When Two Broken Souls Collide...

By 2KG4LOFBLOOD

2.1K 64 2

Where do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there... More

Prologue
WTBSC 1
WTBSC 2
WTBSC 3
WTBSC 4
WTBSC 5
WTBSC 6
WTBSC 7
WTBSC 8
WTBSC 9
WTBSC 10
WTBSC 11
WTBSC 12
WTBSC 14
WTBSC 15
WTBSC 16
WTBSC 17
WTBSC 18
WTBSC 19
WTBSC 20
WTBSC 21
WTBSC 22
WTBSC 23
WTBSC 24
WTBSC 25
WTBSC 26
WTBSC 27
WTBSC 28
WTBSC 29
WTBSC 30
WTBSC 31
WTBSC 32
WTBSC 33
WTBSC 34
WTBSC 35
WTBSC 36
WTBSC 37
WTBSC 38
WTBSC 39
WTBSC 40
WTBSC 41
WTBSC 42
WTBSC 43
WTBSC 44
WTBSC 45
WTBSC 46
WTBSC 47
WTBSC 48
WTBSC 49
WTBSC 50
WTBSC 51
WTBSC 52
WTBSC 53
WTBSC 54
WTBSC 55
WTBSC 56
WTBSC 57
WTBSC 58
WTBSC 59
WTBSC 60 | Finally Whole Again
Epilogue | Final Collision
Special Chapter

WTBSC 13

22 2 0
By 2KG4LOFBLOOD

Maria Bella

"I don't want to see you with that man again Bella. Ako na ang nagsasabi sayo, hindi sya makakabuti sayo." Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ano ba talaga ang alitan nilang dalawa ni Sir Ravanni at mukhang may malalim silang hindi pagkakaintindihan?

"Hindi ko po kayo maintindihan. Mabait naman po na tao si Sir Ravanni. Pero kung 'yon po ang gusto nyo ay susundin ko kayo. Pasensya na po." Mahinahon kong sabi sa kanya. At babalik na sana ako sa table ko ng tawagin nya pa ulit ako.

"We're not yet done Bella. Come here because I have some questions for you. You are my employee so you are my obligation." Madiin na sabi nya sa akin at sa tono pa lang nya ay halatang galit na sya. Napapabuntong hininga akong naglakad papalapit sa kanya at naupo sa katapat nyang upuan.

"Where are you two goes? Because first of all I want to know why did my secretary go even in the first place she has so many works to do. In fact, she is in her over time." Seryosong sabi nya sa akin at doon pa lang ay kinakabahan na ako.

"K-Kumain lang po kami sa l-labas ni Sir Ravanni." Nakatungong sabi ko sa kanya dahil hindi ko kayang tingnan sya dahil natatakot ako sa ekspresyon ng mukha nya.

"So you went on a date with him? You choose that date over your work?"

"Pasensya na po Sir Damon. Pinilit lang po talaga ako ni Sir Ravanni kaya wala po akong nagawa. Isa pa po ay, hindi na sya nagpapigil pa. Pero promise p-po ayoko naman po talaga dahil alam kong magagalit kayo."

"Damn it Bella! Alam mo naman pala na magagalit ako pero sumama ka parin kay Onido!" Napapitlag ako sa lakas ng boses nya. Doon ako napatingin sa kanya at di ko na talaga alam ang gagawin ko. Bigla na lang akong naiyak dahil sa pagsigaw nya sa akin. Kalma lang Bella, ikaw ang may kasalanan kaya humingi ka ng tawad sa kanya.

"P-Pasensya na po talaga Sir Damon. Pakiusap po huwag nyo po sana akong tanggalan ng trabaho. Pangako po hindi na t-talaga mauulit." Sabi ko sa kanya pero narinig ko lang ang malalim nyang pagbuntong hininga.

"Why are you crying?" Naiinis na sabi nya kaya pinalis ko agad ang luha ko at pilit na ngumiti sa kanya.

"Pasensya na po ult kayo Sir Damon hindi na po talaga mauulit." Sabi ko sa kanya dahil 'yon lang talaga ang kaya 'kong sabihin sa kanya.

"Saan ka natulog kagabi? Kina Ravanni din ba? Tinawagan ko kaninang umaga si Addison at ang sabi nya ay hindi ka daw umuwi kagabi. Did my employee slept with my enemy?" Tanong nya sa akin. Tiningnan ko ang mukha nya at napakadilim ng mata nya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kahit na wala naman talagang nangyaring masama pero hindi ko naman pwedeng hayaan na pag-isipan nya ako ng ganong kasama.

"Naabutan po ako ng curfew kaya nagmagandang loob si Sir Ravanni na patuluyin ako sa condo nya. At i-isa pa po ay hindi ako katulad ng babaeng iniisip nyo. Hindi ako natulog kasama si Sir Ravanni." Sabi ko sa kanya at tuluyan na talaga akong naiyak sa harap nya. Akala ko pa naman ay mabait sya pero katulad rin pala sya ng ibang tao na napakabilis manghusga.

"Nagmagandang loob? Who will believe you with that damn reason huh? Bella? All woman he brings into his condo will had that fucking lusty nights with him. I know Ravanni that much. And that fucking dress Bella, is that from him? Nagpapadala kana ba sa mga materyal na regalo galing sa kanya?" Sabi nya sa akin kaya iiling iling lang akong sumagot sa kanya.

"Hindi po ako isang kaladkaring babae Sir Damon. Pinalaki ako ni Nanay ng tama at kahit po Boss ko kayo, wala po kayong karapatan na husgahan ako ng ganito. At oo po, inaamin ko po na nagkamali ako sa ginawa ko kagabi pero mali po ang iniisip nyo tungkol sa akin. At kung hindi nyo po ako mapapatawad ay tatanggapin ko po ang desisyon nyo kung gugustuhin nyo man po akong tanggalin sa trabaho. Pero hindi ko po lang matatanggap ay ang pag-isipan nyo ako na isa akong maruming babae. Dignidad na lang po ang meron ako Sir Damon kaya ayoko pong mawala pa 'yon sa akin. Pasensya na po kayo." Sabi ko sa kanya saka ako tumayo sa kinauupuan ko at nagderetso pabalik sa table ko. Hindi na sya nagsalita pero alam kong nakatingin sya sa akin. Siguro ay hihintayin ko na lamang ang sulat o ang order nya para sabihin na sinisesante na nya ako dito sa kompanya. Siguro nga ay nagkamali ako sa pagtingin ko sa kanya. Tama nga siguro si Sir Ravanni.

Buong araw akong hindi tumatayo sa table ko. Tinawagan ako ni Addison para maglunch pero hindi na ako pumunta pa ng cafeteria dahil wala akong ganang kumain. Ni hindi rin ako kinakausap ni Sir Damon at malayo lang ang tingin nya. Lumabas sya nong lunch at bumalik din pero hindi nya ako inuutusan o kinausap. Mas maayos na nga siguro 'yon dahil baka busy sya sa pagkukwenta kung magkano ang utang ko sa kanya dahil sa mga nagastos nya sa akin at sa lahat nang sahod na kaylangan kong ibalik sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako nang maisip ko kung gaanong kalaking halaga ang babayaran ko kay Sir Damon kung sakali. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pangbayad doon. Lalo na't kaylangan ko na rin magpadala kina Nanay sa probinsya.

Napansin ko na rin dumidilim na. Tiningnan ko ang wall clock na nasa loob ng opisina at mag-aalas syete na ng gabi. Hanggang alas otso lang ng gabi ang shift ko pero dahil kelangan kong mag over time siguro ay magdamag na lang ako dito dahil baka bukas ay wala na akong trabaho. Nawala lang ang iniisip ko nang marinig ko ang pagtunog ng telepono ko. Agad ko 'yong pinatay nang makita kong unknown number 'yon. Alam kong si Sir Ravanni'yon dahil dalawa lang naman ang contacts ko sa telepono ko. Kay Sir Damon lang at kay Addison. Ibinalik ko sa bag ko ang telepono ko pero gumawa ulit 'yon ng ingay. At nang makita kong 'yon ulit na number ay pinatay ko ulit 'yon. Pero tumunog nanaman ito. Hanggang sa narinig ko na lamang ang malakas na tunog na nanggaling sa lamesa ni Sir Damon.

"Answer that damn call Bella. Ano ba?!" Sigaw nya sa akin pero hindi ko sya sinunod. Sa halip ay pinatay ko na lamang ang telepono ko para hindi na 'yon tumunog pa. Alam kong galit sya pero hindi ko maiwasan na mainis rin sa kanya dahil sa inaasta nya sa akin at dahil sa ugali nya.

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko at nakakabinging katahimikan nanaman ang bumalot sa buong opisina. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Pero maya maya lang ay may pumasok na empleyado sa opisina at lumapit kay Sir Damon at may ibinulong dito. Nakita ko agad ang pag-ikom ng kamay nya sa ibabaw ng lamesa at ang pag-igting ng panga nya. Kinabahan ako dahil doon. Mukhang galit sya sa sinabi ng empleyado.

"Don't let him enter my office." Madiin na sabi nya dito saka nagpaalam ang lalaki at lumabas ng opisina. Nakita kong tumingin sa banda ko si Sir Damon kaya nagpanggap ako na walang narinig at busy sa ginagawa ko. Hanggang sa bigla na lang may nagpop up sa screen ng laptop ko na email. Si Sir Ravanni nanaman kaya hindi ko na lamang ito pinansin. Alam kong nakikita rin ito ni Sir Damon at alam kong kapag pinansin ko ito ay lalo lang syang magagalit. Pero wala pang isang minuto ay mag nagpop up ulit sa screen na isang email. Kay Sir Ravanni nanaman ito galing kaya napapikit na lang ako sa frustrations. Hindi nya talaga ako tatantanan.

"Hello, Ms.Addison come here to my fucking office now!" Malakas na sigaw ni Sir Damon kaya napatingin ako sa kanya. Bakit nya pinapatawag si Addison? Ilang sandali pa ay dumating na nga si Addison. Tumingin pa ito sa akin at halatang naguguluhan rin sya kung bakit ganito kainit ang ulo ni Sir Damon. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil alam 'kong kagagawan ko ito. Dumeretso lang sya kay Sir Damon at mukhang may pinag-uusapan sila. Hindi ko na lang 'yon inintindi pa.

"Bella, let's go." Maya maya ay rinig kong sabi ni Addison sa akin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Mag-oover time ako ngayon Addison."

"Pinauuwi ka na ni Sir Damon kaya tara na. Mukhang mainit talaga ang ulo nya. Sinabi nya sa akin na ihatid na kita pauwi sa bahay." Sabi nito sa akin at tinulungan pa ako nitong ligpitin ang mga gamit ko sa lamesa. Wala na akong nagawa dahil doon at kinuha na lang din lahat nang gamit ko. Nagpunta muna ako sa table ni Sir Damon.

"Aalis na po ako Sir Damon."

"Tsk!" Maikling sabi nya saka sya tumalikod sa akin at humarap doon sa bintana. Nakaramdam ako ng hiya dahil doon kahit na dapat ay magalit ako sa kanya.

"Bella tara na." Sabi sa akin ni Addison saka nya ako hinila palabas ng opisina at sumakay kami ng elevator.

"Ano bang nangyari Bella? Alam mo bang galit na galit si Sir kanina sa cafeteria? Itinapon nya ang pagkain na inihanda sa kanya at bigla nyang naisipan na magkaroon ng inspeksyon sa cafeteria at talagang galit na galit sya. May ginawa ka ba?" Nagugulat naman akong napatingin sa kanya dahil doon. Ganon ba talaga sya kagalit sa akin?

"H-Hindi ko alam."

"Naku ikaw Bella huh? Anong ginawa mo? Hindi nagagalit ng basta basta lang si Sir Damon. Mabait syang Boss at sa tinagal tagal ko na dito,ngayon lang namin sya nakitang ganon kagalit. Oo hindi sya palangiti pero hindi rin naman sya destroyer katulad ng nakita namin kanina."

"T-Talaga? Pero w-wala naman akong ginawa." Pagmamaang maangan ko sa kanya. Ayoko nang palakihan pa ang isyu na ito kung maari.

"Kung ayaw mo talaga sabihin ay hindi na kita pipilitin pero kaylangan mong magpaliwanag sa akin kung anong nangyari sayo kagabi dahil pinag-alala mo ako. Hintayin mo na lang ako sa ground floor kukunin ko lang ang mga gamit ko sa table ko okay?" Sabi nya lang sa akin at tumango na lang ako. Nang tumigil ang elevator ay ljmabas na si Addison dahil doon ang opisina nya. Napapabuntong hininga naman ako nang ako na lang ang nandoon. Wala na doon ang elevator attendant. Siguro ay nakauwi na sya. Nang bumukas ang elevator ay halos mapabalik ulit ako sa loob at sana ay hindi na lang naabot ng elevator ang ground floor. Dahil mukha lang naman ni Sir Ravanni ang bumungad sa akin. Mukhang hinihintay nya rin ang elevator at mukhang aakyat sya sa opisina.

"Hindi ko na pala kaylangan pang puntahan ka sa opisina mo." Sabi nya sa akin pero hindi ko na lang sya pinansin at nilampasan ko na lang sya. Ayoko nang lalong magkagulo.

"Bella! Wait!" Sabi nya sa akin pero lakad takbo na ang ginawa ko. Ayokong makausap pa sya dahil alam kong mas lalala lang ang sitwasyon. Matatanggalan ako ng trabaho dahil sa kagagahan kong 'to.

"Bella sandali. What's wrong?" Sabi nya sa akin saka nya ako hinawakan sa braso para mapigilan ako. Hindi ko parin sya hinaharap dahil ayoko nang makipag-ugnayan pa sa kanya. Alam kong aayain nanaman nya ako.

"Babayaran ko na lang ang damit na suot ko pati na rin ang mga nagastos mo sa akin Sir Ravanni. Magkita na lang po tayo kapag may hawak na akong pera." Sabi ko sa kanya saka ko pilit na binawi ang kamay ko pero hindi nya 'yon binitawan. Sa halip ay mas hinigpitan pa nya ang pagkakahawak doon.

"What are you talking about?" Nagtatakang sabi nya sa akin pero umiling lang ako sa kanya saka ko binawi ulit ang kamay ko at sa pagkakataong ito ay nabitiwan na nya ako.

"Ano bang nangyayari sayo? Maayos pa tayo kanina ah? May ginawa bang masama sayo si Damon? Pinagalitan ka ba nya? Tell me?!" Tanong nya sa akin skaa nya ako hinawkaan sa magkabilang balikat ko habang pilit na pinatitingin sa kanya pero umiling lang ako.

"Huwag nyo na akong lapitan Sir Ravanni. Pangako babayaran ko kayo kapag nagkapera na ko. Ayokong pag-isipan ako ng masama ng Boss ko. At kapag nawalan ako ng trabaho ay mas malaki ang magiging problema ko. Baon na ako sa utang na loob kay Sir Damon, Sir Ravanni kaya pakiusap. Kaylangan ako ng pamilya ko. Humanap na lang kayo ng ibang babae na pwede nyong gawin kahit na anong gusto nyo. H-Hindi ako maduming b-babae." Sabi ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang luha ko nang maisip ko ulit ang mga sinabi sa akin ni Sir Damon.

"What are you talking about Bella? I know that you are far different from the other girls out there. Kaya anong pinagsasasabi mo?" Sabi nya sa akin pero umiling lang ako sa kanya saka ako tumakbo palayo at pumara ng taxi at iniwan sya doon na tinatawag pa ang pangalan ko. Siguro ay itetext ko na lang si Addison na umuna na ako pauwi sa bahay.















xyvil_keys

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
452K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
8.2K 332 51
A story of a typical teenagers who happens to walk in the same journey but with different challenges. Sabi nila ang pinakamasayang yugto daw ng buhay...
973K 41.5K 131
She keeps souls but where? (COMPLETED) Rank #4 in Fantasy (Feb. 18, 2021) Rank #4 in Fantasy (April 13, 2021) Rank #1 in souls Rank #1 in stories (Ju...