Let go of my arm Andrei kung hindi ay baka mapatay pa kita." banta ko dito na tinawanan lang naman ako na parang wala dito ang ginawa kong pangbabatok dito.

"Relax Dustin joke lang naman iyon masyado ka kasing tense, bumalik ka na sa pagkakaupo mo at pag-isipan natin kung paano masusulusyunan ang problema mo, at pangako seryoso na ako." pangako nito at sandali ko din wineigh ang sinabi nito bago bumalik sa tinayuan kong puwesto.

"One more joke Andrei, and you're dead." banta ko dito na hindi naman nito sineryoso.

"Ok isipin muna natin kung sino ang maaring nag sspy sayo at kung bakit." seryoso na nitong sinabi, napaisip naman ako kung sino nga ba ang puwedeng magspy sa akin.

"May naiisip ka bang puwedeng gumawa nang pagmamatyag na ganito sayo?" tanong nito, bigla kong naisip si Dianne na agad ko naman sinabi dito.

"Ok we already have one suspect in mind, how about the guy na humahabol sayo nong gabi na sumakay ka sa bike ko?" tanong naman nito, bigla ko na naman naramdaman ang eratikong pagtibok nang puso ko nang maalala ko si Jonathan.

"I don't think na siya ang taong iyon." matabang kong sinabi dito dahil kahit nagsabi itong mahal ako nito ay alam ko sa sarili kong hindi totoo iyon, dahil kung mahal mo talaga ang isang tao ay hinding hindi mo magagawang saktan siya.

"Paano ka nakakasigurong hindi nga siya ang stalker mo?" tanong ni Andrei na halatang nacurious sa naging reaksyon ko.

"Basta alam kong hindi siya end of discussion." inis kong sinabi dito na pinagkibit balikat lang nito basta alam kong hindi si Jonathan ang taong iyon.

Matapos naming mag-almusal ay nagpumilit si Andrei na tignan ang unit na tinutuluyan ko at kahit labag sa loob ko ay wala na din akong nagawa kaya naman magkasabay kaming sumakay nang elevator patungo sa unit ko.

"Nga pala ano bang ginagawa mo sa lugar na ito?" tanong ko dito.

"Well may negosyo ako sa parteng ito nang Makati kaya nandito ako tapos iyon nakita kita kaya naisipan kong mangamusta." sagot naman nito.

Ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa floor kung nasaan ang unit ko at agad kaming pumasok.

"Nice place, binili mo?" tanong nito na matamang tinitignan ang loob ng unit ko, mabuti na lang talaga at nakapaglinis ako.

"Nope inupahan ko lang." sagot ko naman dito bigla kong naisip ang may -ari nang unit na ito dahil makailang beses na kasi din iyong nangulit na lumabas kami kahit na nga ba sinabi ko na sa kanyang wala akong gusto dito, agad kong sinabi iyon kay Andrei.

"Kung siya nga ang stalker mo medyo delikado dahil malamang sa malamang ay may duplicate key siya." sinabi nito na lalong nagpatakot sa akin, parang gusto ko tuloy umuwi sa bahay ni Marvin ngunit kapag naiiisip kong magkikita na naman kami ni Jonathan ay parang nawawala ang takot ko sa kung sinumang stalker na yan, mas gugustuhin ko pang harapin ang stalker ko kaysa harapin muli si Jonathan.

"What do you think I should do?" namomoblema kong tanong dito na matiim na nakatingin sa isang parte nang kuwarto na parang sobrang lalim nang iniisip.

"I think dapat dito akong matulog." seryoso nitong sinabi at muling sumabog ang inis ko sa binata.

"LAYAS! AT HUWAG NA HUWAG KA NANG BABALIK!!!" inis na inis kong sigaw dito, sinabi ko nang huwag na siyang umulit eh pero inulit pa din.

Nang mapag-isa naman ako ay muling lumukob sa akin ang takot na baka may masamang mangyari sa akin, not that I can't take care of myself pero ang takot na hindi mo alam ang maaring mangyari.

Pinilit kong umakto na walang problema ngunit hindi ko pa ding maiwasang hindi maparanoid kahit nasa loob ako ng unit ko dahil tama si Andrei dahil kung ang may ari nga nang unit na iyon ang salarin ay hindi malabong may duplicate key ito.

Bandang alas onse nang gabi nang makarinig ako nang pagkalabog sa labas nang pinto ng unit ko, sandali kong sinilip ang peephole ngunit wala naman akong nakitang tao.

"Stalker or not I can't take the stress anymore." malakas kong sinabi sabay kuha nang bag ko kung saan basta basta ko na lang nilagay ang mga gamit ko, wala na akong pakialam kung masayang ang binayad ko sa unit na iyon hindi ko na ata kayang tumagal nang ilang minuto pa.

Nagulat ako nang binuksan ko ang pinto nang tumambad sa akin ang pagmumukha nang may-ari ng unit na halatang nagulat dahil siguro nahuli ko siya.

"Saan ka pupunta Dustin at bakit dala-dala mo ang lahat ata nang gamit mo?" nagtatakang tanong nito.

"Aalis na ako and stop stalking me!" galit kong sinabi dito. Hindi ko na hinintay na makapagreact ito kaya naman dali dali akong sumakay sa elevator na sakto naman na may bumabang tenant.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyan nang magsarado ang pinto nang elevator at ilang sandali lang ay nasa ibaba na ako ng building, sandali akong naglakad patungo sa sakayan nang taxi, ngunit agad akong nakaramdam nang may sumusunod sa akin kaya naman agad akong lumingon ngunit bago pa ako makalingon ay may kung ano nang tumakip sa bibig ko at agad kong naamoy ng nakakahilong amoy mula doon at ilang sandali lang ay naramdaman ko nang nawawalan na ako nang malay, pinilit kong labanan iyon ngunit tuluyan na akong nawalan nang lakas.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
42.8K 1.5K 32
A kaisoo fantasy story where humans and vampires coexist. [On Going ] Written by: Sumyiir Plagiarism is a crime. Inspired by: Orange Marmalade. WA...
686 57 5
"Never fall to a guy that makes you feel comfortable." - Liarose Uy Santigo. Paano kong sa motto niyang iyan ni Liarose ay siya mismo ang bumaliktad...
329K 13K 53
Isang kwento ng pagiibigang sinubok at hinamak tadhanan. Magwagi kaya ang pagmamahalan sa kabila ng mga balakid?