Three Rings (Completed)

By cassvakeyk

58 32 12

Genre: Mystery / One-shot Vlogger. Friendship. Traitor. Death. A Call. On the cold night of All Saint's Day... More

Author's Note

Three Rings

30 15 10
By cassvakeyk

"Isang taon na ang lumipas nang 'di umano'y natagpuang patay ang isang sikat na vlogger sa kanyang mismong bahay. May kasama siyang dalawa pang bangkay na nawaring kaibigan ng nasabing biktima. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang salarin sa likod ng karumal-dumal na krimen na ito. Nagbabalita, Lito Sanchez."

I slowly opened my eyes the moment I heard a voice from somewhere. Sinalubong ako ng malakas na tunog ng telebisyon at malamig na simoy ng hangin na mula sa siwang ng bintana.

Where am I?

I sat down, still barefooted, as I've just realized that I'm lying on the cold wooden floor of this room. I scanned the whole dim lit place and there's no one in here but me.

Nagulat na lang ako nang kasabay ng pagkatayo ko ay nakita kong may tumulo sa sahig. Patuloy ang pag-agos ng pulang likido sa sahig na hindi ko alam kung saan nanggaling. I crouched to see what it is.

Dugo?

Kasabay ng pag-imbestiga ko kung ano ito, biglang sumakit ang tenga ko at gumawa ng matitinis na tunog. I tried to reach it so that it will stop making noisy sounds but was surprised when I felt a red viscous liquid flowing from it.

My eyes widened in shock by the sight of my own blood dripping from my ears. Kinabahan ako sa pagkakakita rito kaya hindi ko malaman ang gagawin. Bakit may tumutulong dugo sa tenga ko? Ano bang nangyari sa'kin?

Sumigaw-sigaw ako pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Para akong pinutulan ng dila upang hindi ako makapagsalita! Kinapa ko ang bibig ko at humarap sa salamin. Laking gulat ko nalang sa napagmasdan ko.

My face was pale white and my skin was like that of a corpse. I was terribly horrified by the sight of my bloody pink satin sleepwear. Nang sinubukan ko namang sumigaw ay hindi ko mabuka ang bibig ko. 

That's when I knew that someone brutally stitched my lips from the inside.

Napahagulgol na lang ako ng tahimik at gumawa ng kakaunting mga tunog dahil hindi ko rin magawang sumigaw. Sino ba ang hayop na gumawa sa'kin nito? Bakit ba ako nandito?

Hot tears streamed down my pale cheeks as I've tried to recollect on how I've ended up here.

Am I dead? Is this the afterlife? But why am I still in this room? Is my soul still wandering like in the movies?

My line of thought was interrupted by a sudden call from somewhere. Binalingan ko ang pinanggagalingan ng tawag. Nang makita ay mabilis akong pumunta rito para humingi ng tulong.

I saw a black cellphone lying above a side table near the king-sized bed. Nakita ko ang pamilyar na numero na nakaukit dito na tumatawag. Sasagutin ko na sana pero biglang namatay ang tawag.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto sa k'warto. Sa pagmamadali, nagawa ko na lang magtago sa ilalim ng kama upang hindi ako makita nito. Hoping that I won't be hurt if I hide from the person's presence.

I saw how the shoes of someone familiar walked near my position. Pinigilan ko ang hininga ko para hindi makagawa ng tunog. Unti-unti siyang nalalapit sa kinaroroonan ko at bigla siyang huminto nang nasa harap ko na.

Umupo siya sa kama habang nakalawit ang mga paa sa harapan ko. Akala ko ay ligtas na ako nang unti-unti niyang niyuko ang ulo niya at nilibot ang mata sa ilalim ng kama.

"Ano 'yun?" bulong niya saka pinagpatuloy ang pagmamasid.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang pamilyar na tao na nakatingin sa'kin ngayon. I stared at its soulful eyes pero napagtanto kong hindi niya ako nakikita.

"Guni-guni ko lang 'ata." Umupo na ulit siya ng maayos na parang hangin lang ako.

Bakit hindi niya ako napansin?

Saka na lang tumulo ang sandamakmak na luha nang maalala ko kung bakit ako nandito at sino ako.

---

One cold night of November 1, I pranked my friends to go to my house. It was just for fun. But something bad happened to us because of this person sitting above the bed I'm under.

I was currently fixing the ring light behind my Iphone. Balak ko kasing mag-live vlog ngayon sa IG ko dahil maraming nag-re-request. I fixed the fairy lights around my room and arranged my bed so that it will be an appropriate view.

After setting up, I changed my outfit to my pink satin sleepwear and applied a little bit of makeup to look blooming.

Humarap ako sa phone ko at pinindot ito para mag-record live na. Napangiti na lang ako nang makita kong dinagsa ang comments section at rumami agad ang views kahit alas tres na ng umaga.

"Hi guys! Welcome back to 'Fifty Shades of Graesha'!"

Inayos ko nang kaunti ang phone ko sa tripod para maganda ang view ko. Mahirap magkamali ngayon lalo na't naka-live ako. I smiled sweetly at my viewers before speaking again.

"So... I've made a poll on my twitter, kung anong mas prefer niyong prank ngayong Halloween. Sikat kasi ngayon 'yung mga pausong scary pranks." I paused to scroll on my twitter on the other phone on my hand.

"I've received a lot of suggestions regarding this at iyon ang ginawa kong options sa poll na ginawa ko. As of now, dalawa ang napili kong magandang prank para sa araw na ito."

Napahagikhik na lang ako sa harap ng camera habang iniisip na magiging successful nga itong prank na ito. Hindi kasi ako 'yung vlogger na mahilig mag-prank dahil more on hauls, reaction videos and make-ups ang laman ng channel ko. They won't notice if I was just pranking them or not.

"So today, naisip kong pagsamahin ang dalawang pinakamataas na votes sa poll na ginawa ko kagabi. Guess what? We're doing the 3 AM challenge prank call!"

Pumalakpak pa ako para ipakita ang tuwa sa gagawin kong prank. 3 AM challenge was supposed to be a ghost hunting around a village but since I don't have courage to do so, I will just scare my friends instead.

Nagbasa ako ng comments at napatawa nalang ako sa mga nakita ko.


Comments

-MAMSHIE! EGGZOITED NA Q SA PRANK MO!1!1!1!

-Pa-shout-out Idol!

-Stream "Dynamite" for clear skin!

-Porn porn - este sinong bibili ng popcorn!


"So... It's already 3 AM and I think most of them are still asleep kaya mas masaya diba?" Nagsimula na akong hanapin ang contact ng una kong tatawagan.

"Ang gagawin ko lang naman ay tatawagan sila saying that I'm scared of the house or something at papapuntahin sila dito sa bahay even though it's already 3 AM!" Tumingin ako sa harap ng camera para basahin ang comments saka napagdesisyunan na simulan na ang prank.

"Ready na ba kayo?" Tanong ko sa viewers ko saka nagsimulang i-dial ang unang i-pa-prank call ko para ngayong araw.


Comments

- ihi lang aq commercial muna

-AYAN NA WTF HDHSDCBHDGXUGDUAB

-★BASTA POST NI IDOL ⓛⓘⓚⓔ KO YAN.!!★ SANA LAGi KANG ACTiVE AH... para may #like kana may #comment kapa..😘😘❤♥❤😄😄 👇 👇 👇 👇 👇 👇 👇

-this is it pansitttt!!

-BILI NA KAYO POPPORN!!


1st Call

"So ang una nating i-pa-prank ngayong araw ay si... drum roll, please! Si... Joyce! My bestie!"

Tumawa pa ako dahil iniisip ko na ang magiging reaksyon ni Joyce sa oras na ma-receive niya ang tawag ko. Matatakutin pa naman 'yun kaya mapapapunta ko 'yun agad dito.

Pinindot ko na ang call button sa phone na hawak ko. The phone repeatedly rang but was answered on the third ring.

"J-joyce... This is G-graesha..." I pretended to be scared but right now my face was about to blow up because of laughter.

[ O? Rae? W-why are you calling?] Humikab pa siya kaya batid kong nagising lang ito sa tawag ko. Pinigilan ko ang tawa ko bago nagsalita muli.

"Joyce... I'm scared. Mom and Dad left to go to the cemetery and I'm left on our house alone. B-but... sa tingin ko ay h-hindi ako nag-iisa dito. J-joyce!" Nag-kunwari pa akong natatakot para mapaniwala ko talaga siya.

At tama nga ako.

[H-huy, Rae... 'w-wag ka naman magloko ng ganiyan, bes. Punyemas naman eh.] Tumawa-tawa pa siya pero nararamdaman ko na pinipilit niya lang 'wag matakot.

"J-joyce... please puntahan mo 'ko. Natatakot ako, J-joyce! Ahh!" Sumigaw pa ako at nagkunwaring tumakbo-takbo sa room ko para mapaniwala ko siya. Narinig kong napasigaw nalang din siya sa kabilang linya.

[Oh my god! Okay! s-sige! I'll be there! Hintayin m-mo 'ko ah!!] Binaba ko na agad ang tawag dahil hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Tumingin ako sa naka-live kong cellphone at tumatawa akong nag-thumbs up.

"Prank Call no.1! Success!" Tumawa pa akong muli at ganun rin ang viewers ko base sa mga comments nila.


2nd Call

Nag-umpisa na akong i-dial ang sunod na numero na walang iba kung hindi ang boy bestfriend ko na si Paul. Hindi siya madaling matakot at in fact siya pa nga ang tagapagtanggol sa'ming tatlo ni Joyce.

Nag-ring nang tatlong beses ang pagtawag ko kay Paul bago niya ito sinagot. Garalgal pa ang boses niya nang sinagot niya ang tawag ko.

[Ang aga-aga Graesha Fabell! Ano ba 'yun, babe?] Tinawanan niya ang huli niyang sinabi kaya napairap na lang ako sa hangin. Kaya kami napagkakamalang mag-on dahil sa mga ganiyan niyang mga biro eh.

Sinimulan ko na ang pang-pa-prank at sana naman ay mapaniwala ko siya.

"P-paul... Tulungan mo ko..." nanginginig kong sambit.

Narinig kong parang napaupo si Paul dahil sa sinabi ko kaya sobrang pigil ko talaga sa tawa. Nakatakip na ang isang kamay ko sa bibig ko para walang kumawalang hagikhik.

[Ha?! Anong nangyari? Nasa'n ka?!] Narinig kong naglakad lakad na siya sa loob ng k'warto niya. I bet he's now preparing to go to me now.

"P-paul... I'm here in my room and I'm continuously hearing doorbells from below. Mag-isa lang ako dahil nasa sementeryo sila Mom and Dad. Paul... p-please, I'm scared." Mukhang napaniwala ko naman siya dahil narinig ko na ang tunog ng maingay na makina.

[Sige. I'm on my way, Rae.] sabi niya sabay patay ng tawag kaya hindi ko na naman napigilang hindi tumawa.

Isipin mo 'yun, ang pinakamatapang at matibay sa'ming magkakaibigan ay naloko ko. Bakit ba ang uto-uto ng mga kaibigan ko?

Tumatawa pa ako nang may marinig akong kaluskos mula sa bintana. Muntik ko nang mabitawan ang phone na hawak ko dahil sa gulat.

I walked near it check what was happening outside. Hinawi ko ang bughaw naming kurtina para masilip sa bintana kung anong dahilan ng kaluskos.

I tried to see what was outside but there's only darkness. Walang mga ilaw ang mga poste at nakapatay na rin ang liwanag mula sa mga kabahayan. Only the moon and a billion of stars was giving off light.

Akala ko naman kung ano na.

Bumalik na ako sa pagkakaupo at inayos muli ang phone na pinang-la-live ko sa aking tripod. Kung kanina ay nagulat ako dahil sa kaluskos, ngayon ay napatawa nalang muli ako dahil sa comments.


Comments

-OMG SHIPPPP<3333

-bb paul, i-comflirt mo si ate graesha!!

-kinikilig ako kay paul eye kennat---

-This is a safety turtle. He will protect you from chainmail and scary post. 🐢


Nagpatuloy na ulit ako sa pag-v-vlog at nakita kong 3:10 AM na pala. Siguradong malapit na ang mga kaibigan ko kaya kailangan ko nang ituloy ang pranks ko.

"So... Success ulit ang pangalawa nating prank! Ang shu-shunga ng mga kaibigan ko, noh? Bakit ba sila ganyan?" Tumawa ulit ako habang ni-di-dial na ang sunod kong papupuntahin dito sa bahay.


3rd call

"Ang sunod naman nating ipa-prank ay walang iba kung hindi... ang aking magandang pinsan! Si Sandra Fabell!" Nakita ko ang sunod-sunod na comments ng mga manoonood dahil sa pag-mention ko sa pangalan ng aking pinsan.

Isa rin kasing sikat na Vlogger si Ate Sandra. Ang mga content naman niya sa channel niya ay more on sports, gaming and pranks. Mas lalo pa nga siyang sumikat when Tita and Tito died because of an accident.

I called her on my other phone and after three rings ay saka niya palang sinagot. SInalubong ako ng malakas na tugtugan kaya bigla ko itong nilayo sa tenga ko.

[Couz! Why are you calling?!] sigaw niya dahil siguro hindi niya na marinig ang kabilang linya dahil sa ingay. I bet she's on a club again because that's her way of coping ever since her parents died.

"S-sands... Where are you? P-pwede ka bang pumunta dito?"

Loud party music was heard from the other line. There were even shouts and laughter from everywhere. Tiniis ko na lang ang ingay para mapaniwala ko si Ate Sandra.

[Pardon?! The music here is so loud eh! I can't hear you, Couz!] Nawari kong humina ang tugtugan at sigawan kaya sa tingin ko ay lumabas muna siya.

[Graesha, are you still there? Can you repeat it for me, please? Wala akong naintindihan.] Napaungol na lang ako sa frustration dahil kailangan ko pang ulitin ang sasabihin ko. Baka hindi na siya kasi maniwala kung ganu'n.

"A-are you in a club? Can you spare a minute for m-me? I'm scared here in the house eh. Lalo na at Halloween. Maraming ghosts, Sands." Muntik pa akong matawa sa huli kong sinabi pero hindi ko na lang pinahalata.

Lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin siya sumasagot. Naiistorbo ko ba siya sa clubbing niya kaya hindi niya ako mapupuntahan? Well, prank lang naman 'to eh.

Sasabihin ko na sanang 'wag nalang pero bigla siyang nagsalita gamit ang malamig niyang boses na sing-lamig ng gabi ngayon.

[Mag-isa ka lang diyan? Nasa'n sila Tita?]

"Y-yes, ate. But if you're doing som-" She cut me off.

[Don't worry. I'm on my way.] Saka niya binaba 'yung tawag.

Nakahinga naman ako nang maluwag pagkatapos ng tawag na 'yun. Kinabahan ako kay Ate Sandra. Madalas kasi cold siya sa mga tao pero mahal na mahal ako nu'n. Akala ko ay hindi ko siya maloloko pero uto-uto rin pala siya.

Nasa kasagsagan ako ng pagtawa lalo na ng mag-scroll na naman ako sa comments section.

Inayos kong muli ang phone ko. Balak ko sana ay 'yun na ang last pero nung nakita ko ang lastest comment ay napaawang nalang ang bibig ko sa gulat.

Si Xander tatawagan ko? Really?

He broke up with me dahil nawalan siya ng tiwala sakin. Masyado siyang kinain ng selos sa'ming dalawa ni Paul kahit magkaibigan lang kami. He's an asshole to punch Paul as he caught us hugging. Paul was comforting me that time because I was crying of my fight with Xander.

"Hi! So successful ang tatlong na-prank natin ngayong araw—" napatigil ako dahil biglang dumami ang comments na gusto nilang i-prank ko ang ex ko na si Xander.

"Uh... 'Wag niyo na pong ipilit si Xander. Matagal na po kasi kaming tapos eh. Sabi nga nila 'past is past, don't discuss'. Hehe." Ngumiti pa ako ng konti pero hindi nila 'yun naintindihan. Pinipilit parin nilang tawagan ko si Xander. Nakakainis!

I glanced at my wall clock and its 3:15 AM. Alam kong malayo pa ang bahay ng mga kaibigan ko pati ng pinsan ko kaya siguro naman ay pwede pa akong tumawag ng isa. Pero si Xander? Tama bang tawagan ko siya?

I sighed. I guess it's okay. It's been a year already. Baka bansagan akong hindi pa naka-move-on kung hindi ko pagbibigyan ang request ng mga viewers ko.

"Ok sige. Dahil marami na ang nag-request, tatawagan ko si Xander just to show you guys that I've already got over him and I'm not bitter na. Okay?" Napangiti na lang ako. Tama, 'pag napapunta ko siya rito ay kakausapin ko na rin siya. I just remembered na we didn't have a closure on our past relationship.


4th Call

I clicked the call button and my phone started ringing. Kagaya ng tatlong nauna, sa pangatlong ring din sumagot si Xander. Kinakabahan pa nga ako no'ng una pero nang marinig ko ang boses niya ay muntik nalang akong matawa.

[W-who... who is— Graesha?!] sigaw niya mula sa kabilang linya. Kung hindi prank call 'to ay kanina pa ako tawa ng tawa.

Gano'n ba siya kagulat na tumawag ako sa kanya? Bakit? Magagalit ba ang bago niyang girlfriend 'pag may connection parin siya sa ex niya?

"Yes, it's me Xander," mahinahon kong sabi.

Naisip kong imbis na takutin siya para mapapunta dito, sasabihin ko na lang na kakausapin ko siya regarding sa past namin. I want to clearly explain everything that he misunderstood. Hindi para magkabalikan kami pero para maging maayos na ang lahat.

[W-wha— Why? Why are you—Why are you calling me? Is everything alright?] Paputol-putol niyang sabi dahil siguro hanggang ngayon ay namamangha parin siya sa pagtawag ko.

"You're overreacting, Xander. I'm perfectly fine."

[Then, why are you...]

Huminga ako nang malalim bago sumagot muli. Ito na 'yun. Kailangan ko nang sabihin sa kanya.

"Xander... can you come to my house now? Kakausapin lang sana kita," mahinahon ko pa ring sabi. Shit! Ang hirap naman nito! Tumingin ako sa phone ko at puro "muling ibalik" na ang comments nila kaya pinipigilan ko ang pagkainis. 

Hindi siya nagsalita mula sa kabilang linya na parang naguguluhan sa pakiusap ko. Kahit naman ako ay hindi ko ine-expect na prank call ko pa pala ang magiging dahilan para makapag-usap kaming muli.

[I don't understand you, Rae. Anong pag-uusapan natin?]

"A-about us..." Para akong kinukuhanan ng kaluluwa sa kaba. Bakit ko nga ba ulit siya kinakausap?

[Oh... okay. I'm on my way.] Saka niya binaba ang tawag.

Parang gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng tawag. Napahinga na lang ako nang malalim bago nagbasa ulit ng mga comments. Kasalanan talaga 'to ng viewers ko eh. Masyado ko silang mahal kaya pinagbigyan ko nalang sila sa request nila.


Comments

-comeback iz reallll!!

-PauSha pa rin mga urur!

-ang bagal ng PLDT grr #japan-japan char HAHAHA

-#buloksiXanderniyo

-#bilinakayopoppornko

-hi ate, last na po talaga huhu. Since halloween naman po, para skaerie ay pwede niyo po bang tawagan 'yung sariling number niyo. Skaerie po kasi 'yun 'pag may biglang sumagot hihi ty ly mwah!

-AY BET Q YUN!

-bet ka ba???


Nagulat ako dun sa nag-comment. Hindi ko naisip 'yun, ah? Hindi ko pa siya na-ta-try pero sa tingin ko ay creepy nga kung biglang may sasagot ng number mo. Napagdesisyunan kong gawin ang request ng mga viewers ko.

"Ok so... for the last call for today. Nakita kong may nag-request na tawagan ko ang sariling phone ko, sa comments section. I don't know if it'll work, but there's no problem on trying it."

Ang tatawagan ko ngayon ay ang phone na hawak ko. Sa tingin ko naman ay hindi siya gagana, but for the sake of content, I will try it.


Last call

Pinindot ko na ang call para matawagan ang phone kong ito. Ang weird nga dahil akala ko ay unattended or busy ang magiging linya pero nag-ring muna ng tatlong beses bago namatay.

"I tried it na po. It didn't work on the first one so last try na and that's the end of the video." Nginitian ko ulit sila bago muling pinindot ang call sa phone ko.

Like the first time, It rang again for three times, but I almost jumped out of bed when someone answered the phone. Huh?! Bakit may sumagot? This is so creepy, my goodness!

Hinawakan ko ulit ang phone para tingnan ng mabuti at lakasan ang volume. Paano nangyari 'yun? I find it quite impossible. Pa'nong may sumagot na iba sa number ko kung... hawak ko ang phone ko?

"H-hello?" tanong ko kahit nangangatog na ang tuhod ko sa takot.

Nothing can be heard from the other side of the phone call so I thought it was just an error in the system. Not until some slow song is played.

[Lalalalalala...] Tunog pang-bata ang narinig ko mula sa kabilang linya. Parang sa horror movies na tunog ang meron sa kanta. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa takot. Gustong-gusto ko nang patayin ang tawag pero sabi ng comments ay hintayin ko raw muna.

[Lalalalalala...] Nagpatuloy lang ang pagtunog niya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtanong na.

"H-hello? Who is this?"

Natahimik muli ang kabilang linya kaya mas lalo akong kinilabutan. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil doon. Nagulat ako nang biglang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Kasabay noon ay isang matinis na sigaw mula sa kabilang linya at paulit-ulit na banta. 

[Ahh! You'll die now. Kill! You'll die now. Kill!] 

Paulit-ulit na parang sirang plaka ang sumisigaw na kung sino sa kabilang linya kaya mabilis kong pinindot nang mariin ang end call.

Hinahabol ko ang paghinga ko pati narin ang tibok ng puso ko dahil sa sumagot sa tawag. What was that? Posible bang may sumagot kung sariling number ko lang rin ang tinawagan ko?

Baka prank lang din?

Pagkatapos kong huminahon ng kaunti ay nagbasa muna ako ng comments para maibsan ang kaba ko. I saw a lot of comments that said it was creepy or they're scared and all.


Comments

-shuta ang creepy huhu

-bibo kasi yung nag-suggest ksp

-3 AM na tingnan niyo likod niyo baka may multo!

-Hoyyyy wag kayo manakottt

-I came here for fun but I ended up witnessing those scary shiz!

-baka 'yan 'yung partyline??? During 1870s ay nagkakaron daw kasi ng multiple lines tapos nakaka-interrupt sila ng tawag????

-intellectual ka ghorl?? Pero alam ko yun, my mom also told me that during her times, sikat yung mga ganyan na makakasama sa line mo tapos sila yung sasagot ng tawag. But I bet hindi na siya applicable sa ngayon. idk.

-tamang google lang HAHAHAHAH #teambobo

-listen and look and listen and learn

-ma-try nga din yan hikhok

-SOLD OUT AKO NGAYONG ARAW SA POPPORN! YES!!!


Napagdesisyunan ko nang tapusin na ang video dahil kahit ako mismo ay natatakot na. Saka siguro ay malapit na rin ang mga kaibigan ko dahil 3: 20 AM na rin naman.

"Hi... so ayun. That's the end of my video. As I've heard before, lahat sila ay napapunta ko so I'll consider my prank a success. Regarding naman sa last call, I think it was just an error. Although, nakakatakot pa rin siya, I've enjoyed naman my experience for today. I hope nag-enjoy rin kayo. That's the end! Goodbye! I hope you enjoyed the 'Fifty Shades of Graesha!' Stay safe!"

In-end ko na ang live ko saka pumunta na sa sala para maghintay sa mga paparating kong kaibigan. I'm sure all of them are near now. Well, hindi ko lang alam kay Joyce dahil Caloocan pa siya.

Nag-so-scroll lang ako sa phone ko para sa responses sa live ko kanina nang biglang may nag-doorbell sa labas ng bahay ko. Nagulat pa ako ng bahagya pero nang tiningnan ko sa hole sa labas kung sino 'yun ay napangiti nalang ako.

Binuksan ko ang pinto para papasukin na ang una kong bisita.

"Rae!" Mahigpit akong niyakap ni Paul. Nanginginig pa ang kanyang balikat na parang kanina pa kinakabahan dahil sa'kin.

Kumalas na siya sa yakap saka ako hinawakan sa dalawa kong pisngi.

"Are you alright? Are you hurt?" Hindi niya na ako pinasagot dahil niyakap ulit ako ng kaibigan ko. Napatawa nalang ako dahil ang OA niya.

"Paul... 'wag kang magagalit, ah? It's a prank! hehe." Pagkasabi ko nun ay akala ko hihiwalay na siya sa yakap pero mas siniksik niya lang ang ulo niya sa leeg ko.

"Don't... don't you ever try that stunt again, okay? Muntik na akong atakihin sa puso, Graesha Fabell!" Natawa pa ako dahil sa sinabi niya pero bigla itong napawi nang makita ko na kung sino ang naghihintay sa labas ng pinto.

He just stood there on the doorway. Fazed and shocked by the sight he just witnessed. Buti na lang ay tumigil din agad ang ulan kanina.

"So... you called me for... this?" mahinang sabi ni Xander na parang nasasaktan sa nakita niya.

Humiwalay na ako sa yakap kay Paul at ganun din siya dahil sa narinig niyang malalim na baritonong boses. Napaawang pa ang bibig ko dahil sa presensiya niya pero tinikom ko na lang ulit ito.

"I thought it's something important. Maglalandian lang pala kayo sa harap ko." Umiling-iling pa siya pero nakita ko ang lungkot sa mata niya bago siya tumalikod paalis.

Hinabol ko siya sa pinto at hinawakan ang braso niya para mapigilan siya. I was about to say a word but was then interrupted when I saw Sandra entering our gate. She was shocked to see the two boys in my house pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

"A-are you okay now? Graesha?" nauutal niya pang tanong sa'kin na parang kinakabahan.

Tumango na lang ako at sinabi sa kanilang tatlo na prank lang 'yun. Napatawa pa nga si Ate Sandra sa pagkamangha pero seryoso parin ang mukha ni Xander.

"Gagawan ko na lang muna kayo ng juice. Diyan muna kayo." Paalam ko pero pinigilan ako ni Ate Sandra at sinabing siya na lang daw. Tumango ako at umupo na sa gitna ng dalawang lalaking kasama ko na kung magtinginan ay parang magsusuntukan.

"Xander, Paul. I'm really sorry for pranking you guys. Sorry sa pag-abala s—"

"You will never be a nuisance, Rae," saad ni Paul sabay haplos pa sa pisngi ko kaya hinampas bigla ni Xander ang kamay niya.

"Don't touch her." 

Akma na siyang tatayo para makaalis pero biglang dumating si Ate Sandra dala ang mga juice. Amoy alak pa nga siya kaya halatang galing siya sa club eh.

Uminom lang muna kami ng juice at nag-kwentuhan. Madalas ay si Ate Sandra lang at si Paul ang nag-uusap at tahimik lang kami ni Xander. Ngayon lang kasi ako ginapangan ng hiya na kung bakit ko pa ba siya pinrank.

Pagkatapos kong uminom ng juice ay wala pa rin si Joyce. Ang tagal niyang dumating! Parang bigla akong nahilo nung tumayo ako pero buti nalang nahawakan ni Xander ang bewang ko.

"Be careful." Tumango na lang ulit ako pero huli na ang lahat nang magdilim ang paningin ko.

---

Nagising ako dahil sa sakit ng tenga at bibig ko. May naririnig akong matitinis na tunog mula rito. May nalalasahan rin akong kaunting dugo mula sa bibig ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagulat ako nang hindi ako makatayo dahil sa lubid na nakatali sa katawan ko. Mahigpit ito at napasinghap ako nang makita ang dalawa pang walang malay na katawan na puno rin ng dugo na katabi ko.

Bakit kami nandito nila Xander at Paul?! Anong nangyayari?

Sinubukan kong kumawala at sumigaw pero walang lumalabas na tunog mula sa bibig ko. Noon ko lang nalaman na pare-parehas tinahi ang aming mga bibig para hindi makagawa ng ingay. Pero ako lang ang may dumudugong tenga.

"Gising ka na pala," matinis na sabi niya bago naghakbang papalapit sa'kin. Nakita ko pa ang mala-demonyo niyang ngiti bago ako sinampal ng malakas.

"Sinungaling ka, Graesha! 'Yan ang napapala mo!" Sinampal niya akong muli pero hindi man lang ako makasigaw dahil sa pagkakatahi sa bibig ko. I just felt hot tears flowing down my cheek.

"You told me you're alone! Ngayon, wala na akong choice kundi patayin na rin silang dalawa!" Pagkatapos niyang sumigaw ay bigla siyang tumawa nang malakas.

No... This is not Ate Sandra.

This is not my lovely cousin anymore. Bakit niya 'to ginagawa sa'kin? Bakit?! May ginawa ba akong mali? Gusto ko siyang tanungin noon pero hindi ako makapagsalita.

"Naalala mo ba noon Rae? Tinawagan kita nu'n! Tinawagan kita nang paulit-ulit pero hindi mo sinagot! Naghihingalo na sila Mom and Dad noon pero wala ka! No'ng pangatlong ring sa pangatlong tawag, akala ko ikaw na ang sumagot pero iba! Tinakot niya ako ng kung ano-anong bagay na papatayin na raw niya ako, Rae! But I know it was you! Maybe you just pranked me like this time!"

Sinabunutan niya ako at sinampal-sampal muli pero wala paring tigil ang pag-agos ng luha ko. Nararamdaman ko na naman ang pag-agos ng dugo ko sa tainga ko.

Kelan siya tumawag? Wala akong naaalalang tumawag siya!

Umiiyak ako at siya naman ay tumigil na. Nagulat nalang ako nang bigla siyang kumuha ng gunting muli sa isang drawer. Lumapit siya na may bakas parin ng galit sa mukha.

"Dapat diyan sa tainga mo ay tinutusok para mabingi! Wala rin namang kwenta 'yan dahil hindi mo ginagamit!" sabi niya sabay tusok sa tenga ko kaya napasigaw ako sa sakit kahit walang lumabas na tunog sa bibig ko.

At doon na ako nawalan ng malay.

---

Nagtutuluan pa rin ang mga luha ko habang nasa ilalim ako ng kama at nagtatago. Si Sandra pala ang may kasalanan nitong lahat. At ano? Pinatay niya rin sina Paul at Xander? Bakit? Anong kasalanan nila?

Unti-unti akong umalis sa ilalim ng kama para harapin siya at sigawan. Tumayo ako sa harap niya at handa na siyang sampalin dahil sa galit nang biglang tumagos lang ang kamay ko.

H-huh?

Pinaulit-ulit ko pa ang pagsampal sa kanya pero lahat ito ay tumatagos lang. Napaupo na lang ako at umiyak.

Patay na ako. I'm just a wandering ghost seeking for answers for my unreasonable death.

Sino ba ang may kasalanan ng lahat ng ito? I didn't receive a call from her that night! At sabi niya may ibang sumagot ng tawag! That's not me!

Saka ko lang naalala noong nag-v-vlog ako. Ang huling tinawagan ko ay ang number ko at may iba ngang sumagot.

"Epal kasi 'yang Joyce na 'yan muntik pa akong mahuli at isumbong sa mga pulis."

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang napatalon sa gulat si Ate Sandra na nasa harap ko. Nagulat rin ako nang biglang tumunog ang phone niya. Napatakip na lang ako ng bibig ng makita ko kung sino ang tumatawag.

"B-bakit? Bakit tumatawag ang phone ni Rae? H-hindi ba pinatay ko na siya?" Nanginginig niyang tanong sa kawalan.

Sinagot niya ito kahit natatakot. Sinagot niya ito sa pangatlong ring at nanlaki nalang ang mata ko nang marinig ko na naman ang pamilyar na tunog.

[Lalalalala...]

'Yan din 'yung sumagot ng tawag ko last time! Sino siya? Sino?! Siya ba 'yung sumagot sa tawag ni Ate Sandra na hindi ko maalala? Siya ba ang may kasalanan ng lahat?

[You'll die now! Kill! You'll die now! Kill!] paulit-ulit na sinabi ng boses sa kabilang linya kagaya nung sumagot sa tawag ko noon.

Ganiyan din ang sinabi niya sa'kin kaya ngayon ay patay na ako. I should stop them if it was trying to kill Ate Sandra too. Alam kong masama ang ginawa niya but I completely understand her side as it was not her fault!

Nagulat na lang ako ng biglang magdilim ang paningin ko at naramdaman ko na naman ang pag-agos ng dugo sa tainga ko. But before I dissipate into thin air, I heard Ate Sandra's scream and a gunshot.

That's when everything went black at alam kong tuluyan na akong naglaho. Tuluyan na akong nawala kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang nasa likod ng sumasagot sa mga tawag namin.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Cashiwep

Continue Reading

You'll Also Like

29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
27.6M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...