Every Night

By Mizz_L

70.3K 1.7K 121

She's innocent and I'm not. She's young and I'm not. She's soft and I'm not. She's understanding and I'm the... More

Every Night
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Wakas
Every Night

Kabanata 25

1.1K 34 1
By Mizz_L

Nagising ako nang mag-ring ang phone ko. Iminulat ko ang mga mata ko at hindi na ako nagulat nang nasa tabi ko si Kiro.

Naramdamn kong tumabi siya sa 'kin kagabi. May sinasabi pa nga siya eh pero hindi ko naintindihan dahil sa antok at 'yung pagsasalita niya bulong na lang dahil lasing.

Tiningnan ko ang oras at 5:31 na pala. Kinuha ko ang cellphone ko at singot ang tawag.

"Wear high-waist jeans and a white tube with a black sexy blazer. Bye. Oh wait, wear heels. Bye!"

"Hello, Hirl—"

The line ended.

Hindi man alng ako pinagsalita. At saka pwede naman 'yun igtext, ba't itinawag pa. Hay.

Ibinalik ko ang cellphone ko at tatayo na sana ng maramdaman kong nanginginig si Kiro.

"Kiro?"

Kinapa ko ang noo niya at sobrang init niya.

"Kiro?" gising ko.

"C-Cold..."

Dali-dali kong inayos ang pagkakumot sa kanya. Pinatay ko rin ang aircon at tinawagan si Mommy pero hindi sinasagot.

Panay lang ang ring pero hindi sinasagot.

Anong gagawin ko?

Pa'no nga ba 'un kapag giniginaw si Papa?

At dahil hindi ko alam ang gagawin ay tumabi na lang ako kay Kiro at niyakap siya baka sakaling mawala 'yung ginaw niya.

"C-Cold..."

"Cold pa rin?"

Tarantang bumaba ako sa kama at kinuha ang mga besheets sa cabinet at itinakip kay Kiro.

Siguro naman hindi na siya giginawin niyan?

"T-Tata?"

Umakyat agad ako sa kama at tumabi sa kanya. Natataranta ako dahil sa kaniya.

"Bakit?"

"C-Cold..."

"Cold pa rin?" bulalas ko.

What will I do? I need help!

"Don't worry, I'll hug you para kahit kaunti ay mawala 'yung ginaw."

Tumango siya kaya niyakap ko siya. Though mukhang hindi naman siya 'yung niyayakap ko kundi ang besheets kasi sobrang kapal na.

"T-Tata, get in the bed sheets and hug m-me..."

"A-Ano?" gulat na tanong ko.

"C-Cold..."

Tabang!

Kahit nagdadalawang isip ay pumasok ako sa ilalim ng bedsheets at niyakap siya.

"Feeling better?"

"Hm..."

Isiniksik niya ang sarili niya sa 'kin at hinigpitan ang yakap sa 'kin.

Tabang!

Puso kumalma ka. Hindi ngayon ang oras para lumakas ka ng tibok diyan.

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako sa tabi ni Kiro. Nagising lang ako nang nag-iingay na naman ang cellphone ko.

Umalis ako sa tabi ni Kiro at kinuha ang cellphone ko bago sinagot ang tawag ni Mommy.

"Hello, Mommy?"

"Hi, sweetie."

"Bakit po kayo napatawag?"

"I saw your missed call. Bakit ka napatawag kanina?"

Speaking of. Napatingin ako kay Kiro na payapang natutulog. Kinapa ko ang noo niya at hindi na siya gano'n mainit.

"Ah si Kiro po kasi nilalagnat kanina."

"What?" bulalas niya. "How is he? Is he okay?"

"Ah, eh, mukha naman po. Hindi na po siya gaano kainit."

"Mabuti naman. Thank you for taking care of him, sweetie."

"Ah, hindi ko po—"

"I have to go, sweetie. I'm kinda busy kasi."

"Sige po. Salamat."

"Sige. Take care, okay?"

"Kayo rin po. Bye."

Pinatay ko ang tawag at bumaba mula sa kama.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng tumunog na naman ang cellphone ko.

"Where in the Earth are you?" bungad na sigaw ni Hirl.

"Nasa condo pa, bakit?"

"Condo? Do you even know what time it is?"

"Hindi, eh. Kakagising ko lang kasi." Kinamot ko ang ulo ko.

"What? It's almost 10 in the morning, Talia! And what are you saying kagigising mo lang?"

"May sakit si Kiro."

"Okay then," mabilis na bawi niya mula sa pagkakasigaw. " See you tomorrow. Bye."

"Tek—"

At pinatayan na naman niya ako ng tawag. Hay.

Ang bastos talaga ng babaeng 'yun.

Lumabas na lang ako ng kwarto at nagluto ng agahan namin ni Kiro.

At ngayon dahil may lagnat na talaga siya ay nagluto na ako ng lugaw.

Bumalik ako sa kwarto at naligo at nagbihis. Kahit basa pa ang buhok ko ay pumunta ako gilid ni Kiro.

"Kiro?" mahinang yugyog ko sa kanya.

"Hm..."

"Gising ka muna."

Dahan-dahan naman niyang iminulat ang mga mata niya.

"Tayo ka muna kakain na tayo." Ngiti ko.

Tumango siya at dahan-dahang umupo.

"Giniginaw ka pa rin ba?"

"S-Slight."

"Ah, sige, dito ka na lang at dadalhin ko na lang 'yung pagkain mo dito."

Akmang bababa na ako sa kama ng hawakan niya ang braso ko.

"Bakit?"

"I-I'll come with you."

"'Wag na dito ka na lang."

" S-Sama ako," pagpipikit niya.

"Okay," buntong hininga ko. Ano pa nga ba?

Bumaba ako sa kama at inalalayan siya hanggang sa makarating na kami sa dining. Pinaupo ko siya sa upuan at hinanda ko na ang mga makakain namin.

"Thank you for taking care of me."

"Hm." Tango ko habang ngumunguya.

"And I just want to say sorry for last night."

"Okay lang." Ngumiti ako.

Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako at inilagay sa lababo ang kinainan ko.

"Ah...Kiro pwede na ba akong pumunta sa school kasi mukhang okay ka na man na."

Tumigil siya sa pagsubo sa lugaw at tumingin sa 'kin. Hindi ko mawari kung anong emosyon 'yong nakikita ko sa mukha niya.

Inis o galit?

"Can't you stay here even just for now? I mean yes I said I'm okay but not that much."

Kinagat ko ang labi ko. "Ano kasi...si Hirl, kailangan niya ako doon."

"And Jameson too."

"Ha?" takang tanong ko.

"Jameson too. He needs you there."

"Kiro naman—"

"It's okay. You can go."

Tumayo siya at naglakad na pabalik sa kwarto ko.

"Kiro!" tawag ko pero hindi siya huminto.

Napabuntong hininga na lang ako at napatulala sa kawalan.

Bakit ba kasi napasok si Jameson sa usapan?

Napailing na lang ako at niligpit ang kinainan niya at hinugasan.

Pagkatapos kong maghugas ay kumuha ako ng gamot at isang baso ng tubig. Sumunod ako kay Kiro sa kwarto.

"Kiro, uminom ka muna ng gamot."

"No! Go to your Jameson."

Inilagay ko ang tubig at gamot sa table at umupo sa gilid niya.

"Bakit ba lagi mong pinapasok si Jameson sa usapan? Wala naman siyang ginagawa, ah?"

"He kissed you!"

"Ano?" kumunot ang noo ko sa gulat.

"You forgot? He kissed you the other day. You think I didn't see it?"

Oh my gosh!

As in oh my gosh!

"'Yun yung pinagpuputok ng butsi mo?"

"Shut up!" asik niya at nagtalukbong ng kumot.

Natawa na lang ako wala sa oras.

"Nagseselos ka ba?" pang-aasar ko.

"What?! No!" sigaw niya mula sa ilalim ng kumot.

"E, ba't big deal sa 'yo na hinalikan ako ni Jameson? Kung tutuusin sa noo lang naman 'yon."

"I just said it, okay? It doesn't mean I'm jealous."

"Sigurado ka?" pang-aasar ko at kinuha ang kumot na nakatakip sa kanya.

"Oo."

"Okay sige pero uminom ka muna ng gamot at magbibihis na ako."

"Where are you going?"

"Sa school nga," sagot ko habang pumipili ng damit.

"You're really going to leave me here?"

Sumandal siya sa headboard at tumitig sa 'kin.

"Why not? You said you're okay naman na."

"Fine. Go wherever you want!"

Hindi ko na lang siya pinansin at nagbihis ng katulad no'ng sinabi ni Hirl kanina sa tawag.

Lumabas na ako ng nakabihis and I saw Kiro sleeping. Tiningnan ko ang gamot pero wala na 'yun doon at ubos na rin ang tubig which only means ininom niya ang gamot.

Sinuklay ko ang buhok ko. Hindi na ako naglagay ng polbo o liptint.

Okay na ako sa hitsura ko. Kinuha ko na ang sling bag at cellphone ko.

Alam kong tulog si Kiro pero nagpaalam pa rin ako. Lumabas na ako ng condo at sumakay ng elevator.

Naiinis ako kasi pinag-heels ako ni Hirl eh alam naman niyang hindi ako mahilig sa ganito pero well sabi nga ni Hirl no'ng nag mall kami.

Paano ka masasanay kung hindi ka magsusuot?

So from then on, kung anong sinasabi niya tungkol sa mga damit sinusunod ko.

Nasa lobby na ako ng sa hindi inaasahan ay makasalubong ko si Hirl.

"Hirl!" tawag ko.

Tiningnan ko ang suot niya at nagmukha talaga kaming kambal.

"Talia!" Takbo niya at niyakap ako.

Kumalas ako sa yakap niya at nginitian siya.

"Where are you going?"

"Sa school syempre." Tawa ko.

"What? I thought Kiro is sick?"

"He is but he seems okay so I can leave him alone already."

"Okay then. Let's go."

Tumango ako at pumunta na kami sa kotse niya.

"Talia?"

"Bakit?" tanong ko habang nasa labas ng kotse ang tingin.

"Mag kwento ka naman, oh."

Napatingin ako sa kanya.

"Ano namang iku-kwento ko?"

"Your life in the province?"

"Wala namang ganap doon."

"Sige na. Magkwento ka na."

Dahil malayo-layo pa kami sa school ay pumayag na lang ako.

"Ah...sobrang simple lang ng pamumuhay namin doon. 'Yung buhay ko rito ay sobrang ganda kompara doon. Doon kasi ako lahat gumagawa ng gawaing bahay. Tapos si Papa naman ang taga kayod para magka pera kami."

"How about your Mama? Or do you even have a sister?"

"Mama ko? Nako, napaka chismosa no'n." Tumawa ako na naiiling. "Chismis ang kinakain no'n eh at saka wala akong sister, brother meron."

"Ah. So what's the work of your papa?"

"Nag-aararo siya para may matiman kami ng palay."

"Palay? You mean the rice that we're eating?"

"Oo. 'Yung kinakain niyo."

"Aw... I want to meet your papa to thank him personally. He's one of the farmers feeding the people."

"Oo kapag sem break dadalhin kita roon." Tango-tango ko.

"Really? Oh my gosh! I'm so excited."

"Oo nga." Tawa ko.

"Yehey. Oh my gosh, I love your papa na."

Natawa na lang talaga ako. "May tanong ka pa?" tanong ko kapagkuwan.

"Uhm... you said earlier chismis ang kinakain ng mama mo? What do you mean by that? Doesn't she have work?"

"Wala. Eh, gawaing bahay nga ako lahat gumagawa kasi umuuwi lang 'yun sa amin kapag kakain at matutulog. Aside from that nasa kapitbahay lagi para makichismis."

"Oh."

"Uh-huh! Sigurado ako ngayon siya na gumagawa ng gawaing bahay kasi wala na ako."

"How sure are you? I mean you still have a brother, right?"

"Oo pero mahal na mahal 'yun ni mama. Malabong pag trabahuin niya 'yun," sabi ko.

Naalala ko na naman 'yung mga panahong pinapagalitan ako dahil sa kuya ko.

Trabaho ng kuya ko pinapasa sa 'kin at hindi umaalma si mama, pinapagalitan pa nga ako eh kapag hindi ko sinusunod at nagagawa agad.

"Your mama isn't a good influence and no offense based on your story she's not a good mother as well."

"Ewan ko basta kahit gano'n 'yun ay mahal na mahal ko 'yun."

"Mas magugulat ako kung sasabihin mong hindi mo mahal 'yung mama mo. Sa bait mong 'yan?" Humalalakhak siya.

Ipinark na niya ang kotse at sabay na kaming bumaba.

"All of us have our own choices and I'm thankful I can choose the right thing to do." Ngiti ko.

"Deep."

"Ay pangit!" Napaigtad ako.

"Excuse me?"

"Ba't ka ba nanggugulat?" inis na tanong ko kay Jenna.

"Masyado ka namang magugulatin, Talia."

"Paki mo? Tara na nga." Hila ko kay Hirl sana kung hindi hinawakan ni Jenna ng braso ko.

"I must admit you're becoming sexier each day." Ngisi niya.

"Thanks."

"But you can't still get in Kiro's standards."

At nasali na naman si Kiro sa usapan.

"I already did. He's my boyfriend remember?"

"Stop lying. I know it's not true."

"Bitter ka lang." Tawa ni Hirl.

"I am not talking to you!"

"And so I am, Jenna. You know what, you should rest.  You need it para naman mapantayan mo ang ganda ni Talia na girlfriend ng mahal mo na best friend lang ang turing sa 'yo!"

"How dare you—"

"Oh, I forgot. Kahit pala gumanda ka ng bonggang-bongga, hindi ka pa rin magugustuhan ni Kiro kasi ang gusto ni Kiro 'yung mga mababait. Take note 'yung totoong mabait, hindi 'yung nagpapanggap lang at sa case mo wala ka no'n. Hindi ikaw 'yon!"

"Hirl, tama na..." awat ko.

"Poor you, Jenna.  Maganda nga sinungaling naman. Sexy nga ang sama naman ng ugali. Matalino nga maarte naman."

"And you're not maarte?" taas kilay na tanong ni Jenna.

Hinawakan ko ang braso ni Hirl. "Tama na 'yan."

"Of course I am. Maarte ako kaya lang malaki ang pinagkaiba natin. Bagay kasi sa 'kin ang pagiging maarte, eh ikaw? Nagmukhang trying hard magpasikat. Gross."

"Tama na kasi, Hirl..." awat ko ulit, gulo na naman, e.

"Watch your words, Hirl!"

Pareho kaming napalingon sa likod ng marinig namin ang pamilyar na boses na 'yon

"Kiro, ba't ka nandito? Hindi ka pa magaling?" inis na tanong ko at lumapit sa kanya.

"You left without saying anything."

"Tulog ka kasi at saka alam mo naman na aalis talaga ako."

Hinawakan ko ang braso niya at inalalayang makalapit kina Jenna at Hirl.

"Kiro, what happened to you?" nag-aalalang tanong ni Jenna at lumapit pa.

"I'm okay."

"Distansiya, Jenna, may girlfriend na kasama, oh," pang-aasar ni Hirl.

"Hirl, stop being mean to Jenna...." wika ni Kiro.

"I only will if she stop bullying, Talia," taas kilay na sagot ni Hirl.

Maldita talaga. Hay.

"I am not bullying, Talia..." mahinang saad ni Jenna.

Basag pa ang boses.

Waw. Artistahin.

"Gumagaling ka na, Jenna," puri ko.

"Gumagaling saan?" takang tanong niya.

"Sa paga-acting. Ipagpatuloy mo 'yan at sisikat ka." Ngiti ko.

"Kiro, look oh. Talia is being mean."

"Let's go, Tata."

Gusto kong tumawa dahil hindi niya sinagot si Jenna pero hindi ko na lang ginawa.

Hinila ko si Hirl at sabay kaming sumunod kay Kiro.

Kakadating pa lang namin sa ground ng...

"Gotcha!" May nag posas na kay Hirl.

"Again?" takang tanong niya.

Natawa na lang ako at lumapit kay Kiro para sabay na kaming maglakad na susunod kay Hirl kung saan man siya dadalhin.

"She's mean," komento ni Kiro habang sumusunod kami kay Hirl na nagpupumiglas na naman.

"Of course not. She's nothing but a good friend to me."

"But she's always bullying Jenna."

"She's just doing her job as my friend. Bibubully ako nang best friend slash lover mo kaya siya ang humaharap."

"But still."

"Alam mo, Kiro, kung ayaw mong bully-hin niya si Jenna, pagsabihan mo si Jenna na tigilan ako."

Hindi na siya sumagot hanggang sa makarating kami sa isang mala kweba na design.

It'a not horror booth kasi hindi naman horror booth ang nakalagay sa itaas.

' Come and date me.'

'Yan ang nakalagay. So ide&date si Hirl?

"Kiro, anong meron diyan?" Turo ko sa pinasukan ni Hirl.

"Can you see that?" Turo niya sa babaeng katabi ni Hirl.

"Oo." Tango ko.

"She will put a blindfold on Hirl because Hirl is going to be blind-dated."

"Ah, gano'n ba 'yon? So matagal pa 'yan?"

"It depends on the person who paid para ma blind  date si Hirl at 'yung boy."

"Ah." Tango ko ulit.

Nilagyan nila ng blind fold si Hirl.

"Hey, what's wrong with you? I said I don't want to be here!"

"I'm sorry, Ma'am. You have 1 hour with your ka-blind date, Ma'am."

I hour? Seryoso?

Matagal nga.

Inalalayan nila si Hirl papasok na talaga kung saan siya iba-blind date.

"Talia!"

Natawa na lang ako sa sigaw niya. Parang nanghihingi ng tulong.

Binalingan ko ng tingin si Kiro at naaninag kong namumutla pa rin siya.

"Kiro, umuwi ka na."

Tumingin siya sa 'kin na nakakunot na naman ang noo.

"I just came, Talia."

"And so? Ewan ko ba diyan sa ulo mo ba't ang tigas-tigas. Hindi ka dapat pumunta dito, eh."

"It's my body so I decide what I'm going to do with it."

"Ayan ka na naman, eh. Kailan ka kaya makikinig sa 'kin?"

"Whatever. Let's go."

Tumalikod na siya. Nilingon ko kung saan pumasok si Hirl. Sabi nang babae 1 hour daw so matatagalan pa kaya sumunod na lang ako kay Kiro na ang bagal-bagal maglakad.

"Ano ba kasing nakain mo at pumunta ka dito? Wala namang klase, ah?"

"Can I ask the same question to you?"

"Sinabi ko na, 'di ba?  Hirl needs me here."

"But I also need you there!" asik niya, nanunumbat.

"Ha?" gulat na tanong ko.

"I mean I'm sick but you still have the guts to leave me."

"Hindi pa rin nasasagot ang tanong ko, Kiro. Ba't ka nga pumunta dito kahit may sakit ka?"

"Because I want to."

"It's not valid. You can come here when you're okay."

"But I wan't now."

"Bakit ng—"

"Hi, Kiro..."

Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko na naman ang boses ni Jenna.

May kasama na siya ngayon. 'Yung babaeng maldita na kasama no'ng isang babae na inutusan ni Kiro para dalhan ako ng pagkain.

"Hey." Tango ni Kiro.

"Are you two fighting?" mukhang concern na tanong niya.

If I know gustong-gusto niya 'tong nag-aaway kami. Tse.

"Uh, no we're just talking about something," pagde-deny ni Kiro.

"You're not talking, you're fighting." Ngisi no'ng malditang isa.

Bagay talaga sila magkasama ni Jenna.

"Paki—"

Natigil ako sa pagsasalita nang bigla na lang hilahin ni Kiro ang braso ko palapit sa kanya.

"'Di ba, love, we're not fighting?" Ngiti niya kaagad.

Problema nito?

Kani-kanina lang sinisigawan ako tapos ngayon ngingiti siya?

"Oo. Ba't naman kami mag-aaway eh mahal na mahal namin ang isa't isa." Ngiti ko, nakikisakay.

Inakbayan pa ako ni Kiro lalo.

"Oh how sweet naman pala," sabi ni Jenna na halatang hindi nagugustuhan ang nakikita.

"Yeah. We're sweet so excuse us because we're going to talk about some serious matter." Hinila ako ni Kiro paalis sa harapan no'ng dalawa.

"Bipolar ka..." bulong ko at naunang maglakad.

May nakita akong bench kaya naglakad ako papunta doon ang umupo.

Wala pang 20 minutes simula no'ng na-blind date si Hirl.

Ang laki siguro ng binayad nang taong nagpa-blind date kina Hirl kasi isang oras, eh.

Umupo si Kiro sa tabi ko. "Can we go home now, Talia?"

"'Yan. 'Yan ang sinasabi ko. Kung bakit kasi pumunta ka pa dito!"

"I don't feel okay, Talia, so please let's go home."

Kinapa ko ang noo niya at mainit na naman siya.

"Bakit kasi napaka-careless mo, eh!" asik ko.

Tumayo na ako at inalalayan siyang tumayo.

Uuwi na lang ako at kinakabahan ako para dito kay Kiro.

Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Tinulungan ko siyang makasakay sa driver seat. Sumakay na din ako.

"Tara na," nagmamadaling saad ko.

He started the engine and drive.

Habang nasa daan kami panay lang ang tingin ko sa kanuya. Kung marunong lang kasi ako mag-drive, ako na ang gagawa kasi kawawa naman siya.

May sakit na nga pinagdadrive pa.

"Stop staring."

"Inaalala lang kita." Sumimangot ako.

"I'm fine."

"Fine mo mukha mo. Nako, kapag ikaw gininaw na naman mamaya tatamaan ka sa 'kin. Tandaan mo 'yan!" banta ko.

Nakakainis kasi. Okay na siya kanina eh pero sumunod pa rin sa school.

Tinext ko na rin si Hirl na nauna na akong umuwi.

Pagdating namin sa baba ng condo ay kita ko namang kaya pa niya pero inalalayan ko pa rin siya.

Binuksan ko ang pinto ng condo at pinapasok siya.

"Dumiretso ka sa kwarto at magpahinga," utos ko.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng gamot na naman at paiinumin siya.

Hirap pala maging katulong.

Continue Reading

You'll Also Like

610K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
167K 3.2K 55
When two people are meant to be, no time is too long, no distance is too far, and nobody can keep them apart.
266K 4.4K 29
Don't Play With Me Series 1: Don't Play With me, Doctor In a family it is inevitable that someone will deviate in the footsteps of being an entrepren...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.