Mr. Right (Under Revision)

Av miss_melle

55K 1.1K 31

(Completed) Warning: Mature Content | R-18 Kapag nagmahal ka kailangan tanggap mo kung ano ang taong minahal... Mer

Synopsis
A/N
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18

Chapter 11

1.3K 55 1
Av miss_melle

Ella POV

Naging abala ang araw namin ni Stephanie dahil sa paghahanda ng darating na board meeting. Maraming posibleng investors ang darating kaya naman sinisikap naming maging maganda ang kalalabasan ng meeting.

Habang abala kami sa loob ng opisina ay biglang kumatok at pumasok sa loob ang sekretarya kong si Jenny kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Yes Jenny?" Tanong ko sa kanya habang isinasalansan ang mga papeles na nasa ibabaw ng aking mesa.

"Mam, fifteen minutes before the meeting." Saad nito na tinanguan ko.

Tumayo ako saka iniabot sa kanya ang mga papeles na gagamitin para sa meeting. "Okay. Dumating na ba ang mga bisita natin?"

"Yes mam, at nasa conference room na po silang lahat."

"Good, sige na, mauna ka na at susunod na kami."

Nang makalabas si Jenny ay napatingin ako kay Steph ng bigla itong magsalita.

"Sana maging maayos ang meeting natin ngayon. At sana may makuha tayong mga bagong investors." Anito.

Tumango ako bago ngumiti sa kanya. "Don't worry, what Daniella wants, Daniella gets. Kaya sisiguraduhin kong may pipirma ng kontrata."

Ngumiti si Stephanie saka lumapit sa tabi ng mesa ko. "Well, hindi naman ako nag-aalala dahil sigurado akong may pipirma. Huwag lang iinit yang ulo mo." Anito.

Inikutan ko siya ng mata saka inayos ang sarili. Sinipat ko muna sa harap ng salamin ang aking mukha bago naglagay ng pulang lipstick sa labi.

"Pwede ba bes, kahit isang araw lang. Pigilan mo muna yang init ng ulo mo. Hindi nakakaganda sa imahe ng kompanya yang katarayan mo. Kaya walang gustong mag invest dahil takot sayo."

Tiningnan ko siya ng nakataas ang isang kilay habang nakapamaywang, nang biglang tumunog ang personal cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa.

Agad na kumunot ang aking noo ng makitang unregistered number ang rumihistro sa screen ng cellphone ko, kaya naman nagtaka ako.

Hindi ko kasi basta na lang ibinibigay kung kanino ang personal number ko kaya wala akong ideya kung sino ang tumatawag.

"Yes?!"

"A-Ate Ella.." Sumisinghot na anito sa kabilang linya.

"Hello...! Nadine?!" Gulat akong napatingin kay Steph nang marinig ang boses ni Nadine. Halata rin sa boses nito na umiiyak ito.

"A-Ate Ella." humihikbi nitong ani. Kaya agad akong nag-alala sa kanya.

"Hey! What happened to you? Why are you crying?" Salubong ang kilay kong tanong kay Nadine. Umiiyak na rin ito habang kausap ako sa telepono.

"A-Ate pwede ka bang p-pumunta sa school namin n-ngayon." Umiiyak niyang ani sa kabilang linya.

Tumango-tango ako habang nakatingin kay Stephanie na nakakunot ang noo sa akin.

"Okay, I'll be there. Stop crying, hmm. Pupunta na si ate dyan okay! Don't worry." saad ko saka pinutol ang tawag niya.

Nagmamadali kong kinuha ang aking bag at inilagay sa loob ang cellphone habang patuloy ang pagsasalita at pagbibilin kay Stephanie ng about sa meeting.

"Bes pasensya ka na ah. Kailangan ko kasing puntahan si Nadine. She needs me. Kaya ikaw na muna ang bahalang humarap sa kanila. I know you can do it at malaki ang tiwala ko sayo."

Hindi siya sumasagot kaya napatingin ako sa kanya.

Nakatingin lamang ito sa akin na may ngiti sa labi kaya kumunot ang aking noo.

"Bakit ganyan ka makatingin, aber?" Tanong ko sa kanya.

Umiling-iling ito saka lumapit sa akin bago sumagot sa tanong ko habang hinahaplos ang aking buhok.

"W-Wala naman. Masaya lang ako kasi may kakaiba sa mga mata mo habang nagsasalita ka. Para kasing hindi ikaw yung kausap ko." Sagot nito.

Inikutan ko siya ng mata kaya tinawanan niya ako. "Ano ka ba? Ngayon pa ba tayo magdadramahan? Kailangan ko ng umalis. Basta ikaw na ang bahala dito at sa lahat ng bilin ko, okay."

"Oo na. Don't worry ako na ang bahala dito. Go! your sister in law is waiting for you." Pang-aasar pa niyang ani sa akin.

Napailing na lamang ako at nagmamadaling lumabas ng opisina.

Lahat ng empleyadong nakakasalubong ko ay bumabati sa akin. At lahat din sila ay napapatigil at natutulala sa tuwing ngingiti ako at tatango sa kanila.

Napailing at natawa na lang ako sa mga naging reaksyon nila. Hindi tuloy maalis sa isip ko na ganon na ba ako naging kasama sa paningin nila para mamangha sila sa simpleng pagngiti at pagtango ko.

Siguro nga nagtataka sila kung anong masamang hangin ang nasinghot ko dahil sa laki ang ipinagbago ko. At aaminin kong dahil iyon lahat kay Nathan. Siya ang dahilan ng lahat kung bakit ako biglang nagbago. Kung bakit, simula ng dumating siya ay hindi ko na maramdaman na nag-iisa ako.

Nang makarating ako sa eskwelahan kung saan nag-aaral si Nadine ay agad kong itinanong kung nasaan ang principal's office na binanggit nito.

Hindi na ako kumatok pa at basta lamang pumasok sa loob ng silid nang walang paalam. Nakataas ang kilay at walang emosyon ang aking mukha na humarap sa mga taong naroroon.

Agad kong iniikot ang aking paningin upang hanapin si Nadine. Nakita ko siyang nakaupo sa isang sulok habang tahimik na nakayuko. May ilang pasa din ito sa mukha at braso.

"Nadine!"

Nang mag-angat ito ng mukha at tumingin sa akin ay agad na nag-unahan ang luha nito sa mata. Kaya nakaramdam ako ng awa sa kanya.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Gumanti din ito ng yakap sa akin habang humagulgol ng iyak.

"What happened? Ha? Bakit may mga pasa ka? What happened to you?!" Nag-aalala kong tanong sa kanya habang tinitingnan ang bawat pasa niya sa katawan.

Umiiyak lamang ito habang nakayakap at nanginginig ang katawan sa takot.

Napatingin ako sa mga taong nasa loob ng opisina. May dalawang estudyante na galit na nakatingin kay Nadine habang nasa tabi ng mga ito ang sa tingin ko'y mga magulang nila.

"Kayo po ba ang guardian ni miss Fernandez?" Tanong ng isang babae na nasa mid thirties na ang edad na lumapit sa akin.

"Yes, at kapatid ko siya." Nanginginig ako sa galit habang nakatingin sa mga ito.

Hindi ko alam kung bakit ganon ang aking nararamdaman. Basta hindi ko maipaliwanag. At isa lamang ang malinaw sa akin ng mga oras na iyon. Iyon ay ang protektahan si Nadine at ang lahat ng taong mahal ni Nathan.

"Pwede po ba naming malaman kong sino kayo at anong pangalan nyo?" Tanong ng lalaking nakaupo sa harap ng mesa. Naka pangalumbaba ito habang nakatingin sa amin. Para bang bagot na bagot habang kaharap kami.

Sinulyapan ko ang pangalan niya na nakapaskil sa desk name plate. Mukhang ito ang principal at sa hilatsa pa lang ng mukha nito ay hindi na mapagkakatiwalaan.

"I'm Daniella Alegre!" Galit kong sagot sa tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa mukha nito.

Agad na napaayos ito sa pagkakaupo at napatayo din ang ilang teachers na naroroon.

"At nandito ako upang tanungin kung bakit umiiyak at puro pasa ang kapatid ko. Now may makakapagsabi ba sa akin kung ano nangyari?" Tanong ko sa kanila.

Kita ko ang pagtitinginan nila sa isat isa na para bang nagtuturuan kung sino ang sasagot sa tanong ko.

No one messed with my family.

Tiningnan ko ang dalawang estudyante na parehong nakataas ang kilay pati na rin ang mga magulang ng mga ito.

Magsasalita na sana ang gurong nagtanong sa akin ng biglang sumagot ang isa sa ina ng estudyante sa harapan ko.

"Yan, yang kapatid mo ang balak mandaya sa exam. Ngayong nahuli siya, idadamay niya sa kalokohan ang mga anak namin." Galit na sigaw nito habang nakaduro ang daliri kay Nadine.

Nanlaki ang mata ko at agad na uminit ang ulo dahil sa kanyang ginawa at sinabi. Mabilis kong hinampas ng bag na hawak ko ang kamay niya kaya napasigaw ito sa sakit at masamang tumingin sa akin.

"Isang duro mo pa sa kapatid ko at sisiguraduhin kong puputalan kita ng braso!" Mahinahon ngunit may talim ang pagbabanta.

Nanlaki ang mata nito sa galit at sumigaw na tumayo.

"Walang hiya ka! Kaya pala ganyan ang kapatid mo kasi nagmana lang sayo! Mga walang modo at pinag-aralan!" Muling sigaw nito.

Agad na lumapit ang principal upang hawakan ito sa akma nitong pagsugod sa akin.

Maging ang ibang teachers na naroroon ay umaawat na dito habang nakahalukipkip lang akong nakatingin sa kanya.

"Nadine, gusto kong malaman ang buong katotohanan. Don't worry, dahil sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo."

Hindi sa kinakampihan ko si Nadine pero sa ikli ng panahon na nakilala ko ang mga kapatid ni Nathan ay alam kong napalaki sila ng maayos at tama ng lola nila. Kahit pa nga lumaki sila na walang magulang, alam kong naturuan sila ni Nathan ng tama. At lumaki silang may dignidad at takot sa diyos. Kaya naniniwala ako sa anumang sasabihin niya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya kaya umiiyak itong tumingin sa akin.

Tumango ako at hinaplos ang buhok niya at likod. "Huwag kang matakot Nadine, tell us what happened." 

Kita ko ang panginginig ng katawan niya kaya nginitian ko siya upang kahit papaano ay kumalma siya.

"Nandito lang si ate. Poprotektahan ka ni ate, okay."

Tumango siya saka tumingin sa mga kaklase.

"H-Hindi po ako nandaya sa exam. H-Hindi ko po magagawa yon. S-Sila... Sila po ang k-kumuha ng mga exam sa faculty. Sila po ang balak mandaya at hindi ako." Huminto ito sa pagsasalita at humagulgol sa pag-iyak kaya hinawakan ko ang kamay niya.

Tumingin siya sa akin kaya tinanguan ko siya bago pinisil ang kamay niya.

"T-Tapos p-pinilit nilang itago at ilagay sa bag ko p-para magamit nila. N-Nung hindi po ako p-pumayag sinaktan nila ako. P-Pinagtulungan nila ako."

Nanginginig ako sa galit na napatingin sa mga kaklase nito at sa mga magulang na nakangisi sa akin.

Kumuyom ang kamao ko sa galit habang paulit ulit na nagmumura ng mahina.

"Hoy! Huwag kang gumawa ng kwento. Ikaw itong nandaya tapos idadamay mo sila. At saka wala kang ibidensya sa mga sinasabi mo. Baka hindi mo kilala kung sino kami." Ani ng ina ng kaklase ni Nadine.

Matalim ko itong tiningnan bago tumayo at pilit na ikinalma ang sarili. Humarap ako sa principal saka nagsalita.

"Mr. Dapilas, siguro naman ayaw mong mawalan ng trabaho? At sigurado akong ayaw mo ding malaman ng lahat ang mga kalokohan mo?"

Namumutla itong napalunok ng laway kaya ngumiti ako. "Now, pwede ko bang malaman kung may cctv ang bawat sulok ng eskwelahan na ito?" Tanong ko sa kanya kaya tumango ito.

"Good! Gusto kong ipakuha mo ang copy ng cctv at gusto kong bigyan nyo ng bagong exam ang tatlong batang ito ngayon sa harapan ko. Gusto kong makita kung sino ang totoong nandaya. I want the result as soon as possible. Habang hinihintay natin ang copy ng cctv sa faculty at sa lugar kung saan nila sinaktan ang kapatid ko. Nagkakaintindihan ba tayo Mr. Dapilas?!"

"Y-Yes mam." Namumutlang sagot nito.

Humarap ako sa mga kaklase ni Nadine at sa magulang ng mga ito.

"Ngayon, kapag napatunayan kong walang kasalanan si Nadine at makita mismo ng dalawang mata ko na sinaktan nyo siya, I want these two ingrate out of this school. Gusto kong i-expelled nyo sila sa harapan ni Nadine, ora mismo!"

Nanlaki ang mata ng magulang ng mga ito saka galit na humarap sa akin.

"Hindi mo magagawa yan! Bakit sino ka ba, ha?! Anong karapatan mo para gawin sa mga anak namin yan!?" Sigaw muli ng isa sa mga magulang.

Ngumiti ako sa kanila saka sumagot.
"Trust me, kaya kong gawin yan! At huwag kayong masyadong mainip. Malalaman nyo rin kung sino ako!"

Agad na nag-utos ang principal na kuhanin ang kopya ng mga cctv, habang pinaupo naman ang dalawang kaklase ni Nadine at binigyan ang mga ito ng answer sheet. Pinaupo din si Nadine malapit sa tabi ko habang nakatingin ako sa kanya.

Nagsimula na silang sagutan ang exam na ibinigay sa kanila ng teacher.

Pagkalipas ng labing limang minuto ay natapos na ni Nadine ang exam habang kumakamot naman sa ulo ang dalawang kaklase nito na para bang nahihirapan kaya napailing na lang ako.

Kalahating oras bago natapos ang mga kaklase ni Nadine sa pagsagot sa exam. Agad na ichineck ng teacher ang mga test papers nila.

Dumating na rin ang kopya ng cctv at agad din naman naming pinanood ito. Kitang kita sa cctv ang kuha sa loob ng faculty at pagpasok ng dalawang estudyante at pagkuha ng mga ito ng mga test papers.

Kita rin sa kuha ng cctv ang parteng labas ng ladies comfort room kung saan pinagtutulungan nilang saktan si Nadine habang nakaupo na ito sa sahig.

Napatayo ako at humarap sa mga kaklase ni Nadine saka matalim silang tinitigan.

"Sisiguraduhin kong itong eskwelahan na ito ang huling tatanggap sa inyo. Hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa nyo sa kapatid ko!"

Nang lumabas ang resulta ng exam ay nagulat ang lahat dahil ninety seven percent ng exam ang nakuhang tama ni Nadine habang bagsak at wala pa sa kalahati ang dalawang estudyante.

Agad na umaksyon ang principal pati na rin ang mga teachers dahil sa ginawa ng mga ito.

Tulad ng sinabi ko ay pinatawan ng parusa ang dalawang estudyante kaya galit na galit ang magulang ng mga ito.

Bago kami umalis ay humarap muli ako sa mga magulang ng kaklase ni Nadine saka nakangising tumingin sa kanila.

"What did I tell you? Kaya ko hindi ba? Oh and by the way, I'm Daniella Alegre at ako lang naman ang isa sa board members ng eskwelahan na ito."

Tumatawa akong tumalikod sa harapan nila habang hawak ang kamay ni Nadine at umalis sa loob ng principals office.

Inakbayan ko siya saka kami naglakad patungo sa parking lot ng eskwelahan.

Fortsett å les

You'll Also Like

185K 2.7K 67
S.P.G Doctor Series #1 Nasa kanya na ang lahat magandang buhay, kagwapuhan, at tinitilian ng maraming kababaihan. Ang lalaking walang nais gawin sa m...
767 95 14
Cassidy is a lone gamer. Napakapait ng buhay niya, ngunit isang unexpected na tao ang nakapag-pabago nito. Is it really okay na ma-fall ka sa teacher...
38.6K 1.8K 44
WARNING: MATURED CONTENT | R-18 | Zeki White is savage. wild. vicious. the reckless and daredevil person you will ever meet. He will exterminate anyo...
96.7K 3.5K 31
MATURE CONTENT | R18 | SPG | Complete Edward Steven Walker Edward Steven Walker is a spy and a secret agent who works for the FBI. His latest mission...