FIGHT FOR YOUR LIFE (Zombie A...

By senseigan

184K 12.3K 1.8K

| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka han... More

ZOMBIE APOCALYPSE
ALL RIGHTS RESERVED 2020
FIGHT ONE
FIGHT TWO
FIGHT THREE
FIGHT FOUR
FIGHT FIVE
FIGHT SIX
FIGHT SEVEN
FIGHT EIGHT
FIGHT NINE
FIGHT TEN
FIGHT ELEVEN
FIGHT TWELVE
FIGHT THIRTEEN
FIGHT FOURTEEN
FIGHT FIFTEEN
FIGHT SIXTEEN
FIGHT SEVENTEEN
FIGHT EIGHTEEN
FIGHT NINETEEN
FIGHT TWENTY
FIGHT TWENTY ONE
FIGHT TWENTY TWO
FIGHT TWENTY THREE
FIGHT TWENTY FOUR
FIGHT TWENTY FIVE
FIGHT TWENTY SIX
FIGHT TWENTY SEVEN
FIGHT TWENTY EIGHT
FIGHT TWENTY NINE
FIGHT THIRTY
FIGHT THIRTY ONE
FIGHT THIRTY TWO
FIGHT THIRTY THREE
FIGHT THIRTY FOUR
FIGHT THIRTY FIVE
FIGHT THIRTY SIX
FIGHT THIRTY SEVEN
FIGHT THIRTY EIGHT
FIGHT THIRTY NINE
FIGHT FORTY
FIGHT FORTY ONE
FIGHT FORTY TWO
FIGHT FORTY THREE
FIGHT FORTY FOUR
FIGHT FORTY FIVE
FIGHT FORTY SIX
FIGHT FORTY EIGHT
FIGHT FORTY NINE
FIGHT FIFTY
senseigan
FINALE
senseigan
NEW BORN : FFYL 2

FIGHT FORTY SEVEN

2.6K 177 75
By senseigan

FIGHT FOR YOUR LIFE
FIGHT FORTY SEVEN

QUEEN

Tinuyo ko ang aking pisngi at pinilit na tumayo mula sa pagkakaluhod sa gitna ng kalsada.

Hindi ko man makita kung ano ang nasa loob ng sasakyan, base pa lamang sa reaksyon nina Zia, Agatha at ng batang si Jay ay alam ko na ang nangyari.

Kahit nanginginig ang aking tuhod ay inihakbang ko ang aking mga paa patungo sa kanila.

Nagbuntong hininga ako at pilit na iniwas ang tingin sa bintana ng sasakyan huwag ko lamang makita ang nasa loob no'n.

"Tara na," mahinang saad ko na sakto lamang upang marinig nina Agatha at Zia.

Yumuko ako at kinuha si Jay mula sa pagkakayakap ni Zia. Binuhat ko ang bata at paulit-ulit na hinimas ang likod nito upang mahismasan.

"Tumayo na kayo riyan," saad ko muli at tinalikuran na ang dalawa.

Tinahak ko ang direksyon pabalik sa truck kung saan naroon si Rhio at Haslie.

"I'm sorry," biglang saad ni Haslie na nagpakuyom ng aking kamao.

"Wala namang dapat ikahingi ng sorry," seryosong saad ko at isinampa si Jay sa truck. Mahina pa itong sumisigok dahil sa kakapusan ng hininga mula sa pag-iyak.

"P-Pero.."

"Nangyari na, wala na tayong magagawa," saad ko at nagbuntong hininga.

Idinikit ko ang aking ulo sa pinto ng truck at ipinikit ang mga mata. Ayoko mang isipin ngunit ayaw mawala sa utak ko na posibleng isa lamang ang matira sa aming buhay. Kung iyon man ang sitwasyon ay sisiguraduhin kong si Jay ang makaliligtas.

Mapait akong napangiti nang pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko sina Zia at Agatha na naghahanap ng sasakyang pwede naming magamit.

Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang mabagal na pag-usad ng mga ulap, nagtataka ako kung bakit sobrang bilis tumakbo ng oras. Para bang pinipigilan kami nitong makaalis at makaligtas.

Nagbuga ako ng hangin at pinanatili ang mga matang nakatingin sa kalangitan.

Ni isang ibon ay wala akong nakikitang naligaw sa buong biyahe namin.

Dumiretso ako ng tayo at binalingan si Rhio.
"Sigurado ka bang makaaalis ka nang buhay rito?" tanong ko sa kanya sa seryosong tono.

Nakita kong bahagya siyang natigilan sa tinanong ko. Umangat ang mukha niya at gumawi iyon sa kinaroroonan nina Zia at Agatha.

"Sa totoo lang hindi," sagot nito at ngumiti. "Kung may isa man akong nais na mangyari sa ngayon, iyon ay ang makaligtas siya," dagdag nito na hindi inalis ang mga mata kina Zia.

Tumango ako at hindi na muling kumibo.

Humugot ako ng malalim na paghinga at ibinaling ang atensyon sa sasakyang kinalalagyan nina Jelly at Archer.

Kagaya ng napag-usapan, ipaglalaban namin ni Zia ang buhay nating tatlo. Si Jay, sisiguraduhin naming makaliligtas siya, hangga't humihinga kami ni Zia, ligtas siya. Pangako iyan, Jelly.

Nang sumenyas sina Zia sa amin ay agad kaming kumilos para makalapit sa kanila at makapagsimula na ulit sa pagbiyahe.

Lumipas ang ilang minuto at iba na ang nadadaanan namin.

"Nasaan na ba tayo?" tanong ko nang makitang padalas na nang padalas ang nakikita naming mga kabahayan at establisyemento.

"San Leonardo," simpleng saad ni Zia na hindi inalis ang tingin sa kalsada.

"Kailangan nating makasiguro na sakto ang dating natin sa Clark bukas, hindi pwedeng maghintay tayo roon ng magdamag," saad ko at nilingon si Agatha na kandong kandong ang batang si Jay na ngayon ay payapang natutulog.

"Maghahanap na ba ako ng hihintuang bahay?" tanong ni Zia.

"Oo sana," sagot ko at nagbuga ng hangin.

Sobrang nakakapanibago na lima na lamang kaming magkakasama.

Habang nasa daan pa lamang ay nawalan na kami agad ng apat na kasama, paano pa kaya kapag nakarating na kami mismo sa pupuntahan namin.

Imposibleng walang zombie sa Clark, paniguradong maraming zombie ang naghihintay sa amin doon.

"Wala tayong kakainin," biglang turan ni Rhio na sa labas ng bintana ng tingin.

Umikot ang aking mata dahil doon. Hindi namin nakuha ang tirang pagkain na nasa sasakyan. Nawala na sa utak namin dahil may kanya-kanya kaming iniisip.

Inihinto ni Zia ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na bahay, dalampung hakbang mula sa bahay ay isang convenience store.

Itinulak ko pabukas ang pinto at sumalubong sa akin ang malamig na haplos ng hangin.

Kitang-kita ko ang mga dahon na nililipad ng hangin. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo sa aking batok, iba ang nararamdaman ko sa sobrang katahimikan ng lugar na ito.

"Okay ka lang, Queen?"

Napapitlag ako nang may humawak sa aking balikat.

"A-Ah, okay lang ako," saad ko kay Zia na siyang humawak sa aking balikat.

Naunang pumasok si Rhio sa bahay at sinenyasan kami nitong sumunod.

Halos maubo ako nang pagpasok ko ay puro alikabok ang nasinghot ko.

"Grabe, hindi mo man lang sinabi na may pa libreng johnson powder dito," sarkastikong ani ni Zia habang nakatakip sa kanyang ilong.

Lumapit ako kay Agatha at itinakip si ilong ni Jay ang aking panyo. Tumingin sa akin ang bata at halata ko sa mata nito ang lungkot. Ngumiti ako at ginulo ang kanyang buhok.

"Reklamo pa sige," saad ni Rhio na nagpairap kay Zia.

"Hindi ako nagrereklamo, nagsasabi ako ng totoo," sagot ni Zia at humalukipkip.

"May himala, ate Queen," saad ni Agatha. "Kalmado silang mag-usap ngayon," dugtong nito na nagpalingon kay Zia at Rhio.

"Kalmado naman kami lagi ah!" sabay na singhal ng dalawa. Nagtinginan sila at sabay na humalukipkip.

"Gaya-gaya," bulong ni Zia na sinundan ng pag-ismid.

"Nagugutom na ako," putol ni Haslie sa bangayan na muntikan ng magsimula.

"May convenience store sa malapit," ani ko. "Siguro ay dalawang tao na lamang ang pupunta," dagdag ko.

"Ako na lang!" prisinta ni Zia at ibinaba sa gilid ang bazooka na kanina pa niya buhat buhat.

Ewan ko sa babaeng ito at ayaw mawala sa kamay niya ang bazooka.

"Sasama ako," saad ni Rhio.

"Hindi na. Kaya ko mag-isa!!"

"As if naman."

"Umalis na kayo, baka abutan pa kayo ng dilim. Baka naman magbangayan pa kayo pagkarating napagkarating niyo roon," saad ko na nagpangiwi kay Zia. Kung walang sisingit sa pag-uusap ng dalawang ito ay hindi na kami makakakain.

Umismid pa si Zia bago lumabas ng bahay na sinundan agad ni Rhio matapos nitong bitawan ang hawak na baril.

Isinara ko ang pinto at pabagsak na umupo sa isa sa mga sofa.

"Ano ba 'yan? Ang alikabok," angal ni Agatha.

Dahil sa ginawa kong pag-upo ay nabulabog ang mga alikabok na nakahimlay sa sofa.

"Sorry," saad ko at ngumiwi.

"Nagiguilty ako."

Biglang pumaling ang ulo ko sa direksyon ni Haslie nang marinig ang sinabi nito.

"K-Kung hindi...kung hindi ako tinulungan ni Jelly sana...sana buhay pa siya ngayon...sila ni Archer," saad nito na pahinto-hinto.

Nakita ko ang nanginginig niyang kamay na magkadaop sa ibabaw ng kanyang hita.

"Kalimutan mo na iyon," mahinang saad ko. Walang mangyayari kung patuloy naming babalikan ang naganap. Nangyari na ang dapat mangyari, hindi na maibabalik iyon kasi tapos na, huli na para magsisi.

"Sorry pa rin," saad nito at yumuko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa bintana na tanging rehas lamang ang mayroon.

"Alam kong masaya si Jelly na nakaligtas ka," bulong ko. Bahala na siya kung narinig man niya ang sinabi ko o hindi.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang nangyayari sa kalsada.

"Shit," mura ko habang hindi alam kung paano ikikilos ang katawan dahil sa nakita.

"Saan sila galing?" tanong ni Agatha na hindi ko napansing nasa tabi ko na.

Parehas kaming nakatulala ngayon sa mga zombie na unti-unti ay padami nang padami. Ang malaking katanungan sa amin ay saan sila nanggaling at bigla silang nagsilabasan.

"Sa tingin ko ay hindi pa nakakakita sa masyadong maliwanag ang mga iyan," saad ni Agatha na nagpalaki ng aking mata. Noon ko lamang napansin na halos katamtaman na lamang ang liwanag sa labas.

"Lintek, sina Zia!!" saad ko nang magawi ang aking tingin sa bazooka.

"Padami sila nang padami," saad ni Agatha na hindi umalis sa harap ng bintana.

Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa tahimik na lugar na ito.

"Wala silang dala kahit na ano," bulong ko na binalot ng takot ang puso.

"Mommy Queen."

Sumalubong sa akin ang mukha ni Jay na puno ng takot.

"A-Anong gagawin natin? Baka may mangyaring masama kay Rhio," saad ni Haslie na nanginginig na ang buong katawan.

"Mukhang nakita sila ng zombie!" singhap ni Agatha.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong bumilis ang kilos ng mga zombie na tila may nakita ang mga ito.

"Shit!" mura ko nang tuluyang mawala ang mga zombie sa paningin namin.

Dali-dali kong dinampot ang bazooka na iniwan ni Zia at handa na sanang lumabas nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Zia na hingal na hingal.

Mabilis nitong isinara ang pinto at tila hinang hina na napaluhod ito.

"A-Ang tanga niya..." bulong nito habang habol ang hininga.

"B-bobo na lalaki...bobo niya," paulit-ulit na bulong ni Zia habang kami ay nakatulala lamang dito.

Tila si Zia ang pumalit sa nanginginig na si Haslie, dahil kahit nakaluhod ito ay bakas nag panginginig ng buong katawan nito.

"S-Si R-Rhio," saad ni Zia na nanatiling nakayuko.

Doon ko lamang napansin na hindi niya kasama si Rhio.

"H-Hinarangan niya yung glassdoor. Nagpaiwan siya...tanga siya...sobrang tanga niya. P-Pero kahit na ganoon, sinakripisyo niya ang buhay niya...niligtas niya ako...niligtas ako ni Rhio."

Umawang ang aking labi mula sa narinig. Ibig sabihin ay....

"H-Hindi," saad ni Haslie na bigla na lamang humagulhol.

Nanghihinang nabitawan ko ang bazooka at natulala.

Ano nang gagawin namin? Ano pa bang haharapin namin?




senseigan

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
707K 25.8K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...
47.3K 2.3K 38
Nathalie is a highschool student who loves about intriguing in horrors, mystery, suspense and specially in zombies. One day the unexpected disaster h...
1.8M 57.4K 72
Her name is Akira Jade Alford. Hindi siya Gangster, hindi siya kabilang sa kahit na anong Mafia o Yakuza at mas lalo namang hindi siya Assassin. She'...