My Bipolar (Forbidden Love Se...

By MauR13S

108K 5.5K 518

Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
AUTHORS NOTE
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHARACTER'S PROFILE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
LAST CHAPTER
EPILOGUE
ABOUT SERIES 2
SPECIAL CHAPTER 1
Series 2
Related Stories
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 42

1.2K 68 2
By MauR13S

"Michael, tawag ka daw ni Sir Hanz dun sa office niya." napalingon si Michael sa likod niya nang marinig si Mira. Ibinaba niya ang hawak na pandilig sa gilid.

"Bakit daw?"


Nag kibit-balikat ang dalaga. "Hindi ko alam eh."


Tumango si Michael. "Sige."



Nag lakad na si Michael palabas sa garden at nag tungo sa office ni sir Hanz na nasa second floor. Katabi lamang ito ng office ni Maam Christine. Huminga muna ng malalim si Michael bago kumatok sa pinto.

"Come in." boses ni Sir Hanz mula sa loob. Dahan dahang binuksan ni Michael ang pinto. "Have a seat."


Tumango si Michael at nag lakad palapit sa upuan at naupo. Parang mag nag kakarera sa dibdib niya sa sobrang kaba.


"I guess you already have an idea on why did I called you here right?" seryosong sambit ni Sir Hanz. Tumango ng mabagal si Michael.

Syempre alam niyang may kinalaman ito kay Allen.


"I know you two already fell apart but I still have my doubts because you two are staying on the same mansion." napatitig lang si Michael habang pinakikinggan ang amo. "So, I want you to leave the mansion."


Tila naputol ang pag hinga ni Michael sa sunod na narinig. Dapat ay inasahan na rin niya na mangyayari ito.


"But, I'll give you consideration since you're a good gardener. I will let you stay here until the Christmas break came" 3 weeks from now on. "I will not take away your scholarship, and its up to you where will you gonna stay."

Tumango lamang muli si Michael. Hindi rin naman niya alam kung ano bang dapat sabihin.


"You don't really love my son, don't you?" napatunghay si Michael sa sinambit ng amo.


"Mahal ko 'ho ang anak niyo." Michael said honestly. Alam na din naman ng amo niya ang naging relasyon nila ni Allen, ano pang dapat niyang itago?


"Then why aren't you doing something?"


Pilit na ngumiti si Michael. Ito na ang pangalawang beses na may nag tanong sa kanya ng ganito. "Pag po ba may ginawa ako mag babago ang isip niyo?"


"No."


"Yun na nga po eh, pwede ko rin naman pong itry na mag maka awa sa inyo para lang pakinggan niyo ako at mag bago ang isip niyo. Kaso, si Kian na po ang nag desisyon nito eh. Oo, pareho kaming nasasaktan. Pero, ginawa po niya yun para sa ikabubuti naming dalawa."


"Namin?"


"Opo, alam ko naman pong ikakasal siya kay Ms. Hazel balang araw pero wala rin akong ginawa kasi nag tatalo ang isip ko, gaya ng kung pipigilan ko ba iyon at kung mapigil ko man ay may maiibigay ba akong magandang buhay sa kanya kung sakin siya sasama lalo na kung walang suporta mula sa inyo? Sa tingin ko hindi. Kaya, bago ako gumawa ng paraan para mabawi si Kian, gusto ko may katayuan na ako at kayang kaya ko ng lumaban sa inyo."saglit na tumigil si Michael at tumitig kay Sir Hanz "At hindi ko magagawa iyon kung mawawala ang scholarship ko, na dahilan kung bakit isinakripisyo ni Kian ang relasyon namin. Dahil alam ko, gaya ko ay gusto rin niyang matupad ang pangarap ko. At pag nangyari yun kukuhanin ko na siya sa inyo."


Hindi mabasa ni Michael kung ano bang reaksyon ang makikita sa mukha ng Amo.


"Let say that, 'that' time comes. What if he is already married?"


Yumuko si Michael. Hindi niya napag handaan ang tanong na iyon at kahit kailan alam niyang hinding hindi siya magiging handa.


"If that happens then all your effort will be wasted." sambit ni Hanz. "And haven't you realized that, you not fighting for your relationship with my son is just like letting him go and marry someone else proving that you don't really love him?"


Michael froze. Ganun ba talaga? Mali ba talaga ang pananaw ko tungkol sa ginawa ni Kian na pag sasakripisyo? O baka naman hinihintay niya ako kung may gagawin ako para masalba ang relasyon naming dalawa?


Naguguluhan na si Michael. Pero biglang pumasok sa isip niya ang nakangiting mukha ni Allen.


"Hindi...kilala ko si Kian. Kung may gustuhin man siyang gawin ko para sa kanya ayun ay ang ipag patuloy ang pag aaral ko kahit hindi ko siya kasama. He will never be selfish to keep me beside him, thinking that I will lose my scholarship because of him."


Kita ni Michael kung paano nag iba ang ekspresyon ni Sir Hanz. "Mahal na mahal ko po ang anak niyo Sir. Kahit ilang buwan lang po ang inilagi ko rito sa mansion, hinding hindi po mag babago iyon"


"Given by his condition?"


"Yes po, kahit bipolar pa siya. Sa tingin ko ay ayun ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya eh." ngumiti si Michael. "Sir, anak niyo po si Kian. Kahit ganun siya hindi yun mag babago at alam niyo rin kung ano ba talagang ikasasaya niya."


Nang matapos ang usapan ng dalawa ay bumalik na si Michael sa kwarto at nahiga sa kama. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para mangatwiran sa amo niya.

3 weeks nalang at kailangan ko ng umalis sa mansion.



Napabuntong hininga si Michael. Malungkot siya hindi dahil sa mawawalan siya ng trabaho kundi dahil sa wala ng kasiguraduhan kung makikita pa niya si Allen kapag umalis siya. Isa pa, Iniisip rin niya na ano na lamang ang sasabihin ng pamilya niya sa oras na malaman nila ito. Lalo na ng tiya niya na nag recommend sa kanya.

Alam ni Michael na madidismaya ang mga ito kapag nalaman nila, pero hindi na kaya ni Michael na itago pa sa mga ito ang mga nangyari. Handa na siya kung ano man ang sasabihin ng pamilya niya.

Hays miss ko na si Allen.



GAYA ng dati ay maagang nagising si Michael para mag dilig ng halaman. Wala ng isang buwan ang ilalagi niya rito sa mansion kaya naman aalagaan na niya ito ng husto.

"Good morning Kuya Michael!" napa-pitlag si Michael sa biglaan na namang sulpot ni Kate.

Imbis na mag reklamo ay yumuko si Michael kapantay ni Kate at tinapik ang ng mahina ang ulo nito saka ginulo ang buhok. Kapag umalis na siya sa mansion ay isa ito sa mga mi-miss niya, ang pang gugulat ni Kate.

"Kuya Michael, do you have quarrel again with my brother? I just noticed that Kuya Allen is not going to school and I can't see you two together for the past few days." sambit ni Kate na halata ang pag tataka. Napa buntong hininga naman si Michael saka tumayo na.

"Ano kasi..." napakamot si Michael sa batok niya. Hindi niya alam kung paano niya ipaliliwanag ang lahat kay Kate.

"Hmm?"

"Sabihin na lang natin na, he let go of me for my sake."

Napatitig naman sa kanya si Kate at bigla siyang niyakap. Napakagat sa ibabang labi si Michael. Hindi niya alam pero sa tuwing may yumakap sa kanya ay tila ba laging gustong kumawala ng mga luha niya.

"Are you okay?" tanong ni Kate.

Tumango tango naman si Michael. "Kung may mas nasasaktan man ngayon, yun ay ang kuya mo." sambit niya pa.

"Hays...that's why Kuya is not going out from his room. I felt bad for the both of you..."

"Pwede bang kamustahin mo nalang ang kuya mo ag yakapin mo na rin siya para sakin ?" tanong ni Michael.

"Sure, besides its also my duty as his sister!" sambit ni Kate.

Ngumiti naman si Michael. "Thank you Kate."



WALANG EMOSYONG nakatitig lamang si Allen sa bintana ng kwarto niya habang pinapanood sina Michael at Kate sa ibaba. Hindi mawari ng binata kung anong nararamdaman niya.

Mula nung dumating siya sa mansion galing sa Tagaytay ay hindi na siya muling umiyak pa dahil tila wala ng mga luha ang kayang lumabas mula sa mga mata niya at tanging bigat lang sa dibdib ang nararamdaman niya.

Ilang araw ng hindi lumalabas ng kwarto si Allen kagaya lamang dati nung hindi pa dumadating si Michael sa mansion. Namumutla na naman ang balat niya dahil sa hindi siya naarawan, tila ba nasanay na ito sa sikat ng araw mula nung dumalas ang pag labas niya.

Sobrang namimiss na niya ang pag yakap kay Michael at ang pag hawak sa mga kamay nito. Ayaw niyang pag sisihan ang desisyon niya kaya tinatak niya sa isip niya na yun ang tamang gawin para sa kanila.


Siguradong maiintindihan siya ni Michael.

Tok*tok*tok*

Napa baling ang tingin ni Allen sa pinto nang makarinig ng katok. Marahil ito ay isang maid dala ang agahan niya. Medyo naninibago rin si Allen sa pag babagong ito. Nasanay siya na nakangiting mukha ni Michael ang palaging sumasalubong sa kanya tuwing umaga dala ang tray ng pag kain nila.

"Come in." sambit ni Allen.

Narinig niya ang pag bukas ng pinto. Doon na nga pumasok ang maid na si Mira dala ang tray ng breakfast niya.

"Kain na po kayo Sir." sambit ng dalaga.

Hindi nag salita si Allen at nag lakad na lamang papunta sa may table saka nag umpisa ng kumain. Bread toast at gatas lamang ang ginalaw ni Allen dahil wala naman siyang gana.

"How's Michael?" hindi napigilan ang sariling tanong ni Allen sa maid.

"Ma ayos naman po siya." magalang na sagot ng dalaga.

"Really?"


Tumango ang dalaga. "Opo, nasasaktan pa rin po siya pero kinakaya niya."


Napa tango nalang din si Allen."thanks." sambit niya at mahinang tinulak ang tray. Senyales na tapos na siyang kumain. Walang imik namang kinuha ng dalagang si Mira ang tray at lumabas na sa kwarto.


Pabalik na sana siya sa may bintana nang muling bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Kate.

"Brother!" sambit ni Kate at dali-daling lumapit sa kanya at yumakap.

"Kate?" medyo takang tanong ni Allen sa kapatid.

"I heard what happened from Kuya Michael. You must have been hurting so much, enduring it all alone." sambit ni Kate na nasundan ng pag hikbi.


Lumambot ang ekspresyon ni Allen dahil sa sinabi ng kapatid, yumuko siya kapantay nito at niyakap ito ng mahigpit.

"Kuya Michael requested that I should hug you for him." sambit ni Kate. "He loves you so much Kuya Allen."


Doon na nag bagsakan ang mga luha ni Allen na naipon sa loob niya. Marinig lamang ang pangalan ni Michael ay nasasaktan na siya.


"Shh Kuya, I know someday will come and you two can love each other with out worries just happiness and freedom." sambit ni Kate.


"I wish."


"You don't need to wish it Kuya because your love for each other will find it's way to meet again at the right time." sambit muli ni Kate.


"Yeah...thank you. I can't still believe you're my ten year old sister."


"Ako pa"




****







Continue Reading

You'll Also Like

228K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
16.5K 739 21
Daphne Luke Salvador and Loxias Henry Perez: They're like the moon and sun. He who runs after him, and he who keeps running away. But, what will happ...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...