Ang Mahiwagang Puso

By sobercatnip

10.4K 1.1K 491

Noong unang panahon, ang apat na makapangyarihang nilalang na tinatawag na mga sang'gre ang siyang naghari sa... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Ang Huling Kabanata

Kabanata 16

198 31 10
By sobercatnip

Tila nababalot ng tawa at hagikhik ng mga bata ang parteng iyon ng Manila Ocean Park. Aliw na aliw sila habang kinukuhanan ng litrato ng kani-kanilang mga magulang habang ang iba naman ay nagagawa pang maglaro at magpahabol sa kanilang sariling mga tagabantay.

Kasalukuyang nakaupo si Vice at Alena sa isang mahabang upuan habang nakatanaw lamang sa mga bata. Nagreklamo kasi si Vice na napagod daw siya sa paglalakad kaya kailangan muna nilang maupo at magpahinga. Sandali pa silang nagtalo ni Alena dahil sa tingin niya ay mukhang nag-iinarte lamang si Vice at dahil na rin nang pumayag siya sa kagustuhan nito ay nahuli niya itong palihim na napangiti.

"Ang sarap siguro sa pakiramdam yung marinig araw-araw ang pagtawa nila, no? O di kaya yung matatamis nilang ngiti ang bubungad sayo sa paggising mo sa umaga at sa tuwing uuwi kang pagod galing sa trabaho," giit ni Vice habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.

Napatingin naman sa kanya si Alena at naghintay nalang ng mga susunod nitong sasabihin. "Alam mo kamahalan, noon wala talaga akong balak magkaroon ng anak o bumuo ng sarili kong pamilya. Dahil na rin siguro sa pagiging busy ko sa trabaho at sa pag-aalaga kay lolo. Pero ngayon, unti-unti na akong napapaisip. Paano kung gusto ko na rin pala yung ideya na magkaroon ng mga anak? Paano kung bibigyan ako ng pagkakataon ng Diyos na magkaroon ng sariling pamilya? Sa tingin mo, kakayanin ko kaya?"

Sa pagkakataong iyon ay napatingin si Vice sa kanyang katabi. Sandaling nagtapat ang kanilang mga mata hanggang sa unang napaiwas si Alena. "Hindi ko alam. Bakit ba kasi ako ang iyong tinatanong?" masungit na turan ng sang'gre dahilan para mapahalukipkip si Vice.

"Kasi ikaw yung kausap ko. Alangan namang tanungin ko tong isda?" pamimilosopo ng huli at pabirong kinausap ang malaking istatwang isda sa kanyang tabi. Napairap naman si Alena dahil sa kalokohan ni Vice, bago sila parehong matawa.

"Pero seryoso kasi kamahalan, sa tingin mo, kaya ko ba?" muling tanong ni Vice pagkatapos niyang matulala at mapangiti nang marinig ang pagtawa ni Alena. Di niya maitatanggi na iba talaga ang epekto sa kanya sa tuwing makikita ang ngiti o marinig ang tawa ng masungit at madalas seryosong sang'gre.

"Wala namang ibang makakasagot sa iyong katanungan maliban sa iyong sarili. Ikaw lamang ang nakakaalam ng kasagutan."

"Pero paano nga kasi kung ikaw yung tatanungin ko. Base sa opinyon mo o sa pagkakilala mo sakin, kakayanin ko ba? Sige na kasi, kamahalan. Sagutin mo na yung tanong ko," pangungulit naman ni Vice dahilan para muli siyang tignan ni Alena.

"Bakit ba kasi ako ang iyong tinatanong? Ako ba ang makakasama mo sa pagbuo ng iyong pamilya?" inis at diretsong tanong ng sang'gre.

Agad na natigilan si Vice habang si Alena naman ay nakaramdam ng bahagyang pagka-ilang dahil na rin sa kanyang naging tugon. "A-Ang ibig kong sabihin ay hindi nakadepende sa akin o sa kung sino man ang kakayahan o kahandaan mong magkaroon ng sarili mong pamilya. Nakadepende ito sa iyong desisyon at sa desisyon ng magiging katuwang mo sa pagbuo nito," dagdag ni Alena sabay iwas ng tingin.

"Kaya nga kita tinatanong," mahinang bulong ni Vice at napatingin sa mga bata.

"May sinasabi ka ba?" tanong ni Alena dahilan para agad na matauhan si Vice at mabilis na napailing. Hindi alam ni Vice kung bakit niya biglang nasabi iyon kaya agad siyang nakaramdam ng pagka-ilang. "W-Wala, kamahalan! Wala naman akong sinabi."

Sandali naman siyang kinilatis ni Alena at nagsalita nalang muli. "At isa pa, buong buhay ko, wala naman akong kinilalang ibang pamilya maliban sa aking ina at mga kapatid," dagdag niya dahilan para mapatitig lang sa kanya ang kanyang katabi. Hindi kasi inaasahan ni Vice na magkukuwento ang sang'gre tungkol sa kanyang personal na buhay. "Maaring alam ko ang konsepto ng pamilya para sa inyong mga tagalupa ngunit minsan ay hindi ko rin ito lubos na maunawaan. Sa loob ng ilang daang taon, at dahil sa kanya-kanya naming tungkulin na dapat gampanan, kaming magkakapatid ay namuhay lamang ng mag-isa. At dahil dito, kung iisipin nating mabuti, labis na magkaiba ang ating pananaw tungkol sa konsepto ng pamilya, kaya bilang sang'gre ay hindi ko masasagot ang iyong katanungan."

"Pero paano kung bilang tao?" tanong ni Vice dahilan para kunot-noo siyang nilingon ni Alena at muling nagtapat ang kanilang mga mata. "Paano kung mabibigyan ka ng pagkakataon na maging katulad namin at maranasan ang magkaroon ng pamilya. Mabibigyan mo ba ako ng sagot?"
















Nanatiling nakatulala si Alena sa puting pader ng ospital habang nababalot ng mantsa ng dugo ang kanyang damit at mga kamay. Bahagyang magulo at maingay ang buong ospital dahil doon rin isinugod ang iba pang nasaktan sa nangyaring hostage taking. Mag-iisang oras na rin siyang nakaupo sa labas ng emergency room habang paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga pangyayari kanina.

Ilang sandali lamang ay nagmamadaling dumating si Anne. Bakas sa mukha nito ang pagkataranta at maging siya ay hindi makapaniwala sa mga naging tagpo. "Mahal na sang'gre," pagtawag niya kay Alena at napatakip na lamang siya ng bibig nang makita ang sitwasyon nito. Agad niyang pinasuot kay Alena ang suot niyang jacket at tinabihan ito sa upuan.

"A-Ano pong nangyari? N-Nasaan si Vice?" kinakabahan niyang tanong sa halos hindi makapagsalita na si Alena.

"Mag-iisang oras na siya sa loob," tila wala sa sariling sagot ng sang'gre. "Tinatanggal raw ngayon ng mga doktor ang bala na tumama malapit sa kanyang puso." Hindi naman mapigilan ni Anne ang mapaiyak dahil sa kanyang narinig. Mabilis siyang tumayo at naglakad sa tapat ng emergency room na para bang hindi na mapakali sa kanyang nalaman.

Ramdam naman ni Alena ang matinding kaba ni Anne para sa kanyang kaibigan. Kahit hindi niya ito tignan ay batid niya ang labis na pag-aalala nito.

"Patawad dahil hindi ko siya nagawang iligtas sa kapahamakan," nakatulalang giit ni Alena dahilan para tignan siya ni Anne. Ito ang unang beses na narinig nito ang sang'gre na humingi ng tawad.

"Wag po kayong humingi ng tawad dahil wala naman kayong kasalanan sa mga nangyari. It was all unexpected, kaya wala po tayong dapat sisihin," pagpapaliwanag ni Anne at muling tinabihan si Alena upang gumaan rin ang loob nito.

"Wala sana sa alanganin ang buhay niya ngayon kung nagawa ko lamang siyang iligtas," pagpapatuloy ni Alena habang nakatulala pa rin sa puting pader. "Ninais ko siyang pagalingin ngunit hindi ko nagawa dahil hindi ko na rin batid ang nangyayari sa aking sarili," dagdag nito at muling bumalik sa kanya ang ilan sa mga nangyari kanina.

Umaalingasaw sa buong paligid ang malakas na tunog ng sirena ng mga pulis at ng mga iilang ambulansiya. Nagkakagulo ang lahat sa loob at labas ng hotel dahil nahuli na ang labing-apat na armadong lalaki habang may iba pang nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nagsidatingan na rin ang mga taga-media sabay ang pamilya ng mga na-hostage upang alamin ang buong pangyayari.

Sa loob ng isang nagmamadaling ambulansiya patungo sa ospital ay hindi matigil-tigil ang pag-iyak ni Alena. Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Vice habang pilit na pinipigilan ng nurse ang pagdanak ng dugo nito. "Kailangan mong mabuhay, naiintindihan mo ba yon? Kaya parang awa mo na, lumaban ka." Sa pagkakataong iyon ay hindi alam ni Alena ang kanyang gagawin. Kanina pa niya ipinipikit ang kanyang mga mata at hinahawakan ng mahigpit ang kamay ni Vice ngunit walang nangyayari.

Kahit anong gawin niya ay tila hindi gumagaling si Vice. Unti-unti na rin siyang nanghihina dulot ng hindi maipaliwanag na dahilan. Bigla siyang napahawak sa kanyang puso nang maramdaman ang matinding pagkirot nito dahil sa paggamit niya ng kanyang kapangyarihan.

"Miss, dumudugo yung ilong niyo," gulat na sambit ng isa pang nurse sabay kuha ng puting panyo at ibinigay iyon agad kay Alena. "Mukhang kailangan niyo rin pong magpatingin mamaya pagdating natin sa ospital," pagsasalita ulit ng isang nurse at pinasandal sandali ang sang'gre. Bigla namang nakaramdam si Alena ng pangamba dahil hindi normal na mangyari iyon sa isang makapangyarihang sang'greng katulad niya.

Ilang sandali lang ay biglang lumabas ang isa sa mga doktor ni Vice mula sa loob ng emergency room. Agad namang napatayo sina Anne at Alena at sabay na hinarap ang doktor. "Doc, kamusta po ang kaibigan ko? Ligtas na po ba siya?" tanong ni Anne at nag-aalalang hinintay ang sagot nito.

Tinanggal ng doktor ang suot nitong mask, "Nandito ako para sabihin sa inyo that we had successfully removed the bullet from Mr. Viceral," giit nito dahilan para bahagyang makahinga ng maluwag si Anne. Ngunit ramdam ni Alena na may iba pang gustong ipahiwatig ang doktor. "But unfortunately, it does not mean that his condition is now stable. Due to his severe gunshot wound, Mr. Viceral will be staying at the Intensive Care Unit for close monitoring and some other tests. Let us just pray that he will regain his consciousness as soon as possible or else he will be under indefinite coma."

Napahawak na lamang si Anne sa kanyang dibdib nang marinig na nasa panganib pa rin ang buhay ng kanyang kaibigan. "Just do what you have to do to save him, Doc. Kailangan pang mabuhay ng kaibigan ko. Kaya please gawin niyo po ang lahat."

Napatango naman ang doktor at sandaling iniwan ang dalawa. Muling naupo si Anne at napatakip ng kanyang mukha. Rinig ni Alena ang pag-iyak nito para sa kanyang kaibigan. "Hindi ko maisip ang magiging reaksiyon ni lolo Gonzalo sa oras na malaman niya ang nangyari sa nag-iisa niyang apo. Dahil si Vice na lang ang meron siya at siya nalang rin ang natitira niyang pamilya. Kaya kailangan niyang mabuhay. Kailangan niyang mabuhay para sa lolo niya. Kaya please, baks. Parang awa mo na, lumaban ka," pag-iyak ni Anne na tila kausap ang kanyang kaibigan.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na rin napigilan pa ni Alena ang pagbuhos muli ng kanyang mga luha. Naglakad siya palayo ng emergency room dahil ayaw niyang may nakakakita sa kanya na nasasaktan rin ng dahil sa nangyari. Patuloy lang siya paglalakad na tila wala sa sarili hanggang sa kung saan man siya nais dalhin ng kanyang mga paa.

Magulo at maingay ang parteng iyon ng ospital. Nagkalat ang mga taong naghihintay sa kani-kanilang mga doktor upang magpagamot habang rinig mula sa hallway ang pagtangis at paghagulgol ng iilan dahil sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Tila nanlabo ang patingin ni Alena dahil sa mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa kanyang mga mata. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa mapahinto siya sa tapat ng maliit na chapel ng ospital.

Unti-unti siyang pumasok sa loob at nanghihinang umupo sa isa sa mga silyang nakaharap sa altar. Sa kabila ng ingay at gulo sa labas ay tila nakahanap si Alena ng pansamantalang katahimikan. "May nakapagsabi sa akin na ang madalas daw na ipinapanalangin Sayo ng mga tao ay salapi, bahay, trabaho, o makakasama sa pang-araw araw. At lahat ng iyon ay nagagawa mong ibigay sa kanila kung sa tingin mo sila ay nararapat," pagkausap niya sa imahe na nasa gitna ng altar. Napapikit si Alena at pilit na pinipigilan ang kanyang luha sa tuwing naaalala ang mga karanasan niya kasama si Vice.

"Kaya ngayon, nais ko rin sanang humiling na pagbigyan mo rin ang aking panalangin," sinserong giit ni Alena at sa unang pagkakataon ay nagawa niyang magdasal hindi para sa sarili, kundi para sa taong maituturing niyang mahalaga rin sa kanya.

"Ang aking panalangin ay hindi para sa aking sarili ngunit para sa taong alam kong karapat-dapat nito. Batid kong hindi siya isang perpektong tao ngunit ramdam ko na mayroon siyang mabuting puso. Sa mga panahong nakasama ko siya, napagtanto kong hindi lahat ng tao ay katulad ng aking inakala. Hindi sila mahihina dahil makapangyarihan sila kung magmahal. Siya ang nagturo sa akin na ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal at sa kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Naniniwala akong karapat-dapat mo pa siyang bigyan ng ikalawang pagkakataon upang mabuhay dahil ramdam ko na puso niya ay puno ng pagmamahal at kailangan ng mundo ng mga taong katulad niya. Nais ko siyang mabuhay pa dahil maraming tao ang umaasa at nagmamahal sa kanya. At higit sa lahat..." sandaling natigilan si Alena nang mapagtanto ang susunod niyang sasabihin at ang tunay na dahilan ng kanyang taimtim na panalangin.   Muli siyang pumikit at kasabay nun ang marahang pagdampi ng hanging mula sa labas tungo sa kanyang pisngi, "...nais ko sana siyang makasama pa ng mas matagal."













Maghahating-gabi na nang makalabas si Alena mula sa chapel ng ospital. Naabutan niyang may kausap si Anne sa telepono habang nagbabantay ito kay Vice sa labas ng ICU. Dahan-dahan siyang naglakad patungo doon at sandaling pinagmasdan ang mukha ni Vice habang nakahiga ito sa loob at wala pa ring malay. "Bukas ng umaga na raw ang flight ni lolo Gonzalo pabalik dito sa Pilipinas," giit ni Anne nang matapos ang tawag at mapansin ang tahimik na si Alena. "Pwede naman po kayong umuwi muna sandali sa condo ko upang magpalit at magpahinga. Ako nalang po muna ang bahala dito kay Vice."

Napailing naman si Alena habang nakatingin pa rin kay Vice. "Hindi. Dito lang ako. Hindi ako aalis sa kanyang tabi hanggang sa hindi siya nagigising."

Bahagyang nagulat naman si Anne nang marinig ito mula sa mahiwagang sang'gre. Ngunit di kalaunan ay napangiti siya ng maliit dahil sa nararamdamang pag-aalala ni Alena kay Vice. Isang indikasyon na tila naging malapit na ang loob nila sa isa't isa.

"Kung ganun, mahal na sang'gre, ako nalang po muna ang uuwi para kunan kayo ng mga damit upang makapagpalit na rin kayo. Ayos lang ho ba kung ikaw na muna ang magbantay dito kay Vice?"

Tanging tango lang naman at magpapasalamat ang naging sagot ni Alena. Nang makaalis si Anne ay nanatiling siyang nakatayo at nakatingin lang kay Vice. "Miss, gusto niyo ho bang pumasok?" tanong ng napadaang nurse ng mapansin na kanina pa nakatayo si Alena doon sa labas ng silid ni Vice. Napatango ang sang'gre at binigyan siya ng nurse ng angkop na kasuotan upang makapasok sa ICU.

Dahan-dahang naglakad si Alena patungo sa gilid ng higaan ni Vice. Naupo siya sa upuan na nandoon at pinagmasdan ng mabuti ang mukha ng huli. Tahimik ang buong silid at tanging ang tunog lamang galing sa mga aparatus na nakakonekta kay Vice ang maririnig. "Hanggang ngayon, hindi ko batid kung ano ang naging dahilan kung bakit nagawa mong piliing sagipin ang aking buhay kaysa sa iyong sarili. Kung maari lang kitang sipain ngayon dahil sa katangahang ginawa mo ay baka ginawa ko na," pagbibiro ni Alena at bahagyang natawa ng maalala ang mga kalokohan at pangungulit na madalas pinanggagawa sa kanya ni Vice.

Muling pinagmasdan ni Alena ang walang malay na si Vice at unti-unting hinawakan ang kamay nito. "Hindi na yata ako sanay na hindi nakikita at naririnig ang nakakainis mong ngiti at pagtawa. Kaya kailangan mo ng gumising upang masilayan ko itong muli, naiintindihan mo ba yon?" giit nito habang nanggigilid ang kanyang luha. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at dahan-dahang ipinatong ang kanyang ulo sa gilid ng higaan, hanggang sa unti-unting na siyang tinangay ng antok habang nanatiling mahigpit na nakahawak sa kamay ni Vice.
















a/n: happy 107th sibs! Nawa ay nagustuhan niyo ang munting ambag ko. And now that we are only a few chapters away patungo sa huling kabanata, I will be very pleased if you tell me your thoughts. Maraming salamat sa pagbabasa!























itutuloy?

Continue Reading

You'll Also Like

223K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
547K 729 1
[UNDER MAJOR REVISION] What would you do if you found love to the person you hate?
1.4K 52 6
enca aus, canon compliant plots and other alternate universe stories i come up with out of nowhere *** lowercase and disregarded purpose of punctuati...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...