Mid-Air Ball (The Athletes...

By abeamus

2M 54.4K 30.8K

MONTEVINSKI SERIES #1 Kelly Sian Gonzaga is the notorious captain of the generation, and everyone knows she l... More

Mid Air Ball Book!
EXCLUSIVE FREEBIES
MID AIR BALL
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 23

29.6K 850 94
By abeamus

Chapter 23

Different

Narinig kong may pinagtatalunan ang mga magulang ko nang nagising ako nang madaling araw. Medyo bukas kasi ang pinto nila kaya naririnig ko kaunti ang pinagtatalunan.

"You always go home late, Ken!"

Minsan lang sumigaw si Mommy kaya nakakagulat. I was still sleepy when I went out, but when I heard her scream. It felt like a glass of water was spilled on my face. Galit si Mommy.

"As if you don't do likewise, Shana..."

Kalmado lang si Daddy habang inaalis ang kanyang necktie. Kauuwi lang niya? Alas kwatro na... I know they usually go home late but four am is a bit questionable. Hindi sila umaabot sa ganoong oras. Pero si Mommy, kapag may exclusive appointments, umuuwi siya ng madaling araw. Doctor eh.

"Kenzie is always asking why you're always late! Wala akong masagot dahil hindi ko naman alam kung anong ginagawa mo!"

"I am working in the firm. There are lots of cases to solve."

"You're not this workaholic! Ano ba ang problema? Why don't you tell me?" si Mommy na frustrated.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. I don't want to eavesdrop, but I have to know what they're talking about. Anak ako...

"I don't have... a problem, Shana. Let's just rest, I am exhausted. Malapit na ang kaarawan ng anak mo, iyon ang dapat bigyan natin ng pansin."

"Just tell me what it is!"

Hindi na ako nagtagal doon kaya naman lutang ako sa eskwelahan. Vacant namin samantalang break time naman nina Covy. They're talking about the upcoming intramurals while I'm thinking about my parents.

"Problema mo?" si Seth at mukhang seryoso. "Okay ka lang?"

Tumango ako. "Okay lang. Nag-away kasi sila Daddy kagabi..."

Pagkasabi ko no'n ay tumahimik sila. Natawa ako nang bahagya kahit mabigat ang pakiramdam ko. Even Terry and Ays looked at me curiously. Umiling ako dahil alam kong may sarili rin silang mga problema. I don't want to contribute to it.

"Kwento ka lang kung gusto mo," ang pinsan ko.

I raised my eyebrows and heaved a deep sigh. Nandito kami sa isang sheltered table sa gitna ng dalawang matayog na puno malapit sa gymnasium. Kami lang ang nandito dahil nag-iisa lang naman itong table sa pwesto na 'to.

"Dad is frequently going home late... Hindi alam ni Mommy ang dahilan."

"Work? Your father is a lawyer, 'di ba? Normal lang naman siguro 'yon?" si Seth kaagad ang nagsalita.

I shrugged. "Siguro? Pero napapadalas kasi at sobrang late talaga. Tapos hindi pa naniniwala si Mommy na work lang..."

"Ano naman sana?" si Covy.

Nagkibit-balikat ako.

"What are you concluding? Your father has an affair?" si Ays ang bumasag sa katahimikan.

"That's what I'm concluding, too. Kung! Kung hindi work ang dahilan..." sabi ni Terry.

Bumigat ang paghinga ko. I don't think Dad would do that. He loves mom and he loves us, his children. Wala rin akong napapansin na may affair nga siya. Plus, I don't see him looking at other women whenever I'm with him.

"Huwag ka na lang mag overthink. Baka mabigat lang na kaso at ayaw ipaalam kasi baka madamay kayo," sabi ni Covy at gumaan ang pakiramdam ko roon.

"Totoo. Baka iyon lang, Kesh. Malapit na debut mo kaya huwag mo na iyang problemahin. Huwag mo na lang gawing big deal... Lahat naman ng mag-asawa nag-aaway talaga."

Tumango ako kay Seth at tinanggap ang pahayag niya. I did not dwell on the issue that much. Totoo nga naman na normal lang sa mag-asawa ang mag-away. Maybe dad is just protecting us, too.

Sana ay iyon lang...

"Close na close sila, a? Tapos hindi pa kayo ayos..." si Alyssa habang nasa taas kami at nakatingin mula sa pasamano.

Umirap ako habang masama ang tingin kay Kenzie at Laura na nagtatawanan sa corridor sa baba. May pinapapirmahan yata sila sa mga guro. Hindi ko pa nga nakakausap iyang Laura, e. Palaging nauudlot dahil minsan hindi ko siya nakikita. At kung makita man, kasama naman ng kapatid ko.

"Nakakainis nga iyan. Iba talaga feeling ko riyan sa babae..." sabi ko at umiling.

Pagtingin ko sa kaliwa, naabutan ko ang tingin sa akin ni Elton. Nakaupo siya sa pasamano at nakasandal sa poste. Parang may malalim na iniisip at hindi alam na nakatingin ako sa kanya. Hindi naman nagtagal ang atensyon ko sa kanya dahil sa usapan namin ni Alyssa.

"Ang weird nga raw niyan sabi ng pinsan ko. E, 'di ba, kaklase nina Kenzie iyon. Minsan daw tahimik pero minsan din ay maldita. Parang double character kumbaga..."

Mas lalo akong nairita roon. Malaman ko lang na pina-plastik niya ang kapatid ko... Makikita niya talaga ang bagsik ng isang Gonzaga.

"Palaging nagpapatulong iyan ng assignment kay Kenzie. Palagi kong naririnig sa tuwing naka video call sila."

Pinagsasabihan ko nga ang kapatid ko na masyado siyang nagpapagamit, e. Minsan nga hindi lang basta patulong. Nangongopya na siya at nagpapagawa pa ng essay sa kapatid ko! Aba matindi.

"Baka isama iyan sa debut mo?"

"Yak! Subukan lang ni Kenzie. Kaarawan ko iyon kaya ako ang masusunod..."

Humingi si Kenzie kay Mommy kanina ng apat na invitation cards. Dalawa siguro sa dalawa niyang kaibigan, isa kay Ashi at kay Laura. Debut ko iyon. Kung ayaw ko siyang makita roon, hindi siya pwedeng dumalo.

"Mauna ka nang umuwi. Sabay ka kay Covy," ako sa kapatid ko nang daanan niya ako sa classroom.

"Bakit? Wala kayong training ngayon."

Malamig ko siyang tinapunan ng tingin at tinaasan ng kilay. "May gagawin nga ako. Umuwi ka na."

Gusto ko siyang tarayan pa pero pinigilan ko ang sarili ko. I just confirmed that she gave Laura an invitation without asking for my permission. Nakakairita.

"Okay!" aniya at umirap pa bago ako iniwan sa classroom nang mag-isa.

Umuwi na sina Alyssa kaya mag-isa na lang ako. Early dismissal ang mga senior high ngayon dahil sa meeting ng teachers. Paglabas ko, nakita ko si Elton na may kausap na babae. I smiled maliciously. Galing ibang school.

Naku, susubok na ulit siya! Nagkatinginan kami at mas lalong kumunot ang kanyang noo. Tinanguan ko lang habang nagpipigil ako ng tawa. Bumaba na ako sa spiral na hagdan.

High school students were staring at me while I'm walking on their corridor. Huminto ako sa classroom nina Kenzie at nakita ko kaagad si Laura na nag-aayos ng gamit niya. Nang makita niya ako ay nakitaan ko siya ng takot.

Wala na ring ibang tao sa classroom nila, pero sa kabilang silid ay maroon pa. Pumasok ako at mas lalo siyang natakot. She looks terrified and her eyes were a bit teary. Ha? Wala pa akong ginagawa!

"I'm here to get the invitation back. I don't want to see you in my party," walang awa kong sabi.

I don't want to see her there! Masisira ang araw ko kung dadalo siya.

"Uhm... binigay kasi sa akin ni Kenzie—"

"I don't care. Just give it back and I'll leave the place silently..." ma-awtoridad kong sabi at nilahad ang aking palad.

She bit her lips and started rummaging through her bag. Nainip ako kaya umupo ako sa lamesa. She's moving too slowly, so I took it as an advantage to burst my perception.

"I don't think you're good for my sister. You always ask for assignments, and you always ask her to make essays for you. Gusto mo bang magsumbong ako sa teachers niyo?"

I was looking at my nails while saying that. Pagkatapos ay nilingon ko siya. She swallowed hard and she looked away. Parang naiiyak na siya pero pinipigilan ang sarili.

Nag ring ang cellphone ko kaya tingnan ko iyon. It was Zoren. Tinignan ko kaagad si Laura at nagawa pang lumingon sa aking cellphone. Ngumisi ako. I tapped the loudspeaker to activate.

"Where are you?" ang magandang boses ni Zoren.

Nahanap na ni Laura ang invitation at inabot niya iyon sa akin, nanginginig. Kinuha ko naman pero hindi ako umalis.

"School. Ikaw? Paalis pa lang ako."

"Wait for me. I'll be there in five."

Mas lalo akong ngumisi nang nakita ang luha ni Laura. She's crying silently and I know she has no plans of showing it. Tinatago, e.

"Okay! Ingat ka..." bago namatay ang tawag. "I should go now, my baby is on his way to get me..." sabi ko at naglakad patalikod. Hindi siya lumingon sa akin kaya umalis na ako at dumiretso sa parking lot.

Confirmed! Littler Laura likes my hawk. As if I'm gonna let her get what she likes. Kaya siguro lumalapit iyon sa kapatid ko. Maybe she's trying to get close to Zoren. Akala niya siguro magugustuhan ko rin siya kaya sumusubok mapalapit sa akin.

Kadiri naman iyon. Gusto na nga ni Dimples si Zoren, tapos gusto niya rin?

I run towards Zoren and hugged her. Humawak siya sa likod ko. Umatras din ako kaagad.

"I missed you!" I said and smiled wider.

Ngumisi siya. "Bakit ka nagpa-iwan?" he asked.

Nasa tabi ng kotse ko ang kanya at nakasandal siya roon suot ang uniform niya. Magkaiba kami ng uniform and I always find it cute.

"Oh? Sinong nagsabi?"

"I asked your sister."

Tumango ako habang nasa harap niya pa rin. "May ginawa lang..."

"What did you do again? You sounded fierce while talking to me earlier. Alam kong may ginagawa ka kanina."

I chuckled akwkwardly. Mapagsasabihan pa yata ako ngayon. He hates whenever I'm being involved in cat fights now, kahit pa tungkol sa kanya o kahit sa ano. Pinapagalitan niya ako sa tuwing nadadawit sa mga gulo.

"May kinausap lang..." sabi ko at lilipat sa tabi niya pero nakahawak pala ang kamay niya sa aking baywang.

"And who is it? Hmm?" taas ang kilay niya. Himig hindi pabor ang kanyang tono.

I groaned and gave in. "Si Laura lang naman. Binawi ko lang iyong invitation sa kanya. I don't want to see her in my birthday. Hindi ko naman... sinaktan?" Naging hindi sigurado ang boses ko. I remembered she cried so I wasn't sure of it.

"You're not sure?"

"Hindi ko siya sinaktan, okay? Narinig niya na kausap kita at umiyak na. She likes you and that's normal. I think she's brokenhearted."

Nakatitig lang siya sa akin habang nagsasalita ako. Bumuntong hininga ako at humawak sa braso niya.

"I hate her, okay? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya... At isa pa, birthday ko iyon, and it's fine if I choose the people who are going to attend!"

Hindi siya umimik.

"Tapos she's befriending my sister. Nakwento ko naman na sa'yo lahat..."

Humina ang boses ko dahil pakiramdam ko magagalit na naman siya.

He sighed and nodded. "Give me your key..." aniya habang kinakapa iyon sa bulsa ko.

"Huh? Bakit?" Inabot ko sa kanya dahil nahihirapan siya. "Tsansing pa, Zoren," I laughed hard.

Kumain lang kami. Ginamit niya ang sasakyan ko kaya pala nanghiram ng susi. Paglabas namin ng restaurant pagkatapos kumain ay nasa labas na rin ang kanyang kotse. Aniya'y may inutusan daw siya.

Friday and I did not attend class in the afternoon. We were preparing for my birthday. Hindi rin pumasok si Kenzie at hindi niya ako kinakausap dahil nagsumbong si Laura sa kanya. Anong pake ko?

"My, ayos na ba lahat?" tanong ko. Kadarating ko galing sa venue. Tapos nang mag decorate doon. Dito sa bahay, may mga kinakausap pang tauhan si Mommy.

"Yes. There are just some minor problems."

"Ano po?"

"Iyong mga bulaklak na iba ay wala pa. Naghahanap ako ng bagong mapag o-orderan..."

"Ako na lang po—" I was cut off.

"I can do this, Kesian. Just rest and get ready for tomorrow."

Hindi na ako umangal. I'm already done with my spa appointment and I was supposed to be with my sister pero dahil sa alitan ay hindi natuloy. We did it individually. Pumasok pa kasi sina Covy kaya wala talaga akong kasama kanina.

Bukas na ang party at 6PM iyon magsisimula at siguro ay ten or eleven matatapos. Sakto lang para sa aming night out.

"Ate!" Nagmamaktol na pumasok sa kwarto ko si Kenzie. "Payagan mo na kasi si Laura. Please?!" inis niyang sabi.

Inaantok ako habang nakatitig sa kanyang masama ang titig sa akin.

"Hindi dadalo iyong dalawa kong inimbitan..."

"Si Ashi..." nakapikit kong sabi at niyakap ang aking unan. Hapon na at ang dami kong ginawa kanina. Sinukat ko pa ulit ang gown ko. Nag message pa ako ng mga kakilala na may role sa party.

"Ate! I need a friend there..."

I groaned and nodded. Inaantok na ako. Ayaw ko naman talaga sanang payagan siya sa gusto niya, pero dahil sa naiiyak niyang tono, nadadala ako. Tapos hindi pa dadalo ang dalawa niyang inimbita. Ayaw ko rin naman siyang maging kawawa at outcast. I know she's close with Covy and company pero iba pa rin kapag kaklase talaga.

"You nod! So pumapayag ka na?!"

Tumango ulit ako at ilang minuto na lang ay makakatulog na talaga ako. I am so tired.

"Thank you, Ate! I love you! You're the best!" sigaw niya. Napangiti na lang ako at dinalaw na ng antok.

Inaantok pa ako pero may tumatawag kaya napilitan akong gumising. It's already midnight. Hindi na kasi ako nagpagising para sa dinner kanina dahil pagod talaga.

Zoren Gray is calling.

I answered it with my floating mind. Humiga ulit ako at hinihila na kaagad ng antok. I still want to sleep, but then this is my Zoren.

"Happy birthday..." napapaos niyang sabi at napangiti ako. Medyo nawala ang antok ko dahil doon.

"Thank you... You're the first person to greet me."

Tahimik ang background niya. Siguro ay nasa kwarto siya ngayon, nag alarm lang para mabati ako ng maaga. Napangiti ako at para akong lasing dahil inaantok pa nga.

"Are you really sleepy? Can you come down? I'm here in front..."

Mabilis akong bumangon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I smelled my breath. Good thing I am not bad breath! Hindi na ako nag-ayos at bumaba na kaagad. The gate creaked when I opened it. Nakasandal si Zoren sa kanyang sasakyan habang nasa tainga ang cellphone. Binaba niya iyon at ngumisi siya.

He's wearing a hoodie and a pair of shorts. Ayos na ayos siya at parang kakaligo pa. Tumakbo ako papunta roon kahit nanghihina dahil kagigising at gulat sa presensya niya ngayon.

I embraced him and did not let go of him for a long time. Humalakhak ako at umatras ng isang hakbang.

"You're here!" I said, and he smiled sweetly.

"Happy birthday..." bati niya ulit at natawa ako.

"Thank you! I'm so happy..."

Kumunot ang noo ko at tumiklay. Hinawakan ko ang buhok niya. He bowed down a little. Basa talaga ang kanyang buhok.

"You took a bath? Ano na bang oras?" Hinawakan ko ang kamay niya para tignan ang oras. "Twelve twenty one pa lang!"

Ang aga niya naman palang nagising. Or... Natulog na ba siya? O hindi pa dahil hinintay talagang mag alas dose?

"My cousins slept in my place. We drink..."

Kaya pala parang lasing ang kanyang mga mata. Tumango ako, hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Ang gwapo gwapo niya ngayon. At tuwang tuwa ako dahil hindi inasahan na pupuntahan niya ako ngayon.

"Nilalamig ka ba?" he asked. "I forgot to bring a jacket. Wala akong suot na iba sa loob..."

I laughed and shook my head. "I'm fine! Hindi naman sobrang lamig kaya ayos lang. Dito ka pa?" I asked him when he pulled me closer. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang saya.

"Can I stay for an hour?"

Mabilis akong tumango. "Yes! Tinatanong pa ba 'yan?" tawa ko at yumakap ulit.

Nakahawak lang siya sa aking baywang. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango at mas lalo akong inaantok. Gusto ko na lang matulog ngayon sa bisig niya.

"Inaantok ka na..."

"Hm! Pero ayos lang... Nandito ka, e."

Nakangiti lang ako at nakapikit. Para akong unggoy dahil nakasabit ang mga kamay ko sa kanyang leeg. Hindi naman siya nagrereklamo kaya bakit ako aalisin.

"Kesian..." Humaplos ang kamay niya sa likod ko. "Go inside now, then. Baka makatulog ka rito..."

Umiling ako. "It's okay. Buhatin mo na lang ako papasok..."

Tahimik lang kami. The sound of the crickets made me more sleepy. The comfort between Zoren's arms made me want to just stay like this forever. Bakit ba gustong gusto ko ang lalaki na ito?

Hindi ko alam kung nakatulog ba ako, pero pagbukas ko sa mga mata ko, nararamdaman ko ang haplos niya sa buhok ko. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa ganitong posisyon. But I don't care. I am beyond happy today.

I'm not really the clingy type of a person, but when it comes to Zoren, I'm being the person I am not expecting to be.

"We will still see each other, Kesian. Come on. You still have to sleep."

"Can't we just stay like this forever?" mabagal kong sabi, at pakiramdam ko para akong bata sa tono na nagamit.

He sighed, and I could feel his heart pounding rapidly. Is he happy, too? Does he feel the same way?

"You have a party later... Pumasok ka na sa inyo."

Unti unti niyang inalis ang kamay ko sa kanyang leeg. Bumalik ako sa harap niya, inaantok pa. Kinuha niya ang kamay ko at hinatid ako sa harap ng gate. Bumuntong hininga ako dahil aalis na siya.

"Bye. Thank you for coming. Ingat ka..." sabi ko at ngumiti.

Nakatitig lang siya sa akin. Matagal bago siya tumango. Lumapit siya sa akin at humawak sa siko ko. I felt his lips touched the peak of my forehead. Binuksan niya na ang gate pagkatapos at iminuwestra ang bukana nito.

Kahit gulat pa sa ginawa niya ay kumaway ako ng mabagal.

"Goodnight... Drive safely, please..."

Ngumiti siya ay tumango. "Sleepwell, my Kesian."

Continue Reading

You'll Also Like

492K 14.5K 44
MONTEVINSKI SERIES #4 Alanis Gray Montevinski, a girl who was loved and adored by everyone was locked and froze by a tragedy. She learned that distan...
113K 2.8K 46
Gaano ba kahirap tumanggi at unahin ang sarili? Yung halos hayaan mong pag-malupitan ka na ng mga tao. Yung pagbayad sa mga utang na hindi naman ikaw...
125K 3.2K 36
š˜ˆ š˜­š˜°š˜·š˜¦ š˜“š˜µš˜°š˜³š˜ŗ š˜µš˜©š˜¢š˜µ š˜£š˜¦š˜Øš˜¢š˜Æ š˜¢š˜§š˜µš˜¦š˜³ š˜µš˜©š˜¦š˜ŗ š˜¦š˜Æš˜„š˜¦š˜„. They say that love is sweeter the second time around so what would happen...
66.2K 2.5K 52
Dorothy Maeve Andino think that messing up with rich sons and daughters of the influential politicians of Sultan Naga was the greatest example of put...