My Bipolar (Forbidden Love Se...

By MauR13S

116K 5.8K 519

Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
AUTHORS NOTE
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHARACTER'S PROFILE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
LAST CHAPTER
ABOUT SERIES 2
SPECIAL CHAPTER 1
Series 2
Related Stories
SPECIAL CHAPTER 2

EPILOGUE

2.2K 101 35
By MauR13S

"I'm now passing my verdict that the defendant Roberto Dela Cruz is not guilty by the reasonable law."

Napapalakpak ang kampo ni Michael sa narinig. Napaiyak naman ang defendant na si Roberto.

"This court is now adjourned. All rise."

Nag sitayuan na silang lahat, ang iba ay nag umpisa ng mag labasan sa korte. Lumapit kay Michael ang isang lawyer.

"Congratulations for your first time in court. You did great Att. Bueno."

Tumango naman si Michael. "Thank you Att."

"Att. Bueno, Maraming salamat po sa inyo at hindi nakulong ang tatay ko." sambit ng isa sa mga anak ng dinepensahan niya.

"It's my job." sagot ni Michael.


Lumapit naman sa kanya si Roberto at ang pamilya niya para mag pasalamat. Ang unang kliyente niya ay si Roberto, isa itong trycicle driver na na frame up na nag nakaw ng malaking pera sa bangko gamit ang isang credit card. Halata namang imposibleng magawa niya iyon kaya hindi nag dalawang isip na tanggapin ni Michael ang kaso.

Nang makalabas sa building ay nag punta na si Michael sa kotse niya, pinag ipunan niya ito mula noong nag aaral siya.

Kringgg*

Napalingon si Michael sa gilid ng tumunog ang cellphone, nakita niyang tumatawag si Mira. Napangiti si Michael.

"Hello Teacher Mira."

["Hmp! Hello ka diyan, mag kakalahating oras na ako rito sa resto. Pinag iintay talaga ang date mo no?"]

Napa tawa naman si Michael. "Sorry, eto na papunta na ako."

["Dalian mo!" ]

Pinatay na ni Michael ang tawag at pinaandar na ang kotse niya papunta sa resto kung nasaan si Mira. Napag usapan kasi nila na doon nalang mag kikita.

Nakatingin lang sa daan si Michael at seryosong nag mamaneho.

Mag sasampung taon na ang nakalipas mula nung umalis si Allen. Sa sampung taon na iyon ay hindi sila nag kausap ni isang beses. Hindi umuuwi si Allen. Panay ang tawag ni Michael kay Mira noon kung naka balik na ba ito, pero laging hindi ang sagot ni Mira.

Napahawak si Michael sa kwintas niya kung saan naroon ang singsing na binigay ni Allen. Lumiit na kasi ito at hindi na kasya sa kanya.


Napabuntong hininga siya...natupad na niya ang pangarap niya gaya ng gusto ni Allen...ang kaso nga lang....




NANG MAKARATING si Michael sa resto ay agad niyang nakita si Mira kaya lumapit na siya agad sa dalaga. Kita niya ang naka murot na mukha nito.

"Sorry I'm late."


"Psh, kung ganyan ka lang rin ay mabuti pang mag break na tayo!" sambit ni Mira na medyo nilakasan pa ang boses kaya napatingin sa kanila ang ibang kumakain.



Michael froze.





Pero agad ding napahagalpak ng tawa saka pinitik si Mira sa noo. "Anong break break ka diyan.





Eh may jowa ka na ha. Ikaw baka tuloy maniwala ang iba diyan."Sambit ni Michael.



"Hehe sorry na antagal mo kasi Attorney."


"Sorry na teacher." sambit ni Michael.



5 years ago nung umalis na si Mira sa mansion para ipag patuloy ang pag aaral ng Education. Dahil doon ay nawalan na nga ng connection sa loob ng mansion si Michael.

"Kamusta ang unang sabak sa korte?" tanong ni Mira.

"Success!"


"Hala wahhh congrats!" tuwang sambit ni Mira.


"Thank you, so bakit mo ba ako kailangang i-meet ha? Wag mo sabihing, aamin ka na may gusto ka sakin? Nako Mira ha"


Lumapit sa kanya si Mira saka pinalo ang braso ni Michael. "Aray ha! Mapanakit ka na teacher."


"Pero Michael, seryoso na." sambit ni Mira at nag seryoso ang ekspresyon ng mukha.

"Nakaka kaba ka naman teacher." sambit ni Michael, pero hindi manlang nag iba ang reaksyon ni Mira kaya mas lalong kinabahan si Michael.


"Heto...wedding invitation." sambit ni Mira saka nilapag ang invitation sa lamesa.



"Ha? Ikakasal ka na?" gulat na tanong ni Michael.


"Hindi ako...si sir Kurt ang nag abot niyan sakin. Invitation yan ng kasal ni Ms. Hazel..." saglit na tumigil si Mira at yumuko na para bang hindi niya kayang ipag patuloy ang sunod na sasabihin.



"Hala? Wag mong sabihing kay K-Kian na kasal yan?" sambit ni Michael.


"Sorry Michael, sana nga ay hindi siya." sambit  ni Mira.



Napa sandal si Michael sa upuan at pagak na tumawa. Dismayado at nasasaktan siya sa narinig ang akala niya ay naputol na ang engagement sa oras na umalis si Allen sa Pilipinas pero mukhang hindi yun totoo o nag bago ang isip ni Sir Hanz.


Inayos ni Michael ang sarili at pilit na ngumiti kay Mira saka kinuha ang invitation sa lamesa at tumayo na.


"Una na ako Mira, marami pa kasi akong titingnang kaso."


Hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Mira at dali-dali ng umalis sa resto at nag punta sa kotse niya. Nang makapasok ay napasandal si Michael sa manibela at pakiramdam niya ay ano mang oras ay iiyak na naman siyang muli dahil kay Allen na matagal-tagal din niyang nagawa.


Sampung taon na ang lumipas pero hindi pa rin nag babago ang nararamdaman niya para kay Allen.


Huminga siya ng malalim at pinaandar na ang kotse papunta sa bahay na binili niya sa isang subdivision, kalahating oras ang layo mula sa public law firm kung saan siya nag tatrabaho.


Nabili niya ang bahay mula sa loan niya sa bangko.


Nang makarating sa bahay ay agad na pumasok si Michael at sumalampak sa couch. Hindi niya kayang tingnan ang nasa loob ng invitation. Nasasaktan siya...


"Bakit naman ganito Kian...na achieve ko na yung goal ko eh...ikaw nalang ang kulang"





LUMIPAS ANG mga araw at inibaling ni Michael ang atensiyon niya sa trabaho o sa pag rereview ng mga kasong ihaharap niya sa korte. Panay ang text sa kanya ni Mira na sa Lingo na ang kasal at grooms men pa siya. Alam siguro ni Mira na hindi pa rin niya nabubuksan ang invitation.

Nag dadalawang isip si Michael kung pupunta ba siya. Byernes na ngayon at wala pa ring siya masusuot na ang angkop para sa kasal. Sa simbahan ikakasal ang dalawa kaya pormal ang dapat niyang suotin ayon kay Mira. Hindi na rin niya kailangang buksan pa ang invitation dahil nasabi na rin naman ni Mira ang mga detalye.


Habang nag babasa ng mga portfolio ay napatigil si Michael at napahawak sa singsing sa kwintas niya. Iniisip niya, kung ano pang saysay ng pag iingat nito kung nawala na rin naman ang halaga. Ikakasal na si Allen sa iba kaya para saan pa? Napabuntong hininga siya at pagak na napatawa. Para namang kaya niyang itapon na lang ito basta-basta.


Kinabukasan, pag karating ni Michael sa bahay galing law firm ay nag taka siya ng makita ang isang kahon sa labas ng bahay niya. Luminga linga pa siya sa paligid para makita kung naroon pa kung sino man ang nag iwan nun. Pero wala na siyang nakita. Binuksan muna niya ang bahay saka pinasok ang kahon. Magaan lang iyon kaya iniisip niya na baka damit o kobre kama ang nasa loob.

Nang makapasok siya sa loob ng bahay ay binuksan na niya ang kahon. Nakita niya ang isang kulay itim na Americana. Napakunot ang noo ni Michael at kinuha ang isang note na kasama ng kahon.


To: Michael

Wear this on the wedding. See you there.


Itinaas ni Michael ang damit. Lalo siyang napakunot ng makitang napaka elegante noon. Grooms men lang siya pero bakit ganito ang susuotin niya? Napa kibit balikat nalang siya. Sabagay mayaman nga pala sina Kurt at Hazel kaya engrande ang kasalan.


Kaso ngayon na pinadalhan pa siya ng damit ay imposible ng hindi siya aattend. Ihahanda na lang niya ang sariling masaktan.


Araw ng kasal.


Tulalang nakatingin si Michael sa sarili sa salamin. Napangiwi siya para kasing siya ang ikakasal dahil sa suot niya. May kasama pang puting bulaklak ang damit.


Inligay niya ito sa kaliwa niya. Muli siyang sumulyap sa sarili saka lumabas na ng bahay at sumakay na sa sasakyan niya.


Pinaandar na niya ito sa simbahang sinabi ni Mira.

Kringgg*

Inabot niya ang cellphone saka sinagot ang tawag ni Mira.

["Hoy Attorney nasaan ka na ba?"]


"Papunta pa lang. Bakit ba pinag mamadali mo ako eh grooms men  lang naman ako."


["Gagi HAHAHA basta dalian mo na. Kelangan daw kumpleto bago mag simula ang kasal"]


"Pshh oo na."



MAKALIPAS ang ilang minuto ay nakarating na rin si Michael sa nasabing simbahan. Wala ng katao-tao sa labas kaya inisip ni Michael na nag umpisa na ang kasal.

Pag ka baba niya sa kotse ay may lumapit sa kanyang babae, nag taka si Michael nang suotan siya ng belo ng babae.


"Ate? Grooms men lang po ako." sambit ni Michael pero ngitian lang siya ng babae.


"Dito po tayo Sir." sambit ng babae at iginiya siya sa pintuan ng simbahan.


"Hala, pwede po bang sa gilid ng lang dumaan? Nakaka hiya po kasi nag sisimula na ata ang kasal."


"Hindi pa po, kasi kayo ang hinihintay."

"Ha?"



Hindi na naka sagot ang babae nang mag bukas na ang pintuan ng simbahan. Nag tataka man ay nag lakad si Michael papasok. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang nakatingin lahat sa kanya ang mga tao sa loob. Nakita niya ang pamilya niya sa kanang bahagi, kumakaway pa sa kanya si Mia. Naroon din ang buong pamilya ni Allen na ngayon lang niya uli nakita. Ang mga kaibigan niya ay naka ngiti sa kanya. At higit sa lahat, si Allen ay nasa unahan ng altar at naka tingin rin sa kanya.


Napag tanto na ni Michael ang lahat. Hindi si Hazel ang ikakasal kay Allen kung di siya. Ngayon ay naintindihan na niya ang lahat. Kinuha muna niya ang invitation na nilagay niya sa bulsa niya at binuksan, gusto niyang maka sigurado.


You are invited at Allen's and Michael's wedding.


Nabitawan ni Michael ang invitation. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil hindi manlang niya iyon binuksan. Edi hindi sana siya parang tangang nag eemote sa gilid.


Nag umpisa ng maglakad si Michael palapit sa Altar. Nakangiti sa kanya ang lahat ng naroon, mga dating kaklase, kakilala, ka trabaho, at lahat. Ramdam na ramdam niya ang pag tanggap.


Napa luha na lang si Michael sa saya. Ang akala niya ay hindi na mangyayari ang lahat ng ito.


Sampung taon na ang nakakalipas ng ipinangako nila sa isat-isa na ikakasal silang dalawa at ngayon ay nangyari na. Bumabalik lahat sa kanya ang mga ala-ala noong nag sisimula pa lang sila.


"What are you doing?" tanong ng isang malamig na boses, napatigil si Michael sa narinig at dahil na rin may matilos na bagay sa leeg niya.

"I'm getting water." Kinakabahang sagot ni Michael.

Nang tuluyan ng maka lapit sa Altar ay inilahad ni Allen ang kamay niya na tinanggap naman ni Michael.


"Ngayon ay sisimulan na natin ang pag iisang dibdib nina Kian Allen Olga at Juan Michael Bueno."


Nag umpisa na nga ang seremonya ng kasal nilang dalawa hanggang sa...


"Michael, do you take Kian Allen Olga as your wedded husband for sickness and in health?"

"Yes po, I do."

"How about you Kian Allen Olga. Do you take Juan Michael Bueno as your wedded husband for sickness and in health?"

"Of course, I do."

"You can now insert you rings while saying your vows."

Lumapit ang isang bata sa kanila na kamukha ni Kurt na dala ang singsing.
Si Allen ang unang kumuha ng sing sing.


"I Kian Allen Olga, will always love you forever. I promise to take care of you and will not let you cry anymore because of me. I will not leave your side again and will just stay by your side until I die. I want to thank you for waiting for me and this moment for the past 10 years. And also, I thank God for letting me met someone like you who change my life. I love you." sambit ni Allen habang deretsong nakatingin sa kanya at sinuot ang singsing sa kanya.


Si Michael naman ang kumuha ng singsing. "I Juan Michael Bueno, will always love you too forever. I will also stay by your side, to your ups and downs. I will not leave you. Waiting for 10 years until this day is all worth it. I did not regret loving you because it is one of the best thing I did in my life. I want to tell you that, I'm also thankful that I met someone like you. I love you too my bipolar." at sinuot ang singsing sa daliri ni Allen.

"You may now kiss each other to seal your love forever."



Ngumiti sa kanya si Allen saka tinaas ang belo niya at hinawakan ang mga pisngi at unti-unting inilapit ang mga labi sa isat-isa. Tumagal ang halik nila ng ilang segundo.

"I now pronounce you as husband and husband." Nag palakpakan ang lahat.

"I love you Michael, thank you for waiting."


"I love you too. Me waiting is all worth it."


Pumasok siya sa mansion ng mga Olga bilang isang hardinero. At, nag kagusto sa isang anak ng mga Olga kahit alam niyang bawal ito. Nag kalayo sila ng ilang beses, at nag ka tampuhan at layuan sa isat-isa ng maraming beses. Sinong mag aakala na sa kasalan rin pala ang bagsak nila?



I will always love Kian Allen Olga for the rest of my life and for eternity. Meeting him is the most wonderful moment in my life. Thank you all for being with us until this very moment.


I, Juan Michael Bueno, the certified chismoso at hardinero is now signing of with my bipolar...


****

We have reach our end. Thank you for reaching this part. I love you all. So next part is about the series 2 of Forbidden Love Series.

Continue Reading

You'll Also Like

17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
2.3M 58.8K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson
880K 39.9K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.