Fall Again

By barbsgalicia

13.6M 219K 27.7K

After getting her heart ruthlessly broken, Leila believed that love is a murderer. She became as cold as ice... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
Special Chapter #1

Chapter 3

8.8K 152 21
By barbsgalicia

***FLASHBACK***

LEVI

"ANO 'YAN?" SERYOSONG tanong ni Levi nang ihain sa kanya ni Jerome, ang nakatatandang kapatid ni Leila, ang isang puting sobre.

"Bakit hindi mo kunin para makita mo kung ano 'to?" maanghang nitong sagot.

Tumingin muna siya paligid para makasigurong walang mga estudyante sa parking lot kung saan sila nag-uusap, at saka niya tinanggap ang sobre.

Kumunot ang noo niya nang makitang cheke na may halagang isang milyon ang laman no'n.

Tiningnan niya si Jerome nang masama. "Binabayaran niyo ako?"

"Kung 'yon ang tingin mo sa ginagawa ko, baka nga."

Galit niyang binalik ang sobre rito. "Hindi niyo ba talaga ako titigilan? Ano bang gusto niyo?"

"Simple lang, Mr. Levi Alarcon. Layuan mo ang kapatid ko."

Napangisi siya sabay umiling-iling. "Wala akong ginagawang masama kay Leila."

"Wala?" Nag-umpisa nang tumaas ang boses nito. "Sinisira mo ang buhay ng kapatid ko, alam mo ba 'yon? Tapos sasabihin mong wala kang ginagawang masama?"

Tinalasan niya ng tingin ang kausap. Pinipilit niyang maging kalmado kahit na ang totoo ay kanina pa siya napipikon. "Gusto ko si Leila. Seryoso ako sa kapatid mo. Papaanong sinisira ko ang buhay niya?"

"Tangina! Sinong ginagago mo rito? Anong gusto? Anong seryoso? My sister is just 15 years old!"

"Bakit, ano bang akala mo? Na niloloko ko si Leila?"

"Hindi ako naniniwalang mahal mo ang kapatid ko. Paano ako makasisigurong wala kang ibang habol sa kanya?"

Umigting ang panga niya dahil sa naramdamang pang-iinsulto. What does this Jerome really think? That he's one hell of a pervert man flirting with a high school girl?

"Ganyan ba ang tingin niyo sa 'kin?" matapang niyang sabi. "I don't have any plans of taking Leila's innocence away, if that's what you're thinking. Hindi ko rin habol ang yaman niyong mga Perez. May pera ako."

Napakuyom ito ng kamao. "Layuan mo ang kapatid ko. Hindi niya alam ang ginagawa niya. At ikaw, hindi mo na dapat siya pinapatulan. Ikaw pa nga dapat ang nagsasabi sa kanya na mali ang ginagawa niya dahil mas matanda ka." Bigla siya nitong nilapitan para angasan. "Hindi ka gusto ni Leila, naiintindihan mo ba 'yon? Masyado pa siyang bata para sa ganito. Kulang lang siya sa atensyon."

"At ano namang alam mo sa tunay na nararamdaman ni Leila? 'Di ba napakahigpit niyo nga sa kanya?"

"Wala kang pakialam kung paano namin pinalalaki si Leila. Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagagawa mo? You're her teacher and she's your student! Para mo na siyang kapatid, ah! Pwedeng-pwede kang makasuhan sa ginagawa mo, siguro naman alam mo 'yon."

Umiwas na siya ng tingin. Hindi siya makapaniwalang tinatakot siya ng isang lalaki na kung tutuusin, mas bata ang edad sa kanya. E kung suntukin niya kaya ito? Makalalaban kaya ito?

"Wala ka bang pasok?" sabi niya na lang. "Umalis ka na."

Hindi naman ito naapektuhan at nagpatuloy pa rin. "Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari kay Leila kapag nalaman ng St. Agnes ang relasyon niyo? She can be kicked out! At posibleng wala nang ibang eskwelahan ang tumanggap sa kanya. Gusto mo bang mangyari 'yon? 'Yon ba talaga ang gusto mo, ha? At ikaw, mawawalan ka rin ng trabaho kapag nahuli kayo."

Binalik niya rito ang tingin niya. "Alam ko na 'yan bago mo pa sabihin sa 'kin. Pero huli na para matakot pa ako. Pasensiya ka na, hindi ko na kayang bitiwan ang kapatid mo. Umalis ka na."

Bigla siyang kinwelyuhan ni Jerome! Namumula ang mga mata nito sa galit.

Umiwas lang ulit siya ng tingin.

"Huling beses ko na 'tong sasabihin sa 'yo, Mr. Alarcon," Jerome threatened in gritted teeth. "Layuan mo si Leila. Wag mo nang hintayin na ang papa pa namin ang kumilos. Dahil kapag nangyari 'yon, hindi lang ikaw ang mapapahamak . . . pati na rin ang kapatid mo."

Tila nagdilim ang paningin niya! Agad niya itong tinulak sa dibdib palayo at akmang sasapakin pa dapat, pero pinigilan niya ang sarili. Kinwelyuhan niya na lang din ito. His hands were shaking in anger. "Wag na wag niyong idaramay ang kapatid ko rito. Kung may galit kayo sa 'kin, ako lang ang sirain niyo. Wag niyong pakialaman si JD!"

Inalis lang naman nito ang mga kamay niyang nakakapit sa kwelyo nito. Inayos nito ang sarili na para bang walang nangyari, tapos muling inabot sa kanya 'yong puting sobre.

Nakangisi pa ito na para bang ito ang nagwagi sa laban. "Kung mahalaga sa 'yo ang kapatid mo, tatanggapin mo 'to at aalis ka na sa buhay ni Leila. Leave my sister alone."

• • •

NANGINGINIG PA ANG mga kamao ni Levi habang papunta sa pinakamalapit na banyo.

Pagkapasok sa loob, agad niyang tinungkod ang mga kamay sa lababo at sunod-sunod na nagpakawala ng malalalim na hininga para piliting kalmahin ang sarili.

Ang tapang ng loob ng Jerome na 'yon na pagbantaan ang buhay nilang magkapatid. Hindi niya matanggap na pati ang nakababatang kapatid niyang si JD ay idaramay pa ng pamilya ni Leila sa gulong pinasok niya.

Gigil siyang napasuklay sa buhok niya habang nakatapat pa rin sa salamin. Hindi na niya malaman ang gagawin niya ngayon. Ayaw niyang mapahamak ang kapatid niya, pero hindi niya rin naman magawang iwanan si Leila. Ngayon pa? Kung kailan hulog na hulog na siya rito?

Ilang beses niya na nga bang sinubukang layuan si Leila, lalo na noong nag-umpisa na siyang makatanggap ng mga tawag at text messages mula sa kuya nito. Hindi niya alam kung papaano nalaman ni Jerome ang number niya at ang tungkol sa lihim nilang relasyon. Basta ang alam niya, hindi ito titigil sa pagbabanta sa kanya hangga't hindi niya nilulubayan si Leila.

Nahihirapan na siya kaiisip sa kung anong pwedeng gawin. Sa tuwing nagtatangka kasi siyang makipaghiwalay, nararamdaman agad iyon ni Leila at umiiyak ito sa harapan niya. And it hurts him to see her Leila crying. Masyadong malambot ang puso niya para makita itong umiiyak nang ganoon. Aminado siyang mahina siya na tipong kaunting tampo lang ni Leila ay agad siyang tumitiklop.

Iniisip niya ang mangyayari rito kung sakaling makapaghiwalay na nga talaga siya; kung anong magiging reaksyon nito. Sigurado siyang may gagawin itong hindi maganda sa sarili. Kilalang-kilala niya si Leila. At ayaw niyang mangyari 'yon.

Tsk, bakit nga ba kasi pumasok pa siya sa ganitong sitwasyon? Bakit niya pa pinatulan ang sarili niyang estudyante, e alam niya namang malaking gulo lang iyon.

He doesn't know, but he just can't help himself from liking Leila. Totoo ang sinabi niya kanina kay Jerome na seryoso siya sa kapatid nito. Nagkaroon na rin naman siya ng mga girlfriend noon na kasing edad niya, pero hindi nag-work out ang mga relationships na 'yon. When he started teaching at St. Agnes and he saw Leila, that's when he realized he has a thing for young girls. As in very young girls.

Pinigilan niya naman noong una. Pinilit niyang pigilan. Alam niyang mali dahil napakalayo ng edad nila sa isa't isa, at bukod pa roon, estudyante niya si Leila. Napaka-immoral. Naisip niya nga, baka kailangan na yata niyang magpa-doktor dahil nahuhumaling siya sa bata. O baka talagang nagagandahan lang siya rito.

Pero hindi. Hindi lang 'yon. There's something about her. Gustong-gusto niya kung paano ito tumingin sa kanya at kung paano ito tumawa.

Gusto niya ang pagiging loner nito kapag napaliligiran ng ibang tao, ang pagiging playful nito kapag silang dalawa na lang ang magkasama, ang pagiging curious nito sa mga bagay-bagay. Ang sarap nitong alagaan at i-baby. Nahihirapan lang siya minsan kapag masyado na itong nagiging selfish at immature, pero iniintindi niya na lang. Bata e.

Isa pang nagustuhan niya ay ang matapang na personality nito—kahit na alam niyang iyon ang posibleng maging dahilan ng pagkabuko ng lihim nilang relasyon.

Napatuwid na lang siya tayo ngayon nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Pumasok ang co-teacher niyang lalaki.

"O, Levi. Nandito ka pa pala," sabi nito. "Akala ko umuwi ka na. Wala na kasi 'yong gamit mo sa faculty room. May estudyante ka palang dumaan do'n kanina. Magpapasa raw ng Christmas decor."

Hindi na siya sumagot. Bigla niya kasing naalala si Leila. Baka kanina pa 'yon nanghihintay sa classroom doon sa lumang building ng St. Agnes kung saan sila palihim na nagkikita tuwing Biyernes.

Dumaan muna siya sa bakeshop sa campus para bumili ng paboritong cake ni Leila bago siya tumuloy sa lumang building.

Hindi niya alam kung bakit niya pa 'yon ginawa. Sinasabi ng utak niyang tumigil na siya para sa ikatatahimik ng buhay nilang magkapatid, pero ayaw sumang-ayon ng puso niya. Gusto niya pa ring suyuin si Leila.

Alam niya kasing nagtatampo ito sa kanya dahil sa mga sinabi niya kagabi sa telepono. Hindi pa nga siya nito tine-text hanggang ngayon. Hindi tuloy siya nakatulog nang matino at nakapagturo nang maayos kanina dahil sa kaiisip. Ewan niya nga rin kung makikita niya ba si Leila sa lumang building ngayon, kung sisipot ba ito. Bahala na.

PAGKARATING SA LUMANG building ay nakita na agad niya si Leila na nakatayo at nakatalikod mula sa pwesto niya. Kinabahan siya dahil wala ito sa loob ng classroom kung saan sila nagkikita. Paano na lang kung may makahuli rito? Tsk, ang tigas talaga ng ulo.

"Leila," tawag niya habang naglalakad palapit. "Bakit nandito ka sa labas?"

Humarap ito sa kanya. Ang tamlay ng itsura nito at namamaga pa ang mga mata, halatang galing sa iyak.

Lumambot na naman tuloy agad ang puso niya dahil sa ayos ng kanyang Leila. Nang tuluyan na siyang makalapit ay hinaplos niya ito sa pisngi.

Yumuko naman ito.

"Bakit wala ka ro'n sa classroom?" malambing na aniya. "Baka may makakita sa 'yo rito."

Hindi ito nagsalita. Pinakita lang nito sa kanya ang hawak-hawak na digital camera. Kumukuha na naman pala ito ng mga litrato.

Inangat niya ang mukha nito at mapait na nginitian. "Galit ka ba sa 'kin? Bakit hindi ka nagsasalita? Hindi mo ako tine-text o tinatawagan. Kagabi pa ako naghihintay. Hindi mo ako pinatulog, alam mo ba 'yon?"

Inayos niya ang buhok nito sabay huminga nang malalim. "Hindi ka pa rin ba magsasalita? 'Di ba nag-sorry na ako sa 'yo kagabi? Bakit nagtatampo pa rin sa 'kin ang Leila ko?"

Napakagat ito ng ibabang labi. "Ikaw kasi."

Kitang-kita niya ang pangigilid ng luha sa mga mata nito. Alam niyang iiyak na naman ito kaya hinila na niya agad para yakapin nang mahigpit. "Wag kang iiyak. I'm sorry, baby. Wag ka nang magtampo."

Binitiwan niya ito makalipas ang ilang sandali at binigay na ang dala niyang box ng mango cake slice. "Look, I bought you something. It's your favorite."

Pinahid na ni Leila ang gilid ng mga mata nito sabay nginitian siya nang matamis. He likes it when she smiles at him like that. Ang ganda-ganda nito.

Tinanggap nito ang kahon ng cake bago nagsalita. "Ayoko kasing makipag-date sa Allen na 'yon. Wag mo akong payagang makipag-date sa kanya."

Napangiti rin siya at inipit ang ilang hibla ng buhok nito sa likod ng tainga nito. "Okay then. If that's what my Leila wants. Hindi ka makipagde-date sa kanya. Hindi ako papayag."

Bigla siya nitong niyakap nang mahigpit.

Napapikit na lang siya nang mariin sabay mura sa isip niya. Tsk, ano na naman bang ginagawa niya? Hindi niya talaga mahindian si Leila. Nasa kanya na yata talaga ang mali, e. Dapat layuan na niya ito simula ngayon, pero ano 'to at mas nilalagay niya pa ang mga sarili nila sa panganib.

"Hindi mo ako niyayakap?" biglang sabi ni Leila. May bahid ng pagtatampo sa tono ng boses nito.

Hindi niya natiis at niyakap niya na rin ito pabalik. Come on. How could he break up and leave this girl? Ibang-iba ito kung maglambing. Masarap magmahal dahil wala itong pakialam sa mga humahadlang sa kanila. Sana ganoon na lang din siya—'yong walang pakialam sa mga consequences na maaari niyang kaharapin. Pero hindi, e. Hindi ganoon kadali sa parte niya. Bukod kay Leila, may ibang tao pa siyang kailangan protektahan.

Matagal silang nanatili sa ganoong posisyon bago tuluyang kumalas si Leila mula sa pagkakayakap.

Ngumiti ito sa kanya. "'Di ba tuloy tayo bukas? Sabi mo magkikita tayo. Manood tayo ng sine. Excited ako!"

Natawa tuloy siya. Ang cute ni Leila kapag nae-excite. "Sige, magkikita tayo bukas. Anong oras mo gusto?"

"10 AM! Para mas matagal tayong magkasama. Mamaya na lang ako magpapaalam kay Jerome. Susunduin mo ba ako sa village namin?"

"Gusto mo ba?"

Masaya itong tumango-tango. "Syempre! Magsusuot ako ng maganda!"

He chuckled. "Bakit? Maganda ka naman na, ah."

Biglang namula ang mga pisngi ni Leila. Pansin na pansin dahil mestiza ito. Umiwas ito ng tingin at nagpigil ng ngiti.

Hinabol niya naman ang mga mata nito at hinawakan pa ito sa baba para ibalik ang tingin nito sa kanya. "You're blushing. I like it."

She smiled sweetly. "Excited ako bukas. Iiyak ako kapag hindi tayo natuloy."

"Matutuloy tayo. Don't worry."

"Promise?"

"Kailangan ko pa bang mag-promise? Kailan ba ako hindi tumupad sa mga sinabi ko sa 'yo?"

Ngumuso ito at nagpadyak pa ng paa. "Mag-promise ka kasi!"

Natawa siya. "Okay. I promise."

Muli itong ngumiti, tapos pumikit nang mariin.

He already knows what to do next.

Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at dapat hahalikan na ito sa gilid ng labi, pero natigilan siya nang makarinig ng ingay ng nagkalampagang mga kahoy.

Taranta silang napatingin sa entrance ng lumang building kung saan nanggaling ang ingay. Wala siyang napansing tao roon, pero siguradong-sigurado siyang may nakakita sa kanila.

Nilayo niya si Leila mula sa kanya at ma-awtoridad itong inutusan. "Go home. Now!"

Dali-dali siyang umalis pagkatapos para sundan kung sino man 'yong nakabuko sa sikreto nila.

Gusto niya pa sanang yakapin ulit si Leila nang mahigpit dahil mukhang ito na ang huli nilang pagkikita, pero hindi na niya nagawa.

• • •

Continue Reading

You'll Also Like

470K 33.7K 68
What if aside from being worlds apart, one acts on impulse and believe in signs and the other depends on logic? This is an alternate universe (AU) wh...
196K 1.1K 6
Bella Isidro is a pastry chef by profession. Armed with height, gorgeous body, doll face, and intelligence, she is on her way to her biggest competit...
71.1K 4.2K 17
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1K 183 34
"Kita mo 'yan?" tiningnan ko kung saan nakaturo ang daliri niya. I smiled when I saw the beautiful sky. She smiled at me. "Mahal ka niyan.." Genre: R...