Morthon University : "League...

By ELRionCae

444K 13.6K 707

Are you ready to face death ? Then you are invited to enroll in Morthon University. More

Morthon University
Prologue
Chapter 1: Meet the GANG
Chapter 2 : Welcome Room mate
Chapter 3 : Find the Thief
Chapter 4 : Double Trouble
Chapter 5 : Detention 666
Chapter 6 : Bullet
Chapter 7 : Hell Room
Chapter 8 : Cool Down
Chapter 9 : Hide and Seek
Chapter 10 : GUN
Chapter 11 : FRIENDS?
Chapter 12 : Bullshit Day!
Chapter 13 : Terrible Weekend
Chapter 14 : Family ? It's Another Goddamn Thing
Chapter 15 : Non-Stop Trouble
Chapter 16 : Transferees
Chapter 17 : Another Character
Chapter 18 : Real Morthon
Chapter 19 : Hidden Truth
Chapter 20 : Secret Revealed
Chapter 21 : Perfect Trouble - Times Two
Chapter 22 : Words Untold : The Characters Behind
Chapter 23 : Vanishing Fury
Chapter 24 : One Another Different Chapter
Chapter 25 : First task - And so -- we failed !
Chapter 26 : Rage's of Rage
Chapter 27 : Teamwork still exist
Chapter 28 : An Assassin's Pledge
Chapter 29 : The Real Deal
Chapter 30 : Paige Kristoff Zegers
Chapter 31 : Rescuing One Another
Chapter 32 : Concern
Chapter 33 : Friendship Starts
Chapter 34 : Decision's Unleashed
Chapter 35 : Have you seen Nalu ?
Chapter 37 : Sorry and Confession !
Chapter 38 : Stitches and Burns
Chapter 39 : PLAYMATE
Chapter 40 : Demented Attack
Chapter 41 : War, Enemies and Trust
Chapter 42 : Invitation
Chapter 43 : Back on Track
Chapter 44 : BE YOUR----WHAT ?
Chapter 45 : Remembering Old Times
Chapter 46 : The Game We Played
Chapter 47 : Rebel Beat
Chapter 48 : The Night Has Reached Its End
Chapter 49 : Unplanned Last Task
Chapter 50 : From The Left Field
Chapter 51 : Game of Choice
Chapter 52 : Nalu's Works
Chapter 53 : Bullet for Cham
Chapter 54 : BLACK PARTY : Part 1
Chapter 55 : BLACK PARTY : Part II
Chapter 56 : BLACK PARTY : Part II.5
Chapter 57 : Masked Identity
Chapter 58 : Missing in Action
Chapter 59 : BLACK PARTY Part III
Chapter 60 : Just Gael
Chapter 61 : Paige's Revenge
Chapter 62 : They're Back
Chapter 63 : Ace
Chapter 64 : Old-New Life
Chapter 65 : Unexpected Guest
Chapter 66 : Still friends
Chapter 67 : Last Ride
Chapter 68 : Leader
Chapter 69 : That Awkward Moment
Chapter 70 : F*cking LOVE ???
Chapter 71 : Keep the car running
Chapter 72 : The final Battle
Chapter 73 : Ace vs. King
Chapter 74 : We'll be a Dream
Chapter 75 : Goodbye but not the end
Special Chapter
Epilogue
Special Announcement

Chapter 36 : One Fearless Game

4.9K 156 5
By ELRionCae

Chapter 36 : One Fearless Game

*Nalu's POV*

"Kayo ng bahala sa kanya !"       -narinig kong sabi ng isang kumuha sakin saka ako binagsak sa sahig, shit !

"Ano bang kailangan nyo sakin ?"      -sabi ko habang nagpupumiglas sa tali na nakatali sa magkabilang kamay ko na ngayon ay nasa likod ko.

"Wag ka ng magtanong !"      -sabi ng isa sabay tinayo ako sa pamamagitan ng pagsabunot sa buhok ko at sinuntok ako sa sikmura.

F*ck ! namilipit ako sa sakit non, damn -- ano bang problema ng mga to ? is this kidnapping or what ? Hindi ko alam kung nasaan ako, ano bang nangyari ? Kahapon, naalala ko sa kwarto namin may kumuha sakin ng buksan ko ang pinto, tsk sinasabi ko na nga ba, walang magagawang mabuti ang pag gamit ng pinto. Aish -- ibig sabihin maghapon ako nakatulog ? Teka si Lirie ! si Lirie, kailangan ko syang puntahan, siguradong galit na galit na sya sakin, kailangan ko syang maihatid f*ck, kailangan kong makaalis dito.

"Ano ba talagang kailangan nyo ?"          -pilit kong salita sa kanila. Pitong lalaki sila ngayon na nakapaligid sakin at shit, ang lalaki ng katawan nila.

Ngumisi lang ang isa at may inilabas na attachcase at binato sa harap ko.

"Naaalala mo pa ba yan ? Dahil sa kinuha mo ang pinakamahalagang bagay na yan, pasensya ka nalang !"

"Wala namang naw----ugh !"          -hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinipa niya ako.

Hindi nila tinigilan ang pagsipa sakin at iniinda ko ang bawat sakit na natatamo ko ngayon, shit ! shit talaga, nakakainis -- ano bang katangahan to ? kailangan kong makaalis dito. Nag aagaw hininga na ako ng biglang may lumabas na isang malaking lalaki at tinayo ako.

"Hindi mo ba alam kung anong ninakaw mo ?"         -tanong nya na ikinangisi ko.

"Kailangan ko pa bang malaman eh wala namang nawala dyan, kaya pwede ba, pakawalan nyo na ko !"       -sigaw ko sa kanya.

Pero parang nainis sya sa inasal ko at sinuntok nya ako, hindi lang isa o dalawa, maraming beses pa. Nararamdaman ko na ang dugo na tumutulo sa iba't - ibang parte ng muka ko. Damn this life, hindi ko alam na ganito kasakit ang mabugbog. Nasa sahig na ako at ilang tao na ang nabugbog sakin at talagang manhid na ang katawan ko sa bawat suntok at sipa nila.

"Tapusin na natin sya"       -sabi ng isa nilang kasama-- anong ibig nilang sabihin ?

"Masyado ka namang nagmamadali, pahirapan muna natin sya bago natin sya patayin."       -sabi ng isang habang may sigarilyo sa bunganga nya, shit ! papatayin ?

"Anong pa----Uuuuugggghhh!"       -namilipit ako sa sakit ng patayin nya ang sigarilyo sa balikat ko.

Nag iinit na ang mata ko, oo -- umiiyak ako, umiiyak ako sa sakit na nararamdaman ko. Sa mga pangyayaring ganto, tanging pag iyak na lang ang magagawa ko, panget pakinggan para isang lalaking tulad ko pero wala akong magawa.

"Kalagan nyo sya !"       -sabi ng lalaking malaki ang katawan at sinunod naman yon ng mga kasama nya.

"Anong gagawin natin sa kanya ?"         -tanong ng isa.

Hindi sumagot ang lalaki at sumenyas lang sa isa pa nilang kasama at may nilabas yon na dalawang lalagyan na hindi ko malaman ang kung anong meron at nang makalapit ay nilapag yon sa harap ko. Sa maga ng mata ko, hindi ko na makita kung anong meron doon.

"Ngayon mo palang mararamdaman ang sakit bata, kaya humanda ka !"         -sabi ng isa habang hawak ang buhok ko.

Sinimulan nyang kunin ang dalawa kong kamay at nilagay yon sa lalagyan na ngayon ay nasa harap ko.

"Uuugggghhhhhhh !"         -napahiyaw ako sa sakit, f*ck ! mainit na tubig, mainit na tubig ang laman non.

"TAMA NA !"      -sigaw ko.

"Ganun ba ? Sige tama na !"         -inalis nya yon at nilagay nya sa kabilang lalagyan.

"Uugghhhhhhhh"

Shit ! isang lalagyan na punong puno ng yelo, mas doble ang sakit non ! Ayoko na. Napapakagat ako sa labi sa nangyayari sakin. Hindi ko na kaya. Naka ilang palitan yon ng paglagay sa kamay ko at naramdaman ko ng namamaga yon, tinigil nila yon at winasiwas ako sa sahig at sinimulan akong bugbugin ulit. Nahihirapan na akong huminga sa ginagawa nila, gusto ko ng sumuko, pero hindi -- hindi ako pwedeng mamatay ! kailangan kong makaalis dito.

"Hindi na ba natin ibabalik ang pagkakatali nya ?"

 

"Hindi na, sa bugbog nya ngayon ay hindi na sya makaka-alis sa lugar na to."

 

"Ang tagal naman tapusin yan !"

 

"Wag kang mainip, malapit na!"

Naghahabol ako ng hininga ng marinig ko ang usapan nilang yan, at narinig ko din ang mga yabag nila na paalis sa pwesto ko. Papikit na ang mata ko pero pinilit kong gumalaw at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. Shit ! ang sakit ng kamay ko, pero kailangan kong gumalaw para maka-alis ako dito. Binuksan ko ang cellphone na nasa bulsa ko at sinimulang idial ang number ni Lirie, pero pinapatayan nya lang ako. The eff Lirie, bakit ngayon pa ? Malamang, galit sya sakin. Nagdial ulit ako ng number at hindi ko na malaman kung sino ang natawagan ko at sumagot naman yon.

"Anong kailangan mo ?"       -buti na lang, sya ang natawagan ko.

"He--lp, H-he--lp me."       -hirap na hirap kong salita sa kabilang linya.

"Hello Nalu ? Are you okay ?"

 

"Pl-ease, h-help me .. h-help me."

 

"Anong kalokohan na naman --- "

"Plea--se hel-p me, I'm dy--ing ! ple--ase help me.."

Umiiyak na ako habang sinasabi yan, at saglit na napatigil ang nasa kabilang linya na tila nag iisip pa kung nagsasabi ako ng totoo.

"Where are you ?"

Naniwala na din sya, nilibot ko ang paningin ko at wala akong makita na kahit anong palatandaan. Madilim na paligid lang ang nakikita ko.

"I do--nt k-know"

 

"C--can yo------"

 

Hindi ko na natapos ang pinapakinggan ko dahil may sumipa sakin kaya tumilapon ang cellphone na hawak ko at saka nya yon inapakan.

"Nagawa mo pang tumawag ah, pasensya na pero huling tawag mo na yun."       -sabi nya at nilabas ang baril nya.

Bumilis ang tibok ng puso ko, tinutukan nya ako ng baril. Hindi ko alam kung anong kaba ang nararamdaman ko. Pagtapos non ay kinalabit nya na ito at malakas na putok ng baril ang narinig ko, ramdam ko ang pag agos ng dugo sa muka ko -- is this the end ?

*Cham's POV*

"Nakakailan ka na ah, for your info hindi libre ang laging pagsakay sa kotse ko."          -sabi ko kay Gun habang nagdadrive ng sasakyan, sinabay ko sya pauwi dahil wala naman syang gagamiting sasakyan.

"Oo na, babayaran din kita makikita mo."        -tss, babayaran daw.

Malapit na kami sa bahay nila Gun ng magring ang phone ko, ng tignan ko yon napataas ang kilay ko -- ano naman naisip ng isang to at tumawag ng gantong oras ?

"Anong kailangan mo ?"       -tanong ko sa kanya pero ang tagal nya sumagot.

"Help me."        -ano daw ?

"Help you with what ?"

 

"Help me find Nalu !"

Si Nalu ? kagabi pa yon hindi nagpapakita ah, ano naman ang naisip ng isang to at hahanapin nya si Nalu ?

"Tss, wag mong hanapin ang ayaw magpakita -- andyan lang yon, kung may kinuha sya say----"

"Shit Cham, Nalu's in danger you need to help me!"

Automatic na tumigil ang kotse ko sa narinig ko hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko ang tensyon ng boses na nasa kabilang linya na kausap ko, pati si Gun ay nabigla sa paghinto ko dahil muntik nang humampas ang ulo nya sa sasakyan ko.

"Where are you ?"       -tanong ko sa kabilang linya.

Sinabi nya kung saan ko sya tatagpuin at pinihit ko agad ang sasakyan ko para mapuntahan sya.

"Saan tayo pupunta ?"      -tanong ni Gun.

"Nalu's in danger, kailangan nat-----"

"WHAAAAAT ?!"

Mas gulat na gulat pa ang muka ni Gun ng marinig nya yan. Hindi ko na sya pinansin at dineretso pagmamaneho ko. Nang makarating kami sa tagpuan ay agad akong lumabas sa sasakyan pati nadin si Gun, nakita namin si Rage na nakatayo at palakad lakad na halatang hinihintay kami. Pagbaba namin ay nilapitan namin sya.

"Cham, Gun"          -sabi nya na kinakabahan.

"Rage, what happened ?"       -tanong ko.

"Tumawag si Nalu, hindi ko alam kung saan sya hahanapin, but I know he's in danger, we need to help him."           -nginig na ang boses ni Rage habang sinasabi yan.

"Na-try mo na bang tawagan ulit ? para madetect natin kung nasaan sya."

"Oo, pero patay na ang cellphone nya!"

 

"Shit !"         -sigaw ni Gun.

Hindi na namin alam ang gagawin namin, hindi namin alam kung saan kami hihingi ng tulong. Pero may isang taong pumasok sa isip ko at agad ko syang tinawagan. Napapakagat ako sa labi ko habang tinatawagan sya at ng sumagot sya --

"Viahm , I need your help. Please help us"

"Bakit ? anong nangyari ?"

 

"Si Nalu, may mga kumuha sa kanya hindi namin alam kung saan namin sya hahanapin."

"So what ?"

F*ck mali pa yata ako ng taong tinawagan.

"So what ? Nalu's in danger. He needs us."

"Ano namang magagawa ko sa bagay na yan ? Hindi ak---

"Kung ayaw mong tumulong wag mo, hind-----

 

"I'll send Bullet and Kite there, tell me where are you"

Tss, tutulong din pala ang daming pang sinasabi.

Sinabi ko agad kung saan kami naroon at dumating doon sila Bullet at Kite, pare-parehas kaming nag iisip kung saan hahanapin si Nalu pero wala kaming ideya kung saan sya mahahanap. Si Gun naman ay hindi mapakali at palakad lakad sya.

"Gun, can you please stop walking ? Nakalahilo ka."         -sabi ni Rage.

Hindi naman sumagot si Gun at kinuha ang cellphone nya at saka may tinawagan. Hindi ko malaman at maintindihan kung sino ang tinatawagan nya pero pagtapos nya tumawag ay bigla nya kaming niyaya na sumakay sa sasakyan.

"Where are we going ?"       -tanong ko.

"We're going to find Nalu!"      -sabi nya habang tinutulak ako pasakay sa sasakyan.

"Where ?"        -tanong ko.

"ANYWHERE!"       -pasigaw nyang sabi at tinulak nya na ako ng tuluyan sa sasakyan.

Hindi ko alam kung saan kami makakarating pero sana mahanap namin si Nalu.

*Gun's POV*

Tinawagan ko ang hayop na si Gael para malaman kung nasaan si Nalu and the eff hindi nya sinabi kung nasaan si Nalu, find at your own risk the f*ck. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sana nandoon sya, kung saan kami naaksidente ni Yandel dati, dahil doon lang ang alam kong lugar na pwedeng may kaugnayan kila Mr. Henderson.

"Let me drive !"           -sigaw ni Cham kay Rage bago pa nito paandarin ang sasakyan.

Dahil sa pagmamadali namin ay hindi na nagreklamo si Rage. Ginamit namin ang sasakyan ni Rage, samantalang si Bullet ay ginamit ang sasakyan ni Cham at si Kite ay ginamit ang kotseng dinala nila. Tinuturo ko ang ang daan kung saan sya pwedeng dumaan, sana -- sana nga andoon si Nalu.

Nasa kahabaan kami ng kalsada ng may nakita si Cham na may makakasalubong kaming kotse, kaya iniliko nya ito at sinubukang ipreno at ----

"FUCK !"       - sigaw ni Cham ng pagkalakas-lakas habang inaapakan ang preno ng sasakyan.

"What happened ?"       -tanong nu Rage sa tabi nya.

"Wala tayong preno ! shit, anong nangyari ?"

"WHAT ?!"       -sabay naming sabi ni Rage habang nanlalaki mata namin.

"Call Kite and Bullet !"        -sabi ni Cham na todo control sa manibela ng sasakyan.

"Huh ? Bakit natin sila tatawagan ?"      -tanong ni Rage.

"Kung ayaw ayaw mong mamatay tayo ng sabay sabay dito tawagan mo sila, wag ka ng magtanong bilisan mo na lang."

 

Hindi na nagsalita si Rage at tinawagan si Bullet at niloud speak yon at pinakausap kay Cham. Nang matapos ang pag uusap nila ay binaba na ni Rage ang cellphone at maya maya ay nakita na namin si Bullet na humaharurot sa tabi namin, nagtanguan sila ni Cham, hindi ko alam kung anong gagawin nila. Lahat ng kaba ng dibdib ko ay bumalot sa buong katawan ko, ganun na din si Rage. Samantalang si Cham ay kalmado lang na nagdadrive, hindi ko sya nakikitaan ng kaba para lang sya nasa isang kompetisyon, ngayon ko pa lang mas nakikilala si Cham -- isa syang babaeng punong puno ng lakas ng loob, iba sya sa mga babaeng nakilala ko.

Nagdadrive padin si Cham, habang kami naman ay todo dasal sasakyan ng bigla nalang may sumulpot pa sa kabilang gilid namin na sasakyan at inakala kong si Kite yon pero nagkamali ako.

"Cham -- "             -tawag ni Gael sa kabilang sasakyan.

Paglingon ni Cham ay sumenyas si Gael na umikot si Cham at tumango naman si Cham at saka nya sinenyasan si Bullet, halos kitang kita ko ang sabay na pagbunot ng baril ni Bullet at ni Gael at sabay na pinaputok yon sa magkabilang gulong ng sasakyan namin kasabay ng pag ikot ni Cham ng sasakyan namin. Nagkauntog untog kami sa loob ng sasakyan at huminto yon sa tapat ng isang abandonadong gusali. Malakas na buntong hininga ang narinig ko ng mahinto ang sasakyan. Akala ko sa mga action movies ko lang makikita ang mga gantong eksena, pero hindi pala. Akala ko masaya maranasan ang mga ganto pero hindi pala , akala ko katapusan ko na, katapusan na namin . Mabuti na lang at may kasama akong katulad nila.

"Are you okay guys ?"       -tanong ni Cham samin.

"Cham-- your bleeding."        -sabi ni Rage habang hinahawakan ang noo ni Cham.

"I'm okay, let's go we need to find Nalu."            -sa gantong pagkakataon, kapakanan padin ng iba ang iniisip nya.

Pagbaba namin ay sinalubong kami ni Bullet at Kite pero wala na si Gael. Hindi ko padin maisip na niligtas kami ni Gael, niligtas nya kami sa kamatayan.

"Cham, are you okay ?" -           tanong ni Bullet at tumango lang si Cham.

Ilang segundo ang lumipas ay biglang may naririnig kaming tumutunog at hindi namin alam kung saan yon nanggaling saka lang namin napagtanto yon ng ilabas yon ni Cham. Ang detector na lagi nyang hawak, natunog. May ngiting sumilip sa mga labi ni Cham habang tinitignan nya ang detector nya.

"Nalu will always find a way for me to find him!"         -sagot nya ng nakangiti.

"Sometimes, being him as a thief is an example of good abnormalities."         -ngiti din ni Rage.

Hanggang ngayon pala ay hindi pa nababalik ni Nalu ang racer ring na kinuha nya kay Cham. Minsan ay nakakaganda din ang pagnanakaw nya. Sinundan namin ang detector nya, Sinasabi ko na nga ba at dito namin sya mahahanap -- dito kung saan ako niligtas ni Yandel dati. Habang nakatago kami ay nakita namin na maraming nakabantay sa labas at nakita din namin si Nalu , shit ! si Nalu nga, halos hindi na makilala ang muka nya sa sobrang bugbog dito. Nakita namin na may nakabulagta sa harap nya na isang lalaki at puro dugo ang muka ni Nalu.

"Sino gumawa nito?"        -rinig namin na sabi ng isang lalaki sa tapat ni Nalu habang tinuturo ang nakabulagta lalaki na sa nakikita namin ay kasamahan nya.

"Nagbaril sya ng kusa, sawa na daw sya mabuhay."       -sagot ni Nalu habang nakangisi, kahit bugbog sarado sya ang lakas padin ng loob nya.

"Pag tinatanong ka sagutin mo ko ng maayos !"        -sipa nito kay Nalu.

"Uuuughhhhh---"

 

"Nalu-----"         -lalabas na sana si Cham pero pinigilan sya ni Rage.

"Don't dare Cham."          -sabi ni Rage.

"Pero si Nalu -- "

"Kaya nya yan, I know Nalu more than anyone, he will fight for the sake of people around him."

Tumigil si Cham at kasunod noon ang paglabad ng iba pa nilang kasamahan at sinimulan ulit bugbugin si Nalu, hindi ko kayang makita yon kaya napatalikod ako. Kasalanan ko ba to ? Kasalanan ko ba na hindi ko sinabi sa kanya na may balak ng ganto sa kanya ? Puno ng konsensya ang iniisip ko ngayon, kasalanan ko ba talaga na mas pinili ko ang pamilya ko kesa sa kaibigan ko ?

"Areglado na ! tapusin na natin sya."         -rinig naming sabi ng isa.

"No."           -tutop ni Cham sa bibig nya.

Tinutukan na nila ng baril si Nalu, pito silang nakapaligid kay Nalu at halos lahat ng nguso ng baril ay nakatapat sa kanya. Kitang-kita ko ang takot na nararamdaman ni Nalu sa mga oras na to , gayon na din ang mga kasama ko at sa isang tingin ni Bullet sa amin at pagtango nya ay hudyat ng paglabas namin. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang baril na hawak ko pero hindi ko na naisip yon at isa isa na kaming lumabas.

"Stop this stupidity, seven ugly moron "          -salita ni Bullet habang nakatutok ang baril sa ulo ng isa sa mga ito.

Halos lahat ay nagulantang sa paglabas namin doon, at nagtutukan na kami ng baril, lima laban sa pito. Lugi kami oo, pero para kay Nalu kakayananin namin to.

"B-bu-ll--et, Gun, C-cham, K--kite, R-rage .. dumati-ng ka--yo!"           -hirap na hirap na pagsasalita ni Nalu.

"Reserved your energy Nalu, we have a long game to fight after this."           -salita ni Rage na nakapagpangiti kay Nalu.

Sa isang iglap ay biglang nagsimula ang putukan ng baril, nagsimula ang labanan ng hindi ko nalalaman. Hindi ko na alam kung saan ko napapatama ang baril ang iniisip ko lang ay mailigtas namin si Nalu. Hindi ko na naiisip kung makilala nila ako, bahala na kung anong maging resulta nito. Hanggang maya maya pa ay ----

"Ibaba nyo yan o tutuluyan ko ang buhay ng isang to ?"         -boses ng isang lalaki na ikinatigil naming lahat.

Paglingon namin ay nakita namin na bitbit ng isang lalaki si Nalu at may nakatutok na baril dito. Nalaman namin na dalawa na lang sila ngayon at ang isa ay tinututukan din ng baril si Nalu, ang iba naman nilang kasama ay nakahiga na sa sahig na hindi ko malaman kung may buhay pa o wala na. Lahat kami ay nagkatinginan habang hawak pa ang mga baril namin at unti-unti naming binaba ang baril namin at itinaas ang mga kamay namin pero hindi ang isang to.

"Kung sino pa ang babae, sya pa ang mas matapang gusto mo ba talagang mamatay ang isang to ?"             -mas tinutok nito ang baril sa sintido ni Nalu.

"C-cham ---"       -salita ng hirap na si Nalu kay Cham. Si Cham na hanggang ngayon ay hindi pa din binababa ang baril nya at nakatutok lang sa lalaki.

"Cham no."         -bulong ni Bullet.

Kitang-kita ko ang pagtulo ng luha ni Nalu habang umiiling pati na din si Cham ay umiiyak na din at alam kong dahil sa galit yon, nanginginig ang labi nya ganon din ang kamay nya habang hawak ang baril nya. Chamerie Streisand, kaya nyang isugal ang lahat para lang sa kaligtasan ng mga mahalagang tao sa buhay nya, kakaiba talaga sya.

Kitang kita ang inis ng lalaki sa kanya at ang isang lalaki ay tinutok na kay Cham ang baril.

"C-cham please ---"           -si Rage na nagmamakaawa na.

"Sinusubukan mo talaga ako ?"           -sabi ng isa at nakita namin na kakalabitin na nya ang baril kaya nanlaki ang mata naming lahat doon.

Kasabay noon ang pagpikit ni Cham ng mata nya at pagkalabit din nya ng baril nya at sobrang bilis ng pangyayari ay biglang may sumulpot na lalaki sa gilid ni Cham at pwersahang hinigit si Cham sa bewang at kinulong sa mga braso nya sabay binaril ang dalawang lalaki kaya bumulagta ito parehas. Lahat kami ay napanganga sa bilis ng pangyayari. Napag alaman namin na si Viahm yon, agad nyang tinapon ang baril nya habang yakap padin si Cham, si Yandel naman ay lumabas at pinuntahan si Nalu at sinundan naman yon nila Rage at Kite.

"What are you doing ? gusto mo bang magpakamatay ?" -sigaw ni Viahm kay Cham sabay kuha sa baril nito at tinapon at inalog ang magkabilang braso nito.

Hindi sumasagot si Cham at nakatulala lang sya habang pinipigilan ang pagdaloy ng luha nya. Nakatingin lang sya kay Viahm at walang karea-reaksyon ang muka nya, kaya sa nakita kong yon ay lumapit na ako sa kanya.

"Cham-- are you okay ?"          -hawak ko sa balikat nya at napatingin sya sakin.

 

"Cham, everything's alright."         -lapit naman ni Bullet sa kanya at hinawakan din sya sa kabilang balikat.

At kasunod ang paglapit ni Yandel at Kite habang buhat si Nalu. Nang makita nya kaming lahat ay parang doon lang sya natauhan at kitang kita ko ang unti-unting pagdaloy ng luha nya sa mga pisngi nya at paghagulgol nya kaya naman dali daling syang niyakap ni Viahm, yakap na kitang kita mo na ang ipinapahiwatig ni Viahm ay ang pagiging ligtas ni Cham at ng lahat.

"We're safe, okay? Nalu's safe now. Everything's fine, don't worry."            -sabi ni Viahm habang tinatapik ang likod ni Cham at mas binigyan nya ng sobrang higpit na yakap. Si Cham naman ay yumakap na din at tumango tango lang.

Maya-maya ay dumating si Darce kasama ang ambulansya na sa alam ko ay nanggaling sa ospital nila at dinala na doon si Nalu. Sama-sama kaming sumakay ng sasakyan. Tinitignan ko si Cham habang bumabyahe kami, hindi ko alam pero parang may ibang dahilan pa ang pag iyak nya kanina, hindi lang dahil sa nangyari kay Nalu , alam kong may iba pa.

Lahat kami ay nakatulala lang sa sasakyan at si Viahm ang nagdadrive, nakita ko din na hawak nya ang kamay ni Cham habang nagmamaneho siya , sa isang banda ay maswerte si Cham dahil madami ang gustong pumrotekta sa kanya, lahat kami ay pinoprotektahan sya.

Nakarating na kami ng ospital at naconfine na si Nalu, isang mahabang gabi to para saming lahat. Madami pang pupunta sa ospital ngayon kaya hinintay na namin sila, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila sa makikita nila, sana maging mabilis ang paggaling ni Nalu. Tinawagan nadin namin si Mr. Elie at nalaman nya ang nangyari, sa ngayon ay naghihintay pa kami sa kanila. Sana maging okay na ang lahat pagtapos nito.

Continue Reading

You'll Also Like

831K 18.5K 63
Isang tahimik na istudyante. Secret gangster sa Campus este Wild gangster, And a Mafia queen. Is their something Mysterious? Is their something suspi...
23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
1M 26.1K 78
Kwento ng isang babaeng ang alam ay isang simpleng tao lang ngunit magbabago iyon simula ng mapadpad siya sa MAGICA LAND. Where magics exist. Matatan...
6.4K 318 42
Coldwell Series #1 Blood Ace Coldwell "Loving someone that who broke you is bullshit." Iyan ang paniniwala ni Calliope Winter Cruise. Isang babae na...