My Maniac CEO (COMPLETED)

By Aimymie

145K 4.3K 113

"No one own you but me. And only me! I got you once and I can get you twice, thrice or more so, prepare your... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
ANNOUNCEMENT
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Final Chapter

Chapter 28

2.8K 96 3
By Aimymie

Black

"I'm sorry Black pero di ko na kayang bumalik sayo dahil para ko na ring binabalikan ang panlolokong ginawa mo sakin. I'm sorry please let me go and just move on, find someone who can loved you the way you loves her. I'm not the perfect girl to be with you. I don't love you anymore, you see? I'm already happy without you. I'm sorry"

Yan ang pa ulit ulit bumabalik sa isip ko and it hurts a lot hearing it from the person you cherish the most.

Nandito ako sa condo unit ko at nagpaka lasing sa mga nangyayari.

Kasalanan mo rin yun gago ka kasi!

Pati ang isip ko ay galit na rin sa akin, di ko na alam kong ano pa ang gagawin ko sobrang sakit na kasi. I can't even stand on my own, like she took my heart and gave it away.

Pero hindi dapat ako susuko agad kahit masakit ipaglalaban ko pa rin at ipipilit ko pa rin ang sarili ko sa buhay niya kahit alam kong wala na akong space pa doon pero sana, sana kahit kunti man lang ay mabigyan ako.

Lasing na lasing na ako hindi ko na alam pa ang mga sumunod pang pangyayari, ang alam ko lang ay hindi pa din nababawasan nang alak ang hapdi nang puso ko. Na kahit anong gawin ko ay si Maxeen pa rin ang gamot na kayang magpagaling nito, siya pa din kahit masakit na.

-------

Max

Magang maga ang mata ko kinabukasan ng magising ako dahil sa kaiiyak ka gabi. Hindi ko alam na nakatulogan ko na pala ang pag iyak ka gabi kaya siguro sobrang maga ng mata ko. Nilagyan ko lang nang make up para hindi gaano kahalata ang maga sa mata ko.

Nang lumabas ako sa kwarto ay tahimik dahil siguro nasa baba na sila 8 o'clock na rin kasi nang magising ako, nang pa baba ako sa hagdan ay naririnig ko ang ingay sa kusina kaya dumiritso agad ako doon at nakita ko ang mommy ko at daddy kasama sila tita Mara kapatid ni mommy.

"Oh hi darling gising kana pala, halika dito kumain kana nandito rin tita Mara mo bumisita." agad akong lumapit sa kanila at hinalikan sila isa isa sa pisngi kasama rin si tita Mara.

"Hi tita na miss po kita ngayon lang po kita nakita ulit" sabi ko at umupo na sa kabilang upuan kaharap ng isang lalaki, siguro ito na yung panganay ni tita hindi ko pa kasi nakikita ang mga anak ni tita dahil sa states sila tumira nong kinasal si tita maliit pa lang ako non at hindi ko alam na may anak si tita dahil sa husband niya na si tito Clint nakatira ang panganay nila.

"I miss you too hija maliit ka pa lang nang huli kitang makita hindi kasi kita nakikita pag nakikipag Skype ako sa mommy mo ang sabi nagtrabaho ka raw" sabi ni tita Mara.

Hindi pa rin tumitingin ang anak ni tita sa direksyon ko dahil abala ito sa pagkain o hindi lang talaga interesado sa usapan namin.

"Ah oo tita pero 3 years ago na iyon umuwi rin ako dahil namiss ko sila mommy at daddy" natatawang sabi ko sa kanya kaya natawa rin sila mommy at daddy sa sinabi ko.

"Nako hindi totoo iyan Mara may nakilala siguro siyang lalaki doon pinipilit nga namin yan umuwi dito noon dahil miss na namin siya" sabat ni mommy.

"Mommy! Nako hindi po, wag na nga lang natin pag usapan yun matagal na rin naman iyon at tsaka sa kompanya narin naman natin ako nag tratrabaho at masaya na ako doon dahil dito na rin ako namamalagi sa bahay" sabi ko at nagsimulang kumuha ng pagkain para makakain na rin.

"Mabuti iyon hija" sabi ni tita Mara.

"At tsaka nga pala si Clintondale pinsan mo" at tsaka lamang tumigil sa pagkain si Clinton at tumingin sa akin.

Wow ang gwapo naman nang anak ni tita ang ganda ng mata mahaba ang pilok mata, matangos na ilong mapupulang labi at saktong sukat ng mukha na nababagay sa kanya. Manang mana kay tito at kunti lang ang nakuha kay tita.

"Hi Clinton, Maxeen nga pala Max for short" masayang pakilala ko.

"Hi" tipid niyang sabi at nagpatuloy sa pagkain kaya sumimangot ako sa inasal niya.

Tsk katulad si ni Black masungit.

"Pag pasensyahan mo na yan hija may jetlag" natatawang sabi ni tita kaya natawa na rin kami.

Masaya kaming nag almusal at nag kwekwentohan rin kami pero halos sila tita at mommy lang ang nag uusap sumasagot lamang kami ni Clinton pag tinatanong kami pero all in all masaya kami. Pagkatapos naming kumain ay napag pasyahan ko nang pumunta sa opisina ko.

"Mom dad tita pasok muna ako sa kompanya mamaya nalang ulit" paalam ko sa kanila at isa isang humalik sa pisngi nila.

"Sige anak" sabi ni daddy.

"Pwede mo ring isama si Clinton hija para naman magkakilala kayong mag pinsan at nang mahatid ka rin niya sa opisina" napa tingin ako kay Clinton na busy sa kaka cellphone.

"Nako tita okay lang po busy rin po si Clinton sa susunod nalang siguro kami mag uusap"

"Nako nako! Hindi pwede mag pinsan kayo pero di kayo close, Clinton samahan mo si Max sa kompanya." baling niya sa anak.

"Nako tita okay lang po talaga"

"Max darling pwede namang bukas ka rin pumasok at mag bonding na rin kayo ni Clinton" mommy said.

"Sige na anak paminsan minsan lang rin naman bumibisita ang tita mo kasama ng panganay niya kaya wag kana munang pumasok ako na ang tatawag sa secretary mo"

Pumayag na rin ako dahil gusto ko rin namang mag break muna sa trabaho, nagbihis ulit ako dahil pang office attire ang suot ko. Pag baba ko sa sala ay si Clinton nalang mag isa ang naiwan doon.

"Asan sila mommy?" tanong ko sa kanya pagka lapit ko.

"Pumuntang SPA mamayang gabi pa balik nila. Let's go"

Naunang lumabas si Clinton sumunod na rin ako sa kanya at nakita ko siyang nag hihintay sa labas ng kotse at pinagbuksan ako.

"Salamat" tipid ko nalang sabi dahil alam ko rin namang hindi siya sasagot. Pinaglihi ata to ni tita sa pipi eh.

Umikot na rin siya sa kabila at pumasok.

"Where are we going?" tanong niya bago binuksan ang makina sa kotse.

Nag isip muna ako nang magandang pasyalan na magugustohan rin niya.

"Sa park nalang tayo maganda doon at sa mall na rin tayo mag lunch tutal hindi naman sila uuwi para sa lunch" masayang sabi ko sa kanya.

"Okay" tipid niyang sagot.

Hays mauubosan ako nang sasabihin kong ganito ka tipid ang kausap ko.

Ganyan rin naman si Black ah pero di ka nauubosan nang sasabihin sa kanya.

Singit nang isip ko. Ayan na naman ang bwesit na isip pinapaalala ang taong ayaw ko nang maisip.

Sooss e marupok ka naman.

Tahimik lamang kami sa buong byahe hindi ako makapag isip nang sasabihin.

Dahil iba naman ang iniisip mong tao.

Ewan ko ba kahit hindi ko maisip ay sumasagi nalang bigla pag wala akong  ginagawa katulad nalang ngayon kahit iba ang kasama ko siya pa din ang iniisip ko.

Mahal mo eh.

Pero di na pwede.

"Ahm Clinton pwede ko bang buksan ang player mo? Hindi kasi ako sanay nang tahimik eh"

Tumango lamang siya bilang sagot kaya binuksan ko na malayo layo pa kasi ang byahe. Habang nasa byahe ay tumitingin lamang ako sa dinadaanan namin.

"I saw you with the CEO of BVS company before I guess its been 3 years ago, is that the reason why you left Manila?" yan na siguro ang mahabang sinabi ni Clinton pero na bigla ako sa tanong niya.

Hindi agad ako naka sagot. Kahit pala hindi ko pa siya nakilala ay nakikita niya pala ako sa newspaper.

"Yeah" tipid ko nalang sagot wala namang masama kong magsabi ako ng totoo dahil hindi naman kami gaano ka close at tsaka alam ko namang hindi din niya ipag sasabi dahil bukod sa di kami close ay hindi din siya palasalita.

-----

Hehe sana magustohan niyo guys.

Keep updated for the next chapter, thank you mwaa😘
Lablab author❤

Continue Reading

You'll Also Like

56.5K 969 26
TITLE: One night stand with Mr. CEO Genre: Romance| R-18 | SPG Content๐Ÿ”ž Author: mitchaanngg -------------------------------------- ๐–๐€๐‘๐๐ˆ๐๐†:...
15.5K 439 50
She thought living with a man of God is good, glorious and propitious. But she didn't expect her life to be misery. -- "Your body is not yours. God p...
22.3K 416 2
Luxury Campbell, a seventeen year girl with big dreams wishes to be nothing but successful in life. Fulfilling her dreams can be a challenge due to h...